LOGINChapter Six: Daughter?
Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop. Nag hahanap kasi ako ng trabaho na pwede pasukan. Ayo kung umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko ‘din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko.
Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes.
Ang cute ng logo ng shop nila.
Nag scroll ulit ako at may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider para sa shop nila. Babae o lalaki basta marunong gumamit ng motor at may license.
“Kate?” Nilingon ko si Kate na nagbabasa ng comics at nakadapa sa kama. “Tingnan mo bilis.”
Napatingin siya sa akin. “Ano ba ‘yan?”
“Basta hali ka dito.” Sinenyasan ko siyang lumapit sa ‘kin.
Bumangon siya at tumayo. “Meron bang arabo na gusto makipag date sayo, kaya excited kang palapitin ako diyan?” tanong niya.
“Sira. Syempre hindi.”
Umupo siya sa tabi ko. “Pag ‘yan foreigner, at arabo, wag mong ipasa sa akin bilang ka chat mate.”
“Hays. Hindi ‘yon.” Na trauma na kasi siya dati. Tuwing may nag cha-chat sa akin lagi kung pinapasa sa ‘kaniya. Pinuntahan pa nga siya sa bahay para yayain lang magpakasal. Buti nalang nagawan namin ng paraan kong hindi, matagal na siyang ikinasal. “Tumingin ka sa laptop.” Tinuro ko ang laptop.
Tumingin siya at binasa ang post. “Delivery rider?” Taka niya akong tiningnan.
“Balak ko sana mag apply. Para kahit paano hindi na ako hingi ng hingi kay mama at papa ng allowance.”
“Delivery rider? Seryoso ka? E, pang lalaki lang ‘yan.”
“Bakit masama ba?” inosenteng tanong ko. “Babae man o lalaki basta marunong daw mag drive ng motor.”
“Paano kong ma aksidente ka? Alam mo bang napaka delikado mag motor?” Tumaas ang kaliwang kilay niya. “Babae ka, para sa mga lalaki lang ‘yan.”
“Mag-iingat naman ako, e.”
“Kahit anong ingat mo, hindi talaga maiwasan ang disgrasiya. Kaya hindi ako papayag.”
“Kate. Sige na…”
“Ayaw.”
“Kate. Samahan muna ako bukas. Please?” Nag puppy eyes ako at nag pa cute.
“Ayaw.” Umiling-iling siya.
Ayaw mo pala ha, tingnan natin kong aayaw kapa sa iaalok ko. “Mag shoshoping tayo bukas. Libre ko.” Ngumiti ako.
“Hmm? Pag iisipan ko.” Umasta siyang nag iisip. Ilang sigundo lumawak ang ngiti sa labi niya. “Sige, sasamahan kita.” Sabi na nga ba, basta libre game na game siya. “Pero…”
Nawala ang ngiti sa labi ko at sumimangot. “Bakit may pero?”
“Ipangako mo sa akin na lagi kang mag ingat. Mag paaalam ka na ‘din kay tita at tito.”
Kala ko kung ano na. “Oo pangako, mag-iingat ako. Mag paalam ako kay mama at papa bukas.” Ngumiti ako sa ‘kaniya.
Katatapos ko lang maligo at mag bihis. Nakapag suklay na ‘din ako at dala ko na ang bag ko. Lumabas ako ng kwarto at nag almusal. Nagpaalam na ‘din ako kay mama at papa na mag apply ako ng trabaho. Noong una hindi sila pumayag, pero napapayag ‘din at sinabihan akong mag ingat lagi. Pagkatapos mag almusal umalis na ka agad kami patungong eskwelahan.
Okay lang naman ang first class namin ka’y Professor FeFe. Nag discuss siya at nag quiz. Kahit lagi siyang highblood sa amin dahil puro daw kami reklamo, nakakatuwa pa ‘din siya. Minsan nag papatawa minsan naman naninigaw. Pa iba-iba ng mood si Prof, e.
“Nakaka gutom.” Napatingin ako kay Kyle. “Kain tayo sa cafeteria,” yaya niya.
“Manglilibre kaba?” tanong namin sa ‘kaniya.
Kumunot ang noo niya. “B-Basta isa lang ha?”
“Burger lang ‘yong akin.” Si MJ.
“Sandwich akin.” Si Kate.
“Ikaw. Sai? Ano ‘yong sayo?” baling niya sa 'kin.
“Hmm? Kahit ano nalang,” sagot ko.
“Alam kuna. Cupcake at juice.”
“Teka? Bakit kay Sai, dalawa? Sa ‘min isa lang?” takang tanong ni Kate at MJ.
“Malakas siya sa akin, e.” Kinindatan sila ni Kyle.
“Ang daya!” Napatawa nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkapasok ng cafeteria na salubong ko ‘yong Five Star na palabas. Nagtama ang paningin namin ni Scart at sobrang sama niya naman tumingin.
“Ano tiningin-tingin mo?!” inis na tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at iniwas nalang ang paningin sa ‘kanila at nilagpasan sila. Umupo ako kung saan may bakante.
“Hoy?” tawag sa akin ni MJ at umupo sa harap ko. “Bakit naging snobber ka yata sa dumaan?”
“Wala akong balak pansinin sila. Kapag pinansin ko sila, sure akong magagalit lang ang Scart na ‘yon at sabihan ako na papansin,” sagot ko.
“Alam mo bang binati ka ni Justin? Pero... hindi mo siya pinansin?” tanong ni Kate.
“Ano binati niya ako?” gulat na tanong ko.
“Oo day,” sagot ni Kate.
Hala? Hindi ko siya napansin. Bad trip naman baka sabihin no’n masama ugali ko. “Hindi ko siya napansin,” napayuko ako.
“Hindi mo talaga siya mapapansin lalo na ang paningin mo na sa iba,” sabay sabi ni Kate at MJ. Nag angat ako ng tingin at sinamaan sila ng tingin.
“Nandito na ‘yong libre ko.” Sumulpot si Kyle at nilapag sa mesa ang mga order namin. “Libre ko ‘yan.”
“Thankyou.” Ngumiti kami.
“Si spoiled brat,” bulong ni Kate. Tinapunan ko siya ng tingin at pinandilatan ng mata.
Ayo kung maulit ulit ‘yong away nila noong makailan. Ayo kung ipa dean’s office nanaman siya at kapag nangyari ‘yon, siguradong ipapa expell na silang dalawa.
“O, bakit ka nandito?” tanong ni MJ.
Napatingin pa siya sa amin at bumuntong-hininga. “Bakit kasama mo sila? ‘Wag mong sabihin friends na kayo?” mataray niyang tanong.
“Pakealam mo kung friends kami?” mataray na tanong ‘din ni Kate.
“Kate.” Tiningnan ko siya ng makahulugang tingin. Umasta siyang sumuko at umiwas ng tingin kay Patty at kumain.
“Ano ba kasi kailangan mo sa ‘kin?” tanong ni MJ.
“Magpapasama sana ako sayo sa mall. Mag cutting classes tayo kuya. Please?” Nag puppy eyes siya.
“Cutting classes? Seriously?” hindi makapaniwalang tanong ni MJ. “Gusto mo ba mapagalitan tayo ni mommy at daddy?”
“Hindi naman tayo mapapagalitan kung hindi ka mag susumbong.”
“Kahit na.”
“Kuya, please? Minsan lang to, gusto ko lang maglibang. Na bobored ako sa school.”
“Hindi ka mag cucuting classes period.” Magsasalita pa sana si Patty ng inunahan na siya ni MJ. “Wala ng angal. Pag sinabi kung hindi pwede, hindi talaga pwede. Na iintindihan mo?”
“I hate you kuya!” sigaw niya at lumabas ng cafeteria.
“Napaka maldita talaga!” inis na sabi ni Kate. “Kapatid mo ba talaga ‘yon?” Baling niya kay MJ. “Parang hindi, e. Mag kaiba talaga kayo ng ugali.”
“Kapatid ko ‘yon. Iniispoiled kasi ni daddy kaya ganiyan nalang kung umasta. Lahat kasi ng gusto niya nakukuha.”
“Alam ba ni daddy mong bakla ka?” tanong ko. Bumaling ang tingin niya sa ‘kin.
Tumango siya. “Oo alam niya.”
“Hindi ba siya nagalit?” tanong ni Kate at Kyle.
“Noong una, nagalit. Pero natanggap ‘din, mabait ang daddy at mommy namin. Kaya... napakaswerte ko talaga,” nakangiting sagot niya.
“Maswerte ka nga.” Tumango si Kate. “Kasi ang ibang tulad mo, hindi tanggap ng mga magulang nila,” nakangiting tugon ni Kate.
“Ang sabi ni lola, hindi makakapunta ng heaven ang mga bakla. Kasalanan daw sa diyos ang mga binabae.” Napalingon kami kay Kyle at tumawa. “Totoo. Tanongin niyo pa ang lola ko. Kung anong binigay ng diyos kailangan natin ito tanggapin. Pangit man o maganda, may kapansanan man o wala.”
Pumalakpak kaming tatlo sa ‘kaniya.
“Bakit kayo pumalakpak?” takang tanong niya. Napansin ko ‘din napatingin sa amin ang mga tao sa cafeteria.
“Close na close talaga kayo ni Lola tilda no?” tanong ni Kate.
Tumango si Kyle. “Oo naman, the best kaya ang lola ko.”
“Kamusta na kaya si Lola tilda?” tanong ko. Napatingin sila sa ‘kin. “Na miss kung makipag kwentohan sa 'kaniya.”
“Sa bakasiyon, dadalawin natin si Lola tilda,” sabi ni Kyle.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Masaya ang kwentohan namin, marami silang kinwento tungkol sa mga lola nila. Samantalang ako, walang ma ikwento. Hindi ko alam kung sino ang lola ko, hindi naman binabanggit ni mama at papa kung may lola o lolo pa ako. Sinubukan ko silang tanongin pero lagi nalang nila iniiba ang usapan.
***
Katatapos lang ng klase namin at patungo kami sa Bakery shop kung saan ako mag aapply. Hindi na nakasama si MJ dahil susunduin niya pa daw si Patty sa mall. Maganda ang araw ko ngayon, tahimik at normal na buhay estudiyante talaga.
Pagkarating namin sa bakery shop pumasok na ka agad kami. Pero kamalas-malasan nandito ang Five star. Nag tatawanan sila at masayang nag kwekwentohan.
“Nandito pala sila,” bulong ni Kate.
“Hayaan muna. Wag mo nalang pansinin,” bulong ko.
Napatingin sa akin ang isa sa mga kaibigan nila. Hindi ako nagkakamali siya ‘yong lalaking tumawa makailan. Tss! Mukhang play boy. “Oh... ang liit talaga ng mundo. Look baby bro.” Siniko niya si Scart.
Napatingin sa akin si Scart. Ang sama niya nanaman tumingin. Bakit ba ganiyan siya tumingin? “Hindi maliit ang mundo, sadiyang pinagtagpo talaga kayo,” sabi niya.
Ano ang pinagsasabi nito? Iniwas ko nalang ang paningin sa ‘kaniya at dumeretso sa counter. Meron akong nadatnan do’n na babaeng nag aayos ng mga cups at plates. “Hello, miss,” bati ko.
Napatingin siya sa 'kin. Ang ganda niya at sobrang sexy. Kaiingit, ako kasi ano… basta may katawan.
“Hmm? Ano po order niyo?”
“A-Ano kasi... nakita ko post niyo online, nag hahanap daw kayo ng delivery rider?”
“Mag apply kayo?” Tumango ako. “Paki hintay nalang si ma’am Ye... padating na siya.”
“Ah. Thankyou.” Ngumiti ako at nilingon sina Kate. “Hintayin nalang daw muna natin ang boss nila. Parating na daw.”
“Huh? Mag hihintay pa tayo? E, paano ang shopping?”
Oo nga pala. Nangako ako sa ‘kaniya na mag shoshopping kami. “P-Pwede ba b-bukas nalang?”
“P-Pero.”
“Sige na Kate. Promise bukas mag shoshopping tayo.”
Bumuntong-hininga siya. “Aish! Sige na nga. Pasalamat ka mahal kita.” Napangiti ako.
“Pwede ako sumama?” biglang tanong ni Kyle.
“Oo naman.” Ngumiti ako at tumango. “Umupo muna tayo,” yaya ko.
Umupo kami malayo sa Five star. Ayo kung makalapit sa ‘kanila. Teka lang? Tiningnan ko sila at binilang. Isa, dalawa, tatlo, apat? Asan 'yong isa? Ngayon ko lang napansin na apat lang sila. Siguro hindi nakasama ang isa kaya apat lang sila.
“Psst.” Napatingin ako kay Kate. “Mag order naman tayo. Nagugutom ako, e.”
“Ano ba gusto niyo?”
“Bakit libre mo?” tanong nila.
“Sige, libre ko. Bilang pasasalamat na sinamahan niyo ko.”
“Ako na mag oorder. Ano sayo Kate?” tanong ni Kyle.
“Kahit ano basta masarap.”
“Sige.” Bumaling si Kyle sa akin. “E, sayo?”
“Drink nalang,” sagot ko.
“Okay.” Tumayo siya at pumunta ng counter para mag order.
Nang biglang nag ring ang cellphone ko. “Sasagutin ko lang to,” paalam ko kay Kate.
“Sige.”
Lumabas muna ako ng bakery shop at pagkalabas ko saktong meron nag park ng sasakyan. Hindi ko nakita kung sino ang sakay dahil agad ko ‘din iniwas ang tingin ko at lumayo ng kaunti.
“Hello?” sagot ko sa tawag.
“Anong oras kayo uuwi?” tanong ni mama sa kabilang linya.
“Hindi ko po alam.”
“Ipapasundo ko kayo kay papa mo.”
“Wag na po ma. Kaya na namin umuwi.”
“Hindi. Ipapasundo ko kayo, delikado sa daan at gabi na.”
Hindi ko talaga maintindihan si mama. Sobrang napaka praning niya minsan, ayaw niyang umuuwi ako ng gabi. Ayaw niya nga sana ako mag aral sa South University at papuntahin dito sa manila. Siguro worried lang talaga siya lalo na babae ako.
“Ganito nalang po. Mag tetext ako kapag uuwi na kami at hihintayin ko nalang po si papa dito.”
Dinig ko ang buntong hininga ni mama. “Sige, mag ingat kayo. I love you heart heart.”
Napangiti ako. “I love you too mama. Heart heart. Sige po bye na.” Binaba ko ang linya at nilagay ang phone ko sa bulsa.
Saktong pagharap ko nakita ko sa may pintuan ang Five Star na merong kausap. Babae ito pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa gawi ko. Tudo ngiti naman silang apat habang kausap ang babae.
Nagyakapan pa nga sila at mukhang matagal na hindi nagkita. Napatingin ako kay Justin na masayang kinakausap ang babae.
Paano ako papasok nito? Baka sabihin nila bastos ako kapag dumeretso ako. Hinintay ko nalang muna matapos ang usapan nila.
“Bye tita!”
Kumaway silang apat at pumasok sa kaniya-kaniya nilang sasakyan. Napatingin ako sa sasakyan nila at sobrang ganda. Pero may isang sasakyan ang umagaw sa atensiyon ko, sobrang ganda niya at ang astig.
Pero ang pangit ng may ari. E, sino pa ba? Edi si Scart. Bigla niyang pinaandar ang sasakyan niya papalayo. Ang bilis mag patakbo.
“Bakit ngayon kalang?” tanong ni Kate ng makapasok ako. “Ang tagal mo.”
“Nag usap pa kami ni mama,” pag dadahilan ko kahit ang totoo hinintay ko matapos ang chismisan ng five star sa babae.
“Nandito na pala ang may-ari ng bakery shop. Kakarating niya lang,” sabi ni Kyle.
“Talaga? Nasaan?” tanong ko at luminga-linga.
“Pumasok sa kitchen. Grabi sobrang ganda niya at ang puti-puti.”
“Uhm. Ikaw ba ang mag apply?” May biglang nag tanong sa likod ko.
Nilingon ko siya. Lumaki ang mata niya at mukhang gulat na gulat. Hindi ko maintindihan pero parang feeling ko kilala ko siya, hindi ko siya ma alala.
“Anak?”
Natigilan ako. Nag paulit ulit sa tenga ko ang sinabi niya. Pero may isang bagay ang hindi ko inaasahan. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. “Uhm? Ma’am?” tawag ko sa ‘kaniya. Narinig ko ang paghikbi niya. “O-Okay lang po ba kayo?”
Napasulyap ako sa mga kaibigan ko na nag tataka ‘din. Gusto ko sanang kumalas sa pagkayakap sa ‘kaniya kaso may roon sa puso ko ang nag sasabing wag ko ‘yon gawin. Aaminin kung ang sarap ng yakap niya, ‘yong yakap na matagal ko ng hindi nararamdaman.
Chapter Nine: ConfusingKakababa ko lang sa taxi at meron akong dala-dalang heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip kung dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan kung binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama.Nag inhale at exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.Binuksan ko ang pinto. Nang tuluyan ko itong mabuksan bumungad sa 'kin ang mukha ni mama.
Chapter Eight: What if? "Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko. Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama. "Kakarating ko lang po, bakit po?" Base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "Pinag-usapan?” Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago s
Chapter Seven: Look a Like? JUSTIN'S POV.Kakarating lang namin ng sa bahay ni Scart. Dito kami gagawa ng research para sa monday. "Ang ganda pa 'din ni tita Yerah," nakangiting sabi ni Druce pagka-upo. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays... nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang siniko ni Peter.
Chapter Six: Daughter? Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop. Nag hahanap kasi ako ng trabaho na pwede pasukan. Ayo kung umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko ‘din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko. Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila. Nag scroll ulit ako at may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider
Chapter Five: PalmBumalik ako ng classroom at nadatnan kung nagsisilabasan na ang mga kaklase ko at mukhang katatapos lang ng klase.Hinanap ko sina Kate. Nakita kung palabas na sila. Napatingin sila sa 'kin at lumapit. "Bakit ngayon ka lang? Saan kaba nag punta?" tanong nila."Nag pahangin," sagot ko."Alam mo bang katatapos lang ng quiz?" Nanlaki ang mata ko. "Ano nag quiz ang prof?" gulat na tanong ko. "Oo, bakit wala ka?”Hala. Paano ‘yan? Unang araw ng klase
Chapter Four: Adik na mukhang Fox. "Ito na ba 'yong room nila?" Turo ko sa room nasa harap ko. Dito sa labas kitang-kita muna ang mga estudiyante sa loob na nag babasa ng libro. "Pupuntahan mo siya sa loob?" tanong ni Kate. Tumango ako. "Kailangan niyang mag sorry, isa pa ang sakit parin kaya ng sugat ko." "Bakla, palagpasin mo nalang sila. Malalagot tayo kay Scart pag inaway mo siya," pananakot ni MJ. "Hindi ka ba na tatakot sa 'kaniya?" tanong nila. "Bakit ako matatakot e, pareho lang kaming tao diba? Bakit ako matatakot sa 'kaniya?"