LOGINMATAPOS nilang mag-dinner. Doon naman sila sa bahay niya dumiretso ni Adrian. Bumili lang sila ng snacks habang nanonood ng DVD. Romantic-comedy ang napili nilang panoorin kaya kahit kinikilig siya at tumatawa rin sila dahil sa bubbly attitude ng bidang babae.
“Pareho kayo ng bidang babae,” sabi ni Adrian.
Napalingon si Nami sa katabi.
“Ha? Paano mo nasabi?”
“Half-half, minsan matino, minsan baliw.”
Napahiyaw ito ng kurutin niya ng mariin sa braso.
“Aray! Sorry na po!”
“Loko ka, if I know, kaya mo ako nagustuhan dahil doon,” walang preno niyang sabi. Huli na para ma-realize ni Nami ang sinabi, bigla siyang napaiwas ng tumingin sa kanya si Adrian.
Tumikhim siya. “Oh bilis, nood na tayo!” biglang pag-iiba niya sa usapan.
“It’s true.”
“Ha?” usal niya, sabay lingon muli dito.
“Isa ‘yon sa mga dahilan why I like you,” sagot nito.
“Kahit alam mo ang nakaraan ko?”
“Nami, nakalipas na iyon. All I care is the woman in front of me right now, not the old you,” walang gatol na sagot nito.
Napangiti siya, saka binalik ang tingin sa TV. “Ganito pala feeling, no?” sabi niya.
“Ng ano?”
“Iyong may nagkakagusto sa’yo.”
Natawa si Adrian.
“Hindi ako maniniwala kapag sinabi mo sa akin na ngayon lang may nagkagusto sa’yo. Hindi iyon ang nakita ko sa restaurant,” ani Adrian.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong niya.
“Hindi mo ba alam? Bukod doon sa dalawang insidente na hinarass ka ng customers. Sinasabi sa akin nila Thelma na madalas daw may mga nagtatanong ng pangalan mo,” sagot nito.
“Talaga? Wow ah, alindog level ninety-nine percent,” sabi niya, sabay hawi ng buhok.
Natawa ulit ang binata.
“Eh kasi nga dahil man-hater ako. Kapag nalalaman ko na may gusto sa akin ang lalaki. Hindi pa man nakaka-one step closer sa akin, barado ko na agad tapos naiinis ako. Ganoon palagi ang reaksiyon ko,” sagot niya.
“Ngayon ko lang naranasan na gusto ko rin ‘yong lalaking nagkakagusto sa akin,” dugtong niya sa isip.
Napakunot-noo siya ng biglang mapangiti si Adrian pagkatapos ay umiling.
“Anong nakakatawa?”
“Wala naman, to think na kasama mo ako ngayon. Tapos sasabihin mo man-hater ka pa rin?”
Bumuntong-hininga siya. “Actually, aaminin ko, may nagbago simula ng makilala kita. Napansin ko rin na hindi na ako masyadong bitter,” sagot niya.
Ngumiti sa kanya ang binata. “Isn’t it better? Iyong gigising ka tuwing umaga, na walang galit sa puso mo?’
Marahan siyang tumango. “It is.”
“Sandali, gagawa lang ako ng juice,” paalam ni Nami.
Habang nasa kusina, hindi mapigilan ng dalaga na panaka-naka ay sumulyap
kay Adrian. Napapangiti siya kapag naririnig itong tumatawa. Hindi niya akalain na magiging ganoon siya kasaya sa piling nito. Alam ni Nami sa kanyang puso na gusto rin niya si Adrian, pero hindi niya alam kung paano sabihin. Hindi niya alam kung paano i-handle ang ganitong sitwasyon.
Nang matapos siya sa pagtimpla ng juice ay agad siyang bumalik sa sala at inabot dito ang isang baso. Nang bumalik siya sa panonood ng TV, bigla siyang natigilan ng mapansin na naghahalikan ang dalawang bida. Walang nagsasalita kahit isa sa kanila, pero ramdam niya ang tensiyon sa pagitan nila.
“Ano nga kaya ang feeling na mahalikan ng lalaking gusto mo? Totoo kaya iyong mga nasa pelikula, na nakakakilig. Sorry naman, naging busy sa pagiging man-hater eh,” sabi niya sa isip.
“Nami… can I ask?” tanong ni Adrian.
“Ano ‘yon?”
“Does it mean wala ka pang naging boyfriend ever?”
Tumingin siya dito.
“Nagkaroon na, pero isa lang,” sagot niya.
“Did you kiss?”
Tumikhim siya saka marahan tumango. “Pero matagal na ‘yon,” sagot ni Nami.
Matapos iyon ay pareho silang natahimik. Ngunit sa bawat segundo na lumilipas, pakiramdam ng dalaga ay sasabog ang kanyang dibdib sa lakas ng kabog niyon.
“Can I kiss you?” halatang kabadong tanong ni Adrian.
Hindi tumitingin na tumango si Nami. Nagawa na niyang tumingin sa binata ng hawakan nito ang pisngi niya at salubungin siya ng labi nito. When Adrian’s lips touch hers, parang tumalon ng paulit-ulit ang puso niya. Pakiramdam niya ay may umiikot sa tiyan habang palakas ng palakas ang kanyang kaba. Nang gumalaw ang labi nito, agad siyang tumugon at yumakap sa leeg nito. His kisses make her body shivers. It was way better and sweeter than her ex, isang klase ng halik na gusto niyang matikman araw-araw, oras-oras at kailanman ay hindi niya pagsasawaan.
AGAD NA in-enter ni Nami ang order ng customer mula sa table number seven sa touch screen computer ng restaurant. Mula doon, ay makakarating na sa kitchen ang order at agad iyong iluluto ng mga chefs.
“Good evening, Sir, Ma’am! Welcome to Chef’s Face,” magiliw na bati niya sa bagong dating na customers.
Matapos itong i-guide ng receptionist sa isang bakanteng mesa, agad iyong in-assist ni Thelma. Mayamaya ay may isang tumawag sa kanyang customer.
“Yes Ma’am?”
“Miss, naku pasensiya ka na ha? Kinukulit kasi ako nitong pinsan ko. Gustong makipagkilala sa’yo, baka daw puwedeng kunin ang number mo,” nakangiting sabi ng babae.
Bahagya siyang natigilan, pagkatapos ay napasulyap siya sa lalaking kasama nito. Ngumiti ito sa kanya, pero halatang nahihiya ito dahil sa pamumula ng mukha ng lalaki.
“Po? Ah, kasi Ma’am… ano…”
“Ma’am, excuse me, I’m sorry, do we have a problem?” sabad ng Manager niya na si Olive.
Agad ngumiti ang babae. “Ah wala, wala naman. Tinatanong ko lang siya baka puwedeng makuha name at number niya. Crush ka kasi ng pinsan ko,” sabi nito, sabay turo sa kasama nitong lalaki.
“Naku, sorry po. Our employees are not allowed to give their personal information. Mahigpit po iyon pinapa-implement dito.”
“Ay ganun ba?” anang babae, sabay lingon sa pinsan. “Ayan ha? Narinig mo? Kaya tumahimik ka na diyan.”
“Sorry po,” sabi ni Nami.
“Naku wala iyon, pasensiya na rin,” sagot nito.
Pagtalikod ay agad niyang kinausap ang Manager nila. “Ma’am, kelan pa mahigpit na pina-implement ‘yon? Alam kong bawal, pero hindi naman ganoon kahigpit di ba?”
Bigla nitong sinundot ang tagiliran niya. “Bruha, para sa’yo lang. Kabilin-bilinan ni Sir Adrian. Kapag daw may nagtanong ng number mo na customers, huwag na huwag daw ibibigay,” sagot nito habang natatawa.
Nanlaki mga mata niya. “Talaga po?”
“Oo, bruha ka! Mukhang malakas tama sa’yo ni Sir ah,” sabi ng Manager nila, habang nanunudyo ang mga tingin nito.
“Basta burger ha? Kapag naging kayo na!” sabad ni Sky, saka biglang sumulpot ang mukha nito sa gilid niya.
Muntikan siyang mapalundag sa gulat. “Ano ka ba?! Papatayin mo ako sa nerbiyos eh,” singhal niya dito.
Ngumisi lang ang kaibigan saka nag-peace sign. Pagdaan ni Thelma ay huminto muna ito pagdating sa tapat niya.
“Alindog level one hundred percent!” sabi nito.
“Joga points, two hundred!” dugtong naman ni Sky.
Bigla niyang hinawi ang buhok, saka lalong niliyad ang dibdib sabay tulis ng nguso. Sabay-sabay silang nagtawanan, kaya napatingin ang mga customers sa kanila.
“Huy, ang ingay n’yo! Balik na sa trabaho,” natatawa pa rin na saway ng Manager nila.
Mayamaya ay napalingon siya ng bumukas ang pinto ng Kitchen at lumabas doon si Adrian. Nanlaki ang mga mata niya ng hawakan nito ang kamay niya sa harap mismo ng mga kasamahan niya.
“Let’s go?” tanong nito.
“Saan?”
“Breaktime!”
“Pero mamaya pa ang breaktime ko, di ba?”
“Kung para sa pag-ibig, okay lang ang maagang breaktime!” nanunudyong sabad ni Olive sabay tulak sa kanya. Natatawa na lang na nagpatianod siya kay Adrian ng hilahin na siya nito.
“HINDI KA pa uuwi?” tanong ni Sky.
Umiling si Nami. “Nagpapahintay ang Kuya mo.”
Nagulat siya ng bigla itong sumigaw, sabay yakap sa kanya.
“Gosh! Magiging ate na kita!” tuwang-tuwa na hiyaw nito.
Bigla niyang tinakpan ang bibig nito. “Huwag kang maingay, hindi pa pormal na kami.”
Tinanggal nito ang kamay niya.
“Eh ganoon na rin ‘yon!”
“Sige na, umuwi ka na!” pagtataboy ni Nami.
Nang makauwi na lahat ng kasama niya, nag-check si Nami sa buong paligid para siguradong lahat ng dapat tanggalin na plug ay natanggal. Maging ang cash register ay chineck niya. Nang wala ng magawa ay saka siya pumunta sa kusina.
“Patapos ka na?” tanong niya kay Adrian.
“Yes, konti na lang.”
Lumapit siya dito at pinanood ang niluluto nito.
“Para saan ‘yan?” tanong ni Nami.
“Experiment, para sa next Chef’s Special natin,” sagot ni Adrian.
Mayamaya ay pinatay na nito ang kalan, pagkatapos ay pinatikim sa kanya ang bagong experiment nitong pasta recipe.
“Wow, ang sarap!”
“Really?”
Mabilis siyang tumango pagkatapos ay nag-thumbs up.
“Ipatikim mo sa ibang staff, I’m sure magugustuhan nila ‘yan,” suhestiyon niya.
“Thanks,” ani Adrian.
“Ako na ang maghuhugas ng mga ‘yan, darang ka sa apoy, baka mapasma ka,” prisinta niya.
Matapos ilagay ang niluto nito sa isang Tupperware. Si Adrian naman ang nanood sa kanya habang naghuhugas ng pinggan. Pagkatapos niyon ay agad niyang nilagay ang mga gamit sa dish rack, habang si Adrian naman ang nagpunas ng mga iyon. Mayamaya ay kinuha ni Adrian ang basang kamay niya at ito ang nagpunas niyon. Napakunot noo siya ng mapansin na titig na titig ito sa kanya.
“Bakit ganyan ka makatingin?”
Hindi ito sumagot pa, sa halip ay hinawakan siya nito sa beywang sabay hapit palapit dito at agad na lumapat ang labi nito sa kanya. She closed her eyes as Adrian gave her a passionate kiss. Nang lumalim ang halik nito ay napayapos na siya sa leeg nito. Tila kinailangan niya ng suporta dahil parang matutunaw siya sa tamis at sarap ng halik na pinagsasaluhan nila ng mga sandaling iyon. Ilang sandali pa, naramdaman na lang niya na huminto ito. Slowly, his parted from her. Hinalikan pa siya nito sa ilong pagkatapos ay ngumiti sila sa isa’t isa.
“Don’t go anywhere far from me, Nami. Dito ka lang sa tabi ko, sa nakikita ko, kung saan kaya kong abutin ang mga kamay mo ano man oras,” bulong nito.
“I promise,” sagot niya.
“I love you, Adrian,” bulong niya sa kanyang isipan.
DAHIL PAGOD na rin si Adrian, imbes na ihatid siya ng binata sa bahay. Dumiretso sila doon sa condo unit nito, nakiusap ito sa kanya na kung puwede ay doon muna siya magpalipas ng gabi. Magkatabi silang nahiga doon sa sofa, hinayaan ni Adrian na nakabukas ang kurtina habang nakatanaw sila sa madilim na kalangitan.
“Adrian.”
“Hmm?”
“May naalala lang ako.”
“Ano ‘yon?”
“Mayroon pa nga pala akong hindi nasasabi sa’yo,” ani Nami, saka siya pumihit paharap sa binata.
Napakunot-noo ito, saka tumingin sa kanya.
“Ano naman ‘yon?”
“Hindi tayo sa labas ng lobby ng hotel unang nagkita, iyong nabangga kita?” sagot niya.
“Talaga? Saan? Hindi ko maalala,” nagtatakang tanong ni Adrian.
Natawa siya ng tuluyan. “Sorry ha? Huwag kang magagalit,” ani Nami.
“Hindi, so, saan tayo unang nagkita?”
“Sa elevator, ako ‘yong babaeng nakasabay mo. Nagitgit nga tayo sa loob di ba? Dahil ang daming sumakay?” sagot niya.
Nagtaka si Nami ng hindi niya makitaan ng pagkagulat sa mukha nito.
“Teka, bakit parang hindi ka nagulat?” tanong niya.
Mayamaya ay natawa ng malakas si Adrian. “Huwag ka din magagalit ah, matagal ko ng alam na ikaw ‘yon.”
Napabalikwas ng bangon si Nami dahil sa narinig.
“Ano? Paano mo nalaman?!”
Nagkibit-balikat si Adrian.
“Because of your eyes, nakita ko ‘yong iisang emosyon sa mga mata noong babae sa elevator at noong babaeng nakabangga ko malapit sa entrance ng hotel. Na-confirm ko lang na iisa kayo noong ma-interview na kita,” paliwanag nito.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin?!” maktol niya.
“Ayoko lang na mapahiya ka kaya hindi ko na sinabi.”
Bumuntong-hininga si Nami. “Pero kahit alam mo na ganoon ang ginawa ko? Tinanggap mo pa rin ako sa restaurant mo,” aniya.
“Ramdam ko na mabuti kang tao, Nami. And I don’t judge people, I don’t have the right to do that. Alam ko na may dahilan kaya mo ginawa iyon. At napatunayan ko nga iyon matapos ang nangyari sa’yo sa hotel.”
Napangiti siya sa narinig, kaya yumakap sa nobyo. “Thank you,” bulong niya.
“You’re welcome. Pero teka, may tanong ako. Curious lang, bakit mo kailangan magdamit ng ganoon?”
“Ganoon kasi ang itsura ko kapag may raket, tapos paiba-iba ang pangalan ko. Tapos ayon, alam mo naman na kasabwat ko si Mabel,” sagot niya.
Bumuntong-hininga si Adrian, pagkatapos ay natawa ito.
“Saan ka naghahanap ng mabibiktima mo?”
“Kung saan-saan, sa mga hotel lobbies, sa mga night clubs, sa mga party hot spots, in short kung saan ang tambayan ng mga mayayaman conio na walang alam gawin kung hindi sayangin ang pera nila. From there, hahanap ako ng magiging target ko, kapag may lalaking nakagusto sa amin. I will just flirt with him, tapos ayon, doon na magkakaroon ng deal,” kuwento niya.
“Sino naman ang nagpasok sa’yo sa ganyan trabaho?” tanong ulit nito.
Kunot-noo siyang napalingon kay Adrian. “Kailangan mo ba talagang malaman? I mean, okay lang ba talaga sa’yo?” nagtatakang tanong niya.
“Oo naman. Gusto ko lang malaman ang lahat tungkol sa’yo, at nakaraan na ang pinag-uusapan natin dito. Hindi ka na ganoon,” sagot ni Adrian.
Bumuntong-hininga siya. “Sige na nga,” aniya.
“Paano ako nagsimula sa ganitong trabaho?” baling niya sa binata. Tumango ito.
“By accident. Kamamatay lang noon ni Ate at Nanay ng makita ko ang ex-boyfriend ni Ate Nikki. Alam ko na hindi niya ako kilala dahil kahit kailan ay hindi siya dinala ni ate sa bahay, I mean, sabi ni Ate ay niyaya niya pero ang lagi daw dahilan ng lalaki ay hindi pa siya handa. Nakilala ko siya dahil palaging pinapakita noon ni Ate sa akin ang picture ng ex niya. And then, I saw him that day, sa isang mall, sobrang saya niya na parang walang namatay dahil sa kanya. Nagdilim ang paningin ko dahil kahit kailan, kahit isang beses hindi man lang niya sinilip ang kapatid ko noong burol. Idagdag mo pa ‘yong panloloko ng ex-boyfriend ko ng araw na iyon kaya nagsama-sama ‘yong galit ko. Kaya sinundan ko siya, napadpad siya sa isang night club. Doon palihim ko siyang sinubaybayan. Hanggang nagulat ako na kusa siyang lumapit sa akin, asking me out that night. Nang mga sandaling iyon, may babae at lalaki sa tabi namin. Nakita ko nagkaabutan sila ng pera, doon ko naisip ang ideya.
Sumama ako sa kanya, kunwari ay pumayag ako sa gusto niya. Dinala niya ako sa hotel, siya ang unang biktima ko. Pero ng mga sandaling iyon, ang daming pumapasok sa isip ko. Pagtalikod ng lalaking iyon, gusto kong kunin at basagin ang bote ng wine at patayin siya. Pero naisip ko, hindi ako makakaganti sa mga lalaking gaya ng ex ng kapatid ko kung makukulong ako. Kaya naisip ko, kukunin ko na lang ang pera niya, nakinabang pa ako, eksakto tumawag si Mabel sa akin. Doon na nagsimula ang lahat, nakatakas ako sa kanya. Hanggang ang unang beses na iyon ay nagtuloy-tuloy na,” kuwento niya.
Bumuntong-hininga si Adrian at niyakap siya ng mas mahigpit.
“Ayokong magsusuot ka ng mga ganoon damit. Tapos ka na doon, if you want to wear something sexy. Dapat ako lang ang makakakita,” sabi pa nito.
Hindi mapigilan ni Nami ang mapangiti kaya tinakpan niya ang bibig saka marahan tumango. Hindi akalain ni Nami na kikiligin siya sa ganoon pagbabawal ni Adrian.
“Yes Sir!”
Bumuntong-hininga ang binata saka ngumiti sa kanya, pagkatapos ay hinalikan siya sa noo.
“Matulog na tayo,” yaya niya.
“Mayamaya na,” sagot nito.
“Hindi ba pagod ka?”
“Oo nga, pero ang sarap lang kasi ng ganito. Stargazing, habang yakap kita,” sagot ulit ni Adrian, saka siya hinila pabalik sa pagkakahiga at muling niyakap.
“Wait, we already kissed, tapos pinagbabawalan mo na ako magsuot ng sexy, tapos ngayon eto magtabi na tayo habang nakahiga. So, ibig sabihin boyfriend na kita?” tanong niya, saka tumingin sa binata.
Natawa si Adrian. “May iba pa? Wala naman magkaibigan na ginagawa ito.”
“Uy ano ka? May magkaibigan kaya na nagchu-chukchakan! Tapos sasabihin friends lang daw sila!”
Natawa na naman si Adrian.
“Ito naman, tawa ng tawa eh,” natatawa na rin na saway niya.
“Ikaw kasi eh!”
Mayamaya ay hinalikan siya nito sa noo.
“Ito naman eh, halik ng halik sa noo. Mukha na ba akong lola?” reklamo niya.
“Saan mo gusto?”
Bigla niyang tinulisan ang nguso. Nagdiwang ang puso niya matapos siyang pagbigyan ni Adrian, kaya agad siyang tumugon. Sa pagkakataon na iyon, he gave her a heart-melting kiss. A passionate and hot kiss. Nami’s heart raises when she
pulled her closer to him. Locking her in his strong arms.
“I love you,” narinig niyang sabi ni Adrian.
“I love you too, so much,” sagot niya.
And then, she thought. Ganito pala ang pakiramdam kapag in love ka. Masaya na hindi mo maipaliwanag kung gaano. Excited ka pero hindi mo alam kung bakit. Mabilis palagi ang heartbeat mo pero hindi mo alam kung paano ibabalik sa normal. Nami-miss mo kahit katabi mo lang, kasi gusto mo hindi na kayo nagkakalayo. Napapangiti ka na lang kahit na iniisip mo lang siya. In short, mukha na siyang engot. Pero kahit mukha siyang nasisiraan ng bait, masaya naman siya. Iyon naman ang mahalaga di ba?
“Nami,” bulong ni Adrian sa pagitan ng halik.
“Angela.”
Huminto si Adrian sa paghalik saka tumingin sa kanya.
“Angela,” ulit niya.
“Gusto kong maging totoo sa’yo simula ngayon, Adrian. Dahil tinanggap mo ako ng buo sa kabila ng nakaraan ko. Angela, nakalimutan mo na ba? Iyon ang totoong pangalan ko. Matagal na simula ng ginamit ko ang pangalan na iyan, pero ng mawala sila Ate at Nanay, tinalikuran ko ang pangalan na ‘yan. Sinunod ni Nanay ang pangalan ko sa “angel,” kaya inayawan ko. Pero ngayon, naliwanagan na ako. Thanks to you, naiintindihan ko na. Alam ko na mali ang ginawa kong pag-kuwestiyon sa Kanya,” paliwanag niya.
Nagtaka si Nami ng hindi agad sumagot si Adrian, parang kay lalim ng iniisip nito.
“Adrian,” untag niya.
“Angela…” ulit nito.
Marahan siyang tumango. “Yes, Angela, you can call me by that name,” sagot ni Nami.
Tumingin ito sa kanya sabay ngiti. “Okay,” sagot nito, pagkatapos ay walang babala na hinalikan ulit siya.
“READY KA na ba para mamaya?” tanong ni Darie sa kanya. Marahan siyang tumango at pinilit na ngumiti. Doon sa Chef’s Face ang usapan nilang dalawa ni Darie na magkikita. Mula doon ay sasama siya sa hotel nito at magkasabay silang lilipad papunta ng Seoul, South Korea.
“ANONG sinabi mo?!” gulat na tanong ni Adrian pagbalik niya sa Chef’s Face. Napapitlag si Thelma dahil sa biglang paglakas ng kanyang boses.
“KAPIT KA ng mabuti,” sabi ni Adrian sa kanya. Agad sinunod ni Nami ang sinabi ng binata at yumakap ng mahigpit sa beywang nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya, isipin pa lang niya na ililipad siya ni Adrian ay talagang kinakabahan na siya. Ngunit ng maramdama
DAHAN-DAHAN nilapat ni Adrian ang mga paa sa sahig, mula doon sa sala ng condo niya, lumagos siya sa nakasaradong pinto papunta sa loob ng kuwarto. Natagpuan niya si Nami na himbing na natutulog. Agad siyang bumalik sa normal na anyo bilang tao, at maingat na naupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Nami, saka kinuha ang kamay at hinalikan ang likod niyon.
NAALIMPUNGATAN si Adrian, matapos siyang magising ng wala sa tabi niya si Nami. Paglingon niya ay wala ito doon sa kuwarto, napangiti siya ng maramdam niya ang malakas na presensiya ng dalaga. Mula doon sa loob ng kuwarto bigla siyang sumulpot sa likuran nito. Napangiti si Adrian ng makitang isang mahabang t-shirt ang suot niya ang suot at napaka-igsing shorts.
ONE YEAR LATER… “Bill out for table number six,” sabi ni Nami kay Thelma.