MasukMABILIS ang mga hakbang namin ni Kuya Kristoff patungo sa lobby ng ospital kung saan naroon si Achilles at ang nobya nito.
Hindi naman grabe ang pagkakahimatay ko kaya pumayag si Kuya na isama ako ngayon. Isa pa wala din naman siyang magagawa dahil susunod ako kung sakali. He knows how worried I am for his best friend.
“Nurse, excuse me,” tawag ni Kuya sa nurse na naka-station sa lobby, “saan dito iyong kwarto ni Achilles Del Gonzalva at Myrasol Inario?”
“Sir, saglit lang po, check ko lang.” Naupo ang nurse sa harap ng computer na naroon at nag-type. Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa harap namin. “Si Mr. Del Gonzalva po hindi naman naka-admit pero si Ms. Inario nasa ICU po siya. Third floor po, room 302. Pero baka hindi pa po kayo payagan ng nurse doon na makita si Ms. Inario.”
Hindi naman iyong nobya ni Achilles ang ipinunta namin!
Pigil ang dila ko upang hindi ko masabi iyon sa kausap namin.
“Thank you, nurse,” nakangiting sabi ni Kuya rito kaya naiwala ko na din ang iniisip ko.
“Let’s go, Tinay. Baka kailangan na tayo ni Pogs doon.”
Tumango ako at mabilis na sumunod sa kapatid ko. Sumakay kami sa elevator at agad niyang pinindot ang button para sa third floor ng hospital. Mabuti na lang at kaunti lang ang mga gumagamit ng elevator kaya madali lang kaming nakarating sa ikatlong palapag.
Nang tumunog ang lift tanda na naroon na kami sa pakay naming palapag ay madali kaming lumabas. Bumungad sa amin ang puting-puting pader at tiles ng hospital. Napakatahimik ng palapag na iyon tanda na limited lamang ang mga taong maaaring pumunta roon.
“Nasaan kaya rito ang room ni Myr?” tanong ni Kuya na hindi ko alam kung para ba sa akin iyon o sarili niya lang ang kinakausap niya.
Tuloy lang ang lakad namin hanggang sa may makasalubong kaming janitor doon.
“Excuse me, Kuya. Saan ho ba rito iyong Room 302?” Tanong ni Kuya rito.
“Diretso lang kayo tapos may lilikuan d’yan, sa kaliwa kayo. Makikita niyo na agad dahil may mga room numbers naman ang pinto roon.”
“Okay, salamat po,” tinapik pa ng kapatid ko ang balikat ng janitor.
“Walang anuman.”
Muli kaming naglakad ni Kuya papunta sa sinabing direksyon ng janitor. Hindi naman kami naligaw dahil tama lang ang lahat ng sinabi nito sa amin. Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng pintuan ng kwarto ni Myrasol-- ng nobya ni Achilles.
“Hindi yata tayo pwedeng pumasok agad,” sabi ko.
“Oo nga. Hintayin na lang nating may lumabas. Wala si Pogs dito kaya baka nasa loob siya.”
Tahimik lang kaming naupo ni Kuya sa bench na nasa labas ng kwarto. Nakabibingi ang katahimikan at para bang kapag may nagsalita sa amin ay hindi tama. Tanging tunog ng sapatos lamang ng mga doctor at nurses na nasa third floor ang nadidinig namin.
I sighed. Muli na naman kasing pumasok sa isip ko ang panaginip ko. May kung anong kabog sa dibdib ko kapag naaalala ko iyon. Hindi ko din maiwasang kilabutan lalo na kapag bumabalik sa isip ko ang tagpong sinaksak ko sa puso ang nobya ni Achilles at maging siya ay sinaktan ko.
That strange voice is really bothering me. Pakiramdam ko ay may kinalaman ako sa nangyari sa dalawang nasa ospital ngayon. Pakiramdam ko ay totoo ang naging panaginip ko kaya sila nandito ngayon.
Napalingon kami nang umingit ang pinto ng kwarto. Bumungad sa amin si Achilles na nakabenda ang braso at may sugat sa noo.
“Pogs,” tumayo agad si Kuya para lapitan ang kaibigan niya, “ano ba ang nangyari at naaksidente kayo? Kamusta si Myr?”
Naupo si Achilles sa bench at bumuga ng hangin.
“Pauwi na kami sa bahay nina Myr kanina, siya ang nagda-drive. Tapos bigla na lang siyang humawak sa tapat ng puso niya. Sabi niya sobrang sakit daw at hindi siya makahinga. Nag-panic siya kaya hindi niya nakitang may kasalubong kaming truck. Sumalpok kami kaya heto ang nangyari sa amin.”
“Pogs...” agad na nilapitan ni Kuya si Achilles. Nakayuko ito at nakakuyom ang mga kamay.
“I should’ve not let her drive in the first place! Wala akong kwenta. She is critical now. Nagkaroon siya ng internal bleeding sa utak niya at hindi pa sigurado kung kailan siya magigising.”
Hindi ako makaimik. Pakiramdam ko ay nanlalaki ang ulo ko sa mga sinasabi ni Achilles.
Bigla siyang humawak sa tapat ng puso niya.... Sobrang sakit daw...
Those are the words that keep on replaying on my mind. I felt my bones shivered at the thought of the accident. May parte ng isip ko na nagsasabing nagkataon lang ang lahat ngunit mas malaking parte nito ang sumisigaw na ako ang may kasalanan sa nangyari.
“May sakit sa puso si Myr.”
Napatitig ako kay Achilles.
“Dapat ay naisip kong anytime ay pwede siyang atakihin. Naging pabaya ako.”
“Pogs, wala kang kasalanan. Ikaw din naman ay napahamak. Walang may gusto sa nangyari, okay?” Pag-aalo ng kapatid ko rito.
Iling lamang ang sinagot ni Achilles. I can see in his face how he regreted the accident.
“Achilles!”
Napatingin kami sa nagsalitang iyon. Laking gulat namin nang bigla na lang tumumba si Achilles dahil sa mabilis na suntok mula sa isang may edad nang lalaki.
“Tomas!” Isang babaeng kaedad nang naunang lalaki ang bigla ding dumating. I guess they are the parents of Achilles’ girlfriend.
“Gago ka! Sinabi ko na nga ba at wala kang matinong idudulot sa anak ko!” Akmang susuntukin muli nito ang nakasalampak na si Achilles ngunit agad na humarang si Kuya rito.
“Sir, tama na po.” Matigas na salita ng kapatid ko.
“Huwag kang makialam dito! Papatayin ko ang hayop na lalaking ‘yan!” Hinawi pa nito si Kuya ngunit dahil malaking tao at malaki din ang pangangatawan ng kapatid ko ay hindi niya ito nagawang itulak palayo.
“Tomas, tumigil ka na! Hindi nakakatulong ang pagwawala mo rito!” Pinigilan na din ito ng asawa nito, kung tama ako ng nasa isip.
“Pabayaan niyo ako, Verna.”
“Kung hindi ho kayo titigil ay magpupuntahan ang mga security dito. Mas lalo lang pong lalala ang sitwasyon kung hindi kayo hihinahon, Sir.” Mahinahon ngunit madiin ang bawat salita ni Kuya.
“Tito, I’m sorry,” mahinang sabi ni Achilles na hindi ko namalayang nakatayo na pala. Putok ang kanyang bibig.
“Don’t go near me, bastard! Kasalanan mo kung bakit napahamak ang anak ko. Ilang beses ko nang sinabi sa kanyang layuan ka niya dahil wala kang mabuting idudulot sa kanya. Pero matigas ang ulo niya. At heto ang nangyari sa kanya. She is comatose!” Muli na namang sumugod ng suntok ang lalaki ngunit humarang si Kuya kaya siya ang nasuntok nito.
“Kuya!”
Lumapit ako sa kapatid ko at sinipat kung tinamaan ba siya. May galos akong nakita sa pisngi niya.
“Pogs, ayos ka lang?” Nag-aalalang tanong ni Achilles kay Kuya.
“Oo, Pogs. Ikaw ba? ‘Langya! Ang sakit sumuntok ng tatay ni Myr,” mahinang sabi ni Kuya kaya naman tinapik ko siya sa braso.
“Kuya tumahimik ka nga. Ngayon mo pa talaga naisipang magbiro.”
“The doctor said that Myr is not stable yet.” Bumaling kami sa ina ni Myr. Kung ikukumpara sa asawa nito ay di hamak na mas kalmado ang ginang. “Gustuhin man naming ilipat siya sa Manila ay hindi pa maaari dahil maselan pa ang lagay niya para sa mahabang biyahe.”
“Patawarin niyo po ako, Tita. Hindi ko po sinasadya ang lahat. I take full responsibility for your daughter because I let her drive my car not even thinking of her condition. Kung kailangan pong ako ang magbantay sa kanya araw-araw ay gagawin ko. O, kahit anuman po ang nais niyong ipagawa sa akin ay susundin ko.” Achilles said.
May pinong kurot akong naramdaman sa puso ko dahil sa mga sinabi niya. Masakit para sa akin na harapang makita kung gaano siya nag-aalala para sa ibang babae. He is even willing to stay beside her. Ayoko mang maramdaman ngunit may inggit na namang gumagapang sa puso ko kasabay ng pagguhit ng sakit dito.
“Hindi na kailangan. I want you out of my daughter’s life!” Dumagundong na naman ang boses ng nakatatandang lalake.
“My God, Tomas! Keep your voice low, will you? Kung ganyan ka lang din naman ay mas gugustuhin kong si Achilles na lang ang magbantay kay Myrasol,” panenermon ng ginang sa asawa nito.
The old man just gave Achilles a deadly glare.
“Achilles, ang mabuti pa ay umuwi ka muna sa inyo. Look at you, you are also injured. Mas makakabuting ipahinga mo muna ang katawan mo. Kami na muna ang bahala kay Myrasol.”
“I’m still allowed to visit her, right Tita?” May pag-aalinlangan sa tinig ni Achilles. Sumulyap siya sa ama ng nobya niya ngunit tinapunan lang siya nito ng masamang tingin.
“Of course, Achilles. So please take a rest. Bukas ay tatawagan kita para ikaw naman ang pumalit sa amin sa pagbabantay sa anak namin.”
“Verna--”
“Shut up, Tomas.”
Tahimik lamang ako at si Kuya habang si Achilles ay hindi maipagkakailang nabuhayan ng loob sa sinabi ng ginang.
“Thank you so much, Tita. You don’t know how much it means to me.” Masayang niyakap pa ni Achilles ang ginang.
“Tito, I’m really sorry.”
Hindi umimik ang nakatatandang lalake.
“Sige na Achilles, you can go home.” Nakangiting sabi ng ginang.
Tumango lang si Achilles at bumaling sa amin.
“Pogs,” tawag niya kay Kuya, “tara na.”
Tinapik ng kapatid ko ang balikat ng kaibigan niya at nagpatiuna nang maglakad.
“Tara na Tinay,” sabi sa akin ni Kuya.
Tahimik kami hanggang sa makasakay kami ng elevator pababa sa ground floor. Wala ni isa sa amin ang nagsimula ng usapan. On my part, parang nakalutang ang isip ko sa mga nangyari ngayong araw. Nakatingin lamang ako sa mga button ng elevator at nilibang ang sarili ko sa pagtingin sa pag-ilaw nito.
“Pogs...” basag ni Kuya sa katahimikan, “sa bahay ka na muna umuwi. Wala kang kasama sa inyo.”
Tango lang ang sagot niya kay Kuya.
“Iyong kotse mo nasaan pala?” Muling tanong ni Kuya.
“Hindi ko alam, Pogs.”
My brother sighed.
“Magpahinga ka na lang muna, ako na mag-aasikaso sa kotse mo.”
“Salamat, Pogs.”
Kuya just nodded and took his phone out. He dialed and called someone.
“Hello, Pa? Nasa bahay ka na ba? Pwede ba kaming magpasundo sa ‘yo rito sa ospital? No, no... It’s Aki... Yes po.” Hindi na muna nagsalita si Kuya tanda nang pakikinig sa sinasabi ni Papa. “Okay. Thanks, Pa.”
Pinatay na ni Kuya ang tawag at bumaling sa amin ni Achilles.
“Susunduin tayo ni Papa rito. Motor kasi dala namin ni Tinay papunta rito. Kayong dalawa sumama na kayo kay Papa, dadaan pa ako sa towing center at baka nando’n ang kotse mo Pogs.”
“Pogs, salamat. Sobrang abala na ako sa ‘yo.”
“Gago! Ang drama mo. Nakakadiri!”
Isang tipid na ngiti lang ang sinagot ni Achilles sa kanya. Napabuga ako ng hangin. Kung ibang pagkakataon lang ay tiyak na hindi magpapatalo si Achilles sa kapatid ko. But I know he is not in the mood to trash talk with my brother.
Nahalata naman ito ng kapatid ko.
“Pogs, Myr will be okay. Huwag mong sisisihin ang sarili mo.”
Hanggang sa makababa kami sa ground floor ay hindi na nagsalita pa si Achilles. Tamang-tama namang paglabas namin ng ospital ay nakaabang na si Papa. Mukhang kagagaling pa niya sa office dahil nakabihis pamasok pa siya.
“Pa!” Agad akong lumapit at hinalikan siya sa pisngi.
“Hello po, Pa,” bati ni Achilles kay Papa. Iyon din kasi ang nakasanayan niyang itawag sa mga magulang namin ni Kuya.
“O, Aki ano ba ang nangyari at nagkaganyan ka?” Kunot-noong baling nito kay Achilles.
“Mahabang kwento, Pa,” Singit ni Kuya, “sa bahay na lang natin pag-usapan.”
“Alright then. Sakay na kayo,” pinatunog ni Papa ang Pajero para makasakay na kami, “sa tabi na kita Tinay para makapagpahinga si Aki nang maayos.”
“Yes, Pa.”
“Ikaw, Kristofferson, may lakad ka pa ba?” Tanong ni Papa sa kapatid ko nang makita niya itong sumakay sa motor at nagsuot ng helmet.
“Yes, Pa. Titingnan ko po iyong kotse ni Aki kung nasa towing center. Aasikasuhin ko po para madala sa casa.”
“Mag-iingat ka sa pagda-drive mo,” bilin ni Papa bago sumakay ng kotse.
Busina ang isinagot ni Kuya at nauna nang umalis sa amin.
“Aki, alam na ba ito ng mga magulang mo?” tanong ni Papa habang nagmamaniobra ng kotse.
“Hindi po. I don’t have any plans of telling them.”
“Bakit naman?”
“Mag-aalala lang po sila sa akin at baka umuwi agad from their business trip. Makakaabala lang po ako sa kanila.”
My father sighed. “Kahit kailan hindi naging abala ang anak sa magulang. I suggest you tell it to them.”
“I will po.”
“Be sure about it kung hindi ay ako ang magsasabi sa kanila. Or worst baka ang Mama niyo ang magsabi, alam niyo naman kung paano mag-kwento iyon.”
Achilles smiled.
Gumaan kahit paano ang loob ko nang makita kong ngumiti siya. At least he can still manage to be positive.
Gan’yan nga Aki, ngumiti ka lang. Tama na sa aking masaya ka kahit nasasaktan ako.
NAMALUKTOT ako at lalo pang ibinalot ang sarili sa aking comforter. Pinatay ko na rin ang aircon sa aking kwarto kaninang madaling araw dahil sa sobrang ginaw. When I looked at the window I saw the heavy drops of rain pouring.Pahinamad akong bumangon nang mag-alarm ang aking cellphone tanda na kailangan ko nang gumayak dahil may klase pa ako.I was about to turn off the alarm when I saw a message from an unknown number.From: +63916777****Classes are suspended today due to heavy rainfalls. Please stay inside your house and be safe.UDL- AdminGreat! Ano ang gagawin ko ngayong araw na walang pasok? Boring dito sa bahay. Magbasa na lang kaya ako ng mga horror books ko maghapon? Or manood ng movies sa computer?Siguro nga gano’n na lang. Nakakatamad lumabas ng bahay dahil sa lakas ng ulan. At isa pa saan naman ako pupunta kung sakali? I’ve got no friends to visit dahil nasa Manila na iyong iba at nasa ibang bansa naman ang
“NAITAWAG mo na ba sa magulang mo ang nangyari, Aki?”Nag-angat ako ng tingin mula sa plato ko patungo kay Papa. Kasalukuyan kaming nasa hapag-kainan at nag-aalmusal. Yesterday was a long and tiring day for all of us, especially for Achilles.“Opo. Kagabi po bago ako matulog I called them. They’re in Barcelona. Hindi daw po sila makakauwi dahil may mga investors pa silang kailangan i-meet.” It is obvious that Achilles is not happy about it.“It’s okay, honey.” Malambing na sabi ni Mama kay Achilles. She’s always like that to him. Like he is her favorite son. Mabuti nga’t hindi seloso si Kuya.“I’ve got no choice but to be okay with it. Isa pa sanay na din po ako.” He tried to smile but the loneliness in his voice betrayed him.Ganito naman lagi si Achilles. He will always say that he is okay without his parents but I know he is just faking it. Sino ba naman kasing anak an
MABILIS ang mga hakbang namin ni Kuya Kristoff patungo sa lobby ng ospital kung saan naroon si Achilles at ang nobya nito.Hindi naman grabe ang pagkakahimatay ko kaya pumayag si Kuya na isama ako ngayon. Isa pa wala din naman siyang magagawa dahil susunod ako kung sakali. He knows how worried I am for his best friend.“Nurse, excuse me,” tawag ni Kuya sa nurse na naka-station sa lobby, “saan dito iyong kwarto ni Achilles Del Gonzalva at Myrasol Inario?”“Sir, saglit lang po, check ko lang.” Naupo ang nurse sa harap ng computer na naroon at nag-type. Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa harap namin. “Si Mr. Del Gonzalva po hindi naman naka-admit pero si Ms. Inario nasa ICU po siya. Third floor po, room 302. Pero baka hindi pa po kayo payagan ng nurse doon na makita si Ms. Inario.”Hindi naman iyong nobya ni Achilles ang ipinunta namin!Pigil ang dila ko upang hindi ko masabi iyon sa kausap namin.
WALANG sigla ang bawat bagsak ng mga paa ko sa lupa. Pakiramdam ko ay naglalakad ako nang walang direksyon.Hanggang ngayon ay naiisip ko pa din ang tagpong nakita ko kanina sa likod ng university. Hanggang ngayon ay tila pinipiga pa rin ang puso ko na parang ngayon ko pa lang sila nakikitang naghahalikan at nagpapalitan ng matatamis ng mga salita.Nanunubig na naman ang mga mata ko. Alam kong para na akong tanga na naglalakad at umiiyak, pero ano ang magagawa ko? Nasasaktan ako ngayon.Dati naman ay wala akong pakialam kung magkaroon ng iba’t-ibang nobya si Achilles. Malakas ang loob ko noon dahil wala naman siyang siniseryoso sa naging mga relasyon niya. Pero ngayon ay alam ko at damang-dama ko na seryoso siya. Sa paraan pa lamang ng pagtingin niya sa babaeng iyon ay alam ko na.Mahal niya ito.At ako?Tanging nakakabatang kapatid lang ang turing niya sa akin. Isang kapatid na matagal niyang pinanabikang magkaroon dahil nag-iisang an
NAKASIMANGOT ako nang pumasok sa room ng susunod kong subject.Kaunti pa lang ang inabutan kong estudyanteng nandoon. Iyong iba ay kanya-kanya pa ng upuan habang mayroon namang nagkukwentuhan na.I chose to sit on the second to the last row of the seats. Ayokong may kausapin ngayon. Hindi pa rin maganda ang mood ko dahil sa nangyari kanina.Nang makaupo ako ay agad akong naglagay ng earphones at nakinig ng music. Pumikit din ako para siguradong walang magtatangkang kumausap sa akin.Sa ganoong estado ay pumasok na naman sa isip ko ang mga bagay na nagpapasama ng loob ko ngayon.I am eighteen years old while my brother is twenty-two. Apat na taon ang pagitan ng edad namin. Ibig sabihin ay ganoon din ang pagitan ng edad namin ni Achilles. Kaya gusto nito na tawagin ko siyang Kuya Achilles.But I refused.Nagtampo pa nga sa akin si Achilles dahil sa pagtanggi kong tawagin siyang Kuya. Akala niya ay ayaw ko siyang kapatid dahil ayoko sa k
KULANG bente minutos lang namin byinahe ang pagitan ng aming bahay sa Brighton Parkplace at ng eskwelahan na kung tutuusin ay mahigit trenta minutos dapat. Napakabilis magpatakbo ng ugok!Inis kong sinusuklay tuloy ang nagulo kong buhok habang papasok kami ni Kuya sa university. Ni hindi ko na nga nabigyang pansin ang sinasabing trademark ng unibersidad--ang higante nitong gate na gawa sa kahoy. Iyong klase ng gate na hindi makikita ang buong unibersidad mula sa labas.“Pagong, alam mo ba kung saan ang first subject mo?” tanong sa akin ni Kuya habang naglalakad kami sa hallway.“Oo,” maikling sagot ko dahil abala pa ako sa buhol-buhol kong buhok.“Iyong mga binilin ko sa ‘yo, ha. Huwag kang magkakalat dito kung hindi dadagukan kita!”“Oo na nga.” Ilang beses niya na ba kasing ipinapaalala sa akin iyon simula noong nag-enroll ako rito!“Sinasabi ko lang at ayokong mapahiya rito. Maga