SA PAGBABA ng tatlo sa pitong Archanghel, na sila Andrew, Michael at Gabriel para mabuhay kasama ang babaeng mortal na minamahal ng mga ito. Isang desisyon ang binaba ng Angel Seraphim, ang pinakamataas ang antas sa lahat ng Anghel sa buong Kalangitan. Mayroon itong tatlong pares ng pakpak, isang pares para matakpan ang mukha, isang pares para takpan ang mga paa at ang isang pares ay ginagamit para lumipad. Ang maglunsad ng ikalawang henerasyon ng pitong Archanghel na siyang magpapatuloy sa misyon ng unang henerasyon. Ang tagapag-bantay ng sangkatauhan laban sa mga pitong pinakamalakas na alagad ni Lucifer.
Last Updated : 2020-09-23 Read more