LOGIN
Kung ganda din lang ang pag-uusapan, agad na itataas ni Nami ang dalawang kamay. Kung katawan din lang labanan, siguradong kulelat na ang iba. Ang mga ‘yan ang katangian niyang ginagamit para kumita ng pera. Pinapa-ibig niya ang mga kalalakihan at kapag nahulog na ang loob sa kanya, peperahan na niya ang mga ito pagkatapos ay iiwan.
But everything about Nami’s life changed when she encountered Adrian Alejandro. Ang guwapong boss niya sa Restaurant kung saan siya pinasok ng kaibigan. He changed her. Ang pananaw niya sa buhay. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos. Sa tulong ni Adrian, natunaw ang galit sa puso niya sa mga lalaking lumapastangan sa Pamilya niya. Hanggang sa nalamayan na lang ni Nami na umiibig na pala siya sa binata.
Sa paglalim ng pag-ibig ni Nami kay Adrian, unti-unti ay napapansin niya ang kakaiba sa pagkatao nito. Akala niya ay tuloy-tuloy na ang pagbabago ng direksiyon ng kanyang buhay. Pero nagising na lang siya isang umaga na lumantad sa kanyang harapan ang katotohanan na tinago sa kanya ni Adrian. Nagalit siya at tuluyan tinalikuran ito. Kasabay rin niyon ay ang pagsambulat ng tunay na pagkatao nito, at nagising na lang isang araw na wala na ang binata. Paano na siya? Will she be able to see him again and ask for forgiveness? O tuluyan na itong mananatili sa kalangitan at hindi na bumalik pa?
“READY KA na ba para mamaya?” tanong ni Darie sa kanya. Marahan siyang tumango at pinilit na ngumiti. Doon sa Chef’s Face ang usapan nilang dalawa ni Darie na magkikita. Mula doon ay sasama siya sa hotel nito at magkasabay silang lilipad papunta ng Seoul, South Korea.
“ANONG sinabi mo?!” gulat na tanong ni Adrian pagbalik niya sa Chef’s Face. Napapitlag si Thelma dahil sa biglang paglakas ng kanyang boses.
“KAPIT KA ng mabuti,” sabi ni Adrian sa kanya. Agad sinunod ni Nami ang sinabi ng binata at yumakap ng mahigpit sa beywang nito. Lumakas ang kabog ng dibdib niya, isipin pa lang niya na ililipad siya ni Adrian ay talagang kinakabahan na siya. Ngunit ng maramdama
DAHAN-DAHAN nilapat ni Adrian ang mga paa sa sahig, mula doon sa sala ng condo niya, lumagos siya sa nakasaradong pinto papunta sa loob ng kuwarto. Natagpuan niya si Nami na himbing na natutulog. Agad siyang bumalik sa normal na anyo bilang tao, at maingat na naupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Nami, saka kinuha ang kamay at hinalikan ang likod niyon.
NAALIMPUNGATAN si Adrian, matapos siyang magising ng wala sa tabi niya si Nami. Paglingon niya ay wala ito doon sa kuwarto, napangiti siya ng maramdam niya ang malakas na presensiya ng dalaga. Mula doon sa loob ng kuwarto bigla siyang sumulpot sa likuran nito. Napangiti si Adrian ng makitang isang mahabang t-shirt ang suot niya ang suot at napaka-igsing shorts.
ONE YEAR LATER… “Bill out for table number six,” sabi ni Nami kay Thelma.