LOGINNAMALUKTOT ako at lalo pang ibinalot ang sarili sa aking comforter. Pinatay ko na rin ang aircon sa aking kwarto kaninang madaling araw dahil sa sobrang ginaw. When I looked at the window I saw the heavy drops of rain pouring.
Pahinamad akong bumangon nang mag-alarm ang aking cellphone tanda na kailangan ko nang gumayak dahil may klase pa ako.
I was about to turn off the alarm when I saw a message from an unknown number.
From: +63916777****
Classes are suspended today due to heavy rainfalls. Please stay inside your house and be safe.
UDL- Admin
Great! Ano ang gagawin ko ngayong araw na walang pasok? Boring dito sa bahay. Magbasa na lang kaya ako ng mga horror books ko maghapon? Or manood ng movies sa computer?
Siguro nga gano’n na lang. Nakakatamad lumabas ng bahay dahil sa lakas ng ulan. At isa pa saan naman ako pupunta kung sakali? I’ve got no friends to visit dahil nasa Manila na iyong iba at nasa ibang bansa naman ang ilan. Ako lang ang naiwan dito sa Laoag.
Tumayo na ako at inayos ang aking pinaghigaan. Ni hindi na ako nag-abalang tingnan ang sarili ko sa salamin. Sanay naman na ang mga tao rito sa bahay na mukha akong bruha kapag bagong gising. I didn’t even bother to gargle before going out. Sa kitchen na lang tutal ay may lababo naman doon.
Nag-inat pa ako habang pababa ng hagdan. Napahikab din ako dahil nakakaantok ang panahon. Mukhang mas gusto ko na lang matulog ulit maghapon.
“Good morning!”
“Shit!”
Nawala lahat ng antok sa katawan ko nang mapagsino ko ang nagsalitang iyon. Kumurap-kurap pa ako upang siguruhing hindi ako namamalikmata o nananaginip lamang.
“Aki? A-Ano’ng...” Napasunod pa ang mga mata ko nang ibaba niya ang hawak niyang spatula. “Ano’ng ginagawa mo?”
He frowned like I’m asking a stupid question. “Cooking?” Ipinakita niya pa sa akin ang hawak niyang kawali.
Hindi ko mapigilang hagurin siya ng tingin mula ulo hanggang paa. He is wearing a black sando that fits perfectly on his well-toned body. Hindi rin nakaligtas sa matalas kong paningin ang tattoo sa kanang dibdib niya. Though I can’t clearly see what it looks like because the fabric of his sando is covering the remaining part of it. His gray pajama hugs the lower part of his body.
“Pasado ba ako?”
Otomatikong nag-angat ako ng tingin upang masalubong lamang ang kanyang mapang-asar na ngiti.
“Huh?”
“Nothing.” Natatawa niyang sabi at saka ako tiningnan. “You’re like that in the morning?”
Shit!
Naalala kong hindi nga pala ako nagsuklay o naghilamos man lang sa loob ng kwarto ko. Tinakpan ko pa ang bibig ko dahil hindi din ako nagmumog. I can only imagine how ugly I am right now!
Mabilis akong umakyat pabalik ng kwarto ko. Nang masilayan ko ang itsura ko sa salamin ay muli na naman akong napamura. Mukha akong nakipagsabunutan sa sampung beki!
Agad akong kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo na nasa kwarto ko.
Bakit ko ba kasi nakalimutang nandito nga pala si Achilles sa bahay? I should start reminding myself to be extra careful with my actions here. At mas lalong dapat kong paalalahanan ang sarili kong mag-ayos bago lumabas ng kwarto tuwing umaga.
Sa kabila nang malamig na panahon at malamig na tubig sa banyo ay nairaos ko ang mabilis na paliligo. I choose to wear a black sweatpants and white V-neck shirt. Sinipat ko din ang itsura ko sa salamin. When I realized that my boring look won’t change anymore, I decided to go to the dining area.
Huminga ako nang malalim nang maaninag ko si Achilles na abala sa paglalagay ng pagkain sa lamesa. Katulong niya ang kasambahay naming naglalagay naman ng juice sa baso.
“Sir Aki, tatawagin ko na po ba sila Sir Kristoff?” tanong ng kasambahay namin kay Achilles.
“Si Tinay na lang. Wala si Kristoff, eh.”
“Saan nagpunta si Kuya?” kaswal kong tanong upang pagtakpan ang kabog sa puso ko.
Halatang nagulat si Achilles sa biglang pagsulpot ko ngunit saglit lamang iyon dahil tinapunan niya agad akong ng ngiti.
“Ipinatawag siya ni Dean sa university. Mukhang may convention na naman siyang pupuntahan.”
Tumango ako at pinagmasdan ang mga pagkain sa mesa. Mayroong fried rice, bacon, fried egg, hotdog at toasted bread. May orange juice na rin sa baso ko.
“Sigurado ka bang tayo lang ang kakain? Bakit ang dami mong niluto?”
Achilles touched his nape. “Hindi ko kasi alam kung ano ang inaalmusal mo, eh. So, I cooked those that I saw inside the fridge. Para marami kang pamimilian.”
Pinilit kong supilin ang ngiti sa aking labi. I cleared my throat and put some fried rice on my plate. Kumuha din ako ng bawat isa sa mga niluto niya.
Nang bumaling ako sa kanya ay nakita ko ang gulat sa kanyang mukha.
“What? Sayang naman kung hindi ko kakainin lahat, ‘di ba?”
“Sabi ko nga.” Naiiling at nangingiti niyang sagot bago naupo at kumuha na rin ng makakain.
“Ay, Tinay hindi ka nga pala umiinom ng juice,” biglang sabi ni Ate Mida, ang kasambahay namin, “ititimpla kita ng gatas.”
“H’wag na po. Okay na ako rito sa juice.” Kahit ang totoo ay hindi dahil gatas lang talaga ang iniinom ko sa umaga. Pero ayokong isipin ni Achilles na maarte ako sa pagkain o inumin.
“O, sige,” sagot nito at iniwan na kami ni Achilles sa hapag-kainan.
Lihim akong napangiti sa isiping kasabay kong kumakain si Achilles ngayon. This is the first time that I was able to eat with him. Hindi ko maipagkakaila ang saya na nararamdaman ko ngayon.
“Dapat hinayaan mo na lang sila Ate Mida na magluto. Magagalit pa sina Mama ‘pag nalaman nilang nagtatrabaho ka rito sa bahay. Sasabihin pa no’n hindi ka pinatira rito para maging kasambahay,” mahaba kong sabi sa kanya habang naglalagay ng pritong itlog sa tinapay.
“Wala naman akong ginagawa, eh. Do’n nga sa bahay ako ang nagluluto kapag wala akong pasok or hindi ako busy.”
“I’m actually surprised that you know how to cook,” baling ko sa kanya.
Malungkot siyang ngumiti. “Kung hindi ako matututo sa mga ganitong bagay, sino’ng gagawa nito para sa akin? Hindi naman habang-buhay ay may kasambahay na nand’yan. And I don’t want to rely on them for the rest of my life.”
“You miss your parents so much,” ‘di ko napigilang ikomento.
“Yeah. Kahit sabihin kong sanay na ako, iba pa rin kapag kasama ko ang parents ko. Actually, I can’t even remember the last time I’ve been with them. Last month? Last year? I don’t know.”
Nalungkot ako para kay Achilles. Nararanasan din naman namin ni Kuya ang wala sina Papa at Mama pero hindi kagaya ni Achilles. Talagang siya lang ang nandito sa Pilipinas at mga magulang niya ay malayo sa kanya. Kinailangan niyang matutong mamuhay nang mag-isa dahil wala ang mga magulang niya para alagaan siya.
“Okay lang ‘yan,” pilit kong pinasigla ang boses ko para gumaan naman ang usapan naming dalawa. “We’re here. Si Mama, si Papa, si Kuya at ako. Hindi ka mag-isa, ‘no. ‘Di ba nga pamilya ka na namin?”
“So, Kuya na rin ang itatawag mo sa 'kin? Kasi sabi mo nga kasama na ako sa pamilya n'yo.”
Kumunot ang noo ko at nanahimik. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
“Kidding. Alam ko namang isa lang ang kinikilala mong kapatid.”
At wala akong balak na dagdagan pa. Lalo na kung ikaw ’yon, pipi kong sabi sa sarili.
“Buti naman alam mo. Tama nang isa lang ang sakit ko sa ulo. Kung pati ikaw magiging kapatid ko maglalayas na lang ako.”
“O, bakit naman? What’s wrong with Kristoff and me?”
I rolled my eyes. “Parehas kayong babaero.”
“I beg to disagree. Dati aminado ako babaero ako, but I’m a changed man now.”
“Dahil kay Myr?”
Ngumiti siya. Iyong klase ng ngiting may kasama pang kislap sa mga mata. I looked away.
“You can say that. Dati wala naman akong balak seryosohin si Myr,” sinamahan niya pa nang mahinang tawa, “but when I got to know her better, I’ve got a change of heart. Kasi sa kabila ng pagkakaroon niya ng sakit sa puso positive pa rin siya sa buhay. I mean, kung ako siguro ‘yon baka hindi ko na alam kung paano pa ang gagawin ko. She’s a strong woman, and I like her so much because of that.”
Kinalma ko ang sarili ko. I want to congratulate myself for keeping my posture in front of him even though I can hear my heart breaking into pieces.
“Ikaw, Baby Tinay, wala ka bang natitipuhang lalaki ngayon? Ang daming gwapo sa university, ah.”
Napalunok ako sa tanong niyang iyon. Kailangan ba talagang sagutin ko iyon? As in now na? ‘Di pwede bukas?
“Do I really have to answer that?” Pinataray ko ang tono ng pagtatanong ko.
Nawala ang ngiti sa labi ni Achilles. “No, no. Hindi naman. I guess that’s too personal. Sorry.”
Hindi na nasundan pa nang kahit anong salita ang sinabing iyon ni Achilles. Natapos ang pag-aalmusal namin na hindi kami nag-iimikan. Nagtungo ako sa garden pagkatapos kong ilagay sa sink ang aking pinagkainan.
Wala naman akong balak sungitan si Achilles. That was just a defense mechanism for me because I was caught off guard. Alangan naman aminin ko sa kanya na siya ang lalaking nagugustuhan ko. Hindi ako matalino pero hindi din naman ako tanga para gawing kahiya-hiya ang sarili ko sa harapan niya.
Tiningnan ko ang panahon sa labas. Malakas pa rin ang buhos ng ulan na tila nakikiramay sa lungkot na nararamdaman ko. Napangiti ako nang mapakla. Mabuti pa ang langit alam kung paano ako dadamayan.
“Tinay...”
The familiar scent sent haywire to my system again.
“Bakit?” tanong ko nang hindi lumilingon sa kanya.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang tumayo sa tabi ko at pinagmasdan din ang ulan.
“Sorry do’n sa tanong ko kanina. I guess masyado akong komportable sa usapan natin that I ask too personal question.”
Tumikhim ako. “Okay lang ‘yon. Hindi lang ako sanay na may nagtatanong sa akin ng gano’n.”
“Bakit? Si Kristoff ba hindi nagtatanong sa iyo ng mga gano’n? Based on how I can see protective siya sa ‘yo kaya nakakapagtaka naman kung hindi siya interesado sa love life mo.”
“Hindi na niya kasi kailangang magtanong. Alam na niya agad kung gusto ko ba ang isang tao o hindi. At gano’n din ako sa kanya.”
“Really? Siblings’ instinct, huh?”
“Siguro.”
“I understand.” Sumandal siya sa hamba ng pintong nagdudugtong sa kabahayan at sa garden. “Nakakainggit kayo ni Kristoff. Actually, kay Kristoff lang pala ako naiinggit.”
Tumingin ako sa kanya. “Bakit?”
Itinuro niya ako. “Kasi mayroon siyang Tinay. Mayroon siyang kapatid na naaalagaan, napo-protektahan, naiinis.” He laughed. “Kaya nga noon ko pa gustong maging kuya mo kasi gusto rin kitang alagaan. Gusto ko poprotektahan din kita kapag may nang-aasar sa ‘yo. Mukha ka pa namang prone sa bullying.”
“Kapal mo! Kahit ganito lang ako kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko.”
“Oo nga pala. Kamusta na kaya ‘yong batang lalaking binato mo ng bato sa ulo noon?”
Pinamulahan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na natatandaan pa pala niya iyon.
“Akala ko nga iiyak ka noong inagaw niya ‘yong laruan mo. Handang-handa na kami ni Pogs na resbakan iyong lokong bata na ‘yon. Kaya lang mas mabilis ka pala sa aming gumanti. Nagulat na lang kami dumudugo na ‘yong ulo no’ng bata.” Kitang-kita ko ang mapuputi niyang ngipin dahil hindi niya mapigilang matawa habang inaalala iyon.
Imbes na maasar ako ay napangiti na rin ako. Tila may kung anong mainit na humaplos sa puso ko habang nakikita ko ang saya ni Achilles. I felt like I’m the greatest person on Earth because I made him laugh.
“Sige. Tawa pa,” kunwari ay asar kong sabi.
“Sorry.” Pinunasan niya pa ang gilid ng kanyang mga mata dahil sa luha niya sa kakatawa. “Naalala ko kasi umiyak ka pagkatapos no’n dahil sabi ng Kuya mo ikukulong ka raw at hindi ka na makakalaya. Pupunta raw sila ng parents niyo sa ibang bansa at kakalimutan ka na.”
“Ano pa’ng aasahan mo sa mongoloid na ‘yon,” natatawa kong sagot sa kanya.
“Yeah.”
“Pero tumahan ako kasi sabi mo kahit iwan ako nila Kuya ay sasamahan mo ako sa kulungan.” Hanggang ngayon ay nakaukit pa rin sa isip at puso ko ang tagpong iyon.
“Huwag ka nang umiyak, Tinay. Kapag iniwan ka nila Pogs, sasamahan kita sa kulungan. Mambabato rin ako ng bata mamaya para sabay tayong hulihin ng pulis.”
“Hindi ko alam na natatandaan mo pa pala iyon.”
“Oo naman.” Iyon kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko si Achilles hindi bilang kaibigan lang ng kapatid ko kung hindi bilang isang lalaking hindi ako iiwan. Kahit sa murang edad ay naramdaman ko ang kakaibang tibok ng puso ko para sa kanya ng mga panahong iyon.
“I’m glad that I have a part in your life that you still remember.”
I looked at him. Muli ko na namang nakita ang hindi ko maipaliwanag na emosyong iyon sa kanyang mga mata.
“Hindi naman kita nakalimutan, ah.”
“Oo nga pero hindi tayo nakapag-usap nang...” He smiled, “ganito noon.”
“Maybe because we have different friends back then. Ikaw at si Kuya ang laging magkasama. Alangan namang sumama ako sa inyo, ‘di ba?”
Isa pa noong nalaman ni Kuya na may gusto ako kay Achilles ay pinalayo niya ako rito. Sabi niya ibubuking daw niya ako sa kaibigan niya kapag hindi ako dumistansya. Kaya nga nagkasya na lang ako sa patanaw-tanaw kay Achilles. Pero kahit gano’n ay updated ako sa mga nagiging girlfriends at flings niya. Ilang beses na nga akong nahuli ni Kuya na umiyak dahil do’n.
“Tama ka. But at least we have a chance to know each other better now.”
“Kailangan pa ba ‘yon?” natatawa kong tanong sa kanya.
“Oo naman. Gano’n kapag magkaibigan, ‘di ba? Dapat madaming alam sa isa’t-isa.”
Itinago ko ang kirot na naramdaman ko sa aking puso dahil sa sinabi ni Achilles. Maybe I should get used to my new role in his life— his friend. At least nag-i-improve, nagli-level up.
“At dahil we will get to know each other better,” hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa kinatatayuan ko, “tulungan mo akong magluto.”
Bahagyan akong umatras dahil sa takot na baka madinig niya ang malakas na kabog ng puso ko.
“Ano’ng lulutuin mo?”
“Ano ba ang paborito mong pagkain?”
“Wala akong paborito, eh. Lahat naman ng pagkain okay sa akin.”
Tumango-tango siya na parang may malalim na iniisip. Pagkatapos ay muling bumaling sa akin. “Ano na lang ang gusto mong kainin ngayon? Kahit ano lulutuin ko,” sabi niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Bakit ba ayaw niyang lubayan ng tingin ang mukha ko? Hindi ba niya alam na naiilang na ako?
Nagmamadali akong tumalikod sa kanya at bumalik sa loob ng bahay. Hindi ko kayang tagalan ang tingin niya sa akin. Para na akong hihimatayin dahil kinakapos ako ng hininga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
“Uy, Tinay...”
Napapikit ako nang maramdaman kong nakasunod pala siya sa akin. I gathered all my will to calm myself before facing him.
“Champorado. Kaya mo bang magluto no’n?”
He confidently smiled. “Wala na bang hihirap pa ro’n?” At saka siya tumuloy sa kitchen.
Naiwan akong nakasunod lang ng tingin sa kanya. Ngunit unti-unti kong naramdaman ang pagguhit ng ngiti sa aking mga labi
NAMALUKTOT ako at lalo pang ibinalot ang sarili sa aking comforter. Pinatay ko na rin ang aircon sa aking kwarto kaninang madaling araw dahil sa sobrang ginaw. When I looked at the window I saw the heavy drops of rain pouring.Pahinamad akong bumangon nang mag-alarm ang aking cellphone tanda na kailangan ko nang gumayak dahil may klase pa ako.I was about to turn off the alarm when I saw a message from an unknown number.From: +63916777****Classes are suspended today due to heavy rainfalls. Please stay inside your house and be safe.UDL- AdminGreat! Ano ang gagawin ko ngayong araw na walang pasok? Boring dito sa bahay. Magbasa na lang kaya ako ng mga horror books ko maghapon? Or manood ng movies sa computer?Siguro nga gano’n na lang. Nakakatamad lumabas ng bahay dahil sa lakas ng ulan. At isa pa saan naman ako pupunta kung sakali? I’ve got no friends to visit dahil nasa Manila na iyong iba at nasa ibang bansa naman ang
“NAITAWAG mo na ba sa magulang mo ang nangyari, Aki?”Nag-angat ako ng tingin mula sa plato ko patungo kay Papa. Kasalukuyan kaming nasa hapag-kainan at nag-aalmusal. Yesterday was a long and tiring day for all of us, especially for Achilles.“Opo. Kagabi po bago ako matulog I called them. They’re in Barcelona. Hindi daw po sila makakauwi dahil may mga investors pa silang kailangan i-meet.” It is obvious that Achilles is not happy about it.“It’s okay, honey.” Malambing na sabi ni Mama kay Achilles. She’s always like that to him. Like he is her favorite son. Mabuti nga’t hindi seloso si Kuya.“I’ve got no choice but to be okay with it. Isa pa sanay na din po ako.” He tried to smile but the loneliness in his voice betrayed him.Ganito naman lagi si Achilles. He will always say that he is okay without his parents but I know he is just faking it. Sino ba naman kasing anak an
MABILIS ang mga hakbang namin ni Kuya Kristoff patungo sa lobby ng ospital kung saan naroon si Achilles at ang nobya nito.Hindi naman grabe ang pagkakahimatay ko kaya pumayag si Kuya na isama ako ngayon. Isa pa wala din naman siyang magagawa dahil susunod ako kung sakali. He knows how worried I am for his best friend.“Nurse, excuse me,” tawag ni Kuya sa nurse na naka-station sa lobby, “saan dito iyong kwarto ni Achilles Del Gonzalva at Myrasol Inario?”“Sir, saglit lang po, check ko lang.” Naupo ang nurse sa harap ng computer na naroon at nag-type. Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa harap namin. “Si Mr. Del Gonzalva po hindi naman naka-admit pero si Ms. Inario nasa ICU po siya. Third floor po, room 302. Pero baka hindi pa po kayo payagan ng nurse doon na makita si Ms. Inario.”Hindi naman iyong nobya ni Achilles ang ipinunta namin!Pigil ang dila ko upang hindi ko masabi iyon sa kausap namin.
WALANG sigla ang bawat bagsak ng mga paa ko sa lupa. Pakiramdam ko ay naglalakad ako nang walang direksyon.Hanggang ngayon ay naiisip ko pa din ang tagpong nakita ko kanina sa likod ng university. Hanggang ngayon ay tila pinipiga pa rin ang puso ko na parang ngayon ko pa lang sila nakikitang naghahalikan at nagpapalitan ng matatamis ng mga salita.Nanunubig na naman ang mga mata ko. Alam kong para na akong tanga na naglalakad at umiiyak, pero ano ang magagawa ko? Nasasaktan ako ngayon.Dati naman ay wala akong pakialam kung magkaroon ng iba’t-ibang nobya si Achilles. Malakas ang loob ko noon dahil wala naman siyang siniseryoso sa naging mga relasyon niya. Pero ngayon ay alam ko at damang-dama ko na seryoso siya. Sa paraan pa lamang ng pagtingin niya sa babaeng iyon ay alam ko na.Mahal niya ito.At ako?Tanging nakakabatang kapatid lang ang turing niya sa akin. Isang kapatid na matagal niyang pinanabikang magkaroon dahil nag-iisang an
NAKASIMANGOT ako nang pumasok sa room ng susunod kong subject.Kaunti pa lang ang inabutan kong estudyanteng nandoon. Iyong iba ay kanya-kanya pa ng upuan habang mayroon namang nagkukwentuhan na.I chose to sit on the second to the last row of the seats. Ayokong may kausapin ngayon. Hindi pa rin maganda ang mood ko dahil sa nangyari kanina.Nang makaupo ako ay agad akong naglagay ng earphones at nakinig ng music. Pumikit din ako para siguradong walang magtatangkang kumausap sa akin.Sa ganoong estado ay pumasok na naman sa isip ko ang mga bagay na nagpapasama ng loob ko ngayon.I am eighteen years old while my brother is twenty-two. Apat na taon ang pagitan ng edad namin. Ibig sabihin ay ganoon din ang pagitan ng edad namin ni Achilles. Kaya gusto nito na tawagin ko siyang Kuya Achilles.But I refused.Nagtampo pa nga sa akin si Achilles dahil sa pagtanggi kong tawagin siyang Kuya. Akala niya ay ayaw ko siyang kapatid dahil ayoko sa k
KULANG bente minutos lang namin byinahe ang pagitan ng aming bahay sa Brighton Parkplace at ng eskwelahan na kung tutuusin ay mahigit trenta minutos dapat. Napakabilis magpatakbo ng ugok!Inis kong sinusuklay tuloy ang nagulo kong buhok habang papasok kami ni Kuya sa university. Ni hindi ko na nga nabigyang pansin ang sinasabing trademark ng unibersidad--ang higante nitong gate na gawa sa kahoy. Iyong klase ng gate na hindi makikita ang buong unibersidad mula sa labas.“Pagong, alam mo ba kung saan ang first subject mo?” tanong sa akin ni Kuya habang naglalakad kami sa hallway.“Oo,” maikling sagot ko dahil abala pa ako sa buhol-buhol kong buhok.“Iyong mga binilin ko sa ‘yo, ha. Huwag kang magkakalat dito kung hindi dadagukan kita!”“Oo na nga.” Ilang beses niya na ba kasing ipinapaalala sa akin iyon simula noong nag-enroll ako rito!“Sinasabi ko lang at ayokong mapahiya rito. Maga