Share

Chapter 6

Author: Miss Juris
last update publish date: 2020-09-24 21:00:34

          “NAMI, ikaw na muna ang bahala kay Kuya ha? Kung ako kasi ang pupunta, walang magsu-supervise dito sa Chef’s Face,” sabi ni Sky sa kabilang phone.

          “Sige, ako ng bahala. Thanks Sky.”

          Nagmadali sa pagligo si Nami, pagkatapos ay agad na nagbihis. Hindi na niya nakuha pang mag-make up. Agad na siya umalis pagkatapos at pumunta sa bahay ni Adrian. Ayon kay Sky, may sakit ang binata at walang mag-aasikaso dito. Dahil kailangan ang una sa restaurant, siya ang pinakiusapan nito na pumunta kay Adrian. Habang sakay ng taxi, sinubukan ni Nami na tawagan ang binata, pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.

          Ang totoo, kagabi pa siya nag-aalala dito. Bago umalis ang grupong Blue Light, nakita ni Nami na kinausap ng isa sa miyembro nito si Adrian. Matapos iyon, kapansin-pansin na natahimik ito buong gabi, umuwi nga ito ng hindi man lang nagpapaalam sa kanila. Adrian seems a bit lost last night, kaya naman hindi niya maiwasan isipin kung ano ang napag-usapan ng dalawa. Wala pang isang oras ay nakarating na siya sa condominium building kung saan nakatira ang binata.

          “Adrian!” tawag niya habang kumakatok sa pinto.

          Nakailang beses na siyang katok pero hindi pa rin nito binubuksan iyon. Nang subukan niyang tawagan ulit ang binata ay hindi pa rin sinasagot ang kanyang tawag.

          “Adrian!” sigaw niya sabay katok ulit.

          Biglang napapitlag si Nami ng mula sa labas ay marinig niya ang malakas na sigaw nito mula sa loob ng bahay.

          “Adrian!”

          A LIGHT IS coming from his heart. Iyon ang sumunod na nangyari matapos ang muling matinding pagsakit sa kanyang dibdib. Nang tumingin siya sa salamin, parang namamalikmata si Adrian sa nakita, he saw his own face is cracking, and a small light comes out. Nang ipikit niya ang mga mata at muling idilat. Normal na ulit

ang mukha niya, wala na ang crack na nauna niyang nakita. Biglang bumalik sa alaala ni Adrian ang nangyari kagabi. Bago umalis ang special guests nila sa restaurant, kinausap siya ni Hans doon sa opisina niya.

          “Do you feel better now, Chef?” tanong ni Hans.

          “Paano mo nalaman masama ang pakiramdam ko?”

          “Nakita kita mula sa labas, nasilip kita sa blinds.”

          Napalingon siya sa curtain blinds, it is barely open. Kung mayroon man uwang doon ay napakaliit lamang, impossibleng makita siya doon ni Hans.

          “Sino ka ba talaga? Nararamdaman ko parang matagal na kitang kilala.”

          Umangat ang isang sulok ng labi ni Hans.

          “Sa maniwala ka at hindi, wala akong maisasagot sa tanong mo. Bukod sa member ako ng Blue Light, iyon lang. I have no memories of my childhood, kaya kahit ako hindi ko kilala ang sarili ko. Basta ang alam ko, I am special, I am different. Gaya mo,” sagot nito.

          Hindi siya agad nakakibo matapos marinig ang sinabi nito. Pareho silang walang maalala mula sa nakaraan.

          “Paano mo nalaman?” tanong niya.

          Ngumiti lang ito, pagkatapos ay kinuha ang cutter sa ibabaw ng table niya. Nagtaka si Adrian ng kunin nito ang braso niya at biglang hiniwa nito ang kanyang palad.

          “What the…”

          Pagkatapos sunod nitong sinugatan ay ang sariling palad. Gaya ni Adrian, agad na naghilom ang sugat nito.

          “Alam kong naririnig mo ako ngayon, Chef. Noong unang beses pa lang kitang makita sa Art Exhibit, I know you are one of us,” sabi nito mula sa isipan.

          “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya.

          Ngumiti si Hans sa kanya, saka nagsalita. “Malalaman mo rin,” sagot nito. Bago umalis ay binigay ni Hans ang calling card nito.

          “Kapag may hindi ka maintindihan, call me. I’ll be staying here in the country for quite sometime, magkita tayo kahit kailan mo gusto,” sabi ni Hans.

          Mariin pinikit ni Adrian ang mga mata, pilit niyang inaalala kung sino siya. Kung saan siya nanggaling, baka sakaling masagot ang mga tanong niya. Kung bakit siya kakaiba sa pangkaraniwan. Hanggang sa bigla siyang napalingon matapos maramdaman ang isang pamilyar na presensiya ni Nami.

          “Adrian!” tawag ng dalaga mula sa labas, narinig niya ang sunod-sunod na pagkatok nito.

          Pero wala siyang lakas para maglakad. Biglang napasigaw si Adrian ng malakas ng muling sumakit ang dibdib niya ng mas matindi, isang klase ng sakit na parang may nagtarak ng matalim na kutsilyo sa kanyang dibdib.

          “Adrian!” malakas na sigaw ni Nami.

       Kumapit ng mabuti si Adrian sa lababo para hindi siya matumba. Kailangan niyang tulungan ang sarili, siguradong narinig ni Nami ang kanyang sigaw at alam niya na nag-aalala ito. Natigilan si Adrian ng mula sa itaas ay may isang piraso ng kulay puti na balahibo ang dahan-dahan bumagsak sa harap niya.

          “Anak…” sabi ng isang malumanay na tinig sa kanyang isipan.

          Pagtingin ni Adrian sa salamin, isang anghel ang nagpakita doon. Lumapit ito sa repleksiyon niya at nilapat ang isang palad sa kanyang dibdib.

          “Nalalapit na ang pagbabalik mo sa iyong tahanan, Angelo,” sabi pa ng anghel, pagkatapos ay tuluyan ng nawala ito.

          Hindi namalayan ni Adrian umaagos na pala ang luha niya. Napapitlag siya matapos marinig ang boses ni Nami.

          “Adrian, please! Buksan mo itong pinto, ano bang nangyayari sa’yo diyan?” tanong ni Nami.

          Doon lang na-realize ni Adrian na nawala na ang pananakit ng kanyang dibdib. Mula doon sa banyo sa loob ng silid, biglang sumulpot si Adrian sa may labas ng elevator. Iyon ang isa pang kakaibang katangian niya, he can go to another place in just a snap of his finger, he has the ability to teleport. Hindi niya alam eksakto kung kailan niya unang nagawa iyon, basta nang magkamalay siya ay nagagawa na niya iyon. Tumikhim muna siya bago naglakad palapit sa dalaga.

          “Nami,” aniya.

          Nagulat pa ito paglingon sa kanya.

          “Adrian?” nagtatakang sabi nito.

          “Anong ginagawa mo dito?” kunwari’y kaswal na tanong niya.

          “Paano ka napunta dito? Eh di ba nasa…”

          “Galing ako sa basement parking, may chineck lang ako sa kotse. Kanina ka pa ba?”

          “Sandali… sino ‘yong narinig kong sumigaw sa loob?” tanong nito.

          “Ah, baka ‘yong TV. Naiwan ko kasing bukas,” pagdadahilan niya.

          Parang nakahinga ito ng maluwag saka napasandal sa pader.

          “Naku salamat naman, natakot ako! Akala ko kung napaano ka na,” sabi ng dalaga.

          Ngumiti siya, saka hinawakan ang doorknob, na mula sa loob ay kusang bumukas. In-on din niya ang TV sa kanyang isipan, kaya pagpasoks nila ay nakita ni Nami na bukas nga ang TV gaya ng dinahilan niya. Isa sa kanyang espesyal na abilidad ay kaya niyang pagalawin ang mga bagay sa pamamagitan ng isipan. Pagpasok sa loob ng bahay niya ay agad itong naupo sa sofa.

          “Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Di ba duty ka ngayon?” tanong niya.

          “Tumawag si Sky sa akin, nakiusap na puntahan daw kita imbes na pumasok ako. Dahil may sakit ka nga daw kanina kaya hindi ka makakapunta.”

          “Tingnan mo ‘yon, nang-abala pa,” aniya.

          “Okay lang ‘yon, hindi rin naman ako mapapakali sa restaurant kung alam ko na may sakit ka tapos wala kang kasama dito,” sabi ni Nami.

          Napangiti si Adrian sa narinig. His heart started to beat faster again. Kung siya ang nasa kalagayan ng dalaga, marahil ay ganoon din ang gawin niya. Because he cannot stand a day without seeing her. Alam ni Adrian na sa mga sandaling iyon, iba na ang nararamdaman niya para kay Nami.

          “Hindi ko alam kung dapat ko na ipagpasalamat na nagkasakit ka, nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ka sa labas ng trabaho. I want to know about you, Adrian,” narinig niyang sabi ng dalaga sa isipan nito.

          Pakiramdam ni Adrian ay lumobo ang puso niya ng mga sandaling iyon. Napuno iyon ng saya, dahil gaya ni Nami, iyon din ang gusto niya. He wants them to get closer, to know each other more. Naupo siya sa tabi nito, hindi napigilan ni Adrian na haplusin ang pisngi nito. Nakita niya kung paano nagulat si Nami sa ginawa niya.

          “Should I thank God for making me sick today? Dahil kung hindi ako nagkasakit, hindi kita kasama ngayon,” aniya.

          “Adrian,” usal nito.

          “I really want to ask you out. Pero hindi ko magawa dahil sa demand ng trabaho sa restaurant,” sabi niya.

          “Ang ibig mong sabihin, date?” tanong pa ni Nami.

          Marahan siyang tumango.

          “Bakit?”

          “Because I want to be with you, I want to spend more time with you,” sabi niya.

          Nang hawakan niya ang kamay nito, napatingin doon ang dalaga.

          “So, will go out with me?”

          Parang nagliwanag ang paligid ng sumilay ang magandang ngiti ni Nami.

          “Yes,” sagot nito.

         

NAMI knew what they have is something special. It is her first time being this happy with a man. Kahit kailan, hindi niya naisip na darating ang araw na magiging masaya siya sa isang lalaki, na matagal na panahon niyang tinuring bilang mortal na kaaway. Simula ng mamatay ang Nanay at nakatatandang kapatid, her heart has many empty spaces, kahit kailan ay hindi niya naramdaman na nakumpleto siya. But with Adrian, he filled up those spaces. He completes her.

          Bago sila pumunta sa isang restaurant, nag-request muna si Adrian na may kailangan silang daanan saglit.

          “Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Nami, habang sakay ng elevator.

          “Basta,” excited na sagot ni Adrian.

     Pagdating nila sa thirty-nineth floor, umakyat pa sila ng panibagong two floors sa pamamagitan ng hagdan. Pagbukas ni Adrian ng pinto, bumungad sa kanya ang malawak na rooftop. Parang tinulos sa kinatatayuan si Nami ng mabilis naalala ang Ate Nikki niya. Nakalabas na si Adrian pero naroon pa rin siya sa may pinto. Pakiramdam ni Nami ay nanginig ang mga paa niya.

          “Oh? Anong ginagawa mo diyan? Halika dito,” tanong ni Adrian, saka siya hinawakan sa kamay sabay hila palabas.

          “Sa-sandali… bu…bumaba na tayo,” nanginginig ang boses na sabi ni Nami.

          Napakunot ang noo ni Adrian ng mapansin ang biglang pagbabago ng reaksiyon niya. Agad siyang tumalikod.

          “Nami, anong nangyayari sa’yo?” nagtatakang tanong nito.

          Mabilis siyang umiling. “Wa-wala, umalis na tayo dito.”

          Pero bago pa siya makahakbang ay humarang na si Adrian sa daraanan niya.

          “Hindi puwedeng wala, tell me what’s happening?” giit ng binata.

          Tuluyan na siyang napaiyak. “My sister jumps off to her death, mula sa ganitong kataas na building din. Natatakot ako, Adrian. Parang nakikita ko si Ate,” pag-amin ni Nami.

          Bumuntong-hininga si Adrian at agad siyang niyakap.

          “Look at me,” anang binata.

          Sinunod ni Nami ang sinabi nito.

          “Tapos na ‘yon, huwag kang matakot. Ako ang kasama mo ngayon.”

          Marahan tumango si Nami, pagkatapos ay hinawakan siya ng mahigpit ni Adrian sa kamay.

          “Let’s go?” yaya nito.

          Tumango ulit siya. Paglingon ni Nami, bumungad sa kanya ang magandang kalangitan na nababalutan ng kulay kahel na sinag ng papalubog na araw. Unti-unti ay sinakop ng ganda ng tanawin ang atensiyon niya, hanggang sa hindi niya namalayan na naroon na pala sila sa edge ng building.

          “Ang ganda,” puri ni Nami.

          “Okay ka na?” tanong ni Adrian.

          “Medyo,”

          “If you really want to change your future, you should start forgetting about the past,” sabi nito.

          Bumuntong-hininga si Nami, pagkatapos ay lakas-loob na tumingin sa baba. Agad niyang binawi ang tingin ng malula dahil sa taas ng kinaroroonan.

          “Siguro naka-drugs ‘yon si Ate bago tumalon? Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para talunin ang ganito kataas,” pabiro ng sabi niya.

          Marahan natawa si Adrian. “Okay ka na nga, nakakapag-joke ka na eh,” anito.

          Natawa rin si Nami. “Sira, totoo ‘yon! Minsan naiisip ko kaya ‘yon,” sagot ni Nami.

          “Alam mo, Adrian. Simula ng mangyari ‘yon, I stopped praying. I questioned God, I kept asking Him. Bakit wala ka noong mangyari lahat iyon sa pamilya ko? Nasaan ang mga anghel mo? Bakit hindi nila sinalo si Ate noong tumalon siya? Bakit mo kami pinabayaan? Simula noon, hindi na ako naniwala sa mga anghel. Dahil sabi nila, bawat tao may nakatalagang guardian angels. Pero nasaan siya ng mga panahon ‘yon?” maluha-luhang sabi niya.

          “He gave us our free will to think, to do what we want to do. The devils, sila ang nag-uudyok sa isang tao na gawin ang mga maling bagay. Iyon ang kapangyarihan nila, to deceive you without the person knowing. Pinupuno nila ng maling paniniwala at kasinungalingan ang isip ng mga tao. Naniniwala ako na ganoon ang nangyari sa kapatid mo. She became weak spiritually. Her angels fight the enemy for her, pero nalason na ang kanyang isipan, dahil naging mahina ang pananampalataya niya, hindi narinig ng kapatid mo ang bulong ng anghel sa kanyang puso, kaya iyon ang naging resulta. Pero maniwala ka, Nami. Kahit ang Panginoon ay nalulungkot sa tuwing may isang taong kinukuha ang sariling buhay,” sabi ni Adrian.  

          Napatulala si Nami. Bigla siyang kinabahan, her heart literally beat faster. Sa hindi malaman dahilan, kinilabutan siya. Nang mga sandaling iyon, habang nagsasalita si Adrian, parang hindi ang nakilala niyang Adrian ang kasama ng mga sandaling iyon. Tila iba ang nagsasalita. Parang sigurado ito sa bawat salitang binibitiwan, and what’s even more strange? His voice echos while speaking, a white ray of lights suddenly comes out from him. Parang anghel ang kausap niya at hindi isang ordinaryong tao.

          “Nami, huy, nakikinig ka ba?” untag ni Adrian.

          Doon lang siya natauhan. Pagtingin niya sa binata ay normal na ito.

          “Shocks, nananaginip yata ako ng gising. Kung anu-ano ang nakikita ko,” sabi niya sa sarili.

          “Nami, may problema ba?” biglang seryosong tanong ni Adrian.

          Pinilit niyang ngumiti saka umiling. “Wala, may naisip lang ako. Huwag kang mag-alala, naintindihan ko mga sinabi mo.”

          “Mabuti nga ikaw, may naalala sa nakaraan mo. Ako, wala. Hanggang ngayon para pa rin akong nangangapa sa dilim. Hindi ko alam kung sino ang tunay kong mga magulang, kailan ang totoong birthday ko, taga-saan ako. That’s why I feel so empty sometimes, parang may kulang sa buhay ko,” sabi pa ni Adrian.

          “I’m sure, isang araw, malalaman mo rin ang totoo sa pagkatao mo. Pero habang hindi pa bumabalik ang alaala mo, hayaan mo na ako muna ang magpuno ng lahat ng kulang sa’yo,” nakangiting sagot niya.

          “Thanks. But wait, may gusto akong ipakita sayo.”

          “Ano ‘yon?” tanong ng dalaga.

          “Gusto kong patunayan sa’yo na totoo ang mga anghel.”

          “Paano?”

          “Close your eyes, tapos isipin mo lang kung ano ang mga magagandang bagay na nangyari sa buhay mo, or blessings. Then, meditate, and listen carefully.”

          Sinunod ni Nami ang sinabi nito. Hindi niya alam kung gaano siya katagal napapikit. Hanggang sa tila may marinig siyang mga munting boses na umaawit. Hanggang sa naging malinaw ang mga boses na iyon sa kanyang pandinig. They were like millions of voices, singing their praises. Biglang napatayo ng tuwid si Nami, muling nagtayuan ang balahibo sa buong katawan niya. Hanggang sa bigla siyang napadilat.

          “I heard it! Adrian na—”

          Hindi naituloy ni Nami ang sasabihin ng paglingon ay tila isang aparisyon ang nakita niya. Adrian is closing his eyes, but he has wings of an angel at his back. He is covered with white ray of lights and a smoke.

          Muling pinikit ni Nami ang mga mata, pagdilat niya ay wala na ang naunang nakita at normal si Adrian. Was it just a dream? O namalikmata lang siya? Mayamaya, dumilat na ito.          

          “Narinig mo?” nakangiting tanong nito.

          Ngumiti siya at agad na tumango. “I heard it, ang galing! Paano mo na-discover ‘yon?” tanong niya.

          Nagkibit-balikat ang binata. “Wala, by accident, minsan sobrang lungkot ko. Ganyan ginawa ko, para lang mapakalma ko sarili ko. Tapos ayon, narinig ko na,” sagot nito.

          “Adrian, kanina nung nakapikit ka. Wala ka bang naramdaman na kakaiba na nangyari sa’yo?” hindi nakatiis na tanong niya.

          “Ha? Wala naman, bakit?”

          “Ah, wala lang, naitanong ko lang.”

          Muling tumingala si Adrian sa magandang kalangitan at lumanghap ng malamig na hangin.

          “Ewan ko ba, I am very much fascinated with anything that relates to heaven. Gustong-gusto ko sa mga matataas na lugar, pakiramdam ko, para akong anghel na lumilipad.”

          Napangiti si Nami. Siguro iyon ang dahilan kaya parang namalikmata siya kanina, at nagmukhang anghel si Adrian sa harapan niya, dahil sa fascination nito.

          “Bagay ka naman maging anghel eh,” sabi niya.

          “Bakit mo naman nasabi ‘yon?”

          “Dahil sobrang bait mo.”

          Napangiti ito saka lumapit sa kanya.

          “Nami,”

          “Hmm?”

    

          “Do you think it’s too early if I say this?”

          “Ano ‘yon?”

          “I think, I like you.”

          Hindi nakasagot si Nami. Literal na nablangko ang isip niya sa biglang pagbabago nito ng usapan. Ramdam niya ang pagtalon sa tuwa ng kanyang puso, pero hindi niya alam kung paano iha-handle ang nararamdaman. Everything she’s feeling right is so new to her.

          “Adrian… ah…”

          “Hindi mo kailangan sagutin ngayon. You can think about it,” sabi nito.

          Marahan siyang tumango. “Sige,” sagot niya.

          “Let’s eat, nagugutom na ako,” yaya ni Adrian.

          “Okay.”

          Nang ilahad ni Adrian ang isang palad ay napatingin siya dito. Kapag tinanggap niya ang kamay nito, para na rin niyang sinabi na tuluyan ng hinayaan ni Nami na makapasok ang isang lalaki sa buhay niya. Isang bagay na sinabi sa sarili na hindi mangyayari. But Adrian changed her mind, he changed her heart as well. Wala na siyang maisip na dahilan para hindi ito tanggapin sa buhay niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status