LOGINKULANG bente minutos lang namin byinahe ang pagitan ng aming bahay sa Brighton Parkplace at ng eskwelahan na kung tutuusin ay mahigit trenta minutos dapat. Napakabilis magpatakbo ng ugok!
Inis kong sinusuklay tuloy ang nagulo kong buhok habang papasok kami ni Kuya sa university. Ni hindi ko na nga nabigyang pansin ang sinasabing trademark ng unibersidad--ang higante nitong gate na gawa sa kahoy. Iyong klase ng gate na hindi makikita ang buong unibersidad mula sa labas.
“Pagong, alam mo ba kung saan ang first subject mo?” tanong sa akin ni Kuya habang naglalakad kami sa hallway.
“Oo,” maikling sagot ko dahil abala pa ako sa buhol-buhol kong buhok.
“Iyong mga binilin ko sa ‘yo, ha. Huwag kang magkakalat dito kung hindi dadagukan kita!”
“Oo na nga.” Ilang beses niya na ba kasing ipinapaalala sa akin iyon simula noong nag-enroll ako rito!
“Sinasabi ko lang at ayokong mapahiya rito. Maganda ang reputasyon ko rito sa loob ng tatlong taon, baka kung kailan ka nandito ‘tsaka masira!”
“Kapal mo naman, Kuya! Mas matino ako sa ‘yo kaya kung ‘yan lang ang inaalala mo wala kang magiging problema sa akin. Iyang sarili mo ang pagsabihan mo.”
“Aba, loko kang bata ka, a. Kuya mo ‘ko kaya ‘wag kang ganyan sumagot.”
Inis kong binitiwan ang buhok ko. Ang hirap na nga’ng suklayin, ang sakit pa!
“Bwisit!” bulalas ko.
“Hoy, sino’ng bwisit? Ako?” Hinawakan niya pa kwelyo ng suot kong cotton jacket kaya napahinto ako sa paglalakad. “Ikaw, isusumbong kita kina Mama. Kapag kaharap sila ang bait-bait mo, kapag tayong dalawa na lang kung sumagot ka sa akin parang mas matanda ka pa.”
“Kuya, ano ba? Hindi naman ikaw ‘yon, e. Itong buhok ko, nagkabuhol-buhol sa bilis nang patakbo mo kanina sa motor!”
“Kasalanan mo ‘yan. Kung binibilisan mo ba naman ang kilos mo sa bahay, hindi na ako magmamadaling mag-drive!”
Hindi na ako sumagot dahil lalo lang nagatungan ang inis ko. Late din naman ako, ah. Quits lang kaming dalawa.
Naupo na lang ako sa bakanteng bench na nadaanan namin at doon ipinagpatuloy ang pagsusuklay sa nakakapeste kong buhok.
“Hoy pagong, late na tayo. Mamaya na ‘yan!”
“Mauna ka na, Kuya.”
“Tara na. Sa room mo na ‘yan suklayin.”
“Sige nga, ikaw ang pumasok nang ganito ang itsura ng buhok mo?” Mangiyak-ngiyak na ako sa inis. Bad trip!
Padabog na umupo si Kuya sa tabi ko.
“Akin na nga ‘yang suklay!”
“Bakit?”
“Basta akin na!” ‘Tsaka niya padarag na inagaw sa kamay ko.
“Ginagamit ko-” Nahinto ako sa iba ko pang sasabihin nang maramdaman kong sinusuklay niya ang dulo ng buhok ko.
“Tss. Magpagupit ka na nga. Ang haba ng buhok mo hindi mo naman kayang alagaan,” litanya ng kapatid ko habang sinusuklay ang buhok ko.
“E, ayaw ni Mama. Sayang daw.” Nabawasan naman ang inis ko dahil sa ginagawa niya ngayon. Sabi ko na kahit ganito kami, mahal pa rin ako nitong abnoy kong kapatid.
“Mas sayang kung ganitong hindi ka naman marunong magsuklay.”
“Marunong ako, buhol-buhol nga kasi kaya ganyan!”
Hindi na kumibo pa ang kapatid ko at nagpatuloy sa pagsusuklay sa akin. Mabuti naman at nakonsensya siya.
“Oy, pogs!”
Parang itinulos ako sa kinauupuan ko nang madinig ko ang boses na iyon. At tulad ng madalas na reaksyon ng katawan ko, kumalabog na ang puso ko at nanlamig na ang mga kamay ko.
“O, pogs.”
“Kaya naman pala wala ka sa room natin, nandito ka at dumidiskarte.”
Napapikit ako nang mariin. Pambihira! Napagkamalan pa ni Achilles na chicks ako ni Kuya Kristoff. Nakatalikod kasi ako kaya hindi niya makita ang mukha ko.
“Ano’ng dumidiskarte? Kanino?” nagtatakang tanong ng kapatid ko. Slow talaga.
“Sa kanya. ‘Ayan nga sinusuklay mo pa.”
Malakas na tawa ang naging sagot ni Kuya kay Achilles. Habang ako naman ay hindi na malaman ang gagawin. Hindi ko alam kung haharap ba ako o mananatiling nakatalikod.
“Ano ka ba, Pogs? Si Tinay ‘yan.” Natatawa pa rin si Kuya.
“Tinay? You mean si Kristina?”
“Oo.”
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sumulpot sa harapan ko si Achilles. Halos huminto ang tibok ng puso ko sa pinaghalong gulat at kaba.
“Baby Tinay! Dalaga ka na pala.”
Pakshet!
Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. Gusto kong masuka sa itinawag sa akin ni Achilles. Mabuti sana kung term of endearment iyon kaso ay hindi. Baby Tinay as in nakababatang kapatid o kaya bunso.
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Ang mukha ng lalaking matagal ko ng hinahangaan. Halos maumid ang dila ko dahil sa pinaghalo-halong emosyon.
Ganoon pa rin ang mukha niya. Mas lalo pa ngang gumandang lalaki ang mokong. May kahabaan na ang buhok niya na natural ang pagiging kulay ginto. Ang alam ko kasi ay may lahing Spanish ang pamilya nila. Makinang pa rin ang abo niyang mga mata na akala mo ay laging nangungusap. Matangos ang ilong at mapupula ang labi na may maliit na nunal sa gilid. Higit sa lahat ay ang prominente niyang panga na lalong nagpakisig sa kanya.
Nagulat ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. Ramdam ko tuloy ang pag-tumbling ng mga insekto sa tiyan ko.
Deym!
“O, pogs, tama na ‘yan. Child abuse ‘yan. Kapatid ko ‘yan!”
Natatawang binitawan ako ni Achilles. Nakita ko tuloy ang perfect set of white teeth niya.
“Akalain mo nga naman parang kailan lang patakbo-takbo ka pa na naka-panty lang, ngayon dalaga ka na!”
Naman! Kailangan pa talagang banggitin iyon? Ang lintik ko namang kapatid nakipag-apir pa kay Achilles.
Lihim akong napasimangot. Ganito naman talaga lagi, e. Achilles will never see me as a woman.
Laging ’nakakabatang kapatid ni Kristoff’ ang peg ko sa kanya.
Always.
Kaya nga kung ituring niya ako ay ganoon din habang ako ay gabi-gabi siyang inaasam na maging nobyo.
“Kailangan pala, Pogs, mabantayan natin ‘tong si Baby Tinay. Baka may umaligid ditong manliligaw.”
“Naku, hindi na kailangan. Kahit sino ang manligaw d’yan, siguradong basted!”
“Bakit naman? Pihikan ka siguro, Baby Tinay.”
Natawa lang si Kuya.
“Tama ‘yan. Maging pihikan ka lang. Bata ka pa. Hindi ka pa pwedeng mag-boyfriend.”
“O, nadinig mo Tinay? Hindi ka pa raw puwedeng mag-boyfriend sabi ng Kuya Achilles mo,” nakangisi pa si Kuya Kristoff.
Bwisit! Kuya Achilles?
Yuck!
Parang nadudurog ang puso ko kapag naiisip kong mas matanda siya sa akin at walang pag-asang mapansin niya ako bilang babaeng maaari niyang magustuhan.
Kasi naman itong puso ko. Bakit sa dinami-dami ng pwedeng tumibok ay doon pa sa lalaking malabong magkagusto sa akin.
Matagal ko ng crush si Achilles. Tandang-tanda ko pa kung paano unang tumibok ang batang puso ko para sa kanya.
Grade Seven pa lang ako noon at Grade Eleven naman sila ni Kuya. Nakaupo ako sa may bench ng school nang bigla akong mapalingon sa gawi ng soccer field. Sakto namang naglalakad si Kuya Kristoff noon kasama ang isang matangkad na lalaki.
Parang huminto ang oras nang mga sandaling iyon. Naging slow motion ang lahat sa paligid ko. Nabitawan ko pa nga ang horror book na binabasa ko ngunit hindi ko na iyon nagawang pulutin dahil ayokong mawala sa paningin ko ang lalaking kasama ng kapatid ko.
He is tall and lean. Kahit naka-uniporme ay kita ang magagandang pangangatawan nito. His hair is clean-cut. Kulay ginto ito na animo’y pinakulayan ngunit kita naman sa mga features ng mukha nito na hindi siya purong pinoy.
Napakunot ang noo ko nang mapagsino ko iyon dahil sa maangas na tabas ng panga nito at nunal sa gilid ng labi.
Si Achilles del Gonzalva! Ang matalik na kaibigan ng kapatid ko.
Noon ko na lang ulit siya nakita matapos niyang mag-stay sa Barcelona ng dalawang taon. Hindi ko alam na babalik pa siya rito sa Pilipinas.
At sa pagbabalik niya ay masisilo niya pa ang aking puso.
Simula ng araw na iyon ay siya na ang naging ultimate secret crush ko. Sikreto iyon dahil siguradong tatawanan lang nila ako ni Kuya Kristoff kapag nalaman nila. Pero sa kasamaang palad ay nalaman ng kapatid ko. Pasalamat na lang ako at hindi niya sinabi sa best friend niya.
“Baby Tinay, saan ba ang next subject mo? Ihahatid ka na namin ni Pogs.”
“Sa Room ACT1-14,” walang buhay kong sagot.
“Aba, Accounting ka pala. Pogs, ayos talaga ‘tong si Baby Tinay! Magaling pala sa numbers. Hindi ko alam ‘yon.”
“Madami ka pang hindi alam kay pagong, Pogs,” makahulugang sabi ni Kuya kay Achilles.
Hindi ko na lang pinansin ang dalawang magkaibigan at nauna na akong maglakad papunta sa Accounting Building. Alam ko naman kung saan iyon dahil napuntahan ko na iyon no’ng nag-enrol ako.
“Pagong!” Dinig kong sigaw ng matsing kong kapatid.
Hindi ko siya pinansin dahil hindi maganda ang mood ko ngayon.
“Baby Tinay!”
Napahinto ako dahil sa sigaw na iyon ni Achilles. Ilang sandali pa ay naramdaman kong nakasunod na sila sa likuran ko.
“Sabi sa ‘yo Pogs, hihinto ‘yan kapag ikaw ang tumawag, eh!” nadinig kong komento ni Kuya.
“Oo nga. Wala ka pala, Pogs. Mahina ka kay Baby Tinay! Dapat ako na lang ang kapatid niya.”
“Burn!” sabi ng kapatid ko sabay tawa nang malakas.
Huminto ako at sinamaan silang dalawa ng tingin.
“Huwag niyo na akong sundan. Alam ko na kung saan ang room ko.”
Imbes na ako ang pagtuunan nila ng pansinin ay lumagpas ang tanaw nila sa likuran ko. Nang lumingon ako ay napaikot ako ng mga mata.
Achilles and my monkey brother is looking at those girls wearing mini skirts.
Napairap ako. Umiral na naman ang pagiging palikero nila. Mag-best friend nga sila dahil parehas silang babaero!
“Hey, handsomes!” Bati naman ng mga babaeng iyon kay Achilles at Kuya.
“Hi,” sabay na sagot ng dalawa.
“‘Di ba, kayo si Achilles del Gonzalva and Kristoff Flores of the Engineering Department?” Kinikilig na tanong no’ng isa na kulot at naka-tube top.
“Yeah. How’d you know?” kunwari ay pasupladong sagot ni Achilles.
“Oh, My! Sobrang sikat niyo kaya rito sa UDL. Walang hindi nakakakilala sa inyo na super yummy na mag-best friend!”
Wala man lang kahiya-hiya sa katawan ang mga babaeng ito!
“Ow, really? ‘Di kami aware, eh,” Umarte pa ang kapatid ko na kunwari ay nagulat samantalang alam na alam naman nilang sikat sila. With a whooping fifty thousand followers and counting on their facebook accounts, hindi pa ba sikat iyon?
“Ano’ng hindi? Hindi na nga kami makapag-send ng request sa inyo, eh. Add niyo naman kami.” Muntik pa akong masuka nang mag-puppy eye ang mahaharot na babae.
“Sure,” nakangiting sabi ni Achilles, “Ano ba ang name niyo sa FB?”
Pinag-krus ko ang mga braso ko. Ano ba’ng balak nila? Ihatid ako o makipag-flirt?
Hindi ko na mabilang kung ilang babae na ang napaiyak ng dalawang ito. Simula yata nang nalaman nila kung gaano sila nabiyayaan nang magagandang mukha ay kabi-kabila na ang mga naging babae sa buhay nila.
“Pwede pa-save na rin ng mga numbers niyo?” Maarteng inabot pa ni Ms. Tube-top ang cellphone niya sa kapatid ko.
“No problem.” Nagulat pa ako nang si Achilles ang kumuha ng cellphone nito.
Halos dumugo ang labi ko sa panggigigil. Nakangisi pa ang dalawang higad habang tina-type ni Achilles at ni Kuya ang mga number nila sa cellphone ng mga ito.
“Thanks!”
Nang matapos ang masakit sa mata at nakakadurog sa pusong tagpong iyon ay tinalikuran ko na ang dalawang bugok.
“Hoy, Pagong! Hintayin mo kami.”
Matsing! Bahala kayo r’yan!
Bakit ba kasi laging ganito? Alam naman ni Kuya na may gusto ako kay Achilles pero hinahayaan niya pang makipag-flirt ang kaibigan niya sa ibang babae. Hindi man lang niya naisip na masasaktan ako. Ano’ng klase siyang kapatid?
At itong si Achilles naman na sinalo na yata lahat ng pagiging manhid sa mundo, bakit kapag ibang babae ramdam niya agad na gusto siya? Bakit kapag ako ni hindi man lang niya mapansing matagal ko na siyang gusto?
“Hoy, Kristina! Ikaw ha, nagiging bastos ka na!”
Huminto ako at pinakalma ang sarili ko bago harapin ang kapatid ko at ang mahal ko.
“Late na ‘ko. Kung hihintayin ko pa kayong matapos sa pakikipag-flirt niyo, pati second subject ko hindi ko na masisimulan.”
“E, bakit hindi ka humihinto? Tinatawag kita.”
“Hala, Pogs, nagalit yata si Baby Tinay dahil pinamigay mo number mo. Ikaw yata ang hindi magkaka-girlfriend dahil mahigpit ang bantay mo,” natatawang sabat ni Achilles.
Isang pilyong kislap ang nakita ko sa mga mata ng kapatid ko. Alam kong naintindihan na niya kung bakit ako tinopak ngayon.
“Talaga, ha? Dahil sa ‘kin.”
Pinandilatan ko ang kapatid ko. Mabuti na lang at sadyang manhid si Achilles dahil tinawanan niya lamang kami.
“Ang sweet niyo talagang magkapatid. Kaya inggit na inggit ako sa inyo, eh.”
Nag-iisang anak lang kasi si Achilles kaya ipinaampon na niya ang sarili niya bilang kapatid namin ni Kristoff. Si Kuya lang naman ang pumayag lalo na noong naturuan niya si Achilles na maglaro ng pogs nang bagong dating ito sa Pilipinas. Doon din nagsimula ang tawagan nilang ‘Pogs’ bukod sa pareho silang pogi.
“Bakit ka maiinggit, Pogs? Eh, kapatid ka nga namin, ‘di ba Tinay?”
I sighed.
Ganito na nga lang ba talaga ang estado ko kay Achilles?
Hanggang kapatid na lang?
NAMALUKTOT ako at lalo pang ibinalot ang sarili sa aking comforter. Pinatay ko na rin ang aircon sa aking kwarto kaninang madaling araw dahil sa sobrang ginaw. When I looked at the window I saw the heavy drops of rain pouring.Pahinamad akong bumangon nang mag-alarm ang aking cellphone tanda na kailangan ko nang gumayak dahil may klase pa ako.I was about to turn off the alarm when I saw a message from an unknown number.From: +63916777****Classes are suspended today due to heavy rainfalls. Please stay inside your house and be safe.UDL- AdminGreat! Ano ang gagawin ko ngayong araw na walang pasok? Boring dito sa bahay. Magbasa na lang kaya ako ng mga horror books ko maghapon? Or manood ng movies sa computer?Siguro nga gano’n na lang. Nakakatamad lumabas ng bahay dahil sa lakas ng ulan. At isa pa saan naman ako pupunta kung sakali? I’ve got no friends to visit dahil nasa Manila na iyong iba at nasa ibang bansa naman ang
“NAITAWAG mo na ba sa magulang mo ang nangyari, Aki?”Nag-angat ako ng tingin mula sa plato ko patungo kay Papa. Kasalukuyan kaming nasa hapag-kainan at nag-aalmusal. Yesterday was a long and tiring day for all of us, especially for Achilles.“Opo. Kagabi po bago ako matulog I called them. They’re in Barcelona. Hindi daw po sila makakauwi dahil may mga investors pa silang kailangan i-meet.” It is obvious that Achilles is not happy about it.“It’s okay, honey.” Malambing na sabi ni Mama kay Achilles. She’s always like that to him. Like he is her favorite son. Mabuti nga’t hindi seloso si Kuya.“I’ve got no choice but to be okay with it. Isa pa sanay na din po ako.” He tried to smile but the loneliness in his voice betrayed him.Ganito naman lagi si Achilles. He will always say that he is okay without his parents but I know he is just faking it. Sino ba naman kasing anak an
MABILIS ang mga hakbang namin ni Kuya Kristoff patungo sa lobby ng ospital kung saan naroon si Achilles at ang nobya nito.Hindi naman grabe ang pagkakahimatay ko kaya pumayag si Kuya na isama ako ngayon. Isa pa wala din naman siyang magagawa dahil susunod ako kung sakali. He knows how worried I am for his best friend.“Nurse, excuse me,” tawag ni Kuya sa nurse na naka-station sa lobby, “saan dito iyong kwarto ni Achilles Del Gonzalva at Myrasol Inario?”“Sir, saglit lang po, check ko lang.” Naupo ang nurse sa harap ng computer na naroon at nag-type. Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa harap namin. “Si Mr. Del Gonzalva po hindi naman naka-admit pero si Ms. Inario nasa ICU po siya. Third floor po, room 302. Pero baka hindi pa po kayo payagan ng nurse doon na makita si Ms. Inario.”Hindi naman iyong nobya ni Achilles ang ipinunta namin!Pigil ang dila ko upang hindi ko masabi iyon sa kausap namin.
WALANG sigla ang bawat bagsak ng mga paa ko sa lupa. Pakiramdam ko ay naglalakad ako nang walang direksyon.Hanggang ngayon ay naiisip ko pa din ang tagpong nakita ko kanina sa likod ng university. Hanggang ngayon ay tila pinipiga pa rin ang puso ko na parang ngayon ko pa lang sila nakikitang naghahalikan at nagpapalitan ng matatamis ng mga salita.Nanunubig na naman ang mga mata ko. Alam kong para na akong tanga na naglalakad at umiiyak, pero ano ang magagawa ko? Nasasaktan ako ngayon.Dati naman ay wala akong pakialam kung magkaroon ng iba’t-ibang nobya si Achilles. Malakas ang loob ko noon dahil wala naman siyang siniseryoso sa naging mga relasyon niya. Pero ngayon ay alam ko at damang-dama ko na seryoso siya. Sa paraan pa lamang ng pagtingin niya sa babaeng iyon ay alam ko na.Mahal niya ito.At ako?Tanging nakakabatang kapatid lang ang turing niya sa akin. Isang kapatid na matagal niyang pinanabikang magkaroon dahil nag-iisang an
NAKASIMANGOT ako nang pumasok sa room ng susunod kong subject.Kaunti pa lang ang inabutan kong estudyanteng nandoon. Iyong iba ay kanya-kanya pa ng upuan habang mayroon namang nagkukwentuhan na.I chose to sit on the second to the last row of the seats. Ayokong may kausapin ngayon. Hindi pa rin maganda ang mood ko dahil sa nangyari kanina.Nang makaupo ako ay agad akong naglagay ng earphones at nakinig ng music. Pumikit din ako para siguradong walang magtatangkang kumausap sa akin.Sa ganoong estado ay pumasok na naman sa isip ko ang mga bagay na nagpapasama ng loob ko ngayon.I am eighteen years old while my brother is twenty-two. Apat na taon ang pagitan ng edad namin. Ibig sabihin ay ganoon din ang pagitan ng edad namin ni Achilles. Kaya gusto nito na tawagin ko siyang Kuya Achilles.But I refused.Nagtampo pa nga sa akin si Achilles dahil sa pagtanggi kong tawagin siyang Kuya. Akala niya ay ayaw ko siyang kapatid dahil ayoko sa k
KULANG bente minutos lang namin byinahe ang pagitan ng aming bahay sa Brighton Parkplace at ng eskwelahan na kung tutuusin ay mahigit trenta minutos dapat. Napakabilis magpatakbo ng ugok!Inis kong sinusuklay tuloy ang nagulo kong buhok habang papasok kami ni Kuya sa university. Ni hindi ko na nga nabigyang pansin ang sinasabing trademark ng unibersidad--ang higante nitong gate na gawa sa kahoy. Iyong klase ng gate na hindi makikita ang buong unibersidad mula sa labas.“Pagong, alam mo ba kung saan ang first subject mo?” tanong sa akin ni Kuya habang naglalakad kami sa hallway.“Oo,” maikling sagot ko dahil abala pa ako sa buhol-buhol kong buhok.“Iyong mga binilin ko sa ‘yo, ha. Huwag kang magkakalat dito kung hindi dadagukan kita!”“Oo na nga.” Ilang beses niya na ba kasing ipinapaalala sa akin iyon simula noong nag-enroll ako rito!“Sinasabi ko lang at ayokong mapahiya rito. Maga