Share

Chapter 17

Author: Miss Juris
last update publish date: 2020-09-30 13:00:35

          “READY KA na ba para mamaya?” tanong ni Darie sa kanya.

          Marahan siyang tumango at pinilit na ngumiti. Doon sa Chef’s Face ang usapan nilang dalawa ni Darie na magkikita. Mula doon ay sasama siya sa hotel nito at magkasabay silang lilipad papunta ng Seoul, South Korea.

          Simula ng maging regular customer nila ang mga ito sa Chef’s Face, naging magkaibigan silang dalawa ni Darie at ng miyembro ng Blue Light. Kaya sa tuwing umuuwi ang buong team nito sa Pilipinas para sa schedule ng grupo o kahit simpleng bakasyon lang. They make sure to see and spend time with each other. Si Darie din ang naging daan para dumating ang isang oportunidad sa kanya. Isang bagay na kaytagal din niyang pinag-isipan.

          “Excited na ako sa pagpunta mo sa Seoul! I’m so sure magugustuhan mo doon,” sabi ni Darie.

          “Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa. Hindi ko rin alam kung tama ang ginawa ko na desisyon,” sagot niya.

          Hinawakan ni Darie ang kamay niya. “You’ll be fine,” anito.

          Bumuntong-hininga si Nami, saka marahan tumango.

Napalingon siya ng tumabi sa kanya si James. “Don’t worry, alalayan ka namin pagdating doon sa Seoul. Kami ang bahala sa’yo,” sabi pa nito.

          “Kapag wala kaming schedule, papasyalan ka namin doon sa trabaho mo,” sabad naman ni Sander.

          “Nakahanda ka na rin ba na iwan ang lahat ng alaala n’yo ni Adrian dito?” tanong ni Hans.

          Napatingin siya sa binata. Seryoso ang mukha nito, pero may kakaiba siyang nakikita sa pagkatao nito. Nami has seen so many unusual things in her life, simula noon ay naging malakas na ang pakiramdam niya sa mga kakaibang bagay.

          “Ang totoo, hindi ko alam. Ayokong umalis dahil baka isang araw ay bumalik

siya at wala ako dito. But I feel like I have to do this, for myself,” sagot ni Nami.

          Sa isang kisapmata ay nawala ang kakaibang naramdaman niya sa pagkatao ni Hans, nawala ang pormal na emosyon sa mukha nito at agad napalitan ng masayahin at palangiting binata. Tumabi pa ito sa kanya saka umakbay.

          “Ate Nami, sigurado naman ako na kahit nasaan ka. Kung babalik si Kuya Adrian, hahanapin ka niya, at magkikita kayo,” sabi pa nito.

          Napangiti siya sa sinabi ni Hans. Gumaan kahit paano ang damdamin niya sa sinabi nito.

          “Thanks,” sagot ni Nami.

          Matapos kausapin sila Darie, ang mga kasama naman niya doon sa Chef’s Face ang hinarap ni Nami. Agad nangilid ang kanyang luha ng makitang umiiyak ang mga kaibigan, lalo na si Thelma, Sky at si Olive, ang Manager nila. Pinilit niyang ngumiti sa harap ng mga ito.

          “Kailangan mo ba talagang umalis?” umiiyak na tanong ni Thelma.

          “Ayoko, pero ito ang sa tingin ko na tamang gawin,” umiiyak na sagot niya.

          “Mag-iingat ka doon, ha?” bilin ng Manager nila.

          Niyakap niya ang dalawa. “Thank you sa lahat. Mag-chat kayo sa akin ha? O kaya video call tayo lagi,” sabi pa niya.

          “Mami-miss ka namin dito, pati ‘yang umaapaw na alindog mo,” sabi pa ni Thelma.

          Natatawang lumayo siya dito.

          “Ingatan n’yo si Nami doon ha? Baka mamaya mga Koreano naman ang mabighani diyan,” sabi pa ng Manager nila, sabay nguso sa boobs niya.

          Nauwi sa tawanan ang pag-iyak nila. Nang tumingin siya kay Sky ay nakangiti ito. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya.

          “Tandaan mo, laging bukas ang Chef’s Face para sa’yo. Sabihan mo lang kami,

your spot is always reserved for you,” sabi ng kaibigan.

          Yumakap siya ng mahigpit kay Sky na matalik na kaibigan ang kanyang turing.

          “Alam ko na mas gusto ni Kuya na makitang nagmo-move on ka kaysa nandito ka nga pero malungkot ka naman,” anito.

          “Natatakot akong dumating ang araw na baka makalimutan ko nga siya. Ayoko, Sky.”

          “Gusto kong sabihin sa’yo na hintayin mo ang kapatid ko. Pero ayoko rin naman makita kang miserableng naghihintay. Iba na ang mundo niya, ikaw, kailangan mong pag-aralan mabuhay ng wala siya. You’ve done enough, asikasuhin mo ngayon ang sarili mo. Doon sa Seoul, doon ka magsimula ng buhay na wala siya.”

          Marahan tumango si Nami.

          “Girl, let’s go?” yaya sa kanya ni Darie.

          Mabigat ang mga paa na lumabas siya ng Chef’s Face. Hindi maawat ni Nami sa pag-agos ang mga luha niya. Doon sa lugar na iyon nagsimulang magbago ang walang direksiyon niyang buhay. On that place, she met the man who thought her about forgiveness. That man, introduced God, Heaven and angels in her life. Literally, he changed her, even the beat of her heart.

          It’s been two years since Adrian left. At sa loob ng panahon na iyon, Nami wait for him. Pero hindi gaya noong naunang umalis ang binata, at taliwas sa sinabi nito. Hindi na nagpaparamdam sa kanya si Adrian. She never saw at least one feather since then. He didn’t visit even on her dreams. Hanggang sa isang araw ay nagkausap sila ni Darie. Kinukuha siya ng kaibigan para sa restaurant na nabili nito sa Seoul, siya ang magma-Manage ng buong restaurant. Bilang kaibigan, alam ni Darie ang tungkol sa kanila ni Adrian, pero ang sinabi niya maging sa mga kasama niya sa Chef’s Face. Bumalik na ulit ng America si Adrian at hindi na babalik pa.

          It was Sky who encouraged her to accept Darie’s offer. That’s when she also realized that this time, it’s time to let him go. It’s time to forget and move on. Kailangan na niyang itago sa pinakasulok ng kanyang puso ang alaala ni Adrian at tanggapin, baka nga hindi na babalik ang binata.

          Sa loob ng dalawang taon, ang alaala ng gabi na huling beses niyang makita ang binata ay malinaw pa rin sa kanyang isipan. The moment, she turned her back on him, walking away and crying non-stop as he ascends to Heaven. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang sakit ng gabing iyon matapos na muling lumingon at makitang wala na si Adrian. The pain is still fresh until this moment, ang gumising at mabuhay bawat araw-araw na ang bumubungad sa kanya ay ang katotohanan na wala na si Adrian at hindi na niya makikita ito.

          Hindi alam ni Nami kung ilang beses at gaano siya katagal umiyak sa loob ng isang araw. Hanggang sa isang araw, naramdaman na lang niya na napapagod na siya. Gusto niyang sumaya ulit, pero wala siyang makitang dahilan para maging masaya at ngumiti bawat araw. Kaya nagdesisyon siyang tanggapin ang alok ni Darie. And that day is the start of her new life.

          Mula doon sa Chef’s Face, sakay ng isang van kasama si Darie at Blue Light. Nag-byahe sila papunta sa hotel kung saan tumutuloy ang mga ito. Hanggang sa mapadaan sila sa tapat ng condominium building na dating tinutuluyan ni Adrian.

          “Darie, puwede bang ibaba mo ako saglit dito?” tanong ni Nami.

          “O sige… hintayin ka na lang namin,” sagot ni Darie.

          “Hindi na, susunod na lang ako doon sa hotel,” sabi niya.

          “You want me to go with you?” tanong pa ni James.

          Nakangiting umiling siya. “Hindi na, I’ll be fine.”

          “Okay,” sagot nito.         

          “Bumalik ka agad, ha?” bilin pa ni Darie.

          “Oo, sandali lang ako,” aniya.

          Pagbaba niya sa van ay agad siyang pumasok sa lobby ng condominium building. Sinalubong si Nami ng magandang ngiti ng receptionist ng gusali na hanggang ngayon ay kilala pa rin siya nito.

          “Miss Nami, babalik na po ba kayo dito?” tanong pa ng babaeng receptionist.

          “Hindi pa eh, may nakalimutan lang ako sa taas,” sagot niya.

          “Sige po, tuloy lang kayo,” anito.

          Isang linggo matapos makaalis ni Adrian, nag-desisyon si Nami na umalis na ng condo ng binata at bumalik sa apartment nila ni Mabel. At sa loob ng dalawang taon, iyon pa lang ulit ang sumunod na punta niya doon. Habang nasa elevator ay lumalakas ang kabog ng dibdib ni Nami. Hanggang sa makarating siya sa tapat ng unit ng Adrian. Kinuha niya ang susi, at dahan-dahan binuksan ang pinto.

          Deep in her heart, umasa si Nami na sa pagbukas niya ng pinto ay matatagpuan niya si Adrian sa loob. Ngunit mga gamit na natatakpan ng puting tela ang bumungad sa kanya. Umagos ang luha mula sa kanyang mga mata, as memories of her and Adrian comes back. Their sweet moments, their kisses, his warm embrace. Pero ang lahat ng iyon ay nagsisilbi na lang ngayon bilang isang alaala. Tumuloy sa loob si Nami, at mula sa bag ay nilabas niya ang isang piraso ng papel. Pagkatapos ay pinatong sa ibabaw ng papel ang susi na hawak niya.

          Napalingon siya sa larawan ni Adrian na nasa picture frame, malungkot siyang ngumiti at hinaplos iyon. Nami-miss niya ang mga araw na halos ipagsigawan at ipagmalaki nito na guwapo ito. Ang umaapaw na confidence nito sa katawan. Ang tunog ng tawa nito na parang salamin na pinupunasan. Ang masarap na luto nito. Ang pag-aasikaso nito. She misses everything about him.

          “I miss you, Adrian. Hanggang sa huling sandali, bago man lang ako umalis at simulan ang bagong buhay ko, umaasa pa rin ako na makikita ka at maririnig ko mismo mula sa’yo na bumalik ka na at hindi na aalis pa. I’m still holding on to that belief that you will come back for me. Pero kung hindi man, I’m sorry if I have to let you go. Napapagod na akong umiyak ng ganito, gusto ko na ulit maging masaya, kahit hindi ko alam kung saan at paano magsisimula. Help me to get through this, help me to move on,” umiiyak na pagkausap niya dito sa kanyang isipan.

          “Goodbye Adrian,” sabi niya, habang panay ang agos ng luha sa kanyang dalawang pisngi.

          THREE years later...

          Kamsahamnida!” nakangiting sabi ni Nami sa mga paalis na customer na kakatapos lang kumain doon sa Darlene’s Kitchen.

          Nami eonnie, Iced Americano du jjan juseyo,” nakangiting sabi ng isang babaeng estudyante paglapit nito sa counter. Ayon dito ay dalawang cups ng iced americano daw ang order nito.

          Ang salitang “Eonnie” ay isang paraan ng pag-address ng mga babaeng sa mas nakakatanda kung babae ang nagsasalita.

          Oh, Yejin-a! Niga siheomi jal jinaeni?” tanong niya. Ibig sabihin ng tinanong ni Nami ay kung naging maayos ba ang exam ni Yejin.

          Oh ne! I passed my exam!” tuwang-tuwa na balita nito.

          “That’s good, congratulations!” nakangiting sabi niya.

          Malapit lang sa isang malaking Univeristy ang restaurant ni Darie, kaya karamihan ay mga estudyante ang customers nila. Sa loob ng tatlong taon ng pananatili niya doon sa Seoul. Things became better for her unexpectedly.

          Nalibang si Nami sa pagta-trabaho. Bukod doon, nag-desisyon siyang ipagpatuloy ang pag-aaral ng College, kasabay ng pag-aaral din niya ng Korean Language. She was able to make new friends. Customers o mga naging classmates niya. Isa si Yejin sa mga naging kasundo niyang regular customers doon sa Darlene’s Kitchen, ang Koreana na estudyante sa University kung saan din siya nag-aral.

          Matapos magbayad ni Yejin ay pumwesto ito at ang kasamang kaibigan sa may glass wall.

          “Ikaw na muna dito sa counter, Ash,” baling ni Nami sa bagong tauhan niya na Filipina din.

          “Yes Ma’am,” sagot nito.

          Lumapit siya kay Yejin para makipag-kuwentuhan sandali.

          “Eonnie, juleob chukhahaeyo!” biglang sabi ni Yejin, sabay labas ng isang maliit na cake, which means Congratulations on your graduation.

          Napangiti siya, saka napailing. Kahapon naganap ang graduation ceremony niya sa University at si Darie ang sumama sa kanya dahil wala naman siyang pamilya na aattend. Kahapon, hindi niya naitago ang magkasamang lungkot at saya. Masaya si Nami sa bagong achievement na ito sa kanyang buhay na hindi niya akalain na makakamit. Ngunit hindi lubos ang saya na nararamdaman dahil wala ang Nanay at Ate niya para masaksihan ang importanteng araw na iyon. At wala rin ang lalaking inakala ni Nami ay magiging parte ng kanyang buhay. Mabuti na lang at naroon si Darie.

          “Thank you, Yejin,” nakangiting sagot niya.

          “Make a wish,” anito.

          Nami closed her eyes and say a little prayer.

          “Just once, Lord. I would like to see him again, kahit sa panaginip lang,” sabi niya, pagkatapos ay hinipan na niya ang kandila.

          “What did you wish?” tanong pa ni Yejin.

          “There’s this person that I would like to see. I asked God if I can see him again even if it’s just in my dream,” sagot niya.

          Napatingin siya sa mesa ng ipatong ni Yejin ang isang maliit na box at ibigay iyon sa kanya.

          “What’s this?” tanong niya.

          “A gift, open it,” sagot nito.

          Pagbukas niya ng maliit na box, isang kwintas ang laman niyon na may white feather na pendant.

          “A feather,” aniya.

          “They said, if you see feathers on a very unusual day or place, there’s an angel around. And I pray that angels will always keep you safe, Eonnie. They also said, if you pray while wearing this feather necklace, the angels will hear you and make your prayers come true,” sabi ni Yejin.

          Marahan hinaplos ng kamay niya ang pendant, at wala sa loob na napangiti.

          “Yes, angels,” sagot niya.

          “You are a good friend and an older sister, I want you to be happy,” sabi ni Yejin.

          Napangiti siya saka tumayo ay niyakap ito.

          “Thank you so much, Yejin.”

          “It’s snowing again,” sabi ng kaibigan ni Yejin.

          Paglingon nilang dalawa sa labas, nakita ni Nami na muli ngang bumabagsak ang snow. Napangiti siya, naalala niya ang unang beses na makakita siya ng snow. She cried that day, bigla niyang naalala si Adrian. Noong mga panahon na iyon, hiniling niya na sana ay kasama niya ang binata.

          “Oh hey, we have to go. We will be late on our next class,” paalam ni Yejin.

          “Okay, thanks for the gift and the cake!” sagot niya.

          Ngumiti ito. “You’re welcome,” aniya.

          Sinundan pa ni Nami ng tingin ang kaibigan habang palabas ito ng restaurant. Pabalik na sana siya sa counter ng may mahagip ang mga mata niya. Paglingon niya sa labas ng restaurant, parang sinipa ng malakas ang dibdib niya matapos makita ang isang lalaki na kamukha ni Adrian. Nakatayo ito sa kabilang side ng kalye, sa gitna ng karamihan ng mga tao, habang bumabagsak ang snow at nakatingin ng deretso sa kanya. He’s wearing a beige long coat, itim na jeans, and a black turtle neck sweatshirt, habang nakasuksok ang dalawang kamay nito sa loob ng bulsa ng coat.

          “Adrian,” bulong ni Nami.

          Hindi niya alam kung namamalik-mata lang ba siya o sadyang totoo ang nakita.

Nang dumami ang mga tao sa labas, biglang nawala sa paningin niya ang lalaking kamukha ni Adrian. Nagmamadaling lumabas si Nami at hinanap ang lalaki.

          “Adrian!” sigaw niya.

          Nang hindi niya makita doon ang lalaki ay saka siya tumakbo at naghanap pa sa paligid.

          “Adrian!” sigaw ulit niya.

          Ngunit nalibot na ni Nami ang buong paligid, pero hindi niya nahanap ang lalaking kamukha ni Adrian. Walang nagawa si Nami kung hindi ang muling mapaiyak.

          “Akala ko ba okay ka na, Nami? Sabi mo hindi ka na naghihintay? Pero bakit ka umiiyak? Kamukha lang niya ‘yon, huwag mong paasahin na naman ang sarili mo,” kastigo niya sa sarili.

          “Nami,”

          Halos mapalundag siya sa gulat ng biglang may humawak sa balikat niya, sabay harap.

          “Adrian!”

          Isang lalaki na mas matangkad ang bumungad sa kanyang harapan. Nakasuot ito ng itim na cap at may mask na nakatakip sa mukha nito.

          “James?”

          Bahagya nitong tinaas ang cap. “Nakita mo si Adrian?” tanong ng binata.

          Umiwas siya ng tingin, saka umiling. “May nakita lang akong kamukha niya,” sagot niya.

          “At hinanap mo siya?”

          Hindi siya sumagot.

          “Halika na,” paiwas niyang sagot, saka naglakad palayo.

          Pinigilan ni Nami na maiyak. Nangako siya sa sarili na kakalimutan na si Adrian at hindi aasa sa pagbabalik nito. She tried her best to live a normal life for the past three years. And it’s been five years since he left her. Ang unang dalawang taon ay para siyang nakikipagpatintero sa lungkot at kamatayan. Ngayon na nakausad na siya sa kanyang buhay, ayaw niyang muling bumalik sa depresyon na naranasan niya.

          Pero sino nga ba ang niloko niya? Hanggang ngayon, hindi man marinig mula sa kanyang bibig, ngunit ang puso niya ay patuloy na umaasa, at hanggang sa mga sandaling iyon ay na naghihintay sa pagbalik ni Adrian. Hanggang sa mga sandaling iyon, wala pa rin pinagbago sa kanyang nararamdaman. Her heart still belongs to him.

         

          WONDERFUL. Iyon ang naramdaman ni Nami matapos tumapak ng mga paa niya doon sa Nami Island. Ang lugar kung saan niya nakuha ang pangalan na pinalit niya sa Angela. It has been her dream to see the place since then, at ngayon na narito na nga siya. Hindi maipaliwanag ni Nami ang saya na kanyang nararamdaman, and weird at the same time.

          “We’re here,” sabi ni Darie.

          Nakangiting lumingon siya sa kaibigan.

          “It’s beautiful,” aniya.

          “Mas maganda dito kapag Autumn,” sabi naman ni Hans.

          “How does it feel? Ngayon nandito na tayo? It’s your island,” ani Sander.

          “Weird, I feel something different, pero hindi ko maipaliwanag kung ano,” sabi ni Nami.

          “Tara na, ikutin na natin ‘yong lugar,” yaya sa kanila ni James.

          Bilang graduation gift ng mga ito sa kanya. Pumayag ang Blue Light kasama si Darie na pumunta sila doon sa Nami Island. Sinadya ni Darie na ilibre ang araw na iyon para sa kanya.

          “Mabuti na lang hindi masyadong marami ang tao,” sabi ni James.

          Tinanggal ni Hans ang mask. “Istorbo lang ‘to,” anito, saka binulsa iyon.

          Nagulat na lang si Nami ng bigla siyang hawakan ni Hans sa kamay, sabay hila sa kanya, kaya napatakbo rin siya.

          “Bilis Ate Nami! Doon tayo!” sigaw pa nito.

          “Hans, sandali lang!” natatawang sabi pa niya.

          Huminto ito sa pagtakbo ng mapagod, binitiwan siya nito. “Wow!” bulalas nito, sabay tingin sa may unahan nito.

          Paglingon ni Nami, bumungad sa kanya ang mga matatayog na puno na perpektong nakalinya sa magkabilang gilid, habang natatabunan ang paligid ng puting nyebe na animo mga ulap.

          “I feel something,” sabi ni Hans.

          “Ano ‘yon?” tanong niya.

          “Something familiar, matagal na simula ng huli kong naramdaman ito. Ngayon lang ulit,” sagot ng binata.

          “Hindi kita maintindihan.”

          “You know what? I really want to ask you out, dahil ikaw ang ideal girl ko. Pero sa tingin ko maba-basted din ako sa’yo dahil alam ko hanggang ngayon, si Adrian pa rin ang mahal mo,” sabad ni James.

          “We brought you here in Korea, to keep our promise to him. To look and take care of you,” sabi naman ni Sander.

          “Teka nga, hindi ko kayo maintindihan,” natatawang sagot ni Nami.

          Lumingon si Hans kay Sander.

          “Ikaw na bahala kay Ate Darie,” sabi nito.

          Nag-thumbs up lang si Sander at agad na umalis. While Hans and James look at her and smiled, nagulat na lang si Nami ng maglakad ang dalawa palayo, hanggang sa bigla na lang nawala ang mga ito na parang bula.

          “Nasaan na ‘yon? James! Hans!” tawag niya habang panay ang lingon sa

paligid.

          Ilang sandali na ang nakakalipas pero tulala pa rin siya. Kasunod ng theory na nabuo sa kanyang isipan. “Teka, huwag mong sabihin pati sila anghel din?” hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili.

          Hanggang sa maagaw ng bumagsak na snow ang kanyang atensiyon at natagpuan niya ang sarili na naglalakad sa gitna ng mga punong iyon. Bahagyang tinaas ni Nami ang isang kamay, at hinayaan niyang bumagsak ang kulay puting nyebe sa kanyang palad. Napakunot-noo siya ng hindi lang yelo ang naroon, kung hindi isang kulay puting feather. Nang tumingin siya sa itaas, ang kaninang snow ay naging puting feathers. Bumilis ang kabog ng dibdib ni Nami. Her eyes started to look around, naghahanap baka sakaling tama ang kanyang hinala.

          “Ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang isipan.

          “Tumingin ka sa harap mo,” sagot ng isang pamilyar na tinig.

          Hindi maintindihan ni Nami kung bakit nagsimulang umagos ang kanyang mga luha. Emotions filled her heart, it is getting heavy, pero nag-uumapaw naman ang saya doon.   

          “Adrian,” sa wakas ay wika niya.

          Paglingon ni Nami sa unahan, sa gitna ng mga taong naglalakad doon sa lugar na iyon. She saw his familiar face, a man who stood out the most because of his height and his handsome face. Walking in the midst of that crowd towards her. Natutop ni Nami ang bibig matapos makilala ng tuluyan ang lalaking palapit sa kanya. Bigla siyang pumikit, baka sakaling panaginip lang ang lahat ng iyon.

          “This is not true,” umiiyak na sabi niya.

          Bahagyang napapitlag si Nami ng maramdaman na may humawak sa kanyang pisngi. Those hands carress her cheeks, mas lalong bumilis ang pintig ng kanyang puso. Naaalala pa rin niya hanggang sa mga sandaling iyon ang nagmamay-ari ng haplos na iyon. Those hands who used to touch her. Hanggang sa maingat nitong inangat ang kanyang mukha.

          Nami broke down in tears when some familiar lips touch hers. That familiar kiss. Nang lumayo ang mga labing iyon, saka niya narinig ang boses na limang taon niyang pinangarap na muling marinig.

          “I’m back.”

          That’s when she finally opens her eyes. Bumungad kay Nami ang mukha na matagal na panahon niyang pilit kinalimutan ngunit labis siyang nangulila. Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi nito.

          “Adrian,” wika niya.

          Hindi lang siya ang lumuluha ng mga sandaling iyon, maging ang binata rin. Adrian smiled at her, pagkatapos ay marahan itong tumango.

          “It’s me,” sagot nito.

          Agad siyang yumakap ng mahigpit sa binata. Nami closed her eyes again as she felt his arms wrapped around her.

          “Bumalik ka,” sabi niya.

          “Sa pagkakataon na ito, hindi na ako aalis. Magkakasama na tayo, hindi na kita iiwan,” sagot ng binata.

          Hindi makapaniwala na tumingin si Nami kay Adrian.

          “Talaga? Pero paano? Pinagpalit mo ang pagiging anghel para lang maging tao?”

          Umiling ito. “Anghel pa rin ako, pero dito ako sa lupa mananatili para magampanan ko ng maayos ang tungkulin ko na bantayan ang mga tao. Pumayag ang mga Superior ko sa taas, gaya ng tatlong archanghel na nanirahan dito sa lupa. Mabubuhay ako bilang tao habang ginagampanan ko ang tungkulin ko bilang Praelia. Sa piling mo, habang-buhay, hindi na tayo magkakahiwalay,” paliwanag ni Adrian.

          Sa gitna ng pagluha ay gumuhit ang magandang ngiti sa kanyang labi.

          “This is not a dream, right? Totoo lahat ng ito?” tanong pa niya.

          Marahan tumango si Adrian. “Totoo ang lahat ng ito,” sagot ng binata.

          Mabilis yumakap ng mahigpit si Nami sa binata, at doon habang nakakulong siya sa mga bisig nito ay muli siyang lumuha.

          “Sinubukan kong sundin ang mga sinabi mo. Ang kalimutan ka, ang magpatuloy sa buhay ng wala ka. I did move on, pero hindi pala kita kayang kalimutan. Dahil kahit anong gawin ko, I always find myself waiting for you. Praying to see you even if it’s in my dream. I secretly asking and praying to God, to bring you back to me. Dahil wala akong kayang mahalin kung hindi ikaw lang,” umiiyak na sabi niya.

          “Kahapon, I saw an image of you, doon sa harap ng restaurant ni Darie. Ikaw ba ‘yon? O namalikmata lang talaga ako?” tanong pa ni Nami, saka muling tumingin sa binata.

          “It is me. Kinailangan ko lang umalis agad dahil kailangan kong kausapin muna si Hans para dalhin ka dito.”

          “Bakit hindi ka man lang nagpakita kahit sa panaginip ko? Halos mamatay ako sa lungkot simula ng umalis ka,” tanong niya.

          “Dahil tapos na ang misyon ko sa’yo at sigurado na ang kaligtasan mo. Nawala na ang kapangyarihan nagdu-dugtong sa atin. Kaya hindi na rin kita makita mula sa itaas, hindi na rin kita naririnig, at hindi na kita maaaring subaybayan. Sa halip, ibang anghel ang tinalaga nilang tagabantay mo,” paliwanag ni Adrian.

          “Kung ganoon, paano sila pumayag na bumalik ka sa akin?”

          Ngumiti si Adrian. “Ang pagputol nila sa koneksiyon natin. Kasama sa pagsubok na kailangan kong pagdaan, kahit na anghel ako, nanirahan at nabuhay ako bilang tao ng ilang taon. Gusto nilang subukan ang loyalty at pananampalataya ko sa tungkulin ko bilang Anghel. Kung susuway ba ako at tatalikuran ang tungkulin ko at papairalin ko ang bahagi ng puso ko na naging tao? O susundin ang dapat at tama sa kabila ng pag-sakripisyo ko ng taong mahalaga sa akin. Self-sacrifice, iyon ang naging daan para ibigay ng Panginoon sa akin ang lihim na bulong ng puso ko,” paliwanag nito.

          “Paano mo nalaman na nandito ako sa Korea?” tanong niya.

          Mula sa bulsa ay nilabas nito ang papel. Napakunot noo siya.

          “Noong bumaba ako dito sa lupa, doon ako sa bahay ko unang pumunta. And I found this, kasama ng susi ng bahay ko,” sagot ni Adrian.

          Napangiti siya ng maalala. Iyon ang huling araw niya sa Pilipinas bago siya lumipad papuntang Seoul. Dumaan siya sa bahay nito, at sinadya niyang iwan ang papel na iyon na may nakasulat ng address niya doon sa Seoul. Naisip niya na baka sakaling bumalik si Adrian, para alam nito kung nasaan siya. At hindi akalain ni Nami na babalik nga ito, sa huli, nakabuti ang pag-iwan ng address niya bago siya umalis tatlong taon na ang nakakalipas.

          Muling yumakap si Nami kay Adrian. “Thank you for coming back,” sabi niya.

     “I’m sorry for always leaving you. Sa pagkakataon na ito, pangako, hindi na tayo magkakalayo. Nang bumaba ako dito, isang gantimpala ang pinagkaloob nila sa akin,” ani Adrian.

          “Ano ‘yon?” tanong niya saka lumayo ulit sa binata.

          “I can marry you, we can have kids and live like normal people, nang hindi nawawala ang kapangyarihan ko. Ang mga magiging anak natin, ang susunod sa mga yapak namin bilang susunod na tagapaglingkod ng Kalangitan,” sagot ni Adrian.

          “Totoo ba ‘yang sinasabi mo?” hindi makapaniwalang tanong niya.

          “I only dream of one thing since the day I met you, that is to marry you and love you for the rest of my life,” sabi ng binata, mula sa bulsa ng coat nitong suot ay may nilabas itong singsing.

          “Marry me, Angela.”

          Muling umagos ang luha sa kanyang mga mata, pero sa pagkakataon na iyon ay bunga ng labis na kasiyahan.

          “Yes,” nakangiting sagot niya.

          Nang isuot ni Adrian ang singsing sa kanyang daliri ay saka niya sinalubong ng tingin ang magandang mga mata nito.

          “I love you,” sabi ni Nami.

          “I love you, I love you, I love you so much,” sagot ni Adrian.

          “I only asked God to see you, but I must’ve done something good and He give me more than what I asked for. He allowed me to marry one of His bravest and greatest servant, an angel who became my angel first. Angelo or Adrian, kahit na ano sa dalawa ang pangalan mo, ang importante, ikaw ang papakasalan ko,” masayang sabi niya.

          “Thank you for waiting for me, and for not forgetting about me. Thank you for continuously loving me,” sabi nito.

          “You are worth waiting and loving for,” sagot ulit ni Nami.

          Adrian pulled her closer, pagkatapos ay sinalubong siya ng halik nito. Nang mga sandaling iyon, yumakap si Nami sa leeg ng binata at agad na tumugon sa halik nito. Hanggang sa maramdaman na lang niyang umangat silang dalawa sa lupa, at yumakap ang pakpak ni Adrian sa kanya. Napahinto siya sa paghalik sa binata ng mapansin na wala na sila sa Nami Island, sa halip ay naroon sa condo unit nito sa Pilipinas.

          “We’re home,” nakangiting sabi ni Adrian sa kanya.

          Ngumiti siya sa binata at mariin itong hinalikan sa labi.

          “Welcome back home,” sagot ni Nami.

          Ngumiti rin sa kanya si Adrian. Then, they kissed again.

- THE END / WAKAS -

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status