Share

Chapter 4

Author: Miss Juris
last update publish date: 2020-09-23 13:09:08

          DAHIL SA dalawang magkasunod na insidente ng pangbabastos sa kanya ng customers. Nilipat na naman siya ng puwesto ni Adrian, sa pagkakataon na iyon ay nasa Cashier na siya. Simula ng malipat doon, isang buwan na rin halos ang nakakalipas, tuluyan ng nakapagtrabaho si Nami ng maayos at tahimik. Laking pasalamat din niya dahil maunawain ang mga kasamahan.

          “Table number four, bill out na,” sabi ni Thelma.

          Agad siyang nag-compute kung magkano ang total bill ng customers sa table number four, pagkatapos ma-print ang resibo ay saka iyon binigay kay Thelma.

          “Thanks,” anito.

          Nang umalis ang huling customers, halos sabay-sabay silang nag-inat. Agad nagligpit ang mga kasamahan niya, habang si Nami ay abala sa pagko-compute ng benta at pagta-tally ng mga kinita para sa buong third shift.

          “Uy Nami, una na kami!” paalam ni Thelma.

          “Sige, ingat!”

          “Sky, alis ka na rin?” tanong ni Nami sa kaibigan.

          “Oo, malapit na akong gumapang sa putik dahil sa pagod!” reklamo nito.

          Dinagsa kasi sila kanina ng mga customers. Kaya pagod halos lahat ng crew at staff. Kahit siya ay kumukuha ng order at nagse-serve kapag walang nagbi-bill out. Nang matapos niya ang pagko-compute, agad na inayos ang pera at nilagay sa cash box at nilock iyon. Papunta na siya sa office ni Adrian para dalhin ang cash box ng halos mapalundag siya sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng kitchen at lumabas doon ang binata.

          “Ay kabayo!” sigaw niya, muntik pa niyang mabitiwan ang cash box dahil sa sobrang gulat.          

          “Nami, bakit nandito ka pa?”

          “Nag-tally pa po ako ng benta, katatapos lang po,” sagot niya.

         “Ah ganoon ba? Sige, ilagay mo na lang doon sa cabinet ko sa loob ng office,” sabi pa ni Adrian.

          “Sige po,” sagot niya.

          Dahil maliwanag naman galing sa labas ng dining area, hindi na nag-abala pa si Nami na buksan ang ilaw sa opisina. Pagkatapos ilagay ang cash box sa loob ng cabinet ni Adrian ay agad niya iyong sinara at ni-lock pa. Pagtayo niya at eksaktong paglingon, biglang napasigaw na naman siya ng makitang may lalaki sa loob ng opisina ng amo at wala pa iyong t-shirt. Mabilis itong tumakbo at agad na tinakpan ang bibig niya.

          “Nami! Bakit? Anong nangyari?”

          Nang marinig ang pamilyar na boses ni Adrian ay saka lang siya tumigil sa pagsigaw. Pero nawala sa tanong nito ang atensiyon, matapos mapatitig sa mukha ni Adrian. Kaylapit ng mukha nito sa kanya, kaya kitang-kita niya ang guwapong mukha ng binata. Her heart is raising that moment, hindi niya maipaliwanag ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing nasa paligid si Adrian ay nawawala sa normal ang tibok niyon.

Naramdaman ni Nami na kumilos ang kamay nitong nasa likod niya. Nahigit niya ang hininga ng hapitin siya ni Adrian palapit, na ng mga sandaling iyon ay hindi rin inaalis ang tingin sa kanya.

          “Are you okay?” mababa ang boses na tanong nito.

          Parang wala sa sariling tumango lang si Nami.

          “Bakit ka sumigaw?”

          Hindi pa rin inaalis ang tingin na sumagot siya.

          “Na… nagulat lang… ako… hindi ko namalayan na… nasa likod kita…” nauutal na sabi niya.

          Ngumiti si Adrian, na lalong nagpagulo sa damdamin niya ng mga sandaling iyon.

          “Masyado ka palang magugulatin. Sorry, hindi ko sinasadyang takutin ko. I just came in quietly,” paliwanag nito.

          “Okay,” aniya.

          Akala ni Nami ay makakahinga na siya ng maluwag at babalik sa normal ang nararamdaman ng lumayo si Adrian, pero wala pa rin nagbago. Napanganga na lang siya ng makita ang hubad na matipunong katawan nito.

          “Hala siya… ang yummy ng abs ni Sir!” sigaw niya sa isipan.

          Mayamaya ay biglang natawa si Adrian, pagkatapos ay nagsuot na ito ng t-shirt.

          “Ay wag mo munang isuot ang t-shirt, Sir! Nanonood pa ako sa abs mo!” sabi niya sa sarili.

          Napakunot-noo siya ng lalong lumakas ang tawa nito, sabay hubad ulit ng t-shirt at pinagpag nito iyon. Kaya muli siyang binati ng mapagpalang pandesal nito sa tiyan at malapad na balikat.

          “Oh yeah! Fiesta na ‘to, beks!” hiyaw niya sa kanyang isipan habang hindi maiwasan mapatingin sa katawan nitong mistula biyaya sa paningin niya.

          Napatingin na siya ulit sa mukha nito ng muling tumawa ang binata.

          “Bakit ka ba tumatawa kanina pa?” nagtatakang tanong niya.

          Tatawa-tawa pa rin na umiling ito. “Nothing, may naalala lang ako,” sagot nito.

          Napangiti na si Nami dahil ayaw tumigil nito sa kakatawa, kaya lumabas na siya para pumunta sa locker. Matapos magbihis ay saka siya umalis. Paglabas ay naabutan niya si Adrian na nakasandal sa kotse nito at tila may hinihintay.

          “Oh Sir, sino pang hinihintay mo?”

          “Ikaw, tara sabay ka na!”

          “Naku! Huwag na, lalakarin ko na lang!”

          Napailing si Adrian saka lumapit sa kanya. Napatingin siya sa kamay niya ng

hawakan nito iyon at hilahin palapit sa kotse.

          “I insist, kaya huwag ka ng tumanggi. Alas-dos na ng madaling araw, delikado na para sa’yo na umuwi,” giit nito.

          “Sige na nga, ang kulit ni Sir!”

          Bahagya siyang napapitlag ng biglang humarap ito.

          “Hep! Sabi ko di ba wala ng Sir kapag nasa labas ng trabaho?”

          “Oo nga pala, Adrian.”

          Ngumiti ito. “That’s more like it!”

          Imbes na sa sakayan, Adrian insisted of bringing her home. Ayaw nitong pumayag na umuwi siyang mag-isa dahil alanganin oras na. Kaya wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag. Dahil hindi naman masyadong malayo ang bahay niya mula doon sa restaurant. Wala pang trenta minuto ay nakarating na sila.

          “Dito ka nakatira?” tanong ni Adrian.

          Lumingon siya sa apartment na tinutuluyan.

          “Oo.”

          “Sino kasama mo diyan?”

          “Pinsan ko, si Mabel.”

“Ah sige, hindi na ako magtatagal. Para makapagpahinga ka na rin.”

          Ngumiti siya. “Okay, thanks again, Adrian. See you sa isang araw,” sabi niya.

          “Isang araw?”

          “Day off ko, remember?”

          “Ah, oo nga! See you then,” ani Adrian.

          Pagbaba ni Nami ay hindi muna siya pumasok. Sa halip ay sinundan pa niya ng tingin ang palayong si Adrian. Hindi mawala ang ngiti niya hanggang sa makapasok at makahiga siya sa kama. Ang gaan ng kanyang pakiramdam, masaya siya pero hindi niya maipaliwanag kung bakit. Napabuntong-hininga na lang si Nami, nababaliw na yata siya.

          “AKALA KO ba mala-lie low ka muna?” tanong ni Mabel sa kanya.

          “Eh wala akong magawa eh, tambay na lang muna ako dun sa club. Kapag may naspot-an, gora! Kapag wala, o di umuwi,” kaswal na sagot ni Nami.

          Bumuntong-hininga si Mabel, napansin niya na parang hindi ito mapakali.

          “Bakit ba para kang bulateng inasinan diyan? Hindi ka mapakali.”

          “Ewan ko ba, huwag na lang kaya natin ituloy. Next time na lang,” sabi nito.

          Nilagay ni Nami ang wig na kulay brown sa kanyang ulo, nang masiguro niyang secure na iyon. Saka siya nag-apply ng make-up.

          “Ano ka ba, Mabel? Gaya pa rin ng dati,” sabi ni Nami, saka inabot dito ang paper bag na may nakalagay na damit niya.

          Muli itong humugot ng malalim na hininga. “Sige sige, bahala ka! Pagkatapos nito, utang ng loob tigilan na natin! Tutal maayos na trabaho mo diyan sa Chef’s Face.”

          Napangiti lang siya. “Oo nga, promise, last na ‘to!”

          “Teka, bakit iyong boss mo hindi mo gawin target? Mukha pa naman mayaman,” sabi ni Mabel.

          “Sira! Ayoko nga! Masyadong mabait si Adrian para perahan ko! Sa tuwing may bumabastos sa akin, siya palagi ang nagtatanggol sa akin. Saka isa pa, utang ko sa kanya at kay Sky kung bakit maganda trabaho ko ngayon,” sabi niya.

          “Iyon naman pala, eh di huwag na natin ituloy ‘to! Kinakabahan talaga ko eh! Kung gusto mo tambay na lang tayo sa club, simpleng party-party lang,” sabi pa nito.

          Tumingin siya sa pinsan, pagkatapos ay napailing na lang. Mukhang hindi naman siya titigilan nito.

          “Sige na nga!” pagpayag niya sabay hubad sa wig.

          “Hay salamat…”

          “O ano pang ginagawa mo? Bihis ka na, kumain na lang tayo sa labas!” sabi niya sa pinsan.

          “Yes!” masayang bulalas nito.

          Mabilis itong nagbihis, pagkatapos ay agad silang umalis. Habang sakay ng taxi ay inusisa siya ni Mabel.

          “Kailan pa kayo naging close ng boss mo? Isang buwan ka pa lang doon nagta-trabaho ah.”

          “Close? Hindi pa naman gaano, bakit mo naitanong ‘yan?”

          Nagkibit-balikat ito. “Wala naman, napansin ko lang kasi, first name basis na kayong dalawa. Dati, may Sir sa unahan ng pangalan niya. Tapos, nakita ko kagabi, hinatid ka niya, narinig ko na tinawag mo siya sa pangalan niya,” sabi nito habang may mapanuksong ngiti.

          Natatawang napailing na lang siya. “Sira, walang ibig sabihin ‘yon. Ayaw lang niya magpapatawag ng Sir kapag nasa labas na ng restaurant dahil isang taon lang daw ang tanda niya sa akin. Saka madaling araw na natapos ang shift ko, kaya nagprisinta na siyang ihatid ako,” paliwanag niya.

          “Huu… diyan nag-uumpisa ‘yan!” tudyo ni Mabel.

          Day off ni Nami ng araw na iyon, kaya maghapon niyang hindi nakita si Adrian. At pakiramdam niya ay nami-miss niya ang binata. Nasanay na kasi siya na araw-araw nakikita na nakangiti ito kahit maraming trabaho, o kaya naman ay naririnig ang boses nito na nagmumula sa Kitchen kapag ito mismo ang nagluluto ng mga orders ng customers.

          “Uy, napapangiti siya!”

          “Ay naku, Mabel! Tumigil ka nga ng kakatukso sa akin!” saway niya.

          “In fairness, Ate. Ngayon lang kita nakitang ngumiti ng dahil sa lalaki. Simula

ng mawala sila Tita at Ate Nikki, walang ibang lumabas sa bibig mo kung hindi masama kapag lalaki na ang usapan,” sabi pa nito.

          “Sabihin na natin, napatunayan ko na iba si Adrian. Okay, nagkamali ako, inakala ko na lahat sila ay pare-pareho. Pero ibang-iba si Adrian, ewan ko nga ba sa lalaking iyon napakabait. Minsan nga naghahanap ako ng ikapapangit ng taong ‘yon sa paningin ko pero wala talaga,” ani Nami.

          “Naks! Crush mo na, no?”

          Natatawa na tumingin siya kay Mabel.

          “Hindi ah!”

          “Huuu! Ako nga Angela Palevino, huwag mo akong ine-echos!” patuloy na nanunukso ni Mabel sa kanya.

          Bigla siyang natigilan matapos marinig ang tunay niyang pangalan. It’s been a while since someone call her by that name. Simula ng mamatay ang pamilya niya, tinalikuran na rin ni Nami ang pangalan na iyon. Tanging sa mga legal na papeles na lang niya nag-e-exist si Angela. Pakiramdam kasi niya sa tuwing naririnig ang pangalan na iyon ay binabalik siya sa madilim na nakaraan niya na puno ng lungkot.

          “Ay sorry, Nami pala!”

          Ang pangalan niyang Nami ay galing sa isang island sa South Korea na sikat na pasyalan doon. Nang unang beses niyang makita ang larawan ng lugar na iyon, she fell in love immediately. Pakiramdam niya ay napakapayapa doon, gaya ng gusto niyang mangyari. Mapayapa. Malayo sa anino ng kanyang nakaraan. Kaya naman simula noon ay pinangarap na niyang makarating doon. Hindi na siya sumagot at ngumiti na lang sa pinsan.

         

          SA ISANG pizza restaurant napiling kumain ni Nami at Mabel. Habang naghihintay ng order ay abala sila sa pagku-kuwentuhan. Hanggang sa mapansin niya ang isang lalaki na panay ang tingin sa kanya, may kasama itong foreigner na babae sa table. Unang tingin pa lang ay halatang may relasyon ang dalawa dahil

panay ang halik ng babae sa pisngi nito.

          “Huy, sino tinitingnan mo?” tanong ni Mabel, pagkatapos ay lumingon din.

          Bumawi siya ng tingin. “May hinayupak na lalaki ang tingin ng tingin sa akin,” sagot niya.

          “Alin? Iyong may kasamang babae?”

          Tumango siya saka napailing.

          “Kapal ng mukha ah, kasama na girlfriend, nakukuha pa niyang tumingin sa iba.”

          “Buwisit talaga mga ganyan lalaki eh!” inis na sabi niya.

          Mayamaya ay dumating na ang pagkain na inorder nila. “Hay naku, kumain ka na lang. At huwag mo ng pansinin ‘yan, o kung gusto mo palit tayo ng puwesto para nakatalikod ka sa kanya,” sabi ni Mabel.

          “Sige, mabuti pa nga. Baka di ako makapagpigil, maibato ko sa mata niya itong bread knife.”

          Habang kumakain, naramdaman niya ang pag-vibrate ng phone. Muntik na siyang mabilaukan ng makitang si Adrian ang tumatawag. Agad niyang nilunok ang nginunguya saka mabilis na uminom ng tubig, bago sinagot ang tawag.

          “Hello?” 

          “Hi Nami, busy ka?” tanong nito.

          “Hindi naman.”

          Sumenyas si Nami sa pinsan na lalabas saglit ng restaurant para doon kausapin si Adrian.

          “Gusto ko sana humingi ng favor sa’yo.”

          “Sure, ano ba ‘yon?” tanong niya.

          “Puwede ka bang mag-double shift bukas? May special reservation kasi tayo bukas ng eight in the evening. Kaya seven pa lang ay sarado na tayo, dahil isang buong staff ng isang Korean Company ang nagpa-reserve. Ikaw at si Thelma ang sinuggest ng mga kasama mo na humarap sa kanila. Nandoon pa rin ang mga kasamahan mo, pero kayong dalawa ang magiging team leader. Mga importanteng tao kasi ang mga guest natin bukas,” paliwanag ni Adrian.

          “Akala ko naman kung ano, sige Sir! Walang problema, pabor pa sa sweldo ko ‘yon,” biro niya.

          Napangiti si Nami ng marinig ang mahinang tawa ni Adrian mula sa kabilang linya.

          “Thanks, Nami, I knew I can count on you,” sabi ni Adrian.

          “Naku Sir, basta ikaw!”

          “Teka, bakit maingay ang background mo?” tanong nito.

          “Ah, nandito po kasi kami sa mall ng pinsan ko. Namasyal lang,” sagot niya.

          “Okay, sige, hindi na ako mang-aabala. See you tomorrow?”

“Yes, see you.”

          Nothing special on her conversation with Adrian. Pero isipin pa lang na ito mismo ang tumawag sa kanya, pakiramdam ni Nami ay umaapaw ang saya sa puso niya. Mayamaya ay tumunog naman ang message alert tone ng phone niya. Lalo siyang napangiti ng makita na galing kay Adrian ang mensahe.

          “Thanks, Nami. Take care on your way home.”

          “Sige na nga, aamin na ako. Kinikilig ako!” hiyaw niya sa kanyang isip.

          “You’re welcome, Sir Adrian… I mean, Adrian,” reply niya.

          “Ew! Kainis… ang pabebe ng reply ko!” natatawang sabi ni Nami sa sarili.

          “Hi Miss, excuse me.”

          Napaigtad si Nami ng biglang sumulpot sa harap niya ang isang lalaki. Nagsalubong ang kilay niya ng makilala, ito ang lalaking kanina pa tingin ng tingin sa kanya kahit kasama ang girlfriend. Automatic na nawala ang ngiti niya at pormal na hinarap ito.

          “Yes?”

          Napatingin siya sa kamay nito ng ilahad sa harap niya.

          “I’m Lance, do you mind if I ask your name?” tanong nito.

          Hindi niya tinanggap ang pakikipagkamay nito.

          “Sorry, pero hindi ko basta binibigay ang pangalan ko.”

          Halatang pilit na napangiti ito kahit napahiya.

          “Ano bang kailangan mo?”

          “Okay, I’ll be very honest with you. Since mukhang di uso sa’yo ang magpaliguy-ligoy. I’m kind of interested in you,” sagot ni Lance.

          Lihim na tumaas ang kilay niya. Pakiramdam ni Nami ay kumulo ang dugo niya.

          “Really? From what I see, kasama mo ang girlfriend mo,” aniya.

          “Hindi mo naman sasabihin, di ba? I tried taking my eyes off you, but you’re really attractive,” sabi pa nito.

          “Attractive mo mukha mo, dapat sa’yo turuan ng leksiyon!” galit na sabi ni Nami sa isip.

          “Really? Okay, what do you want?” direktang tanong niya.

          “Let’s meet later?” sagot nito.   

          “What do you mean meet? Simpleng date o gusto mong mag-hotel?” walang gatol na tanong niya.

          “You seem better than I expected. Let’s go to hotel,” sagot ni Lance.

          Tiningnan ni Nami ito mula ulo hanggang paa. “Sure, twenty thousand for one night. No kissing on the lips. Sa’yo ang condom, sa’yo rin ang bayad ng hotel room. Full payment first before sex. Kailangan maligo ka rin muna, game?” walang gatol na

sagot niya.

          Saglit na natulala ang lalaki sa narinig na sagot mula sa kanya. Pagkatapos ay biglang ngumiti ito.

          “Sure! Yes!” excited na sagot nito.

          “Give me your calling card. Ako ang tatawag sa’yo mamaya, I will go to your place,” wala pa rin kangiti-ngiting sagot niya.

          “Here’s my card!” nanginginig pang sagot ni Lance.

          Akma siyang tatalikod ng humarang ulit ito sa daanan niya.

          “Wait, hindi mo pa binibigay pangalan mo,” anito.

          “Akala ko sex lang ang gusto mo? Hindi mo na kailangan malaman ang pangalan ko.”

          “That’s not fair,” protesta ng lalaki.

          “Eh di wag na natin ituloy ‘to!”

          “No! Okay! Sige, hindi na kita pipilitin!”

          Inirapan ni Nami ang lalaki saka nilagpasan ito. Then, she smiled sarcastically.

          “Tuturuan kita ng leksiyon, hayop ka! Ipapakita ko sa’yo na hindi lahat ng babae ay mauuto at maloloko mo! Hindi lahat ng babae ay puwede mong ikama! Ikaw at ang mga kapwa mo manloloko! Kayo ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid at nanay ko!” galit na sabi niya sa kanyang isipan.

         

          NASISIRAAN ka na ba ng ulo?! Hindi ka naka-disguise, Nami! Paano kapag nakilala ka noon sa labas?!” nag-aalalang tanong ni Mabel.

          “Sandali lang ‘to, Mabel. Mukha naman hindi taga-dito ‘yong lalaki dahil foreigner ‘yong girlfriend,” sagot niya.

          “Kahit na!”

          Humarap siya sa pinsan. Naroon pa rin sila sa mall at ano man oras ay puwede na siyang mag-text para puntahan ang Lance na iyon.

          “I promise, huli na ‘to! Kailangan ko lang gawin ‘to.”

          Marahas na napabuntong-hininga si Mabel. “Angela naman eh!”

          “Please? Help me on this, for one last time!”

          “Sige, sige!” napilitan pagpayag nito.

          Napangiti siya at pilit tinago doon ang kaba. Sa unang tingin pa lang, halatang agresibo na si Lance. Kailangan niya ng dobleng ingat sa pagkakataon na iyon, at kailangan ng mabilis na kilos, kung hindi baka may kalagyan siya.

          “Basta standby ka sa lobby. Kapag pababa na ako, tatawagan kita. Siguraduhin mo na may naka-abang ng taxi para makaalis tayo agad,” sabi niya.

          “Oo sige, akong bahala. Basta Nami, mag-iingat ka.”

          Marahan siyang tumango. Kinuha niya ang isang cellphone na ginagamit niya sa tuwing nasa ganitong operasyon sila ni Mabel, pagkatapos ay in-insert ang bagong simcard, saka tinext si Lance.

          “I’m on my way, saan hotel?” tanong niya sa text message.

          Wala pa yatang thirty seconds ang nakakalipas simula ng ma-sent ang message niya ay may reply agad ito. Napailing na lang siya, maging si Mabel.

          “Ayos ah, halatang sabik ang loko! Bilis magreply,” komento nito.

          “Kung nakita mo lang siya ng malapitan kanina, mukhang manyak! Kung puwede lang niya akong sunggaban agad, ginawa na niya!”

          “Pero basta, iyong bilin ko sa’yo, mag-ingat ka, ha?” bilin ulit ni Mabel.

          Nang makarating na sila sa hotel kung saan sinabi ni Lance, lalong lumakas ang kaba niya. Sa dalawang taon na ginagawa niya ang bagay na iyon, ngayon lang siya kinabahan ng husto. Siguro dahil na rin isang buwan na simula ng huling biktima niya, pagkatapos, iyon pa ang unang beses na gagawin iyon ng hindi siya naka-disguise. Mas nasanay na siya sa trabaho sa Chef’s Face. Kung hindi lang siya ginalit ng hambog na Lance na iyon, marahil ay hindi na niya maiisipan na gawin ulit iyon. Pagbaba nila ng taxi, hinarap ulit ni Nami si Mabel.

          “Let’s finish this in less than six minutes, ite-text ko sa’yo kapag nandoon na ako sa tapat ng hotel room ni Lance. Kapag tumawag ako sa’yo kunwari bilang kapatid ko,” mahigpit niyang bilin sa pinsan.

          “Sige, bilisan mo ha? Dito lang ako sa lobby.”

          Pagpasok nila ng hotel, agad siyang dumeretso sa elevator. Habang si Mabel naman ay naupo sa isang sofa, na mistula waiting area ng hotel. Pagpasok pa lang niya ng elevator ay parang sasabog ang dibdib niya sa kaba. Iyon ang unang beses na gagawin niya ng hindi naka-disguise. Third floor, unit three zero six.

          Bago niya pindutin ang doorbell, gaya ng napagkasunduan. Tinext niya kay Mabel ang room number at sinabing naroon na siya sa tapat ng silid. Pagka-pindot niya ng doorbell, segundo lang ang pagitan at agad na bumukas ang pinto. Isang nakakatakot na ngisi mula kay Lance ang sumalubong kay Nami. Para itong hayop na hayok makakain ng karne. Pilit niyang inalis ang takot at kaba na pilit umahon sa kanyang dibdib.

          “Come in,” sabi nito.

          Natigilan si Nami ng mapansin na naka-bathrobe na ito.

          “Gaya ng sinabi mo, nakaligo na ako,” ani Lance.

          “Shocks! Buwisit na lalaki ‘to! Naligo agad! Paano ako makaka-eskapo?! Baka bigla akong sunggaban nito pag-abot sa akin ng bayad!” sabi niya sa sarili.

          “Okay,” kuwanri ay balewalang sagot niya.

          Nakakailang hakbang pa lang si Nami ng bigla siyang yakapin nito mula sa likod, pagkatapos ay agad siyang sinandal sa pader at hinalikan sa leeg. Gumapang ang kilabot sa buong katawan niya. Agad na tinulak ni Nami ang lalaki palayo, sabay sampal ng malakas.

          “Siraulo ka! Ang usapan natin, magbabayad ka muna!” galit na sigaw niya.

          Nagmura ito. “Ang dami mong arte! Ang mahal ng ibabayad ko sa’yo!” sigaw din nito.

          “Ah maarte?! Sino ba sa atin ang nangangati ngayon? Bakit hindi ka doon sa girlfriend mo sumawsaw?! Hayop ka! Palibhasa hindi ka makuntento sa iisang babae! Baka nakakalimutan mo ikaw ang may kailangan sa akin!”

          Inis na umungol ito, pagkatapos ay kinuha ang wallet at naglabas ng cash saka inabot sa kanya. Habang binibilang ang pera, kinuha niya ang cellphone. Gaya ng plano, tinawagan niya si Mabel para magpanggap na kapatid nito.

          “Hello Bunak, nandiyan ka na sa lobby? Nasa akin na ‘yong pangbayad mo sa utang sa school kasama na ‘yong tuition mo. Sige, hintayin mo, ibaba ko lang sandali,” sabi niya.

          “May taxi na sa labas, ate,” sagot ni Mabel.

          “Sige, hintayin mo ako,” sabi niya.

          Pagkatapos kausapin si Mabel ay naglakad siya papunta sa pinto. Napahinto siya ng hawakan siya ni Lance sa braso.

          “Sandali, saan ka pupunta?” iritableng tanong nito.

          “Narinig mo naman, di ba? Nasa ibaba ang kapatid ko!”

          “Ang bilis naman dumating ng kapatid mo dito?” tanong nito na may himig ng pagdududa.

          “Natural, kasabay ko siyang pumunta dito dahil kailangan nga namin ng pera! Sa tingin mo? Kung hindi ko kailangan ng pera, papayag akong pumunta dito?” mataray at sarkastiko niyang sagot.

          Umangat ang isang sulok ng labi nito. “Matapang ka, tingnan natin mamaya. Papatiklupin kita sa gagawin ko,” sabi ni Lance.

          Sadyang binigyan ni Nami ang lalaki ng mapang-akit na ngiti.

          “I will look forward to it, then,” sagot niya, sabay bukas ng pinto at agad na lumabas.

          Nang maisarado na niya ang pinto, noon lang nakahinga ng maluwag si Nami. Mabilis siyang naglakad palayo sa kuwarto ni Lance, malapit na siya sa elevator ng marinig niya ang tunog na may bumukas na pinto.

          “Sandali lang, Miss!”

          Nanlaki ang mga mata ni Nami, nang makilala ang boses na iyon. Paglingon ni Nami, nakita niyang naglalakad na si Lance palapit sa kanya. Pasimple niyang pinindot ang down button ng elevator ng sunod-sunod, pagtingin niya ay nasa tenth floor pa ito. Malapit na si Lance sa kanya, kailangan makaalis na siya doon.

          “Nagbago ang isip ko, mamaya ka na bumaba! Kailangan makasigurado ako,” sabi pa nito.

          Nang marinig iyon ay bigla siyang tumakbo pababa sa may fire exit na malapit lang sa elevator.

          “Sandali lang!” sigaw ni Lance.

          Habang tumatakbo pababa ng hagdan ay tinawagan niya si Mabel.

          “Ihanda mo ang taxi! Hinahabol ako ng lalaking iyon!” sigaw niya.

          “Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh!” natatarantang sagot ni Mabel.

          “Bilisan mo!”

          “Hindi mo ako matatakbuhan!” narinig niyang galit na sigaw ni Lance.

          Paglingon ni Nami, nakaramdam siya ng takot ng makitang binilisan ng lalaki ang pagtakbo pababa at malapit na siyang abutan nito.

          “Adrian! Tulungan mo ako!” sigaw niya sa kanyang isip.

          Napasigaw si Nami ng biglang may humablot sa kanya mula sa likod. Nagulat siya ng makitang naabutan siya agad nito. Hinawakan siya nito ng mariin sa kuwelyo, at halos masakal na siya saka sinandal sa pader.

          “Sinasabi ko na nga ba’t tatakbuhan mo ako eh!” nanlilisik ang mga mata at galit nag alit na sigaw ni Lance.

          “Bitiwan mo ako!”

          “Hindi ka makakatakas sa akin!”

          “Kung inaasahan mong ibibigay ko ang sarili ko sa’yo! Patayin mo muna ako, hayop ka! Oo, aaminin ko, pinaasa at pinerahan kita! Bakit?! Dahil ang pinaka-ayoko sa lahat ay mga lalaking kagaya mo! Hindi ka na nahiya! Kasama mo kanina ang girlfriend mo, pero harap-harapan mo siyang niloloko! Ikaw at ang iba pang gaya mo ang salot dito sa mundo! Kayo ang pumatay sa Ate at Nanay ko! Kasalanan n’yo, mga hayop kayo!” galit na galit na sigaw ni Nami, sabay tinuhod ito ng malakas sa pagitan ng hita nito.

          Napasigaw ito sa sakit kaya nabitiwan siya, agad niyang tinulak si Lance. Sabay labas ng pera nito, at binato pabalik sa lalaki.

          “Sa’yo na ‘yang pera mo! Hinding-hindi ko ibibigay ang pagkababae ko sa walang kuwentang lalaking gaya mo!”

          Agad niya itong iniwan at nagmamadaling bumaba sa first floor. Palabas na siya sa pinto ng may humablot na naman sa kanya mula sa likod, sabay pihit sa kanya nito paharap. Ganoon na lang ang gulat niya ng makitang si Lance iyon. Bakas ang labis na galit sa mukha nito. Ang sumunod na kilos nito ang hindi niya inasahan, bigla siyang sinuntok nito sa sikmura kaya nawalan siya ng lakas, at tuluyan napahiga sa sahig.

          “Akala mo, uubra ka sa akin ha,” tatawa-tawang sabi ng lalaki.

          Hindi na nakakilos pa si Nami. Sinubukan niyang manlaban pero nabuhat na siya ni Lance. Naramdaman na lang niya na umakyat ulit sila nito, hindi sigurado si Nami sa sumunod na nangyari, pero bago siya tuluyan nawalan ng malay, narinig niyang nagkagulo sa paligid at may isa pang bumuhat sa kanya.

          “You’re safe now,” anang isang pamilyar na tinig.

         

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status