Share

CHAPTER 6

Author: Jazz Mine
last update publish date: 2020-11-07 10:52:18

CHAPTER 6

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Alex sa natuklasan na kasarian ni Jc. Walang bakas ng kabaklaan sa katawan, sa hitsura, sa pananamit, sa kilos, at maski sa boses nito magmula nang makilala niya ito. Pero nang dahil sa hindi sinasadyang pangyayari kahapon ay natuklasan niya ang pinakatatago-tago nitong sikreto. Paniguradong walang kamalay-malay si Sir Ronwaldo tungkol sa totoong pagkatao ng kaniyang anak.

Patungo siya ngayon sa eskwelahan ng kaniyang pamangkin para manood ng stage play nito. Naroon na ang kaniyang Ate Celestine at kanilang mga magulang. Hindi alam ng mga ito na day off niya mula sa trabaho. Gusto niyang supresahin si Hayden kaya naman sinadya niya talagang huwag ipaalam ang tungkol sa pagpunta niya.

Malapit na siya sa gate ng eskwelahan nang matanaw niya na lumalabas mula roon ang ilang mga batang estudyante. Bawat bata ay may mga magulang na kasama. Kung hindi siguro magulang, ay baka ate, kuya, tita, tito, ninong, ninang, lolo at lola ng mga bata.

Tarantang kinuha niya mula sa kaniyang shoulder bag ang cellphone at chineck sa calendar kung anong oras ang simula ng stage play ng kaniyang pamangkin. Nanlaki ang mata niya kasabay sa pagbuka ng kaniyang bibig nang malaman niyang dalawang oras na pala siyang late! Alas-otso pala ang simula ng programa pero heto at nakarating siya sa eskwelahan ng pasado alas-diyes.

Nasapo niya ang noo sa nagawang kapalpakan. Kung bakit kasi hindi niya muling inalam ang siguradong oras mula sa kaniyang Ate Celestine. Akala pa naman niya ay magagawa na niyang magtagumpay sa kaniyang plano dahil matagal ng inuungot sa kaniya ni Hayden ang pagbisita niya sa eskwelahan nito. Mula kasi ng magsimula ang pasukan, hindi pa niya naihahatid o nasusundo ang kaniyang pamangkin.

Laglag balikat na naghintay na lang siya mula sa labas. Ililibre na lang niya ito sa Jolibee para hindi magtampo ang bata sa kaniya.

Dahil medyo tirik na ang araw ay naghanap siya ng masisilungan. Sumilong siya sa isang malaking tindahan na malapit mismo sa gate ng school nang may mahagip ang mata niya. Isang bakla na may malaking katawan ang nakaagaw ng kaniyang pansin. Kalalabas lang nito sa tarangkahan ng eskwelahan at may kasama itong batang babae. Napansin din niya ang dalawang lalaki na nakabuntot sa dalawa. Siguro ay bodyguard ang mga iyon. Nakasuot ito ng spaghetti black night dress, black high heels na tantiya niya ay two inches ang taas ng takong, may cutics na kulay pula ang daliri sa paa at kamay. May suot itong shade na siyang humaharang sa mata nito. Pero base sa hugis ng mukha nito at sa tangos ng ilong, malakas ang wifi connection niya na guwapong bakla ito. Siguradong wig din ang suot nito sa ulo dahil sa hindi maayos na pagkakalagay nito. Bongga ang kolorete nito sa katawan dahil sa suot na malaking hikaw, pulseras at kuwintas na binagayan din ng bonggang red lipstick.

Grabe ang muscle nito. Sobrang awkward! Machong bakla!

Gusto niyang matawa sa ayos nito. Napaka-weird naman kasi talaga na makakita ng bakla na katulad niya. Ang macho, ang laki ng muscle, ang ganda ng balikat. Lalaking-lalaki sana ang dating pero bading naman. Sayang ang lahi nito kung hindi man lang malalahian ng katulad niyang mala-diyosa sa kagandahan.

Kung siya ay machong bakla, ikaw naman ay dakilang baklang assumera! saway niya sa kaniyang sarili.

"Tito, you're so galing po kanina! You're the best!" saad ng cute na batang babae na kahawak-kamay nito.

"Really? Are you proud of your Tita Mommy?" Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kaniya habang ang batang babae ay nakaharap sa direksiyon niya.

Sandaling tumigil ang mga ito sa harapan niya dahil sa may ka-text siguro ang matronang bakla dahil abala ito sa pagdutdot sa cellphone nito habang nakikipag-usap sa bata.

Narinig niya ang mahinhin na pagbungisngis ng batang babae. "Yes! I'm so proud of you, Tita Mommy. If Mommy and Daddy was here, I'm sure they will both clap their hands kasi you are very magaling!" Niyakap siya ng bata na umabot lang hanggang bewang nito.

"Thank you, Viv. So, where do you want us to go?" Tinigil na nito ang pagpindot sa cellphone at nakita niyang hinubad na nito ang suot na shade. Parang na-excite siya na makita ang mukha nito kaya pasimple siyang lumapit sa mga ito.

"Jolibee!" masayang sigaw ng bata na tinawag niyang Viv.

Hindi na siya nahirapan na makita pa ang mukha nito dahil bigla itong umikot paharap sa kaniya. Gayon na lamang ang pagkamangha niya nang tuluyan na niyang makita ang hitsura nito.

"Oh my."

Akala niya ay mahuhuli siya nitong nakatingin pero nilampasan lang siya ng mga ito, kasama ang dalawang bodyguard. Tumungo ang mga ito sa nakaparadang van sa gilid ng kalsada at sumakay na kasama si─ Jc.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 8

    CHAPTER 8“Ugh! Buwisit talaga! Buwisit!” Nanggigigil sa galit si Alex habang naglalakad sa loob ng mall.Buwisit na buwisit siya dahil tinakasan siya ng dalawang ungas na iyon. Ang unang tinutukoy niya ay si Lara. Hindi niya nabugbog ang bakla kanina dahil naka-schedule na ito mag-halfday sa araw na iyon. Nagpaalam na ito sa kanilang boss one week ahead na may importante itong aasikasuhin kaya maaga ito umuwi kanina. Habang ang pangalawang ungas naman na si Jc ay maaga rin umuwi dahil may importante raw itong pupuntahan."Daming dahilan. Talagang tinakasan niyo lang ako," parang baliw na kausap niya sa kaniyang sarili.

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 "Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo riyan, Lara. Para kang namatayan ah." Imbes na makaramdam ng awa ay naiinis pa siya sa pag-atungal nito sa kaniyang tabi."Madam, naman eh. Mas masahol pa ako sa namatay. Hindi ko talaga matanggap eh. Ang sakit-sakit. Mas masakit pa sa naging break-up namin ng boyfriend ko." Hindi naman talaga ito tunay na umiiyak dahil wala naman siyang makitang luha mula sa mata nito."Huwag kang ilusyonada. Wala kang jowa kaya tigil-tigilan mo ako riyan sa kakadrama mo.""Eh kasi naman, Madam. Ayoko tangg

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 6

    CHAPTER 6HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Alex sa natuklasan na kasarian ni Jc. Walang bakas ng kabaklaan sa katawan, sa hitsura, sa pananamit, sa kilos, at maski sa boses nito magmula nang makilala niya ito. Pero nang dahil sa hindi sinasadyang pangyayari kahapon ay natuklasan niya ang pinakatatago-tago nitong sikreto. Paniguradong walang kamalay-malay si Sir Ronwaldo tungkol sa totoong pagkatao ng kaniyang anak.Patungo siya ngayon sa eskwelahan ng kaniyang pamangkin para manood ng stage play nito. Naroon na ang kaniyang Ate Celestine at kanilang mga magulang. Hindi alam ng mga ito na day off niya mula sa trabaho. Gusto niyang supresahin si Hayden kaya naman sinadya niya talagang huwag ipaalam ang tungkol sa pagpunta niya. 

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTERS 5

    CHAPTER 5“Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Daddy sa’yo at puring-puri ka niya. I don’t know what would he says once he discover that his Most Valuable Employee is having an attitude problem. I feel so disappointed for him.”“Teka lang, Mister ─”“See? You’re calling me Mister instead Sir Jc? Is that the right thing to call me as your boss?”Nanggigigil na talaga siya sa kahambogan ni Jc pero kahit pa na anak ito ni Sir Ronwaldo at sila ang nagpapasahod, hinding-hindi na niya hahayaan na maulit muli ang nangyari sa pagitan nila isang taon na ang nakararaan.&nbs

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 4

    CHAPTER 4ABALA nang araw na iyon ang lahat ng empleyado ng Sharco Printing. Maski siya ay sobrang abala din sa pakikipag-usap kay Teacher Anne, ang guro ng kaniyang pamangkin na magpapagawa ng School P.E Uniform.“Ito na po ba ang final order niyo, Ma’am Anne?” magalang niyang tanong sa kausap na tantiya niya ay halos ka-edad lang naman niya.“Yes, Miss Alex. Pahabol na order na lang iyan. Hindi namin inaasahan ang pagdami ng estudyante ngayong taon kaya hayan, kinapos tuloy kami.”“Naku, parang daig mo pa pala ang may anak sa propesiyon mo, Ma’am Anne.”

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 3

    CHAPTER 3"Hello, everyone!”Agad na tinigil ng kaniyang mga staff ang ginagawa nang magsalita si Sir Ronwaldo. “Hi, Sir!”Sakto naman na may mga sobra pang monoblock sa paligid kaya kumuha ng mauupuan si Sir Ronwaldo at umupo paharap sa kaniyang mga tauhan. Samantalang si Jc ay nanatili na lang na nakatayo at hindi maipinta ang mukha dahil sa nakakabiglang anunsiyo ng kaniyang ama. Ganoon pa man, tila kilig na kilig naman ang kaniyang mga babaeng staff - mas lalo na ang kanilang bading na kasama na si Lara sa pagsulyap sa nakasimangot na si Jc. Seriously, ano bang mayroon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status