LOGINONE YEAR LATER…
“Bill out for table number six,” sabi ni Nami kay Thelma.
“Ano? Kaya pa? Double shift ka na naman ngayon ah,” tanong nito.
“Oo naman, parang hindi mo ako kilala, puwede pa nga akong mag-closing,” nakangiting sagot niya.
“Ay loka, pinapatay mo ba ang sarili mo? ‘Wag ka nga! Oh, tapos na trabaho mo. Hala, layas! Umuwi ka at magpahinga,” pabirong pagtataboy sa kanya ni Thelma, sabay abot ng bill ng customers sa table number six.
Tumawa lang siya saka agad na inabot ang bill sa mga customers. Matapos nitong magbayad at ibalik niya ang sukli, saka siya nagpaalam sa mga kasama. Bago umalis ay sumilip muna siya sa kitchen.
“Sky, may ipapadala ka?” tanong niya.
Ngumiti ito saka umiling. “Next time,” sagot nito.
“Sige, uwi na ako.”
“Ingat.”
Paglabas ni Nami ng Chef’s Face ay naglakad na siya papunta sa sakayan. Habang naglalakad, panaka-naka ang pag-ihip ng malamig na hangin. Huminga siya ng malalim pagkatapos ay tumingala sa langit.
“I miss you, naririnig mo ba ako?” tanong niya sa kanyang isipan.
Huminto siya at nakipagtitigan sa madilim na kalangitan. Naghintay sandali, baka sakaling marinig niya man lang ang boses ni Adrian. Ngunit nanatiling tahimik ang paligid. Mayamaya isang malakas ng busina ng sasakyan ang narinig niya mula sa likod. Paglingon ni Nami, nanlaki ang mga mata niya. Gusto niyang tumakbo palayo pero parang may pumipigil sa kanya at napako siya sa kinatatayuan.
“Tulong! Adrian!” sigaw ni Nami.
Biglang pumreno ang kotse sabay kabig pakaliwa. Nakakapagtaka dahil hindi rin bumangga ang kotse sa isang pader na dapat sana ay sasalpukin nito. Parang nawalan ng lakas na napaupo siya sa semento. Pakiramdam ni Nami ay sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba ng mga sandaling iyon. Akala niya ay iyon na ang katapusan ng kanyang buhay. Mabilis na bumaba ang sakay ng kotse.
“Miss! Okay ka lang?” tanong ng babaeng driver.
Pagtingin niya ay bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Ngumiti siya saka tumango.
“Oo.”
“Sure ka? Gusto mo dalhin kita sa ospital?” alok pa nito.
“Ay hindi na, okay lang ako.”
Tila nakahinga ito ng maluwag. “Ay salamat, akala ko kung napaano ka na. Pasensiya ka na ulit.”
Nang makaalis na ito ay saka siya napabuntong-hininga. Muntik na siyang mapahamak, pero nakaligtas siya. Tumingala si Nami sa madilim na kalangitan. Bigla siyang natigilan ng may ilang piraso ng kulay puti na feathers ang dahan-dahan bumagsak sa kanyang harapan. Sinalo ng dalawang palad niya ang isang feather. Biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso, at malungkot na napangiti.
“It must be you, Adrian,” naiiyak na sabi niya sa kanyang isipan.
Nang makauwi sa bahay ni Adrian, muli siyang nakaramdam ng kalungkutan. Simula ng umalis ang binata, doon na siya tumuloy at nanirahan. Gusto niya na kapag bumalik ang binata, siya agad ang unang makakakita. Siya ang sumalubong at unang yumakap dito. Siya ang unang makakapagsabi ng ‘na-miss kita’. Pero dumaan ang isang linggo, hanggang sa naging buwan at ngayon, isang taon na ang nakakalipas simula ng mawala ang binata. Kahit isang beses, kahit isang sign or kahit sa panaginip man lang, hindi nagparamdam sa kanya si Adrian. Sa tuwing umuuwi si Nami galing sa trabaho, puno ng pag-asa ang puso niya na darating na lang siya sa bahay na nakabalik na pala ito. O kaya naman sa tuwing pumapasok siya sa Chef’s Face, palagi siyang umaasa na sa pagpasok niya ng opisina ng binata, ang guwapong mukha nito ang una niyang makikita.
Bumuntong-hininga si Nami, at tinaas ang curtain blinds pagpasok sa bahay, pagkatapos ay nahiga sa sofa at tumingin sa kalangitan.
“Nandyan ka pa ba sa langit, Adrian? Ikaw ba ‘yong anghel na nagligtas sa akin kanina?” tanong pa niya.
Nang hindi nakayanan ay napaluha na siya.
“Grabe ka naman kasi eh, walang pasabi na literal na matagal kang mawawala at literal na matagal ang paghihintayin ko. Araw-araw naghihintay ako sa pagbalik mo, minsan sa gabi, magigising na lang ako. Pakiramdam ko nasa tabi kita, pero wala ka naman. Nami-miss na kita! Sobra! Pati ‘yong umaapaw na self-confidence mo sa kaguwapuhan mo! Pati ‘yong signature flying kiss mo! I miss everything about you, Adrian. Come back to me,” umiiyak na sabi niya.
“Pakiramdam ko, mababaliw na ako sa sobrang lungkot. Nay, baka naman makita mo diyan sa langit si Adrian, sabihin mo naman bumalik na, dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal ng ganito,” dagdag pa ni Nami, sinubsob niya ang mukha sa sofa at doon umiyak ng umiyak.
Simula ng iwan siya ng binata, sa loob ng isang taon, trabaho at bahay lang ang naging buhay ni Nami. May mga pagkakataon na nilalabas siya ni Sky at mga kasama sa restaurant kapag napapansin ng mga ito na nalulungkot siya o kaya naman ay si Mabel. Pero sa tuwing umuuwi siya sa gabi, ang saya na naramdaman niya ng nasa labas ay agad na napapawi.
“Kung nandito ka, magparamdam ka naman! Kahit konti lang, please?” umiiyak na pakiusap ni Nami.
Bigla siyang napahinto sa pag-iyak, matapos maramdaman ang marahan ihip ng hangin. Napaangat siya ng mukha at agad na tiningnan ang mga bintana, sarado naman ang mga iyon, wala naman electric fan sa sala dahil naka-centralize aircon ang paligid.
“Adrian?” aniya.
Muling humangin sa paligid at mula sa taas, isa-isang bumagsak ang mga kulay puti na feathers. Napangiti si Nami, kasabay ng lalong pag-agos ng kanyang luha. Mabilis na tumibok ang kanyang puso, alam niya sa mga sandaling iyon. Naroon ang binata.
“Adrian…” bulong niya.
Napapikit si Nami ng biglang maramdaman na parang may marahan humaplos sa kanyang pisngi.
“I miss you,” sabi niya.
Halos isang minuto kung susumahin ni Nami ang tinagal ng pangyayaring iyon. Pagkatapos ay nawala ang hangin. Kinuha niya ang mga feathers at nilagay sa isang fish bowl.
“Salamat. Maghihintay pa rin ako sa pagbalik mo,” sabi ni Nami, habang nakatingin sa mga ito.
“ISANG TAON na rin pala simula ng umalis si Kuya Adrian? Ano? Kaya mo pang maghintay?” tanong ni Mabel.
Ngumiti si Nami. “Oo naman!”
Bumuntong-hininga ang pinsan, kaya napalingon siya dito.
“Ang lalim no’n ah, bakit parang dismayado ka pa?” natatawang tanong niya.
“Hindi ah, na-realize ko lang na totoo nga na mahal mo si Adrian. At mukhang hindi ka na man-hater, ang laki ng pinagbago mo simula ng makilala mo siya,” sagot ni Mabel.
“Galit pa rin ako sa mga lalaking nanloloko ng mga babae, pero hindi ko na nilalahat,” paliwanag ni Nami.
“Pero bakit ba hindi pa rin siya bumabalik? Ang tagal naman ng bakasyon n’ya,” tanong pa nito.
Hindi alam ni Mabel ang tunay na dahilan ng pagkawala ni Adrian, maging sa mga kasama nila sa Chef’s Face. Tanging silang dalawa lang ni Sky ang may alam ng totoo. Ang palagi nilang sinasabi ay kailangan nitong umuwi sa US at manatili doon ng matagal.
“Eh busy pa nga,” pagdadahilan niya.
“Pero Ate, hindi ka ba natatakot na baka hindi na siya bumalik? O kaya, baka may nahanap na siyang iba doon?” tanong pa ni Mabel.
Ngumiti siya sa pinsan. “Si Adrian ang unang lalaking pinagkatiwalaan ko, at
alam ko, hindi niya sisirain iyon. Nararamdaman ko, malapit na siyang bumalik,” sagot niya.
Muling bumuntong-hininga si Mabel.
“Hay, in love ka nga. Tibay ah, isang taon mahigit na, parang bago pa lang naging kayo? Mga mata mo Ate oh, parang may bituin, nagniningning!”
“Sira ka talaga, kaya minsan nami-miss kita eh! Kapag sa susunod mong day off, puntahan mo nga ako ulit sa bahay,” sabi ni Nami.
“Sige ba, bet na bet ko pa naman sa condo ni Kuya Adrian, ang sosyal talaga ng dating eh,” sagot nito.
Mayamaya ay biglang huminto ang taxi na sinasakyan nila.
“Naku Ma’am, hindi po ako makakapasok sa loob, may harang po eh.”
Napalingon siya labas, butas-butas na nga ang kalye, at may harang na bakal sa bungad ng street papunta sa condominium building.
“Ay oo nga, kaninang umaga wala pa ‘yan ah?” sabi pa niya.
“Ikot na lang po ako sa kabilang street,” sabi ulit ng driver.
“Ay hindi na Manong, dito na lang ako. Lalakarin ko na lang, malapit na naman eh.”
“Ano ka ba, ate? Ang dilim ng lalakaran mo oh. Magpahatid ka na, sige ka, baka mamaya biglang may sumitsit sa’yo na kapre diyan,” saway sa kanya ni Mabel.
“Takot lang ng kapre sa akin! Untog ko siya sa boobs ko! Hindi na! Malapit na lang naman eh,” giit niya.
Tumawa ng malakas ang pinsan niya.
“Sige, bahala ka. Loka ka talaga,” sagot ni Mabel.
“Bye! Text mo ako kapag nasa bahay ka na,” bilin ni Nami.
“Okay, ingat!”
Nang makaalis si Mabel ay saka naglakad si Nami papasok ng kalye. Day off niya ng araw na iyon at pang-umaga naman si Mabel, kaya ng matapos ang trabaho nito ay nagkita silang magpinsan at namasyal, kumain sa labas at nanood ng sine. Pasado alas-otso na ng gabi ng matapos ang pelikulang pinapanood nila.
Biglang napahinto si Nami ng makitang madilim nga sa kalyeng daraanan niya. Napatingala pa siya sa poste ng ilaw ng makitang nagpapatay-sindi iyon. Umahon ang kaba at takot sa dibdib niya. Huminga siya ng malalim at pilit na nilakasan ang loob.
“Relax Nami, konting lakad lang diyan,” sabi pa niya sa sarili.
Nasa kalagitnaan na siya ng kalye ng biglang humangin ng malamig.
“Hala, ang lamig! Naku po, hindi naman siguro totoo ‘yong kapre!” sabi pa niya sabay lingon sa paligid.
Binilisan ni Nami ang paglalakad, pero hindi pa nagtatagal, nagulat siya ng biglang may humarang na dalawang lalaki sa harap niya. Nag-doble ang takot niya. Hindi niya maaninag ang mukha ng dalawa, nakasuot ang mga ito ng maong na pantalon, at kulay itim na t-shirt, may takip na mask ang ilong at bibig nito habang nakababa ng husto ang suot na cap ng dalawa kaya hindi niya makita ang mata ng mga ito.
“Si-sino kayo?” nauutal na tanong niya.
“Hold-up ‘to, Miss. Ibigay mo sa akin ang bag mo,” sabi ng isang hold-uper.
Hinawakan niya ng mahigpit ang bag, saka dahan-dahan humakbang paatras.
“Huwag n’yo po akong sasaktan,” pakiusap ni Nami.
Bigla siyang napasigaw ng pinagitnaan siya ng dalawang lalaki at niyakap siya sa leeg ng mahigpit ng isang nasa likod niya. Naramdaman ni Nami ng itutok nito sa tagiliran niya ang isang matulis na bagay.
“Ibigay mo na sa amin ang pera mo!” mariin sabi ng lalaki sa likod niya.
“O-opo,” nanginginig ang boses na sagot niya.
Dahan-dahan niyang inalis ang bag sa balikat at inabot iyon sa kasama nito.
“Nandiyan na po, huwag n’yo lang akong saktan,” naiiyak na sabi niya.
“Tingnan mo ang laman, dali!” utos ng lalaki sa likod niya.
“Ayos pare, nandito ang pera at cellphone, tara na!”
“Sandali lang, pare, sayang ‘to! Seksi, maganda!”
“Kunin n’yo na po ang pera ko, kahit ano! Huwag n’yo lang akong sasaktan,” pakiusap niya.
Lumapit sa kanya ang lalaking may hawak ng bag niya. “Oo nga, ano?”
Parang tawa ng demonyo ang sunod na narinig niya mula sa dalawa. Gumapang ang takot sa buong katawan niya.
“Diyos ko, iligtas N’yo po ako,” naiiyak na dalangin niya.
Napasigaw si Nami ng hilahin siya ng dalawa papunta sa isang nakaparadang sasakyan. Pero agad tinakpan ng lalaking hawak siya ang kanyang bibig. Nagpumiglas si Nami, pero balewala ang panlalaban niya dahil dalawang lalaki ang may hawak sa kanya.
Pero hindi pa nagtatagal, nagulat na lang siya at ang lalaking may hawak sa kanya ng biglang humagis ang isang hold-uper, at tumama ito sa malayong pader. Nabitiwan siya ng isa pang lalaki ng di oras. Sinamantala iyon ni Nami, bigla niyang tinapakan ng mariin ang paa nito, sabay siko sa mukha nito kaya nakatakbo siya. Pero nagulat si Nami ng may biglang humawak sa kanyang balikat. Pagharap niya, natulala siya ng makita ang mukha ni Lance. Ngunit mas higit na takot ang naramdaman niya ng matitigan ang mukha ng kaharap. Nanlilisik ang mga mata nito, at parang wala ito sa sarili.
Nang mga sandaling iyon, nakakasiguro si Nami na hindi si Lance ang isa sa dalawang hold-uper na humarang sa kanya. Kahit isang taon mahigit na silang hindi nagkikita ni Lance, hindi pa rin niya nakakalimutan ang boses nito.
“Lance,” bulong niya.
Isang nakakatakot na tawa ang kumawala sa bibig nito. Kasabay niyon, biglang napaawang ang bibig niya, at sumunod na naramdaman ni Nami ang pagsigid ng kirot sa kanyang tiyan. Pagtungo niya, noon lang niya nakita na sinaksak na pala siya nito sa tiyan. Napakapit siya ng mahigpit sa balikat ni Lance.
“Lance…”
“Matagal ko na dapat ginawa ‘yan sa’yo,” galit at mariin wika nito, saka lalong diniinan ang kutsilyong nakatarak sa kanya.
“Hindi ka magiging masaya! Lahat ng mamahalin mo ay iiwan ka! Isa kang manloloko! Mamamatay ka ngayon at sa impyerno ka mapupunta!” galit na wika ni Lance.
Nang biglang tanggalin ni Lance ang kutsilyong nakatarak sa kanya, ay tuluyan na siyang napaupo. Napahawak doon si Nami, habang pilit na pinipigilan ang pag-agos ng dugo.
“Tulong… tulungan… n’yo ako…” sabi niya sa pagitan ng bawat paghikbi.
Umagos ang luha ni Nami. Hindi pa siya puwedeng mamatay, kailangan pa niyang hintayin si Adrian. Dito sa mundong ito, sila magsasama.
“Adrian…” naiiyak na bulong niya.
Paglingon niya sa paligid, nagtaka pa siya dahil biglang nawala sa paningin niya si Lance. Maging ang dalawang hold-uper.
“Tulungan n’yo ko! Adrian!” umiiyak na sigaw niya.
Biglang huminto sa pag-iyak si Nami ng makita ang biglang pagsulpot ng maliliit na ilaw na animo ng kulisap. Kasunod niyon ay marahan umihip ang hangin at napalibutan siya ng manipis na usok. Lalong umagos ang luha niya, she knows that signs very well. Minsan na niyang nakita iyon at kailan man ay hindi na niya nakalimutan pa.
Sa mismong harapan ni Nami, isang liwanag ang nagmula sa taas at bumaba ang nag-iisang anghel na kaytagal na niyang hinintay na bumalik. Pag-apak ng mga paa nito sa lupa, isang magandang ngiti ang sinalubong nito sa kanya. Pagkatapos ay naupo ito sa harap niya. She stared straight at his eyes, that moment, Nami cannot believe what she’s seeing in front of her. Parang isang panaginip lang ang lahat, parang pangarap na hindi siya makapaniwalang nagkakatotoo.
Umangat ang kamay ng anghel at marahan hinawi ang buhok niya. Pagkatapos ay nilapat nito ang isang kamay sa tiyan niyang may sugat, napatingin siya doon ng umilaw ang kamay ng anghel. Sa isang iglap, gumaling ang sugat niya. Kasabay ng pagkawala ng sakit niyon, kasamang naibsan ang pangungulila at lungkot niya sa nakalipas na taon.
“Adrian,” bulong niya.
Kinuha ng binata ang kamay niya at hinalikan ang likod niyon. Umangat ang isang kamay niya, at dahan-dahan nilapat iyon sa pisngi ng binata. Lalong umagos ang kanyang luha, how she longed for that moment to come? To see him face to face. To feel his touch.
“Angela,” wika nito.
Nang marinig niya ang boses ni Adrian, agad siyang yumakap dito.
“Bumalik ka na, tinupad mo ang pangako mo sa akin. You really came back,” umiiyak na sabi niya.
Napapikit siya ng maramdaman ang ganti ng yakap nito. Nang bahagya siyang lumayo sa binata, para tingnan ang mukha nito. Saka lang niya napansin na nasa loob na pala sila ng bahay.
“Sinabi ko naman sa’yo, di ba? Babalik ako,” sagot ni Adrian.
Tumayo si Nami at tiningnan mabuti ang binata. His wings are huge and as white as snow, but his angelic face didn’t change. Sa halip ay mas naging guwapo pa ito kumpara noon.
“Akala ko hindi na kita makikita pa,” sabi niya.
“Sorry kung matagal akong nawala. Alam ko nalungkot ka, at alam ko rin na madalas kang umiiyak. I’m sorry,” ani Adrian.
“Paano mo nalaman?” tanong niya.
“Lagi akong nakabantay sa’yo. Nakasubaybay ako sa’yo simula sa taas, kapag nasa pahamak ka, palagi akong dumarating.”
Bigla siyang napaisip. Tiningnan niya ang pakpak nito, saka siya napatingin sa feathers na nasa loob ng fish bowl.
“Ikaw nga, ikaw ang nagligtas sa akin ng muntik akong masagasaan ng kotse nila James at Sander. Niligtas mo rin sila para hindi bumangga ang sinasakyan nila. Iyong nakaraan gabi, ikaw iyon di ba? Naramdaman kita, pinuntahan mo ako dito.”
“Sa tuwing natutulog ka, palagi akong bumababa dito para pagmasdan ka,” sabi ni Adrian.
“Bakit hindi ka nagpapakita sa akin?” umiiyak na tanong niya.
“Dahil hindi pa puwede, kailangan manatili akong espiritu sa mahabang panahon,” sagot nito.
“Aalis ka pa ba?” kinakabahan na tanong niya.
Ngumiti si Adrian. “Huwag na muna nating pag-usapan ‘yan, ang mahalaga, nandito na ulit ako.”
Nang marinig iyon, tuluyan na siyang napangiti. Mas gusto na niya iyon, kaysa marinig na hindi na ito babalik pa, o kaya naman ay aalis din ito agad ngayon.
“Sandali, kailangan kong bumalik sa normal na anyo,” sabi ni Adrian.
Lumayo ito sa kanya, yumakap ang mga pakpak sa katawan nito, at isang nakakasilaw na liwanag ang nagmula doon. Hanggang sa mawala na rin ang pakpak sa likod nito. Adrian is now wearing a simple jeans and white shirt. Nang tumingin ito sa kanya binuka pa nito ang dalawang braso.
“Now, I am truly back,” sabi nito.
Umaapaw ang saya sa kanyang puso ng makita ang binata sa normal nitong anyo. Napawi ng pagbalik ni Adrian ang lungkot at pangungulila niya dito ng nakaraan taon. Tumakbo si Nami palapit dito at agad siyang kinarga nito.
“I miss you, Adrian. I miss you so much,” halos pabulong na sagot nito.
Tiningnan siya ng binata na parang kinakabisado nito ang bawat parte ng kanyang mukha.
“I miss you too, very much,” sagot ni Adrian.
Dahan-dahan siyang binaba ng binata, pagkatapos ay agad na kinulong siyang muli sa mga bisig nito. Hindi nagtagal, tinawid ni Adrian ang pagitan nila at tuluyan sinakop ang mga labi nito. Yumakap si Nami sa leeg nito at walang pag-aatubiling tumugon ng halik sa binata.
Sa bawat galaw ng kanilang mga labi. Sa bawat sandali na pahigpit ng pahigpit ang yakap nila sa isa’t isa. Pinapawi ng lahat ng iyon ang panahon na nagkalayo sila. Saglit siyang huminto at tiningnan muli si Adrian.
“Thank you for keeping your promise,” sabi niya.
Isang ngiti na lalong nagpabilis sa pintig ng kanyang puso ang sinagot ni Adrian. Napangiti rin siya, pagkatapos ay marahan pinadaan ang isang daliri niya sa labi nito.
“I miss that smile. I miss kissing these lips,” aniya.
Inangat nito ang kanyang mukha. “I miss everything about you,” sagot ni Adrian.
“Kiss me more,” sabi ni Nami.
Agad sinunod ni Adrian ang kanyang sinabi. Kinabig siya ulit nito palapit, at muling sinakop ang kanyang mga labi. Sa pagkakataon na iyon, ay mas mapusok at mas malalim. His tongue is playing inside her mouth. Hanggang sa maramdaman ni Nami na binuhat siya ng binata at inupo sa ibabaw ng kitchen counter. Sa pagdaan ng bawat sandali, mas lalong nagiging mainit ang halik ni Adrian sa kanya. Napatingala siya at napapikit ng bumaba sa leeg niya ang labi nito. Parang nag-aapoy ang katawan niya sa bawat haplos ng palad nito sa kanyang katawan. Nang hinalikan siya ulit nito sa labi ay mas lalong humigpit ang yakap niya dito. Hanggang sa huminto ito at habol ang hininga na tumingin sa kanya.
“I love you so much, Nami. Matagal man akong nawala, pero hindi nagbago
ang nararamdaman ko para sa iyo. Ikaw lang ang mahal ko,” sabi ni Adrian.
“I know, I trust you,” nakangiting sagot niya.
“I love you too, sobra,” naiiyak na dugtong ni Nami.
Nang umagos ang luha mula sa kanyang mata, agad iyong pinahid ni Adrian, pagkatapos ay niyakap siyang muli.
“READY KA na ba para mamaya?” tanong ni Darie sa kanya. Marahan siyang tumango at pinilit na ngumiti. Doon sa Chef’s Face ang usapan nilang dalawa ni Darie na magkikita. Mula doon ay sasama siya sa hotel nito at magkasabay silang lilipad papunta ng Seoul, South Korea.
“ANONG sinabi mo?!” gulat na tanong ni Adrian pagbalik niya sa Chef’s Face. Napapitlag si Thelma dahil sa biglang paglakas ng kanyang boses.
“KAPIT KA ng mabuti,” sabi ni Adrian sa kanya. Agad sinunod ni Nami ang sinabi ng binata at yumakap ng mahigpit sa beywang nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya, isipin pa lang niya na ililipad siya ni Adrian ay talagang kinakabahan na siya. Ngunit ng maramdama
DAHAN-DAHAN nilapat ni Adrian ang mga paa sa sahig, mula doon sa sala ng condo niya, lumagos siya sa nakasaradong pinto papunta sa loob ng kuwarto. Natagpuan niya si Nami na himbing na natutulog. Agad siyang bumalik sa normal na anyo bilang tao, at maingat na naupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Nami, saka kinuha ang kamay at hinalikan ang likod niyon.
NAALIMPUNGATAN si Adrian, matapos siyang magising ng wala sa tabi niya si Nami. Paglingon niya ay wala ito doon sa kuwarto, napangiti siya ng maramdam niya ang malakas na presensiya ng dalaga. Mula doon sa loob ng kuwarto bigla siyang sumulpot sa likuran nito. Napangiti si Adrian ng makitang isang mahabang t-shirt ang suot niya ang suot at napaka-igsing shorts.
ONE YEAR LATER… “Bill out for table number six,” sabi ni Nami kay Thelma.