Share

Chapter 13

Author: Miss Juris
last update publish date: 2020-09-28 13:00:42

          NAALIMPUNGATAN si Adrian, matapos siyang magising ng wala sa tabi niya si Nami. Paglingon niya ay wala ito doon sa kuwarto, napangiti siya ng maramdam niya ang malakas na presensiya ng dalaga. Mula doon sa loob ng kuwarto bigla siyang sumulpot sa likuran nito. Napangiti si Adrian ng makitang isang mahabang t-shirt ang suot niya ang suot at napaka-igsing shorts.

          “Good Morning,” bigla niyang bulong kay Nami.

          “Ay kabayong nanigas!” gulat na bulalas nito.

          Napahagalpak ng tawa si Adrian. Bigla itong humarap sabay hampas ng malakas sa braso niya.

          “Nakakainis ka naman eh! Huwag ka nga bigla sumusulpot sa likod ko!” singhal nito sa kanya.

          “Oh, sorry na, sorry na,” natatawa pa rin na sagot niya, saka ito niyakap mula sa likod.

          “Mabuti naman at nagising ka na. Akala ko, tatawag na ako ng mga kasama mong anghel eh,” sabi ni Nami.

          Napakunot-noo siya. “Bakit?” tanong niya.

          Iningusan siya nito. “Tatlong araw ka kayang tulog,” sagot nito.

          “Ha?! Talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya.

          “Oo kaya, panay check ko nga sa puso mo baka mamaya wala ng heartbeat,” sabi pa ni Nami.

          “Hindi ba uso tulog doon sa langit?” tanong pa nito.

          “Minsan. Pero madalas hindi, hindi ka naman kasi mapapagod doon. Wala, masaya lang. Magaan.”

          “Buti naisipan mo pang bumalik dito.”

          “Of course, dahil iyon naman talaga ang pangako ko sa’yo di ba?”

          “Noong natutulog ka, halos hindi ako umalis sa tabi mo. Tinitingnan lang kita, baka kasi bigla ka na naman mawala eh, saka baka panaginip lang lahat ng ito,” sagot ni Nami.

          “Alam mo na totoo lahat ng ito,” aniya.

          Ngumiti ang dalaga. “I know, that’s why I am so happy.”

          Nang may maalala ay bigla niyang nilayo ito at tiningnan ang suot nito.

          “Bakit ganyan ang suot mo?” tanong pa niya.

          “Bakit? Pangit ba?”

          “Hindi, masyado lang sexy.”

          “Ano gusto mo? Mag-jogging pants, at long sleeves ako?” pilosopong tanong nito.

          Napabuntong-hininga din siya ng makitang wala itong suot na bra. Napansin ni Nami na nakatingin siya sa dibdib nito.

          “Inaakit mo ba ako?” direktang tanong niya.

          “Excuse me, hindi ah! Mainit kaya hindi ako nag-bra,” sagot nito.

          “Oo, inaakit kita! Kaso wala, kulang ng fifteen percent alindog ng boobs ko sa’yo! Hanggang hawak ka lang, kainis!” narinig niyang maktol ni Nami.

          Natawa si Adrian.

          “O anong nakakatawa?” nagtatakang tanong nito.

          “You, you’re such a very naughty girl! I heard what you said in your mind, nakalimutan mo na yatang naririnig ko ang lahat ng sinasabi mo sa isip mo. Wala kang maitatago sa akin,” sagot niya.

          Natutop ni Nami ang bibig. “Omg, shocks!” tili nito, sabay takbo palayo sa kanya.

          Bago pa ito makapasok sa loob ng kuwarto ay bigla siyang sumulpot sa daraanan nito. Nang hindi niya paraanin ay agad itong tumakbo sa sofa at dumapa

doon, saka humiyaw ng humiyaw. Natatawa na naupo siya sa gilid ng sofa.

          “Tumayo ka nga diyan, mag-usap tayo,” aniya.

          “Ayaw!”

          “Sige na,”

          “Ayaw sabi!”

          Natawa ulit siya. Bago siya bumaba sa lupa, isang mahigpit na bilin sa kanya ng ama na huwag makipagniig dito. Dahil siguradong manghihina siya at mawawalan ng kapangyarihan, kapag nangyari iyon. Tuluyan siyang maglalaho sa kalangitan at sa mundo ng mga tao. Hindi lang iyon, mabubura din siya sa isipan ni Nami. Maliban na lang kung mas pipiliin niyang maging ordinaryong tao. Pero sa estado ng mga panganib na nagbabadya sa kaligtasan ng mga tao, at ng mga kasamahan niyang Praelia, na kasalukuyan pa niyang hinahanap. Wala siya sa posisyon para isipin ang pang-sariling kapakanan.

          Mabuti na lang, bilang anghel, malakas ang kapangyarihan niya laban sa temptation. Yes, he kissed her. He touched her upper body, pero bukod doon ay wala na. He did that as an expression how much he missed her, how much he longed for her and love her. Dahil simula ng umakyat siya sa langit, palagi na lang nakatanaw si Adrian kay Nami mula sa itaas. May mga pagkakataon na dumadaan siya dito at pinapanood ito sa pagtulog, o kaya ay kapag alam niyang nasa panganib ito ay saka siya biglang bababa ng lupa. Tama si Nami, those feathers, siya ang may gawa niyon. Gusto niyang iparamdam sa dalaga ang presensiya niya. But as much as he wants to make love to her, gusto rin ni Adrian na gawin nila iyon ni Nami sa tamang panahon at pagkakataon.

          “Hey, it’s okay,” sabi niya sa dalaga.

          Dahan-dahan itong tumingin sa kanya saka naupo.

          “Nakakahiya naman,” sabi pa nito.

          Pinihit niya ito paharap. “Huwag kang mahihiya sa akin, natural lang na isipin iyon. Kahit ako, naisip ko rin na gawin na natin, pero kailangan kong pigilan ang sarili

ko. I might lose my powers when I sleep with you, hindi ko pa puwedeng i-give up ang pagiging anghel ko. Malaki ang misyon na nakaatang sa balikat ko. Kailangan kong mahanap ang iba pang archanghel,” paliwanag niya.

          “It’s okay, hindi mo kailangan magpaliwanag. Mas importante sa akin na kasama ka, alam mo naman makakapaghintay ako eh,” sagot ni Nami.

         Ngumiti si Adrian, ramdam niya ang sinseridad ng sinabi nito. Niyakap niya ito ng mahigpit.

          “Huwag ka munang pumasok, let’s stay here at home. I want to spend more time with you,” sabi niya.

          “Nakapag-paalam na ako sa kanila sa restaurant. Sinabi ko na nandito ka na, and I have to spend time with you,” sagot ni Nami.

          “Really? Anong reaksiyon nila?”

          “Eh di tuwang-tuwa, excited na silang makita ka.”

          “Hayaan mo, bukas punta tayo doon. Pero sa ngayon, dito lang tayo sa bahay,” sabi niya.

          “By the way, kumusta ‘yong sugat mo?” tanong ni Adrian.

          Nakangiting tinapik ni Nami ang parte ng tiyan nito na nasaksak.

          “Okay na, parang walang nangyari,” sagot nito.

          “Oo nga pala, maalala ko, alam mo ba kung sino ng sumaksak sa akin?”

          Biglang sumeryoso ang mukha niya. “Si Lance?”

          “Nakita mo?”

          Marahan siyang tumango. “It’s not him, it’s an evil spirit. Ginamit lang niya ang mukha ni Lance,” sagot niya.

          Hindi agad nakakibo si Nami at tila napaisip. Agad niyang iniba ang usapan para mawala sa isip nito ang kanyang sinabi. Kapag sinabi ni Adrian agad ang totoo, baka ikatakot lang iyon ng dalaga.

          “Teka, hindi pa pala ako nakakabawi ng husto,” sabi niya.

          Napalingon sa kanya si Nami. “Anong hindi pa nakakabawi?” tanong nito. Bahagyang nagulat ang dalaga ng bigla niya itong ihiga sa sofa, at pumaibabaw siya dito.

          “O? Akala ko ba walang churva?”

          “Wala nga, kiss lang! Good Morning kiss,” sagot niya, sabay halik dito.

          Bigla siyang tinulak nito, saka agad tumayo.

          “Sandali, naghahain pala ko ng breakfast.”

         “Mamaya na ‘yan,” saway nito, at mabilis na umiwas sa kanya.

          “Ay Lord, ako po ang kailangan umiwas sa alagad N’yong hot at sexy. Baka hindi ko po mapigilan ang sarili ko, masungaban ko!” narinig niyang sabi ng dalaga.

          Hindi napigilan ni Adrian na humagalpak ng tawa sa sinabi ni Nami, napailing na lang siya. Oh, how he missed her wittiness. Napawi ang ngiti niya ng maalala ang totoong dahilan ng pagbaba niya sa lupa. Ngunit ang higit na inaalala ni Adrian ay kung paano niya sasabihin ang totoo kay Nami, na matapos ang misyon niya doon sa lupa ay tuluyan na siyang aakyat ng langit at wala ng kasiguraduhan kung babalik pa siya o hindi na.

          “SIR ADRIAN!”

sigaw ni Thelma pagpasok nila sa loob ng restaurant.

          Agad itong sinugod ng mga staffs at niyakap.

          “Sir, na-miss ka namin!” sabi ng Assistant Chef nila.

          “Naku Sir, lalo kang gumwapo,” sabi pa ng Manager nila.

          Tumawa si Adrian saka hinimas ang baba. “Kayo naman, huwag n’yong masyadong ipagsigawan na guwapo ako. Baka may humingi ng autograph ko,” sabi pa nito.

          Natawa si Nami sa sinagot ng binata.

          “Grabe Sir, na-miss ka talaga namin! Sana huwag ka ng umalis ulit,” sabi naman ng isang kasamahan waitress ni Nami.

          “Talaga? Na-miss n’yo ko? Dahil diyan, bibigyan ko kayo ng pasalubong,” sabi ni Adrian.

          Nagsigawan ang mga kasama niya, habang natatawa lang siya sa isang tabi.

          “Ay pasalubong daw!” sigaw ni Thelma.

          Imbes na maglabas ng totoong pasalubong, isang flying kiss ang binigay ni Adrian sa mga ito, pagkatapos ay tumawa ito. Pabirong sumimangot sila Thelma.

          “Iyon na ‘yon, Sir?” tanong nito.

          “Oo, bakit? Ayaw n’yo pa?”

          “Okay guys, back to work!” sabi naman ni Manager.

          Umiiling na tumalikod ang mga staff.

          “Ay teka lang, hoy bakit?! Hindi pa ba sapat na nakauwi itong guwapong mukha ‘to bilang pasalubong? O baka kulang pa ‘yong flying kiss ko, oh eto pa!”

          Natatawa habang napapailing na lumapit si Nami sa nobyo.

          “O siya, tama na ‘yan! Huwag mo ng ipamigay ‘yang kiss mo, dapat sa akin lang ‘yan eh,” sabi pa niya.

          Ngumiti sa kanya si Adrian saka hinawakan ang kamay niya. Nakita ni Nami ang saya sa mga mata ng binata ngayon na nakabalik na ito doon sa Chef’s Face.

          “Are you happy?” tanong pa niya.

          Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. “Yes, very much.”

          “Halika na, naghihintay na ang Kitchen sa’yo,” yaya ni Nami.

          Naka-leave of absence pa rin si Nami, pero dahil gusto ni Adrian na bisitahin ang restaurant, kaya dumaan sila doon. Hinayaan niya ang nobyo na tumulong sa pagluluto sa kitchen. Habang nasa loob ng opisina, tinulungan niya itong ibuhol ang tali ng apron nito. Pagkatapos ay humarap ito sa kanya.

          Nagtaka si Nami ng nakangiti itong tumingin sa kanya, sabay halik sa noo.

          “Para saan ‘yon?” tanong niya.

          Hinawakan ni Adrian ulit ang dalawang kamay niya.

          “I just want to say thank you,” sagot nito.

          “For what?”

          “For not getting tired of waiting for me,” sabi ni Adrian.

          Yumakap siya sa binata, at kinulong siya sa mahigpit ntong yakap.

          “Alam ko nasabi ko na ‘to, pero salamat sa pagbalik. Ngayon, mapapanatag na ako, dahil alam ko na hindi mo na ako iiwan ulit,” sagot nito.

          Hindi sumagot ang binata, sa halip ay isang malalim na buntong-hininga ang narinig ni Nami mula dito.

          “Sige na, pumunta ka na muna sa kitchen,” sabi niya.

          “Naka-leave ka pa naman di ba? Dito ka na lang muna,” ani Adrian.

          “Hindi, doon muna ako sa labas. Tutulong lang ako, maraming customers eh,” sagot ni Nami.

          “Okay,” wika nito.

          Nagulat na lang si Nami ng bigla siyang hilahin ni Adrian at itago sa likod nito. Biglang nawala ang ngiti ito at tumalim ang tingin.

          “Adrian, bakit? Anong nangyayari?” tanong niya.

          “Dito ka lang,” seryosong sabi nito.

          Nagtataka na sinundan niya ito ng tingin, hanggang sa biglang naglaho ang binata sa paningin niya. Kahit alam na ni Nami ang taglay na kapangyarihan ni Adrian, hindi pa rin niya makuhang masanay sa tuwing ginagamit iyon ng nobyo. Kagaya ngayon, bigla na lang itong naglaho sa paningin niya. Sa bahay, may mga pagkakataon na nagugulat siya dahil kusang papatay ang ilaw o kaya naman ay kusang umiikot ang kutsara sa loob ng isang mug na kape.

          Ngunit sa tuwing nawawala sa paningin niya ang nobyo. Hindi maiwasan ni Nami na kabahan, o makaramdam ng takot na baka kapag naglaho ito ay tuluyan ng hindi bumalik si Adrian. Napatalon pa siya sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Thelma.

          “Oh? Para naman nakakita ka ng multo,” puna nito.

          “Sorry, may iniisip lang ako.”

          “Si Sir Adrian? Pinapatawag ni Sky,” sagot nito.

          “H-ha? Ah, lumabas lang sandali,” sabi niya.

          Kumunot ang noo ni Thelma, saka napalingon sa labas.

          “Saan dumaan si Sir? Parang hindi ko nakita,”

          “Diyan, sa dining area. Baka naman busy ka kanina kaya hindi mo napansin,” sabi ni Nami.

          Nagkibit-balikat ito. “Siguro nga,” sabi nito.

          Napalingon sila ng bumukas ang pinto at pumasok doon si Adrian.

          “Oh, eto na pala,” aniya.

          “Bakit?” tanong ni Adrian.

          “Sir, pinapatawag po kayo ni Chef Sky,” sagot ni Thelma.

          “Sige, susunod na ako.”

          Paglabas ni Thelma ay saka siya lumapit sa binata.

          “Saan ka ba galing?” tanong niya.

          “May tiningnan lang ako. May naramdaman akong hindi maganda sa paligid,” sagot nito.

          “Kalaban?” tanong ni Nami.

          Marahan itong tumango.

          Bumuntong-hininga siya. “I got scared, sa tuwing bigla ka na lang mawawala

sa paningin ko, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot. Baka kasi hindi ka na bumalik,” sabi niya.

          Ngumiti si Adrian sa kanya at ginawaran ng mabilis na halik sa labi.

          “Sorry,” anito.

          Ngumiti siya pagkatapos ay tumango. “Sige na, pumunta ka na sa kitchen,” sabi ni Nami.

          “Huwag ka ng tumulong sa dining, marami naman sila doon. Dito ka lang, mas panatag ako kapag nandito ka sa loob. Walang kalaban na makakapasok dito dahil protektado ‘tong opisina ko ng kapangyarihan ko. But just in case, you feel something weird. Tawagin mo ako, kahit sa isip mo lang, maririnig kita,” mahigpit na bilin nito.

          “Sige,” sagot niya.

          Nang makaalis si Adrian ay naiwan siyang nagtataka. Pakiramdam ni Nami ay may hindi sinasabi sa kanya ang binata, parang may problema na gustong itago nito sa kanya. Simula ng bumalik ito, napansin niya na masyado na itong overprotective. Hindi siya nito hinahayaan lumabas ng mag-isa. Huminga ng malalim si Nami, saka pinilig ang ulo.

          “Makapag-internet na nga lang,” sabi pa niya saka binuksan ang laptop ni Adrian.

         

          “HINDI BA talaga ako puwedeng sumama?” tanong ni Nami sa kanya.

          Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat.

          “Sorry, pero hindi talaga puwede. Tungkol sa misyon ang lalakarin ko ngayon,” sagot niya.

          Mangiyak-ngiyak na tumungo si Nami.

          “Paano kapag hindi ka na bumalik?” tanong nito sa isip.

          Marahan inangat ni Adrian ang mukha nito.

          “Hey, look at me,” aniya. Sinunod ng dalaga ang sinabi niya.

          “Babalik ako, may kailangan lang ako kausapin na Superior ko. Pangako, babalik ako,” sagot ni Adrian.    

          “Promise?”

          “Promise.”

          “O sige na nga,” pagpayag ni Nami.

          “Sandali lang ako,” sabi pa ni Adrian.

          Sa harap ng dalaga, bumalik siya sa anyo ng isang anghel. Hinalikan pa niya ito sa noo bago tuluyan umalis. Lumipad sa himpapawid si Adrian, sa isang sandali pa, dumating siya sa bahay ni Andrew. Ang isa sa unang henerasyon ng pitong archanghel at ama ni James. Alam ni Adrian na naramdaman nito ang pagdating niya, mayamaya, bumukas ang pinto at lumabas ang taong pakay niya. Bahagya siyang yumukod bilang pagbati sa kanyang superior.

          “Angelo, maligayang pagbabalik,” sabi nito.

          Ngumiti siya.

          “Anong dahilan ng pagpunta mo dito?” tanong ni Andrew.

          “Nandito po ako para sabihin na malapit na ang pagdating ng ikalawang Praelia, at mukhang malapit siya sa mga anak ninyo. Pero ang problema po, mas naging doble ang kilos ng mga kalaban. Sinusubukan nilang saktan ang babaeng mahal ko,” sagot niya.

          Huminga ng malalim si Andrew. “Alam ko, nakausap ko na si Supremo tungkol sa ikalawang Praelia. At nakabantay na rin kami sa kanya.”

          “Tuso at mapaglinlang ang mga kampon ni Lucifer, Angelo. Ang kahinaan mo ang pupuntiryahin nila, para mawala ang atensiyon mo sa misyon,” sabi nito.

          “Natatakot po ako sa kaligtasan ni Nami, wala siyang kinalaman sa misyon ko,” pag-amin ni Adrian.

          “Bantayan mo siyang mabuti, gagawin nila ang lahat para hindi mabuo ang Aurae Praelia. At huwag mong hayaan na pangunahan ka ng takot. Alam natin na hindi tayo pinabayaan ng Panginoon kahit na kailan. Dahil kahit na anong pigil ng mga kampon ni Lucifer, mabubuo ang ikalawang henerasyon ng pitong archanghel. Ang mga kasama kong Archanghel na muna ang bahalang magbantay sa ikalawang Praelia,” sabi pa ni Andrew.

          Marahan siyang tumango. “Salamat po,” sagot niya.

          Ngumiti ito at tinapik siya sa balikat. Paalis na dapat si Adrian ng may maalala siya.

          “Si Haniel, may napapansin po ba kayo sa kanya?” tanong ni Adrian.

          Bumakas ang lungkot sa mga mata ni Andrew. Nang mga sandaling iyon, alam niya na may problema ito kay Hans. Gusto niyang sabihin ang nakita noong mga panahon na bago siya maging ganap na anghel.

          “Huwag mo siyang alalahanin, kami na ang bahala sa kanya. Pero sana ay maging magkaibigan kayo, dahil sa simula pa lang ay ikaw na ang kasama niya sa Epouranios,” sabi ni Andrew.

          “Alam n’ya po ba ang totoo?” tanong niya.   

          “Alam niyang anghel siya, pero hindi alam ni Haniel na isa siyang Praelia. Hindi namin pangunahan ang plano ng nakakataas, gaya ng nangyari sa’yo. Malalaman niya ang totoo kapag nalalapit na ang takdang araw para maging ganap siyang anghel,” sagot nito.

          “Tatapatin ko po kayo, may iba akong nararamdaman sa kanya, at ilang beses ng sinabi ng itim na anghel sa akin na sa kanila daw si Haniel,” pag-amin niya.

          “May nangyari sa nakaraan ni Haniel na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapakawalan. Iyon ang pinanghahawakan ng mga kalaban sa kanya, nangunguna kay Haniel ang nakasanayan niyang ugali bilang tao,” sagot ni Andrew.

          “Sinubukan n’yo ba siyang kausapin?” tanong ni Adrian.

          “Matigas ang puso niya.”

          “Huwag po kayong mag-alala. Babantayan ko si Haniel, gaya ng kung paano

ko siya binantayan noon sa Epouranios,” sabi niya.

          “Maraming salamat, Angelo.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status