LOGINCHAPTER 5
“Teka lang, Mister ─”
“See? You’re calling me Mister instead Sir Jc? Is that the right thing to call me as your boss?”
Nanggigigil na talaga siya sa kahambogan ni Jc pero kahit pa na anak ito ni Sir Ronwaldo at sila ang nagpapasahod, hinding-hindi na niya hahayaan na maulit muli ang nangyari sa pagitan nila isang taon na ang nakararaan.
“Why not? Puwera na lang kung,” pambibitin niya sa kaniyang sasabihin.
“Kung?” Hind nakaligtas sa kaniya ang pagtaas ng kanang kilay nito sa gusto niyang sabihin.
“Kung…miss ka at hindi mister,” pang-aasar niya.
“Alex!”
Napangiti siya nang mapansin niyang napikon ito sa sinabi niya. Pero pinaalala rin niya sa kaniyang sarili na amo niya pa rin ito. Dapat lamang na matuto siyang rumespeto kahit hindi pa siya nakaka-moved on sa eksena nila one year ago. And besides, he’s the future CEO of Sharco Corporation. Kung mahal niya ang kaniyang trabaho at takot na mawalan ng pangkabuhayan, dapat lamang na tumahimik siya. Pero bago mangyari iyon, gusto niya munang makabawi.
“Eh kasi naman, Sir Jc, hindi naman kayo iyong sinigawan ko ng shut up kanina eh.”
Iyon naman talaga ang totoo. Ang salitang iyon ay hindi para kay Jc, kung ‘di para sa sarili niya dahil sa totoo lang, medyo kinilabutan siya kanina nang mapagmasdan niya ang kabuuan ng kaniyang boss. Wala eh, talagang guwapo naman si Jc. Hindi niya lang masikmura na nagustuhan niya ang ayos nito kaya napasigaw siya patungkol sa sarili niyang kalandian. Kinagalitan niya ang kaniyang sarili dahil hindi niya dapat maramdaman ang ganoong paghanga.
“Eh para kanino iyon kung hindi nga ako ang sinigawan mo?” Halata sa mukha nito na hindi paniniwalaan ang ano mang kaniyang sasabihin.
“A-ah e-eh…” Ano nga ba ang idadahilan niya? Alangan namang sabihin niya na para iyon kay Teacher Anne eh hindi iyon kapani-paniwala dahil nakita nito kung paano sila mag-usap. “Para po iyon sa taong umalipusta ng pagkatao ko, Sir Jc. Siya po kasi ang dahilan kung bakit ako napasigaw ng shut up.”
“Umalipusta sa pagkatao mo?” takang tanong nito.
“Opo. Ang hambog niya po kasi para mapagkamalan akong Janitress.”
*****
KATATAPOS lang ng matagumpay na negosasyon sa pagitan ni Alex at ng Marketing Staff ng isang sikat ng University. Nagpagawa ito ng mahigit isang daan na jersey jacket na gagamitin sa nalalapit na Foundation Day. Para kay Alex ay isang magandang achievement iyon dahil nakuha niya ang deal na iyon mula sa isang kilalang University sa Pilipinas. Gamit ang kaniyang mabulaklaking bibig ay napa-oo niya agad ng wala pa yatang trenta’y minutos ang kanilang kliyente. Tuwang-tuwa siya na binalita iyon sa kaniyang mga kasamahan. Maski ang mga ito ay sobrang natuwa rin dahil alam nilang incentives ang kapalit kapag muli nilang na-hit ang target budget.
Ipagmamayabang niya iyon ngayon kay Jc kaya agad siyang tumungo sa opisina nito. Mag-iisang buwan na nila itong kasama pero hanggang ngayon ay hindi man lang ito nakatulong sa pagpapatakbo ng operasyon sa tindahan. Most of the time, Jc was inside his office and busy doing something on his laptop. Akala mo kung sinong Manager makapag-utos sa kaniya eh wala namang silbi ang pagma-manage nito sa kanila. Parang mas marami pa nga yata siyang na-contribute kaysa rito.
Kakatok na sana siya sa pintuan ng opisina nito nang matigilan siya sa narinig. Bahagyang nakaawang ang pintuan kaya dahan-dahan siyang sumilip mula sa labas.
Hinanap ng kaniyang mga mata si Jc ngunit hindi niya ito makita sa opisina. Pero tiyak niyang may narinig siya mula sa loob nito. Saka kung lalabas man ito sa kanilang tindahan, magpapaalam naman ito gaya ng nakagawian nito.
Saan naman kaya lumusot iyong hambog na iyon?
Tumayo siya ng tuwid at itutulak na sana ang pintuan nang biglang lumitaw kung saan si Jc. May kausap ito sa cellphone at nakangiti. Bihira niya ito makitang tumawa dahil sa tuwing maghaharap sila ay napakaseryoso ng mukha nito. Nakikita niya lang itong nakangiti kapag nagpapatawa si Lara. Bentang-benta ang joke ng baklang iyon sa hambog nilang Manager.
Nakalutang na sa ere ang kaniyang kamay at handa ng kumatok kung hindi lang niya narinig na nagsalita si Jc.
“Oh, baby, you really miss me?”
Napakunot-noo siya sa narinig. Parang may mali. Marahan niyang pinukpok ang magkabilang tainga dahil baka nagkamali lang siya ng pandinig pero mukhang wala namang problema ang tainga niya. Napanganga pa siya nang marinig niya itong humalakhak ─ halakhak ng isang….bakla?!
“You really miss me, babe, huh. Don’t worry, we will see each other naman. What do you want? I will buy it later.”
Napahawak na lang siya sa kaniyang bibig para pigilan ang labis na pagkagulat. All this time na sobrang panggigigil ang nararamdaman niya kay Jc dahil sa kahambogan ng ugali nito, iyon pala ay matronang bakla lang ito?
Nakakaloka!
CHAPTER 8“Ugh! Buwisit talaga! Buwisit!” Nanggigigil sa galit si Alex habang naglalakad sa loob ng mall.Buwisit na buwisit siya dahil tinakasan siya ng dalawang ungas na iyon. Ang unang tinutukoy niya ay si Lara. Hindi niya nabugbog ang bakla kanina dahil naka-schedule na ito mag-halfday sa araw na iyon. Nagpaalam na ito sa kanilang boss one week ahead na may importante itong aasikasuhin kaya maaga ito umuwi kanina. Habang ang pangalawang ungas naman na si Jc ay maaga rin umuwi dahil may importante raw itong pupuntahan."Daming dahilan. Talagang tinakasan niyo lang ako," parang baliw na kausap niya sa kaniyang sarili.
CHAPTER 7 "Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo riyan, Lara. Para kang namatayan ah." Imbes na makaramdam ng awa ay naiinis pa siya sa pag-atungal nito sa kaniyang tabi."Madam, naman eh. Mas masahol pa ako sa namatay. Hindi ko talaga matanggap eh. Ang sakit-sakit. Mas masakit pa sa naging break-up namin ng boyfriend ko." Hindi naman talaga ito tunay na umiiyak dahil wala naman siyang makitang luha mula sa mata nito."Huwag kang ilusyonada. Wala kang jowa kaya tigil-tigilan mo ako riyan sa kakadrama mo.""Eh kasi naman, Madam. Ayoko tangg
CHAPTER 6HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Alex sa natuklasan na kasarian ni Jc. Walang bakas ng kabaklaan sa katawan, sa hitsura, sa pananamit, sa kilos, at maski sa boses nito magmula nang makilala niya ito. Pero nang dahil sa hindi sinasadyang pangyayari kahapon ay natuklasan niya ang pinakatatago-tago nitong sikreto. Paniguradong walang kamalay-malay si Sir Ronwaldo tungkol sa totoong pagkatao ng kaniyang anak.Patungo siya ngayon sa eskwelahan ng kaniyang pamangkin para manood ng stage play nito. Naroon na ang kaniyang Ate Celestine at kanilang mga magulang. Hindi alam ng mga ito na day off niya mula sa trabaho. Gusto niyang supresahin si Hayden kaya naman sinadya niya talagang huwag ipaalam ang tungkol sa pagpunta niya. 
CHAPTER 5“Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Daddy sa’yo at puring-puri ka niya. I don’t know what would he says once he discover that his Most Valuable Employee is having an attitude problem. I feel so disappointed for him.”“Teka lang, Mister ─”“See? You’re calling me Mister instead Sir Jc? Is that the right thing to call me as your boss?”Nanggigigil na talaga siya sa kahambogan ni Jc pero kahit pa na anak ito ni Sir Ronwaldo at sila ang nagpapasahod, hinding-hindi na niya hahayaan na maulit muli ang nangyari sa pagitan nila isang taon na ang nakararaan.&nbs
CHAPTER 4ABALA nang araw na iyon ang lahat ng empleyado ng Sharco Printing. Maski siya ay sobrang abala din sa pakikipag-usap kay Teacher Anne, ang guro ng kaniyang pamangkin na magpapagawa ng School P.E Uniform.“Ito na po ba ang final order niyo, Ma’am Anne?” magalang niyang tanong sa kausap na tantiya niya ay halos ka-edad lang naman niya.“Yes, Miss Alex. Pahabol na order na lang iyan. Hindi namin inaasahan ang pagdami ng estudyante ngayong taon kaya hayan, kinapos tuloy kami.”“Naku, parang daig mo pa pala ang may anak sa propesiyon mo, Ma’am Anne.”
CHAPTER 3"Hello, everyone!”Agad na tinigil ng kaniyang mga staff ang ginagawa nang magsalita si Sir Ronwaldo. “Hi, Sir!”Sakto naman na may mga sobra pang monoblock sa paligid kaya kumuha ng mauupuan si Sir Ronwaldo at umupo paharap sa kaniyang mga tauhan. Samantalang si Jc ay nanatili na lang na nakatayo at hindi maipinta ang mukha dahil sa nakakabiglang anunsiyo ng kaniyang ama. Ganoon pa man, tila kilig na kilig naman ang kaniyang mga babaeng staff - mas lalo na ang kanilang bading na kasama na si Lara sa pagsulyap sa nakasimangot na si Jc. Seriously, ano bang mayroon