Share

CHAPTER 2

Author: Jazz Mine
last update publish date: 2020-11-06 07:15:20

CHAPTER 2

"Ano? Kamukha ng gunggong na iyon si Marco Gumabao? Haller! Ang layo 'no. Mukhang puwet ng kambing kaya ang mukha ng Jc na 'yon." Hindi talaga magawang pigilan ni Alex ang kaniyang pagkainis kapag ganitong napag-uusapan ang anak ng may-ari ng Sharco Corporation na si Jc.

"Madam, mayroon po ba kayo? Bakit sobrang high-blood po kayo kay Sir Jc?" takang tanong ni Johnny, isa sa mga trabahador nila na siyang nag-iimprinta ng desenyo sa bawat item na pinapa-print sa kanila na kanilang mga customer.

Lumapit siya rito at agad piningot ang tainga nito, isa lamang iyong gestures na ginagawa niyang pagbibiro sa kaniyang mga tauhan.

"Oo, mayroon ako. Mayroon akong sapak ngayon at ikaw ang pagbubuntunan ko ng sapak ko."

Hinawakan ni Johnny ang kaniyang kamay para pigilan siya sa pagpingot nito pero hindi niya ito binitawan.

"Aray naman, Madam. Masakit na iyan huh. Hindi na iyan joke."

Binitawan ni Alex ang tainga ni Johnny na namumula dahil sa pagkakapingot niya.

"Puwes magtigil ka. Nagsasabi lang ako ng totoo at hindi guwapo ang amo mo. Pangit siya, pangit! Ang pangit na nga, mabaho pa ang bunganga. Kadiri! Yuck!" sabay takip ng ilong na animo diring-diri siya sa anak ng boss nila. "Saka iyong mga ganoong hitsura, tiyak na lalaki rin ang gusto nun."

"Hi, Alex!"

Sabay-sabay silang napalingon ng kaniyang mga staff sa pinanggalingan ng boses. Gayon na lamang ang pagkabigla niya nang makita niya si-.

"S-Sir R-ron..waldo!" Labis ang pagkagulat sa mukha ni Alex nang makita niya ito na papalapit sa kanila. Ramdam niya ang panginginig ng katawan habang naglalakad patungo sa kanila ang Owner and CEO ng Sharco Corporation dahil baka narinig nito ang mga panglalait niya sa panganay nitong anak na si Jc.

And speaking of that arrogant guy, napakunot-noo siya nang mapadpad sa katabi nito ang tingin niya.

Shit! Anong ginagawa ng isang ito dito?

*****

Isa-isang binati ng kaniyang mga staff ang bagong dating. Hindi niya maintindihan kung bakit naroon sa kanilang tindahan ang mag-ama.

“You looked surprised, Alex,” nakangiting saad ni Sir Ronwaldo.

Medyo nakahinga siya nang maluwang nang matantiya niya na wala naman itong narinig sa mga sinabi niya kanina dahil maganda ang ngiti ng ginoo sa kaniya.

Parang kanina lang ay pinag-uusapan nila si Jc, pero heto na ngayon ang binata na sa pagkaka-describe ni Alex ay pangit na may mabahong hininga. Kumpara noong huli silang magkita, nakasuot lamang ng kupasing maong at round-neck white t-shirt si Jc. Pero sa muli nilang paghaharap ay iba na ang ayos nito. Mala-action star ito sa suot niya na black leather jacket, black jeans and black leather shoes.

Ang corny ng get-up. Feeling black in men eh ang pangit naman. Tapos ang baho pa ng hininga.

“Ma-magandang umaga po, Sir Ronwaldo at Si-sir J…Jc,” kandautal niyang pagbigkas sa pangalan ng kaharap.

“Magandang umaga rin naman,” masayang pagtugon ni Sir Ronwaldo sa kaniya. Samantalang ang anak nito ay simpleng tango naman ang sinagot sa kaniya.

“Excuse us for a while, ladies and gentlemen.” Kausap nito sa kaniyang mga staff personnel.

Tumango lang ang mga ito at bahagya silang lumayo sa puwesto ng kaniyang mga kasama. Sumunod naman sa kanila si Jc.

“Nagme-meeting lang po kami ng mga staff ko, Sir,” pagbabalita niya.

“Yes, alam kong meeting niyo ngayon kaya pumunta kami nitong anak ko,” sabay tapik ni Sir Ronwaldo sa balikat ng anak.

“May problema po ba, Sir?” Alam niyang wala siyang dapat ikabahala dahil maganda ang standing ng tindahan nila for the previous months na hawak niya ito. Puring-puri siya ng mga kasamahan sa trabaho, lalo na ang kanilang mga big bosses sa ganda ng performance ng kanilang store. Pero hindi niya maiwasan ang hindi kabahan dahil sa mga oras na iyon, hindi lingid sa kaniya ang pasimpleng pag-obserba ni Jc sa kaniyang kabuuan.

Lintik naman oh. Anong mayroon sa akin at wagas kung makatingin itong buwisit na ito? May problema ba sa mukha ko? Sa suot ko? Ugh! Tatanggalin ko ang eyeballs niya kapag hindi siya tumigil.

“Wala naman. Interesado lang talaga ako malaman kung paano ka mag-handle ng tao at tindahan dahil alam mo namang ikaw ang aming pinaka-mahusay na Store Supervisor sa lahat ng branch ng Sharco Printing.”

Kinilig siya sa tinuran ng matanda na hindi mo mapaghahalataan na edad sisenta na dahil sa matikas nitong pangangatawan at positibong pananaw sa buhay. Mukha lamang itong kuwarenta’y anyos at mapagkakamalan lang na nakatatandang kapatid ni Jc.

“Grabe naman po iyan, Sir. Parang gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko sa sinabi niyo,” nahihiyang turan niya.

“Really? Siya talaga ang pinaka-mahusay mong empleyado, Dad?”

Napunit ang ngiti niya sa narinig. Nagpanting ang tainga niya sa sinabing iyon mula kay Jc. Hindi niya nagustuhan ang tono ng pananalita nito. Parang pinapalabas nito na may mas higit pang magaling sa kaniya.

“Yes my son. She is the best employee we have for five years. Hindi mo ba alam na consistent siyang Most Valuable Employee sa kompanya natin? Malaking tulong ang leadership niya kaya maganda ang takbo ng negosyo natin.” Parang gusto niyang halikan sa lips si Sir Ronwaldo dahil sa bonggang papuri na binigay nito sa kaniya.

Oh, eh 'di nganga ka ngayon? Sige, maliitin mo pa ako. Daddy mo lang naman ang makakabangga mo eh.

Base sa hilatsa ng mukha ni Jc, mukhang wala itong bilib sa husay niya bilang leader. Sasagot pa sana si Jc sa kaniyang ama nang magsalita ito.

“Bueno, puntahan na natin ang mga staff mo, Alex. I have an important announcement to tell.” Nauna ng bumalik ang matanda sa puwesto ng kaniyang mga staff na noon ay busy na sa pakikipag daldalan.

Mas lalong nahulog sa pag-iisip si Alex sa sinabi nito. Magre-reshuffle na naman ba? Malilipat na naman ba ako ng store?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 8

    CHAPTER 8“Ugh! Buwisit talaga! Buwisit!” Nanggigigil sa galit si Alex habang naglalakad sa loob ng mall.Buwisit na buwisit siya dahil tinakasan siya ng dalawang ungas na iyon. Ang unang tinutukoy niya ay si Lara. Hindi niya nabugbog ang bakla kanina dahil naka-schedule na ito mag-halfday sa araw na iyon. Nagpaalam na ito sa kanilang boss one week ahead na may importante itong aasikasuhin kaya maaga ito umuwi kanina. Habang ang pangalawang ungas naman na si Jc ay maaga rin umuwi dahil may importante raw itong pupuntahan."Daming dahilan. Talagang tinakasan niyo lang ako," parang baliw na kausap niya sa kaniyang sarili.

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 "Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo riyan, Lara. Para kang namatayan ah." Imbes na makaramdam ng awa ay naiinis pa siya sa pag-atungal nito sa kaniyang tabi."Madam, naman eh. Mas masahol pa ako sa namatay. Hindi ko talaga matanggap eh. Ang sakit-sakit. Mas masakit pa sa naging break-up namin ng boyfriend ko." Hindi naman talaga ito tunay na umiiyak dahil wala naman siyang makitang luha mula sa mata nito."Huwag kang ilusyonada. Wala kang jowa kaya tigil-tigilan mo ako riyan sa kakadrama mo.""Eh kasi naman, Madam. Ayoko tangg

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 6

    CHAPTER 6HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Alex sa natuklasan na kasarian ni Jc. Walang bakas ng kabaklaan sa katawan, sa hitsura, sa pananamit, sa kilos, at maski sa boses nito magmula nang makilala niya ito. Pero nang dahil sa hindi sinasadyang pangyayari kahapon ay natuklasan niya ang pinakatatago-tago nitong sikreto. Paniguradong walang kamalay-malay si Sir Ronwaldo tungkol sa totoong pagkatao ng kaniyang anak.Patungo siya ngayon sa eskwelahan ng kaniyang pamangkin para manood ng stage play nito. Naroon na ang kaniyang Ate Celestine at kanilang mga magulang. Hindi alam ng mga ito na day off niya mula sa trabaho. Gusto niyang supresahin si Hayden kaya naman sinadya niya talagang huwag ipaalam ang tungkol sa pagpunta niya. 

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTERS 5

    CHAPTER 5“Hindi ko alam kung ano ang nakita ni Daddy sa’yo at puring-puri ka niya. I don’t know what would he says once he discover that his Most Valuable Employee is having an attitude problem. I feel so disappointed for him.”“Teka lang, Mister ─”“See? You’re calling me Mister instead Sir Jc? Is that the right thing to call me as your boss?”Nanggigigil na talaga siya sa kahambogan ni Jc pero kahit pa na anak ito ni Sir Ronwaldo at sila ang nagpapasahod, hinding-hindi na niya hahayaan na maulit muli ang nangyari sa pagitan nila isang taon na ang nakararaan.&nbs

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 4

    CHAPTER 4ABALA nang araw na iyon ang lahat ng empleyado ng Sharco Printing. Maski siya ay sobrang abala din sa pakikipag-usap kay Teacher Anne, ang guro ng kaniyang pamangkin na magpapagawa ng School P.E Uniform.“Ito na po ba ang final order niyo, Ma’am Anne?” magalang niyang tanong sa kausap na tantiya niya ay halos ka-edad lang naman niya.“Yes, Miss Alex. Pahabol na order na lang iyan. Hindi namin inaasahan ang pagdami ng estudyante ngayong taon kaya hayan, kinapos tuloy kami.”“Naku, parang daig mo pa pala ang may anak sa propesiyon mo, Ma’am Anne.”

  • BET MO BA? (TAGALOG/FILIPINO)   CHAPTER 3

    CHAPTER 3"Hello, everyone!”Agad na tinigil ng kaniyang mga staff ang ginagawa nang magsalita si Sir Ronwaldo. “Hi, Sir!”Sakto naman na may mga sobra pang monoblock sa paligid kaya kumuha ng mauupuan si Sir Ronwaldo at umupo paharap sa kaniyang mga tauhan. Samantalang si Jc ay nanatili na lang na nakatayo at hindi maipinta ang mukha dahil sa nakakabiglang anunsiyo ng kaniyang ama. Ganoon pa man, tila kilig na kilig naman ang kaniyang mga babaeng staff - mas lalo na ang kanilang bading na kasama na si Lara sa pagsulyap sa nakasimangot na si Jc. Seriously, ano bang mayroon

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status