Home / All / I Remember You / Chapter Seven: Look a like?

Share

Chapter Seven: Look a like?

Author: CyLili
last update publish date: 2020-10-05 13:14:40

Chapter Seven: Look a Like?

JUSTIN'S POV.

Kakarating lang namin ng sa bahay ni Scart. Dito kami gagawa ng research para sa monday.

"Ang ganda pa 'din ni tita Yerah," nakangiting sabi ni Druce pagka-upo.

"Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko.

Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya.

"Hays... nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang siniko ni Peter.

Alam kung ayaw nilang binabanggit si Yesya tuwing kasama nila ako. Malulungkot lang ako pag gano'n.

"Okay lang." Ngumiti ako ng pilit.

"Ang dal-dal mo kasi." Binato siya ni Scart ng unan. "Kung ako sa inyo lagyan natin ng stapler 'yang bibig niyan para tumahimik forever."

"Baby bro naman. 'Wag kang ganiyan."

"Alam mo bagay na bagay sayo 'yong major mo na makreting, madaldal ka, e," sabi ni Scart.

"Gagawa ba tayo ng report o mag aaway?" sarkistong tanong ni Peter.

"Teka? Nasaan pala si Kenny? Bakit hindi siya sumama kanina?" pang-iiba ni Scart sa usapan.

"Busy siya kaka painting," sagot ko. "Marami na nga siyang painting na pinadala sa bahay."

"Ang ganda ng mga gawa niya. Sana marunong 'din ako mag painting," sabi ni Druce at nag iimagine.

Magaling talaga sa arts si Kenny kaya noong nag college kami kinuha niyang course ay Fine Arts. Ang ibang paintings niya binibenta niya at ang perang kikitain niya dinodonate niya sa mga batang nangangailangan.

"I heard my name." Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Nakangiti siya at nakasandal sa pinto.

"Binanggit lang namin ang pangalan mo dumating kana ka agad. May magic ka yata?" tanong ni Scart at ngumiti.

Naglakad si Ken palapit sa 'min. "Miss niyo naba ako kaya binanggit niyo ang pangalan ko?" tanong niya at tumabi kay Scart.

"Asa kapa ma miss ka namin," sagot ni Scart at tumawa.

"E, bakit tinanong mo kanina kung nasaan ako?" Hindi siya sinagot ni Scart at ningitian lang. Napatingin sa 'kin si Ken. "Natanggap muna ba ang pinadala kung painting?"

"Kaninang umaga lang," sagot ko. "Bakit sinipag ka yata ngayon kagagawa ng painting?"

Ngumiwi siya. "Marami kasing pumapasok sa isip ko na mga larawan, at kapag hindi ko sila nilabas. Sasakit lang ang ulo ko."

"Buti kapa pa drawing-drawing lang. Kami one week palang sandamakmak na gawain sa school ang kailangan tapusin," sabi ni Druce at mukhang na iistress.

"Hindi lang puro drawing ang ginagawa namin."

"Sana nag Fine Arts nalang ako."

"May alam ka sa arts?" tanong ni Scart.

"Yon nga lang wala." Sabay kaming natawang lima. Na miss ko ang ganitong bonding namin na merong tawanan at asaran.

"Bakit pala hindi ka namin makita kanina?" tanong ni Peter kay Ken.

"Sinundo ko si mommy sa airport," sagot niya.

"Nga pala, nagkita nga kami kanina sa bakery shop niyo," sabi ni Druce.

"Talaga? Nagkita kayo kanina?"

"Nagutom kasi si Scart kaya kumain muna kami," sagot ko.

"Ang ganda pa 'din ng mommy mo. Hindi kumukupas ang ganda. Saan kaya siya pinaglihi?" natatawang tanong ni Druce.

"Aray!" Napatingin kaming lahat kay Scart ng bigla siyang sumigaw "Malamang sa maganda siya pinaglihi. E, ikaw? Sa speaker ka pinaglihi. Nakakarindi at nakakainis ka, e."

"Hays. Ang init nanaman ng ulo mo," sabi ko.

"Sino hindi iinit ang ulo? E, tinapakan niya 'yong paa ko. Tingan niya o." Tinuro niya ang paa niyang namumula.

"Sorry baby bro." Nag peace sign si Druce.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas 'yon at hindi nga ako nagkakamali si Yayo. Siya ang nag aalaga kay Scart simula bata palang kami. Lagi kasing wala ang daddy ni Scart dahil busy sa business nila sa France at ang mommy niya naman matagal ng patay na.

"Excuse me mga hijo. Meryenda muna kayo." Dahan-dahan nilapag ni Yayo ang tray. "Orange juice na favorite niyong lima at fries."

"Yong nuggets at milk ko saan?" tanong ni Scart.

"Syempre makakalimutan ko ba 'yon. Syempre merong kang nuggets at milk."

"Hindi ka nag sasawa kakain ng ganiyan baby bro?" tanong ni Druce.

Ningitian siya ni Scart. "Ito ang pagkain na ayaw ko pag sawaan," sabi niya sabay subo ng nuggets.

"O? Kenny kamusta kana pala?" Baling ni Yayo kay Ken. "Matagal ka ng hindi pumupunta dito."

"Marami po kasi ako ginagawa. Alam niyo naman po?"

Tumawa si Yayo. "Oo nga pala. Sige maiwan ko na muna kayo at ng makapag bonding kayong lima."

"Sige po."

Lumabas siya ng kwarto at sinara ang pinto. Binalik ko ang tingin sa laptop. Kailangan na kasing matapos nito ngayong gabi para bukas wala na akong gagawin at makapag pahinga na 'din.

"Ken," tawag ni Druce. "Alam mo bang may kaaway na babae ang baby bro natin?"

Natigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa 'kanila.

"Babae sino?" takang tanong ni Ken.

"Hindi namin alam kung anong course niya pero i think nasa 1st year college siya. Pero magugulat ka talaga pag nakita mo siya."

Napabuntong hininga nalang ako at binalik ulit ang tingin sa laptop. Alam kuna kung ano ang ibig sabihin ni Druce.

"Bakit naman?" tanong ni Ken.

"Kamukhang-kamukha niya si Yesha!" biglang sigaw niya.

"Pwede bang mag kwento ka ng hindi sumisigaw?!" sigaw 'din sa 'kaniya ni Scart.

"Pwede bang makiusap ng hindi naninigaw?" mahinahon na tanong ni Peter.

"Sorry naman," sabay nilang sabi. Sanay na kami ganiyan ang ugali ni Scart at ni Druce. Aware naman kami na madaling uminit ang ulo ni Scart at maingay mag kwento si Druce.

"Ito na nga. As in magkamukha sila ni Yesha." Hininaan ni Druce ang boses niya.

Napansin ko 'yon. Akala ko nga nag mamalik mata lang ako nang nakita ko siya pero hindi, magkamukha talaga sila. Hindi ko alam kung paano. Pero aaminin kung ang gaan ng loob ko sa 'kaniya. Pero imposibleng siya si Yesha. Matagal na kasing patay si Yesha.

Napatingin ako kay Ken na gulat. "Talaga? Magkamukha sila ng kapatid ko?"

Tumango si Druce. "Noong nakita ko siya napatawa nga ako, e. Akala ko kasi nabuhay ang patay."

Bigla akong nalungkot ng marinig ang huling salitang sinabi ni Druce.

"Baka namamalik mata lang kayo?" tanong ni Ken.

"Hindi kami namamalik mata. Magkamukha talaga at kapag nakita mo siya iisipin mo talagang siya si Yesha. Tanongin mo pa si baby bro?" Siniko niya si Scart.

Napa tingin si Scart kay Ken. "Oo magkamukha sila. Pero ang layo niya kay Yesha. Maganda at may taste sa fashion si Yesha, pero ang babaeng 'yon parang siga. At higit sa lahat nakaasar."

"Gusto ko tuloy siya makita," sabi ni Ken.

"Wag munang tangkain makipag kita sa 'kaniya. Sisikmuraan kalang no'n," singhal ni Scart at binalik ang tingin sa laptop niya.

"Sinikmuraan ka niya dahil kinurot mo daw siya," sabi ko.

Natigil siya sa pag type sa keyboard ng laptop niya at kung saan-saan tumingin. "A-Ayaw umalis, sa dinadaanan ko, e. F-Feeling ko nga may gusto 'yon sa 'kin."

"Pagnarinig niya ang sinabi mo sure akong gusto ka niyang sikmuraan ulit," natatawang sabi ni Druce.

SAI'S POV.

Nakatingin lang ako kay ma'am Yerah. Hindi ko maiwasan hindi mailang habang tinitingnan siya. Naguguluhan at nag tataka ako, at hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Pero no'ng niyakap niya ako kanina parang hindi 'yon ang unang beses na naramdaman ko ang gano'n klaseng yakap, at napakasarap sa pakiramdam.

"Pwede ko ba malaman ang pangalan mo?" biglang tanong niya.

"P-Po? P-Pangalan ko?" nauutal na tanong ko. Tumango siya. "S-Sai?" patanong na sagot ko. Ito nanaman 'yong pakiramdam na hindi ako sigurado sa pangalan ko.

"Sai?" Tumango ako. "Ang ganda ng pangalan mo."

Ngumiti ako ng pilit. "Thankyou po."

"I'm sorry pala sa nangyari--"

Hindi kuna pinatapos ang sasabihin niya ng inunahan ko siya. "Okay lang po na iintindihan ko."

"I know na nagtataka kung bakit kita niyakap." Gusto ko sana itanong sayo 'yan ma'am. Hindi ko lang alam kung saan sisimulan, simpleng tanong lang pero ang hirap itanong. "A-Ano kasi. Napagkamalan k-kitang a-anak ko."

"P-Po?" Kaya niya siguro ako tinawag na anak. Pero paano niya naman ako pagkakamalan na anak niya?

"Sobrang magkamukha kasi kayo ng anak ko."

"T-Talaga po?"

Tumango siya. "Akala ko kasi ikaw siya."

"K-Kaya niyo po ba ako niyakap at tinawag na a-anak?" nauutal na tanong ko.

Tumango ulit siya at may kinuha sa bag niya. "Here." May inabot siyang litrato.

Tinanggap ko ang inabot niya at tiningnan ang lirato. Halos tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi nga talaga nag bibiro si ma'am. Sobrang kamukha ko ang anak niya. Ngiti at kahit saang angulo parang ako talaga siya.

"Picture namin 'yan sa hawaii, ayaw niya kasing iba ang may hawak ng camera gusto niya siya. Hindi kasi siya kumportable na iba ang may hawak lalo na hindi niya alam kung maganda ba siya do'n o hindi."

Napa angat ako ng tingin. Pati sa pagkuha ng litrato parehong-pareho kami. Imposible talaga ako ang anak niya dahil hindi pa ako nakaka punta sa hawaii at higit sa lahat hindi ko siya kilala.

"Eighteen years old no'ng namatay siya."

"A-Ano po kinamatay niya?" tanong ko. Hindi naman siguro masama mag tanong, na curious talaga ako.

"Car accident. Meron naman siyang driver pero hindi siya nag pa drive at iniwan niya ito. Ang sabi ng mga pulis, lasing daw siya noong nag drive siya. At sobrang bilis daw ng pagtatakbo niya kaya nabangga siya at sumabog ang sasakyan niya." Nagsimulang ma muo ang luha sa mga mata niya. "Nasunog siya at halos hindi siya makilala."

Namuo 'din ang luha sa mga mata ko. "S-Sorry po natanong ko." Sana hindi nalang ako nag tanong, edi sana hindi siya iiyak. Na konsensiya tuloy ako.

Ngumiti siya ng pilit. "Okay lang." Pinunasan niya ang mga luha niya.

"Sorry po talaga, ma'am. Hindi na po sana ako nag tanong." Hindi ko mapigilan hindi humingi ng sorry, hindi ko ma intindihan ang sarili ko. Pero noong nakita kung namuo ang luha sa mata niya nasasaktan ako.

"Mag apply ka diba ng delivery rider?" pang iiba niya at ngumiti. "Paki sagotan nalang 'to." May binigay siya na folder. "Ipasa mo bukas sa akin. Tapos saka na natin pag-usapan kung kailan ka mag sisimula."

Matagal bago ako napatango. "O-Opo."

Tumayo siya. "Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo. Gabi na 'din at baka mapano pa kayo sa daan."

"K-Kaya napo namin umuwi." Sinulayapan ko si Kate at Kyle na kumakain. "A-Ano kasi..." Binaling ko ang tingin kay ma'am. "K-Kasama ko naman po 'yong mga kaibigan ko."

"Pwede bang ihatid ko kayo?" tanong niya.

"Po? I-Ihahatid niyo po kami?"

Tumango siya at ngumiti. "May kotse ako, kung pwede... ihatid ko kayo."

Papayag ba ako? Pero nakakahiya. Siya na nga 'yong boss ko, siya pag mag hahatid. "A-Ano..." Bigla kung na-alala na susunduin pala kami ni papa. "Susunduin po pala kami ni papa."

"Ah okay, mabuti naman. Gabi na 'din at baka ma pa'no pa kayo sa daan."

Magsasalita sana ako ng nag vibrate ang phone ko. "Sandali lang po." paalam ko at lumayo ng kaunti.

Mama:

Anak, hindi ka masusundo ng papa mo. Masakit ang ulo niya, sana maintindihan mo.

Me:

Bakit po?

Naghintay ako ng ilang minuto pero walang reply akong natanggap galing kay mama.

Sinulyapan ko ang mga kaibigan ko.

Si Kate mukhang antok na at si Kyle naman tulog na. Lumapit ako sa 'kanila. "Psst."

Napalingon si Kate sa 'kin.

"Hindi daw tayo masusundo ni papa," bulong ko.

"Huh? E, diba nangako si tita na ipapasundo niya tayo?" tanong niya.

"Sumakit kasi ulo ni papa," sagot ko.

"Ako nalang mag hahatid sa inyo." Napalingon ako sa likod ko. "Gabi na. Kaya ako na mag hahatid sa inyo."

P-Pero ma'am--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng nag salita si Kate. "Talaga po? Ihahatid niyo kami?" tuwang-tuwang tanong niya.

Tiningnan ko siya ng makahulugang tingin.

"Libre na tayo ng pamasahe tapos makaka aircon pa tayo," bulong niya at bumaling ng tingin kay ma'am. "Sige po mag papahatid kami. Yiee! Ang ganda niyo na nga ang bait-bait pa."

Nambola pa. Siniko ko siya. "Hindi ka nahihiya?" bulong ko sa 'kaniya.

"Wag ka ng choosy, ihahatid na nga tayo, e. Gusto mo bang may masamang mangyari sa atin?"

Bumuntong-hininga ako at tumingin kay ma'am. "Hindi p-po ba nakakahiya sa inyo?"

"Don't be shy hija. Ayaw ko lang na mapahamak kayo sa daan. Lalo na't iba na ang panahon ngayon. At marami ng loko-loko."

Hindi ko mapagilan hindi matawa sa huling salitang sinabi ni ma'am. Pagkasabi niya kasi ng loko-loko para siyang lalaki.

"Oo nga," pang sasang-ayon ni Kate. "Tama si ma'am. Maraming loko sa labas, baka ano pang gawin sa atin."

"O, siya ihahatid kuna kayo. Gisingin niyo muna ang kaibigan niyo." Ninguso niya si Kyle na mahimbing natutulog.

"Kyle. Gising na," gising sa 'kaniya ni Kate at inalog-alog siya. "Wag kang matulog dito. Ang pangit mo."

Dahan-dahan minulat ni Kyle ang mata niya. "Tanghali naba?" tanong niya at humikab.

Pinitik ni Kate ang noo niya. "Gabi palang doy."

"Hala! Nakatulog ako?" gulat na tanong niya.

"Gulat ka no? Hulaan ko panaginip mo. Tide no?" taas kilay na tanong ni Kate.

"Wag na kayo mag away, tara na, hinihintay tayo ni ma'am." Sinulyapan ko si ma'am Yerah.

"Goodevening po," bati sa 'kaniya ni Kyle.

"Goodevening din." Ningitian siya ni ma'am. "So, hatid kuna kayo?" tanong niya.

"Opo, tara," yaya ni Kate at nag pangunang nag lakad.

***

"Salamat po sa paghatid sa 'min," nakangiting sabi ko ng makarating ng bahay.

"Salamat po talaga," ngumiti si Kate at Kyle.

"Baka gusto niyo po, pumasok muna?" tanong ko.

Umiling lang siya at ngumiti. "Hindi na, uuwi na 'din kasi ako."

"Gano'n po ba. Sige ingat po kayo."

Ngumiti siya at pumasok ng kotse niya. "Sige, una na ako."

Kumaway ako at sinundan ng tingin ang sasakyan niyang papalayo. Hindi ko maintindihan pero tuwing ngumingiti siya napakasarap at napakagaan sa pakiramdam.

"Pasok na tayo?" yaya ni Kate.

Tumango kami ni Kyle at pumasok ng bahay. "Hays. Kapagod." Pagod na pagod na umupo silang dalawa sa sofa.

"Puntahan ko muna si mama at papa," paalam ko. Wala kasi sila sa sala at baka nasa kwarto 'yon. Paakyat na sana ako ng napansin kung si mama at papa nag-uusap sa kusina.

Hindi na ako nag tuloy sa taas at dumertso ng kusina.

"Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay."

Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Remember You   Chapter Nine: Confusing

    Chapter Nine: ConfusingKakababa ko lang sa taxi at meron akong dala-dalang heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip kung dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan kung binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama.Nag inhale at exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.Binuksan ko ang pinto. Nang tuluyan ko itong mabuksan bumungad sa 'kin ang mukha ni mama.

  • I Remember You   Chapter Eight: What if?

    Chapter Eight: What if? "Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko. Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama. "Kakarating ko lang po, bakit po?" Base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "Pinag-usapan?” Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago s

  • I Remember You   Chapter Seven: Look a like?

    Chapter Seven: Look a Like? JUSTIN'S POV.Kakarating lang namin ng sa bahay ni Scart. Dito kami gagawa ng research para sa monday. "Ang ganda pa 'din ni tita Yerah," nakangiting sabi ni Druce pagka-upo. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays... nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang siniko ni Peter.

  • I Remember You   Chapter Six: Daughter?

    Chapter Six: Daughter? Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop. Nag hahanap kasi ako ng trabaho na pwede pasukan. Ayo kung umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko ‘din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko. Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila. Nag scroll ulit ako at may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider

  • I Remember You   Chapter Five: Palm

    Chapter Five: PalmBumalik ako ng classroom at nadatnan kung nagsisilabasan na ang mga kaklase ko at mukhang katatapos lang ng klase.Hinanap ko sina Kate. Nakita kung palabas na sila. Napatingin sila sa 'kin at lumapit. "Bakit ngayon ka lang? Saan kaba nag punta?" tanong nila."Nag pahangin," sagot ko."Alam mo bang katatapos lang ng quiz?" Nanlaki ang mata ko. "Ano nag quiz ang prof?" gulat na tanong ko. "Oo, bakit wala ka?”Hala. Paano ‘yan? Unang araw ng klase

  • I Remember You   Chapter Four: Adik na mukhang Fox

    Chapter Four: Adik na mukhang Fox. "Ito na ba 'yong room nila?" Turo ko sa room nasa harap ko. Dito sa labas kitang-kita muna ang mga estudiyante sa loob na nag babasa ng libro. "Pupuntahan mo siya sa loob?" tanong ni Kate. Tumango ako. "Kailangan niyang mag sorry, isa pa ang sakit parin kaya ng sugat ko." "Bakla, palagpasin mo nalang sila. Malalagot tayo kay Scart pag inaway mo siya," pananakot ni MJ. "Hindi ka ba na tatakot sa 'kaniya?" tanong nila. "Bakit ako matatakot e, pareho lang kaming tao diba? Bakit ako matatakot sa 'kaniya?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status