Share

CHAPTER 4

Author: Jazz Mine
last update publish date: 2020-11-06 07:24:12

CHAPTER 4

ABALA nang araw na iyon ang lahat ng empleyado ng Sharco Printing. Maski siya ay sobrang abala din sa pakikipag-usap kay Teacher Anne, ang guro ng kaniyang pamangkin na magpapagawa ng School P.E Uniform.

“Ito na po ba ang final order niyo, Ma’am Anne?” magalang niyang tanong sa kausap na tantiya niya ay halos ka-edad lang naman niya.

“Yes, Miss Alex. Pahabol na order na lang iyan. Hindi namin inaasahan ang pagdami ng estudyante ngayong taon kaya hayan, kinapos tuloy kami.”

“Naku, parang daig mo pa pala ang may anak sa propesiyon mo, Ma’am Anne.”

“Sinabi mo pa. Hindi ko nga alam kung magkaka-lovelife pa ako ng lagay na ito eh. Nagmumukha na akong losyang kasasaway sa mga chikiting na makukulit. Mabuti na nga lang at mabait si Hayden. Bawas din sa batang magbibigay ng wrinkles sa mukha ko.”

Kita niya ang dalawang sungki sa magkabilang bahagi ng ngipin nito. Ganoon pa man, maganda ang ngipin nito at mapuputi. Hindi nga lang niya magawang itanong kung may plano ba itong ipatanggal ang sungki nitong ngipin dahil baka ma-offend ito. Pinigilan na lamang niya ang kaniyang bibig na makapagsalita pa ng kung anu-ano.

“Siya nga pala, in two weeks from now, gaganapin ang stage play nila Hayden. I hope you could come para mapanood mo kung gaano kagaling ang pamangkin mo.”

“Of course naman, ako pa ba? Lahat gagawin ko para sa ikasisiya ng pamangkin ko.”

“Kung bakit kasi hindi ka pa mag-asawa para naman may kalaro na si Hayden.”

“Ikaw na muna mauna, Ma’am Anne.”

Natawa na naman ito at kita na niya ang kabuuan ng bibig nito

Sayang ang ngipin nito kung hindi mapapaayos.  Sa isip-isip niya.

“Loka ka. Ayoko muna. Medyo natutuwa pa ako sa mga magugulong bata na kasama ko eh. I-e-enjoy ko muna ito habang wala pa ang aking Mr. Right.”

Natawa siya ng mapakla sa term na ginamit ni Teacher Anne. “Serious? Mr. Right talaga? Uso pa ba iyon?”

“Why? Ang bitter mo yata? Mukhang may hugot ka diyan ah.”

“Wala ng Mr. Right dahil halos lahat ng iyon ay nagiging Ms. Right na.”

Napakunot-noo ang kaniyang kausap sa sinabi niya. Mukhang hindi nito naintindihan kaya naman agad din niyang pinaliwanag. “You know, bad guy with a handsome face. Then the body is so yummy because of abs, biceps and the like, makalaglag t-back kumbaga, tapos magugulat ka na lang dahil may ka-boom!”

“Huh? Ka-boom?” Gumuhit ang isang linya sa noo nito sa sinabi niya.

Teacher ba talaga ito? Bakit parang ang slow? 

Bubuka pa lang sana ang bibig niya nang may marinig siyang tumikhim sa likod niya. Nilingon niya kung kanino galing iyon at sumalubong sa kaniya ang naniningkit na mata ni Jc.

Hindi ito nakasuot ng uniporme kagaya nila. Ano pa nga ba ang aasahan niya sa anak ng may-ari? Syempre gagawa ito ng sarili nitong rules sa sarili nitong teritoryo. Kahit pa sabihing Sabihing Store Manager ito at Supervisor lang siya.

Isang linggo na rin nila itong kasama at hanggang ngayon ay limitado ang pakikipag-usap nito sa kanila. Palalapitin lang sila nito sa tuwing may kailangan. Kahit suplado ang datingan ng hambog na lalaking iyon, hindi niya malaman kung bakit sobrang kilig na kilig ang kaniyang mga babaeng empleyado rito.

“Most Valuable Employee? Kaya pala…” Nakahalukipkip ito habang nakatitig sa kaniya. Simpleng white round neck T-shirt at faded blue jeans ang suot nito na tinernuhan ng black Vans. Style kanto lang kung tutuusin pero parang kinurot ang singit niya sa nakitang ayos ng kaniyang “Boss”.

Ano ba Alex? ‘Wag kalandian ang nasa isip. Tandaan mo na minsan ka na niyang inutusan na lampasuhin ang sahig dahil sa nagkalat na kape. Isaksak mo sa isip mo na hindi siya guwapo, pogi, cute, macho, mabango, malakas ang sex appeal ─

“Shut up!” galit na wika niya.

Napamaang si Jc sa tinuran niya. Maski si Teacher Anne ay napanganga sa inasal niya. Ang mga empleyado ng Sharco at ilang customer na nasa loob ay napatingin din sa gawi niya.

Shit ka, Alex! Wala ka talaga sa katinuan.

“Come to my office, Miss Alex,” nanlilisik ang mata na utos sa kaniya ni Jc. Bumalik na ito sa opisina habang siya naman ay naiwang tulala.

“Miss Alex, okay ka lang? Ano bang nangyari? Bakit mo naman sinigawan si Mr. Right?” nagtatakang tanong ni Teacher Anne sa kaniya.

Kumunot ng bahagya ang kaniyang noo nang marinig na naman niya ang term na iyon ng dalagang guro. “Mr. Right?! Mayroon bang Mr. Right na hambog sa kayabangan?!” nanggagalaiti niyang tanong

Wala siyang pakialam kung customer nila ito at teacher ito ng kaniyang pamangkin. Hindi niya lang kayang sikmurain na ihahalintulad ni Teacher Anne na Mr. Right daw si Jc.

*****

KUYOM ang kamao ni Alex sa kaniyang likuran habang nakatitig kay Jc. Kanina pa niya minumura ito sa isip habang si Jc naman ay panay ang sermon sa kaniya sa loob ng opisina nito. Ang bastos pa dahil hindi man lang siya pinaupo nito sa pandalawang upuan na nasa magkabilang gilid ng mesa.

“You must learn the right manners, Miss Alex.” Seryoso ang matang nakatitig ito sa kaniya habang nakaupo sa swivel chair. Ang mga siko nito ay nakatukod sa ibabaw ng mesa nito habang ang kamay ay magkasalikop.

“Pardon?”

“Kailangan mo pa siguro bumalik sa pag-aaral para matuto ng magandang asal.”

“W-what?!” Hindi niya mapigilan ang hindi tumaas ang boses sa sinabi nito sa kaniya. “Magandang asal ba ka’mo?”

“Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Daddy sa’yo at puring-puri ka niya. I don’t know what would he says once he discover that his Most Valuable Employee is having an attitude problem. I feel so disappointed for him.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 8

    CHAPTER 8“Ugh! Buwisit talaga! Buwisit!” Nanggigigil sa galit si Alex habang naglalakad sa loob ng mall.Buwisit na buwisit siya dahil tinakasan siya ng dalawang ungas na iyon. Ang unang tinutukoy niya ay si Lara. Hindi niya nabugbog ang bakla kanina dahil naka-schedule na ito mag-halfday sa araw na iyon. Nagpaalam na ito sa kanilang boss one week ahead na may importante itong aasikasuhin kaya maaga ito umuwi kanina. Habang ang pangalawang ungas naman na si Jc ay maaga rin umuwi dahil may importante raw itong pupuntahan."Daming dahilan. Talagang tinakasan niyo lang ako," parang baliw na kausap niya sa kaniyang sarili.

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 "Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo riyan, Lara. Para kang namatayan ah." Imbes na makaramdam ng awa ay naiinis pa siya sa pag-atungal nito sa kaniyang tabi."Madam, naman eh. Mas masahol pa ako sa namatay. Hindi ko talaga matanggap eh. Ang sakit-sakit. Mas masakit pa sa naging break-up namin ng boyfriend ko." Hindi naman talaga ito tunay na umiiyak dahil wala naman siyang makitang luha mula sa mata nito."Huwag kang ilusyonada. Wala kang jowa kaya tigil-tigilan mo ako riyan sa kakadrama mo.""Eh kasi naman, Madam. Ayoko tangg

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 6

    CHAPTER 6HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Alex sa natuklasan na kasarian ni Jc. Walang bakas ng kabaklaan sa katawan, sa hitsura, sa pananamit, sa kilos, at maski sa boses nito magmula nang makilala niya ito. Pero nang dahil sa hindi sinasadyang pangyayari kahapon ay natuklasan niya ang pinakatatago-tago nitong sikreto. Paniguradong walang kamalay-malay si Sir Ronwaldo tungkol sa totoong pagkatao ng kaniyang anak.Patungo siya ngayon sa eskwelahan ng kaniyang pamangkin para manood ng stage play nito. Naroon na ang kaniyang Ate Celestine at kanilang mga magulang. Hindi alam ng mga ito na day off niya mula sa trabaho. Gusto niyang supresahin si Hayden kaya naman sinadya niya talagang huwag ipaalam ang tungkol sa pagpunta niya. 

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTERS 5

    CHAPTER 5“Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Daddy sa’yo at puring-puri ka niya. I don’t know what would he says once he discover that his Most Valuable Employee is having an attitude problem. I feel so disappointed for him.”“Teka lang, Mister ─”“See? You’re calling me Mister instead Sir Jc? Is that the right thing to call me as your boss?”Nanggigigil na talaga siya sa kahambogan ni Jc pero kahit pa na anak ito ni Sir Ronwaldo at sila ang nagpapasahod, hinding-hindi na niya hahayaan na maulit muli ang nangyari sa pagitan nila isang taon na ang nakararaan.&nbs

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 4

    CHAPTER 4ABALA nang araw na iyon ang lahat ng empleyado ng Sharco Printing. Maski siya ay sobrang abala din sa pakikipag-usap kay Teacher Anne, ang guro ng kaniyang pamangkin na magpapagawa ng School P.E Uniform.“Ito na po ba ang final order niyo, Ma’am Anne?” magalang niyang tanong sa kausap na tantiya niya ay halos ka-edad lang naman niya.“Yes, Miss Alex. Pahabol na order na lang iyan. Hindi namin inaasahan ang pagdami ng estudyante ngayong taon kaya hayan, kinapos tuloy kami.”“Naku, parang daig mo pa pala ang may anak sa propesiyon mo, Ma’am Anne.”

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 3

    CHAPTER 3"Hello, everyone!”Agad na tinigil ng kaniyang mga staff ang ginagawa nang magsalita si Sir Ronwaldo. “Hi, Sir!”Sakto naman na may mga sobra pang monoblock sa paligid kaya kumuha ng mauupuan si Sir Ronwaldo at umupo paharap sa kaniyang mga tauhan. Samantalang si Jc ay nanatili na lang na nakatayo at hindi maipinta ang mukha dahil sa nakakabiglang anunsiyo ng kaniyang ama. Ganoon pa man, tila kilig na kilig naman ang kaniyang mga babaeng staff - mas lalo na ang kanilang bading na kasama na si Lara sa pagsulyap sa nakasimangot na si Jc. Seriously, ano bang mayroon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status