Home / All / I Remember You / Chapter Eight: What if?

Share

Chapter Eight: What if?

Author: CyLili
last update publish date: 2020-10-05 13:15:59

Chapter Eight: What if?

"Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay."

Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko.

Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama.

"Kakarating ko lang po, bakit po?" Base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?"

"Pinag-usapan?”

Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago sila sa 'kin.

Matagal bago nakasagot si mama. "Nakita kasi namin k-kanina… 'yong tunay na nanay ng pinsan ni aling Wilma."

Tumango nalang ako kahit hindi ako kumbinsado sa sagot ni mama. "Ah. Okay po." Ngumiti ako ng pilit.

"Sorry pala anak kung hindi kita nasundo kanina. Sumama kasi ang pakiramdam ko," sabi ni papa at mukhang iniba ang usapan.

"Okay lang po, hinatid naman po kami ng boss ko."

"I-Ihinatid kayo?" nauutal na tanong ni mama.

Tumango ako. "Ang bait nga po niya, e. Tapos sobrang ganda pa."

"M-May p-pinag-usapan o nabanggit ba siya sayo?" pang-uusisa ni mama.

"Meron. Bakit po?" Bakit parang naging ineteresado sila sa boss ko?

"A-Ano pinag-usapan niyo?"

Dapat ko bang sabihin? Mga magulang ko naman sila kaya hindi naman siguro masama mag kwento. "N-Napag usapan namin ang tungkol sa anak niya. Alam niyo po ba na sobrang magkamukha kami ng anak niya? Pinakita niya pa nga po sa 'kin ang litrato."

Nagkatinginan si papa at mama at parang nag uusap gamit ang mga mata.

"B-Bakit po ganiyan ang reaction niyo?" takang tanong ko.

Napatingin sila sa akin. "Matulog kana ng maaga." Hindi sinagot ni mama ang tanong ko. "Umakyat kana at matulog. Masamang mag puyat. Nakakadami ng pimples.”

Matagal bago ako tumango. "Okay po. Goodnight." Humalik pa ako sa pisngi nila at umakyat ng kwarto.

***

Matutulog na sana ako ng may kumatok sa pinto. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Kate. "O? Dito kaba matutulog?" tanong ko.

"Oo, at may kailangan kang ikwento sa akin." Dumeretso siya papasok ng kwarto ko. Bumuntong-hininga ako at sinara ang pinto.

Mukhang alam kuna kung ano gusto nito. Talagang pinuntahan niya ako? Napaka chismosa niya talaga. "Ano ba ikwekwento ko? Matutulog na ako."

"About kanina," sagot niya. Ngayon ko lang napansin naka facial mask siya. Sure akong kakaumpisa niya lang mag night skin care rountine.

Importante ba talaga 'yan?

"Anong tungkol kanina?" pa inosenteng tanong ko at tumabi sa 'kaniya.

"Sus! Ginoo, o. Ano paba? Edi 'yong pinag-usapan niyo kanina. Aish!"

Sabi na nga ba. Kapag hindi ko kinwento sa 'kaniya. Paniguradong hindi niya ako titigilan. "A-Ano kasi..." Napahawak ako sa batok ko. "A-Ano..."

"Anong ano?" Nilapit niya ang mukha niya.

Tinulak ko siya ng mahina. "Lumayo ka nga, mukha kang white lady na chismosa."

"Grabi naman 'to. Sa ganda kong 'to?" Turo niya sa mukha niya. "White lady talaga na chismosa? Hindi pwedeng diyosa?"

"Feelingera..."

Sumama ang mukha niya. "Aish! Sabihin muna kasi!"

"Oo na! Masiyado kang excited, e."

Kinwento ko sa 'kaniya ang dahilan kung bakit ako niyakap ni ma'am at tinawag na anak. Sinabi ko na 'din na magka-mukha kami ng anak ni ma'am.

"As in mag kamukha kayo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako. "May pinakita pa nga siyang picture sa akin. At confirm kamukha ko nga."

"May nakapagsabi sa akin na meron daw pitong tao sa mundo ang kahawig mo."

"Kahawig siguro oo. Pero 'yong sobrang magkamukha napaka imposible."

“What if ikaw siya?"

Natawa ako sa tanong niya. "Imposible. Hindi ako magiging siya. Patay na nga diba? Nasunog ang katawan niya at pa'no magiging ako 'yon?"

"Ang sabi mo, sumabog ang sinasakyan niya at halos hindi na siya makilala dahil na sunog siya?" Tumango ako. "Paano kung ikaw nga siya? Kagaya ng napapanood natin sa TV. Akala lang pala nila patay na pero ang totoo buhay pala."

"Imposible. Eighteen years old namatay ang anak ni ma'am. Isa pa... hindi naman ako na aksidente."

"Diba sabi mo maraming bagay ang hindi mo ma-alala no'ng bata ka?" Natigilan ako sa tanong niya.

Tama si Kate maraming bagay ang hindi ko ma-alala. Hindi ko alam kung bakit, siguro natural lang 'yon. Sobrang tagal na 'din kasi.

"What if nag ka amnesia ka at hindi mo lang talaga ma-alala na ikaw 'yong anak niya."

Napaisip ako. Paano nga kung ako siya? Siguro masarap maging nanay si ma'am. Pero imposible, hindi ako magiging anak niya. May mama at papa na ako na mapagmahal. "Alam mo kakanonood mo 'yan. 'Wag mong isali ang buhay ko diyan."

"What if lang naman, e." Ngumuso siya kaya muntik na matanggal ang facial mask niya buti nalang nahawakan niya ka agad.

"Hays. Tama na ang kwentohan na 'to, at matulog na tayo." Kinuha ko ang malaking bunny at niyakap. "Tapusin muna 'yang skin care mo at matulog," utos ko at humiga sa kama. "Goodnight," nakangiting sabi ko at pumikit.

***

Nagising ako sa tilaok ng manok. Ayaw ko pa sanang bumangon pero na-alala ko pupunta pa pala ako ng bakery shop para ibigay kay ma'am ang folder na pinapasagotan niya.

Bumangon ako at ngayon ko lang napansin na wala na si Kate sa tabi ko. Paniguradong kanina pa 'yon nagising para sa day rountine niya.

Binuksan ko ang kurtina at kitang-kita kung gaano ka ganda ang panahon. Sky blue ang kalangitan at ang mga ulap sobrang ganda. Favorite ko talaga ang mga ulap. "Goodmorning!" sigaw ko at nag stretching.

Dumeretso ako ng CR para mag hilamos at mamumog. Pagkatapos lumabas na ako at pumunta ng kusina. Nadatnan kung nag luluto si mama ng almusal at si Kate busy sa laptop niya.

"Goodmorning," nakangiting bati ko at umupo sa mesa. Nag hintay ako ng ilang segundo pero walang ‘good morning’ galing kay mama at patuloy lang siya sa pagluluto. Tumikhim ako ng malakas. "Goodmorning mama," bati ko.

Tinanguan niya lang ako.

Nakapagtaka ang pakikitungo sa akin ni mama. Hindi naman siya ganito dati sa 'kin. Sa tuwing binabati ko nga siya binabati niya 'din ako ng nakangiti tapos ngayon tango lang.

Binaling ko nalang ang tingin kay Kate na abala sa laptop niya. "Ano meron at busy ka diyan sa laptop mo?"

"Hindi ko pa kasi natatapos ang report ko," sagot niya na hindi man lang inalis ang tingin sa laptop. "Ikaw? Natapos muna ba 'yong sayo?"

"Oo, wala na akong problema kaya free na free ako ngayon," nakangiting sagot ko.

Napatingin siya sa 'kin. "Buti kapa, ako kasi hindi pa natatapos lahat." Ang laki ng eyebags niya at mukhang hindi nakatulog ka gabi.

"B-Bakit ganiyan ang mukha mo?"

"Hindi ako natulog matapos lang ang pinakagawa ni professor FeFe," sagot niya at mukhang stress na stress.

Na-alala ko na pinarusahan pala silang dalawa ni Patty dahil sa away nila. At ang parusa ang pagawin sila ng sandamakmak na report at kailangan i pass sa lunes. Kawawa naman ang best friend ko.

"Gusto mo tulongan kita?" tanong ko.

Umiling lang siya at ngumiti. "Hindi na. Alam kung may pupuntahan kapa."

"Hindi siya aalis." Nagulat ako ng biglang nagsalita si mama. Seryoso ang mukha niya. "Hindi siya aalis ng bahay at dito lang siya."

"Mama--"

"Pagsinabi ko na dito kalang. Dito kalang. Naiintindihan mo ako, Sai?" diin na tanong niya.

Napaka seryoso ng mukha niya at halatang hindi siya nag bibiro. Pero bakit hindi ako pwede lumabas? May kasalanan ba ako kay mama? "Pero... bakit?"

"Hindi nga pwede. Bakit pa ulit-ulit ka?" Halatang mauubusan na siya ng pasensiya kapag nakipag talo pa ako.

"Mama naman. Gusto ko lang po makatulong, gusto kong ako naman 'yong gagastos ng allowance ko. Para hindi na ako hingi ng hingi para maitabi niyo nalang 'yong perang ginagastos niyo sa 'kin, para sa inyo."

"Papayagan kitang mag trabaho pero wag do'n sa bakery shop na 'yon."

"Ah sige po do'n muna ako," paalam ni Kate at dali-daling umakyat.

Tiningnan ko pa siya na paakyat.

Binaling ko ulit ang tingin kay mama na seryoso ang mukha habang nakatingin sa 'kin. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ayaw niya ako pag trabahohin do'n. Wala naman kasi akong nakikitang mali.

"Mama. May problema ba?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot. "Hindi ko kasi kayo maintindihan. Bakit ayaw niyo ako pa trabahohin sa shop," mahinahon na sabi ko.

"Hindi na importante kung ano ang dahilan kung bakit ayaw kitang patrabahohin do'n. Basta wag na wag kang aalis ng bahay!" Nagulat  ako ng bigla niya akong pinag taasan ng boses.

"M-Mama..."

Tiningnan ko siya na lumabas ng bahay at padabog na sinara ang pinto. Firstime kung makita na gano'n si mama. Nasanay ako na palagi siyang masaya at sweet sa 'kin. Pero ngayon parang hindi na siya 'yong kilala kung mama at higit sa lahat never niya akong pinagtaasan ng boses.

***

Hindi ko sinunod ang utos ni mama at umalis ako ng bahay. Nag patulong ako kay Kate at Kyle tumakas, saktong bumili daw si mama ng pandesal kaya umalis na ako.

Hindi na nga ako nag almusal.

Wala akong nakikitang mali o masama sa pag tratrabaho sa bakery shop ni ma'am Yerah. Hindi ko alam kung ano ang kinagalit ni mama. Okay naman kami ka gabi, ni wala nga kaming pinag-awayan.

Napatingin ako sa bracelet kung may letter 'Y'. Nag tataka nga akong kung bakit ganito 'yong letra sa bracelet ko. Start letter 'S' ang pangalan ko hindi 'Y'.

Hindi ko ma alala kung sino nag bigay sa akin ng bracelet na ito. Basta pakiramdam ko importante 'to sa akin at hindi siya pwedeng mawala.

Tatawid na sana ako ng daan nang may biglang mabilis na humarorot na sasakyan kaya napaatras ako. Muntik na ako do'n. Tiningnan ko ang sasakyan at huminto siya 'di kalayuan sa akin.

Siguro akala niya nasagasaan na ako. Loko ‘yon ah, napakabilis magpatakbo. Humanda ka sa ‘kin.

Lumapit ako sasakyan at saktong bumukas ang bintana. Natigilan ako ng malaman ko kung sino siya. Pagminanalas ka nga naman.

"Anong tinitingin-tingin mo?!" inis na tanong niya.

Ang init ng ulo niya at ang sama sama niya nanaman tumingin. Tapos salubong pa ang kilay at ang hikaw niya talaga nag papamukha sa 'kaniya na adik.

"Alam mo bang muntik muna ako masagasaan?" mahinahon na tanong ko. Baka kasi pag sumigaw ako lalo uminit ang ulo niya at baka masapak pa 'ko nito.

"Kung alam ko na ikaw 'yon, sinasagasaan na sana kita." Ang angas niya talaga magsalita.

Ang sama talaga ugali ng lalaking 'to. Hindi ba 'to pinalaki ng maayos? "Alam mo napakasama mo talaga! Kapag sinasagasaan moko, mamatay ako at kapag namatay ako mumultohin kita hanggang sa sumuko ka sa mga pulis."

"Masama na kong masama. Panira ka lalo ng araw! Alis diyan!" sigaw niya at sinara ang bintana ng sasakyan niya.

Lumayo ako ng kaunti at pinagmasdan ang sasakyan niyang mabilis na lumayo. "Ma asksidente ka sana.." bulong ko.

***

Pagkarating ng bakery shop. Na datnan ko ka agad sa labas si ma'am na nag aayos ng upuan. Mukhang mag bubukas palang sila. Tama-tama para makapag-usap kami.

Pumasok ako at napatingin siya sa 'kin. "Good morning po," nakangiting bati ko.

Lumapit siya sa 'kin. "Good morning 'din. Napaka aga mo."

"Okay lang po. Para ma ipasa kuna po ito." Inabot ko sa 'kaniya ang folder.

"Nasagutan mo na lahat? At dala mo na lahat na requirements?"

Tumango ako. "Opo, ito, o." Pinakita ko sa 'kaniya ang hawak kung brown envelope. "Sana po makapag simula na po ako ngayon. Wala naman po kasi ako gagawin sa bahay."

"Alam na ba ito ng parents mo?"

"Opo, at okay lang po sa 'kanila." Kahit ang totoo hindi okay. Bahala na si imre at mga sanggre kay mama. Gusto ko man sundin si mama pero meron sa 'kin na wag kung sundin si mama. Napakasama kuna bang anak?

"G-Gusto mo ba talaga mag umpisa ngayon? P-Pwede naman kasi next week baka may project ka pang kailangan tapusin."

"Wala na po ako project natatapusin. Lahat sila tapos na kaya free na free po ako. Isa pa nakakabagot sa bahay."

"Sigurado kang ngayon ka mag uumpisa?" Tumango ako. "Okay. Sandali lang at kukunin ko 'yong uniform mo."

"Sige po."

Umupo ako nang may lumapit na babae sa 'kin. Hindi ako nagkakamali siya 'yong babaeng pinatanungan ko makailan.

"Hi," nakangiting bati niya. "I'm Jasmine." Nilahad niya ang kamay niya. "Jas nalang itawag mo sa 'kin.”

Napatingin ako sa kamay niyang nasa harap ko. "Sai." Nakipag kamayan ako sa 'kaniya.

"Nice to meet you, Sai."

"Nice to meet you Jasmine." Maganda talaga siya at napaka meztisa.

"Ikaw 'yong bagong delivery no?"

Tumango ako. "Kailangan kasing kumita, e."

"Alam mo, napaka familiar mo sa 'kin. Parang nakita na kita dati."

Natawa ako. "Alam kuna, kamukha ko anak ni ma'am no?"

"Oo tama. 'Yong anak ni ma'am. Minsan na 'din siya dinala ni ma'am dito. Grabi sobrang magkamukha nga kayo." Pinagmasdan niya ng mabuti ang mukha ko. "Pareho kayong maganda."

"Awsus. Nambola kapa," sabi ko at sabay kaming tumawa.

"Sai." Napatingin ako kay ma'am. May dala siyang paper bag. "Ito na 'yong uniform mo, sure akong sakto lang sayo 'to. Pareho kasi kayo ng size ng anak ko."

"Thankyou po." Ngumiti ako at tinanggap ang paper bag.

"Paniguradong bagay sayo 'yan. Isuot mo na bilis," si Jasmine.

***

Katatapos ko lang suotin ang uniform nila at sobrang cute. Nag papa cute kasi 'yong logo sa damit tapos kulay pink 'yong damit, tapos 'yong pants at cap kulay black. Feeling ko blackpink 'yong dating ko, e. Peace!

"A-Ano po? O-Okay ba? Bagay ba?" sunod-sunod na tanong ko.

Nag thumbs up silang dalawa sa 'kin. "Bagay na bagay."

Napangiti ako. "Salamat."

"Alam mo, ikaw ang kauna-unahang delivery rider na babae, halos lahat na delivery rider kasi dito puro lalaki," sabi ni Jasmine. "Pero gwapo sila. Wag kang mag-alala ipapakilala kita." Natawa ako sa sinabi niya.

"Lagi ko pinapa-alala sa mga delivery rider na laging mag suot ng helmet at mag ingat sa pag drive. Kaya ikaw wag mo kalimutan mag suot ng helmet at mag ingat," sabi ni ma'am.

"Opo, mag iingat po ako."

"Very good. Sige, mag bukas na tayo."

Gaya ng sabi ni ma'am. Nag bukas na kami ng shop, nakakatuwa lang dahil marami na akong ka close sa unang araw ng trabaho ko. Lahat ng kasamahan ko napaka bait. Okay lang ang unang araw ko maraming orders ang dapat i deliver at masaya.

Hapon na at kaunti nalang ang nag oorder. Naka upo lang ako sa upuan sa labas at nakatingin sa ulap. Palubog na ang araw. Uuwi na ako mamaya at paniguradong magagalit si mama dahil sinuway ko ang utos niya.

"Bakit mukhang malungkot ka?" Napatingin ako kay ma'am ng tumabi siya sa 'kin. "Napansin ko lang namatamlay 'yang mga mata mo. May problema kaba?"

"Wala po," pag sisinungaling ko at ngumiti ng pilit.

"Sabihin muna, makikinig ako."

Bumuntong-hininga ako. Okay lang siguro kong mag kwento ako sa 'kaniya. "Ang t-totoo po kasi niyan ma'am. H-Hindi po talaga payag si mama mag trabaho ako dito."

"Huh? Bakit naman?"

"Hindi ko po alam. Siguro... ayaw niya lang siguro ako pag trabahohin," sagot ko at yumuko.

"Nagkatampohan ba kayo?"

Tumango ako. "Opo, sinuway ko nga 'yong utos niya. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi kay mama mamaya."

"Try mo siyang kausapin or isurprise."

"Ano po klaseng surprise?" tanong ko.

"Kahit ano. Paniguradong magugustuhan niya dahil galing 'yon sa 'yo."

"Paano pag hindi niya nagustuhan at hindi kami lalo magkabati?"

"Walang ina ang hindi matitiis ang kaniyang anak. Alam mo napaka swerte ng mama mo dahil naging anak niya ang tulad mo. Masipag, mapagmahal at higit sa lahat mabait."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Kung nabubuhay lang ang anak ko, paniguradong magkakasundo kayo. Pareho kasi kayong mabait."

"Ma swerte po 'yong anak niyo dahil naging mommy ka po niya."

"Malas lang kasi nawala siya ng gano'n ka aga. Nauna pa siya sa 'kin mag pahinga." Ngumiti siya ng pilit.

"Wag na po kayo malungkot, kung nasaan man siya, paniguradong binabantayan niya po kayo lagi."

Ngumiti siya. "Pwede bang payakap?"

"Oo naman po." Niyakap ko siya.

Napakasarap sa pakiramdam na mayakap siya, nakakagaan ng loob at nakakawala ng problema. Nakakalungkot lang dahil ang tulad niyang mabait at mapagmahal na ina nawalan ng anak.

"Sai! May order kang idedelive--" hindi natapos ni Jasmine ang sasabihin ng nakita niya kaming nag yayakapan ni ma'am.

Kumalas ako sa pagkayakap kay ma'am.

"Ay. Na istorbo ko ba kayo?"

"A-Ah hindi," sagot ko.

"Napaka sweet niyo naman tingnan," nakangiting sabi niya. "Para kayong tunay na mag-ina." Ngumiti kami ni ma'am sa 'kaniya. "Ay oo nga pala, may order na dapat i deliver. Asap daw, e."

"Ako na mag dedeliver," sabi ko at tumayo. "Sige ma'am. Sibat na'ko kailangan ko pa po mag deliver."

"Sige ingat ka."

"Opo," kinuha ko kay Jasmine ang mga order na i dedeliver at ang address.

Nilagay ko ito sa bag sa likod ng motor at sinara ng mabuti. Sinuot ko muna ang helmet at sumakay sa motor. Pinaandar ko na ito patungo sa address na pupuntahan ko. Gabi na 'din at ma ingat lang ang ako sa pag drive.

Nang marating ang address na pupuntahan ko, napahinto ako sa isang subdivision.

Hinarangan ako ng guard.

"Saan punta natin?"

Tinuro ko ang likod ng motor ko at mukhang na gets niya naman at agad niya ako pinapasok.

Malalaki ang bahay sa subdivision na 'to at magaganda. Pero may isang bahay ang umagaw sa atensiyon ko na sobrang napakalaki at merong mga guard sa labas. Naka sunglasses ang mga guard at mukha silang pro. Tatawagin kuna talaga silang Pro-Guard.

Hinubad ko ang helmet at tiningnan ang address, paniguradong ito ang bahay na 'yon. Napakayaman naman ng may-ari nito.

Mag door bell sana ako ng hinarangan ako ng isa sa mga Pro-Guard. "Paki check ng dala niya," utos niya sa mga kasamahan niya.

Grabi naman ang mga 'to. Wala akong bomba na dala.

Nang wala silang makita sa dala ko pinapasok na nila ako sa loob dala-dala ang order ng may ari ng bahay. Hindi ko maiwasan hindi igala ang paningin ko. Kahit gabi na kasi makikita mo ang ganda ng bahay dahil sa mga ilaw na nakapalibot dito.

Kumatok ako sa pinto. Maya-maya lang bumukas ito.

"Ikaw nanaman bwesit ka?!" gulat naming tanong.

Malas naman. So siya pala may ari ng bahay na 'to? Sobrang yaman niya pala.

Napansin ko lang na may benda sa ulo niya.

"Ano nangyari sa ulo mo?" tanong ko.

"Pakealam mo? Isa pa bakit kaba nandito? At ano 'yang dala mo?"

"Order mo," sagot ko.

"Anong order? Wala akong inorder."

"Anong wala? E, ito 'yong address."

Sumalubong ang kilay niya. "Druce!" malakas na sigaw niya at may lalaki agad na lumapit.

"Bakit baby bro?"

"Ikaw ba umorder?" mahinahon na tanong niya.

Napatingin sa 'kin ang kaibigan niya. "Oh... hello, delivery kana ba ngayon?"

"Kung mang iinsulto ka, wag muna tangkain. Baka gusto mong sikmuraan 'din kita gaya ng ginawa ko sa kaibigan mo," banta ko.

"Sabi ko nga kukunin kona order ko," malambing ang tono na sabi niya at kinuha ang order niya.

"O? Ano pa ginagawa mo dito?!" sigaw ni Scart.

Bakit ba ang hilig manigaw ng lalaking 'to? Hindi ako bingi. "Ang bayad mo asana?!" sigaw ko 'din sa 'kaniya.

Natigilan siya.

"Lakas mo manigaw tapos hindi kapa nag babayad. Ano akala mo libre 'to ha? Yaman yaman mo at ang laki ng bahay mo napaka buraot mo---"

"Sandali!" sigaw niya.

Napapikit siya sa inis at nilabas ang wallet niya. Kumuha siya ng pera at nilagay sa palad ko. "Saksak mo sa maliit mong palad. Pandak!" Tinalikuran niya ako.

"Hoy! Sandali sobra 'yong bayad mo!"

"Keep the change!" sigaw niya.

Hays. Iba talaga pag mayaman may pa keep the change. Tsk! Tsk! Sana all!

"Anyare do'n?" bulong ko.

"Alam mo bang na aksidente 'yan kanina?" Gulat akong napatingin sa 'kaibigan niyang nasa tabi ko at inaakbayan napala ako.

"Na aksidente siya?" tanong ko. Ngek? So ngyari talaga ang binulong ko.

Tumango siya. "Oo na aksidente siya, bilis mag pa takbo, e tapos init pa ng ulo kaya may benda 'yong ulo niya."

"Talagang nabuhay pa siya?" natatawang tanong ko.

"Malamang malakas 'yan, e. Kahit alien kaya niyang kalabanin." Kumindat siya sa 'kin at ngayon ko lang napansin na ang lapit ng mukha niya.

"Lumayo ka nga!" Tinulak ko siya. "Gusto mo ba matikman suntok ni paquio ha?!"

"Ito naman, sorry na. Hmm?" Nag pa cute pa ang mokong. Tsk! Playboy. "Thankyou pala ha?"

"Bakit ka nag thathankyou?"

"E, kasi ako 'yong nag order tapos siya 'yong nagbayad." Tumawa siya ng malakas. "Lakas mo talaga! High five, lodi na kita ngayon." Kinuha niya ang kamay ko at pina high five sa kamay niya at tawang tawa na tinalikuran ako.

Tsk! Abnoying pala ang magkaka-ibigan na 'to, e.

***

Abnormal + Annoying = Abnoying ;)

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Remember You   Chapter Nine: Confusing

    Chapter Nine: ConfusingKakababa ko lang sa taxi at meron akong dala-dalang heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip kung dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan kung binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama.Nag inhale at exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.Binuksan ko ang pinto. Nang tuluyan ko itong mabuksan bumungad sa 'kin ang mukha ni mama.

  • I Remember You   Chapter Eight: What if?

    Chapter Eight: What if? "Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko. Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama. "Kakarating ko lang po, bakit po?" Base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "Pinag-usapan?” Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago s

  • I Remember You   Chapter Seven: Look a like?

    Chapter Seven: Look a Like? JUSTIN'S POV.Kakarating lang namin ng sa bahay ni Scart. Dito kami gagawa ng research para sa monday. "Ang ganda pa 'din ni tita Yerah," nakangiting sabi ni Druce pagka-upo. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays... nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang siniko ni Peter.

  • I Remember You   Chapter Six: Daughter?

    Chapter Six: Daughter? Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop. Nag hahanap kasi ako ng trabaho na pwede pasukan. Ayo kung umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko ‘din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko. Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila. Nag scroll ulit ako at may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider

  • I Remember You   Chapter Five: Palm

    Chapter Five: PalmBumalik ako ng classroom at nadatnan kung nagsisilabasan na ang mga kaklase ko at mukhang katatapos lang ng klase.Hinanap ko sina Kate. Nakita kung palabas na sila. Napatingin sila sa 'kin at lumapit. "Bakit ngayon ka lang? Saan kaba nag punta?" tanong nila."Nag pahangin," sagot ko."Alam mo bang katatapos lang ng quiz?" Nanlaki ang mata ko. "Ano nag quiz ang prof?" gulat na tanong ko. "Oo, bakit wala ka?”Hala. Paano ‘yan? Unang araw ng klase

  • I Remember You   Chapter Four: Adik na mukhang Fox

    Chapter Four: Adik na mukhang Fox. "Ito na ba 'yong room nila?" Turo ko sa room nasa harap ko. Dito sa labas kitang-kita muna ang mga estudiyante sa loob na nag babasa ng libro. "Pupuntahan mo siya sa loob?" tanong ni Kate. Tumango ako. "Kailangan niyang mag sorry, isa pa ang sakit parin kaya ng sugat ko." "Bakla, palagpasin mo nalang sila. Malalagot tayo kay Scart pag inaway mo siya," pananakot ni MJ. "Hindi ka ba na tatakot sa 'kaniya?" tanong nila. "Bakit ako matatakot e, pareho lang kaming tao diba? Bakit ako matatakot sa 'kaniya?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status