I Remember You

I Remember You

last updateLast Updated : 2020-10-05
By:  CyLiliOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
10Chapters
51views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

She has a life happy and simple. She has a loving mom and a caring dad. But one day his life will be chaotic and change because of the people around him. Who are those people? And what is their role in his life? Just know or more?

View More

Chapter 1

Prologue

Prologue:

Tumakbo ako hinabol si manong na nag bebenta ng ice cream.

"Manong sandali!" sigaw ko. Pero sadiyang bingi si manong hindi niya pa 'din ako nililingon at patuloy lang sa paglakad. "Manong sandali sabi!"

Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa na abutan siya. Laking pasasalamat ko ng nilingon niya ako. "Manong naman e, kanina pa ako tawag ng tawag sayo."

"Patawad hija, meron kasi akong deperensiya sa tenga. Bibili kaba?"

Tumango ako at ngumiti. "Opo."

"Anong flavor?" tanong nito. "Meron ako ditong tsokolate, strawberry at saka mango."

"Silang tatlo po tig-iisa," nakangiting sagot ko at kumuha ng pera sa bulsa. Habang kinakapa ko ang bulsa ko biglang umikot ang paningin ko dahilan ng napahawak ako sa ulo ko. Dahan-dahan akong napa-upo sa sahig at napapikit.

"Hija? Ayos kalang ba?" tanong ni manong.

Hindi ko siya magawang sagutin dahil unti-unting sumasakit ang ulo ko. "Ahh!" napasigaw ako sa sakit.

"Hija?" Hindi ko pa rin siya sinasagot.

"Ahhh!" napasigaw ulit ako dahil sobrang sakit na talaga ng ulo ko.

"Sai?!" Hindi ko magawang lingonin ang tumawag sa 'kin dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko. Hanggang sa naramdaman ko siya sa tabi ko. "Okay kalang ba? Hoy tingnan moko." Hindi ko siya magawang tingan. Nanatili lang akong nakapikit, nakayuko at parang baliw nakahawak sa ulo ko. "Manong ano ngyari?" tanong niya sa nag titinda ng ice cream.

"Bigla nalang siyang natumba at nagsisigaw," sagot ni manong.

Naramdaman kung hinawakan niya ako sa balikat at pilit na pinapa angat ang tingin ko sa 'kaniya. "Tumingin ka sa 'kin. Ano ang nararamdaman mo?"

Nagsimula mamuo ang luha sa mga mata ko. Sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Hindi kuna marinig ang mga ingay sa paligid at dumidilim ang paningin ko.

May kung anong tinig akong naririnig na ako lamang ang nakakarinig. Napatulala ako dahil sa ala-alang pumasok sa isip ko.  Hanggang sa aking napagtanto kung anong ala-ala iyon.

“A-Ako si..."

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters
No Comments
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status