Home / All / I Remember You / Chapter Four: Adik na mukhang Fox

Share

Chapter Four: Adik na mukhang Fox

Author: CyLili
last update publish date: 2020-10-05 13:11:23

Chapter Four: Adik na mukhang Fox.

"Ito na ba 'yong room nila?" Turo ko sa room nasa harap ko. Dito sa labas kitang-kita muna ang mga estudiyante sa loob na nag babasa ng libro.

"Pupuntahan mo siya sa loob?" tanong ni Kate.

Tumango ako. "Kailangan niyang mag sorry, isa pa ang sakit parin kaya ng sugat ko."

"Bakla, palagpasin mo nalang sila. Malalagot tayo kay Scart pag inaway mo siya," pananakot ni MJ.

"Hindi ka ba na tatakot sa 'kaniya?" tanong nila.

"Bakit ako matatakot e, pareho lang kaming tao diba? Bakit ako matatakot sa 'kaniya?"

"Sabagay.."

Mayabang akong pumasok. Agad ko naman nakuha ang atensiyon ng lahat .

"N-Nasaan 'yong classmate niyo na nag ngangalang Scart Ville?" Pinilit ko 'wag ma utal at maging normal sa 'kanilang lahat.

Medyo nakaramdam ako ng hiya.

"Bakit niyo hinahanap?" tanong ng babaeng may headband sa tenga na pusa.

"Kasi ano…”

"May kasalanan siya sa kaibigan namin," si Kyle ang sumagot.

"K-Kasalanan?" takang tanong nila.

Tumango ako. "Nakikita niyo 'yong sugat ko dito?" Tinuro ko ang sugat ko. "Siya ang may kasalanan nito. Kaya iharap niyo siya sa 'kin."

Matagal bago siya nakasagot at napatingin pa siya sa likod ko. "W-Wala siya dito e," nauutal na sabi niya.

Bakit parang bigla silang natakot? Hindi naman ako aswang o multo ah. Ang weird nila bigla sila nag si tahimik at mukhang takot na takot.

"S-Sai."

"O?" tanong ko.

"S-Sai."

"Ano ba?" Hindi ko sila nilingon.

"S-Sai."

"Ano nga?" Paglingon ko, napahawak ako sa noo ko, nabunggo ako sa matigas na dibdib.

Sino 'to? Dahan dahan akong nag angat ng tingin at halos ilang bases akong kumurap ng napagtanto ko kung gaano siya kasama tumingin.

Lumayo ako. "Sorry po, kuya," paumanhin ko at yumuko. Alam kung matanda siya sa ‘kin kaya dapat lang na mag kuya ako.

"Sino ka?" ang lamig ng boses niya at ang tanggkad-tanggkad. Nahiya tuloy 'yong height ko.

"Hinahanap niya daw kayo." 'Yong babaeng kausap ko kanina ang sumagot.

Rumihestro sa isip ko ang sinabi ng babae. Tiningnan ko ng mabuti ang mukha ng lalaking nasa harap ko. Siya ba si Scart Ville?

Lahat ng takot ko sa mata niya nawala at nagsisi ako kung bakit ko siya tinawag na kuya. “I-Ikaw si Scart Ville?” tanong ko.

"Oo," maikling sagot niya. Pinag masdan ko ang mukha niya at mukha siyang adik. May hikaw na kulay itim sa tenga at parang gangster ang fashion. "Bakit may problema ka sa pangalan ko?" malamig na tanong niya.

Kinuha ko sa bulsa ang ballpen ko. "Alam mo ba kung ano 'to?" tanong ko.

"Ballpen." Nag salubong ang kilay niya. "Nakikita mo naman siguro na may mata ako. Stupid."

Talagang ako pang stupid, e, siya nga 'tong loko-loko e.

"E, ito." Pinakita ko sa 'kaniya ang sugat ko.

"Sugat, ano ba trip mo?" naiinis na tanong niya.

"Alam mo ba kung bakit hawak ko ito at may sugat ako?"

"Pakielam ko naman sayo?"

Wala siyang pakielam? "Dahil ikaw ang dahilan kung bakit nadurog ito, at nagkasugat ako."

"O, tapos?"

"Anong tapos?"

"Wala kana bang sasabihin?" sakistong tanong niya. "Kung nag papansin ka sa 'kin, pwes napansin na kita. Kaya umalis ka diyan sa dadaanan ko dahil naasar na ako sayo."

"Ah. Talaga?" sarkistong tanong ko. "Alam mo bang ako ang tinulak mo kanina? Nang dahil sayo nag kasugat ako, pwede ka naman makiusap na dadaan ka pero anong ginawa mo? Tinulak mo ako."

"Kasalanan ko bang nakaharang ka?"

"Pupulotin ko sana 'yong ballpen ko pero bigla mong sinipa papalayo, pagkatayo ko naman bigla mo akong tinulak," sagot ko.

"E, anong gusto mong gawin ko?"

"Mag public apology ka sa akin."

"Bakit ako mag sosorry?" inosenteng tanong niya. "Umalis ka nga diyan!"

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka nag pupublic apology sa 'kin."

"HAHA!"

Napatingin ako sa tumawa.

Hindi ako nag kakamali isa ito sa mga kaibigan niya. Ngayon ko lang napansin ang isa pang lalaking kasama niya.

Pamandaliang napako ang paningin ko sa ‘kaniya. Hindi ako nagkakamali siya 'yong lalaking nakita kung ng nag piano at umiiyak.

Iniwas ko ka ang tingin sa 'kaniya at binaling sa kaharap ko.

"Mag sosorry ka o papatulugin kita?" mayabang na tanong ko.

Ngumisi siya. Ang yabang ng ngisi niya. Bahagya siyang yumuko para abot niya ko at nilapit ang mukha niya. "Ah talaga? Kaya mo?"

"O-Oo kaya ko. Gusto mo subukan natin?"

"Tsk. Pandak." Ginulo niya ang buhok ko at sinangga ang balikat ko.

Napatingin ako sa kawalan. Ano sabi niya pandak? Nangiinsulto ba siya? Bigla akong nainis at kumulo ang mga dugo ko.

"Hoy! Sinong pandak?!"

Sa halip na sagutin ako, umupo lang siya at nagsuot ng earphones.

Akma ko siyang susugurin ng pinigilan ako ng mga kaibigan ko. "Tama na hayaan mo na siya, umalis na tayo dito."

"Oo nga. Alis na tayo nakakahiya na."

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nasusuntok ang lalaking 'yan." Akma ulit akong susugod ng hinila na nila ako ng tuluyan, palabas ng room. "Hoy! Adik! Na mukhang fox, harapin mo ko! Animal ka pisti ka yawa ka! Mag suntokan tayo!" Sigaw ko.

***

Katatapos lang namin mag lunch. Pinauna kuna muna ang mga kaibigan ko sa susunod naming class dahil mag CR lang ako.   Saktong pagliko ko nakasalubong ko ang pinakamasamang at pinakamayabang nakilala ko kanina lang.

Ang sama-sama nanaman ng tingin niya pero kahit masama siya tumingin gwapo pa 'din siya. Oo aaminin kong gwapo siya.

Akma akong dadaan sa kanan ng doon 'din siya dadaan. Nagsalubong ang kilay niya at akma ulit ako dadaan sa kaliwa ng doon 'din siya dadaan. Para tuloy kaming nag papatentero.

"Ano ba?!" angil niya. "Kanina kapa. Ano ba talaga trip mo?!"

"Ano trip ko?" inosenteng tanong ko. "Wala naman. Ikaw ano ba trip mo?" pangbabalik ko sa tanong niya.

"Nang aasar kaba?" Nauubusan na talaga siya ng pasensiya.

"Ikaw nang-iinis kaba?" Ginaya ko ang tono ng pananalita niya ng lalong kinainis niya.

"Alis diyan."

"Ayaw ko nga." Aasarin kita hanggang sa maasar ka, ng makaganti lang ako sa ginawa mo.

"Aalis ka diyan o ibabalibag ka?" seryosong banta niya.

Natigilan ako. Seryoso ba siya? E, babae ako. Napakasama talaga ng ugali niya. "Bakit ako aalis? Kung pwede naman ikaw?"

"May gusto ka ba sa 'kin?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. "Ano? Ako may gusto sayo?" Turo ko sa sarili ko. "Ang kapal naman ng mukha mo. Asa kapa!"

"Kung wala kang gusto sa 'kin, umalis ka diyan sa da-daanan ko. Kung ayaw mong sumabog ako sa galit ngayon."

"Edi sumabog ka, wala akong pakielam. Basta dito lang ako, hindi ako aalis."

"Hindi kaba natatakot sakin? Ako si Scart Ville, at walang pwedeng kumausap sa 'kin o makipag away ng hindi ako close."

"Eh, ano naman ngayon?" Lalong nag salubong ang kilay niya. Mabuhol sana kilay mo. "Tao ka hindi ka diyos, kaya bakit ako matatakot sayo?"

Inis na inis na ang mukha niya at hindi tatagal sasabog na talaga siya sa galit. Nag kuyom ang kamao niya at ready ng manuntok.

Napalunok ako. Kahit medyo natatakot na ako, nilabanan ko pa 'din ang mga tingin niya. Kita ko kung paano umigting ang panga niya, umusok ang ilong, at tumubo ang mga hundreds na sungay sa ibabaw ng ulo niya.

Akala ko susuntukin niya ako pero laking gulat ko ng kinurot niya ang pisngi ko. "Aray!"

"Pasalamat ka, hindi pa ubos ang pasensiya ko."

Napahawak ako sa pisngi ko dahil sobrang sakit talaga ng kurot niya. "Ba't ba na ngungurot ka?!" inis na tanong ko.

"Ano aalis kana?" mayabang na tanong niya.

"Hindi pa 'din ako aalis. Ikaw nalang ang umiwas." Hindi pa 'din ako umalis sa dadaanan niya.

Kinurot niya ulit ang kabila kung pisngi at ang sobrang sakit na talaga. "Ano aalis kana?" Hindi niya pa 'din binibitiwan ang pisngi ko.

"Pag ito naging siopao ang laki, humanda ka sa 'kin!" banta ko pero tinawanan lang ako ng loko.

Ang sabi kasi ni mama at papa kapag na sobrahan sa kurot ang pisngi ko, mamaga daw at magiging kasing laki ng siopao.

"Sino tinatakot mo?" Lalo niyang pinanggigilan ang pisngi ko.

Nagkuyom ang kamao ko at sinamaan siya ng tiningin. Dahil sa inis sinikmuraan ko siya.

"Aray! Bakit mo 'yon ginawa?!" sigaw niya at namimilipit sa sakit. Dapat lang 'yan sa 'kaniya, sa buong buhay ko walang kumurot ng pisngi ko. Kahit mga kaibigan ko. Tapos siya? Nakakilala ko lang at kaaway ko pa! Nakakurot na?

"Ano masakit?" pang aasar ko. "Yan ang bagay sayo. Tingnan mo nga 'yong pisngi ko." Turo ko sa pingi ko. "Ang pula-pula, pasalamat ka 'yan lang ang ginawa ko sayo. Tsk. Diyan kana." Nilagpasan ko siya at hindi pinansin.

"Hoy! Dora na mukhang bunny! Bumalik ka dito!"

"Bye!" Kinawayan ko siya patalikod at hindi pinansin. Mamatay siya kakasigaw diyan. Kahit papaano nakaganti ako sa 'kaniya at nabawasan ang inis ko.

Naglakad ako sa kung saan-saan. Parang umurong 'yong ihi ko do'n. Nag libot ako ng school hanggang sa napadpad ako sa lugar na medyo walang tao. Maraming puno at bench na pwede upuan at tambayan.

Umupo ako sa bench at ginala ang paningin ko sa paligid. Kaunti lang ang estudiyanteng makikita mo dito at medyo malayo sila sa 'kin.

Masarap ang hangin dito lalo na medyo madami ang puno sa paligid. Pag nag lunch bukas. dadalhin ko ang mga kaibigan ko dito para dito kumain. Parang ang sarap kasi kumain dito lalo na ang ganda ng paligid at masarap ang hangin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Remember You   Chapter Nine: Confusing

    Chapter Nine: ConfusingKakababa ko lang sa taxi at meron akong dala-dalang heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip kung dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan kung binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama.Nag inhale at exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.Binuksan ko ang pinto. Nang tuluyan ko itong mabuksan bumungad sa 'kin ang mukha ni mama.

  • I Remember You   Chapter Eight: What if?

    Chapter Eight: What if? "Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko. Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama. "Kakarating ko lang po, bakit po?" Base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "Pinag-usapan?” Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago s

  • I Remember You   Chapter Seven: Look a like?

    Chapter Seven: Look a Like? JUSTIN'S POV.Kakarating lang namin ng sa bahay ni Scart. Dito kami gagawa ng research para sa monday. "Ang ganda pa 'din ni tita Yerah," nakangiting sabi ni Druce pagka-upo. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays... nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang siniko ni Peter.

  • I Remember You   Chapter Six: Daughter?

    Chapter Six: Daughter? Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop. Nag hahanap kasi ako ng trabaho na pwede pasukan. Ayo kung umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko ‘din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko. Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila. Nag scroll ulit ako at may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider

  • I Remember You   Chapter Five: Palm

    Chapter Five: PalmBumalik ako ng classroom at nadatnan kung nagsisilabasan na ang mga kaklase ko at mukhang katatapos lang ng klase.Hinanap ko sina Kate. Nakita kung palabas na sila. Napatingin sila sa 'kin at lumapit. "Bakit ngayon ka lang? Saan kaba nag punta?" tanong nila."Nag pahangin," sagot ko."Alam mo bang katatapos lang ng quiz?" Nanlaki ang mata ko. "Ano nag quiz ang prof?" gulat na tanong ko. "Oo, bakit wala ka?”Hala. Paano ‘yan? Unang araw ng klase

  • I Remember You   Chapter Four: Adik na mukhang Fox

    Chapter Four: Adik na mukhang Fox. "Ito na ba 'yong room nila?" Turo ko sa room nasa harap ko. Dito sa labas kitang-kita muna ang mga estudiyante sa loob na nag babasa ng libro. "Pupuntahan mo siya sa loob?" tanong ni Kate. Tumango ako. "Kailangan niyang mag sorry, isa pa ang sakit parin kaya ng sugat ko." "Bakla, palagpasin mo nalang sila. Malalagot tayo kay Scart pag inaway mo siya," pananakot ni MJ. "Hindi ka ba na tatakot sa 'kaniya?" tanong nila. "Bakit ako matatakot e, pareho lang kaming tao diba? Bakit ako matatakot sa 'kaniya?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status