LOGINAS SOON AS Adrian stepped his foot outside the car. Biglang lumakas ang kaba niya, parang may puwersang humihila sa kanya papasok ng venue. Nang buksan ng dalawang ushers ang pinto, bumungad sa harap niya ang napakalaking painting na halos sumakop sa isang malaking bahagi ng pader ng buong gallery. It was a picture of heaven, and underneath is the war in heaven, with angel versus demons fighting each other. Parang wala sa sariling humakbang siya palapit sa painting na iyon na hindi man lang inaalis ang tingin dito. There’s something about it that captures him. Parang may puwersang humihila sa kanya palapit sa painting na iyon.
Sa kanyang isipan, isang vision ang nakita ni Adrian. May isang batang naglalaro sa duyan. Mayroon siyang anghel na nakikitang kausap ang apat na batang anghel. And that painting. Seven angels are facing the golden gate of heaven. Sa ibaba niyon ay isang digmaan ng kabutihan laban sa kasamaan. From that painting, napapikit si Adrian ng biglang sumulpot ang eksena ng digmaan sa kanyang isipan. Everything seems real, angels versus demons. He saw angels died, he saw demons defeated by angels. Magulo ang nakikita niya.
Unti-unti ay biglang bumigat ang dibdib ni Adrian. Sa hindi malamang dahilan ay parang gusto niyang maiyak. Napuno ng emosyon ang puso niya, at hindi niya maipaliwanag kung bakit. Pakiramdam niya ay may koneksiyon ang painting na iyon sa kanya. Hindi iyon ang unang beses na nakita niya ang malaking painting na iyon. Sa totoo lang, hindi na niya matandaan kung ilang beses na, basta sa tuwing nakikita niya iyon. He felt something strange inside him.
“Di ba si James ‘yon ng Blue Light?!”
Ang boses na iyon ang nagpabalik sa kanyang kamalayan. Kasunod ng biglang pagkakaroon ng kaunting komosyon at nagtakbuhan ang mga tao. Paglingon ni Adrian, anim na lalaki pa ang nakatingin sa malaking painting na iyon. Gaya niya, hindi halos inaalis ng anim ang tingin sa painting na iyon. Sa kanilang lahat, isa ang tumingin sa kanya. He felt a familiar emotion coming from him. Hindi niya makita ang mukha nito, nakasuot ito ng itim na mask at natatabingan ng buhok ang noo
nito kaya ang kulay gray na mata nito lang ang kanyang nakikita.
Hanggang sa biglang dumilim sa buong paligid at nawala ang iba pang tao at pito na lang silang natira doon. Napalingon si Adrian sa painting ng lumiwanag niyon. He saw with his own eyes when the gate of heaven slowly opened, and from there he heard a soft and mellow voice.
“Aking mga anak, mga minamahal ko na aking nilikha. Ang aking mga Praelia. Nalalapit na ang tinakdang panahon para sa ating pagkikita. Palagi n’yong tatandaan, Ako na Inyong Ama at ang may gawa at akda ng lahat ay palaging nakabantay sa inyo.”
Nangilid ang luha ni Adrian, parang hinaplos ng tinig na iyon ang kanyang puso at napuno iyon ng saya. Ang tinig na iyon, parang narinig na niya kung saan. Mula sa pagdilim ng paligid ay muling bumalik ang liwanag. Hindi sigurado si Adrian kung nanaginip ba siya ng gising o totoo ang lahat ng nasaksihan niya?
Paglingon niya sa paligid, nakita ni Adrian na nakatingin pa rin sa kanya ang lalaking naka-mask.
“Sino ka?” tanong niya sa kanyang isipan.
Nagulat si Adrian ng bigla niyang marinig ang isang boses, kaya agad siyang napalingon sa paligid.
“Hindi kita kilala, pero pakiramdam ko ay matagal na kitang nakasama. Sino ka?” sagot ng boses sa kanyang isip.
Paglingon ni Adrian, nakatingin pa rin sa kanya ang lalaking naka-mask. Hanggang sa tila kusang bumuka ang bibig niya, at isang pangalan ang lumabas mula doon.
“Haniel…” aniya.
Bumawi ito ng tingin, mayamaya ay bigla itong umalis kasama ang lima pang lalaki. Naiwan si Adrian na lalong magulo ang isip.
“Anong nangyayari sa akin? Kaninong boses ang narinig ko?”
“ONE SEAFOOD pasta for table number six,” narinig niyang sabi ng kapatid niya sa food checker.
“Sky! Sandali lang!” pigil niya.
“Bakit Kuya?”
Lumapit si Adrian sa kapatid saka tiningnan mabuti ang order ng customer.
“Punasan mo ‘yong gilid, may bahid ng sauce,” utos niya dito.
“Ay oo nga,” anito.
“Chef, eto na po ‘yong mga sauce ng pasta,” anang iba pang chef niya.
Nilapag ng mga ito ang tatlong klase ng sauce para sa Pasta Specialty of the Day nila. Isang red sauce, white sauce at isang brown sauce. Tinikman niya isa-isa ang mga ito.
“Red sauce is too sour, white sauce is too bland, the brown one is okay,” seryosong sabi niya.
Napakamot ng batok ang nagluto ng white at red sauce. Bumuntong-hininga siya.
“Add a bit of sugar to the red one, add a bit of salt to the white,” paliwanag niya.
“And Sky, ikaw na muna ang bahala dito. May kailangan akong puntahan,” baling ni Adrian sa kapatid.
Ngumiti ang kapatid. “Yes Chef!” sagot nito.
“Wait, saan? Art exhibit na naman? Babalik ka ulit doon?” pahabol na tanong ng kapatid.
Umiling siya. “Hindi, may iba lang akong lakad. Nanggaling na ako kanina doon sa Art Exhibit,” sabi niya.
“Kaya pala, wala ka sa sarili mo noong dumating ka. Bakit ka ba tulala kang umuuwi palagi kapag doon ka nanggaling?” nagtatakang tanong ng kapatid niya.
Kaswal na nagkibit-balikat siya. “Malay ko,” aniya.
“O sige na, aalis na ako. Ikaw na bahala dito ha?” bilin ulit niya.
“Okay!” sagot ni Sky, pagkatapos ay lumabas na siya ng kitchen. Pagdating sa private office ay agad niyang hinubad ang Chef’s uniform, pagkatapos saka sinuot ang black hoody at black cap niya.
“Bye guwapo kong Kuya!” paalam ulit ni Sky.
“Ay oo nga pala! Darating pala ‘yong friend ko na sinabi ko sa’yo na gusto ko ipasok dito!” habol niya.
“Gabi mo papuntahin, mga seven, para nandito na ako. Hanggang six ng gabi ang meeting ko,” sagot niya.
“Okay!”
Napangiti siya saka binigyan ito ng flying kiss. Napailing na lang siya ng saluhin nito iyon, kumaway pa siya kay Sky bago sumakay ng kotse. Habang nasa sasakyan ay bumalik sa kanyang isip ang nangyari sa gallery.
Everything about him is strange, lalo na itong mga nakaraan araw. Adrian started dreaming about heaven, hindi lang iyon, parang may gustong ipahiwatig ang panaginip niya. A certain place that starts with a letter “E”, pero hindi niya matandaan eksakto kung ano. Dahil sa tuwing gumigising siya, agad niyang nakakalimutan ang karamihan ng detalye sa kanyang panaginip.
“Iyon nga yata ‘yong lugar na napapanaginipan ko,” aniya sa sarili.
Naputol ang pag-iisip niya ng biglang mag-ring ang cellphone. Kinuha niya ang Bluetooth headset niya, bago sinagot ang tawag.
“Hello?”
“Pare, are you busy?” bungad agad ng caller sa kabilang linya.
Mabilis nakilala ni Adrian ang may-ari ng boses na iyon.
“Lance, what’s up? I’m driving right now,” sagot niya.
Lance Cristobal is his bestfriend, noong mga panahon na litong-lito siya kung sino siya at nasaan ang mga magulang niya. It was him who stood by his side. Yes, Adrian is adopted. Ang sabi ng mga magulang niyang umampon sa kanya, he was around twelve or thirteen years old when his parents found him in the middle of the woods in Alphane, Michigan, USA. Nang magkaroon ng malay si Adrian ay wala na siyang maalala. Hindi niya alam kung sino siya, hindi niya alam kung saan siya galing, at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang matandaan kahit ano sa kanyang nakaraan.
Mapalad si Adrian dahil mabait ang mga magulang niyang nakatagpo sa kanya. Isang mag-asawang Filipino na American cictizen. Nag-iisa ang anak nitong babae, si Sky. Nagdarasal daw ang mga ito na magkaroon ng anak na lalaki. Pero sa kasamaan palad ay hindi na maaaring magbuntis ang Mommy niya dahil sa komplikasyon nito sa puso. Kaya ng matagpuan siya ng mga ito para na rin daw dininig ng Diyos ang kanilang dasal. Habang lumalaki, naging mahirap para kay Adrian ang lahat. Ang makisalamuha sa ibang tao, ang makipagkaibigan, hindi siya makasakay sa bilis ng agos ng buhay. Everything is so confusing. Kaya ng mag-transfer sila galing sa Michigan, papunta sa New York, doon siya unti-unting naka-adjust. There, he met Lance, and they became great buddies. They are best of friends since then, up to this very moment.
Lance and Adrian are exact opposite, pagdating sa ugali. Mabait si Adrian, pasensyoso, at matiyaga sa lahat ng nais niyang makamit. Samantala si Lance ay pilyo, maigsi ang pasensiya at madaling sumuko. Palibhasa’y lumaki ng maalwan ang buhay. Isang beses ng nasubok ang pagkakaibigan nila, ng umibig sila sa iisang babae, si Jenna. Pero sa huli, nagpaubaya siya kay Lance. Ngunit simula noon ay dumistansya na siya sa dalawa. Nang magpaalam si Sky na uuwi ng Pilipinas at doon maninirahan, sumama siya sa kapatid.
“I’m here in the Philippines,” sagot nito.
“Talaga? Kailan pa?” tanong niya.
“Last week pa,” sabi nito.
“Bakit hindi mo sinasabi sa akin?”
Tumawa ito sa kabilang linya.
“I’m sorry man, pero nag-enjoy muna ako. Alam ko naman kasi na magkaiba ang ibig sabihin ng enjoyment sa atin dalawa,” anito.
Napailing siya. “Ilang babae na naman ang nabiktima mo?”
“Five I guess? But damn, they’re all good!”
Napabuntong-hininga si Adrian. Nakaramdam siya ng awa kay Jenna. Hindi nito alam ang ginagawang kalokohan ng nobyo.
“Sira ka talaga, Lance! Kapag nalaman ni Jenna ‘yang kalokohan mo, siguradong iiwan ka no’n.”
“Pare, mahal na mahal ako ni Jenna! Saka, naglalaro lang ako. Walang seryoso doon, it’s just a one-night stand,” depensa nito.
“Ikaw at ang baluktot mong katwiran!”
“I will see you the day after tomorrow, okay?” pag-iiba nito sa usapan.
“Bakit sa isang araw pa? Let’s hang out later.”
“Nah, may imi-meet ako mamaya eh,” sabi ni Lance, pagkatapos ay tumawa ito.
“Oo na, babae na naman ‘yan! Bahala ka sa buhay mo!”
“Pupuntahan kita sa restaurant mo.”
“Sure,” aniya.
Kung hindi lang niya kaibigan si Lance, matagal na niyang inagaw si Jenna dito. She doesn’t deserve him. Pinilig niya ang ulo at mabilis na tinaboy ang nasa isip. Sa pagdaan ng panahon ay namalayan na lang din ni Adrian na lumipas na pala ang nararamdaman niya kay Jenna. Dahil ngayon ang importante ay matuklasan niya ang mga kakaibang nangyayari sa kanya nitong mga huling araw.
Napabuntong-hininga si Adrian ng ma-stuck siya sa traffic. Sa mga ganitong pagkakataon gusto niyang gamitin ang sikretong kapangyarihan.
“Pwede bang mag-teleport na lang? Male-late na ako sa meeting ko,” reklamo pa niya.
Halos isang oras din ang byahe ni Adrian bago niya narating ang Hotel kung saan siya may meeting kasama ang general manager ng lugar. Paglapit niya sa Receptionist ay sinalubong niya ng ngiti ang mga ito.
“Good Afternoon, I have a meeting with Mister Reynoso,” aniya.
“And your name, Sir?” tanong ng babaeng receptionist.
“Adrian Alejandro.”
“Ay yes Sir, naibilin na po kayo ni Mister Reynoso. You may proceed at fifth floor,” sabi nito.
“Thanks,” nakangiting sagot niya, pagkatapos ay agad na tumalikod.
“Shocks! Ang guwapo niya! Hindi ko kinaya! Lord, siya na lang po bigay n’yong boyfriend ko!”
Hindi napigilan ni Adrian ang mapangiti, matapos marinig mula sa kanyang isipan ang sinabi ng Receptionist. Isa pa iyon sa mga kakaibang katangian niya, he can read minds. Kahit hindi magsalita ang kaharap ay kaya niyang marinig ang sinasabi nito sa isip. Paglapit sa elevator, napahinto siya sa pagpindot ng Up button ng maunahan siya ng isang babae.
Paglingon ni Adrian ay nagkatinginan sila ng babae. Naagaw nito ang atensiyon niya ng makita ang magandang mga mata nito. Blonde at halos umabot sa beywang ang haba ng buhok ng babae. The color of her eyes is blue, ngunit hindi nakaligtas sa paningin niya ang bakas ng lungkot sa mga iyon. Ang makapal na kilay nito na mas lalong nagpa-emphasize ng ganda ng mga mata nito. Matangos ang ilong nito at may dalawang malaking nunal ito sa mukha, isa sa pagitan ng dalawang mata at isa sa pisngi. Naka-full make-up ito at revealing at sobrang sexy rin ng suot nito, she’s wearing a black sexy dress, hanggang hita ang haba niyon at kita ang cleavage.
“Hi,” nakangiting bati sa kanya ng babae.
Tumikhim siya, saka agad na inalis ang tingin dito. Pagkatapos ay sumulyap
lang dito at matipid na ngumiti.
“Hmp, mukhang suplado pero nakatingin naman sa boobs ko. Pero keri lang, mukha naman yummy. Ay my gosh, mukhang malaki si Junior!” narinig niyang sabi ng babae sa isip nito.
Bigla siyang nasamid sa narinig saka agad na tumalikod. Nang makahinga ng maluwag, kasabay niyon ay bumukas na ang pinto ng elevator. Pinauna niya itong pumasok bago siya, nagkatinginan ulit sila ng sabay nilang pinindot ang number five. Habang nasa loob, pakiramdam ni Adrian ay biglang uminit ang paligid. Bigla siyang tumabi ng huminto ang elevator sa third floor, at marami ang sumakay, kaya nagitgit sila ng babae sa isang sulok. Napalingon silang dalawa ng babae sa isa’t isa ng halos sumubsob ito sa kanya. Napapikit siya at tumingala ng maramdaman ang dibdib nito na nakadikit sa dibdib niya. Bigla siyang napatingin ulit sa babae ng marinig ang sinabi nito sa isipan.
“Ang pogi pala niya talaga, lalo sa malapitan. At in fairness, ang bango niya. Uy Kuya, mapalad ka, libre dama sa boobs ko!”
Napapikit siya saka pilit iniwas ang tingin sa babae. Nang tumunog ang elevator at makitang nasa fifth floor na sila ay agad siyang lumabas. Doon lang siya nakahinga ng maluwag ng makalayo sa babae. Bago umalis ito, ay muling tumingin sa kanya sabay ngiti at kindat. Hindi makapaniwala si Adrian, nang kalaunan ay natawa na lang siya.
MATAPOS pirmahan ni Adrian ang kontrata ay nakangiting binalik niya ito kay Mister Reynoso. He just signed a contract para sa isang special seminar ng mga new chefs’ trainee ng hotel, kung saan siya ang magiging special guest. At bilang isa sa mga guest, kailangan niyang magluto ng dalawa hanggang tatlong signature dish na ipe-present sa mga trainee.
“Thank you for doing this, Chef Adrian. Kanina pa ako nag-aalala na baka hindi ka pumayag na maging special speaker. Ang sabi kasi ni Chef Bryan, masyado ka daw busy ngayon sa Restaurant mo,” ani Mister Reynoso.
“Well, that’s true. But this is just for an hour or two. I can spare my time, kung makakatulong ba ako sa mga aspiring chefs, then why not,” sagot niya.
“That’s so nice to hear. Once again, thank you,” anito.
“You’re welcome,” sagot niya.
“Sandali lang,” sabi ni Mister Reynoso, pagkatapos ay tinawag ang isang waiter.
Inabot nito sa kanya ang menu. “Order anything you want, it’s on me,” sabi nito.
“Thanks,” sagot ni Adrian.
Matapos makapili ng kakainin, saglit na umalis si Mister Reynoso para personal na asikasuhin ang pagkain niya. Habang naghihintay, napatingin siya sa labas ng glass wall. Nang umangat ang tingin niya sa kalangitan, muli niyang naalala ang nangyari sa art exhibit.
Simula ng pagkabata. Napansin ni Adrian na gustong-gusto niya ang tumingala sa langit. He loves staring at the blue sky. Pakiramdam niya ay napapayapa ang kanyang damdamin lalo na kapag magulo ang isip. Napapalagay ang loob niya. And later on, he found out his fascination in angels. Sa bahay niya ay puro paintings ng angels or anything heaven related ang makikitang disenyo doon. Kung iisipin, kakaiba ang taste niya para sa isang ordinaryong lalaki. But Adrian knows he is not ordinary, he found out about it slowly as he grows up.
Nawala sa iniisip ang atensiyon niya matapos marinig ang hagikgik ng isang babae. Paglingon niya, nakita ni Adrian ang babaeng nakasabay sa elevator kanina. May katabi itong may edad na lalaki, at nakapulupot ang braso nito sa bewang ng babae.
“Hi-hi, ikaw naman huwag masyadong mabilis. Maliwanag pa oh?”” sabi ng babae.
“Okay lang ‘yan,” sagot naman ng lalaking kasama nito.
Nang akmang hahalikan ito ng lalaki ay agad nitong hinarang ang palad sa nguso saka tinulak palayo.
“Jusme, haba ng nguso mo ah! Ano? Kuhol lang?”
“Eh excited na ako eh!”
Nang makalingat ang lalaki. Biglang nag-make face ang babae na kunwari ay nasusuka. Pero agad ngumiti ng humarap na ang lalaki. Napangiti siya saka napailing.
“Nakakadiri itong matandang ‘to, kung wala lang akong kailangan sa’yo, kahit tingnan ka hindi ko gagawin. Jusko, ang baho ng hininga!” narinig niyang tungayaw ng babae sa isip nito.
Hindi napigilan ni Adrian ang matawa, nawala lang dito ang atensiyon niya ng dumating ang order niya.
“Sir, here’s your order,” sabi ng waiter.
“Thanks.”
Nilapag nito ang coffee at sandwich sa ibabaw ng table. Paglingon niya ay wala na sa puwesto nito ang dalawa. Napailing na lang siya.
“Mukhang trouble-maker ang babaeng iyon,” sabi niya sa sarili.
Matapos kainin ang meryenda ay agad siyang nagpaalam kay Mister Reynoso. Habang hinihintay ang kotse niya na dalhin ng valet driver, bigla siyang napalingon ng may babaeng biglang lumabas mula sa exit door ng hotel. Nakapantalon ito, at naka-simpleng blouse na kulay puti, at simpleng sandals. May dala itong backpack at tila nagmamadaling lumabas. Nabangga pa siya nito dahil panay ang lingon ng babae sa likod.
“Ay, sorry po!” hinging paumanhin agad nito.
Napakunot-noo si Adrian. Kaboses nito ang babae kanina na kasabay niya sa elevator. Pero hindi ito ang babaeng nakasabay niya sa elevator kanina. Ngunit hindi niya magawang alisin ang mga tingin ng matitigan ng husto ang magandang mukha ng dalaga sa kanyang harapan. She has that brown mesmerizing eyes, malamlam iyon at parang inukit sa isang mamahalin na dyamante at medyo manipis ang kilay nito. Katamtaman lang ang tangos ng ilong nito at kulay pink ang labi ng dalaga, hindi lang siya sigurado kung natural iyon o lipstick. Maputi ang balat nito, at medyo maliit sa kanya. Lagpas ng kaunti sa balikat ang kulay itim nitong buhok. Saglit na natigilan si Adrian matapos matitigan ang mga mata nito ng mapatingin sa kanya. Something is familiar about her, that emotion in her eyes, tila may gustong ipahiwatig ang mga iyon. Sinubukan niyang basahin ang nasa isip nito pero hindi wala siyang marinig na kahit ano.
“Okay lang,” aniya.
“Sorry po ulit,” magalang na sabi nito saka agad na umalis.
Doon napansin ni Adrian ang katawan ng babae na tila perpektong hinubog, dahil sa liit ng beywang nito. Muli siyang napaisip ng mabuti, kung saan niya nakita ito. Nawala na sa babae ang kanyang isipan ng dumating na ang kotse, kaya agad siyang umalis at bumalik sa restaurant.
“KUYA, KUMUSTA na ‘yong lakad mo?” tanong ni Sky pagdating niya ng restaurant.
“Okay naman,” sagot niya.
Naupo ito sa bakanteng silya sa harap ng mesa niya.
“Iyon nga palang sinasabi mo kanina na kaibigan mo na gusto mong ipasok dito. Okay ba magtrabaho ‘yon?” tanong niya.
“Ay oo naman, Kuya!”
“Kapag may ginawang kapalpakan ‘yon, ikaw ang malalagot sa akin,” banta
niya.
Umingos si Sky. “Hmp, sungit! Hindi nga okay, mabait si Nami!”
“Nami?”
“Oo, Nami. Iyon ang name niya.”
“Unique name, sige, tingnan natin mamaya.”
Tumingin siya sa oras. Pasado alas-singko pa lang ng hapon. May oras pa siya para umidlip.
“Maaga pa naman, iidlip muna ako. Gisingin mo ako kapag nandiyan na siya,” sabi niya.
“Okay, Kuya!”
“READY KA na ba para mamaya?” tanong ni Darie sa kanya. Marahan siyang tumango at pinilit na ngumiti. Doon sa Chef’s Face ang usapan nilang dalawa ni Darie na magkikita. Mula doon ay sasama siya sa hotel nito at magkasabay silang lilipad papunta ng Seoul, South Korea.
“ANONG sinabi mo?!” gulat na tanong ni Adrian pagbalik niya sa Chef’s Face. Napapitlag si Thelma dahil sa biglang paglakas ng kanyang boses.
“KAPIT KA ng mabuti,” sabi ni Adrian sa kanya. Agad sinunod ni Nami ang sinabi ng binata at yumakap ng mahigpit sa beywang nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya, isipin pa lang niya na ililipad siya ni Adrian ay talagang kinakabahan na siya. Ngunit ng maramdama
DAHAN-DAHAN nilapat ni Adrian ang mga paa sa sahig, mula doon sa sala ng condo niya, lumagos siya sa nakasaradong pinto papunta sa loob ng kuwarto. Natagpuan niya si Nami na himbing na natutulog. Agad siyang bumalik sa normal na anyo bilang tao, at maingat na naupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Nami, saka kinuha ang kamay at hinalikan ang likod niyon.
NAALIMPUNGATAN si Adrian, matapos siyang magising ng wala sa tabi niya si Nami. Paglingon niya ay wala ito doon sa kuwarto, napangiti siya ng maramdam niya ang malakas na presensiya ng dalaga. Mula doon sa loob ng kuwarto bigla siyang sumulpot sa likuran nito. Napangiti si Adrian ng makitang isang mahabang t-shirt ang suot niya ang suot at napaka-igsing shorts.
ONE YEAR LATER… “Bill out for table number six,” sabi ni Nami kay Thelma.