Mag-log in"Madam, naman eh. Mas masahol pa ako sa namatay. Hindi ko talaga matanggap eh. Ang sakit-sakit. Mas masakit pa sa naging break-up namin ng boyfriend ko." Hindi naman talaga ito tunay na umiiyak dahil wala naman siyang makitang luha mula sa mata nito.
"Huwag kang ilusyonada. Wala kang jowa kaya tigil-tigilan mo ako riyan sa kakadrama mo."
"Eh kasi naman, Madam. Ayoko tanggapin. Hindi katanggap-tanggap iyang chismis mo tungkol kay Sir Jc. Wala akong makitang bahid ng pagka...pagka...bading mula sa kaniya. That is very impossible talaga, Madam!"
"Eh 'di huwag kang maniwala. Hindi naman kita pinipilit eh. Pasalamat ka pa nga at sinabi ko pa sa'yo eh. Gusto lang kita gisingin sa kakapantasya mo sa boss natin. Mahirap at masakit umasa."
Umagang-umaga ay iyon na agad ang chinismis niya sa kaniyang empleyado na si Lara. Hindi pa man nagbubukas ang mall ay iyon na agad ang inatupag nilang dalawa ─ ang mag-chismisan. Kay Lara niya unang kinuwento dahil malamang, kalahi ng boss niya eh.
"Wala ka talagang awa, Madam. Talagang gusto mo ako saktan. Abot-kamay ko lang ang lalaking pinapantasya ko araw-gabi tapos hahatiran mo ako ng ganitong chismis. I kenat!" ekseheradong reaksiyon nito.
"Hoy, Lara! Iyang bunganga mo! Abot 'gang labas ng mall," natatawang asar ni Kuya Rolland, ang kanilang matandang security staff.
"Tse!" pagmamataray nito.
Silang tatlo pa lang naman sa loob ng tindahan kaya malaya pa siya nakakapagkuwento kay Lara. Medyo may kalayuan din naman ang puwesto ni Kuya Rolland kaya ayos lang na mag-chismisan muna silang dalawa.
"Sige na, mag-asikaso ka na ng gagawin mo for today. At ako'y kikilos na rin bago pa tayo maabutan ng bading mong boss." Pumunta na siya sa counter para i-check ang mga documents na ginawa ng mga closing shift kahapon.
"Hindi ako papayag, Madam, na ako lang ang masasaktan. Dapat na ipaalam din natin ito kanila Melanie, Vivian at Lorraine." Nagpapapadyak na sumunod sa kaniya si Lara.
"Igaya mo pa sila sa'yo. Hindi masasaktan ang mga iyon dahil may dyowa naman ang mga iyon 'no. Sige na at kumilos ka na. Tambak pa ang gagawin natin for printing today," pagtataboy niya. Inabala na niya ang kaniyang sarili sa mga paper work na kahaharapin ngayong araw.
"Kung ayaw mong i-kuwento sa kanila, Madam, ako na lang ang magchi-chika sa kanila tungkol sa chismis mo na wala namang ebidensiya." Hindi na niya inabala pa ang kaniyang sarili na tingnan si Lara kahit nasa harap niya lang ito at nakatunghay sa kaniya.
"It's the first day of the week and yet, you are busy with your chit-chat, Ms. Alex and Lara."
Natigilan si Alex sa kaniyang ginagawa. She knew that voice. That fucking irritating and hateful voice. It was her boss. Or should she say, si Pamintang Durog.
Hinarap niya ang kaniyang boss na nakatayo na pala sa likod ni Lara. Binigyan niya ng ngiti ang kaniyang boss kahit papilit nga lang. "Oh, hi, Sir Jc! Good morning!" kunyari ay gulat niyang sabi.
"Lara, you should start working by now. Hindi ka ba sinabihan ni Ms. Alex about sa target sales natin for this month?"
Buwisit ito! Tarayan ba ang pagbati ko sa kaniya. Buti nga at pinipilit ko pa maging sweet sa kaniya kahit nakakasuka naman.
"Sir Jc!"
Nagulat si Alex nang makita niya si Lara na yumakap sa kanilang boss. At mas lalo niyang kinagulat ang luhang naglandas sa pisngi nito.
Kung nagulat man si Alex sa naging kilos ni Lara, iba naman ang naging reaksiyon ni Jc. Na siyang pinagtaka ni Alex dahil hindi niya ito kinakitaan ng pagkagulat or pagkabigla. Napansin pa niya ang kamay nito sa balikat ni Lara.
"What's the problem, Lara?"
"Sir Jc, sabihin niyo po sa akin na hindi totoo ang chismis."
Biglang kinabahan si Alex nang marinig niya ang sinabi ni Lara sa boss nila. Kailan pa naging close ang mga ito? Bakit kung makayakap si Lara sa boss nila ay parang super friends na sila. At magsusumbong pa talaga ang hampas-lupa. Isusumbong pa siya ni Lara sa boss nila?! How dare him and her!
"Chismis? Anong chismis? Iyan ba ang pinag-meetingan niyo ng Ma'am Alex mo ngayong umaga?"
Nagpanting ang tenga ni Alex pagkarinig sa sinabi ni Jc. Ano ang gusto nitong palabasin? Na wala siyang inatupag sa trabaho kung hindi ang magkalat ng chismis sa mga kasamahan niya?
Ang judgemental nito ah!
"Um, nakakahiya mang aminin, Sir Jc, pero totoo po na may pinag-usapan po kami ni Madam. Sobrang nakakaiyak po iyong kinuwento niya sa akin. Hindi ko po matanggap. Sobrang sakit po ng puso ko sa nalaman ko. Totoo po ba iyon, Sir Jc?"
"Lara! Ano ba iyang pinagsasabi mo kay Sir Jc?! Tigilan mo iyan huh." Pinanlakihan niya ito ng mata. Hindi siya makapaniwala sa gustong mangyari ni Lara. Nang dahil lang sa chismis niya tungkol kay Jc ay talagang ipapahamak na siya nito ng walang pag-aalinlangan.
"Why? Ano ang sinabi ni Ms. Alex na kinasakit ng puso mo?"
Unbelivable! Talagang papatulan niya ang kabaliwan ni Lara?
Hinuhuli niya ang tingin ni Lara pero hindi ito sumusulyap sa kaniya. Nakayapos pa rin ito sa boss nila at may papikit-pikit pang nalalaman. Hindi na ito umiiyak. Bagkus ay sobra na sa pagkakangiti ang bading nilang kasamahan.
"Na may gusto raw po kayo kay Ms. Alex at nagpaplano po kayong ligawan siya. Totoo po ba iyong chismis na sinabi ni Madam?"
Sabay na nagkatinginan sina Jc at Alex. Napaawang ang bibig ni Alex sa sinabing iyon ni Lara habang si Jc naman ay nagsalubong ang kilay.
"Lara!" malakas na sigaw ni Alex.
"Alex!" saway naman ni Jc sa kaniya.
CHAPTER 8“Ugh! Buwisit talaga! Buwisit!” Nanggigigil sa galit si Alex habang naglalakad sa loob ng mall.Buwisit na buwisit siya dahil tinakasan siya ng dalawang ungas na iyon. Ang unang tinutukoy niya ay si Lara. Hindi niya nabugbog ang bakla kanina dahil naka-schedule na ito mag-halfday sa araw na iyon. Nagpaalam na ito sa kanilang boss one week ahead na may importante itong aasikasuhin kaya maaga ito umuwi kanina. Habang ang pangalawang ungas naman na si Jc ay maaga rin umuwi dahil may importante raw itong pupuntahan."Daming dahilan. Talagang tinakasan niyo lang ako," parang baliw na kausap niya sa kaniyang sarili.
CHAPTER 7 "Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo riyan, Lara. Para kang namatayan ah." Imbes na makaramdam ng awa ay naiinis pa siya sa pag-atungal nito sa kaniyang tabi."Madam, naman eh. Mas masahol pa ako sa namatay. Hindi ko talaga matanggap eh. Ang sakit-sakit. Mas masakit pa sa naging break-up namin ng boyfriend ko." Hindi naman talaga ito tunay na umiiyak dahil wala naman siyang makitang luha mula sa mata nito."Huwag kang ilusyonada. Wala kang jowa kaya tigil-tigilan mo ako riyan sa kakadrama mo.""Eh kasi naman, Madam. Ayoko tangg
CHAPTER 6HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Alex sa natuklasan na kasarian ni Jc. Walang bakas ng kabaklaan sa katawan, sa hitsura, sa pananamit, sa kilos, at maski sa boses nito magmula nang makilala niya ito. Pero nang dahil sa hindi sinasadyang pangyayari kahapon ay natuklasan niya ang pinakatatago-tago nitong sikreto. Paniguradong walang kamalay-malay si Sir Ronwaldo tungkol sa totoong pagkatao ng kaniyang anak.Patungo siya ngayon sa eskwelahan ng kaniyang pamangkin para manood ng stage play nito. Naroon na ang kaniyang Ate Celestine at kanilang mga magulang. Hindi alam ng mga ito na day off niya mula sa trabaho. Gusto niyang supresahin si Hayden kaya naman sinadya niya talagang huwag ipaalam ang tungkol sa pagpunta niya. 
CHAPTER 5“Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Daddy sa’yo at puring-puri ka niya. I don’t know what would he says once he discover that his Most Valuable Employee is having an attitude problem. I feel so disappointed for him.”“Teka lang, Mister ─”“See? You’re calling me Mister instead Sir Jc? Is that the right thing to call me as your boss?”Nanggigigil na talaga siya sa kahambogan ni Jc pero kahit pa na anak ito ni Sir Ronwaldo at sila ang nagpapasahod, hinding-hindi na niya hahayaan na maulit muli ang nangyari sa pagitan nila isang taon na ang nakararaan.&nbs
CHAPTER 4ABALA nang araw na iyon ang lahat ng empleyado ng Sharco Printing. Maski siya ay sobrang abala din sa pakikipag-usap kay Teacher Anne, ang guro ng kaniyang pamangkin na magpapagawa ng School P.E Uniform.“Ito na po ba ang final order niyo, Ma’am Anne?” magalang niyang tanong sa kausap na tantiya niya ay halos ka-edad lang naman niya.“Yes, Miss Alex. Pahabol na order na lang iyan. Hindi namin inaasahan ang pagdami ng estudyante ngayong taon kaya hayan, kinapos tuloy kami.”“Naku, parang daig mo pa pala ang may anak sa propesiyon mo, Ma’am Anne.”
CHAPTER 3"Hello, everyone!”Agad na tinigil ng kaniyang mga staff ang ginagawa nang magsalita si Sir Ronwaldo. “Hi, Sir!”Sakto naman na may mga sobra pang monoblock sa paligid kaya kumuha ng mauupuan si Sir Ronwaldo at umupo paharap sa kaniyang mga tauhan. Samantalang si Jc ay nanatili na lang na nakatayo at hindi maipinta ang mukha dahil sa nakakabiglang anunsiyo ng kaniyang ama. Ganoon pa man, tila kilig na kilig naman ang kaniyang mga babaeng staff - mas lalo na ang kanilang bading na kasama na si Lara sa pagsulyap sa nakasimangot na si Jc. Seriously, ano bang mayroon