Share

Chapter 3

Author: Miss Juris
last update publish date: 2020-09-23 13:07:01

          “THANK YOU, Sir, come again!” nakangiting paalam ni Nami sa mga customers.

          Ngumiti sa kanya ang mag-asawang kumain sa Chef’s Face. Mayamaya ay may lumapit sa kanyang dalawang lalaking customers. Agad niyang napansin na nakatingin ang dalawa sa dibdib niya.

          “Good evening, Sir. Table for two po?” tanong niya.

          “Yes please,” sagot ng isa.

          Agad niya itong in-assist sa mesa na pang-dalawahan lang. Pagkatapos ay agad na inabot ang menu.

          “Here’s the menu, Sir. One of our staffs will get your order in a while,” sabi niya.

          “Miss, hindi ba puwedeng ikaw na lang ang mag-serve sa amin?” tanong ng isa pang lalaki.

          Ngumiti lang siya. “Naku Sir, sorry po. Receptionist po ako dito, iba po talaga ang kumukuha ng order ng mga customers.”

          “Ganoon ba?” anang naunang lalaki, natigilan siya ng bigla nitong ilabas ang cellphone pagkatapos ay inabot sa kanya.

          “Sir? Para saan po ito?”

          “Just give me your number then,” sagot nito.

          Pinigilan ni Nami na taasan ng kilay ang dalawa.

          “Siraulong ‘to ah? Porke sagana ko sa boobs, akala yata basta-basta ako papayag sa gusto n’ya!” inis na sabi niya sa kanyang isip.

          Pinilit niyang ngumiti, kahit na ang totoo ay gusto niyang i-uppercut ang baba ng dalawang lalaking hambog na iyon.

          “Ah Sir, pasensiya na po… kasi…”

          Bigla siyang napaatras ng tumayo ang lalaki at lumapit sa kanya, sabay tingin sa boobs niya. Gustong sapakin agad ni Nami ang manyakis na lalaking iyon dahil sa harap-harapan pambabastos sa kanya na nag-wet lips pa.

          “Nami, that’s your name, huh?” sabi pa nito habang nakatitig sa nameplate niya.

          Nagulat si Nami ng biglang may humablot ng cellphone ng lalaki. Pagtingin niya ay si Adrian pala iyon, napatingin siya sa kamay nito ng hawakan siya sa braso at tinago sa likod nito.

          “Here’s my number, Sir. If you have any complains with any of our staff. Feel free to call me or send me a message,” nakangiting sagot ni Adrian.

          Kitang-kita niya ang pagsimangot ng dalawang lalaki.

          “Ang number ng receptionist ang gusto kong kunin.”

          “With all due respect, Sir. Pero hindi po namin hinahayaan na ibigay ang kahit na anong information ng kahit na sino sa staff namin. So, if you’ll excuse us,” magalang na sagot ni Adrian, sabay tawag ng isang lalaking waiter.

          “Paki-assist naman sila sa order nila,” utos nito.

          “Yes Sir!”

          Hindi na hinayaan ni Adrian na sumagot ang kahit na sino sa dalawa. Nagulat na lang siya ng bigla siyang hilahin nito pabalik sa puwesto niya.

          “Are you okay?” tanong pa nito.

          “Opo, thank you po.”

          Bumuntong-hininga si Adrian. “Hindi ka ba nila hinawakan.”

          “Hindi naman po,”

          “That’s good. Kapag may problema, tawagin mo lang ako sa office.”

          “Sige po, thank you, Sir.”

          Ngumiti lang ito pagkatapos ay tinapik si Nami sa balikat. Nakatulalang sinundan niya ng tingin si Adrian. Pakiramdam niya ay parang may biglang sumipa ng malakas sa kanyang dibdib, namalayan na lang niya ang sarili na tulalang nakasunod ng tingin sa boss. That’s the first time, a man did something like that for her. Iyong lalaking walang malisya ang tingin sa kanya. Kanina ng itago siya sa likod nito, Nami felt safe and secured. Pakiramdam niya ay walang kahit na sino ang puwedeng manakit at gumalaw sa kanya.

          “Ang bait n’ya no?”

          Bigla siyang napalingon matapos marinig iyon. Napangiti siya kay Thelma, ang kasama niyang Waitress doon sa Chef’s Face.

          “Ganyan ba talaga siya ka-protective sa mga employees niya?” tanong pa niya.

          “Oo, basta alam niyang mali ang customers. Pero nadadala niya sa mahinahon na usapan. Ewan ko ba kay Sir Adrian, anghel yata ‘yan. Sobrang bait eh.”

          “Sino ba si Sir Adrian? Parang may pagka-misteryoso siya,” tanong ni Nami.

          “Oo, may mga pagkakataon na parang ang lalim ng iniisip niya. Tapos biglang makikipagkulitan, pero kung gusto mong magkasundo kayo, sabihin mo lang na guwapo siya,” natatawang sagot ni Thelma.

          Napangiti siya bago muling lumingon sa pinto ng opisina ng boss kung saan ito pumasok. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa kanyang isipan kung paano siya pinagtanggol nito kanina. At hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa rin bumabalik sa normal ang pintig ng kanyang puso.

          “BYE NAMI!”

          Ngumiti siya saka kumaway sa mga kasama.

          “Bye!” sagot niya.

          Habang naglalakad, in-stretch ni Nami ang mga braso para mapawi kahit paano ang maghapon niyang pagkakatayo. Bukod doon ay masakit din ang mga paa

niya. Para sa unang araw ay sa second shift siya nag-duty. Simula alas-dos ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi. Ang third shift o closing shift naman ay simula alas-siyete ng gabi hanggang alaso-dos ng madaling araw. Napalingon si Nami ng biglang may bumusinang kotse. Nagtaka siya ng huminto iyon sa tapat niya. Pagbaba ng driver, noon lang nakita ni Nami na si Adrian pala iyon.

          “Oh Sir!”     

“Pauwi ka na?”

          “Opo,” sagot niya.

          “Tara, sabay na kita hanggang doon sa sakayan,” sabi pa nito.

          “Naku Sir, ‘wag na po. Nakakahiya naman, maglalakad na lang po ako,” tanggi niya.

          “I insist!” 

          “Pero…”

Lumapit ito sa kanya saka binuksan ang pinto ng kotse, pagkatapos ay bumulong ito. “Get in, nakatingin ‘yong dalawang lalaki na nangbastos sa’yo kanina,” sabi ni Adrian.

Paglingon ni Nami, nakita nga niya na nakasandal ang dalawang lalaking iyon sa kotse at nakatingin sa kanya. Napatingin siya kay Adrian, ngumiti ito, saka sumenyas na sumakay na.

“Sige na, baka sundan ka nila.”

“Sige po,” pagpayag niya pagkatapos ay saka sumakay sa kotse nito.

Habang nasa loob ng kotse ay hindi maiwasan ni Nami na makaramdam ng pagkailang. Hindi kasi nagsasalita si Adrian dahil abala sa pagmamaneho.

“Does it happen all the time?” sa wakas ay tanong sa kanya ng binata.

“Ang alin po?”

“Iyong ganyan. Does boys really chase you that often?”

Marahan siyang natawa. “Medyo. Ewan ko ba, wala naman akong ginagawa para mabastos ng mga lalaki, pero feeling ko kapag nakikita nila ako, sex object tingin nila sa akin. Sabi ng pinsan ko, kasalanan daw ng boobs ko, pero matindi ‘yong dalawang poging manyakis na ‘yon, harap-harapan! Mga walanghiya,” walang prenong sagot niya.

Nang tumawa si Adrian, saka lang niya na-realize ang sinabi kaya agad natakpan ni Nami ang bibig.

“Ay sorry po!”

Pumalatak ito. “Pogi ba iyon? Eh mas pogi pa ako sa dalawang ‘yon,” pabirong sabi ni Adrian.

Hindi napigilan tumawa ni Nami. “Ikaw talaga, Sir!”

Tumawa lang din ito.

“Bakit ka natatawa? May mali ba sa sinabi ko? Naniniwala ako na pinanganak akong guwapo!”

“Wala naman pong duda ‘yon, Sir. Pero nakakatawa lang kasi na walang ka-nerbiyos nerbiyos kung sabihin n’yo ‘yan.”

“Alam mo, Nami. Sino pa ba ang unang makaka-appreciate sa mukha ko kung hindi ako rin,” sagot nito.

Lalo siyang natawa.

“Ang kulit mo po pala, Sir.”

“Teka nga, hindi ba’t twenty-three years old ka lang? O isang taon lang tanda ko sa’yo! Kapag wala tayo sa trabaho, first name basis na lang. Saka tigilan mo nga ang kaka-po mo sa akin,” sabi nito.

“O sige… sabi mo eh,” aniya.

“’Yan, gusto ko kasi na maging komportable ang mga empleyado ko sa akin,” sabi nito.

“Mukha ka naman mabait eh, iyon din ang sabi sa akin ng mga kasama ko.”

Saglit itong sumulyap sa kanya, saka ngumiti.

“Thank you.”

          “Anyway, saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita,” prisinta ni Adrian.

          “Ay naku, huwag na! Dito na lang ako sa sakayan! Masyado ng abala sa’yo, okay lang naman ako,” mabilis niyang tanggi.

          “Are you sure?”

          “Oo promise!”

          Pagdating sa sakayan ay agad nitong tinabi ang kotse. Bago siya bumaba, kinuha muna nito ang cellphone number niya. Nagbilin pa ito na i-text siya kapag nakauwi para daw malaman nito kung safe siyang nakarating sa bahay. Bukod doon, hindi agad umalis si Adrian pagbaba niya ng kotse nito. Hinintay pa nitong makasakay siya ng jeep at makaalis iyon.

          Napangiti si Nami, her heart is beating fast. Masyadong mabait si Adrian, hindi siya sanay na may lalaking ganoon ang trato sa kanya. Pero hindi niya magawang itanggi sa sarili na kaysarap pala sa pakiramdam niyon.

          “ANO GIRL? Nakauwi ka ba ng safe kagabi?” bungad ni Thelma kay Nami pagpasok niya sa locker room nila.

          Ngumiti siya matapos maalala si Adrian.

          “Oo, hinatid ako ni Sir hanggang sa sakayan. Tumanggi nga ako kasi nakakahiya, nakatingin kasi ‘yong dalawang manyakis na customer sa akin habang naglalakad ako pauwi. Baka daw kung ano gawin sa akin, sabi ni Sir.”

          “Hay naku, ang mga lalaki talaga! Kapag may nakitang maganda at sexy akala mo nakakita ng masarap na pagkain,” komento nito.

          “Tama! Wala silang alam gawin kung hindi paglaruan ang mga babae. Pagkatapos iiwan kapag nagsawa na,” seryosong sagot niya.

          Bigla siyang napatingin sa kasama ng kalabitin siya nito sa braso.

          “Huy, masyado ka naman seryoso. Ang lalim ng hugot mo ah,” anito.

Pilit na ngiti ang sinagot niya dito.

“Ikaw ba Nami may boyfriend ka? Or nagkaboyfriend ka na?” pang-uusisa ni Thelma.

Seryoso siyang sumagot. “Nagka-boyfriend na ako, pero niloko lang niya ako. Kaya hindi ko hahayaan na saktan ulit nila ako. Namatay ang Ate at Nanay ko dahil sa mga lalaking minahal nila ng totoo pero sa huli ay sinaktan at iniwan sila,” determinadong sagot niya.

          Napatitig si Thelma sa kanya. “Ganyan kalaki ang galit mo sa mga lalaki?”

          “Oo,” walang gatol na sagot niya.       

          Bumuntong-hininga si Thelma. “Sabagay, kung ako man ang nakaranas sa mga dinanas mo. Malamang ganyan din ako, pero iba si Sir Adrian, Nami. Ako na ang nagsasabi sa’yo, sobrang bait niya. Kahit isang beses, kasi isa sa amin, hindi naramdaman na nanamantala siya or nag-take advantage siya sa mga babae. Si Chef Sky mismo ang magpapatunay niyan. Ewan ko ba sa taong ‘yon, mala-anghel sa bait. Kahit umaapaw ang self-confidence no’n sa mukha, pero the best siya,” sagot nito.

          Napaisip si Nami, at lihim na napangiti nang maalala ang unang pagtatagpo nila sa loob ng elevator, at nang ipagtanggol siya nito sa dalawang lalaking customers nila. Pagkatapos ay muli siyang napalingon kay Thelma ng muli itong magsalita.

          “Hindi lahat ng lalaki ay masama gaya ng iniisip mo, Nami. Naniniwala ako na may ilan pa diyan na gaya ni Sir Adrian.”

          “Siguro nga.”

          Matapos nilang magpalit ng uniform, sabay sila ni Thelma na pumunta sa restaurant para umpisahan ang duty nila. Dahil sa mga nangyari noong nakaraan gabi, pansamantalang inalis muna si Nami as receptionist. Sa halip ay magiging waitress muna siya.

          “Ano? Musta trabaho mo?” tanong ni Sky sa kanya.

          “Okay naman. Nag-eenjoy nga ako, na-miss ko kasi ‘to,” masayang sagot niya.

          “Ay teka, nandiyan na ba si Sir Adrian?” tanong ni Nami.

          “Wala pa, may mi-neet na kaibigan. Pero sabi niya papunta na siya dito,” sagot ni Sky. “Bakit? May kailangan ka?”

          “Ah wala naman, gusto ko lang siya pasalamatan dahil sa ginawa niya kagabi.”

          Ngumiti si Sky. “Hintayin mo lang, parating na ‘yon,” sabi pa nito. Mayamaya ay napatingin ito sa labas ng restaurant.

          “Oh, nandyan na pala si Kuya eh!”

         Paglingon ni Nami, parang nag-slow motion ang paligid ng bumaba si Adrian mula sa kotse. His wearing a white shirt inside and a white open button longsleeves, a pair of jeans and sneakers. Parang may sumipa sa dibdib ni Nami, at biglang may dumagundong doon ng sumilay ang magandang ngiti ng binata matapos nitong batiin ang security guard ng Chef’s Face. He looks so fresh and dashing on that simple casual look. Parang nag-reflect ang sinag ng araw sa guwapong mukha nito. Nang pumasok si Adrian sa loob ng restaurant ay agad itong tumingin sa gawi niya. When he flashed that smile on her, pakiramdam ni Nami ay nagwala ang kanyang puso. Sa bawat hakbang nito palapit sa kinatatayuan ay palakas ng palakas din ang kaba niya.

          “Hi Nami, good afternoon,” bati nito sa kanya.

          Parang wala sa sariling ngumiti siya dito. “Good Afternoon, Sir!” tulalang sagot niya.

          Napapitlag siya ng may pumitik sa tapat ng mukha niya. Paglingon ni Nami ay ang natatawang si Sky at Thelma ang bumungad sa kanya.

          “Okay ka lang ba? Para kang namatanda ah” sabi pa ni Sky.

          “H-ha?”

          “Oh, natulala ka na diyan? Dahil ba ‘yan sa mukha ko?” pabirong tanong ni Adrian, sabay kindat.

          Natawa na siya ng tuluyan. “Oo Sir, ang pogi mo kasi,” pakikisakay niya dito.

          Natawa si Sky at Thelma ng nag-flying kiss ito sa kanya. Kunwari ay sinalo niya iyon sabay silid sa cleavage, kaya lalong natawa ang mga ito, maging si Adrian.

          “Lukaret ka pa rin talaga, Nami!” sabi ni Sky.

          Napalingon silang lahat ng may pumasok na bagong customer. Isang babae, isang bading at tatlong lalaki. Matapos samahan ng receptionist ang mga ito sa puwesto, ay agad naman lumapit si Thelma para kunin ang order.

          Napansin ni Nami na ang isa sa tatlong lalaki ay panay ang tingin sa kanya. Hindi niya ito pinansin, sa halip ay nagsimula na siyang mag-trabaho at mag-serve ng order na pagkain ng mga customers.

          “Enjoy your meal, ma’am!” magiliw na sabi ni Nami sa isang customers.

          “Thank you,” sagot nito.

          Hindi pa mna nakakalayo si Nami ay isang customer na ang tumawag sa kanya.

          “Miss, excuse me, mali kasi ‘yong food na dumating sa amin. Hindi ito ‘yong order ko,” malumanay na sabi ng isang may edad na babae.

          “Ay sige po, ako nang bahala,” sagot niya, saka ngumiti.

          Kinuha niya ang pagkain saka binalik sa food counter. “Sky, hindi daw ito ang order sa table seven, pa-check nga,” aniya.

          “Hay naku, sweet and sour pork, eh beef with broccoli ang order. Kulay pa lang ang layo na,” ani Sky.

          “Paki-palitan na, nakakahiya kay Madam,” sagot ni Nami.

          Muli niyang nilapitan ang customer. “Ma’am, pinapalitan na po ang order n’yo. Pakihintay na lang po,” nakangiting sabi niya.

          “Sure iha, thank you so much,” sagot niya.

          “You’re welcome po, at pasensiya na rin po,” aniya.

          Matapos kausapin ang customer, pagtalikod niya, agad napatingin si Nami sa glass wall ng opisina ni Adrian. Napansin niya na nakatingin ito sa kanya. Ngumiti ito,

pagkatapos ay saka nito sinarado ang venetian blinds.

          “MISS, EXCUSE me, puwede bang makahingi ng tissue? Naubos na kasi ‘yong nandito sa table namin,” tawag ng isang bading nilang customer.

          “Sige po,” nakangiting sagot ni Nami.

          Bumuntong-hininga siya ng lumagpas sa table na iyon. Hanggang ngayon kasi ay sinusundan siya ng tingin ng isang lalaking customer sa table na iyon. O mas tamang sabihin, nakatingin sa dibdib niya.

          “O, bakit parang nakasimangot ka?” tanong ni Thelma.

          “Nakakainis ‘yong isang lalaki sa table number three. Kung makatingin para akong hinuhubaran,” sagot niya.

          “Iba na ang puno ang alindog, umaapaw ang biyaya!” sa halip ay biro nito, sabay nguso sa dibdib niya.

          Pabirong sinimangutan niya ito. “Anong biyaya? Sumpa kamo!” inis na sabi niya.

          “Naku girl, pabayaan mong maglaway ‘yan. Huwag ka lang niyang hahawakan at ibang usapan na ‘yon!” sagot ni Thelma.

          Muli siyang huminga ng malalim saka kumuha ng tissue at bumalik sa table number three.

          “Eto na po ang tissue,” nakangiting sabi niya.

          “Thank you, Miss!” mabait na sagot ng bading.

Eksaktong pagtalikod niya, natigilan si Nami ng makitang nakatayo na sa harap niya ang lalaki na kasama rin kumakain sa table niyon. Halata sa ngisi nito ang pagka-manyak. Parang bampirang hayok sa dugo, pero sa kaso nito, hayok sa boobs niya. Iyong tipo na kung puwede lang dakmain nito ang dibdib niya, ginawa na nito. Pero sa kabila ng nakakabastos na tingin, tinignan pa rin ni Nami ang lalaki bilang customer na kailangan irespeto. 

"Yes, Sir? Anything you need po?" magalang na tanong pa niya, saka nagpaskil ng pekeng ngiti. Tinaas nito ang hawak na baso na kalahati pa naman ang laman ng tubig. 

"Water, please." 

"Okay po."

Pero ng iabot na ito sa kanya ang baso, nagulat na lang siya ng bigla iyon bumuhos sa damit niya. Partikular sa dibdib niya, kulay puti pa naman ang uniform nila at bumakat doon ang bra niya. 

"Ops! Sorry Miss, hindi ko sadya. Nadulas sa kamay ko 'yong baso, natapunan ka tuloy ng tubig," kunwari ay gulat na sabi nito. Pero mayamaya, nahuli niya na palihim itong ngumisi habang titig na titig sa dibdib niya. 

Naikuyom ng mariin ni Nami ang kamay. Parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan ng pagtinginan siya ng iba pang customers, maging ng mga kasamahan niya. Nami felt humiliated. Kung pagbabasehan ang ngisi nito, halatang sinadya nitong buhusan siya ng tubig. Gustong-gusto niyang sapukin ang nguso ng lalaki ng bumaba ang tingin nito sa dibdib niya. Harap-harapan na ang pambabastos nito sa kanya.

"Ano ba, Joel?! Siraulo ka talaga! Umiral na naman pagka-manyak mo!" galit na sigaw ng babaeng kasama nito.

"What?! Wala akong ginagawa! I told you, it was an accident!" pagtatanggol nito sa sarili. 

"Siraulo! Sino lolokohin mo?! Kilala kita, nuknukan ka ng manyak! Miss, go ahead! Sapukin mo!" galit na sabi ng bading, sabay lingon sa kanya. 

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala!" 

"Kung totoong nadulas sa kamay mo 'yung baso, baka sa'yo pa natapon yun tubig, at nahulog at deretsong nabasag yung baso! Bastos na 'to! Isusumbong kita

kay Tita mamaya!" 

"Miss, kung gusto mag-file ng complaint. Hindi kita pipigilan, nang magtanda ang hayop na pinsan ko na 'yan!" pang-uudyok pa ng bading sa kanya.  

Pero hindi pa man siya nakakakilos, biglang dumating si Adrian, at agad na tinakpan ng jacket ang harapan niya. Pagkatapos ay saka humarap sa lalaki at sinapak ito, kaya agad na bumulagta ito sa sahig. Nagulat si Nami ng makitang dumugo ng husto ang nguso ng lalaki. Kung pagbabasehan niya ang natamong sugat ng lalaki, parang hindi lang isang sapak ang nakuha nito. Daig pa nito ang nabugbog, samantalang isang suntok lang ang binigay ni Adrian dito. Napalingon si Nami sa binata, hindi siya makapaniwala na ganoon ito kalakas.

          “Wala kang karapatan bastusin ang empleyado ko!” galit na sigaw ni Adrian.

          “Ganito n’yo ba tratuhin ang customer n’yo dito?! Hindi ko sinasadya na matapunan siya ng tubig!” galit na sagot ng lalaki.

          “Ire-reklamo ko kayo! Ipapasara ko itong restaurant na ‘to!”

          Tinuro ni Adrian ang CCTV. “For your information, Sir. Nakuha lahat ng camera ang ginawa mo. Kanina ka pa nire-reklamo ng empleyado ko dahil napansin ka na niya na ibang tumingin. Kaya inobserbahan na kita kanina pa, at kitang-kita doon na sinadya mo ang nangyari!”

          Hindi ito nakakibo. Tumingin si Adrian kay Thelma. “Tumawag ka ng pulis,” utos nito.

          Agad tumalima ang kasamahan niya.  

          “Naku Miss, pasensiya ka na, ha? Sir, pasensiya na po,” hinging paumanhin ng bading.

          “Medyo siraulo talaga ‘yan kapag may trip na babae!” sabi ng babae.

          “Paki-add na lang po sa bill namin ang mga damages,” sabi ng isang kasama nitong lalaki.

          Tumingin si Adrian sa kanya.

          “Are you okay? Huwag kang mag-alala idedemanda natin siya?” tanong nito.

          “Hu-huwag na po,” naiiyak na sagot ni Nami.

          “Pero Nami, binastos ka niya,” giit nito.

          “Huwag na po, Sir. Ayokong makaabala ng husto sa inyo,” lumuluhang sagot niya.

          Bumuntong-hininga ang binata. “Are you sure?”

          Marahan siyang tumango habang nakatungo.

          Tinawag ni Adrian ang Manager nila. “Just make sure they pay their bills, and take a picture of this man. I-ban mo siya sa lahat ng restaurant ko. I can’t stand people who don’t know how to respect others, especially women,” seryosong sagot ni Adrian.

          “And Thelma, okay na. Huwag mo na silang tawagan,” baling naman nito sa kasamahan niya.

          Napalingon siya dito ng hawakan ang kamay niya at hilahin palayo. Mula doon ay dinala siya ni Adrian sa pantry kung saan silang dalawa lang ang tao. Doon ay pinakawalan ni Nami ang luha niya.

          “Bakit ganoon? Wala naman akong ginagawa, pero nababastos ako, nagta-trabaho naman ako ng maayos at disente?” puno ng sama ng loob na sabi niya.

          Naupo si Adrian sa tapat niya.

          “Dahil may mga taong bastos talaga, gaya ng lalaking iyon.”

          Luhaan na tumingin siya sa boss.

          “Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Kapag may makita kayong malaki boobs, sex object agad ang tingin n’yo sa amin mga babae? Kasalanan ko ba kung pinanganak ako ganito?” umiiyak na tanong niya.

          “Nami, hindi lahat. Not me. Babae ang nanay at kapatid ko, dahil kung ganoon din ako. Hindi kita ipagtatanggol,” sagot ni Adrian.

          Lalo siyang naiyak sa narinig na sagot ng boss.

          “May mali ba sa akin? Mukha ba akong bastusin? Kakaumpisa ko pa lang dito, pero gulo na ang dala ko dito. Magre-resign na lang po ako.”

          Bigla siyang natigilan ng hawakan ni Adrian ang kamay niya at ikulong sa dalawang palad nito.

          “No, hindi iyon ang nakikita ko sa’yo. I see a beautiful woman in front of me, isang masipag na babae at nararapat lang na respetuhin. Walang mali sa’yo, sadya lang maraming tao ang mapagsamantala,” sagot nito.

          That’s the first time, she heard those words from a man. Buong buhay ni Nami, palagi niyang nararanasan ang tingnan at bastusin dahil sa malaking hinaharap. Hinahabol siya ng mga ito dahil sexy siya, dahil maganda siya. Gusto siyang maging girlfriend para madala sa kama. Pero walang kahit na sino ang nakapagparamdam sa kanya ng kahit isa na isa siyang babaeng may karapatan mahalin at respetuhin. Minsan nga tinatanong niya sa sarili, kasalanan ba magkaroon siya ng ganoon katawan? Hindi naman niya hiniling iyon.

          “I’m sorry, hindi ko tatanggapin ang resignation mo. Ayokong mawalan ng magaling at masipag na empleyado,” nakangiting sabi nito.

          “Adrian…” bulong niya.

          “Hindi lang ako ang nakakapansin na magaling ka, pati ang mga kasamahan mo. Sinasabi nila sa akin na masaya at magaan kang kasama kaya paborito ka nilang ka-shift. Kung dahil lang sa ganitong pangyayari kaya ka aalis, sayang naman ang opportunity na ‘to,” sabi pa nito.

          “Pasensiya na po, nakaka-frustrate lang kasi,” sagot ni Nami.

          Ngumiti ito, pagkatapos ay binitiwan ang kamay niya. Nagulat pa siya ng hubarin nito ang kulay puti nitong polo.

          “Here, wear this. Ibalik mo na lang sa akin mamaya.”

          “Thank you, Sir.”

          Muli itong ngumiti sa kanya sabay tapik ng balikat niya. Pagkatapos ay iniwan na siya ni Adrian doon sa Pantry.

          Wala sa loob na napangiti si Nami, saka kinuha ang polo ni Adrian. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya. For the second time, he saved her. For the second time, muli nitong pinatunayan na hindi ito gaya ng ibang lalaki. Dahil doon, pakiramdam ni Nami ay mas gusto niyang makilala kung sino si Adrian Alejandro.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status