LOGINChapter Five: Palm
Bumalik ako ng classroom at nadatnan kung nagsisilabasan na ang mga kaklase ko at mukhang katatapos lang ng klase.
Hinanap ko sina Kate. Nakita kung palabas na sila. Napatingin sila sa 'kin at lumapit. "Bakit ngayon ka lang? Saan kaba nag punta?" tanong nila.
"Nag pahangin," sagot ko.
"Alam mo bang katatapos lang ng quiz?"
Nanlaki ang mata ko. "Ano nag quiz ang prof?" gulat na tanong ko.
"Oo, bakit wala ka?”
Hala. Paano ‘yan? Unang araw ng klase wala na ka agad ang score. Badtrip naman.
“E, kasi nag-away kami ni Scart at—” Naputol ang sasabihin ko dahil agad silang nag react.
"Ano nag away kayo?!" gulat na tanong nila. "Saan? Nag suntukan ba? Ano? Sino knock-out?" sunod-sunod nilang tanong.
"Hindi kami nag suntukan."
"E, ano lang?"
"Nag asaran at nag pikonan," sagot ko ng kinanganga nilang tatlo. "Tingnan niyo nga ang pisngi ko, sobrang pula diba?" Tumango sila habang nakanganga. "Kinurot kasi ng loko na 'yon. Ang sakit sakit kaya. Pero, nakaganti ako, nilabas ko ang powers ko at sinikmuraan siya," mayabang na kwento ko.
"K-Kinurot niya ang pisngi mo?" hindi makapaniwalang tanong nila.
Tumango ako. "Oo kinurot niya, na bwebwesit nga ako, pero okay lang. Atleast nakaganti ako.”
"So? Dalawang oras talaga kayo nag kurotan?" taas kilay na tanong ni Kate.
"H-Ha?" gulat na tanong ko. "A-Anong dalawang oras? Syempre hindi!"'
"E, bakit dalawang oras kanawala?"
"Dalawa oras ba talaga ako nawala?"
Ilang minuto lang naman kami ng away, tapos nag libot ako ng school. Umabot ba talaga 'yon ng dalawang oras? E, parang ilang minuto lang 'yon e.
"Oo day," sagot ni Kate. "Pila ka oras gid ka na dula. Umamin ka nga. Nakipag date ka no?"
Sasagot na sana ano ng nag vibrate ang phone ko. "Sandali lang,” paalam ko.
Mama:
Huwag kayo mag pa gabi. Unuwi ng maaga, delikado na ng panahon ngayon. Ingat, i love you. Heart heart <3Me:
Okay po ma. I love you too, heart heart <3Ang sweet naman si mama. Lagi niya nalang sa akin pinaparamdam kung gaano niya ako kamahal. Ang swerte ko talaga na may mama akong katulad niya.
"Sino nag message sayo?" tanong ni Kate.
"Si mama," sagot ko at nilagay sa loob ng bag ang cellphone. "Huwag daw tayo mag pa gabi at mag ingat."
“Malapit ng mag five p.m. Grabi... ang bilis ng oras. Parang kanina lang umaga pa,” natatawang sabi ni MJ.
“Oo nga, e. Bukas martes nanaman,” sabi ko.
“O ano? Uwi na tayo?” yaya ni Kyle.
Tumango kami at sabay na lumabas ng school. Nakasalubong namin ang five star pero hindi nila kasama si Scart. Napatingin ako sa iba niyang kaibigan at tumama ang paningin namin ng lalaki nakita ko kaninang umiiyak habang nag piano.
Sandali lang kami nagtitigan at siya ‘din ang unang nag-iwas ng tingin. Parang may kumirot sa puso ko ng hindi ko maintindihan.
“Diyos ko!”
Napatingin ako sa sumigaw. Ngayon ko lang napansin na may matanda akong nagbangga.
“Hala lola, sorry po,” paumanhin ko at tinulongan siya namin makatayo ng mga kaibigan ko.
“Okay lang po ba kayo? May masakit po ba? May sugat kayo?” sunod-sunod na tanong ko.
“Ba't kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?” mataray na tanong ni Kate sa ‘kin. Hindi ko siya sinasagot at hinintay ang sagot ni lola.
Pero laking gulat ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Babawiin ko sana pero binabasa niya pala ang palad ko.
Napatingin ako sa mga kaibigan kung nagtataka ‘din sa ginagawa ng matanda.
Binaling ko ulit ang tingin sa matanda. Nakangiti siya habang hawak ang palad ko. Tumingin siya sa mata ko ng may ngiti. Baliw ba si lola?
“Nahanap muna ang lalaking para sa iyo, hija.”
“P-Po?”’
“Magaling siya tumugtug ng instrumento. Maraming pagsubok ang dadating sa inyo. Ngunit dahil sa pagmamahal niya sa iyo malalagpasan niyo ito.”
Binawi ko ang palad ko at tumawa ng pilit. “Lola naman mapagbiro, wala po akong balak mag nobyo, lola.”
Ngumiti si Lola at umiling. “Magbabago ang isip mo hija.”
“Lola? Pwede pabasa ‘din ng palad ko? Baka makita niyo po ‘yong lalaking para sa ‘kin,” kinikilig na sabi ni MJ.
“Kahit hindi kuna basahin ang palad mo hijo, sa mata mo palang nakikita kung babae ang para sayo,” nakangiting sagot ni Lola.
Sabay kaming napatawa ni Kate at Kyle.
Napanguso si MJ. “Lola naman.”
“Hija?”
“Po?”
“Maari ko bang mabasa ang kaliwang palad mo?”
“Oo naman po, sige.” Hinawakan niya ang kaliwang palad ko at binasa iyon ng mabuti.
Ang kaninang nakangiti niyang labi nawala. Ang mga mata niyang masaya napalitan ng pag-alala. Nakapagtaka ng reaction niya.
“Hindi mo pa kilala ang iyong sarili hija, hindi ikaw ay ikaw. At may hinding magandang mangyayari sayo.”
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Nabawi ko ang palad ko. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Natigilan ‘din sila at hindi alam ang dapat sasabihin sa matanda.
Binaling ko ulit ang tingin kay Lola. “A-Ano po ang ibig sabihin niyo?” tanong ko.
Matagal bago siya nakasagot. Binalik niya ang reaction niya sa dati. ‘Yong normal. “Sige hija, mauna na ako. Kailangan ko pa itong iuwi sa bahay.” Sinulyapan niya ang hawak niyang basket na may lamang prutas.
Kahit kinakabahan at naguguluhan ako sa sinasabi niya tumango ako at pinilit na ngumiti. “O-Okay po. Sorry po ulit lola.”
Tumango siya at ngumiti. Nag simula siyang maglakad papalayo. Napatingin ako sa mga kaibigan kung natahamik.
“A-Ah sige, mauna na ako sa inyo. Kailangan ko kasing hanapin si Patty,” pang basag katahimikan ni MJ. “Bye.”
Tumango kami at kumaway sa ‘kaniya.
***
"Nandito na po kami." Binagsak ko ang katawan ko sa sofa. Hanggang sa pag-uwi hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng matanda kanina. Hindi na nga namin pinag-usapan nina Kate ang sinabi ng matanda dahil alam nilang gugulo lang ‘yon sa isip ko at para madali na ‘din siguro kalimutan.
"Nandito na pala kayo." Lumabas si mama galing sa kusina na may dalang juice. "Uminom muna kayo."
"Thankyou Tita."
"No problem mga inaanak." Kumindat si mama. "O, ito naman para sa maganda kung anak." ngumiti ako at uminom ng juice.
"Baka pwede niyo kaming kwentohan sa first day of school niyo," paparinig ni papa na may dalang manok.
"Ano kaba Sweetheart! Bakit dinala mo dito 'yan?!"
"Sweetheart, ilalabas ko 'din ito." Tumingin siya sa manok. "Diba baby chic-chix."
Nagseselos kasi si mama sa manok ni papa kaya ganiyan nalang ang galit niya sa manok. Gusto niya na nga katayin at kainin e.
"Ilabas mo 'yan ngayon 'din!" sigaw ni mama.
Napatakip kami ng tenga dahil nakakabingi talaga ang sigaw ni mama.
"Oo na nga po sweetheart, labyu!" nag flying kiss si papa at lumabas. Natawa tuloy ako kahit lagi sila nag aaway ang sweet-sweet pa 'din nila.
"O, ano na? Kwentohan niyo na ako.” Umupo si mama sa tabi ko.
"Sino ba mag kwekwento? Ako o ikaw?" tanong ni Kate.
"Ikaw nalang." Turo ko sa 'kaniya.
"Sige, sabi niyo eh." Tumingin siya kay mama. "Ganito kasi 'yan tita." Kinwento ni Kate ang bawat detalyeng ng yari sa amin. Nilarawan niya kung gaano ka ganda ang eskwelahan. Na sali pa nga sa kwento si Professor FeFe. Pero hindi niya na sinali ang matanda kanina.
"Yon po."
"Sulit na sulit nga ang tuition fee niyo. Pagbutihan niyo mabuti ang pag-aaral," nakangiting sabi ni mama.
"E, bakit hindi mo kinwento kung paano ka nakipag away kanina?"
Natigilan kaming dalawa ni Kate sa sinabi ni Kyle.
"Ano? Tama ba narinig ko? Nakipag away ka Kate?" tanong ni mama.
Pinandilatan namin ng mata si Kyle at sabay na kinurot ang tagiliran niya. "Bakit mo sinabi?" bulong namin.
"Baka pwede mo akong pagtakpan?” bulong ni Kate
"Ha? Ako?"
"Nakipag away ako dahil pinagtanggol at pinaghiganti kita.”
Lumunok akong nilingon si mama. Seryoso ang mukha ni mama at mukhang nag hihintay ng sagot. "Mama ano kasi…" Kumapa ako ng pwedeng isagot.
"Sweetheart!" Nakahinga ako ng maluwag ng biglang pumasok si papa. "Hinahanap ka ni aleng Wilma."
"Huh? Bakit daw?" takang tanong ni mama.
"Naniningil ng inutang mong lotion."
"Ay oo nga pala." Tumayo si mama. "Sagotin niyo ang tanong ko mamaya?" Tumango kami. "Nasa labas ba?" Tumango si papa at sabay silang lumabas ng pinto.
Paglabas ni mama pinag hahampas namin ng unan si Kyle. "Ang ingay ingay ng bibig mo!" inis na sabi ni Kate at pinitik ang noo niya.
"Aray! Tama-- T-Tama na! M-Masakit!"
"Masasaktan ka talaga pag hindi ka nanahimik!" sigaw ni Kate.
"S-Sorry na.."
"Ikaw mag explain mamaya!" Hinampas ulit siya ni Kate.
"S-Sorry na nga e."
"Nasabi muna? Ano pang magagawa natin?" Bumuntong- hininga ako at tumayo. "Hays. Bahala kayo diyan, matutulog na ako."
"Ha? Iiwan mo kami mag explain?" tanong nila.
"Inaantok na kasi ako at sobrang sakit ng ulo ko. Sabihan mo nalang si mama at papa na hindi muna ako kakain." Tinalikuran ko sila.
"Hoy! Wag mo kaming iwan dito!"
Hindi ko sila pinansin at pumasok ng kwarto at ni lock ang pinto. Naligo muna ako at nag bihis ng pantulog kung damit at binagsak ang katawan ko sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame habang yakap ang malaking bunny.
Na-alala ko nanaman tuloy ang mukha ng lalaking nakita ko kanina na umiiyak. Ewan ko ba pero hindi siya mawala sa isip ko. Na sa isip ko pa 'din at ang salitang sinabi niya kanina.
I want to be with you forever, not for a moment.
"Hays." Pinikit ko nalang ang mata ko pero ang mukha niya pa 'din ang nakikita ko. "Ano ba meron sa mukha mo? Oo gwapo ka, at charming pero bakit ayaw ka ma alis sa isipan ko? Huhuhu."
***
Kinabukasan maaga ako nagising, naligo at nagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto rinig na rinig ko ang bibig ni Kate at mama. "Good morning," bati ko pagkarating ng hapagkainan.
"Good morning anak!" masayang bati ni mama at pinaupo ako.
"Ano po ang niluto niyo?" tanong ko.
"Ito pritong talong," si Kate ang sumasagot. Ngayon ko lang napansin nasa tabi ko pala siya. "May kasalanan ka sa ‘kin," bulong niya.
"Kumain ka ng marami, hindi ka pa naman kumain ka gabi." Nilagyan ni mama ang plato ko nang kanin. "Bakit ba kasi hindi ka kumain ka gabi?"
"Busog po ako e," pagdadahilan ko. Ang totoo niyan mama, wala akong gana.
"Ano ba kinain mo sa school niyo?"
"Jusko ang dami kinain niyan sa school, hamburger, donut, pasta at milk tea," si Kate ang sumagot.
Natawa ako. "Grabi. Saulado mo pala lahat?"
"Oo naman, kaya ka tumataba e." Turo niya sa katawan ko.
"Kahit mataba siya, cute pa 'din siya." Napangiti ako sa sinabi ni mama. "Ang ganda-ganda kaya ng anak ko." Napayakap ako sa beywang niya.
"Tita siya lang? E, ako?" Turo ni Kate sa sarili niya. "Hindi ako maganda?"
"Syempre ikaw 'din. Ang ganda-ganda kaya ng lahi niyo."
"Pangit kaya siya." Biglang sumulpot si Kyle na may hawak na hotdog nasa tinidor.
"Hoy? Sinong pangit?" taas kilay na tanong ni Kate. "Ako pangit?" Turo niya sasarili. "Haller! Hindi ako pangit. Kasing ganda ko nga si marimar e."
Sasagot sana si Kyle ng inunahan ko siya. "Wag na kayo mag away. Baka kung saan mapunta 'yang usapan na 'yan."
"Bahala kayo, baka kayo mag katuluyan niyan," natatawang sabi ni mama.
"Tita. Walang ganiyanan,” sabay sabi nilang dalawa. Sabay kaming tumawa ni mama.
***
Katatapos lang ng class namin at patungo kami ng cafeteria. Okay naman ‘yong first class, kahit papaano magaling magturo si Professor FeFe.
Pagkarating ng cafeteria nag order kami at kumain. Tahimik lang ako habang silang tatlo nag tatawanan. Wala akong gana makipag kwentohan o makitawa, hindi ko maintindihan ang sarili ko pero ang bigat nanaman ng pakiramdam ko.
Bumuntong-hininga ako at tumayo. "Mauna muna ako sa inyo."
"Saan ka pupunta?" takang tanong nila.
"Mag papahangin, wag kayo mag-alala babalik ka agad ako." Hindi kuna hinintay ang sasabihin nila at lumabas na ng cafeteria. Nag hanap ako na pwedeng tambayan hanggang sa may nahanap akong magandang pwesto kung saan medyo malayo sa mga tao.
Umupo ako sa isang bench malapit sa ilalim ng puno at nilabas sa bag ko ang sketch pad at lapis. Tiningnan ko ang tanawin sa harap ko. Pinagmasdan ko ito ng mabuti at pinag aralan. Balak ko kasi i sketch ang nakikita ko ngayon ng malibang ako kahit papaano.
Kapag may problema o 'di kaya hindi maganda ang mood ko, ang pag dradrawing ang ginagawa ko para sumaya o umayos ang pakiramdam ko.
Sinimulan ko iguhit ang tanawin nakikita ko. Para sa akin kapag ginuguhit mo ang isang bagay ay dapat saulado ng utak mo ang detalye ng bawa't larawan. Para madali mo itong ma I transfer sa papel.
Parang nag priprint kalang ganon. Kaso ang nag sisilbing computer ay ang imahinasyion mo at ang printer ay ang kamay mo at ang hawak mong lapis.
"Marunong kang mag drawing?" Natigil ako sa pag guguhit, nilingon ang nag tanong. Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ang drawing ko. "Ang ganda naman niyan."
Siya 'yong lalaking nakita 'kong umiiyak kahapon. Anong ginagawa niya dito? At bakit niya ako kinakausap? "A-Ako ba kinakausap mo?" nauutal na tanong ko.
"May katabi kapa ba?"
"Wala."
"Ibig sabihin ikaw ang kausap ko." Ngumiti siya. Napatulala tuloy ako sa ngiti niya dahil ang gwapo at cute. "B-Bakit?" tanong niya.
Umiling ako at iniwas ang tingin ko. Pinagpatuloy ko nalang ang paguguhit at hindi siya pinansin. Bakit niya ba ako kinakausap? E, hindi niya naman ako kaibigan o ka kilala.
"About pala kahapon." Hindi ko siya nilingon. "I-Ikaw ba 'yong nakita ko sa music building?"
Natigilan ako. Paano kung kaya niya ako kinakausap ay dahil galit siya, dahil na istorbo ko siya. "H-Ha? K-Kailan? Hindi ko alam sinasabi mo," tanggi ko at tumingin sa 'kaniya.
Nalungkot bigla ang mukha niya. "Ah… gano'n ba."
Nagtaka tuloy ako sa reaction niya. Bigla-bigla nalang siya nalungkot, wala naman akong nasabing masama.
Ngumiti siya ng pilit. "Uhm…marunong kaba mag piano?"
"H-Ha?" gulat na tanong ko. Sino hindi magugulat? E, bigla-bigla nalang siyang nagtatanong ng ganiyan ng walang dahilan. "A-Ako marunong mag piano?" Tumango siya. "Hindi ko alam." Sa totoo niyan marunong akong mag piano pero hindi ko alam kung paano ako natuto.
"I see," yon lang ang sinabi niya at tumingin sa malayo.
Hindi ko maiwasan hindi pagmasdan sa malipatan ang mukha niya. Matangos ang ilong, maganda ang kutis, at gwapo siya tingnan kahit saang anggulo. Pero nag tataka pa 'din ako kung bakit tuwing nakikita ko siya napakabigat at parang naiilang ako ng hindi ko alam kung bakit o anong dahilan.
"B-Bakit mo pala natanong?" tanong ko.
Bumuntong-hininga siya. "Wala lang, na curious lang ako sayo," sagot niya nang hindi ako tinitingnan.
Bakit naman siya ma curious sakin? Hays. Hindi ko siya maintindihan. Nag dra-drawing ako dito tapos bigla niya nalang ako kakausapin. Nakaka istorbo.
Tiningnan ko ang ginuguhit ko at wala pa ako sa kalahati.
"Alam mo bang may kakilala akong magaling sa arts at music," biglang aniya at tiningnan ako. "Parehong pareho kayong dalawa," dagdag niya.
"Kami?" takang tanong ko.
Tumango siya. "Kaso matagal na siyang patay."
"Bakit siya namatay?"
Hindi niya ako sinagot at tumingin sa malayo. "Ang ganda at ang sarap ng hangin dito," pang iiba niya.
"Oo nga e, kaya dito ako nag drawing."
"Na istorbo ba kita?" tanong niya.
Umiling ako. "Hindi," pag sisinungaling ko.
"Kung naistorbo ko ang ginagawa mo. Sorry ha."
"Okay lang," ngumiti ako.
"Ang ganda ng sketch mo kahit hindi pa tapos."
"Talaga?" Tinginan ko ang ginuguhit ko at binaling ulit ang tingin sa 'kaniya. "Salamat." Ngumiti ako.
Gumanti 'din siya ng ngiti. "You know what? Nang nakita kitang lumabas ng cafeteria bigla nalang kitang sinundan.”
"Bakit naman?" Hindi niya ako sinagot at ngumiti lang siya.
"Justin!"
Sabay kaming napalingon sa sumigaw. Hingal na hingal siyang lumapit sa 'min. "B-Bakit ang tagal mo?"
"Nag usap lang kami."
Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mata. "Ikaw nanaman? Dora na mukhang bunny?!"
"Ano kamo?"
"Tsk. Bakit ka nakipag usap diyan?" Binaling niya ang tingin sa lalaking kausap ko kanina. "Alam mo bang nanakit 'yan?"
"Dapat lang 'yon sayo," bulong ko at halatang narinig niya dahil napatingin ka agad siya sa 'kin.
"Alam mo bang nag karoon ng pasa ang tiyan ko ha? Pinagalitan pa ako ni yayo dahil akala niya nakipag away ako. At hindi rin ako medyo makalakad ng tuwid ka gabi dahil sa ginawa mo!"
"E, kasalanan mo 'yon. Kinurot mo ang pisngi ko. Mas masakit pa nga 'yon sa sikmurang ginawa ko."
"Pero hindi mo pa 'din ako dapat sinikmuraan!"
"Hindi ko 'yon gagawin sayo kung hindi mo kinurot ang pisngi ko!"
Naramdaman kung palipat-lipat ng tingin ang kaibigan niya. "Uhm. Pwede bang wag kayo mag away?"
"Siya kasi e!" Sabay naming tinuro ang isa't isa. "Anong ako?! Ikaw!"
Pumagitna ang kaibigan niya sa 'min. "Wag na kayo mag away. Please?"
"Tara na nga Justin. Tisewb ang babaeng to."
Ano daw Tisewb? Ano ibig sabihin no'n? At saan lumapalop niya 'yon narinig? May saltik yata to.
Ang sama-sama ng tingin niya sa akin at parang gusto kumain ng buhay na tao.
"Don't mind him. Ako na ang humihingi ng sorry sa ginawa niya," paumanhin ng lalaking nakita kong umiiyak kahapon. "Ganiyan lang talaga siya."
"Teka? Bakit ka humihingi ng sorry? Sino ba siya sa inaakala niya?"
Hindi siya sinagot ng kaibigan niya. "P-Pwede ko ba malaman ang pangalan mo?"
"S-Sai." Hindi ko maintindihan, pero tuwing nababanggit ko ang pangalan ko ay hindi ako kumportable, parang may hinding tama na hindi ko mapaliwanag kung ano.
Ngumiti siya. "Ako pala si Justin," nilahad niya ang kamay niya sa harap ko.
Tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti. "Nice to meet you Justin."
"Mag lalandian na nga lang sa harap ko pa," bulong ni Scart nang kina init ng ulo ko. Bwesit talaga ang lalaking to kahit kailan.
"Sige una na kami," paalam ni Justin at binitiwan ang kamay ko. "Scart mag sorry ka sa 'kaniya." Bulong niya sa kaibigan.
"Ano Sorry?" hindi makapaniwalang tanong niya at tumingin sa 'kin. "Bakit ako mag sorry sa DorBun?"
"Ano sabi mo?"
"DorBun," pang-uulit niya. "Pandak ka at kamukha mo si Dora. Hindi nga lang maikli ang buhok mo, pero ikaw na ikaw."
"Talagang ng iinsulto ka." Akma ko siyang susuntukin nang napatingin ako kay Justin. Kumalma ako at tiningnan ng masama si Scart.
"Tara na nga Justin," yaya niya at tumalikod at nag lakad papalayo.
"Sige una na kami," paalam niya, ngumiti ako at kumaway sa 'kaniya.
Bumuntong-hininga ako at umupo sa bench, tiningnan ko ang ginuguhit ko.
Chapter Nine: ConfusingKakababa ko lang sa taxi at meron akong dala-dalang heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip kung dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan kung binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama.Nag inhale at exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.Binuksan ko ang pinto. Nang tuluyan ko itong mabuksan bumungad sa 'kin ang mukha ni mama.
Chapter Eight: What if? "Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko. Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama. "Kakarating ko lang po, bakit po?" Base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "Pinag-usapan?” Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago s
Chapter Seven: Look a Like? JUSTIN'S POV.Kakarating lang namin ng sa bahay ni Scart. Dito kami gagawa ng research para sa monday. "Ang ganda pa 'din ni tita Yerah," nakangiting sabi ni Druce pagka-upo. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays... nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang siniko ni Peter.
Chapter Six: Daughter? Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop. Nag hahanap kasi ako ng trabaho na pwede pasukan. Ayo kung umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko ‘din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko. Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila. Nag scroll ulit ako at may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider
Chapter Five: PalmBumalik ako ng classroom at nadatnan kung nagsisilabasan na ang mga kaklase ko at mukhang katatapos lang ng klase.Hinanap ko sina Kate. Nakita kung palabas na sila. Napatingin sila sa 'kin at lumapit. "Bakit ngayon ka lang? Saan kaba nag punta?" tanong nila."Nag pahangin," sagot ko."Alam mo bang katatapos lang ng quiz?" Nanlaki ang mata ko. "Ano nag quiz ang prof?" gulat na tanong ko. "Oo, bakit wala ka?”Hala. Paano ‘yan? Unang araw ng klase
Chapter Four: Adik na mukhang Fox. "Ito na ba 'yong room nila?" Turo ko sa room nasa harap ko. Dito sa labas kitang-kita muna ang mga estudiyante sa loob na nag babasa ng libro. "Pupuntahan mo siya sa loob?" tanong ni Kate. Tumango ako. "Kailangan niyang mag sorry, isa pa ang sakit parin kaya ng sugat ko." "Bakla, palagpasin mo nalang sila. Malalagot tayo kay Scart pag inaway mo siya," pananakot ni MJ. "Hindi ka ba na tatakot sa 'kaniya?" tanong nila. "Bakit ako matatakot e, pareho lang kaming tao diba? Bakit ako matatakot sa 'kaniya?"