LOGINChapterTwo: Patty and DeanMonyo
Pagpasok ng classroom, napatingin sa amin ang lahat. Grabi makatingin ang mga tao dito. Tao 'din kaya kami kagaya nila.
Napako ang tingin ko sa lalaking nakangiti sa 'kin at kumindat. Kulay red ang buhok niya at mukha siyang gangster. Ano ang kinikindat-kindat nito? Umiwas nalang ako ng tingin at umupo.
"Aray!" Pagkaupo ko, hinila ng kung sino ang upuan na uupuan ko sana, kaya bumagsak ang pwet ko sa sahig. Sobrang sakit!
"Opps. Sorry." Nilingon ko ang tumawa. Ano ang kasalanan ko dito?
Tinulongan ako ni Kyle at Kate makatayo. "Okay ka lang?" tanong nilang dalawa. Tumango ako at ngumiti ng pilit.
Binaling ni Kate ang tingin sa babaeng tumawa kanina. "Hoy! Ikaw!" Dinuro siya ni Kate at tinaasan ng kilay. "Bakit mo 'yon ginawa sa best friend ko?"
"Gusto ko e," sagot niya. "Bakit may problema ka?"
"Oo may problema!" Akma siyang susugurin ni Kate ng pinigilan ko siya.
"Wag munang patulan. Please?" pakiusap ko.
"Anong wag?! E, baliw tong babaeng to e, kala mo naman kagandahan. Para sabihin ko sayo 'yang mukha mo. Chip!"
Sumama ang mukha ng babae. "What did you say?" Nagalit siya.
Ngumisi si Kate. "C... H... I... P." Lalong nag salubong ang kilay niya. "Chip. Ano dinig muna?"
"Hali ka nga dito at mag sabunutan tayo," hamon niya kay Kate.
"Sige," taas noong tinaggap ni Kate ang hamon. Ito na nga ba sinasabi ko e, basta sabunutan game na game siya.
"Hali ka." Sinenyasan siya ni Kate lumapit. "Bitiwan moko Sai, tuturuan ko ng leksiyon ang babaeng to."
"Tama na. Wag munang patulan," diin na bulong ko at umawat.
"Pigilan niyo ko guys, dahil sasampalin ko na talaga ang babaeng ito," utos ng babaeng sa mga kaibigan niya.
"Ako sasampalin mo? Sige nga sample," hamon ni Kate at tinuro ang pisngi niya.
Kita sa mukha ng babae ang gigil. "Argh!" Naiinis na talaga siya at akmang susugod kay Kate nang iniwat siya ng mga kaibigan niya.
“Jusko live videohan niyo dali!”
“Videohan niyo!”
“Pigilan niyo nga sila!”
“Ang saya kaya live na sabongan.”
Kainis namang mga kaklaseng to! Sus! Ginoo. Talagang tuwang-tuwa silang nakikitang nagkakagulo dito? College na kaya kami hindi high school o grade school.
"Ano? Takot ka?" sarkistong tanong ni Kate. "Wag na wag kang mag kakamaling idapo ang kamay mo sa malambot at makinis kung pisngi."
"Akala mo matatakot mo ko ha?! Pwes hindi!"
"Gusto mo matikman ang sampal ng sampong kamay ng ariel ha?!"
Ang ingay talaga ng bibig niya kapag nakikipag away. Para siyang nanay kung manigaw. "Sige try natin." Nanlaki ang mata ko ng hinila niya ang buhok ng babae at pinagsasampal.
"Kate tama na!" sigaw namin ni Kyle at umawat.
“Go! Go!”
“Hala sige samapalin mo pa!”
“Woohoo!”
“Pigilan niyo t*nginoks naman o! Pigilan niyo!”
Sari-saring sigaw ang naririnig ko, ang iba tuwang-tuwa at ang iba hindi. Pilit kung hinihila si Kate papalayo pero ayaw mag pa awat, lalo niyang sinabunutan. Para silang manok. Feeling siguro ng dalawa nasa sabongan kami at ang mga kaklase namin ang nagsisilbing nanonood.
"Ano, kala mo ha?!"
"Masakit! Ouch! Stop!"
"Stop, ano stop?! Pagkarinig ko continue, e."
"Bruha ka! May araw ka sa 'kin!"
Lalo siyang sinabunutan ni Kate natumba silang dalawa. Nakapatong si Kate sa 'kaniya at ang pwesto nila parang nag rarambulan. Pilit kung hinihila si Kate patayo at pinag hihiwalay kaso ayaw talaga mag pa awat ng dalawa.
"Omg. Ano nangyayari dito?!"
Natigil ang lahat at lumingon sa sumigaw. Ilang beses akong kumurap at binitiwan si Kate.
"Ano ang kaguluhan na ito?!"
Lumapit siya at tiningnan ng masama si Kate at babaeng sinabunutan niya. Gulong-gulo ang buhok ng babae samantalang ang buhok ni Kate hindi medyo gumulo at agad niyang na ayos.
"Go to the Dean's Office now!" utos niya.
Tinapunan ko ng tingin si Kate at tiningnan ng makahulugang tingin. Unang araw may kaaway kana?
***
Nasa labas kami ng dean's office at hinihintay silang lumabas. Kanina pa ako palakad-lakad at kanina pa kami dito. Habang patungo nga kami dito kanina, galit na galit si professor at hindi tumigil kaka sermon sa dalawa.
“Ano nakaya ang nangyari?”
“Mukhang ma eexpell yata sila.”
“Pero Inferness ang saya ng away, kaso nga lang na abutan ng prof.”
"Hays. Bakit ba kasi nakipag sabunutan pa siya?" tanong ni Kyle "Sana hindi niya na lang pinatulan."
Tama si Kyle dapat hinayaan niya nalang, kaso hindi gano'n si Kate, maliit na away pinapalaki niya ka agad. Pero kahit gano'n siya ang swerte ko kasi naging kaibigan ko siya, alam ko naman na ang ayaw niya sa lahat ang inaaway kami ni Kyle.
"Nasaan ang kapatid ko?!" Napalingong kaming dalawa sa sumigaw.
"Nandoon sa dean's office," sagot ng lalaking kumindat kanina sa 'kin.
Akma siyang papasok ng office ng pinigilan ko siya. "Wag." Napalingon siya sa 'kin. "Hintayin nalang daw munang makalabas sila."
"Ano ba ngyari?" tanong niya. Halatang bakla siya dahil sa tono ng pananalita niya at kung paano siya kumilos.
"Nag subunutan kasi sila ng kaibigan ko," sagot ko.
"Bakit daw?"
"E, kasi uupo na sana ang kaibigan ko." Turo ni Kyle sa 'kin. "Nang hinila ng kapatid mo ang uupuan sana ng kaibigan ko."
"Hays. Ang maldita talaga ng kapatid ko." Bumuntong hininga siya. "Ako na ang humihingi ng sorry sa ginawa ng kapatid ko sayo."
"O-Okay lang."
"Wag kayong mag-alala, kakausapin ko siya pagkalabas niya." Tumango kami ni Kyle.
KATE'S POV.
"Hindi pa 'din kayo aamin kung sino ang nag simula?" tanong ng Dean sa amin. Sobrang laki ng boses niya at nakakatakot.
"Alam niyo bang college na kayo?! Hindi na kayo elementary o high school!"
"Sorry po," sabay naming paumanhin. Pareho lang kaming nakayuko at takot na tumingin sa Dean.
"Patatawagin ko ang parents niyo, papuntahin niyo sila bukas na bukas at kapag hindi niyo sila pinapunta eexpell ko kayo!"
Napa angat ako ng tingin kay Dean. "Dean, wag niyo na po ipatawag ang parents namin."
"At bakit?"
"Dean Monyo, tama po siya wag niyo napo patawagin ang mga parents namin," pakiusap ng babaeng kasabunutan ko kanina.
"Kung ayaw niyong papuntahin ang parents niyo, mag sorry kayo ngayon sa isa't isa."
"P-Po?"
"Mag sorry kayo now!" biglang sigaw niya.
"Yes, Dean," sabay naming sagot at tumingin sa isa't isa. "Sorry."
"Wag na wag niyo na uulitin?"
"Yes po."
"Kapag inulit niyo ang ginawa niyo kanina. Eexpell ko na kayo, maliwanag?"
"Yes po."
"Pwede na kayo lumabas."
Tumayo kami. "Yes, Dean Monyo." Sabay kaming tumalikod.
Lumabas kami ng Dean's Office at na abutan ko ang mga kaibigan kong may kausap.
Napatingin sila sa amin at lumapit. "Ano? Eexpell daw kayo? Paparusahan ba?" sunod-sunod nilang tanong.
"Hindi. Pinag sorry lang kami sa isa't isa." Sabay kaming napalingon sa isa't isa nang sabay kaming sumagot.
"Ginagaya mo ba ako?" tanong ko.
"Of course not," maarteng sagot niya.
"Tama na 'yan Patty," suway sa 'kaniya ng lalaking kausap kanina ng mga kaibigan ko. "Pasalamat ka at lagi kang pinagtatakpan ng mga kaklase natin." Napansin ko lang na mag kamukha sila.
"Kuya, trip lang 'yon e, kaso umepal ang iba diyan," paparinig niya.
"Ako ba'y pinariringan mo?" maarteng tanong ko. Inikotan niya ako ng mata at syempre hindi ako magpapatalo, inikotan ko 'din siya ng mata. "Gusto pa yata ng round two," bulong ko.
"Hays. Tama na 'yan," suway ni Sai. "Gusto niyo bang ma expell ha?" Hindi kami sumagot.
"Mag sorry ka sa pinag tripan mo kanina, at sa inaway mo," utos sa 'kaniya ng Kuya niya.
"What kuya, are you serious?!" hindi makapaniwalang tanong niya. “No kuya. I already say sorry at hindi kuna ‘yon uulitin."
"Mag sorry ka." Pinandilatan siya ng mata ng kuya niya.
Tininginan niya ako kaya ngumiti ako ng mayabang. O, ano ka ngayon? "Argh! I hate them!" inis na sigaw niya.
Padabog siya pumunta sa harap ko. "Sorry," akala ko ako na ang hinihingian niya ng sorry pero bigla siyang humarap kay Sai at yumuko.
"What the?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
Ningisihan niya ako at maarteng pina ikot ang buhok niya. "Ayo 'ko mag sorry sa chip na kagaya mo. Duh!" Maarte niya akong tinalikuran at pa kembot-kembot na nag lakad papalayo.
"Hoy! Hindi ako chip. Ikaw ang chip. Duh!" pahabol na sabi ko.
"Pasensiyahan niyo na kapatid ko," paumanhin ng kuya niya sa amin. "May pag ka maldita at spoiled brat siya."
"Pansin ko lang mag kamukha kayo." Totoo 'yong mukha nila magkapareho kaso boy version lang siya. Gwapo siya at parang artista, pero base sa kilos niya malalaman mo na bakla siya.
Sayang, medyo type ko pa naman siya.
"Kambal ko kasi 'yon," sagot niya.
"Kambal?!" gulat na tanong namin. "E, bakit kuya ang tawag sayo?"
"E, ako ang na una sa 'kaniya. Isa pa gusto niyang kuya ang tinatawag niya sa 'kin para mag mukha siyang bunso," paliwanag niya.
"Kainis ang kapatid mo ah, naiinis ako at nangigil sa 'kaniya," nangigil na sabi ko.
"Sorry talaga sa ginawa niya sayo, wala lang talaga magawa 'yan sa buhay."
"Okay lang MJ," ngumiti si Sai.
Nilingon ko si Sai. "Anong okay? Okay lang sayo na ginanon ka niya? Alam mo bang ang sakit bumagsak ha?!" inis na tanong ko.
"Kate, hayaan mo na, pag inulit niya ang ginawa niya sa akin, lagot na talaga siya. Ako na mismo ang sasabunot at sasampal sa 'kaniya.
"Hindi ako magagalit." Sabay kaming napatingin sa kambal niya. "Deserve niyang sabunutan. Kahit kakambal ko siya hindi ko siya kinukunsinti, kapag pinakita mong takot ka sa 'kaniya lagi ka talaga niyang ibubully."
"Hindi ba siya aware na college na siya?" tanong ko.
"Ewan," sagot niya.
"Mamaya na kayo mag usap," Umepal sa usapan si Kyle. "Kasi magsisimula na ang class. Tingnan niyo ang mga kaklase natin, nag si takbuhan papasok ng room."
"Hala. Oo nga, tara na." Kumaripas kami nang takbo papasok ng room. Hingal na hingal kaming huminto nang napatingin ang professor sa 'min.
"Bakit ngayon lang kayo?"
"Sorry prof. Pinatawag ulit kami ni Dean," pagdadahilan namin.
"Okay, sitdown." Sinenyasan niya kaming ma upo.
Napatingin pa sa 'kin ang babaeng kaaway ko kanina at inikotan ako ng mata. Hindi ko siya pinansin at tinuon kay Prof. ang tingin.
"Sa dalawang nag away kanina, kamusta? Sinigawan ba kayo ni Dean Monyo?" tanong ng prof. Hindi kami sumagot at umiwas ng tingin. "Ayaw kuna ulit na may nag sasabunutan dito. My god you getting to my beauty face."
Pasimple akong tumawa at mukhang hindi niya naman na pansin.
"At kong mag sasabunutan kayo, doon kayo sa labas ng gate mag sabunutan. Kahit mag rambol pa kayo sa kalsada, free na free at walang magagalit. Kaso mapapahiya nga lang kayo," ngiti niya pa.
Bwesit 'din itong professor e, kanina lakas ng boses kakasigaw sa 'min. Kala mo naman siya 'yong Dean. Tsk! Kainis na professor.
"I'm Professor Fernando Monyo."
Nanlaki ang mata ko. Ano? Monyo? So makapatid sila ni Dean? Hindi nga?
"Kung iniisip niyo na kapatid ko siya. Actually... no." Mabuti naman at hindi kayo magkapatid dahil hindi talaga kayo mukhang magkapatid.
"Mag ka apelyedo lang kami. By the way, sobrang haba kung tatawagin niyo akong Professor Fernando. Kaya tawagin niyo nalang akong Professor FeFe for short."
"Yes, Prof. FeFe," sagot naming lahat.
"Okay, before we discuss are topic today. I want to ask 'kong bakit pinili niyong mag aral dito?" Palakad lakad siya at tinuro ang sa likod ko. "Fly!" sigaw niya.
Ano daw? Fly? Saang lupalop o kalawakan kinuha ni Professor 'yon?
"Prof? W-Wala po akong pakpak." Napakunot ng noo ang lalaking sa likod ko.
"Fly means stand up." Ang layo professor ah, sobrang layo umabot yata ng jolo o 'di kaya end of universe.
Tumayo ang laki at napahiyang tumingin kay Prof. "C-Can you repeat the question, prof?" nauutal na tanong niya.
"Repeat?!" hindi makapaniwalang sigaw ni Prof. "Bingi kaba? Answer my question now!"
Grabi naman makasigaw 'to. Sobra pa sa pinasabog na kanyon ng mga hapon.
"Dahil mababait ang teacher dito." Diniinan niya ang salitang mabait. Tatawa na sana ako ng malakas, nang siniko ako ni Sai.
Naurong ang tawa ko kaya tiningnan ko ang mukha ni prof na mukhang natamaan ng ikinatigil niya. "O-Okay, landing."
"HAHA!" Napatingin kami kay Kyle nang tumawa siya ng malakas. Tiningnan namin siya ni Sai ng makahulugang tingin at mukhang nakuha niya ka agad. Dahan-dahan siyang tumingin kay Prof. at ngumiti. "Hello po," bati niya.
Binaling ko ang tingin kay Prof. At hindi ako nagkakamali nakatingin na ito sa 'kaniya at mukhang hindi nagustuhan ni Prof ang ginawa niya. Lagot ka Kyle.
Chapter Nine: ConfusingKakababa ko lang sa taxi at meron akong dala-dalang heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip kung dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan kung binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama.Nag inhale at exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.Binuksan ko ang pinto. Nang tuluyan ko itong mabuksan bumungad sa 'kin ang mukha ni mama.
Chapter Eight: What if? "Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko. Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama. "Kakarating ko lang po, bakit po?" Base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "Pinag-usapan?” Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago s
Chapter Seven: Look a Like? JUSTIN'S POV.Kakarating lang namin ng sa bahay ni Scart. Dito kami gagawa ng research para sa monday. "Ang ganda pa 'din ni tita Yerah," nakangiting sabi ni Druce pagka-upo. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays... nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang siniko ni Peter.
Chapter Six: Daughter? Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop. Nag hahanap kasi ako ng trabaho na pwede pasukan. Ayo kung umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko ‘din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko. Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila. Nag scroll ulit ako at may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider
Chapter Five: PalmBumalik ako ng classroom at nadatnan kung nagsisilabasan na ang mga kaklase ko at mukhang katatapos lang ng klase.Hinanap ko sina Kate. Nakita kung palabas na sila. Napatingin sila sa 'kin at lumapit. "Bakit ngayon ka lang? Saan kaba nag punta?" tanong nila."Nag pahangin," sagot ko."Alam mo bang katatapos lang ng quiz?" Nanlaki ang mata ko. "Ano nag quiz ang prof?" gulat na tanong ko. "Oo, bakit wala ka?”Hala. Paano ‘yan? Unang araw ng klase
Chapter Four: Adik na mukhang Fox. "Ito na ba 'yong room nila?" Turo ko sa room nasa harap ko. Dito sa labas kitang-kita muna ang mga estudiyante sa loob na nag babasa ng libro. "Pupuntahan mo siya sa loob?" tanong ni Kate. Tumango ako. "Kailangan niyang mag sorry, isa pa ang sakit parin kaya ng sugat ko." "Bakla, palagpasin mo nalang sila. Malalagot tayo kay Scart pag inaway mo siya," pananakot ni MJ. "Hindi ka ba na tatakot sa 'kaniya?" tanong nila. "Bakit ako matatakot e, pareho lang kaming tao diba? Bakit ako matatakot sa 'kaniya?"