Share

Chapter 6

Author: darlingjeane
last update publish date: 2020-09-03 18:01:22

“NAITAWAG mo na ba sa magulang mo ang nangyari, Aki?”

Nag-angat ako ng tingin mula sa plato ko patungo kay Papa. Kasalukuyan kaming nasa hapag-kainan at nag-aalmusal. Yesterday was a long and tiring day for all of us, especially for Achilles.

“Opo. Kagabi po bago ako matulog I called them. They’re in Barcelona. Hindi daw po sila makakauwi dahil may mga investors pa silang kailangan i-meet.” It is obvious that Achilles is not happy about it.

“It’s okay, honey.” Malambing na sabi ni Mama kay Achilles. She’s always like that to him. Like he is her favorite son. Mabuti nga’t hindi seloso si Kuya.

“I’ve got no choice but to be okay with it. Isa pa sanay na din po ako.” He tried to smile but the loneliness in his voice betrayed him.

Ganito naman lagi si Achilles. He will always say that he is okay without his parents but I know he is just faking it. Sino ba naman kasing anak ang ayos lang na malayo sa magulang nila? ‘Di ba wala naman? So, I know that Achilles is also missing his parents though he is trying to look fine with their family’s set-up.

Ang pamilya ni Achilles ay originally from Barcelona, Spain. His father is half- Spanish and half- Filipino while his mother is pure Spanish. Kaya hindi maikakailang naging maganda ang resulta ng combination ng genes ng mga magulang niya.

They decided to migrate here in the Philippines when Laoag International Airport was constructed. Nagkataon naman na ang Engineering firm namin ang nakakuha ng project para sa airport kaya’t naging malapit ang mga magulang namin sa isa’t-isa kasunod ng pagiging malapit ni Kuya at Achilles. Ang pagmamay-ari nilang mga eroplano ang isa sa mga bibyahe sa naturang airport. They owned one of the largest airline in the world- Gonzalva Air. Pinili nilang dito sa bansa mag-stay dahil din taga-rito ang ama niya.

Kaso lang ay si Achilles lang ang napirmi rito dahil nga sa pagiging busy sa negosyo ng mga magulang niya. Ngunit sa kabila nang mga pagkukulang ng magulang niya ay hindi siya nagrebelde. Sure he is a playboy but he never took his studies for granted. He’s not into any vices, too. Kaya nga sila naging matalik na mag kaibigan ng kapatid ko dahil parehas sila ng likaw ng bituka. Like they are long lost brothers.

“Pogs, nasa casa na ‘yong kotse mo. Sa totoo lang hindi alam ng mga mekaniko kung paanong ayos ang gagawin nila roon. Ang laki ng damage ng Audi mo. Kaya kinilabutan ako dahil sinuwerte pa rin kayo,” sabi ni Kuya habang naglalagay ng sinangag sa plato niya.

“Oo, Pogs. Kahit ako hindi makapaniwalang nakaligtas kami. It’s a nightmare. Kaya ‘di ko rin alam kung makakapag-drive agad ako.” Naiiling na sabi ni Achilles.

“Hay naku. We won’t allow you to drive anyway,” Maagap na sagot ni Mama, “at dito ka muna sa amin. Or much better you have to move here.”

Napatingin kaming tatlo ni Kuya at Achilles kay Mama pagkatapos ay kay Papa naman. My father didn’t look shock at all.

“Pinag-usapan na namin ng Mama niyo kagabi na dito ka muna sa amin, Achilles. This house is big for us. At mas magiging palagay ang loob namin kung nasa poder ka namin, Aki.”

“Pero, Pa...” May pag-aalinlangan sa tinig ni Achilles. “ I’ve done so much trouble in your family—”

“Our family, Aki...” Sansala ni Mama sa kanya. “And you can’t say no. Or else magtatampo ako sa ‘yo. No more baked Mac for you, sige ka.”

Achilles laughed. Napakamot pa siya sa malago ngunit maganda niyang kilay.

“Pogs, bakit? Ayaw mo ba?” Nakakunot-noong tanong ng kapatid ko.

“No, no. It’s just that I think it’s too much.”

“Ano ka ba naman? Pasasalamat na rin namin iyon ni Kristiana sa ‘yo dahil napagtatyagaan mo itong dalawang anak naming may sayad.”

“Papa!” Halos sabay naming bulalas ni Kuya.

“Si Kuya lang ‘yon!”

“Si Pagong lang ‘yon!”

Nagkatinginan kaming magkapatid dahil sabay na naman kaming nagsalita.

“See?” Our father said with a big smile in his lips.

“Oo nga po,” sang-ayon naman ni Achilles.

The breakfast ended well. Kahit paano ay nakita kong mas umaliwas ang mukha ni Achilles. The idea of him living under the same roof with me is...thrilling.

Hindi ko mapigilang pagmasdan ang sarili ko sa salamin. Kasalukuyan akong nasa kwarto ko at nagmumuni-muni.

“Should I change my hairstyle?” Tanong ko sa aking sarili.

My hair is naturally black and wavy on its end. It’s a few inches above my waist. Ilang taon nang ganito ang buhok ko. Actually ever since I can remember ay hindi naman ako nagpalit ng ayos ng buhok. Ayaw ni Mama’ng magpaiksi ako. She always make sure that I’ll just trim my hair.

Kung titira si Achilles dito sa bahay ay araw-araw niyang makikita ang boring kong itsura.

I sighed. Mukhang kahit naman magparetoke ako at maging mala-Liza Soberano ang itsura ko ay hindi magbabago ang pagtingin niya sa akin. I will always be his younger sister because he is in love with someone else.

“Baby Tinay...”

My heart skipped a couple of beats when I heard Achilles’ voice. Madalian kong sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri ko. I checked if there are blemishes on my face. Binasa ko rin ang labi ko nang kaunti. Nang makontento ako sa aking itsura ay tsaka ako humakbang patungo sa pintuan ng aking kwarto.

I breathe in and out. I even counted from one to five before opening my room’s door.

Tumambad sa paningin ko si Achilles na nakasandal sa hamba ng pinto at nakapamulsa. He stood straight when he saw me.

Sumikdo na naman ang puso ko nang makita ko ang kanyang abuhing mga mata.

“Bakit?” I said keeping my voice from trembling.

I heard him made a fake cough. Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti. Again my heart thumped hard.

“Uhm...” He touched the back of his neck, “Thank you...”

“Para saan?”

“For yesterday. Alam kong hindi naman na kailangan pero sumama ka pa rin sa Kuya mo. It means a lot to me. I felt like somehow I’m important to you.”

O, you don’t know what you are saying Achilles. You have no idea.

“Wala iyon.” I tried to be calm in front of him even if his gray eyes are giving havoc to my senses.

“Itong pagtira ko sa inyo, okay lang ba sa ‘yo?”

“Oo naman. Bakit mo naitanong?”

He looked at me with some emotion in his eyes that I can’t clearly understand.

“Baka lang kasi hindi ka komportableng may ibang taong nandito sa inyo.”

“Aki, hindi ka naman ibang tao, eh.”

His eyes sparkled. “Really?”

“Oo. Kaibigan ka ni Kuya.” The sparkle in his eyes vanish but I didn’t mind, “at anak na rin ang turing sa ‘yo nila Mama, so I’m fine with you here.”

“And?”

Kumunot ang noo ko. “And what?”

“Ikaw, what am I to you?”

I was not able to answer right away. All I can hear is that my heart started to beat in its unusual rhythm again.

“Kasi kahit noon pa man ramdam kong malayo ang loob mo sa akin. I don’t know if I’m just imagining or you just really don’t like me,” pagpapatuloy niya.

“I don’t get your point, Aki.” Pinilit kong pakalmahin ang buong sistema ko kahit ang totoo ay halos panawan na ako ng ulirat sa sobrang kabog ng dibdib ko.

“You see we never really had a good talk since I can remember. ‘Di ba nga sabi ko pa sa ‘yo noon gusto kong maging kuya mo like Kristoff but you said wala kang ibang kapatid kung hindi siya lang. I was actually hurt back then. I thought that I’ll finally have a little sister.”

Natatandaan ko nga iyon. That was during their senior high school years. Sinabi niyang kuya daw ang itawag ko sa kanya dahil inampon na siya ng mga magulang ko. At dahil gusto ko na siya nang mga panahong iyon ay nasaktan ang bata kong puso. I told him that I don’t need another brother dahil si Kuya Kristoff lang ang kapatid ko.

“Sorry about that...” Muli ay sinikap kong pakalmahin ang puso ko, “hindi kasi ako sanay na may ibang tinatawag na kuya. I hope you understand it.”

Marahan siyang tumango. “How about friends?” 

Hindi ko napigilang ngumiti nang mapakla.

Friends, huh? Parang ginuhitan na naman nang kakaibang sakit ang puso ko.

Nakita kong naging alangan siya dahil sa reaksyon ko. Maybe he thought that the idea of being friends with him is not also cool with me. Palibhasa hindi naman niya naiintindihan ang totoong nararamdaman ko.

“Baby Tinay?”

“Hmm?”

“Can we be friends then if you don’t want me to be your brother? At least we can break whatever wall is between us.”

Ayoko! Ayokong maging kaibigan ka lang! Sigaw ng isip ko. Ngunit alam kong hindi ko naman kayang isatinig iyon.

“Okay... Friends then.” Pinilit kong ngumiti kahit ang totoo ay napakabigat ng loob ko.

Isang masiglang ngiti ang ibinigay sa akin ni Achilles. “Nice. At least I’m part of your life now. Hindi na lang basta kaibigan ng kapatid mo.”

Gusto kong matawa sa sinabi niya. If he only knew how important he is in my life. Sigurado akong mahihiya siyang sabihin ang mga sinasabi niya ngayon sa akin.

“Pogs!”

Sabay kaming napalingon sa may hagdanan. I saw my brother rushing towards Achilles.

“O, Pogs. Bakit ka nagmamadali r’yan?”

Huminga muna nang malalim ang kapatid ko pagkatapos ay tinapuan niya ako nang nagdududang tingin. Pinagtaasan ko lamang siya ng kilay.

“Pogs?” Untag ni Achilles kay Kuya.

“Your phone is ringing. Tumatawag iyong mom ni Myr.”

Mabilis na kinuha ni Achilles ang cellphone niyang hawak ni Kuya. He excused himself and went downstairs.

Naiwan akong tinitingnan na naman nang kakaiba ng kapatid ko.

“What was that, Pagong?” My brother asked in a very serious tone.

“Ang alin?”

“Tss. Hindi uubra sa akin ‘yang pagpapa-inosente mo.” He even crossed his arms.

“E, hindi ko naman alam kung ano’ng sinasabi mo.”

“Why are you two,” tinuro niya pa ang gawi ng hagdan kung saan bumaba si Achilles, “are talking alone? Ano’ng sinabi sa ‘yo ni Aki?”

I frowned. “Nothing important.”

“Maniniwala ba ako?”

“E, ‘di huwag kang maniwala,” asar kong sagot.

“Ayan ka na naman. Nagiging pilosopo ka na namin sa akin, ha.”

“Kasi naman, Kuya, tamang duda ka rin. Ano ba’ng masama kung mag-usap kami ni Achilles? Am I not allowed to talk to him?”

Nagkamot ng ulo ang kapatid ko na parang ang tanga-tanga ng tanong ko.

“Look, Pagong. May girlfriend na si Aki--”

“I know.”

“So it’s clear na wala ka talagang pag-asa sa kanya. ‘Di ba noon ko pa naman sinasabi sa ‘yong kung anuman ang nararamdaman mo sa kanya ay tigilan mo na? He won’t like you the way you like him. Get it?”

I sighed. “Have you ever fall in love, Kuya?”

“No. I don’t have any plan to.”

“Then stop talking like you know everything about my feelings. Na parang alam na alam mo kung ano ang dapat at hindi dapat. Stop acting like you’re a master in this. Kasi wala ka namang sineryosong babae. Kaya hindi mo alam kung ano’ng pakiramdam ng ganito.”

“I don’t need to be a ‘master’ para malaman na hindi ka mamahalin ni Achilles sa paraang gusto mo. Look at you. Ni wala kang kaibigan sa university. Ni wala man lang nanliligaw sa ‘yo. You are missing a lot in your life just because you are in love with my best friend! Hindi ko gustong nagkakaganyan ka. You should be living the life that you should experience at your age.”

Natahimik ako. Tama naman ang kapatid ko. Wala akong kaibigan sa univerity. I don’t socialize that much because I’m always preoccupied with Achilles. Lagi akong busy sa pag-iisip kung ano ang ginagawa niya, kung kumain na ba siya o kung sinong babae ang kasama niya ngayon. Pero doon ako masaya. Doon ako nakukontento.

“Sis,” Hinawakan ni Kuya ang mga balikat ko, “you know how important you are in my life. Kahit ganitong para tayong aso’t pusa, I’ll bury anyone who will hurt you. Anyone. Kaya hangga’t maaari ay tigilan mo na ang pagmamahal kay Achilles. I don’t want to bury my own best friend if I saw you crying because of him.”

“Pogs!”

Binitawan na ako ni Kuya nang madinig namin ang boses ni Achilles.

“Bakit, Pogs? May nangyari ba?”

Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Achilles. “Si Myr. Nag-seizure daw siya. I need to go to the hospital.”

“O, sige. I’ll drive you there.”

“Kuya!”

Kunot-noong bumaling sa akin ang kapatid ko. “What?”

“Sasama ako.”

Hindi siya agad sumagot. Tila tinitimbang niya kung ano ang dapat sabihin sa akin.

“Pogs, tara na. Isama na natin si Tinay,” pukaw ni Achilles sa kanya na bakas sa mukha ang pagmamadaling makita ang nobya.

My brother sighed and went down following Achilles. Ako naman ay sumunod na din. Kahit nasasaktan ako dahil sa isiping ang babaeng minamahal ng mahal ko ang pupuntahan namin ay gusto kong nasa tabi lang ako ni Achilles kung anuman ang mangyari.

Sakay kami ng Lexus ni Kuya. Bihira niya lamang itong gamitin dahil mas iwas sa traffic ang motor niya. Dahil mabilis ito ay wala pang trenta minutos naming narating ang ospital.

The moment that the car stopped Achilles immediately went out and walked towards the hospital. Humabol na lamang kami ni Kuya dahil kailangan niya pang i-park nang maayos ang sasakyan.

“Tomas! Stop it!”

“Gago ka! Ang lakas ng loob mo’ng magpakita pa rito!”

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hawak-hawak ng ama ni Myrasol si Achilles sa kwelyo niya. I think the old man wanted to wring Achilles’ neck. Pigil-pigil lamang ito ng asawa nito.

Mabilis na lumapit si Kuya upang tumulong sa pag-awat sa may edad na lalaki. When I looked at Achilles I can clearly see how hurting he is right now.

“Tomas!”

“Daddy!”

Napalingon kaming lahat sa nagsalitang iyon.

“Beatriz...” Mahinang sabi ng ina ni Myrasol.

The woman she called ‘Beatriz’ is now frowning and looking at her father. Hindi ko mapigilang suyurin siya ng tingin mula ulo hanggang paa. She’s tall and stunning.

“What are you doing, Dad? Balak mo ba talagang araw-araw na magwala sa labas ng kwarto ng kapatid ko?” Iritable niyang sabi.

So tama ako. Kapatid niya si Myrasol.

“Because that bastard is here again. Ang kapal ng mukha niyang magpakita rito pagkatapos ng nangyari sa kapatid mo.”

Napatingin iyong Beatriz sa gawi namin. Her eyes scanned Achilles, my brother and me. Pagkatapos ay ibinalik nito ang tingin sa mga magulang.

“Paulit-ulit tayo, Dad. Walang may gusto sa nangyari. Mabuti pa ay magpahinga na kayo ni Mommy sa bahay. Ako na ang bahalang magbantay kay Ate Myr.”

“Much better, anak.” Nakangiting sagot ng ginang at bumaling kay Achilles. “You can go to Myr, Aki. She’s fine now.”

The old man groaned and walked out. Kasunod nito ang ginang at muli kaming tinapunan nang nagpapaunawang tingin.

“So, you are my sister’s boyfriend,” pagbasag ni Beatriz sa katahimikan ilang sandali matapos mawala sa paningin namin ang kaniyang mga magulang.

“Yes,” sagot ni Achilles.

“You can see her now. Don’t worry hindi naman ako kagaya ni Dad na war freak. Besides mas stable naman na ngayon ang kapatid ko. Talagang mainit lang ang ulo sa ‘yo ng tatay namin.”

“Thank you,” indi na nag-aksaya pa ng panahon si Achilles at agad siyang pumasok sa kwarto ng kanyang nobya.

Kasabay nang pagsara ng pinto ng kwarto ay ang muling pagsigid ng pinong kurot sa puso ko. Hindi ko na namalayang nakasunod pala ako ng tingin sa pagpasok ni Achilles.

Nang magbawi ako ng tingin ay nakita ko ang kunot-noong pagtitig sa akin ng kapatid ng nobya ni Achilles.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Isla Paraiso: Achilles' Heart   Chapter 7

    NAMALUKTOT ako at lalo pang ibinalot ang sarili sa aking comforter. Pinatay ko na rin ang aircon sa aking kwarto kaninang madaling araw dahil sa sobrang ginaw. When I looked at the window I saw the heavy drops of rain pouring.Pahinamad akong bumangon nang mag-alarm ang aking cellphone tanda na kailangan ko nang gumayak dahil may klase pa ako.I was about to turn off the alarm when I saw a message from an unknown number.From: +63916777****Classes are suspended today due to heavy rainfalls. Please stay inside your house and be safe.UDL- AdminGreat! Ano ang gagawin ko ngayong araw na walang pasok? Boring dito sa bahay. Magbasa na lang kaya ako ng mga horror books ko maghapon? Or manood ng movies sa computer?Siguro nga gano’n na lang. Nakakatamad lumabas ng bahay dahil sa lakas ng ulan. At isa pa saan naman ako pupunta kung sakali? I’ve got no friends to visit dahil nasa Manila na iyong iba at nasa ibang bansa naman ang

  • Isla Paraiso: Achilles' Heart   Chapter 6

    “NAITAWAG mo na ba sa magulang mo ang nangyari, Aki?”Nag-angat ako ng tingin mula sa plato ko patungo kay Papa. Kasalukuyan kaming nasa hapag-kainan at nag-aalmusal. Yesterday was a long and tiring day for all of us, especially for Achilles.“Opo. Kagabi po bago ako matulog I called them. They’re in Barcelona. Hindi daw po sila makakauwi dahil may mga investors pa silang kailangan i-meet.” It is obvious that Achilles is not happy about it.“It’s okay, honey.” Malambing na sabi ni Mama kay Achilles. She’s always like that to him. Like he is her favorite son. Mabuti nga’t hindi seloso si Kuya.“I’ve got no choice but to be okay with it. Isa pa sanay na din po ako.” He tried to smile but the loneliness in his voice betrayed him.Ganito naman lagi si Achilles. He will always say that he is okay without his parents but I know he is just faking it. Sino ba naman kasing anak an

  • Isla Paraiso: Achilles' Heart   Chapter 5

    MABILIS ang mga hakbang namin ni Kuya Kristoff patungo sa lobby ng ospital kung saan naroon si Achilles at ang nobya nito.Hindi naman grabe ang pagkakahimatay ko kaya pumayag si Kuya na isama ako ngayon. Isa pa wala din naman siyang magagawa dahil susunod ako kung sakali. He knows how worried I am for his best friend.“Nurse, excuse me,” tawag ni Kuya sa nurse na naka-station sa lobby, “saan dito iyong kwarto ni Achilles Del Gonzalva at Myrasol Inario?”“Sir, saglit lang po, check ko lang.” Naupo ang nurse sa harap ng computer na naroon at nag-type. Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa harap namin. “Si Mr. Del Gonzalva po hindi naman naka-admit pero si Ms. Inario nasa ICU po siya. Third floor po, room 302. Pero baka hindi pa po kayo payagan ng nurse doon na makita si Ms. Inario.”Hindi naman iyong nobya ni Achilles ang ipinunta namin!Pigil ang dila ko upang hindi ko masabi iyon sa kausap namin.

  • Isla Paraiso: Achilles' Heart   Chapter 4

    WALANG sigla ang bawat bagsak ng mga paa ko sa lupa. Pakiramdam ko ay naglalakad ako nang walang direksyon.Hanggang ngayon ay naiisip ko pa din ang tagpong nakita ko kanina sa likod ng university. Hanggang ngayon ay tila pinipiga pa rin ang puso ko na parang ngayon ko pa lang sila nakikitang naghahalikan at nagpapalitan ng matatamis ng mga salita.Nanunubig na naman ang mga mata ko. Alam kong para na akong tanga na naglalakad at umiiyak, pero ano ang magagawa ko? Nasasaktan ako ngayon.Dati naman ay wala akong pakialam kung magkaroon ng iba’t-ibang nobya si Achilles. Malakas ang loob ko noon dahil wala naman siyang siniseryoso sa naging mga relasyon niya. Pero ngayon ay alam ko at damang-dama ko na seryoso siya. Sa paraan pa lamang ng pagtingin niya sa babaeng iyon ay alam ko na.Mahal niya ito.At ako?Tanging nakakabatang kapatid lang ang turing niya sa akin. Isang kapatid na matagal niyang pinanabikang magkaroon dahil nag-iisang an

  • Isla Paraiso: Achilles' Heart   Chapter 3

    NAKASIMANGOT ako nang pumasok sa room ng susunod kong subject.Kaunti pa lang ang inabutan kong estudyanteng nandoon. Iyong iba ay kanya-kanya pa ng upuan habang mayroon namang nagkukwentuhan na.I chose to sit on the second to the last row of the seats. Ayokong may kausapin ngayon. Hindi pa rin maganda ang mood ko dahil sa nangyari kanina.Nang makaupo ako ay agad akong naglagay ng earphones at nakinig ng music. Pumikit din ako para siguradong walang magtatangkang kumausap sa akin.Sa ganoong estado ay pumasok na naman sa isip ko ang mga bagay na nagpapasama ng loob ko ngayon.I am eighteen years old while my brother is twenty-two. Apat na taon ang pagitan ng edad namin. Ibig sabihin ay ganoon din ang pagitan ng edad namin ni Achilles. Kaya gusto nito na tawagin ko siyang Kuya Achilles.But I refused.Nagtampo pa nga sa akin si Achilles dahil sa pagtanggi kong tawagin siyang Kuya. Akala niya ay ayaw ko siyang kapatid dahil ayoko sa k

  • Isla Paraiso: Achilles' Heart   Chapter 2

    KULANG bente minutos lang namin byinahe ang pagitan ng aming bahay sa Brighton Parkplace at ng eskwelahan na kung tutuusin ay mahigit trenta minutos dapat. Napakabilis magpatakbo ng ugok!Inis kong sinusuklay tuloy ang nagulo kong buhok habang papasok kami ni Kuya sa university. Ni hindi ko na nga nabigyang pansin ang sinasabing trademark ng unibersidad--ang higante nitong gate na gawa sa kahoy. Iyong klase ng gate na hindi makikita ang buong unibersidad mula sa labas.“Pagong, alam mo ba kung saan ang first subject mo?” tanong sa akin ni Kuya habang naglalakad kami sa hallway.“Oo,” maikling sagot ko dahil abala pa ako sa buhol-buhol kong buhok.“Iyong mga binilin ko sa ‘yo, ha. Huwag kang magkakalat dito kung hindi dadagukan kita!”“Oo na nga.” Ilang beses niya na ba kasing ipinapaalala sa akin iyon simula noong nag-enroll ako rito!“Sinasabi ko lang at ayokong mapahiya rito. Maga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status