Share

CHAPTER 3

Author: Jazz Mine
last update publish date: 2020-11-06 07:21:02

CHAPTER 3

"Hello, everyone!”

Agad na tinigil ng kaniyang mga staff ang ginagawa nang magsalita si Sir Ronwaldo.

“Hi, Sir!”

Sakto naman na may mga sobra pang monoblock sa paligid kaya kumuha ng mauupuan si Sir Ronwaldo at umupo paharap sa kaniyang mga tauhan. Samantalang si Jc ay nanatili na lang na nakatayo at hindi maipinta ang mukha dahil sa nakakabiglang anunsiyo ng kaniyang ama. Ganoon pa man, tila kilig na kilig naman ang kaniyang mga babaeng staff - mas lalo na ang kanilang bading na kasama na si Lara sa pagsulyap sa nakasimangot na si Jc.

Seriously, ano bang mayroon sa kumag na iyon at kung kiligin ang mga ito ay parang mga bulate? Wala akong makitang extra ordinary sa lalaking iyan. Nakakapang-init talaga ng ulo ang Lunes na ito!

“Sorry if I keep you all waiting. So, everyone, I know that since this store opened nine months ago, ito pa lang ang pangalawang pagkakataon na binisita ko itong tindahan. And so far, wala akong makitang problema related to sales and manpower dahil consistent kayong target sa ating quota at mababait ang mga staff ni Alex dito. I’m so happy because the Alabang branch continues the good reputation our company. Hindi man ako regularly bumibisita dito, iyon ay dahil may tiwala ako sa kakayahan ni Alex.” Saglit siyang sumulyap kay Sir Ronwaldo na siyang kinatabingi ng pagkakangiti niya. Hindi niya kasi talaga mahulaan kung ano ang gusto ipahiwatig ng mukhang binatang matanda. “At dahil magaling si Alex sa pag-handle ng tao at store, gusto ko rin ipagkatiwala sa kaniya ang aking anak, si Jc.”

“A-ano po?!”

“W-what?!”

Pakiramdam ni Alex ay dumoble at lumaki ang boses niya nang isigaw niya iyon. Pero nakakapagtaka lang dahil parang nagkaroon din iyon ng English version.

“I’m proudly announce that my eldest son, Jc, will be working with you as your Store Manager starting tomorrow.”

“Dad!” malakas na sigaw ni Jc na kinabigla ng kaniyang mga kasamahan

“Why? Isn’t that great? It’s a good practice so that you will know how to run a business. You will be the next CEO of our company and I want you to be ready when that time come.”

Halatang gusto pang makipag-argumento ni Jc sa kaniyang ama pero hindi na nito tinuloy. “Let’s talk about it later, Dad. I don’t want to ruin our day so if you excuse me, I have to go.”

Aba’t! Ang yabang talaga ng hambog na ito. Ganiyan ba siya rumespeto ng magulang? Nagngingitngit sa inis na sigaw ni Alex sa kaniyang isip.

Sinulyapan ni Alex si Sir Ronwaldo na noo’y tahimik lang na nakatingin sa palayong binata. Hindi nakaligtas sa kaniya ang malungkot nitong mukha habang nakatanaw sa anak.

“Sir.”

Lumingon naman ito sa kaniya ng may ngiti sa labi. “Yes, Alex?”

“Sigurado po ba kayo na dito niyo pagtatrabahuhin ang anak niyo?”

“Yes, is there any problem?”

“Ah eh, wala naman po, Sir. Inaalala ko lang po ang inyong anak at ang mga staff ko. Halata po kasi kay Sir Jc ang pagtutol nang sinabi niyo iyon. Bakit nga naman siya magtatrabaho na kasama kami dito sa store kung mapa-practice naman niya ang inyong negosyo kahit sa main office ng Sharco Corporation siya magtrabaho?”

“Ma’am Alex, h’wag niyo naman ipagtulakan si Jc palayo sa’min. Ito na ang pagkakataon namin na makasama siya rito kaya pumayag na po kayo,” singit ni Melanie.

Pinandilatan niya ito ng mata nang makita niya ang kaniyang mga babaeng staff na nagsusumamo na pumayag na siyang makasama si Jc sa trabaho. Para namang may kontrol siya sa puwedeng mangyari eh 'di hamak na empleyado lamang siya ng kompanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Jc.

“Sir Ronwaldo, dito na lang po sa amin si Sir Jc. Mababait po kami dito kaya hindi po kayo magsisisi kung dito magte-training si Sir Jc.” Hindi siya makapaniwala na ang kanilang encoder na si Lorraine na tahimik lang ay may tinatago rin palang kalandian sa katawan.

Bakit ang dami naman yata nahuhumaling sa hambog na iyon?

“Don’t worry, he don’t have any choice but to accept my orders. Kailangan niya ito kung interesado talaga siya na maging CEO ng Sharco Corporation.”

“Se-seryoso…Sir?” Hindi niya talaga mapaniwalaan na makakasama niya sa trabaho ang taong iyon na sobrang kinaiinisan niya. Hindi pa rin kasi siya maka-move on na pinagkamalan siya nitong Janitress. Masyado siyang maganda para maging Janitress lang ‘no.

“Yes, I am. As what I’ve said earlier, magaling ka mag-handle ng tao at tindahan. Tiyak na marami siyang matututunan sa iyo kaya gusto ko ipagkatiwala sa’yo ang aking anak. Sana ay tulungan mo siya, Alex.”

Sino naman siya para tumanggi?

H’wag kayong mag-alala, Sir Ronwaldo, pahihirapan ko lamang po ang inyong anak. Gagawin ko siyang Janitor dito sa tindahan niyo. Hahaha!

Para namang kaya niya gawin iyon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 8

    CHAPTER 8“Ugh! Buwisit talaga! Buwisit!” Nanggigigil sa galit si Alex habang naglalakad sa loob ng mall.Buwisit na buwisit siya dahil tinakasan siya ng dalawang ungas na iyon. Ang unang tinutukoy niya ay si Lara. Hindi niya nabugbog ang bakla kanina dahil naka-schedule na ito mag-halfday sa araw na iyon. Nagpaalam na ito sa kanilang boss one week ahead na may importante itong aasikasuhin kaya maaga ito umuwi kanina. Habang ang pangalawang ungas naman na si Jc ay maaga rin umuwi dahil may importante raw itong pupuntahan."Daming dahilan. Talagang tinakasan niyo lang ako," parang baliw na kausap niya sa kaniyang sarili.

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 "Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo riyan, Lara. Para kang namatayan ah." Imbes na makaramdam ng awa ay naiinis pa siya sa pag-atungal nito sa kaniyang tabi."Madam, naman eh. Mas masahol pa ako sa namatay. Hindi ko talaga matanggap eh. Ang sakit-sakit. Mas masakit pa sa naging break-up namin ng boyfriend ko." Hindi naman talaga ito tunay na umiiyak dahil wala naman siyang makitang luha mula sa mata nito."Huwag kang ilusyonada. Wala kang jowa kaya tigil-tigilan mo ako riyan sa kakadrama mo.""Eh kasi naman, Madam. Ayoko tangg

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 6

    CHAPTER 6HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Alex sa natuklasan na kasarian ni Jc. Walang bakas ng kabaklaan sa katawan, sa hitsura, sa pananamit, sa kilos, at maski sa boses nito magmula nang makilala niya ito. Pero nang dahil sa hindi sinasadyang pangyayari kahapon ay natuklasan niya ang pinakatatago-tago nitong sikreto. Paniguradong walang kamalay-malay si Sir Ronwaldo tungkol sa totoong pagkatao ng kaniyang anak.Patungo siya ngayon sa eskwelahan ng kaniyang pamangkin para manood ng stage play nito. Naroon na ang kaniyang Ate Celestine at kanilang mga magulang. Hindi alam ng mga ito na day off niya mula sa trabaho. Gusto niyang supresahin si Hayden kaya naman sinadya niya talagang huwag ipaalam ang tungkol sa pagpunta niya. 

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTERS 5

    CHAPTER 5“Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Daddy sa’yo at puring-puri ka niya. I don’t know what would he says once he discover that his Most Valuable Employee is having an attitude problem. I feel so disappointed for him.”“Teka lang, Mister ─”“See? You’re calling me Mister instead Sir Jc? Is that the right thing to call me as your boss?”Nanggigigil na talaga siya sa kahambogan ni Jc pero kahit pa na anak ito ni Sir Ronwaldo at sila ang nagpapasahod, hinding-hindi na niya hahayaan na maulit muli ang nangyari sa pagitan nila isang taon na ang nakararaan.&nbs

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 4

    CHAPTER 4ABALA nang araw na iyon ang lahat ng empleyado ng Sharco Printing. Maski siya ay sobrang abala din sa pakikipag-usap kay Teacher Anne, ang guro ng kaniyang pamangkin na magpapagawa ng School P.E Uniform.“Ito na po ba ang final order niyo, Ma’am Anne?” magalang niyang tanong sa kausap na tantiya niya ay halos ka-edad lang naman niya.“Yes, Miss Alex. Pahabol na order na lang iyan. Hindi namin inaasahan ang pagdami ng estudyante ngayong taon kaya hayan, kinapos tuloy kami.”“Naku, parang daig mo pa pala ang may anak sa propesiyon mo, Ma’am Anne.”

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 3

    CHAPTER 3"Hello, everyone!”Agad na tinigil ng kaniyang mga staff ang ginagawa nang magsalita si Sir Ronwaldo. “Hi, Sir!”Sakto naman na may mga sobra pang monoblock sa paligid kaya kumuha ng mauupuan si Sir Ronwaldo at umupo paharap sa kaniyang mga tauhan. Samantalang si Jc ay nanatili na lang na nakatayo at hindi maipinta ang mukha dahil sa nakakabiglang anunsiyo ng kaniyang ama. Ganoon pa man, tila kilig na kilig naman ang kaniyang mga babaeng staff - mas lalo na ang kanilang bading na kasama na si Lara sa pagsulyap sa nakasimangot na si Jc. Seriously, ano bang mayroon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status