Share

CHAPTER 8

Author: Jazz Mine
last update publish date: 2020-11-07 10:56:47

CHAPTER 8

“Ugh! Buwisit talaga! Buwisit!” Nanggigigil sa galit si Alex habang naglalakad sa loob ng mall.



Buwisit na buwisit siya dahil tinakasan siya ng dalawang ungas na iyon. Ang unang tinutukoy niya ay si Lara. Hindi niya nabugbog ang bakla kanina dahil naka-schedule na ito mag-halfday sa araw na iyon. Nagpaalam na ito sa kanilang boss one week ahead na may importante itong aasikasuhin kaya maaga ito umuwi kanina. Habang ang pangalawang ungas naman na si Jc ay maaga rin umuwi dahil may importante raw itong pupuntahan.




"Daming dahilan. Talagang tinakasan niyo lang ako," parang baliw na kausap niya sa kaniyang sarili.





Kaya hanggang sa matapos ang opening shift niya ay sobrang badtrip siya. Pati ang kaniyang mga kasamahan sa trabaho na wala namang kamalay-malay ay nadadamay dahil sa inis niya.




Nilabas niya ang kaniyang mobile phone mula sa shoulder bag. Tinext niya si Lara. “Humanda ka sa akin bukas, bruha, ka. Masasabunutan kita!”





Agad naman tumunog ang kaniyang phone at binasa ang reply ni Lara. “Hahaha. Chill ka lang, Madam. Bakit sobrang hyper mo? Parang iyon lang ang sinabi ko, galit ka na agad? Hindi ba puwedeng maki-ride on ka na lang sa biruan? Kaya wala kang boyfriend eh, masyado kang seryoso sa buhay. Saka naniwala naman ba si Sir Jc sa sinabi ko? ‘Di ba, hindi naman? Hindi nga niya pinatulan iyong joke ko kanina eh.”





Letse siya! Hindi nga niya pinatulan ang joke ni Lara pero pagkatapos nun ay senermonan ako nang dahil lang sa natuklasan niya na hindi nakapatay ang isang ilaw sa stockroom noong isang araw. Imbes na stockman ang sermunan niya ay ako pa talaga.





“Buwisit din ang Johnny na iyon eh. Pinagbilinan ko na sila sa gagawin nila sa stockroom pero nakakalimutan pa rin. Nadamay pa talaga ako. Buwisit!”




Gigil na pinasok niya sa kaniyang bag ang phone. Hindi na niya ni-replayan si Lara. Bukas na lang sila magtutuos. Makukurot niya talaga sa singit ang baklang iyon.





7pm pa lang naman kaya nagdesisyon siyang maglakad-lakad muna sa mall. Baka sakali bago siya lumabas ng mall ay okay na ang pakiramdam niya. Ite-treat na lang niya ang kaniyang sarili ng malamig at masarap na ice cream.




Papunta pa lang siya sa isang stall ng ice cream ay biglang napadpad ang mata niya sa isang restaurant. Parang hinahatak siya papasok doon.






“Huwag na pala ice cream. Kakain na lang siguro ako ng masarap na pagkain diyan sa loob.” Kaya naman tinungo na niya ang entrance papasok sa loob ng kainan na iyon.





Nang maka-order ay pumunta siya sa sulok para pumuwesto. Habang hinihintay ang kaniyang order ay inabala muna niya ang kaniyang sarili sa facebook. Habang abala siya sa kaniyang cellphone ay biglang lumitaw ang pamilyar na boses.





“Sorry if I keep you waiting.”




Napa-diretso ang likod niya sa pagkakaupo. Para sa akin ba iyon?





Dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses ngunit hindi niya nakita ang taong iyon.





“I don’t need your sorry. I want you to explain me about this.”





Muli na naman siyang napalingon sa kaniyang likuran at ang mahabang buhok ng babae ang siyang unang tumambad sa kaniya. Dahan-dahan niyang sinilip ang kaharap nito sa mesa at napakagat-labi siya nang makompirma niya ang kaniyang hinala. Si Jc nga ang may-ari ng boses na iyon.





Agad siyang bumalik sa pagharap sa mesa. Sakto naman na dumating na ang kaniyang order. Imbes na matakam at pagtuunan ng pansin ang pagkain ay mas naging interesado pa siya na makinig sa pag-uusap ng mga ito.





“What do you want me to explain?”





“This! This picture! You’re wearing a black spaghetti dress, high heels, lots of accessories. You even had a huge make-up. What’s the meaning of this, Juan Carlos?!” Bahagyang nagulat si Alex sa galit na boses ng babae.




“What’s the matter? You said that you’re ready to accept for who I am. And that’s the real me. So, you better accept it if you want to be Mrs. Gonzaga.”





“Damn it, Juan Carlos. Yes, I said that I’m willing to accept you for who you are but this is disgusting. This one is unacceptable! You are gay?! Kailan pa?!”




“Hmmm, since birth I guess.”



“Why you didn’t tell me about this? If only I knew, I won’t choose you to be my future husband. I would rather choose Ariel even he’s baduy and jologs.”




“Why? Because his family is wealthier than my family? Then, go! Marry that guy. I warned you before that you can’t marry me but you still push yourself to me. And here I am now, telling to you that I’m not perfect as what you think because, I like men not women.”





“Ugh! You ruined everything! Our engagement supposed to happen next week.”





“So, what are you planning to do? Gusto mo pa rin ba makasal sa akin kahit na…bakla ako?”





“Eeew! Of course not! I will cancel that engagement party! Baka ikaw pa magsuot ng gown ko ‘no! Adios!”




Naramdaman ni Alex ang pagtayo ng babae. Mukhang nilayasan na nito ang kaniyang boss. Narinig naman niya mula sa kabilang mesa ang mahinang pagtawa ni Jc.




Sige, tawa pa more. Akala mo huh.




Agad niyang sinave ang naging pag-uusap ng dalawa sa recorder ng kaniyang phone.



Lagot ka sa akin, Lara. Ebidensiya pala huh. Humanda ka.





Saka lang niya mas pinagtuunan ng pansin ang mga pagkain na nakahain sa kaniyang harapan. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng gutom.


Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 8

    CHAPTER 8“Ugh! Buwisit talaga! Buwisit!” Nanggigigil sa galit si Alex habang naglalakad sa loob ng mall.Buwisit na buwisit siya dahil tinakasan siya ng dalawang ungas na iyon. Ang unang tinutukoy niya ay si Lara. Hindi niya nabugbog ang bakla kanina dahil naka-schedule na ito mag-halfday sa araw na iyon. Nagpaalam na ito sa kanilang boss one week ahead na may importante itong aasikasuhin kaya maaga ito umuwi kanina. Habang ang pangalawang ungas naman na si Jc ay maaga rin umuwi dahil may importante raw itong pupuntahan."Daming dahilan. Talagang tinakasan niyo lang ako," parang baliw na kausap niya sa kaniyang sarili.

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 "Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo riyan, Lara. Para kang namatayan ah." Imbes na makaramdam ng awa ay naiinis pa siya sa pag-atungal nito sa kaniyang tabi."Madam, naman eh. Mas masahol pa ako sa namatay. Hindi ko talaga matanggap eh. Ang sakit-sakit. Mas masakit pa sa naging break-up namin ng boyfriend ko." Hindi naman talaga ito tunay na umiiyak dahil wala naman siyang makitang luha mula sa mata nito."Huwag kang ilusyonada. Wala kang jowa kaya tigil-tigilan mo ako riyan sa kakadrama mo.""Eh kasi naman, Madam. Ayoko tangg

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 6

    CHAPTER 6HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Alex sa natuklasan na kasarian ni Jc. Walang bakas ng kabaklaan sa katawan, sa hitsura, sa pananamit, sa kilos, at maski sa boses nito magmula nang makilala niya ito. Pero nang dahil sa hindi sinasadyang pangyayari kahapon ay natuklasan niya ang pinakatatago-tago nitong sikreto. Paniguradong walang kamalay-malay si Sir Ronwaldo tungkol sa totoong pagkatao ng kaniyang anak.Patungo siya ngayon sa eskwelahan ng kaniyang pamangkin para manood ng stage play nito. Naroon na ang kaniyang Ate Celestine at kanilang mga magulang. Hindi alam ng mga ito na day off niya mula sa trabaho. Gusto niyang supresahin si Hayden kaya naman sinadya niya talagang huwag ipaalam ang tungkol sa pagpunta niya. 

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTERS 5

    CHAPTER 5“Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Daddy sa’yo at puring-puri ka niya. I don’t know what would he says once he discover that his Most Valuable Employee is having an attitude problem. I feel so disappointed for him.”“Teka lang, Mister ─”“See? You’re calling me Mister instead Sir Jc? Is that the right thing to call me as your boss?”Nanggigigil na talaga siya sa kahambogan ni Jc pero kahit pa na anak ito ni Sir Ronwaldo at sila ang nagpapasahod, hinding-hindi na niya hahayaan na maulit muli ang nangyari sa pagitan nila isang taon na ang nakararaan.&nbs

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 4

    CHAPTER 4ABALA nang araw na iyon ang lahat ng empleyado ng Sharco Printing. Maski siya ay sobrang abala din sa pakikipag-usap kay Teacher Anne, ang guro ng kaniyang pamangkin na magpapagawa ng School P.E Uniform.“Ito na po ba ang final order niyo, Ma’am Anne?” magalang niyang tanong sa kausap na tantiya niya ay halos ka-edad lang naman niya.“Yes, Miss Alex. Pahabol na order na lang iyan. Hindi namin inaasahan ang pagdami ng estudyante ngayong taon kaya hayan, kinapos tuloy kami.”“Naku, parang daig mo pa pala ang may anak sa propesiyon mo, Ma’am Anne.”

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 3

    CHAPTER 3"Hello, everyone!”Agad na tinigil ng kaniyang mga staff ang ginagawa nang magsalita si Sir Ronwaldo. “Hi, Sir!”Sakto naman na may mga sobra pang monoblock sa paligid kaya kumuha ng mauupuan si Sir Ronwaldo at umupo paharap sa kaniyang mga tauhan. Samantalang si Jc ay nanatili na lang na nakatayo at hindi maipinta ang mukha dahil sa nakakabiglang anunsiyo ng kaniyang ama. Ganoon pa man, tila kilig na kilig naman ang kaniyang mga babaeng staff - mas lalo na ang kanilang bading na kasama na si Lara sa pagsulyap sa nakasimangot na si Jc. Seriously, ano bang mayroon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status