เข้าสู่ระบบ“ANGELO…”
Tinakpan ni Adrian ang tenga. Paulit-ulit iyong nare-replay sa utak niya. Minsan na niyang nakita ang tunay na pangalan ni Nami sa resume noong araw ng interview ng dalaga. Pero dahil nasanay na siya na pangalan na Nami, nawala na sa kanyang isip na ang totoong pangalan nito ay Angela.
Kagaya ng unang beses, nang mabasa ang pangalan na iyon. Something strike him, a vision from the past. Ang tatlong bata na palagi niyang nakikita sa kanyang panaginip, they are calling him Angelo. Napasigaw ng malakas si Adrian ng biglang sumakit ang ulo niya, gusto niyang iumpog ang ulo niya sa sakit. Halos mag-tumbling siya sa ibabaw ng kama dahil sa pagsigid ng kirot sa kanyang ulo.
Hanggang sa bigla siyang nahirapan huminga, napaluhod siya at saka tiningala ang ulo, binuksan niya ang bibig para makasagap ng hangin, ngunit iba ang nangyari. Came from inside, a bright ray of lights came out of his mouth and his eyes. Napahawak si Adrian sa dibdib niya, ngunit mula doon ay may liwanag din lumabas. Mula sa kung saan, isang tinig ang kanyang narinig.
“Angelo… aking anak. Simula ngayon, at sa mga susunod pang mga araw. Lahat ng alaala ng iyong nakaraan ay unti-unting magbabalik. Huwag kang matakot, anak. Magpakatatag ka, dahil ito ang buhay na tinadhana sa iyo. Ang maging tagapag-lingkod ng Panginoon, ang maging magiting na mandirigma ng kabutihan.”
“Angelo…” bulong ni Adrian.
Sa isang iglap, biglang nawala ang liwanag mula sa kanyang katawan, pagkatapos ay agad siyang bumagsak sa kama at tuluyan nakatulog.
WALANG katapusan dilim. Iyon ang sumalubong kay Adrian matapos niyang idilat ang mga mata. Kahit saan siya lumingon ay pawang dilim ang kanyang nakikita, ang tanging liwanag doon ay ang ilaw na nagmumula sa itaas.
“Nasaan ako?” tanong niya, habang panay ang lingon.
Ngunit nakakapagtaka na wala siyang nararamdaman na kahit ano man takot.
“Nami!” sigaw niya, ngunit walang dalagang sumagot. Tanging ang boses niya na nag-echo sa paligid ang kanyang narinig.
“May tao ba diyan?!”
Muli ay sariling tinig ang narinig ni Adrian. Bigla siyang napaatras ng lumakas ang ihip ng hangin, hanggang ang dilim ay unti-unting nagliwanag. Napalingon si Adrian ng makita ang isang pamilyar na lugar.
“Epouranios,” bulong niya.
“Adrian,”
Natigilan siya matapos makilala ang tinig na iyon. Parang kaboses niya, kaya agad siyang lumingon. Nagulat siya sa nakita, ang nakatayo sa harapan niya ay walang iba kung hindi isang anghel na kamukha niya.
“Sino ka?” tulalang tanong niya.
Nakasuot ang anghel ng damit ng sundalo ng mga sinaunang panahon na Romano na purong puti.
“Ako at ikaw ay iisa.”
“Hindi kita maintindihan, anong ibig mong sabihin?”
“Ang nakikita mo ngayon ay ang tunay mong pagkatao. Malapit na ang araw ng paglabas ng iyong kapangyarihan,” sagot nito.
“Sandali lang, naguguluhan ako,” aniya, saka napapikit.
“Angelo, iyan ang tunay mong pangalan. Ang iyong ama ay ang isa sa unang henerasyon ng Pitong Archanghel, si Jophiel.”
Muli siyang napadilat sa narinig at tumingin sa anghel.
“Impossible, hindi ako isang anghel. Ordinaryong tao lang ako,” tanggi niya.
“Alam mo sa sarili mo, na simula pa noon ay iba ka sa lahat ng taong nakapaligid sa’yo.”
Hindi siya nakapagsalita.
“Huwag mong talikuran ang buhay na nakatadhana sa iyo. May misyon ka na dapat tuparin,” sabi ni Angelo.
Biglang napabalikwas ng bangon si Adrian, at agad na lumingon sa paligid.
“Panaginip lang pala, pero parang totoo ang lahat ng nakita ko,” sabi ni Adrian.
Paglingon niya sa paligid, saka lang napansin ni Adrian na naroon siya sa loob ng kuwarto. Bigla siyang natigilan matapos maalala ang minsan sinabi ni Hans, matapos nilang mag-usap bago ito umalis noong gabi na sa Chef’s Face nagdinner ang miyembro ng Blue Light kasama ang buong staff nito.
“I know you are one of us… kapag may hindi ka maintindihan, call me…” umalingawngaw ang boses ni Hans sa isip niya.
Agad siyang bumaba ng kama at kinuha ang calling card nito sa wallet niya at agad na tinawagan ito.
“Chef Adrian,” bungad ni Hans.
“Paano mo nalaman na ako ang tumatawag?” tanong niya.
Napaatras siya ng biglang sumulpot si Hans sa harapan niya.
“Paano… paano nangyari na nagagawa mo rin ‘yan?” tulalang tanong niya.
Hans slowly turned to him, umangat ang isang sulok ng labi nito saka umiling.
“Sinabi ko na sa’yo, di ba? Malakas ang kutob ko na isa ka sa amin. Alam ko marami kang tanong, sumama ka sa akin. Siguradong matutulungan ka ng aking ama,” dagdag ni Hans.
NATAGPUAN ni Adrian ang sarili sa isang simple at maliit na bahay sa rooftop ng isang four-storey building. Doon pa lang sa labas ay iba na ang nararamdaman niya, isang pamilyar at magaan na pakiramdam na tila humahaplos sa kanyang puso.
“You are free to use your powers here. Bukod sa Mommy ko, lahat kami ay
iisa ng kapangyarihan,” sabi ni Hans.
Napatingin siya sa katabi.
“Sino ba talaga kayo?” tanong ni Adrian.
“Pumasok tayo sa loob para malaman mo,” sagot ni Hans.
Pagpasok sa loob ng bahay, naabutan niyang nakaupo sa sala si James, ang kakambal ni Hans. Sa kabilang sofa, nakaupo ang isang may edad na lalaki. Tumayo ito at agad na ngumiti sa kanya.
“Sa wakas, nagkita na rin tayo,” sabi nito.
“Kilala n’yo ako?”
Bago ito sumagot ay biglang naglaho sa harapan nila ang kambal.
“Anghel,” wika ni Andrew.
“Ano po?”
“Isa kang anghel,” sagot nito.
Hindi alam ni Adrian kung matatawa siya sa narinig.
“Anghel? Nagbibiro ho ba kayo? Paano ako magiging ang—”
“Nakakapagbasa ka ng sinasabi sa isipan ng iba, may kakayahan kang pumunta sa isang lugar sa isang kisapmata lang. Kaya mong pagalawin ang mga bagay sa paligid mo sa pamamagitan ng isip. Mas malakas ka sa pangkaraniwang tao, sa tuwing nasusugatan ka ay agad itong naghihilom, nagsisimula ka ng makaramdam ng masamang espiritu sa paligid mo, at lumaki ka na walang naalala sa pagkabata mo, tama ba?”
Hindi agad nakasagot si Adrian, walang mali kahit isa sa sinabi ni Andrew. Isang marahan tango lang sinagot niya sa kaharap.
“Angelo, Epouranios, Haniel, at isang anghel na tinatawag akong anak. Napapanaginipan ko lahat ng iyon, minsan, kahit gising ako, nakikita ko sila na parang totoo,” aniya.
Biglang tumayo si Andrew. Nanlaki ang mga mata ni Adrian at napaatras sa takot. Nang mga sandaling iyon, sigurado si Adrian na hindi na siya nananaginip. Sa harap niya mismo, naging Anghel si Andrew. Mayamaya ay may isa pang anghel na dumating, mas mukha itong may edad sa nauna.
“Ang mga nakikita mo o napapanaginipan mo ay hindi isang kathang isip lang. Lahat ng iyon ay totoo,” sabi ni Andrew.
“Ako si Daniel, ang Supremo ng mga Anghel sa buong kalangitan. Panahon na para malaman mo kung sino ka, at kung saan ka nanggaling,” wika nito.
Kasunod niyon ay tuluyan ng umagos ang kanyang luha. Kasabay niyon ay may kung anong bumukas sa kanyang puso at isipan at parang ipu-ipo na dinala siya sa nakaraan. Hanggang sa isa pang anghel ang biglang sumulpot sa kanyang harapan. Dahan-dahan at tulala na napatayo si Adrian ng makilala ang mukha nito. Siya ang anghel na tumulong sa kanya noong isang beses na sinumpong siya ng labis na paninikip ng dibdib. Noong mga panahon na akala niya ay mamamatay na siya sa sakit, nilapat lang nito ang palad sa kanyang dibdib ay naging maayos na ang pakiramdam niya.
“Ikaw si Angelo, ang una sa ikalawang henerasyon ng pitong Archanghel na kung tawagin ay Aurae Praelia. Ako si Jophiel ang iyong ama. Hindi ka isang ordinaryong tao, Adrian. Isa kang anghel na pinanganak at nagmula sa langit. Labing-isang taon na ang nakakalipas ng magkaroon ng giyera sa pagitan ng kabutihan at kasamaan. Nang mga panahon na iyon ay labingtatlong taon gulang ka pa lang. Sinira ng mga kalaban ang Epouranios, ang lugar kung saan sinasanay ang apat na batang magiging bahagi ng Aurae Praelia, para patayin ang mga batang anghel. Ngunit hindi sila nagtagumpay, naitakas ng Supremo ang apat na bata. Ang isa ay naihabilin niya ng maayos kay Archanghel Andrew. Ngunit ang tatlo pang batang anghel, dahil sa pakikipaglaban ay nawala mula sa pangangalaga ng Supremo.”
Mabilis niyang naalala ang lahat ng nakaraan. Si Haniel, ang pinakabata sa kanilang apat. Si Raphael at Ramiel, silang apat ang sama-samang nagsasanay sa loob ng Epouranios. Umagos ang luha niya ng maalala si Anghel Adriel, ang guro at naging gabay nila habang nasa Epouranios. Ang malaking giyera sa pagitan ng mga demonyo at anghel. Paano niya nakalimutan ang lahat ng iyon?
“Matagal ka na namin nahanap, bata ka pa lang. Pero nagdesisyon ang Anghel Seraphim, ayon na rin sa utos ng Panginoon na hayaan kayong mamuhay dito sa lupa gaya ng isang ordinaryong tao. Para makasiguro na ligtas kayo, ako mismo ang nagbantay sa’yo simula noon para hindi ka basta mahahanap ng kampon ni Lucifer. Hindi kita iniwan kahit kailan, palagi akong nasa tabi mo at nakaalalay sa’yo.”
Napaupo siya at saka doon umiyak ng umiyak.
“Nasaan ang iba pang Praelia? Si Haniel? Si Ramiel at Raphael?”
“Ang iba pang miyembro ng Aurae Praelia, si Ramiel ang anak ni Archanghel Uriel at Raphael ang anak ni Archanghel Chamuel. Ang tatlo sa pitong praelia ay dito pinanganak at lumaki sa mundo. Sila ang mga anak ng tatlong miyembro ng naunang henerasyon ng Archanghel na umibig sa isang babaeng mortal. Si Raguel, ang anak ni Archanghel Gabriel, o mas kilalang Justin. Alam kong nagkita na kayo minsan doon sa restaurant mo. Ako si Archanghel Andrew, ako ang ama ni Jeremiel, o mas nakilala mong si James. Ako rin ang nagpalaki sa kanina ay kausap mo, si Hans. Siya ay walang iba kung hindi si Haniel, ang anak ni Archanghel Zadkiel. Ang huli at pinakabata sa Aurae Praelia, si Samuel o ang nakilala mong si Sander, siya ang anak ni Archanghel Michael. Maliban sa’yo, hindi pa alam ng iba ang tungkol sa Aurae Praelia. Malalaman nila ito sa araw na maging ganap silang anghel.”
“Kung nandito sa mundo ng mga tao ang iba pang Praelia. Kung ganoon, nasaan na si Ramiel at Raphael? Bakit hindi pa sila nahahanap?!”
“Ang totoo ay nahanap na sila. Hinihintay na lang ay ang tamang panahon para maging ganap silang anghel.”
“Gusto ko silang makita! Sabihin n’yo sa akin, nasaan ang mga kaibigan ko? Si Haniel! Gusto ko siyang makausap!”
Umagos ang luha ni Adrian, agad niyang naalala noong nasa Epouranios sila. Gumagamit siya ng pana para ikuha ito ng paborito nitong prutas, pagkatapos ay tatakbo ito sa kanya sabay yayakap sa beywang niya. Siya ang nag-alaga kay Haniel noon pa at tinuring ito bilang isang tunay niyang kapatid. Palagi silang magkasamang apat sa tuwing nagsasanay sila noon sa Euporanios.
“Si Haniel, kaya pala, palagi kong binabanggit ang pangalan niya, kahit na hindi ko siya maalala,” sagot niya habang umiiyak.
“Ikalma mo iyong kalooban. Malapit na ang araw para muli mo silang makita at makasama,” sabi ni Archanghel Andrew sa kanya.
Lalo siyang napaiyak ng maalala ang nangyari noong sumiklab ang giyera sa pagitan ng anghel at kampon ng kasamaan. Nang mamamatay si Anghel Adriel, labis siyang nagalit at sumuway sa utos, bumaba siya ng Epouranios at nakipaglaban kahit na alam niyang delikado. Naging daan iyon para sumunod sa kanya ang mga mas nakakabatang mga kaibigan. Si Haniel, palibahasa’y bata pa noon kaya palagi itong nakayapos sa kanya.
Napaluhod si Adrian habang humahagulgol ng iyak.
“Patawarin n’yo ako. Ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang mga kaibigan ko. Hindi ako nakinig sa inyo, sumugod ako sa gyera kahit na wala akong sapat na lakas at kapangyarihan. Dahil sa kapangahasan ko, napahamak ang mga kaibigan ko! Nawala sila dahil sa akin!”
Ngayon malinaw na ang lahat kay Adrian, kung bakit nakakaramdam siya ng lungkot sa tuwing nakikita ang painting na iyon sa art gallery. Dahil nagpadala siya sa galit, at sumuway sa utos, nagkahiwa-hiwalay silang apat.
Napaangat siya ng ulo ng makitang may lumuhod sa harap niya at marahan siyang tinapik sa balikat.
“Matagal ka ng pinatawad ng Panginoon, anak. At may dahilan ang lahat ng bagay na nangyari,” sabi ni Supremo Daniel, pagkatapos ay inalalayan siya nitong tumayo.
“Anak, nalalapit na ang tinakdang araw para maging isang ganap na anghel ka. Tama ang edad mo, dahil ilang araw mula ngayon, sa ikaapat na araw ng huling buwan ng taon na ito, sa pagtuntong mo sa ikadalawampu’t limang taon gulang. Magiging isa ka ng ganap na Aurae Praelia.”
Lumapit siya sa ama at niyakap ito.
“Patawarin n’yo po ako, kung hindi ko kayo nakilala, ama. Patawad po,” umiiyak na sabi niya.
Naramdaman ni Adrian na gumanti ng yakap si Jophiel.
“Masaya ako at sa wakas, nagbalik ka na, aking anak, Angelo.”
“Wala pang alam si Hans at James tungkol sa Aurae Praelia, ngunit alam nila ang totoong pagkatao nila bilang anghel. Hindi pa rin alam ni Hans ang tungkol sa Euporanios at lahat sa nakaraan niya. Gaya mo ay nabura din sa alaala niya noong bata pa siya. Ang alam niya hanggang ngayon ay totoong kambal sila ni James at totoong anak namin siya,” sagot ni Andrew.
“Bakit hindi n’yo po sabihin ang totoo?” naguguluhan tanong niya.
“Gaya mo, may tinakdang oras para malaman niya ang lahat. Isa pa, ngayon ay nababalot ng galit ang puso ni Hans dahil sa nangyari sa nakaraan niya. Natatakot ako kay Haniel, baka gamitin ng kalaban ang nakaraan niya laban sa kanya,” sagot nito.
Bigla niyang naalala ang mga pangitain na nakikita niya simula noon. Ngayon ay maliwanag na ang lahat sa kanya kung bakit niya nakikita ang mga iyon. Isa iyong babala sa mga maaaring mangyari kapag hindi nila naagapan si Haniel.
“Ako po ang bahala sa kanya. Ngayon na bumalik na ang alaala ko, ako na po ang gagabay kay Haniel,” sabi niya.
“Anak, marami kang mararanasan sa mga susunod na araw. Lakasan mo ang loob, tibayan mo ang pananampalataya mo,” payo ng kanyang ama.
“Opo.”
“At kapag naging ganap na anghel ka na, hihintayin ko ang pagbabalik mo sa langit,” nakangiting sabi nito.
“Makakaasa po kayo.”
Hanggang sa tuluyan nakaalis si Adrian sa bahay ni Andrew. Hindi pa rin niya lubos na mapaniwalaan ang mga nangyari. Nang makabalik siya sa bahay, agad siyang umalis para puntahan si Nami sa restaurant. Ngunit hindi niya magawang bumaba ng makita ang dalaga mula doon sa loob ng kotse hababf magiliw na nagta-trabaho habang masayang nakikipag-usap sa mga customers. Bigla siyang nakaramdam ng matinding kalungkutan matapos maalala ang lahat ng nalaman niya. Ngayon na malinaw na sa kanya ang totoong pagkatao niya. He realized one thing, kapag dumating na ang araw na magiging ganap na siyang anghel. It only means one thing, kailangan niyang iwan ang babaeng minamahal.
Mayamaya, biglang nag-ring ang phone niya. Imbes na sagutin ay hindi tinanggap ni Adrian ang tawag. It was Lance. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang galit niya sa ginawa nito kay Nami. Imbes na pumasok sa loob ng restaurant. Mas pinili niyang umalis muna at huwag magpakita kay Nami.
ALAS-SAIS ng gabi, simula kaninang umaga hindi pa rin tumatawag si Adrian. Kanina pa siya hindi mapakali, ugali na ng nobyo na panay ang tawag o text sa kanya kapag hindi sila magkasama. Kanina ay nakita ni Nami na dumating ang binata, matagal itong nakaparada doon sa harap ng restaurant pero hindi ito bumaba. Lalabas na sana siya para lapitan ito pero bigla itong umalis. Ni hindi nito sinasagot ang tawag at text niya. Nang hindi nakatiis ay kinausap niya si Sky.
“Sky, may alam ka ba na puwedeng puntahan ng Kuya mo? Hindi na kasi talaga ako mapakali, sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot ang phone,” tanong niya sa kaibigan.
Bumuntong-hininga si Sky. “Alam mo? Kapag nasa ganitong mysterious mode si Kuya. Mas madalas gusto niyang mag-isa, pero ayoko rin naman mag-alala ka. Subukan mo rin, puntahan mo siya sa Art Gallery. Doon madalas naglalagi si Kuya kapag magulo ang isip niya,” sagot nito.
Sinulat ni Sky sa isang papel ang address ng Art Gallery saka binigay sa kanya. Pero bago siya umalis ay may bilin sa kanya si Sky.
“Sana, walang magbago sa pagmamahal mo kay Kuya. Sana kahit na anong mangyari, huwag mo siyang iiwan,” seryosong sabi nito.
Ngumiti siya sa kaibigan saka marahan tumango. “Pangako,” sagot ni Nami.
Mag-iisang oras na ang nakakalipas, pero stuck sa traffic si Nami. Tatlong kanto pa ang layo ng Art Gallery, at sa bawat segundong lumilipas, pakiramdam ni Nami ay wala na siyang aabutan doon. Nang hindi nakatiis ay agad siyang nagbayad.
“Manong, ito po ang bayad!” nagmamadaling sabi niya saka agad na bumaba.
Tinakbo ni Nami ang kahabaan ng kalye na iyon. Napahinto siya ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ngunit hindi ang ulan ang makakapigil sa kanya na puntahan si Adrian. Alam ni Nami na kailangan niyang makita ang binata. Nagpatuloy siya sa pagtakbo hanggang sa wakas ay makarating siya sa gallery. Humihingal na lumapit siya sa guard.
“Boss, pasensiya na po. Puwede pa po ba akong pumasok sa loob? Titingnan ko lang kung nandiyan ang boyfriend ko,” tanong niya.
“Si Sir Adrian po ba?” tanong din nito.
“Opo, siya nga!”
“Sige Ma’am, pasok na kayo.”
“Naku, thank you po!”
Pagbukas ng security guard ng pinto, agad pumasok si Nami, para lang muling matigilan sa naabutan sa loob. Adrian is kneeling in front of that large wall-sized painting, napakunot noo siya ng makita ang malaking painting na iyon. A picture of heaven, in front of that gate made of gold are standing seven angels, at sa ibaba niyon ay ang larawan ng labanan ng kabutihan at kasamaan. Simula sa kinatatayuan niya, naririnig ni Nami ang mahinang pag-iyak ng binata.
“Ramiel, Raphael, Haniel, patawarin n’yo ko, ako ang may kasalanan kung bakit kayo nawala. Panginoon, patawarin N’yo po ako, nakalimutan ko ang responsibilidad na binigay ninyo sa akin!” humahagulgol na sabi ni Adrian.
Hindi alam ni Nami kung ano ang pinagdaraanan ng binata, pero ngayon na nakikita niyang naghihirap ang kalooban nito. Parang siya ang sinasaksak sa puso, hanggang sa namalayan na lang niya ang pag-agos ng mga luha. Malapit na siya kay Adrian ng mapalingon ito. Tinakbo niya ang pagitan nila at agad na yumakap sa binata.
“Nandito na ako,” umiiyak na sabi niya.
Naramdaman na lang ni Nami na gumanti ito ng mas mahigpit na yakap. Wala siyang narinig na kahit ano mula kay Adrian, hindi na rin siya nagtanong sa ngayon, ang mahalaga, sa pagkakataon na iyon, maiparamdam niya na naroon lang siya. Gaya ng pangako niya na hindi aalis sa tabi ni Adrian kahit na anong mangyari.
“READY KA na ba para mamaya?” tanong ni Darie sa kanya. Marahan siyang tumango at pinilit na ngumiti. Doon sa Chef’s Face ang usapan nilang dalawa ni Darie na magkikita. Mula doon ay sasama siya sa hotel nito at magkasabay silang lilipad papunta ng Seoul, South Korea.
“ANONG sinabi mo?!” gulat na tanong ni Adrian pagbalik niya sa Chef’s Face. Napapitlag si Thelma dahil sa biglang paglakas ng kanyang boses.
“KAPIT KA ng mabuti,” sabi ni Adrian sa kanya. Agad sinunod ni Nami ang sinabi ng binata at yumakap ng mahigpit sa beywang nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya, isipin pa lang niya na ililipad siya ni Adrian ay talagang kinakabahan na siya. Ngunit ng maramdama
DAHAN-DAHAN nilapat ni Adrian ang mga paa sa sahig, mula doon sa sala ng condo niya, lumagos siya sa nakasaradong pinto papunta sa loob ng kuwarto. Natagpuan niya si Nami na himbing na natutulog. Agad siyang bumalik sa normal na anyo bilang tao, at maingat na naupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Nami, saka kinuha ang kamay at hinalikan ang likod niyon.
NAALIMPUNGATAN si Adrian, matapos siyang magising ng wala sa tabi niya si Nami. Paglingon niya ay wala ito doon sa kuwarto, napangiti siya ng maramdam niya ang malakas na presensiya ng dalaga. Mula doon sa loob ng kuwarto bigla siyang sumulpot sa likuran nito. Napangiti si Adrian ng makitang isang mahabang t-shirt ang suot niya ang suot at napaka-igsing shorts.
ONE YEAR LATER… “Bill out for table number six,” sabi ni Nami kay Thelma.