Home / All / I Remember You / Chapter Nine: Confusing

Share

Chapter Nine: Confusing

Author: CyLili
last update publish date: 2020-10-05 13:49:50

Chapter Nine: Confusing

Kakababa ko lang sa taxi at meron  akong dala-dalang heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip kung dahilan para mawala ang galit niya.

Dahan-dahan kung binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama.

Nag inhale at exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.

Binuksan ko ang pinto. Nang tuluyan ko itong mabuksan bumungad sa 'kin ang mukha ni mama.

Akala ko sesermon, sisigawan at pagagalitan niya ako pero bigla niya ako niyakap ng mahigpit. "M-Mama?"

"Sorry anak kung sinigawan ka ni mama kanina ha. Hindi sinasadiya ni mama. Sorry talaga."

Kumalas si mama sa pagkayakap. Pasimple niyang pinunasan ang luha niya. "Gutom kanaba? Gusto mo bang kumain? Ano gusto mong lutuin ko? Ipag luluto kita."

"M-Mama hindi kana galit sa 'kin?"

Umiling si mama at sinukla-suklay ang buhok ko. "Hindi ako galit sayo. At kailanman hindi ako magagalit sayo. Patawad dahil napagtaasan kita ng boses."

"Okay lang po mama." Ngumiti ako at napatingin sa dala ko.

"Para ba sa 'kin 'yan?" tanong ni Kate at tudo ngiti.

"Asa kapa. Para kay mama 'to," sagot ko.

Ngumuso siya.

Binaling ko ang tingin kay mama. "Mama binili ko 'yan para sayo." Inabot ko sa 'kaniya ang flowers, chocolates at heart na unan, na agad niya naman tinanggap. "Pambawi lang po dahil ginalit ko kayo at sinuway ko ang sinabi niyo."

Ngumiti si mama. "Ang sweet naman. May pa flowers. Thankyou ‘nak.”

"Nanalo ako sa pustahan! Nanalo ako sa pusta--"

Sabay kaming napatingin kay Kyle ng bigla siyang pumasok sa bahay na nag sasayaw at nagsisigaw. "Ah. Ano meron?" takang tanong niya.

Paniguradong nasa sabungan nanaman 'to kanina. Kaya walang ka alam-alam sa ngyayari dito sa bahay.

"Bakit ngayon kalang umuwi ha?! Gabing-gabi na! Sana hindi kana umuwi! Sana do'n kana natulog. Pag ako nainis lalo sayo susumbong na kita sa mommy mo!" parang nanay na sigaw sa 'kaniya ni Kate.

Kumunot ang noo ni Kyle. "N-Nasa ano ako... s-sabungan," sagot niya.

"Nanalo ba manok natin? Kumusta?" biglang tanong ni papa at mukhang kagagaling lang ng kusina.

Magkasundo talaga si papa at Kyle. Parehong sabongero at mahilig mag alaga ng mga baby chicken.

"Nanalo po ako. Kawawa nga manok ni Jacob, e. Imbis na pera tinola." Tumawa ng malakas si Kyle.

"Apir tayo diyan! 'Yan ang bata ko!" Nag high five sila ni papa.

Natawa kami ni mama.

Tumikhim si Kate. "B-Baka meron tayo diyan?" Aba'y biglang bumait kay Kyle. Kanina galit na galit usto manakit?

"Ano sabi mo?" pabingibingihan ni Kyle.

"Ang sabi ko baka meron tayo diyan," pang uulit ni Kate.

"Ano kamo? Hindi kita marinig, e."

Sumama ang mukha ni Kate. "Ang sabi ko baka meron tayo diyan!" nilakasan niya ang boses.

"Sorry bingi ako ngayon, e." Akma ibubuka ni Kate ang bibig ng nagsalita ako.

"Tama na 'yan. Mag aaway nanaman kayo."

"Pag ako nanalo sa pa-awayan ng biik humanda ka! Wala kang balato sa 'kin," sabi ni Kate.

Paawayan ng biik? Meron ba no'n?

***

Maghahating gabi na at matutulog na ako. Nanonood pa kasi ako ng favorite anime ko na Umaru Chan sa laptop.

Nakaka six episodes palang ako, gusto ko man tapusin ang lahat ng episode ay hindi kuna kaya at inaantok na talaga ako. Sinara ko ang laptop at nilagay sa tamang paglagyan. Humiga ako sa kama at dahan-dahan pumikit.

“Hali kana,” yaya niya.

“Ayaw!” Bumalik ako sa paglalaro ng manika.

“Hali kana sabi.” Napa-angat ako ng tingin sa ‘kaniya. Nagtataka ako kung bakit blurd ang mukha niya.

“Kuya?” takang tanong ko.

Agad ko minulat ang mata ko at napabangon ng wala sa oras. "S-Sino ang lalaking 'yon? At bakit ko siya tinawag na kuya?" takang tanong ko sa sarili ko.

Parang medyo sumakit ang ulo ko. Tumingin ako sa orasan at saktong alas tres ng umaga na. Dali-dali akong nagtaklob ng kumot dahil ito ang oras sabi ni Kate kung saan maraming multo na lumalabas. Takot pa naman ako sa multo.

***

"Good morning mama!" masayang bati ko at umupo.

"Good morning mahal kung anak." Ngumiti si mama.

Ito 'yong pinakamagandang parte ng umaga ko. Kapag binabati ko si mama tapos babatiin niya 'din ako ng nakangiti.

"Nasaan po si papa?" Hindi ko nakikita si papa. Napakatangkad no'n at imposibleng hindi ko 'yon mapansin.

"Nasa mga baby chix chic niya kasama si Kyle," sagot ni mama. "Alam mo naman?"

Napatawa ako at napatango. Hindi kuna hinanap si Kate dahil paniguradong tulog pa 'yon.

Ang dami niya kayang report na tinapos kagabi. Pagkatapos ko kumain nag paalama na ako na umalis. Payag na 'din si mama na magtrabaho ako basta lagi daw ako mag ingat.

Pagkababa ko sa jeep napansin ko ka agad ang pamilyar na lalaking naglalakad papasok ng bakery shop. Pumasok ako ng bakery shop at saktong nakasalubong ko si Jasmine na nag aayos ng lamesa.

"Good morning," nakangiting bati niya.

"Good morning," bati ko 'din siya 'kaniya at ngumiti. "Ah? May pumasok ba dito na lalaki? Sino 'yon?" tanong ko.

"Yong kapapasok lang?" Tumango ako. "Si sir Justin 'yon."

Sabi na nga ba at siya 'yon. Buhok, height at kung paano siya maglakad. Alam na alam na talaga. Hindi ko alam kung paano ko ka agad siya nasaulo. Siguro dahil lagi ko siyang nakikita sa school.

Pagkatapos ko mag bihis lumabas na ako ng CR.

Nakasalubong ko si Justin.

"Hi," nakangiting bati niya.

"H-Hello," bati ko 'din sa 'kaniya.

"Dito ka pala nag tratrabaho?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo."

"Kilala mo si tita Yerah?"

"Si ma'am? Syempre naman. Boss ko, e."

Napatango siya. "Ah. Okay."

"Sige una muna ako. Mag dedeliver pa ako," paalam ko at kumaway bago naglakad papalayo.

Wala si ma'am ngayon, may importante daw na pupuntahan. Ewan ko ba pero bigla ako nalungkot. 'Yong pakiramdam na parang may taong kulang na hindi mo makikita o makakasama ngayong araw. Siguro dahil napalapit ang loob ko kay ma'am kaya ganito nalang 'yong naramdaman ko. Kahit ilang araw palang kaming mag kakilala, feeling ko matagal kuna siyang kilala.

"Pssst..." Napatingin ako kay Jasmine nang lumapit siya sa 'kin. "Alam mo, napapansin kung panay sulyap sayo ni sir Justin."

Napatingin ako kay Justin at nahuli ko siyang nakatingin sa 'kin. Agad niyang iniwas ang tingin niya at nag patuloy sa kinakain.

Kumunot ang noo ko. "B-Baka napatingin lang," sabi ko.

"Napatingin tapos ilang beses inulit?" nanlaking matang tanong niya. "Naka register yata sa unli to, teh. Pero gwapo naman si sir Justin."

"Bakit pala kilala mo siya?" tanong ko.

"Yang si sir Justin at ang anak ni ma'am Yerah na lalaki, si sir Kenny ay mag best friend. Actually lima silang mag kakaibigan. May tawag nga sa grupo nila, e." Umastang siyang nag iisip. "Teka isipin ko... f-five..."

"Five star," dugtong ko.

"Oo tama. Five star. Paano mo nalaman?"

"School mates ko kasi ang mga 'yan. Sikat kaya sila sa South University," sagot ko.

"Sa SU ka nag aaral?"

Tumango ako. "Oo, bakit?"

"Ang mahal ng tuition diyan at ang hirap ng entrance exam. Sure akong matalino ka."

"Hindi naman ako matalino. Siguro naka siyamba lang sa entrance exam."

"Ang balita ko walang choises sa tanong. Ikaw mismo ang mag bibigay ng sagot, kaya paano 'yon matatawag na siyamba?"

"Bago kasi ako mag take ng entrance exam lahat ng lesson ng elementary to high school inaral ko ulit. Hindi ko nga ini expect na makakapasa ako," sagot ko.

"Maganda ba talaga ang school?"

Tumango ako. "Oo maganda, sulit naman 'yong tuition fee mo."

"Gusto ko 'din sana mag aral diyan kaso... hindi kami mayaman, e. Wala kaming pera pang bayad ng tuition. Siguro mayaman ka?"

"Hindi ako mayaman. Kaya nga nag tratrabaho ako para makatulong ako sa pagbayad ng tuition. Nagagawan naman kasi ni mama at papa ng paraan ang pag-aaral ko. Swerte ko nga dahil naging magulang ko sila." Ngumiti ako.

"Ma swerte ka nga." Ngumiti 'din siya. "O siya tama na ‘tong chikahan. Mag trabaho na tayo. May kailangan kapang ideliver."

"Ay. Oo nga pala," natatawang sabi ko.

***

Pauwi na ako at naglalakad. Naghahanap kasi ako ng taxi na sasakyan. Huminto ako sa maraming tao at sa maliwanag na lugar. Para safe.

Lagi kasi pinapa-alala ni mama na huwag akong maglalakad o pupunta sa madidilim na lugar. Lagi lang daw ako sa mataong lugar.

Napatingin ako sa mga kasama ko dito na nag cecellphone. 'Yong iba may payong. Ako wala, jacket lang talaga. Huminto ang ulan at medyo umaambon nalang.

"Grrrr... ginaw.” Niyakap ko ang sarili ko.

May huminto na taxi at akma akong lalapit ng inunahan ako ng babae. Bumalik ulit ako sa waiting shed at tatlo nalang kaming natira. Dalawang matanda at ako.

May huminto na taxi at akma ulit akong papasok ng napatingin ako sa dalawang matanda. Halatang kanina pa sila nakatayo. Kawawa naman. Mas mabuti na sigurong sila nalang mauna kesa ako. Bata pa ako at malakas ang mga buto ko. "Lola kayo napo sumakay."

"Salamat hija." Tinulongan ko silang makapasok ng sasakyan.

Tiningnan ko ang taxi papalayo. Maghihintay ulit ako.

Nag hintay pa ako ng ilang minuto pero walang taxing dumaan. Napatingin ako sa relos ko at malapit ng mag alas otso. Kinakabahan tuloy ako dahil mag-isa nalang ako dito.

Napayuko ako at napasapo sa noo ko. "Hays. Pa'no ako uuwi? Hindi ako pwede mag lakad ang layo ng bahay ko. Baka bukas pa ako makarating--"

"Hoy DorBun!" Napatingin ako sa tumawag sa 'kin. Hindi ako nag kakamali siya nga. Siya lang naman ang tumatawag sa 'kin ng ganiyan.

Nasa harap ko ang sasakyan niya. Nakadungaw siya sa bintana niya at naka shade. Halatang nag bar 'to dahil medyo amoy ko ang alak kahit malayo siya sa 'kin. Pero may benda pa 'din siya sa ulo niya.

"Para kang baliw diyan? At bakit mag isa ka?" tanong niya.

"Pakielam mo? Nag hihintay ako ng taxi dito."

"Lapit ka dito." Sinenyasan niya akong lumapit sa 'kaniya.

"Bakit ako lalapit sayo?"

Hinubad niya ang shade niya at salubong ang kilay na tiningnan ako. "Pag sinabi kung lumapit ka. Lumapit ka," diin na sabi niya. Ang dali naman uminit ng ulo nito.

"Ito na nga po lalapit na," walang ganang sabi ko at lumapit sa 'kaniya. "Ano ba kasi kailangan mo sa 'kin?"

"Pasok."

"H-Ha?" gulat na tanong ko.

"Bingi kaba? Alam mo? Ang mura ng cotton buds, bakit hindi ka bumili at linisin 'yang tenga mo."

Hindi ako nakasagot.

"Ano pa tinatayo-tayo mo diyan? Pumasok ka na nga!" naiiritang utos niya.

Paano kung ng tritrip naman 'to? Baka anong gawin sa 'kin ng lalaking 'to. Ang sabi ni mama wag basta bastang sumama sa kahit sino. Baka may masamang balak 'to sa 'kin kaya bumait ng one percent.

"Ano ba?!"  Bigla siyang sumigaw. "Hindi ka gagalaw diyan?"

"B-Bakit ako sasakay diyan sa kotse mo?"

"Malamang ihahatid kita sa inyo. Baka gusto mong maglakad pauwi tapos hihilahin ka ng mga lalaking tambay o adik diyan. Tapos kung anong gawin sayo, babae ka panaman. Pasalamat ka nalang na napadaan ako at nakita kita. Kaya pumasok kana dahil mabilis akong mainip."

Ang dal-dal niya 'din.

"Ano? Tatayo kalang diyan? Bakit hindi ka makagalaw?!" inis na tanong niya. Mariin siyang napapikit sa inis at nilapit ang ulo niya sa 'kin.

Pigil hininga akong tumitig sa mga mata niya. Nakakatakot talaga ang mga mata niya.

Nakailang lunok 'din ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin. "Na gwagwapohan kaba sa'kin o gusto mong buhatin pa kita papasok?"

"Ah sabi ko nga papasok na master." Dali-dali akong pumasok ng sasakyan niya at umupo.

Narinig ko ang malutong niyang ngisi. "Ayos ka 'din ah. Bilis mong mapasunod. Takot ka sa 'kin no?" nakangising tanong niya.

"Bakit ako matatakot sayo?" matapang na tanong ko. Hindi niya ako sinagot at nilagay ang palad niya sa noo ko at tinulak ang ulo ko pasandal sa upuan ng sasakyan. "Aray!" Ang sakit ng ulo ko. Bwesit na lalaking 'to.

"Nakakasilaw kasi 'yang noo mo." Sinamaan ko siya ng tingin at kinuha ang palad niya sa noo ko at padabog na binitawan. "Sitbelt," utos niya.

"Ayaw ko nga."

"So gusto mo ako pa mag sitbelt sayo--"

Dali-dali akong nag sitbelt. "Ito napo master mag sitbelt na." Pa simple akong nag make face. Sino banaman hindi matatakot sa lalaking 'to? Nakakatakot kaya ang mukha niya pag seryoso maliban nalang kung nakangiti siya.

Sinimulan niyang paandarin ang sasakyan. "Ano ang address niyo?" Tsk! Ihahatid daw ako hindi naman alam ang address ko.

"Adik street, hayop 143," inis na bulong ko.

"Ano sabi mo?!" Bulong na nga lang narinig pa. Iba talaga ang tenga ng mga fox.

Tiningnan ko siya. "Sabi ko po adik--- este master di makipot street ako tapos ituturo ko nalang kung saan ang bahay ko do'n. Okay ba 'yon sayo master?" nakangiting tanong ko.

Syempre plastic na ngiti.

"Mukhang kang matatae sa ngiti mo," natatawang sabi niya.

"Ikaw!"

Kung hindi niya lang ako ihahatid kanina ko pa 'to sinakal sa inis. Pero nag papasalamat pa 'din ako dahil ihahatid niya ako, makakalibre tuloy ako plus aircon pa ang sasakyan.

"Tsk. Daming sinasabi." Binilisan niya pa lalo ang pag dridrive. Gusto ko sana mag reklamo pero bigla niyang pinlay ang music.

~ Remember me when i told you,

"No matter where i go

I'll never leave your side

You will never be alone."

Even when we go through changes

Even when we're old

Remember that i told you

I find my way back home~

Natigilan ako sa pinatugtug niya. Way back home? Napatingin ako sa 'kaniya pero nanatili lang ang tingin niya sa daan. Mukhang favorite song niya dahil sinasabayan niya ang kanta. Aaminin ko ang ganda ng boses niya.

~I could never let you go

Couldn't run away if i tried

Cause even when im all alone

You still got a hold on my mind

And i'll always let you know

That im always gonna hold on~

Napalunok ako ng mapatingin siya sa 'kin.

Ilang segundo lang kami ng kakatitigan pero para sa akin napagmasdan kuna ang buong mukha niya ng gano'n ka bilis. Oo mas matangos ang ilong niya kay Justin at mas gwapo siya at cool dahil sa hikaw at pananamit niya, kaso ang sama ng ugali.

Nang gumalaw ang mga labi niya. Iniwas ko ka agad ang mata ko at tumingin sa labas ng bintana.

"Alam kung gwapo ako," mayabang na sabi niya. Gusto ko sana mag protesta kaso na realize ko gwapo naman talaga siya.

"Nandito na tayo sa di makipot street," sabi niya at hininto ang sasakyan. Tumingin siya sa 'kin. "Ituro muna bahay mo ng maka uwi kana."

"Lumiko ka do'n." Turo ko sa kaliwa. "Tapos 'yong pink na medyo malaki na bahay. 'Yon ang bahay namin."

Pinaandar niya ulit ang sasakyan at sinunod ang sinabi ko. Hindi nag tagal nakarating 'din ng bahay. "Ito na ba 'yon?" inosenteng tanong niya at tiningnan ang bahay namin.

"Oo," maikling sagot ko.

"Tsk. Kasing laki na 'to ng kwarto ko, e," dinig 'kong bulong niya. Yabang!

Hinubad ko ang sitbelt kaso hindi ko mahubad.

"Hays. Ako na nga baka masira mo pa 'yan." Siya ang naghubad ng sitbelt ko at ng mahubad napatingin siya sa 'kin. Tinitigan niya ang mata ko. Pwede ko naman siya itulak pero bakit hindi ko magawa? Nakailang lunok na 'din ako at hindi niya pa 'din inaalis ang tingin niya sa 'kin.

"Ang laki ng mata mo pati butas ng ilong mo."

Tinulak ko siya at pinitik ang noo niya. "Bagay naman sa 'kin 'yong mata at ilong ko ah!"

Tumawa siya at hinimas-himas ang parte ng noo niyang pinitik ko. "Kaya mukha kang si Dora, e." Tawang-tawa na siya do'n?

Inis kong sinipa ang paa niya kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Ba't naninipa ka ha?!"

"Ganito ako mag paalam, e." Ngumiti ako. 'Yong ngiting maasar siya. "Sige adik sibat na'ko." Bubuksan kuna sana ang pinto ng sasakyan ng hindi ko mabuksan.

Tiningnan ko si Scart na nakangisi sa 'kin. "Ayaw bumukas no?" nakangising tanong niya.

"Ano ba! Buksan mo nga 'to!"

"Ayaw ko nga."

"Isa!" pagbabanta ko.

"One..." Aba't inenglish pa.

"Dalawa!"

"Two..."

"Pag hindi mo ito binuksan, lagot ka sa 'kin!" banta ko.

"Sino tinatakot mo?" pang aasar niya pa at nilapit ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin na kumakain siya ng bubble gum. Pinalobo niya ang bubble gum at pinutok sa harap ko gamit ang labi niya.

Kadiri! Kainis na lalaking 'to!

"Ano ba! Buksan mo na nga sabi!" mauubusan na talaga ako ng pasensiya.

"Galit na galit? Labas na 'yong ugat mo sa leeg, oh." Tinuro niya ang leeg ko.

"Bubuksan mo o hindi?" banta ko ulit at akma siyang susuntukin ng may pinindot siya at bumukas nalang bigla ang pinto kaya muntik na akong matumba dahil nakasandal ako sa pinto. Buti nalang nahila niya ang beywang ko papalapit sa 'kaniya kaya napayakap ako ng wala sa oras.

Amoy ko tuloy ang pabango niya. Bumilis ang tibok ng puso ko ng hindi ko maintindihan. Heart wag kang bibigay. Alam mo naman kung ano ka diba? Bakit ba kasi ako sumama sa lalaking 'to? Nagsisi na tuloy ako.

"Alam mo napaka tanga mo talaga," bulong niya sa tenga ko. Napakalamig ng hininga niya. Feeling ko talaga nananadiya 'to, e.

Lumayo ako sa 'kaniya at kinuha ang bag ko. "Gusto mong maka tyansing no?!"

Nanlaki ang mata niya. "Anong-- hoy! Hindi ah! Asa kapa! Hindi kita type at isa pa ang isang Scart Ville may taste at may class."

Sinamaan ko muna siya ng tingin at bago bumaba ng sasakyan. Binuksan ko ang gate at akma ko itong isasara ng nagsalita siya.

"Hindi ka man lang mag papasalamat pagkatapos kitang ihatid? Sino ngayon ang masamang ugali?" puno ng yabang ang tono ng pananalita niya.

"Thankyou!" sigaw ko at sinara ang gate.

"Your welcome!" habol niya pang sigaw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Remember You   Chapter Nine: Confusing

    Chapter Nine: ConfusingKakababa ko lang sa taxi at meron akong dala-dalang heart na unan, flowers at chocolates para kay mama. Bago kasi ako umuwi bumili ako nito sa mall para makabawi ako kay mama at para hindi na siya magtampo sa 'kin. Ito nalang kasi ang naiisip kung dahilan para mawala ang galit niya. Dahan-dahan kung binuksan ang gate at sinara. Bukas ang ilaw sa bahay at paniguradong kanina pa ako hinahanap at hinihintay ni mama.Nag inhale at exhale ako bago hinawakan ang door knob. Kinakabahan ako baka lalo nagalit si mama sa 'kin dahil hindi ako sumunod sa sinabi niya.Binuksan ko ang pinto. Nang tuluyan ko itong mabuksan bumungad sa 'kin ang mukha ni mama.

  • I Remember You   Chapter Eight: What if?

    Chapter Eight: What if? "Nakita ko talaga ang tunay niyang nanay." Natigilan ako sa sinabi ni papa. "Kaninong nanay po?" tanong ko. Gulat na gulat silang napatingin sa 'kin. "K-Kanina kapa diyan anak?" gulat na tanong ni mama. "Kakarating ko lang po, bakit po?" Base sa reaction nila. Parang may hindi ako dapat narinig sa pinag-uusapan nila. "S-Sino po pinag-uusapan niyo?" "Pinag-usapan?” Hindi ako tanga para hindi makaramdam ng pagtataka at hinala. Feeling ko may kaka-iba talaga. Parang may tinatago s

  • I Remember You   Chapter Seven: Look a like?

    Chapter Seven: Look a Like? JUSTIN'S POV.Kakarating lang namin ng sa bahay ni Scart. Dito kami gagawa ng research para sa monday. "Ang ganda pa 'din ni tita Yerah," nakangiting sabi ni Druce pagka-upo. "Oo nga ang ganda niya pa 'din," nakangiting sabi ko. Three years ago na 'din noong huli kaming nag kita ni tita. At kanina, wala pa rin pinag bago sa 'kaniya. Mabait at maganda pa 'din siya. "Hays... nakaka miss tuloy si Yesha--" Naputol ang sasabihin niya ng bigla siyang siniko ni Peter.

  • I Remember You   Chapter Six: Daughter?

    Chapter Six: Daughter? Tutok na tutok ang paningin ko sa laptop. Nag hahanap kasi ako ng trabaho na pwede pasukan. Ayo kung umasa lamang sa allowance na binibigay ni mama at papa. Sapat na sa aking binabayaran nila ang tuition ko kahit ang mahal-mahal nito. Gusto ko ‘din kasi na ako naman ang gumastos para sa sarili ko. Hanggang sa napadpad ako sa isang page na nagnga-ngalang. Cutie Bakery Shop. Nag scroll lang ako ng nag scroll at maraming mga magagandang pagkain ang nakikita ko. Kagaya ng cookies, cake, bread, pie at cupcakes. Ang cute ng logo ng shop nila. Nag scroll ulit ako at may nakita ulit akong isang post three days ago. Nag hahanap sila ng delivery rider

  • I Remember You   Chapter Five: Palm

    Chapter Five: PalmBumalik ako ng classroom at nadatnan kung nagsisilabasan na ang mga kaklase ko at mukhang katatapos lang ng klase.Hinanap ko sina Kate. Nakita kung palabas na sila. Napatingin sila sa 'kin at lumapit. "Bakit ngayon ka lang? Saan kaba nag punta?" tanong nila."Nag pahangin," sagot ko."Alam mo bang katatapos lang ng quiz?" Nanlaki ang mata ko. "Ano nag quiz ang prof?" gulat na tanong ko. "Oo, bakit wala ka?”Hala. Paano ‘yan? Unang araw ng klase

  • I Remember You   Chapter Four: Adik na mukhang Fox

    Chapter Four: Adik na mukhang Fox. "Ito na ba 'yong room nila?" Turo ko sa room nasa harap ko. Dito sa labas kitang-kita muna ang mga estudiyante sa loob na nag babasa ng libro. "Pupuntahan mo siya sa loob?" tanong ni Kate. Tumango ako. "Kailangan niyang mag sorry, isa pa ang sakit parin kaya ng sugat ko." "Bakla, palagpasin mo nalang sila. Malalagot tayo kay Scart pag inaway mo siya," pananakot ni MJ. "Hindi ka ba na tatakot sa 'kaniya?" tanong nila. "Bakit ako matatakot e, pareho lang kaming tao diba? Bakit ako matatakot sa 'kaniya?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status