Home / All / I Remember You / Chapter One: Weird Feelings

Share

Chapter One: Weird Feelings

Author: CyLili
last update publish date: 2020-10-05 13:08:28

Chapter One: Weird feelings

Masaya naming pinag masdan na mag-kakaibigan ang pangarap naming eskwelahan. Hindi pa 'din ako makapaniwala na nakapasa ako at nakapasok dito. Na alala ko noong nasa high school pa lamang ako, lagi ko itong nakikita sa diyaryo at telebesiyon.

Lagi ko 'din itong bukang bibig sa mga kaklase ko ang school na ito.

"Ito naba talaga 'yon?" tanong ni Kate. "Grabi ang ganda at ang laki pa pala sa inaasahan ko."

"Dito mag sisimula ang future natin," nakangiting sabi ko at nilingon silang dalawa. "Ano? Tara?" nakangiting yaya ko.

Tumango sila at ngumiti. "Tara."

Habang nag lalakad hindi ko maiwasan hindi igala ang paningin ko sa paligid. Maraming estudiyante na nag lilibot tulad namin, ang iba kumukuha ng litrato at nag kwekwentohan sa ilalim ng mga puno.

"Mag picture 'din tayo." Gulat akong napalingon kay Kate ng bigla niya akong hinila sa tabi niya. "Okay. One, two, three--"

Pinutol ko ang sasabihin niya ng nagsalita ako. "Ayo ko."

"Wag ka ngang KJ." Pinitik niya ang noo ko. "Tuwing mag pipicture tayo lagi kang ganiyan."

"Malay ko bang pangit ako diyan."

"Hindi ka papangit, magtiwala ka sa kamay kung mahiwaga." Mariin akong napapikit. Hindi dahil wala akong tiwala sa kuha ni Kate, hindi lang ako sanay na iba ang may hawak ng camera. "One, two, three. Say cheese!" Ngumiti ako at kahit papaano hindi ako nakabusangot sa camera dahil lalo akong papangit pag gano'n.

"Patingin! Patingin!" Mabilis na inagaw ni Kyle ang cellphone. "Wow. Ang gwapo ko dito ah."

Inagaw ko ang cellphone sa 'kaniya at tiningnan ang kuhang litrato. Hindi naman pangit ang kuha, kahit papaano maganda ang ngiti ko dito.

"Ano maganda ba?" tanong ni Kate.

Napa-angat ako ng tingin sa 'kaniya. Binigay ko ang phone niya. "Okay na 'yan."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Sabi ko sayo e, mag tiwala ka sa kamay kong mahiwaga, kahit sino kaya nitong pagandahin, kahit litrato."

"Bago mo ipagmayabang 'yang kamay mong mahiwaga, isipin mo muna kung saang building ang course natin."

"Oo nga pala, saang building ang course natin?" tanong ni Kyle.

Bawa't courses kasi may kaniya-kaniyang building. At dahil BSBA ang kinuha naming course kailangan namin hanapin ang building ng BSBA.

"Sumunod kayo sakin." Sinenyasan niya kaming sumunod sa 'kaniya.

Habang naglalakad patungo ng building. Meron kaming nadaanan na cafeteria at basketball court. Sa hindi kalayuan sa sentro ng eskwelahan, mayroon akong napansin na malaking poster na parang limang lalaki. Hindi ko medyo makita ang mga mukha nila dahil sa liwanag ng araw, masakit kasi sa mata.

"Ito na yata 'yon. Tara mag elevetor tayo." Pumasok kami ng elevetor at pinindot ang button kung saan floor kami dadalhin.

Isa 'din ito sa nagustuhan ko dito sa school, dahil bawa't building may elevetor. Kung tamad kang umakyat ng hagdan free mong magamit ang elevetor nila. Ito 'yong school nakakaiba para sa akin.

Bumukas ang elevetor. Ginala ko ang paningin sa hallway. Nag tataka ako kung bakit walang tao. Kahit boses wala kang maririnig at sobrang tahimik talaga ng paligid.

"S-Sure kabang ito ang building natin?" tanong ko at tiningnan siya.

"Oo?" patanong niyang sagot.

"E, bakit walang tao?" tanong namin ni Kyle.

"Wait, check ko muna sa map nila. Baka nag kamali ako ng tingin."

"Bakit kasi 'di mo dinouble check? Ayan tuloy nag kamali tayo," pang-sisi ni Kyle sa 'kaniya.

"Tao lang 'din nag kakamali." Tumaas ang kilay ni Kate.

Ganiyan si Kate pag tumaas ang kilay niya lalo siyang nagiging mataray. Taas palang ng kilay niya kakabog kana talaga, at ang lakas rin makipag away niyan. Na-alala ko noong high school kami, nakipag sabunutan at nakikipag sigawan talaga siya mga chismosa sa kalye kapag naririnig niyang chinichismiss siya. Kaso may pag ka OA 'din minsan.

"Wag na nga kayo mag awa--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng meron akong narinig napakasarap na tugtug. Hindi lang judge o ang mapapatayo pati na 'din ang tenga mo.

"T-Teka lang. May sisilipin lang ako," pa-alam ko at hindi na hinintay ang sagot nila.

Habang nag lalakad ako papalakas ng papalakas ang tugtug, at sobrang sarap talaga pakinggan. Nahinto ako sa isang malaking music room. Sinilip ko kung sino ang tumutugtug. Isang lalaki lang pala, nakapikit siya at feel na feel niya ang bawat notang pinapakawalan niya. Hindi ko mapigilan hindi mapangiti habang pinag mamasdan ko ang mukha niya. Matangos ang ilong at mahaba ang pilik mata.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang biglang pumatak ang mga luha sa mga mata niya. Tumigil siya sa pag piano at yumuko, narinig ko ang mahinang paghikbi niya. Parang tumamlay ang buong sistema ng katawan ko at namuo nalang bigla ang mga luha sa mga mata ko.

Hindi ko maiintindihan at kakaiba ang nararamdaman ko, parang tinutusok ang puso ko at ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko naman siya kilala. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang nasasaktan ako.

"I want to be with you forever, not for a moment."

Parang nalambot ang tuhod ko at napa atras. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga paa ko hanggang sa may nadagil ako at gumawa nakakabinging ingay.

Napalingon ka agad ang lalaki sa akin at nanlaki ang matang pinagmasdan ako. Pinunasan niya ang mga luha niya.

"Y-Yesha?"

Hindi ko medyo narinig ang sinabi niya pero nakita ko ang pagbuka ng bibig niya. Naistatwa ako nang matagal at napatitig sa mukha niya.

Hahakbang nasana siya ng bigla akong kumaripas ng takbo.

"Yesha!"

Hindi ko pinansin ang tawag niya nang mabilis akong tumakbo at nag tago. Naramdaman kung sumunod siya sa akin, kaya sinilip ko siya ng kaunti. Palinga-linga siya at mukhang hinahanap ako.

Natigilan ako ng marealize ko ang ginawa ko. Bakit ako tumakbo? Bakit ako nagtago? Biglang pumatak ang luha sa mga mata ko at matagal bago ako naka recover.

Napag desisyonan kung lumabas sa tinataguan ko para harapin at kausapin siya. Pero pagkalabas ko wala na siya, hindi ko na siya makita.

Bigla ako nalungkot at tinanong ang sarili ko. "B-Bakit ko ba siya hinahanap? Hindi ko naman siya kilala."

"Sai!" Napalingon ka agad ako sa tumawag sa akin. "S-Saan kaba pumunta? Kanina pa kami hanap ng hanap sayo?" hingal na hingal na tanong nila sa 'kin.

"Ano... may sinilip lang," pagdadahilan ko.

"Mali 'yong building na pinuntahan natin."

Kaya pala...

Tumamlay ang mga mata ko at ngumiti ng pilit. "Tara na, baka ma late pa tayo," yaya ko at nag pangunang nag lakad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Remember You   Chapter Nine: Confusing

    Chapter Nine: ConfusingKakababa ko lang sa taxi at meron akong dala-dalang heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip kung dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan kung binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama.Nag inhale at exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.Binuksan ko ang pinto. Nang tuluyan ko itong mabuksan bumungad sa 'kin ang mukha ni mama.

  • I Remember You   Chapter Eight: What if?

    Chapter Eight: What if? "Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko. Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama. "Kakarating ko lang po, bakit po?" Base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "Pinag-usapan?” Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago s

  • I Remember You   Chapter Seven: Look a like?

    Chapter Seven: Look a Like? JUSTIN'S POV.Kakarating lang namin ng sa bahay ni Scart. Dito kami gagawa ng research para sa monday. "Ang ganda pa 'din ni tita Yerah," nakangiting sabi ni Druce pagka-upo. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays... nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang siniko ni Peter.

  • I Remember You   Chapter Six: Daughter?

    Chapter Six: Daughter? Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop. Nag hahanap kasi ako ng trabaho na pwede pasukan. Ayo kung umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko ‘din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko. Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila. Nag scroll ulit ako at may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider

  • I Remember You   Chapter Five: Palm

    Chapter Five: PalmBumalik ako ng classroom at nadatnan kung nagsisilabasan na ang mga kaklase ko at mukhang katatapos lang ng klase.Hinanap ko sina Kate. Nakita kung palabas na sila. Napatingin sila sa 'kin at lumapit. "Bakit ngayon ka lang? Saan kaba nag punta?" tanong nila."Nag pahangin," sagot ko."Alam mo bang katatapos lang ng quiz?" Nanlaki ang mata ko. "Ano nag quiz ang prof?" gulat na tanong ko. "Oo, bakit wala ka?”Hala. Paano ‘yan? Unang araw ng klase

  • I Remember You   Chapter Four: Adik na mukhang Fox

    Chapter Four: Adik na mukhang Fox. "Ito na ba 'yong room nila?" Turo ko sa room nasa harap ko. Dito sa labas kitang-kita muna ang mga estudiyante sa loob na nag babasa ng libro. "Pupuntahan mo siya sa loob?" tanong ni Kate. Tumango ako. "Kailangan niyang mag sorry, isa pa ang sakit parin kaya ng sugat ko." "Bakla, palagpasin mo nalang sila. Malalagot tayo kay Scart pag inaway mo siya," pananakot ni MJ. "Hindi ka ba na tatakot sa 'kaniya?" tanong nila. "Bakit ako matatakot e, pareho lang kaming tao diba? Bakit ako matatakot sa 'kaniya?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status