Home / All / I Remember You / Chapter Three: Five Star

Share

Chapter Three: Five Star

Author: CyLili
last update publish date: 2020-10-05 13:10:25

Chapter Three: Five Star

SAI'S POV.

Si Kyle 'yong tumawa pero ako ang kinakabahan sa ginawa niya. Paano nalang kung pagalitan siya ng professor? Tapos i drop out siya? Nakakabastos kaya 'yong bigla siyang tumawa sa gitna ng class.

"Fly!" Agad siyang napatayo. "Our topic today is about Financial Management. So what is Financial Management?"

"Financial management po?" nauutal na tanong niya. Napatingin siya at akin at mukhang humihingi ng tulong.

Akmang bubuka ang bibig ko ng biglang napatingin si Prof sa gawi ko. Ngumiti ako at nag peace sign.

"Kaya mo 'yan Kyle," bulong namin sa 'kaniya.

"Financial management?" Nangangapa talaga siya ng sagot.

"Yes! Financial management--"

"Financial management is our topic today," mabilis na sagot niya ng ikanatawa ng lahat. Sabay kaming napasapo sa noo ng mga kaibigan niya at napahiyang umiwas ng tingin.

"Ha?!" hindi makapaniwalang singhal ni Prof. "Hindi ka naman siguro comedian, right?" sarkistong tanong sa 'kaniya.

"S-Sorry prof, hindi ko alam ang sagot." Napahiya siyang yumuko.

"Well. Dahil tiningnan mo kanina ang kaibigan mong babae, siya nalang sasalo sayo." Tinapunan niya ako ng tingin.

Natigilan ako at tinuro ang sarili ko.

"Yes, ikaw." Lumawak ang ngiti sa labi niya. "Miss Sumon, stand up."

Kumunot ang noo ko at napatingin sa mga kaklase kung nakatingin na 'din sa akin. Bad trip naman! Bakit ako? Ang dami kayang estudiyante sa loob. Ako lang ba ang nakikita niya?

Tumayo ako at bumuntong-hininga. "Financial management means. Planing, organizing, directing and controling financial activities, such a procurement and ultizization of funds of enterprise. it means applying general management. principles of financial resources of enterprise. " sagot ko.

Madali lang para sa akin ang tanong niya. Napag aralan ko na ito high school palang, mahilig kasi ako mag basa ng kung ano-anong books. Kaya minsan na papadpad ako sa mga topic ng college at iba pa.

"Good, landing."

Umupo ako at nakahinga ng maluwag. Kahit alam kuna ang sagot, kinakabahan pa 'din ako lalo na kapag biglang pinasa sa 'kin ang tanong.

"So, dahil firstday of school, hindi muna tayo mag didiscuss.”

“ Yes wohoo!”

“ Thankyou prof!”

“I love you prof!”

"Pero..." Natigilan ang lahat. "Bukas papahirapan ko ka agad kayo. Para na 'din sa inyo ito at para lalo kayo mag improve. Hindi madali ipasa ang class ko, kaya ihanda niyo ang mga sarili niyo."

“Prof naman!”

“Bakit ka ganiyan?”

“I hate you na prof!”

Napuno ng reklamo ang buong classroom. Lahat may kaniya-kaniyang sinasabi, ni hindi na nga magkaintindihan.

"Quiet!" malakas na sigaw ni Professor FeFe ng kinatahimik ng lahat. "Reklamo doon, reklamo dito, reklamo everywhere! Kayo nalang mag turo kung gusto niyo!"

"Ako na magtuturo." May naglakas loob na tumayo.

Ngumisi si Prof. "Bagsak you want?”

"Landing na nga prof." Napahiya siyang umupo at umiwas ng tingin.

"Class Dismiss!" sigaw niya at lumabas na ng room.

Pagkalabas niya doon na nag si reklamo ulit ang lahat. Hindi ko nalang sila pinansin at inayos ang mga gamit ko.

"Sa cafeteria ba kayo agad pupunta?" tanong ni MJ.

"Kapag sumama ka sa 'min, baka awayin ulit kami ng spoiled brat mong kapatid," mataray na tugon ni Kate.

Siniko ko siya at pinandilatan ng mata. "Wag muna pansinin 'yan nag mamaldita lang," sabi ko.

"Okay lang, alam ko naman ang away nila. I understand," nakangiting sabi niya.

"Sumama ka na sa 'min, mabait 'yan palamigin lang muna natin ang ulo niya," bulong ko sa 'kaniya.

Lumabas kami ng room at sabay na nag lakad patungong cafeteria. "S-Sure akong mayaman ka," pang-uusisa ni Kyle.

Nakikinig lang ako sa 'kanila habang nag hahanap ng ballpen sa bag, balak ko sanang ilista ang mga nagastos ko ngayon araw.

"Hindi naman. Owner lang ng isang mall and resort ang parents ko."

Automatic lingon kami ni Kate. "Weh? Di nga?"

Tumawa siya ng bahagya. "Totoo, wag kayo mag-alala pag may time ipapasiyal ko kayo doon, bilang pambawi sa ginawa ng kapatid ko sa inyo."

"Wala 'yan bawian?" tanong ni Kate.

"Oo naman, pag sinabi ko tutuparin ko."

Aish! Kanina ang sungit niya, tapos ngayon biglang bumait?

Hindi ko na sila pinansin at sa wakas nahanap ko 'din ang mahal kung ballpen. Hindi ko alam kung bakit sobrang importante 'to sa akin lalo na ang bracelet ko. Feeling ko kasi hindi ito pwede mawala, masira o maubusan ng tinta.

Minsan ko lang ito ginagamit dahil takot akong maubos ang tinta nito. Nasa kalahati na nga lang 'to, e.

“Sila naba ito?”

“Omy god ang pogi!”

“Si Scart!”

“Justin!”

“Peter!”

“Druce!”

“Teka, asan si Kenny?”

Natigil kami sa paglalakad at tiningnan ang pinag guguluhan. Madaming girls at boys ang nakaharang sa 'kanila at may mga dalang phone at camera. Ano ba meron? May artista ba? Nandiyan ba si Ruru Madrid at Alden Richard?

"Merong artista?" tanong ni Kyle.

"Siguro," sagot ni Kate. "Kung meron man mag pa authograp tayo."

"Hindi mga artista 'yon," sabi ni MJ. Napatingin kami sa 'kaniya. "Sina--"

"Aray!" Hindi ko narinig ang sasabihin ni MJ nang may tumulak sa 'kin kaya nadapa ako sa sahig.

"Ayos kalang?" Agad ako tinulungan ng mga kaibigan ko tumayo.

Pinagpagan ko ang suot ko at tiningnan ulit ang mga pinagugulahan na dumaan sa 'min bago lang.

Pilit kung tinitingnan ang mukha nila kaso hindi ko makita dahil medyo nakalayo na sila at medyo kinulang ako sa height. Oo aaminin ko medyo kinulang. Medyo lang.

Pero laking gulat ko nang may tumalak ulit sa 'kin dahilan ng nabitawan ko ang ballpen na hawak ko. "Ang ballpen ko!"

Nag pagulong gulong sa damohan ang ballpen ko, kaya hinabol ko ito. Iniiwasan ko mapag guluhan dahil ang dami-daming tao talaga ang nag sisi takbuhan.

"Excuse me po. Excuse me."

“Ano ba ‘yan miss?”

“Wag kang umagaw ng pwesto!”

Hindi ko nalang sila pinansin at nagtuloy kakalusot sa 'kanila. Laking tulong na 'din ng height ko dahil nakakalusot ako sa mga matatangkad.

Hanggang sa nahanap ko ang ballpen ko na malapit sa paa ng lalaking nakasapatos. Kukunin kuna sana ng sinipa niya ito papalayo.

Napa angat ako ng tingin para tingnan ang mukha ng lalaki, pero hindi ko ito makita dahil sa sikat ng araw. Kaya napagdesisyonan kong tumayo para makita ang mukha niya.

"Hoy! Hoy--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang tinulak niya ako.

"Tumabi ka nga diyan! Harang ka e!"

Ang sakit-sakit tuloy! Tiningnan ko ulit ang lalaking tumulak sa akin, kaso nakatalikod na ito at nag lakad papalayo. "Kainis!"

"Sai!" Nilapitan nila ako at tinulongan makatayo ulit. "Okay ka lang? May sugat kaba?" sunod-sunod na tanong nila.

Tiningnan ko ang siko ko at dumudugo. "Hindi naman masakit."

"Pumunta tayo ng clinic," nag alalang sabi ni MJ.

Umiling iling ako. "Ayo ko."

"Anong ayaw?" Tinaasan ako ng kilay ni Kate at hinawakan ang siko ko. "Ang laki ng sugat at dumudugo."

"Hindi naman-- aray!" Pinitik niya ang sugat ko.

"Ano? Masakit?"

"Malamang! Pinitik mo e!" inis na sagot ko.

"Dadalhin kanamin sa clinic sa ayaw at sa gusto mo." Hinila nila ako. Nag pupumiglas ako pero tatlo silang humila sa 'kin kaya wala na akong takas.

Hindi ako magkakasugat kung hindi dahil sa mga lalaking pinag guguluhan kanina. Humanda siya mamaya sa kin. Pag nakita ko ulit siya papakainin ko siya ng ballpen ko.

***

"Sino ba kasi ang pinag guguluhan kanina?"

Nasa cafeteria kami at kumakain katatapos lang 'din gamotin ang sugat ko at umiyak talaga ako dahil sa injection. May bubog kasing naligaw sa sugat ko, hindi ko napansin may basag na bote malapit sa nabagsakan ko.

"Sila ang star ng school, parang artista ganon," sagot ni MJ.

"Artista? Bakit gwapo ba sila?" tanong ko.

"Nako, ang gwapo-gwapo nila, kapag nakita mo silang lima, sure akong maglalaway ka."

"Tsk. Wala akong pakealam sa mukha nila, hindi dapat nila tinapakan ang ballpen ng iba at higit sa lahat hindi nanunulak ng ganon-ganon lang."

"Hindi ka siguro nakita kaya natulak ka."

"Anong hindi nakita? E, ang lapit lapit ko nga sa 'kaniya. Ano siya bulag?"

"Uminom kana kasi ng vitamins ng maging kasing taas mo ako, ng madali kang makita," tugon ni Kate sabay tawa.

"Kahit na hindi ako medyo katangkaran, dapat tumitingin sila sa dinadaanan nila. Tingnan niyo tuloy ang siko ko." Tinuro ko ang sugat na meron ako. "Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa 'kaniya."

"Ang laugh trip ng iyak mo kanina," pang aasar ni Kate at MJ.

"Ang cute kaya ng iyak niya," sabi ni Kyle.

Nahiya tuloy ako sa nurse dahil ang laki-laki kuna takot pa 'din ako sa injection. Ang sakit-sakit kasi, parang kagat ng langgam.

Kumain nalang ako ng pasta at hindi sila pinansin.

"Pwede mo ba kaming kwentohan, tungkol sa lalaking pinagkaguluhan kanina?" tanong ni Kate.

"Tsk. Wag na!" inis na singhal ko.

"Wag mo 'yan pansinin, kami nalang kwentohan mo," dinig kung bulong ni Kate.

"Okay." Tumango si MJ at uminom muna ng juice bago nag salita. "Ang mga lalaking 'yon ang limang star ng school. Tinitingala at hinahanggan ng lahat ang limang lalaki 'yon," panimula niya.

"Bakit diyos ba sila?" inis na bulong ko.

"Matatangkad, gwapo at crush sila ng lahat, sa lahat ng school na nandito sa pilipinas, kilala ang mga lalaking 'yon," pagpatuloy niya.

"Sino-sino ba sila?" tanong ng dalawa.

"Simulan natin kay Peter Gave, siya ay isa sa mga hinahanggan ng lahat dahil sa taglay niyang talino. Sabi nga ng iba tingin niya palang nakaka mental block na."

Tingin palang nakaka mental block na? Ibang klase...

"Nakalaban ko siya sa quiz bee noong nasa grade school kami, noong tiningnan niya nga ako na mental block ka agad ako. Kaya natalo ako."

"Grabi naman, nakakabilib."

"Nakalabilib ang bawa't katangi-an ng mga lalaking 'yon."

"E, 'yong iba?" tanong ko.

"Interesado…" pag paparinig nilang dalawa.

"Hindi ah!" tanggi ko.

"Okay, continue. Si Druce Jampero ang may sense of humor sa grupo, medyo mabait siya, at gwapo. Habulin 'din siya ng girls, kaso playboy."

"Ay, okay na sana e, kaso play boy,"  nanghihinayang na sabi ni Kate.

"Take note matalino siya pagdating sa math, walang problems ang hindi niya na sosolve. Sabi nga niya pati problema mo sa lovelife kaya niyang isolve."

"Talaga? Nakakabilib naman siya," sabi ni Kate at Kyle.

"Ito pa ang isa, ang pinaka pogi at pinaka mabait sa lima, si Justin Villia. Magaling siya sa larangan ng musika, walang intrumento ang hindi niya alam patugtugin. Maganda 'din ang taste niya sa music at ang boses niya nakaka inlove talaga. Naging judge nga siya sa singing contest sa ibang school. Pero ang balita-balita meron daw siyang balat sa pwet," bulong ni MJ at sabay silang natawa ni Kate at Kyle.

Hindi ko magawang makitawa sa 'kanila dahil no'ng marinig ko ang pangalan niya parang may kakaiba akong naramdaman. Feeling ko narinig kuna ng paulit-ulit ang pangalan niya at kilala kuna siya dati kaso hindi ko ma-alala kong saan.

"Ito naman si Kenny Melistone, magaling siya sa larangan ng sining."

"Talaga?" Bigla akong natuwa noong narinig ko ang pangalan niya. Siguro dahil na 'din pareho kaming mahilig sa sining. Bata palang kasi ako mahilig na akong mag drawing, at mag painting.

Ngumiti siya at tumango. "Lahat ng gawa niya ang gaganda. Kakaiba ang gawa niya pero may kaniya-kaniyang kahulugan."

"Pareho pala sila ni Sai." Sinulyapan ako ni Kate. "Magaling 'yan mag paint lalo na mag sketch."

"Ang paintings kasi na gawa ng mga pintor ay may kaniya-kaniyang kahulugan. Lalo na pag inspired ito sa isang tao o bagay. May na kapag sabi sa 'kin na ang bawa't paintings na gawa mo ay buhay na 'din ng pinturang ginamit mo," nakangiting sabi ko.

Hindi ko ma-alala 'kong sino ang nakapag sabi sa 'kin 'yan, bigla lang kasi pumasok sa isip ko ang mga katagang binitiwan ko.

"Ang lalim naman ng meaning ng sinabi mo."

Ngiti lang ang ganinanti ko.

"So ito na nga, 'yong pinaka leader sa 'kanilang lima. Si Scart Ville, astig siya mahilig mag suot ng hikaw at masama kung tumingin. Ang sabi nga nila kakaiba ang mga mata niya, tinatawag na Scary Eye 'Yong tipong isa tingin niya palang matatakot kana talaga."

"Scary Eye? Anong klaseng mata 'yan, meron ba niyan?" natatawang tanong ko.

"Pag nakita natin sila mamaya, titigan mo ng mabuti ang mata niya."

"Sandali lang ha," biglang nagsalita si Kate. Taka namin siya tiningnan.

"Bakit?" takang tanong ko.

"May hikaw, cool at gwapo ba?" tanong niya ka'y MJ.

Tumango si MJ. "Oo, bakit?"

"E, yong mokong na yon ang tumulak kay Sai, e."

"Ano?!" gulat na tanong ko. "Siya yong tumulak sa akin?" pang-uulit ko.

"Oo siya, kitang-kita ng magaganda kung mata," sagot niya. "Wag kang mag-alala ipaghihiganti kita sa 'kaniya. Sisiguroduhin kung mawawalan siya ng mata."

Lahat ng pagkahanga ko sa lalaking 'yon nawala nalang na parang bula. "So siya pala. Humanda siya sa 'kin."

"Anong gagawin mo?" tanong nila.

"Syempre ano pa? Edi pupuntahan. Ang sakit kaya ng ginawa niya. Bakit kailangan niyang manulak kung pwedeng makiusap diba?"

"Talagang pupuntahan mo siya?"

"Kailangan niyang humingi ng sorry sa akin, ang laki kaya ng sugat ko," tinapunan ko ng tingin ang sugat ko sa siko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Remember You   Chapter Nine: Confusing

    Chapter Nine: ConfusingKakababa ko lang sa taxi at meron akong dala-dalang heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip kung dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan kung binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama.Nag inhale at exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.Binuksan ko ang pinto. Nang tuluyan ko itong mabuksan bumungad sa 'kin ang mukha ni mama.

  • I Remember You   Chapter Eight: What if?

    Chapter Eight: What if? "Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko. Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama. "Kakarating ko lang po, bakit po?" Base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "Pinag-usapan?” Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago s

  • I Remember You   Chapter Seven: Look a like?

    Chapter Seven: Look a Like? JUSTIN'S POV.Kakarating lang namin ng sa bahay ni Scart. Dito kami gagawa ng research para sa monday. "Ang ganda pa 'din ni tita Yerah," nakangiting sabi ni Druce pagka-upo. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays... nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang siniko ni Peter.

  • I Remember You   Chapter Six: Daughter?

    Chapter Six: Daughter? Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop. Nag hahanap kasi ako ng trabaho na pwede pasukan. Ayo kung umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko ‘din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko. Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila. Nag scroll ulit ako at may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider

  • I Remember You   Chapter Five: Palm

    Chapter Five: PalmBumalik ako ng classroom at nadatnan kung nagsisilabasan na ang mga kaklase ko at mukhang katatapos lang ng klase.Hinanap ko sina Kate. Nakita kung palabas na sila. Napatingin sila sa 'kin at lumapit. "Bakit ngayon ka lang? Saan kaba nag punta?" tanong nila."Nag pahangin," sagot ko."Alam mo bang katatapos lang ng quiz?" Nanlaki ang mata ko. "Ano nag quiz ang prof?" gulat na tanong ko. "Oo, bakit wala ka?”Hala. Paano ‘yan? Unang araw ng klase

  • I Remember You   Chapter Four: Adik na mukhang Fox

    Chapter Four: Adik na mukhang Fox. "Ito na ba 'yong room nila?" Turo ko sa room nasa harap ko. Dito sa labas kitang-kita muna ang mga estudiyante sa loob na nag babasa ng libro. "Pupuntahan mo siya sa loob?" tanong ni Kate. Tumango ako. "Kailangan niyang mag sorry, isa pa ang sakit parin kaya ng sugat ko." "Bakla, palagpasin mo nalang sila. Malalagot tayo kay Scart pag inaway mo siya," pananakot ni MJ. "Hindi ka ba na tatakot sa 'kaniya?" tanong nila. "Bakit ako matatakot e, pareho lang kaming tao diba? Bakit ako matatakot sa 'kaniya?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status