Share

Chapter 10

Author: Miss Juris
last update publish date: 2020-09-26 21:00:05

          “ANONG ginagawa mo dito?” tulalang tanong ni Nami.

          Base sa nakita niyang reaksiyon ni Lance, halatang maging ito ay nagulat ng makita siya. Pero hindi nagtagal iyon, kalaunan ay agad sumilay ang mala-demonyong ngisi nito.

          “Look what we have,” sa halip ay sagot nito.

          “Ano sabi ang ginagawa mo dito?!”

          “Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan, anong ginagawa mo dito sa bahay ng kaibigan ko?”

          Biglang naguluhan si Nami. “Kaibigan? Anong kaibigan ang sinasabi mo diyan?! Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?!”

          Humagalpak ng tawa si Lance.

          “Ang totoo, hindi ko akalain na ikaw ang maaabutan ko dito. My real purpose is to visit my bestfriend, Adrian. Pero ngayon nandito ka, mukhang medyo sinuswerte ako,” nakangising sagot nito.

          “Bestfriend? Magkaibigan kayo ni Adrian?” hindi makapaniwalang tanong niya.

          “Way back in America,” sagot niyo.

          Parang papel na biglang nilamukos ang puso niya. Simula ng nangyari ang insidente sa hotel sa pagitan nila ni Lance. Walang sinabi sa kanya si Adrian na kilala nito ang walanghiyang lalaking muntik gumahasa sa kanya.

          “Umalis ka na! Wala si Adrian dito!” sigaw niya sabay tulak ng pinto.

          Pero bago pa mailapat ni Nami iyon, agad hinarang ni Lance ang braso niya, sabay tulak ng malakas sa pinto. Nakabitaw siya at napaupo sa semento. Tuluyan ng nakapasok ang lalaki sa loob ng bahay kaya mabilis siyang napaatras.

          “Umalis ka na, Lance! Lubayan mo na ako!”

          Malakas na nagmura ang binata. “Nang dahil sa’yo, tinalikuran ni Adrian ang

ilang taon na pagkakaibigan namin! Hindi ko alam kung paano mo nabilog ang ulo ng kaibigan ko! Pero hindi ako papayag na pati siya ay lokohin at perahan mo!”

          Tumayo si Nami, habang panay pa rin ang atras niya.

          “Kahit kailan hindi ko siya niloko! At mas lalong hindi ko siya pinerahan! Ginagawa ko iyon sa mga walang kwentang lalaki na gaya mo! Iyong mga lalaking hindi makuntento at laruan kung ituring ang mga babae! Dahil kung tutuusin, sa dami ng mga babaeng sinaktan n’yo! Kulang pa ang bente mil na ‘yon bilang kabayaran!” galit na sagot niya.

          Tila balewalang humagalpak lang ito ng tawa.

          “Really? At sino ka para gawin iyon? Ikaw na babae ka ang malas sa buhay ko, wala ng nangyaring tama sa akin simula ng makilala kita! Iniwan ako ng girlfriend ko! Ngayon naman tinalikuran ako ng kaibigan ko!”

          “Huwag mong isisi sa akin lahat ng resulta ng kalokohan mo! Karma mo ‘yan!”

          “Tell me, magkano ang binabayad sa’yo ni Adrian para sumiping ka sa kanya gabi-gabi? Saan n’yo ginagawa? Dito? O sa loob ng restaurant?”

          Pakiramdam ni Nami ay umakyat ng tuluyan ang dugo sa ulo niya. Walang salita na inilang hakbang niya ang pagitan nito sabay sampal ng malakas dito.

          “Hayop ka! Mahal ko si Adrian! At huwag mo siyang igagaya sa tulad mo! Marangal siyang tao!”

          Nagiritan ang mga ngipin nito, napasigaw siya ng biglang sumugod si Lance at sinakal siya.

          “Sisingilin ko ang utang mo sa akin! Ngayon, sisiguraduhin kong hindi ka na makakatakas! Tingnan ko lang kung tanggapin ka pa ni Adrian!”

          Umagos ang luha mula sa mga mata ni Nami. Unti-unti ay pinapangapusan siya ng hininga dahil sa pagkakasakal ni Lance. Pilit niyang inaalis ang kamay nito, pero mas malakas itong di hamak sa kanya.

          Nang hindi pa rin siya binitiwan ni Lance, ginamit niya ang tuhod at inasinta

niya ang pagkakalaki nito. Napasigaw ito at agad siyang nabitiwan. Napaubo ng husto si Nami at agad na lumanghap ng hangin. Agad siyang tumakbo patungo sa kuwarto ni Adrian, pero napasigaw si Nami ng mahawakan siya sa paa ni Lance, sabay hila sa kanya kaya napahiga siya. Agad siyang kinubabawan nito, sabay sampal ng malakas sa kanya. Pagkatapos ay tinaas ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng ulo at mahigpit na hinawakan gamit lang ang isang kamay nito, habang ang isa naman ang pilit na inaalis ang butones ng pantalon niya.

          “Letse kang babae ka! Ang arte mo! Huwag kang mag-alala, magugustuhan mo ang gagawin ko sa’yo!”

          Napahagulgol ng husto si Nami.

          “Maawa ka sa akin, Lance! Tigilan mo ‘to!” pakiusap niya.

          Ngunit tila bingi ito na parang hindi siya narinig. Nang halikan siya nito sa leeg ay lalo siyang napahagulgol.

          “Adrian!” umiiyak na sigaw ni Nami.

         

          BIGLANG napahinto si Adrian sa paglalakad habang papunta siya sa Convenience Store. Matapos marinig ang boses ni Nami sa kanyang isipan na humagulgol.

          “Adrian!”

          “Nami…” bulong niya.

          “Tulungan mo ako!”

          Agad siyang napalingon at mabilis na tumakbo. Nang mga sandaling iyon, ginamit niya ang kapangyarihan at sa isang iglap ay nakarating siya sa loob ng kuwarto. Pagbukas niya ng pinto, nanlaki ang kanyang mga mata matapos makita si Lance sa ibabaw ni Nami habang nagmamakaawa ang huli. Mabilis siyang nakaramdam ng galit at agad na lumapit si Adrian sabay sipa kay Lance. Lumipad ang lalaki at malakas na tumama ang katawan nito sa nakasaradong pinto.

          Inalalayan niyang tumayo si Nami, saka muling nilapitan si Lance. Tuluyan na siyang binalot ng galit, gamit lang ang isang kamay. Hinawakan niya ito sa leeg ng mahigpit at inangat ito sa sahig bago binangga ng malakas ang likod nito sa nakasaradong pinto na nawasak ng tuluyan.

          “How dare you touch her?! Sinabihan na kita noon, lumayo ka kay Nami!” galit na galit na sigaw niya.

          “Pare… pare… nasasaktan ako…” kandautal na sabi ni Lance, habang panay ang palo nito sa kamay niya. Pero hindi alintana ni Adrian iyon, umaapaw ang galit niya sa dibdib. Dahil walang sino man ang maaaring bumastos sa babaeng mahal niya, kahit sariling kaibigan ay hindi niya papalagpasin.

          Pero imbes na sundin ang pakiusap ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasakal niya sa kaibigan at inangat ito ng husto hanggang sa hindi na sumayad ang paa nito sa sahig.

          “Hindi ko na… uulitin…”

          Humigpit lalo ang pagkakapit ni Adrian kay Lance, at hinagis ang lalaki sa may sala. Gamit ang teleportation, sa isang iglap ay napunta siya malapit kay Lance. Kitang-kita niya kung paano ito nagulat sa ginawa niya. Hinablot ulit ni Adrian ang lalaki sa kuwelyo at muling tinaas sa ere.

          “Sinabi ko na sa’yo na huwag mong babastusin si Nami! At dito pa talaga sa bahay ko!”

          “Patawarin mo ako, Adrian! Nagdilim lang ang paningin ko nung makita ko siya!”

          Biglang umigkas ang kamao niya at sinapak ito ng malakas. Halos maligo sa dugo ang mukha nito dahil sa isang suntok lang. Nalagas ang ilang ngipin nito at pumutok ng husto ang labi nito. Sasapakin pa sana niya ito ulit pero naramdaman na lang ni Adrian na may humawak sa braso niya. Isang umiiyak na Nami ang bumungad sa kanya.

          “Tama na, Adrian!” awat ni Nami.

          Doon lang nahimasmasan si Adrian at binitiwan si Lance.

          “Lumayas ka na dito. At huwag na huwag kang magpapakita sa akin!” mariin banta niya.

          Halos nagkandadulas si Lance sa pagtakbo palabas ng bahay. Nang tuluyan na itong makaalis, doon pa lang siya kumalma. Nang maalala si Nami, agad siyang lumingon at nilapitan ni Adrian ang dalaga at agad na niyakap habang umiiyak.

          “I’m sorry. Wala ako dito, huwag kang mag-alala, hindi na siya babalik. Nagalaw ka ba niya?” tanong pa niya.

          Marahan umiling ito.

          “Sandali, ikukuha kita ng tubig,” sabi pa niya.

          “Hindi ko kailangan ng tubig, Adrian,” biglang sagot ni Nami.

          Napalingon siya sa dalaga.

          “Ang kailangan ko, iyong totoo.”

          Biglang umahon ang kaba sa dibdib niya. “Nami.”  

Lumayo ito at umiiyak na tumingin sa kanya.

          “Bukod sa pagiging mag-bestfriend n’yo ni Lance, ano pa ang hindi ko alam tungkol sa’yo? Ano pa ang hindi mo sinasabi sa akin, ha Adrian? Sino ka ba talaga? Ano ka ba?!”

          “Magpapaliwanag ako sa’yo,” sagot niya, nang tangkain niyang lumapit ay bigla itong umatras.

          “Huwag kang lalapit!”

          “I’m sorry, kung hindi ko nasabi sa’yo ang tungkol kay Lance. Nawalan lang ako ng pagkakataon, natuon ang atensiyon ko sa’yo, and I totally forgot about him. Dahil noong araw na iyon na muntik ka niyang mapagsamantalahan sa hotel, pinutol ko na ang pagkakaibigan namin. Hanggang sa tuluyan ko ng hindi nasabi sa’yo. But I swear, hindi ko sinasadyang maglihim sa’yo!”

          Napaiyak ng husto si Nami.

          “Takot na takot ako no’n, iyon pala nasa tabi ko lang ang kaibigan ng walanghiyang lalaki na ‘yon! Kaya ka ba lumapit sa akin at tinulungan ako? Para maabswelto si Lance sa ginawa niya?!”

          “Hindi! Hindi ganoon iyon, Nami! Mahal kita, iyon ang dahilan! Wala ng iba!”

          “Paano ako maniniwala sa’yo? Kung sa simpleng bagay hindi mo magawang sabihin sa akin ang totoo!”

          “I’m sorry, please forgive me.”

          “Alam mo kung ano ang mas masakit sa lahat? Iyong ma-realize ko na halos ibigay ko sa’yo lahat. Alam mo ang lahat tungkol sa akin, pero ako, wala pa pala akong alam tungkol sa’yo!”

          “Nami. Please, huwag kang matakot sa akin,” naiiyak na sabi ni Adrian.

          “You suddenly came out of your room. At simula dito sa may pintuan, bigla kang sumulpot dito sa sala, at halos mawalan ng malay si Lance sa isang suntok mo pa lang. At nawasak mo ang pinto, Adrian! Sino ka ba talaga?!” sabi nito.

          “Mahirap ipaliwanag, Nami.”

          “Iyong problema mo nitong mga nakaraan linggo. Hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako na sabihin mo ang totoo. Pero hindi ka nagsasalita!” umiiyak na sigaw nito.

          “Dahil hindi ko alam kung paano sabihin sa’yo ang nalaman ko sa totoong pagkatao ko!” bulalas niya.

          “Ano ba ako sa buhay mo, Adrian? Display lang?! Gusto kitang maintindihan at damayan sa lahat ng bagay pero sinosolo mo lahat!”

          “Natatakot akong mawala ka kapag nalaman mo ang totoo!”

         “Sabihin mo sa akin, ano ang totoo?!”

          “Anghel ako! Hindi ako tao, Nami!”

Ang mahinang pag-iyak ang sumunod na narinig ni Adrian mula sa dalaga. Mayamaya ay napailing ito at tumalikod sa kanya. Sinadya niyang gamitin ang kapangyarihan, mula sa kinatatayuan, bigla siyang sumulpot sa harapan nito.

“Ito ang tunay na pagkatao ko, Nami. Ngayon, sabihin mo sa akin. Kung sinabi ko agad sa’yo, matatanggap mo ba ako agad?” tanong niya.

“Huwag kang gumawa ng kuwento!”

“Hindi ako gumagawa ng kuwento, Nami! Iyon ang totoo!”

Napatungo ito saka lalong napaiyak, pagkatapos ay muling tumingin sa kanya si Nami, na hilam ang mga mata sa luha.

“Ang gulo ng isip ko, mas mabuting huwag na muna tayong magkita. Dahil hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan ko sa lahat ng nakita at nangyari ngayon.”

Mabilis na kinuha ni Nami ang bag at mabilis na umalis. Naiwan si Adrian na walang magawa. Sa mga sandaling iyon, naramdaman niya na balewala ang kapangyarihan na mayroon siya. Dahil hindi niya magawang ayusin ang gulo sa pagitan nila ni Nami.

Biglang napahawak si Adrian sa tapat ng kanyang puso ng sumigid ang kirot sa dibdib niya. Habol ang bawat paghinga, mahigpit siyang kumapit sa high chair at dahan-dahan umagapay hanggang sa makarating siya sa glass wall. Napadaing siya ng parang piniga ng madiin ang dibdib niya. Pag-angat ng tingin ni Adrian, nakita niya ang sariling repleksiyon sa salamin. May kulay asul na liwanag na nanggagaling sa mismong mga mata niya.

Hanggang sa makita niya doon si Hans. Giving him that evil smile, at kulay itim ang pakpak nito. Sa likod nito ay ang isa pang Hans, nakakulay puting pantalon at t-shirt, pero malungkot ang mukha nito. Umiiyak at tila nanghihingi ng tulong.

“Hindi mabubuo ang Aurae Praelia! Sa amin si Haniel!” sigaw ng isang nakakatakot na tinig, pagkatapos ay umalingawngaw ang makapanindig balahibong halaklak nito.

Mayamaya ay tuluyan nanghina si Adrian, bumagsak sa semento, at tuluyan nawalan ng malay.

  

       

ONE WEEK, ganoon katagal ng hindi kinakausap ni Nami si Adrian. Hanggang ngayon ay hindi niya lubos maisip kung paano nagawang ilihim ng nobyo ang totoong koneksiyon nito kay Lance. Para sa kanya, hindi katanggap-tanggap ang dahilan nito.

       Ngunit ang higit na dahilan ng pansamantala niyang paglayo kay Adrian ay ang natuklasan niya sa pagkatao. Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita. Nang gabi na iyon, sigurado si Nami na wala si Adrian doon sa loob ng bahay pagdating niya. Pero nagulat pa siya ng bigla itong lumabas mula sa kuwarto. Pagkatapos ay nakita na nga ng kanyang mga mata ang pag-teleport nito. Bukod doon, lumabas din ang kakaibang lakas nito. Hindi makapaniwala ni Nami na nagawa nitong iangat si Lance sa sahig sa pamamagitan ng isang kamay.

          Walang nagbago sa nararamdaman niya para kay Adrian. Pero labis siyang nasasaktan sa tuwing iniisip na hindi pala niya kilala ng lubusan ang lalaking piniling mahalin. Minsan nga, ayaw na lang niyang paniwalaan ang nakita. Pilit na sinisiksik niya sa kanyang isipan na isang panaginip lang ang lahat. But no matter what she does, bumabagsak pa rin siya sa katotohanan, walang normal sa relasyon nila ni Adrian.

          “Ma’am, una na po ako,” paalam ni Nami sa Manager nila, matapos ang shift niya.

          Ngumiti ito sa kanya saka kumaway. “Sige, ingat.”

          Palabas na siya ng restaurant ng humabol sa kanya si Sky.

          “Nami, sandali lang!”

          “Oh Sky, bakit?” nakangiti pang tanong niya.

          “Puwede ka bang makausap sandali?” tanong nito.

          Agad nawala ang ngiti niya.

          “Tungkol ba ito kay Adrian?”

          “Please?”

          Bumuntong-hininga si Nami. “Sige,” sagot niya.

          Sumakay sila sa kotse nito, at doon sa loob nag-usap.

          “Hindi pa ba kayo nagkakausap ulit matapos ng away n’yo?” tanong nito.

          Marahan siyang umiling. Bumuntong-hininga si Sky.

          “I’m sorry for not telling you,” anang kaibigan.

          “Kagaya ka rin ba niya?” tanong niya.

          “Hindi. Gaya mo, ordinaryong tao din ako. Si Kuya Adrian, natagpuan siya nila Mommy sa kakahuyan noong nasa Michigan pa kami,” sagot ni Sky.

          Bigla siyang napalingon kay Sky. “Hindi kayo tunay na magkapatid?”

        Umiling ang kaibigan. “Hindi, inampon siya ng parents ko pagkatapos nilang mapatunayan na walang naghahanap na kamag-anak kay Kuya. Nang mga panahon na iyon, my parents really want to have a son, kaya si Kuya ang tinuturing nilang blessing sa kanila. Simula ng mapunta siya sa amin, gumanda ang buhay namin. Noong una, hindi nagsasalita si Kuya. Ni hindi niya alam kung sino siya, anong pangalan niya at saan siya nakatira. Takot na takot siya at halos hindi lumalabas sa kuwarto. Hanggang sa unti-unti siyang naka-adjust. Pero ilang buwan na ang nakakalipas ng mapansin namin ang pagiging iba niya. He is extremely strong, kaya niyang mabali ang isang bakal na parang wala lang. He can go to one place to another in just a snap of a finger. He can even read what we are thinking. Hindi namin alam kung paano at saan niya nakuha ang ganoon kakayahan, pero kahit si Kuya, hindi niya alam dahil wala nga siyang maalala.”

          “His life while growing up is too hard for him. Minsan ng may nakakita sa kanya na ginamit ang kapangyarihan niya, and they bully him. Simula noon, hindi na niya pinagsabi o ginamit iyon. Kuya tried his best to live on a normal way, travel in car instead of teleporting. Ngayon, natatakot ako Nami, dahil baka sa pag-alis niya, hindi na siya bumalik,” naiiyak na sagot ni Sky.

          Biglang umiwas ng tingin si Nami sa kaibigan. “Aalis na ako,” sa halip ay paalam niya, saka agad na bumaba ng kotse at mabilis na naglakad palayo. 

          “Nami!” habol sa kanya ni Sky.

          Huminto siya saka humarap sa kaibigan.

      “Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari,” sagot niya.

          “Kailangan ka ni Kuya Adrian.”

          “Uuwi na ako.”

        “Narinig mo ba ang sinabi ko kanina? Ang sabi ko, ano man oras ay puwede siyang mawala! Sinabi niya sa akin ang lahat kahapon, na bumalik na ang alaala niya at alam na ni Kuya kung saan siya galing at kung sino siya. Uulitin ko, malapit ng umalis si Adrian at hindi niya alam kung babalik pa siya! Kaya bago man lang mahuli ang lahat para sa iyo, bago ka pa magsisi, puntahan mo siya.”

          Hindi siya sumagot. Sa halip ay basta na lang siya tumalikod. Nang may dumaan na jeep ay agad siyang sumakay doon. Habang nasa biyahe, hindi mapigilan ni Nami ang pag-agos ng luha, wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga tao. Gusto niyang puntahan si Adrian, pero pinipigilan niya ang sarili. Natatakot siya sa kung ano man ang puwede pa niyang malaman. Pagdating sa bahay nila, naabutan niya si Mabel na nag-aayos at naghahanda para pumasok.

          “Oh, bakit para kang nalugi diyan?” tanong nito.

          “Wala,” walang ganang sagot niya saka nahiga sa sofa.

          “Hindi pa rin kayo bati ni Kuya Adrian?” tanong ulit ni Mabel.

          Marahan siyang umiling.

          “Hay naku, I’m sure ilang beses ng humingi ng tawad sa’yo ‘yong tao,” sagot niya.

          True enough. Ilang beses na siyang tinext, sinubukan din siyang tawagan nito pero hindi niya sinasagot.

         “Ikaw nga Ate, umamin sa akin. Ano ba talaga ang kinakagalit mo pa? Humingi ng tawad sa’yo ‘yong tao. O baka naman, sadya mong nilalayo ang sarili mo dahil takot ka?” tanong nito.

          Napalingon siya sa pinsan. “Bakit naman ako matatakot?”

          “Natatakot ka na maranasan mo rin ang sakit na naramdaman ni Ate Nikki noon. Kaya dinedepensahan mo agad ang sarili mo,” walang prenong sagot nito.

          Hindi siya nakasagot.

          “Natatakot ka na habang buhay ka ng lokohin at pagsinungalingan ni Kuya, at natatakot ka na baka iwan ka rin ng tuluyan ni Kuya Adrian, kaya sine-safe mo agad ang sarili mo. Dahil ayaw mong matulad sa nangyari sa kapatid mo.”

          Doon na siya napaiyak ulit, dahil natumbok ni Mabel ang totoong nararamdaman niya.

          “Hindi ko alam ang gagawin ko.”

          Naupo ito sa gilid ng sofa.

          “So, ayaw mo na kay Kuya Adrian?”

          Lalo siyang napaiyak. “Iyon nga eh, mahal ko pa rin siya. Kaya lang, natatakot ako talaga.”

          Bumuntong-hininga si Mabel.

          “Marami akong natuklasan tungkol kay Adrian, parang hindi siya ang lalaking minahal at nakilala ko noong una. Natatakot ako sa mga puwede ko pang malaman,” sabi pa niya.

          “Ate, ang pagmamahal. Go for the gold ‘yan! Arya lang ng arya! Walang hesitation, walang doubt. Kung nabawasan ang pagmamahal mo sa kanya pagkatapos mong malaman ang tunay na pagkatao niya. Sige, iwan mo siya. Dahil kapag nagmahal ka, dapat one hudred percent. Pero kung alam mo sa sarili mong hindi nabawasan ang pagmamahal mo para sa kanya, kahit isang porsiyento. Bakit mo kailangan isipin kung ano o sino ba talaga siya? Hindi ba kapag mahal mo, kahit sino pa siya, o kahit saan pa siya nanggaling, tatanggapin mo siya ng buo. Iyong walang takot o pangamba. Iyong buo at walang pag-aalinlangan.”

          Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi ni Mabel.

          “Ate, alam ko na gusto mo rin siyang makita. Go, tama na pagpapahirap sa sarili mo. Palayain mo ang sarili mo diyan sa takot sa dibdib mo. Huwag kang gumaya kay Ate Nikki, hindi niya pinalaya ang sarili sa sakit at galit, ayokong magaya ka sa kanya.”

          Bumangon si Nami saka niyakap ang pinsan.

          “Salamat Mabel,”

          Naramdaman niyang hinagod nito ang kanyang likod.

          “Go, puntahan mo na siya! Oh, di ba birthday n’ya ngayon? Ibigay mong regalo sa kanya ang pagbabalik mo sa buhay niya.”

          Hindi nag-aksaya ng oras si Nami, mabilis siyang lumabas ng bahay at tumakbo papunta ng labasan. Ilang saglit pa ang nakalipas, isang tawag ang natanggap niya mula kay Sky, agad niyang sinagot iyon.

          “Pupuntahan ko na si Adrian!” bungad niya.

         “May problema tayo, Nami! Wala dito si Kuya sa condo niya. Sinubukan ko siyang tawagan, pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.”

          “Sige, ako na ang susubok na tumawag sa kanya. Hanapin mo siya, ite-text ko sa’yo kapag sinagot ni Adrian ang tawag ko,” aniya.

          “Sige, sabihin mo agad sa akin kung nasaan siya. Susunod ako,” sagot nito.

          Matapos mag-usap ay tinawagan niya si Adrian. Nakakailang ring na ay hindi pa rin nito sinasagot iyon.

         “Adrian! Nasaan ka na ba? I’m sorry, hindi kita pinakinggan! Nakahanda akong tanggapin kahit sino ka pa! Please, answer the phone,” naiiyak na sabi niya.

          Napapitlag si Nami ng mula sa likod ay may yumakap sa leeg niya.

          “Akala ko hindi na kita makikita ulit,” sagot nito.

          “Adrian?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status