Share

Chapter 9

Author: Miss Juris
last update Petsa ng paglalathala: 2020-09-26 13:00:28

          PAGPASOK nila sa apartment ni Adrian, agad dumiretso ang binata sa loob ng silid nito. Simula ng umalis sila sa art gallery, walang narinig si Nami na kahit ano mula dito. Tahimik lang silang dalawa sa kotse ni isang paliwanag kung bakit ito umiiyak ay hindi ginawa ni Adrian.

          “Nami,” tawag nito sa kanya.

          “Oh?”

          “Pumasok ka dito,” ani Adrian.  

          Sumunod siya sa loob ng kuwarto. Inabot ng binata sa kanya ang isang t-shirt nito at saka shorts.

          “You should change, mag-shower ka muna sa loob. Baka magkasakit ka dahil sa pagsugod mo sa ulan,” sabi nito habang nakatungo.

          Tumayo si Nami sa harap nito saka marahan inangat ang mukha nito.

          “Hindi mo pa ako kinakausap, Adrian. Anong problema?”

          Malungkot itong ngumiti. “I want to tell you, pero hindi puwede, and I don’t think you can handle it,” sagot ni Adrian.

          Humugot siya ng malalim na hininga at nagsimulang mangilid ang luha. “Sobra akong nag-aalala sa’yo, alam ko na may pinagdaraanan ka. Gusto kitang tulungan, pero hindi ko alam kung paano, kung saan ako magsisimula.”

          “Iyong makita ka dito sa harap ko, tama na ‘yon.”

          Naiiyak na sinuntok niya ito sa dibdib.

          “Nakakainis ka naman eh! Hindi pa rin ako matatahimik diyan sa sinasabi mo,” sagot niya.

          “I’m sorry. Kung puwede ko lang sabihin sa’yo, huwag ka masyadong mag-alala sa akin, okay lang ako. Isang araw, malalaman mo rin pero hindi pa ngayon,” sabi ni Adrian.

          Yumakap si Nami sa nobyo. “Hindi ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako Adrian. Natatakot ako,” sabi niya sa isip.

          Humigpit ang yakap sa kanya ng binata, ramdam niya na pinapakalma siya nito.

          “Sige na, maligo ka na. Doon lang ako sa sala,” ani Adrian.

          Marahan siyang tumango, pagkatapos ay lumabas na ito. Muling napabuntong-hininga si Nami, kahit gusto niyang pilitin ang nobyo na sabihin sa kanya ang problema nito ay hindi niya magawa, ayaw ni Nami na makadagdag sa stress ng binata. Mas mabuting ipakita at iparamdam na lang muna niya ang suporta dito.

          MAINGAT na nilapag ni Adrian si Nami sa ibabaw ng kama pagkatapos ay kinumutan niya ito, isang magaan na halik sa noo ang ginawad niya bago lumabas ng kuwarto. Nakatulog ito kanina habang nanonood sila ng TV. Napalingon siya ng biglang dumating ang kanyang ama na si Jophiel.

          “Siya ba ang babaeng mahal mo?” tanong nito.

          Marahan siyang tumango. “Sobra niya akong pinapasaya, ama.”

          “Kailangan mo siyang ihanda sa nalalapit na pag-alis mo.”

          “Hindi ko alam kung paano gagawin iyon. Dahil kahit ako, hindi ko alam kung handa na ba ako,” sagot ni Adrian.

          Tinapik ni Jophiel ang isang balikat niya. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, anak. At alam ko na naiintindihan mo rin ang responsibilidad na inatang sa inyo noon pa man.”

          “Alam ko po iyon.”

          “Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako kahit na anong oras,” bilin pa ni Jophiel, pagkatapos ay nawala na ito.

          Muling bumalik si Adrian sa loob ng silid, umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ng natutulog pa rin na si Nami. Alam niyang labis itong nag-aalala sa kanya, pero natatakot siyang sabihin ang totoo dito. Hindi niya lubos maisip kung paano tatanggapin ng dalaga ang sitwasyon siya niya. O kaya naman ay baka matakot ito sa kanya.

          On the fourth of December, he will be celebrating his twenty-fifth birthday.  Iyon din ang araw na tinakda para maging ganap siyang anghel. Kaya habang narito pa siya, naisip niya na samantalahin ang bawat pagkakataon na mayroon para maging masaya sila ni Nami. Nang sa ganoon, kapag nakaalis siya, isang magandang alaala ang baunin niya. Kanina, naglambing siya ng husto sa dalaga, bago kumain, he asked her to make out with him. Gusto niyang maramdaman sa pamamagitan ng halik niya na ngayon pa lang ay nangungulila na siya dito. Habang kumakain, madalas niyang hawakan ang mga kamay nito, as if he wants to forever hold them, as if he never wants to let go, ever.

          Naputol ang pag-iisip niya ng marinig na nag-ring ang phone. Agad siyang lumabas sa sala saka kinuha ang phone, natigilan si Adrian ng makita ang caller niya. Si Lance. Bumuntong-hininga siya bago sinagot ang tawag.

          “What do you want?” pormal ang boses na bungad niya.

          “Adrian Pare, you should help me! Jenna broke up with me, kausapin mo siya! Nahuli niya ako na may kasamang ibang babae. Dude, ayokong mawala siya sa akin, please!” natatarantang sagot nito.

          Sarkastikong natawa siya. “Matagal na kitang sinabihan na tumigil sa pambabae mo, ngayon nabuking ka, sasabihin mo na hindi mo siya kayang mawala sa’yo. You should’ve known better, dapat noon pa nagpakatino ka na. I’m sorry, pero hindi na kita tutulungan ngayon. I stopped being your friend, remember?”

          “Pare, hanggang ngayon ba galit ka pa rin?” tanong ni Lance.

          “Sinabihan na kita di ba? Huwag mo na akong tatawagan,” sagot niya.

          “Ano bang kinakagalit mo? Just because of that bitch?! Pare, matagal ko ng ginagawa ito, you know that I love sleeping with different girls!”

          “Shut up, Lance! And don’t you dare call her a bitch!” galit na sigaw niya.

          “Sandali nga, ano bang problema mo?!”

          “Ang babaeng muntik mo ng pagsamantalahan ay girlfriend ko, Lance! Wala pa man sa eksena si Nami, sinabihan na kita na tigilan mo na ‘yang pambabae mo! Hindi ka ba naaawa sa girlfriend mo?!”

          “What?! That whore is your girlfriend?!”

          “She’s not a whore. Isang beses ko pang marinig sa’yo na ininsulto o binastos mo siya, kahit nasaan ka, pupuntahan kita para lang masapak ko ‘yang mukha mo!” nanggigil na sagot niya.

          “Wow, dahil lang sa isang bayarang babae ipagpapalit mo ang pagkakaibigan natin?! Sigurado ka bang mahal ka niya? For all we know, pineperahan ka lang n’ya. Wake up, Adrian!”

          “Wala kang alam, Lance. Hindi mo siya kilala, hindi siya marumi gaya ng iniisip mo! I’ve done enough for you, Lance. Huwag ka ng tatawag ulit!” mariin wika ni Adrian saka agad na pinindot ang end call button. Biglang bumalik sa isipan ni Adrian ang nangyari noong gabi na muntik mapahamak si Nami.

Naroon siya sa hotel ng gabing iyon, kung saan ginanap ang seminar kung saan nag-guest speaker at nag-present siya ng mga signature dishes sa mga New Trainee Chefs. Pauwi na siya at naglalakad sa lobby ng marinig ni Adrian sa kanyang isip ang pagsigaw ni Nami at humihingi ito ng tulong. Sa pamamagitan ng lakas ng pakiramdam, agad niyang natunton ang kinaroroonan ni Nami. Kahit hindi niya nakikita, alam ni Adrian na nasa panganib ang dalaga, kaya agad siyang nagsama ng security ng hotel. Agad niyang natunton ang kinaroroonan ni Nami, naabutan niya ito na walang malay habang karga ng isang lalaking naka-bathrobe lang. Ganoon na lang ang gulat ni Adrian ng makitang si Lance iyon, na siya rin kinagulat nito.

          Mabilis niyang kinuha si Nami mula kay Lance, at agad na pinadala sa ospital. Hinila niya si Lance sa loob ng kuwarto nito, at doon pagharap sa kaibigan ay sinapak niya ito. Dahil mas malakas siya kaysa sa normal na tao, humagis si Lance sa sulok ng kuwarto at namaga ng husto ang mukha nito. Isang bagay na labis na kinagulat nito.

          “What the hell did you do, Adrian?!” gulat na tanong nito.

          “Hindi ko alam na aabot ka sa ganito, Lance! You’re worst! Ngayon nang-harrass ka na!”

          “Hindi ko siya pinilit! I payed her twenty thousand pesos! That girl is a bitch! Bayaran! I payed her to have sex with me! Ako ang muntik nakawan! Tinakbo niya ang pera ko! Manloloko siya!” galit na sigaw ni Lance.

          Muli niyang sinugod ito at inumang ang kamao sa mukha nito. Nanginginig sa galit na hinablot niya ang kuwelyo nito at halos umangat sa carpeted floor ang paa nito. Mabilis na inilag ni Lance ang mukha.

          “Nakita sa CCTV ang ginawa mo. She gave you back the money, and run! Pero hinabol mo siya at sinikmuraan at tinangkang dalhin dito sa kuwarto mo. Hindi siya bayaran, at nagkamali ka ng babaeng binastos, Lance. She is my employee, and that woman is very important to me.”

          Nanlaki ang mga mata nito, saka patulak na binitiwan ito.

          “You. I’m done with you. Don’t ever call me again, kung hindi mo kayang

magbago, huwag mong asahan na magiging magkaibigan pa tayo.”

          Matapos iyon ay agad siyang umalis at iniwan ang natulalang si Adrian.

          Simula noon ay hindi na sila nag-usap nito. Hindi na rin niya sinabi kay Nami ang koneksiyon niya kay Lance. Hanggang sa tuluyan na rin nawala sa isip iyon dahil mas natuon ang atensiyon niya sa dalaga na ng mga panahon na iyon ay nagsisimula ng tumibok ang kanyang puso para dito.

          “KUMUSTA na si Sir?” tanong ni Thelma kay Nami.

          “Ayos lang, nasa bahay niya. Nagpapahinga, palagi ngang may sakit nitong mga huling araw,” sagot niya.

          “Hala ka… baka buntis ka,” anito.

          “Shunga, siya may sakit tapos ako buntis?” natatawang sagot niya.

          “Aba malay ko kung hinakbangan mo kaya siya sinamaan ng pakiramdam at naglilihi,” ani Thelma.

          “Sira, hindi no? Hindi ako buntis, at saka walang nangyayari sa amin. Kaya tigilan mo ako, baka mamaya may makarinig sa’yo ma-tsismis pa kami,” sabi niya.

          Napalingon si Nami ng lumapit ito sa kanya.

          “Uy seryoso girl, wala pang chukchakan na happenings?” tanong nito.

        Natawa siya. “Wala nga. Alam ni Adrian na hindi pa ako ready, saka ayaw pa namin talaga.”

          “In fairness, kahit kailan talaga mabait si Sir. Pero sana gumaling na siya, nakakamiss kaya na walang guwapo dito sa Chef’s Face,” sabi ni Thelma.

          Bumuntong-hininga si Nami. Sa likod ng mga ngiti niya, nagtatago ang labis na pag-aalala niya kay Adrian. Nitong mga nakaraan araw ay halos doon na siya naglalagi, dahil napapadalas ang pagsumpong ng paninikip ng dibdib nito. Minsan nagigising siya na sumasakit ang ulo nito. Nang magpa-check up sila, wala naman nakitang deprensya ang mga doctor, ang sabi ng mga ito ay normal naman daw ang resulta ng tests ni Adrian. Kaya nag-desisyon sila na mag-indefinite leave muna si Adrian sa Chef’s Face, at pansamantala ay si Sky muna ang nagma-manage.

          It’s been more than a week, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi ni Adrian kung ano ang nangyari dito noong nakaraan linggo. And it bothers her, hindi mawala ang kaba niya sa hindi malamang dahilan.

          “Ano? Pauwi ka na?” tanong ni Thelma.

          “Oo, naghihintay na si Adrian sa akin eh,” sagot niya.

          Mayamaya ay lumabas si Sky, dala ang isang paper bag.

          “Oh girl, bigay mo kay Kuya. Favorite pasta n’ya ‘yan, baka sakaling maging okay siya kapag nakakain n’yan,” sabi nito.

          “Thanks. Siguradong matutuwa iyon,” nakangiting sagot niya.

          “Tara hatid kita sa labas,” sabi ni Sky.

          Habang nag-aabang ng taxi, napansin niya na seryoso ang mukha ng kaibigan at tila malalim ang iniisip.

          “Hey, okay ka lang?” tanong pa niya.

          Marahan tumango si Sky. “Nami, alagaan mong mabuti si Kuya. Basta kung ano man ang makita mo, huwag na huwag mo siyang iiwan,” bilin nito.

          Napakunot-noo siya. Hindi niya lubos na maintindihan ang sinabi nito, pero nagdala iyon ng bagong kaba at takot sa kanyang dibdib.

          “Anong ibig mong sabihin?”

          Eksakto naman na dumating na ang taxi pinara ng guard ng restaurant para sa kanya.

          “Sige na, sumakay ka na para makauwi ka agad,” sa halip ay sagot nito.

          Kahit na labis na nagtataka sa sinabi ni Sky, walang nagawa si Nami kung hindi ang sumakay sa loob ng taxi. Bukod sa problema ni Adrian, alam niyang mayroon pa siyang hindi alam sa binata. Naputol ang pag-iisip niya ng narinig na tumunog ang message alert tone ng phone niya. Nang tingnan ang nagtext, agad niyang in-open ang inbox matapos makita na galing kay Adrian ang mensahe.

          “I’ll be out for a while.”

          “Saan ka pupunta? Kaya mo na bang mag-drive?” reply niya.

          “Yes, don’t worry. I’ll be fine, uuwi rin ako agad. May bibilhin lang ako,” sagot nito.

          “Sige, pauwi na rin ako.”

          “See you at home, I love you.”

          “Love you too,” sagot niya.

          Nang makarating siya sa bahay ni Adrian, naabutan niyang maayos naman ang bahay. Knowing him, ayaw nito ng makalat kaya palaging nasa ayos ang lahat. Dumiretso na si Nami sa kusina at nilagay sa pinggan ang dala niyang pasta. Mayamaya, biglang tumunog ang doorbell. Kunot-noong napalingon si Nami sa may pinto.

          “Sino kaya ‘yon?” tanong niya, habang naglalakad papunta sa pinto.

          “Adrian?” sabi pa niya pero walang sumagot sa kanya.

          “Sino sila?” tanong ni Nami sabay bukas ng pinto.

          Ganoon na lang ang gulat niya matapos makita ang dumating na bisita.

          “Lance? Anong ginagawa mo dito?!”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status