LOGINDAHAN-DAHAN nilapat ni Adrian ang mga paa sa sahig, mula doon sa sala ng condo niya, lumagos siya sa nakasaradong pinto papunta sa loob ng kuwarto. Natagpuan niya si Nami na himbing na natutulog. Agad siyang bumalik sa normal na anyo bilang tao, at maingat na naupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Nami, saka kinuha ang kamay at hinalikan ang likod niyon.
“Gagawin ko ang lahat para lang ma-protektahan ka. Walang kahit na sino ang puwedeng manakit sa’yo, hindi ako papayag,” bulong niya.
Ilang araw bago nangyari ang pangho-hold-up kay Nami. Muli silang nagharap ni Rosier, simula ng maging ganap na anghel siya at una nilang laban. Iyon ang ikalawang beses na nagkaharap sila nito. Alam ni Adrian ang dahilan ng biglang pagdating ni Rosier. Iyon ay dahil sa nalalapit na pagdating ng ikalawang Praelia, siya si Raguel, ang anak ni isa pang archanghel na nabuhay sa mundo na si Gabriel. Nabubuhay ito ngayon bilang si Justin, ang kaibigan at Music Producer ng Blue Light. Dahil doon ay nanganganib ang buhay nito kaya kailangan niyang bantayan ng mabuti. Para mawala ang atensiyon niya sa pagbabantay sa susunod na Praelia, pinuntirya ng kalaban ang mahal niya sa buhay.
Dahil doon, ang mismong ama ni Raguel, na si Gabriel ang nagbabantay dito. Habang siya, kinailangan bumalik sa lupa para bantayan si Nami. Ang dalawang hold-up-er at ang espiritu na ginamit ang katawan at mukha ni Lance, lahat ng iyon ay si Rosier at iba pang mga kampon ni Lucifer. At habang tumatagal, lalong nalalagay sa panganib si Nami.
Noong nasa restaurant sila, naramdaman ni Adrian ang presensiya ni Rosier na umaaligid. Doon sa condo nila, nakikita niya ang paglipad at pag-aligid ng mga itim na anghel. Naghahanap ng pagkakataon kung kailan masasaktan si Nami. Kaya makasigurado siyang ligtas ang dalaga sa tuwing kailangan niyang umalis. Ginamit niya ang natutunan noong nasa langit pa siya, ang maglagay ng harang o proteksiyon sa isang lugar para hindi makalapit ang kahit na sinong masamang espiritu. Ang kapangyarihan na mayroon noon si Anghel Adriel na nakabalot sa buong Epouranios.
Kapag natapos ang misyon niya doon sa lupa, sa oras na maging ganap ng anghel si Raguel, kailangan na niyang bumalik ulit sa langit. Kailangan ni Adrian na iwan muli ang dalaga. Ngunit sa pagkakataon na iyon, wala ng kasiguraduhan kung kailan siya babalik. Maaaring isa o dalawang taon, o baka hindi na. Naputol ang pag-iisip niya ng magising si Nami.
“Kanina ka pa?” tanong nito.
Ngumiti siya sa dalaga.
“Kararating ko lang,” sagot niya.
“Hindi ko namalayan dumating ka,” anito.
Nahiga si Adrian sa tabi ng dalaga, at agad itong yumakap sa kanya.
“What did you do habang wala ako?” tanong niya.
“Nanood ng TV, pero wala naman akong naintindihan, ikaw kasi iniisip ko,” sagot nito.
Marahan siyang tumawa. “Bakit naman? Sabi ko sa’yo na babalik ako, di ba?”
“Oo nga, pero nami-miss kita agad kapag wala ka sa paningin ko,” sabi ni Nami.
Niyakap niya ang dalaga, saka huminga ng malalim.
“I told you, I will always stay beside you. Remember, I am your guardian angel,” sabi niya.
Natawa si Nami. “Doon pa lang kabog na, ang boyfriend ko, guwapo na, anghel pa,” sabi pa nito.
Natawa rin si Adrian. “Sayang, hindi mo pwedeng ipagmalaki na may boyfriend kang anghel. Pero puwede mo na rin akong ipagmalaki ang mukha akong anhel sa sobrang guwapo ko,” sagot niya, sabay kindat dito.
“’Yan! Anghel ka na’t lahat pero overflowing with confidence ka pa rin. Hindi ba kasalanan ‘yong overconfidence?” pabirong tanong nito.
“Eh di sana hindi ako tinanggap sa langit,” sagot niya.
Nagkibit-balikat ito. “Sabi ko nga,” sabi ni Nami.
“Sige na, matulog ka na ulit.”
Pumikit na ulit ito, at lalong siniksik ang ulo sa dibdib niya.
“Adrian.”
“Hmm?”
“Naisip ko lang, paano kapag…”
“Kapag?”
“Kapag i-give up mo ang pagiging anghel mo? Para magkasama na tayo dito. Handa ka ba?” tanong ni Nami.
“Ha?”
Hindi nakasagot si Adrian. Ang totoo, hindi niya alam kung ang dapat isagot. Minsan na niyang naisip iyon, pero hindi niya maaaring piliin maging tao dahil sa laki ng nakaatang na responsibilidad niya. Napatingin siya kay Nami ng bumangon ito.
“Bakit hindi ka nakasagot?” seryosong tanong nito.
“Nami, hindi ganoon kadali mangyari ang sinasabi mo,” sagot niya.
“Hindi mo sinagot ang tanong ko, nakahanda ka bang bitiwan ang pagiging anghel para sa akin?”
“Hindi ko alam,” deretsong sagot niya.
Bumuntong-hininga si Nami. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya sa sagot niya.
“Sabi ko na nga ba eh,” anito.
“Naiintindihan mo naman ako di ba?” tanong niya.
Imbes na sumagot ay nahiga si Nami at tumalikod sa kanya.
“Matulog na tayo,” mahina ang boses na sagot ng dalaga.
Nag-teleport si Adrian at sumulpot siya bigla sa harap nito, kaya muntik ng mahulog sa kama si Nami dahil napaatras ito sa sobrang gulat.
“Nakakainis ka naman eh!” tungayaw nito.
Natatawa na hinila niya ito palapit saka niyakap.
“Sorry na, ikaw kasi, bigla kang nagtampo sa akin,” sabi niya.
Sinubukan nitong lumayo sa kanya pero hindi ito umubra sa lakas niya. Sinimangutan siya ni Nami, kahit nginitian na niya ito.
“Tigilan mo ako, matutulog na ako,” sabi nito.
“Mamaya na,” paglalambing niya habang panaka-naka na hinahalikan ito sa pisngi.
“Ay naku, baka kaya ayaw mong i-give up pagiging anghel mo dahil maraming babaeng anghel doon na mas maganda sa akin,” sabi nito.
Natawa siya sa sinabi nito.
“Konti lang ang mga babaeng anghel doon! At wala akong gusto kahit isa sa kanila,” depensa niya.
“Huu! Maniwala ako sa’yo.”
“Sa tingin mo makakapag-sinungaling ako sa’yo?”
Bumuntong-hininga si Nami. “Talaga? Wala kang nagustuhan kahit na isa sa kanila?”
“Oo nga,” sagot niya.
“Walang kasing laki ng boobs ko?” tanong pa nito.
Natatawang umiling si Adrian.
“Nag-iisa lang ‘yang alindog ng boobs mo,” sagot niya.
Lumakas ang tawa ni Nami. Tinukod ni Adrian ang isang kamay sa ulo niya, saka tinitigan mabuti ang maamong mukha ng dalaga.
“Babalik ba ako dito kung mayroon iba?”
Gumuhit ang magandang ngiti ng dalaga. “Sabi ko nga,” anito.
“Angela,” aniya.
“Hmm?”
“I love you,” sabi niya.
“I love you more,” sagot nito.
Sa bawat araw na nakakasama niya si Nami, mas lalong gumaganda sa paningin niya ang dalaga. Kahit na matagal na silang may relasyon, pakiramdam ni Adrian ay parang bago pa lang sila. Siguro dahil sandaling panahon lang sila nagsama nito at kinailangan na niyang umalis agad. Pero sa tuwing ngumingiti si Nami, everytime she cracks her Rated SPG jokes, ang tunog ng tawa nito. Idagdag pa ang mga panahon na labis siyang nangulila, pakiramdam niya ay lalo siyang nai-in love dito. He can’t resist her beauty. He wants to keep on kissing her, those innocent lips drive him crazy. Noong mga panahon na wala siyang matandaan sa kanyang nakaraan, it was her who made him complete. Kaya habang tumatagal, mas lalo niyang minamahal ito.
Hindi na sumagot pa si Adrian. Basta na lang niya binaba ang mukha at agad sinakop ang mga labi nito. Mabilis na tumugon sa halik niya si Nami, at yumakap sa kanya. Kung siya ang tatanungin, gusto niyang pakasalan ang dalaga kahit anong oras. Handa siyang talikuran ang pagiging anghel kung siya ang masusunod. Pero wala siyang kalayaan para sundin ang personal na makakapagpasaya sa kanya.
IT’S BEEN three days since Nami went back to work. Simula ng bumalik si Adrian, binuhos muna niya ang atensiyon sa binata. Gusto niyang mabawi ang mga panahon na hindi niya ito nakasama. Ayaw pa nga ni Adrian na pumayag na bumalik siya sa trabaho, mabuti na lang at napakiusapan niya ito ng husto, kaya sa huli ay napilitan itong pumayag.
Hindi lubos maintindihan ni Nami kung bakit ganoon na lang ito naghihigpit sa kanya. Sa tuwing tinatanong niya ang binata, ang lagi lang nitong sinasabi ay nais lang siya protektahan. Matapos ang shift niya, agad siyang nagpaalam sa mga kasama. Paglabas niya ng restaurant, napangiti si Nami ng makita niya si Adrian na nakasandal sa kotse nito at nakahalukipkip habang naghihintay.
He never fails to make her heart skip, everytime he lovingly stares at him with his handsome face wearing that smile. His wearing black jeans, and a longsleeve shirt on top and black shoes. Napangiti siya ng kumaway pa ito sa kanya, natakpan niya ang bibig para pigilan ang kilig na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, pagkatapos ay nilapitan siya ng binata.
“Anong meron?” tanong niya.
Hindi nawawala ang ngiti nito habang nakatitig sa kanyang mukha.
“Naisip ko lang kasi, simula ng bumalik ako. Hindi pa kita nailalabas,” sagot ni Adrian.
“So, you’re taking me out on a date?” tanong niya.
Hinawakan ni Adrian ang kanyang kamay. “Yes.”
“Anong klaseng date? Normal date or something unusual?”
“Both,” ani Adrian.
“Okay, let’s go!” sagot niya.
Pinagbukas pa siya ng binata ng pinto ng kotse at inalalayan siyang sumakay doon bago ito umikot sa driver’s side. Habang nagmamaneho ay hawak nito ang kamay niya at panaka-nakang hinahalikan ang likod ng palad niya, o kaya naman ay nakahawak sa hita niya. Minsan ay marahan nitong hahaplusin ang kanyang pisngi o hahawiin ang buhok niya. Hindi alam ni Nami kung nakailang beses nitong sinabi ang salitang “I love you” sa buong biyahe nila.
“May kasalanan ka bang nagawa?” tanong ni Nami.
Kumunot ang noo ni Adrian saka umiling. “Wala naman, bakit?”
“Wala lang, nagtataka lang ako, sobrang sweet mo kasi,” sagot niya.
Nang ihinto ni Adrian ang kotse sa parking lot malapit sa Manila Bay, humarap ito sa kanya.
“Kailan ba ako hindi naging sweet sa’yo? Kahit noon pa naman, di ba?” sagot nito.
“Sabagay, pero kahit na…”
Bahagya siyang napapitlag ng ikulong ang mukha niya sa dalawang palad nito, pagkatapos ay halikan siya ng mariin ng labi.
“I’m just so in love with you, and I want to make everything sweet and nice for you,” sagot niya.
Napangiti si Nami, at hinawakan ang kamay nitong nasa mukha niya.
“Huwag mo akong sanayin sa ganito. Nakakatakot, baka hanapin ko ‘yan, ako lang ang mahirapan,” sabi niya.
Bumuntong-hininga si Adrian. Inaasahan niya na kokontrahin nito ang sinabi niya, pero ngumiti lang sa kanya ang ito.
“Let’s go,” yaya nito sa kanya.
Marahan lang siyang tumango, pagkatapos ay sabay silang pumasok ng restaurant. Pagdating doon, namangha siya dahil simple man ang mga dekorasyon ng mismong restaurant, pero ang nakapaganda talaga ng buong lugar ay ang malawak na dagat na nakapaligid sa kanila.
“Wow, hindi ko alam na may ganitong restaurant dito,” sagot niya.
“My friend owns this place, matagal na niya akong ini-imbatahan na pumunta dito. Pero ang sabi ko sa kanya, useless ang ganda ng view kung kakain akong mag-isa. Kaya nangako ako na kapag nagkaroon ako ng girlfriend, saka ako pupunta dito kasama siya,” paliwanag ni Adrian.
Pinasingkit ni Nami ang mga mata niya bago tumingin dito.
“So, ilan na ang babaeng nadala mo dito? Iyong totoo,” panunuksong tanong niya.
“Ikaw lang. Ikaw lang naman ang naging girlfriend ko simula ng dumating ako dito sa Pilipinas,” sabi ni Adrian.
Napangiti siya ng husto. “Bongga, nag-iisa ang beauty ko sa puso mo,” aniya.
Tumawa si Adrian.
“Exactly,” sagot nito.
Sinalubong sila ng isang lalaking mestizo at kasingtangkad ni Adrian, guwapo rin naman ito, pero mas guwapo pa rin sa paningin niya ang nobyo.
“Chef Adrian!” nakangiting salubong nito.
“Denzel, kumusta?” sagot naman ni Adrian, pagkatapos ay nag-shake hands ang dalawa.
“Tinupad mo ang sinabi mo, you really came here with a girl,” sagot ni Denzel.
“Nami, meet my friend, Denzel. And she’s my girlfriend, Nami,” pagpapakilala ni Adrian sa kanilang dalawa.
Nakipagkamay sa kanya si Denzel. “She must be really special. Matagal na kaming magkakilala ni Adrian, since college kasama ko na ‘yan. Pero sa dami ng nagkakagusto sa kanya, wala siyang pinansin ni isa. Nagdududa na nga kami sa kasarian niya noon eh,” sabi pa nito.
Natawa si Adrian sa pang-aasar ng kaibigan nito.
“Sira ka talaga,” ani Adrian.
“But seriously, Nami. I remember he once said, kapag nagmahal daw siya, she be will different and special,” sabi ni Adrian.
Napalingon siya sa binata ng higpitan nito lalo ang pagkakahawak sa kamay niya.
“She is,” sagot nito.
Pakiramdam ni Nami ay lumobo ang puso niya. Mula sa isang babaeng nanloloko ng kapwa, hanggang sa isang simpleng waitress. Si Adrian, isang mayaman na negosyante, na sa kabila ng kanyang nakaraan ay binigyan siya ng pagkakataon para ituwid ang buhay. Simula sa pagiging tauhan nito hanggang sa maging girlfriend ni Adrian. Ang tanging natatandaan ni Nami, nabuhay siya na puro negatibo ang nasa kanyang paligid. Galit at panloloko sa kapwa, hindi naniniwala sa Diyos, at walang tiwala sa iba. Bukod doon, wala siyang maalala na nagawang maganda at tama para biyayaan siya ng isang gaya ni Adrian. He never fails to make her feel loved and special, and in return, wala siyang ibang kayang ibigay pabalik kung hindi ang walang kapares na pagmamahal niya.
“This way, I prepared a special place for you,” ani Denzel.
Sumunod sila dalawa at dinala sila nito sa second floor. Sa loob ng isang VIP Room, kung saan tanaw na tanaw nila ang karagatan dahil sa glass wall.
“Wow,” aniya.
Isang table at dalawang upuan ang naka-set up sa gitna ng silid. Nang makaupo sila, agad inutusan ni Denzel ang mga tauhan nito na asikasuhin sila, pagkatapos ay iniwan na silang dalawa nito.
“Kailan mo pinaghandaan ‘to?” tanong niya.
“Kahapon,” sagot ni Adrian.
“Hindi ka naman umalis ng restaurant kahapon ah,” sabi niya.
“I called him,”
Napailing siya.
“Ikaw talaga, may nalalaman ka pang ganito.”
“Dahil gusto kitang sorpresahin,” anang nobyo.
“Bakit? Hindi mo nagustuhan?”
Lumapit siya dito saka yumakap sa beywang at sumandal sa dibdib nito.
“Sino nagsabi? I like it, really,” sagot niya saka tumingala.
Gumanti sa kanya ng yakap ang binata.
“Saan tayo pupunta pagkatapos?” tanong niya.
Ngumiti ito. “Secret,” sagot ni Adrian.
Nang dumating na ang pagkain ay agad silang kumain. Hanggang sa napatingin siya sa mga ulap.
“What it’s like up there?” tanong niya.
“Saan?”
“Doon sa itaas ng ulap. Noong wala ka, palagi akong bumabalik doon sa huling lugar na nagkita tayo. Umaasa ako na makikita kita doon, palagi akong nakatingin sa mga ulap. Kinakausap kita, nagbabaka-sakali na marinig mo ako,” sabi ni Nami.
“I heard you. Narinig ko lahat ng sinasabi mo, minsan, nasa tabi mo ako. It’s just that, hindi pa ako puwedeng bumalik sa pagiging tao. I really want to hold you everytime I heard you cry. Ilang ulit kong hiniling na sana naririnig mo ako sa tuwing binubulong ko sa’yo na mahal kita. May mga araw na nakakaramdam ako ng takot, nab aka makahanap ka ng iba at makalimutan mo ako,” sagot ni Adrian.
Nang maalala ni Nami ang mga araw na wala ang binata. Hindi niya napigilan na umiyak. Hinila ni Adrian ang upuan palapit sa kanya at pinahid ang luha sa kanyang pisngi. She held her hand, and look at him.
“Ayoko ng bumalik sa mga araw na iyon, Adrian. Sobrang lungkot ko, pakiramdam ko, mamamatay ako sa sobrang lungkot. Ang hirap magkunwari na masaya, dahil sa tuwing umuuwi ako, bumabalik ako sa realidad na mag-isa ako at wala ka sa tabi ko. Sa umaga paggising ko araw-araw, natatakot ako na baka hindi ka na pala babalik. I am so scared. Noong mga panahon na maraming kulang sa buhay ko, ikaw lahat ang nagpuno niyon. Kaya ng umalis ka, I feel so empty.”
Huminga ng malalim si Adrian at hinalikan siya sa noo, pagkatapos ay niyakap siya nito.
“Huwag mo na akong iiwan ulit, please,” umiiyak na pakiusap niya.
“I will always here beside you,” sagot ng binata.
Hindi alam ni Nami kung gaano sila katagal magkayakap, but for some reason, ayaw niyang bitiwan siya nito. Ang gusto niya ay manatili lang doon, at maramdaman na hawak siya ni Adrian.
“Hey, I want you to see something amazing,” ani Adrian ng tumingin ito sa kanya.
“Ano ‘yon?” tanong niya.
“Halika, dalhin kita doon. Tamang-tama, palubog na ang araw,” yaya sa kanya ni Adrian.
“Okay,” sagot niya.
Hindi na sila pinagbayad ni Denzel. Ayon dito, regalo na lang daw sa kanila ang dinner na iyon. Nagtaka si Nami dahil doon sila sa bahay dumiretso.
“Akala ko ba may pupuntahan pa tayo?” nagtatakang tanong niya.
“Oo nga,” sagot nito.
“Eh anong ginagawa natin dito sa bahay?”
“Sabi ko naman sa’yo, di ba? We will have the ordinary and the unusual kind of date?”
“Oo nga,”
Ngumiti ito. “Ready ka na?” tanong pa ni Adrian.
Marahan siyang tumango. Biglang napaatras si Nami ng biglang maging anghel si Adrian. Pagkatapos ay nilahad ang kamay sa kanyang harap.
“Let’s go,” yaya nito.
Nakangiting pinatong ni Nami ang kamay sa palad nito.
“READY KA na ba para mamaya?” tanong ni Darie sa kanya. Marahan siyang tumango at pinilit na ngumiti. Doon sa Chef’s Face ang usapan nilang dalawa ni Darie na magkikita. Mula doon ay sasama siya sa hotel nito at magkasabay silang lilipad papunta ng Seoul, South Korea.
“ANONG sinabi mo?!” gulat na tanong ni Adrian pagbalik niya sa Chef’s Face. Napapitlag si Thelma dahil sa biglang paglakas ng kanyang boses.
“KAPIT KA ng mabuti,” sabi ni Adrian sa kanya. Agad sinunod ni Nami ang sinabi ng binata at yumakap ng mahigpit sa beywang nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya, isipin pa lang niya na ililipad siya ni Adrian ay talagang kinakabahan na siya. Ngunit ng maramdama
DAHAN-DAHAN nilapat ni Adrian ang mga paa sa sahig, mula doon sa sala ng condo niya, lumagos siya sa nakasaradong pinto papunta sa loob ng kuwarto. Natagpuan niya si Nami na himbing na natutulog. Agad siyang bumalik sa normal na anyo bilang tao, at maingat na naupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Nami, saka kinuha ang kamay at hinalikan ang likod niyon.
NAALIMPUNGATAN si Adrian, matapos siyang magising ng wala sa tabi niya si Nami. Paglingon niya ay wala ito doon sa kuwarto, napangiti siya ng maramdam niya ang malakas na presensiya ng dalaga. Mula doon sa loob ng kuwarto bigla siyang sumulpot sa likuran nito. Napangiti si Adrian ng makitang isang mahabang t-shirt ang suot niya ang suot at napaka-igsing shorts.
ONE YEAR LATER… “Bill out for table number six,” sabi ni Nami kay Thelma.