Isla Paraiso: Achilles' Heart

Isla Paraiso: Achilles' Heart

last updateLast Updated : 2020-09-23
By:  darlingjeaneOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
7Chapters
47views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Si Kristina Flores ay matagal ng may lihim na pagmamahal sa matalik na kaibigan ng kapatid niya—si Achilles del Gonzalva. Pero tila kahit ano ang gawin niya ay hanggang nakababatang kapatid lang ang tingin nito sa kanya. He would date all the women in the university but not her! Kaya naman ng makarating siya sa misteryosong Isla Paraiso kasama ang binata ay hindi niya na pinalagpas ang pagkakataon upang gawin ang lahat ng paraan upang mapaibig ito. Kahit pa hingin ang tulong ng isang napakamapanganib na nilalang.

View More

Chapter 1

Chapter 1

ISANG malawak na ngiti ang agad na sumilay sa aking mukha.

Sino ba ang hindi mapapangiti kung paggising mo pa lang ay ang napagandang pagsikat ng araw na ang una mong masisilayan?

Nag-inat pa ako at nilanghap ang preskong hangin na lalong pinalamig dahil mula ito sa malawak na karagatan.

Paminsan-minsan ay masarap din palang nagpapakalayo-layo. Masarap ding gumising sa umaga na hampas ng alon sa dalampasigan at huni ng mga ibon ang nadidinig. Hindi kagaya kapag nasa lungsod na paggising ko pa lang ay busina ng mga sasakyan ang babati sa akin.

Sana magtagal pa kami rito sa isla. Napakapayapa kasi. Simple at natural ang buhay. Walang cellphone, walang source ng internet. Pero hindi ako naiinip. Actually masaya pa nga ako. Napakasaya.

“Baby....”

Alam kong hindi maipagkakaila ang kislap sa mga mata ko at ang pagsilay ng matamis na ngiti sa mga labi ko.

There he is standing in front of the balcony like he owned the island.

Napakagwapong nilalang.

Nililipad ng hangin ang ilang hibla ng may kahabaan niyang buhok. His sun-kissed skin makes him more like the god of this island. His perfectly shaped face is even more emphasized by his chiseled jaws. Lalaking-lalaki kaya naman hindi na nakapagtatakang madami ang nahuhumaling sa kanya.

Pero ang nakakapagpataba sa puso ko ay ang kaalamang sa dami ng naghahabol sa kanya ay ako lamang ang nakikita ng magagandang pares ng mapupungay niyang mga mata.

Sa dami ng mga nangangarap sa kanya ay sa akin lang niya nilalaan ang matatamis niyang mga ngiti.

Kumabog ang puso ko nang maglakad siya palapit sa akin. Tila bumagal ang takbo ng oras at nahawi lahat ng mga sagabal sa daan niya.

He has always this effect on me. The shaking of my knees, the coldness of my hands, the rapid beating of my heart and the shortness of my breath. All of these symptoms are simply because I am madly in love with this man.

Nang ganap siyang makalapit sa akin ay masuyo niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi pa din nawawala ang ngiti sa mga labi niya. Damn those sexy lips!

“Baby...”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa endearment niyang iyon sa akin. I still can’t believe that after all those years he is finally mine.

“Baby...”

“Baby...”

“Baby...”

Kunot-noo ko siyang pinagmasdan dahil sa paulit-ulit niyang pagtawag sa akin.

“Baby!”

Teka lang. Bakit parang nababalutan siya ng itim na usok?

Nagmumula ang usok sa kanyang paanan na tila may sarili itong isip at gumagapang paakyat sa kanyang katawan.

Gusto kong sumigaw pero walang boses na lumalabas sa aking bibig.

Unti-unting gumagapang ang itim na usok hanggang sa kanyang dibdib.

Inaabot niya ang kanyang kamay na tila humihingi ng tulong sa akin subalit anumang pilit kong hatakin siya palayo sa usok ay hindi ko magawa. Hindi ko maigalaw ang aking katawan!

Lalo akong nagimbal nang makita kong pumapasok ang itim na usok sa kanyang dibdib na tila dinudukot nito ang kanyang puso.

Alam kong umiiyak ako dahil wala akong magawa upang iligtas siya. Wala akong magawa upang ilayo sa kapahamakan ang lalaking minamahal ko.

“Tinay...”

Hindi! Huwag mo siyang kunin!

Habang tumatagal ay nakikita ko ang sakit sa kanyang mga mata.

“Tinay!”

Daig ko pa ang binuhusan nang malamig na tubig kaya’t napabangon agad ako.

“Ikaw na bata ka, kahirap mong gisingin!”

Sa halip na sagutin si Mama ay napatitig lang ako sa kumot na nakabalot sa katawan ko.

Panaginip lang pala lahat. Mabuti naman.

Napahawak ako sa tapat ng aking puso na napakalakas ng tibok.

“Kristina!”

Napaigtad ako sa sigaw ni Mama. May kasama pang tapik sa balikat ko.

“Po?” Tulog pa yata ang diwa ko at mukhang naiwan ko sa loob ng panaginip ko.

“Susme ka! Kanina pa ako salita ng salita rito hindi ka naman nakikinig!”

“Sorry, Ma. May iniisip lang po ako.”

“Ano? Iyong binabasa mo sa Wattpad na katatakutan? Hay naku! Kaya ka laging tulala, e!”

Hindi na lang ako sumagot tutal ako din naman ang talo. Napahinga na lang ako ng malalim dahil ang Wattpad na naman ang sinisisi nito. Isa lang naman iyong reading platform kung saan pwedeng magbasa ng kuwento ng libre. Si Mama pa ba? E, wala naman akong panama sa pagiging abogado niya. 

Pero hindi ko pa din maialis sa isip ko ang kakaibang panaginip na iyon. It seems so real.

“Tinay!”

Napaigtad na naman ako sa sigaw ni Mama.

“Sinasabi ko sa ‘yo lubayan mo na ang kakapuyat d’yan sa mga binabasa mo. Tingnan mo ‘yang mata mo malusog na malusog na sa eyebag!”

Napahawak tuloy ako sa ilalim ng mga mata ko.

“Hindi naman po, Ma!”

“Hay naku! Bumaba ka na at mag-almusal na. Baka akala mo maaga pa.”

“Shit!” bulalas ko nang makita ang oras sa alarm clock ko.

Alas siete na ng umaga! Alas otso ang unang klase ko at sa sobrang kutay kong gumayak ay siguradong hindi ko mapapasukan ang unang subject ko.

Nagpasya akong huwag nang isipin ang panaginip na iyon. Tutal kabaliktaran naman daw ng panaginip ang nangyayari sa totoong buhay.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Muntik ko pang mabangga ang kapatid kong papaakyat naman.

“Lintik naman, Tinay! Magdahan-dahan ka nga!”

“Sorry, Kuya.”

Hindi na siya nagsalita pa at dumiretso na sa kwarto niya. Tiyak bad trip na naman sa akin iyon.

“O, anak kumain ka na,” bungad sa akin ni Papa nang maupo ako sa hapag kainan. Nagkakape siya at nagbabasa ng diyaryo.

Mabilis akong nilapitan ng isa sa mga kasambahay namin at nilagyan ng gatas ang baso ko. Iyon lang kasi ang iniinom ko. Ewan ko ba sa dila ko kung bakit hindi ito nasasarapan sa kape o sa anumang chocolate drinks.

Magalang naman akong nagpasalamat dito.

Kumuha ako ng toasted bread at pinalaman ito ng sunny-side egg. Gustuhin ko man kasing kumain ng madami ay hindi na pwede dahil nga mahuhuli na ako sa klase.

“Ayan kainam mong bata ka. Nagmamadali ka ngayon!” Ang aking ina ulit. Hindi ko na napansing nakababa na rin pala siya.

“Honey, kumain ka na rin. Ang aga-aga mainit na naman ang ulo mo,” sabi ni Papa at hinila si Mama upang maupo sa tabi niya.

Kinambatan niya ang isang kasambahay upang lagyan ng maiinom ang baso ni Mama. Si Papa na din ang naglagay ng pagkain sa plato ng aking ina.

Such a sweet guy!

“Paanong hindi ako maiinis? Alam naman nitong anak mong may pasok siya ngayon, sukat nagpakapuyat kagabi! O, kita mo ngayon mukhang tangang nagmamadali sa pagkain!”

“Hayaan mo na, Honey. Unang araw lang naman ng klase nila, tiyak naman hindi pa magdi-discuss ang professors nila.” Pasimple pa akong nginitian ni Papa na tila sinasabing siya na ang bahala kay Mama.

“Sige kunsintihin mo ‘yang anak mo.”

“Honey, malaki na ‘yang si Tinay. Ikaw naman pinaiinit mo ang ulo mo sa maliliit na bagay.”

Hindi na nagsalita pa si Mama tanda nang paghinahon at pagsuko sa lambing ni Papa.

Ganito kami madalas. Magagalit si Mama sa amin ni Kuya Kristoff- short for Kristofferson, at pagkatapos si Papa naman ang bahalang magpahinahon sa kanya. I must say effective talaga dahil kahit anong inis ni Mama ay napapahinahon siya ni Papa. The magic of love, huh?

“Anyway, where do you want to go later?” Si Papa ulit.

“Bakit? Ano’ng meron at lilibot tayo?” nagtatakang tanong ni Mama.

“Honey, next week I’ll be out of the country for an international conference in Thailand. Isang linggo din ako roon. I’ll miss you badly kaya naman kailangan magkaroon tayo ng alone time. Tamang-tama busy na sa university ang mga asungot natin.”

Hindi ko alam kung matatawa ba ako kay Papa o maiinis. Tawagin ba naman kaming asungot? Si Kuya pwede pa. Pero ako? Hindi!

“Well I’m planning to buy some stocks sa grocery. Kaunti na lang kasi ang laman ng fridge natin.”

“Good. Mag-grocery tayo. Then let’s have some dinner.”

“Okay.” Hindi man halata pero alam kong kinikilig si Mama.

Mukhang nakalimutan na nga nilang nandito pa ako sa harap nila dahil busy na sila sa paglalambingan. Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

“Papasok na po ako!” Napabaling naman ako sa gawi ni Kuya Kristoff nang magsalita siya.

“Isabay mo na itong kapatid mo, Kristofferson,” sabi ni Mama.

“Anong oras pa po matatapos ‘yang pagong na ‘yan? Hindi pa nga napapangalahati ang kinakain,” inis na reklamo ni Kuya.

Tingnan mo ‘tong kapatid ko. Napakasama sa akin!

“Hintayin mo na at hindi ko maihahatid si Tinay dahil may lakad kami ng Mama ninyo,” matigas na utos ni Papa.

“Pero, Pa, late na po ako.”

“Hintayin mo na,” walang kagatol-gatol na sabi ni Papa.

Walang nagawa ang mabait kong kapatid kung hindi ang sundin ang mga magulang namin. Syempre pwede ba namang hindi siya sumunod? E, mawawalan siya ng allowance kapag nagkataon.

Palihim akong napangiti. Ngiti ng tagumpay.

Nang matapos akong kumain ay nagtungo na agad ako sa kwarto upang maligo at gumayak. Habang nasa banyo ay hindi ko mapigilang magtatalon sa kilig. Okay na sa akin ang panaginip na iyon kanina. Mas maganda naman ang reyalidad.

First year college na ako. Sa Universidad de Laoag ako mag-aaral. Ang university kung saan nag-aaral ang lalaking anim na taon ko nang lihim na minamahal. The mere thought of stepping on the same university where he is studying is enough to drive me insane.

Ganoon kalaki ang epekto niya sa akin.

Paglabas ko ng banyo ay tinungo ko ang aking walk-in closet at namili ng isusuot na damit. Nahirapan pa nga akong mamili kahit madami naman akong pagpipilian. Girls problem nga naman.

“Ano kaya ang maganda? Dress? Masyado naman akong girly. Baka ayaw niya ng gano’n.”

I scanned all the clothes that I have but I still can’t figure out what to wear. Daig ko pa ang pupunta sa first date ko! 

Sa huli ay isang black skinny pants na tinernuhan ko ng puting sando at pinatungan ko ng faded blue cotton jacket na tinupi ko hanggang siko. Hindi rin naman ako palaayos kaya tama na para sa aking ilugay lang ang hanggang baywang kong buhok na natural ang kulot sa dulo. Pulbos at lipstick lang okay na ako.

Eksaktong alas-otso nang bumaba ako ng kwarto. Naabutan ko si Kuya na sambakol na ang mukha at matalim na ang tingin sa akin.

“Bumaba ka pa, Pagong?” asar niyang sabi sa akin.

“Gusto mo umakyat ulit ako, Matsing?”

“Sige at iiwanan na talaga kita!”

Inilabas ko lang ang dila ko at binelatan siya. Bago pa niya ako mabatukan ay tumuloy na ako sa kusina kung saan nandoon ang mga magulang namin.

“Papasok na po kami,” paalam ko sa kanila na nahuli ko pang naglalambingan.

“Sige, anak. Ingat kayo,” sabi ni Papa.

“Kristofferson, ‘yong pagda-drive mo, ha!” paalala ni Mama kay Kuya.

“Opo, Ma. Makabuo naman kayo ng pangalan ko wagas.”

“Ano ‘yon?” Tanong ni Mama.

“Wala po. Sabi ko po ang ganda ng pangalan ko.” Ngumiti pa ng peke si Kuya.

“Aba, maganda talaga dahil pinagsamang pangalan namin ng Mama niyo ‘yan, Kristofferson,” singit naman ni Papa.

Kinagat ko ang labi ko upang hindi mapangisi. Alam ko kasing inis na inis si Kuya sa pangalan niya dahil bukod sa mahabang isulat ay OA pa. Halatang-halatang pinagsamang pangalan ng magulang namin.

“Alis na po kami.” Mabilis na lumabas ng bahay ang kapatid ko.

“Bye po.” Sumunod na din ako dahil ayokong maglakad papasok. Sigurado kasing bad mood na si Kuya ngayon. Ayoko nang dagdagan pa.

Naabutan kong nakasakay na sa motor niya si Kuya. Ito ang regalo sa kanya nila Mama at Papa noong nakaraang birthday niya. Pahirapan pa nga bago mapapayag ang mga magulang namin dahil natatakot silang madisgrasya si Kuya. Kaya naman bago siya bilhan ng mga magulang namin ay ni-require muna nilang hindi bababa sa 1.5 ang mga grades ni Kuya sa lahat ng subjects niya.

Ang akala ko nga ay hindi magagawa ng kapatid ko iyon lalo na at Engineering ang course nito. Alam kong mahirap ang mga subjects doon. Pero dahil innate ang pagiging matalino ng kapatid ko ay nagawa niya ang hinihingi sa kanya.

Walang nagawa sila Papa kung hindi ang bilhin ang gusto niyang motorsiklo. Sa ibang bansa pa nga ito in-order dahil wala ritong available sa Pilipinas. Awa naman ng Diyos ay wala pang aksidenteng nakakasangkutan ang kapatid ko.

“Bilisan mo, sumakay ka na, Pagong. Kanina pa ako late!”

“E, bakit ‘yan? ‘Yong kotse na lang.”

“Gagamitin nga nila Papa, ‘di ba?”

Nag-aatubili pa akong sumakay dahil naranasan ko na kung paano magpatakbo ng motor si Kuya. Muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko!

“Ano sasakay ka ba o hindi? Kung ayaw mo mag-taxi ka na lang!” singhal niya sa akin.

“Oo, ayan na nga--Ay kalabaw!” Muntik pa akong mahulog dahil pinatakbo agad ng magaling kong kapatid ang motor nang hindi pa ako nakakahawak sa balikat niya.

Habang nasa daan ay hindi ko malaman kung kakapit ba ako o sisinupin ko ang buhok kong nakikipagbuno sa ihip ng hangin. Kaya mas gusto kong si Papa ang naghahatid sa akin dahil naka-kotse na ako, hindi pa ako mukhang haggard.

“Hoy, pagong, umayos ka mamaya. Huwag kitang makitang pakalat-kalat sa campus kung hindi itatapon kita pauwi!” Medyo malakas ang pagkakasabi ni Kuya dahil baka hindi kami magkarinigan.

“Ano’ng akala mo sa akin...aso? Malaki na ako, alam ko na ang gagawin ko!”

“Hindi ka aso... pagong ka. At mabuting magkaintindihan tayo. Baka mamaya i-stalk mo lang si Aki doon! Lagot ka talaga sa ‘kin!”

Sa pagbanggit pa lang ni Kuya ng pangalan ng best friend niya ay tila lumiwanag na ang paligid ko.

“Umayos ka, Kristina. Mag-aaral ka roon hindi maghahabol kay Achilles!”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters
No Comments
7 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status