LOGINNAKASIMANGOT ako nang pumasok sa room ng susunod kong subject.
Kaunti pa lang ang inabutan kong estudyanteng nandoon. Iyong iba ay kanya-kanya pa ng upuan habang mayroon namang nagkukwentuhan na.
I chose to sit on the second to the last row of the seats. Ayokong may kausapin ngayon. Hindi pa rin maganda ang mood ko dahil sa nangyari kanina.
Nang makaupo ako ay agad akong naglagay ng earphones at nakinig ng music. Pumikit din ako para siguradong walang magtatangkang kumausap sa akin.
Sa ganoong estado ay pumasok na naman sa isip ko ang mga bagay na nagpapasama ng loob ko ngayon.
I am eighteen years old while my brother is twenty-two. Apat na taon ang pagitan ng edad namin. Ibig sabihin ay ganoon din ang pagitan ng edad namin ni Achilles. Kaya gusto nito na tawagin ko siyang Kuya Achilles.
But I refused.
Nagtampo pa nga sa akin si Achilles dahil sa pagtanggi kong tawagin siyang Kuya. Akala niya ay ayaw ko siyang kapatid dahil ayoko sa kanya. Hindi naman kasi niya alam na kaya ayoko siyang kapatid dahil may pagtingin na ako sa kanya noon pa man.
Sino namang dakila ang gugustuhing tawaging ‘kuya’ o ‘ate’ ang taong gusto niya?
Definitely not me!
Si Kuya Kristoff naman ay ilang beses na akong pinagsabihang lubayan ko na ang pagkakagusto ko sa kaibigan niya. Pwede ba naman iyon? Paano ko naman pipigilan ang nararamdaman ko kung halos araw-araw ay nakikita ko si Achilles? Araw-araw ay lalo kong nakikita ang mga magagandang katangian niya maliban sa gwapo niyang mukha.
Hanggang sa umabot sa puntong mahal ko na siya at wala na akong magawa kung hindi ang umasa na lang na magkakaroon ng himala at gugustuhin din niya ako.
Napatuwid ako nang upo nang maramdaman kong may biglang humaklit ng earphone sa tainga ko.
Bastos!
Handa na sana akong pagbuntunan nang inis ang taong nang-abala sa pananahimik ko ngunit natigilan ako.
I don’t know why that set of jet black eyes made me frooze. Those eyes are full of coldness and sternness. Na parang wala akong karapatang tingnan ang mga matang iyon.
“Get out. You’re blocking my way.”
I’m still in awe. Dala marahil sa gulat.
“Tss. Stupid.”
Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko.
“Ano’ng sabi mo?” Medyo high pitch ang boses ko.
Imbes na sagutin ako ay nilagpasan niya lang ako at naupo sa dulong upuan na kahilera ng inuokupa ko.
He sat lazily. Pinagkrus niya ang kanyang braso at pumikit.
Hindi ko alam kung dahil sa inis ko sa inasta niya kaya hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya.
He is wearing a black long sleeve shirt na nakataas hanggang siko niya at denim pants na tinernuhan niya ng combat boots. Mukha siyang maangas na rebelde sa mga pelikula.
“I hate it when people stare at me like I’m weird or something.”
Dagli kong binawi ang paningin ko sa kanya nang bigla siyang magsalita. How did he know that I’m looking at him? At bakit ko nga ba siya kasi tinitingnan?
I admit gwapo siya. Pero wala siyang panama sa kagwapuhan ni Achilles. Plus mukha siyang badboy. Si Achilles mukhang mabait.
With that thought, I choose to ignore that rebel looking guy.
Ngunit tila napalakas ng presensya niya dahil nakakaramdam ako ng pagkailang kahit ilang upuan din ang pagitan namin. Nangangawit na nga ang leeg ko sa kakapigil na lingunin siya.
Geez! Why am I bother with his presence?
Nang bumukas ang pinto ng room namin at iniluwa noon ang palagay ko’y professor namin ay nakahinga ako nang maluwag. At least I have something to focus my attention to rather than being distracted with the guy near me.
“Good morning class! I am Mr. Henaro Yñigo. I will be your professor for your subject Accounting 1.” Inilapag ni Sir ang kanyang mga dala sa teacher’s table sa harapan.
“For now, kindly pass your card. I want to check if everybody’s present or there’s a changes in the list of enrollees that I have here.”
Sinunod naman namin ang sinabi ni Sir Yñigo. Nang sumulyap ako sa lalaking ilang upuan lang ang layo sa akin ay nanatili pa rin siyang nakapikit. Nakatulog na ba siya? Hindi ba siya natatakot na mahuli ni Sir?
Gisingin ko kaya?
Ngunit agad din namang kinontra ng isang parte ng utak ko iyon.
Antipatiko naman, eh. Hayaan mo siyang mapagalitan!
Nagpasya akong sundin ang huling naiisip ko. Bakit ko nga ba siya pakikialaman? Kanina lang ay sinungitan niya pa ako. Hinaklit niya pa ang earphones ko. Bahala siya sa buhay niya.
“Okay, as I call your name please raise your hands.”
Isa-isang tinawag ni Sir ang mga pangalan namin. May hawak pa siyang list at tila tina-tally niya sa nagpasa ng cards. Napansin ko pang minamarkahan niya ang mga pangalang wala sa room.
Madami rin pala kaming first year sa Accounting. Akala ko dati ay kaunti lang ang magiging kaklase ko dahil may kahirapan din ang course na ito. Nagkataon lang na mahilig talaga ako sa pera kaya ito ang napili kong kurso.
“Kristina Flores...”
Itinaas ko ang aking kamay.
“Ms. Flores, do you happen to be related to Mr. Jeofferson Flores and Mrs. Kristiana Flores?” Tanong ng aming professor.
“Mga magulang ko po sila, Sir.”
“I see. So, Mr. Kristofferson Flores of the Engineering Department is your brother?”
“Opo, Sir.”
Dahil sa isinagot ko ay naglingunan sa akin ang iba kong mga kaklase. Ang ibang babae pa nga ay nagbulungan.
“That’s nice. It seems that we have another breed of a genius Flores in the university. I’m glad that you choose to be in the Accounting sector.”
Halos lumubog ako sa kinauupuan ko dahil lalong lumakas ang bulungan.
Exaggeration naman ang sinabi ni Sir na genius ako. Maybe my parents and my brother are, but not me.
Si Mama kasi ay naging bar topnotcher at si Papa naman ay consistent na kasama sa top one hundred most successful businessmen sa bansa. Ang kapatid ko naman ay top one sa dean’s lister at laging naipapadala ng university sa mga convention ng department nila.
Iyon nga lang ang problema kapag nasa linya ng pamilya ang pagiging successful. Akala ng iba ay kagaya ako ng magulang at kapatid ko.
Nakakaintindi lang ako sa mga lessons pero kahit kailan ay hindi pa ako nasama sa honor’s list.
Mabuti na lamang at hindi ako pressured sa bahay na kailangan ay kagaya nila ako na achiever. Maswerte ako dahil sapat na sa kanila kung hanggang saan lang ang kaya ko.
“Ricardo Careon III...”
Naiwala ko ang iniisip ko nang muling magtawag ng pangalan si Sir. Naghintay ako ng ilang sandali ngunit walang sumasagot.
“Again, Ricardo Careon III...”
Wala pa ding sumasagot.
“Where is Mr. Careon?” Inis na si Sir. “Kanina ay pumasok daw siya sa first subject niyo, ah.”
“Sir, natutulog po siya,” sagot ng isa kong kaklase na hindi ko tanda ang pangalan.
“Pakigising nga.”
“Sir, ayoko po baka sapakin ako.”
“Are you going to wake him up or I’ll send you out, Mr. Evangelista?”
Walang nagawa ang kaklase ko kung hindi sundin ang aming guro. Laking gulat ko nang makita kong ang lalaking antipatiko pala ang hinahanap ni Sir.
“Recca...” Mahinang usal ng kaklase ko upang gisingin si Mr. Antipatiko.
Ngunit hindi tuminag ang taong ginigising nito.
“Uy, Recca! Gumising ka na.”
Still no reaction.
“Sir, ayaw po talagang gumising.”
“That’s okay. Go back to your seat,” sagot ni Sir at ito na ng lumapit sa natutulog na estudyante.
“Mr. Careon! Care to tell me why you are sleeping in my class?” Mahinahon ngunit mariin ang bagsak ng mga salita ni Sir Yñigo.
Dahan-dahang dumilat ang antipatikong lalaki. Ni hindi man lang siya natinag sa galit na itsura ng aming guro.
“Why are you sleeping in my class, Mr. Careon?” ulit ni Sir.
“I’m sorry, Sir. Are you going to send me to the Discipline Office now?”
Manghang-mangha ako sa tatag ng loob ng antipatikong ito! Talagang iyon agad ang tanong niya kay Sir?
Is he used to being sent to the Guidance Office? Palagay ko. Mukha naman kasi siyang pasaway.
“No. You’ll stay here. Alam kong hindi ka naman tutuloy sa Guidance, eh. You’ll just ditch your class,” sagot ni Sir at muling bumalik sa ginagawang roll call sa amin.
“Naku, pasaway talaga ‘yang si Recca,” dinig kong bulong ng ilang kalapit kong upuan.
“Oo nga. Wala naman kinatatakutan ‘yan, e. Gwapo sana kaso basagulero.”
Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang pinagbubulungan nila dahil naging abala na ako sa pakikinig sa aming guro.
Sinulyapan kong muli si Mr. Antipatiko. Awa ng Diyos tulog ulit siya.
“NASAAN ba ‘yon?”
Naliligaw na yata ako sa paghahanap sa susunod kong klase. Dapat ay doon lang sa Accounting building kaso may ibang year na nagka-klase.
Wala naman akong naging ka-close agad kanina sa mga kaklase ko kaya wala akong kasabay ngayon. Ito kasi ang problema sa akin. Hindi ako masyadong palakaibigang tao. Pili lang ang mga kaibigan ko. Nagkataon pang sa Manila sila nag-aral.
“Ang laki naman kasi ng university na ‘to.” Pagod na ako. Pakiramdam ko ay paikot-ikot lang ako.
“Teka lang...”
Napahinto ako sa paglalakad ko dahil sa narinig ko. Kinabahan din ako dahil wala naman akong nakikitang ibang estudyanteng naglalakad ngayon. Palagay ko kasi ay medyo likod na ito ng university dahil luma na ang mga buildings.
“Teka, Babe. Baka may makakita sa ’tin.” Boses iyon ng babae.
Dala ng kuryosidad ay hinanap ko ang pinagmumulan ng boses na iyon.
“Babe, wait lang...”
“Wala namang tao, eh.”
Parang tinambol ang puso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Lalo kong binilisan ang paglalakad patungo sa isang lumang building na bahagyang natatakpan ng isang malagong puno.
Nagtago ako sa likod ng puno at sumilip.
Muntik na akong mapasigaw nang makita kong may pares ng estudyanteng naghahalikan!
They are making out in broad daylight for Pete’s sake. Hindi na nahiya!
“Aki...”
Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa nadinig kong pangalan. Muli akong sumilip at pinagkatitigang mabuti ang lalaking kasama ng babae.
Nanlaki ang mga mata ko nang nag-side view ito.
It’s Achilles! Hindi ako pwedeng magkamali dahil kabisado ko ang bawat anggulo ng mukha nito.
“I love you, Myr. So much...” Buong pagmamahal na hinaplos ni Achilles ang magandang mukha ng babaeng kasama niya.
Parang dinurog at tinapak-tapakan naman ako sa mga salitang binitawan ni Achilles. Naramdaman ko na lang ang paglandas ng luha sa mga mata ko.
“Mahal na mahal kita. Kaya huwag ka ng magseselos kung kanino pa.”
“Bakit naman hindi, eh ang daming umaaligid sa ‘yong babae.”
Niyakap niya pa ang nagtatampo niyang kasintahan.
“Babe, wala ka bang tiwala sa akin? I maybe a playboy but that’s before I met you. Nagbago na ‘ko ngayon.”
Gusto kong sipain ang sarili ko dahil nananatili pa rin akong nagtatago rito sa likod ng puno at patuloy na sinasaktan ang sarili ko.
Naninikip at wari’y tinutusok ang dibdib ko dahil sa natuklasan ko. Sobrang sakit na halos mapahagulgol ako kung hindi ko lang tinatakpan ang bibig ko.
“Paano ‘yong kapatid ni Kristoff? ‘Di ba may gusto sa ‘yo ‘yon?”
I stiffened.
“Babe, walang gusto sa akin si Tinay! Nagpapatawa ka ba? Kuya lang ang turing sa ‘kin niyon.”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa pagiging manhid ni Achilles. Kailan ba niya makikita na hindi ko siya itinuturing na kapatid?
“At kung may gusto man siya sa’kin, hindi na pwede dahil may mahal na akong iba...”
Okay. I heard enough!
Malalaki ang mga hakbang ko palayo sa lugar na iyon. Hindi ko makita nang maayos ang nilalakaran ko dahil hilam sa luha ang mga mata ko.
Ngayon lang ako nasaktan nang ganito simula ng mahalin ko siya. Noon kasi ay naiinis lang ako kapag nakikita ko siyang iba-iba ang kasamang babae. Pero ni minsan ay hindi ako natakot nang ganito dahil alam kong hindi naman siya seryoso.
But I know this time is different. Nakita ko sa mga mata niya kanina kung gaano niya kamahal ang babaeng kasama niya. Wala pa siyang tiningnan nang ganoon. Kahit ako ay hindi niya pa tiningnan nang ganoon kalambing.
Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa nag-uunahan sa mga mata ko. Ito na yata ang pinakamalaking sampal ng tadhana sa akin. Sa tagal ng panahong umasa akong mamahalin din ako ni Achilles ay ito pala ang sagot doon.
He will never love me the way I love him. I will never have his heart.
“Aray...” Halos matumba ako nang mabangga ako sa isang matatag na poste.
“Stupid...”
Napatingala ako. Hindi pala poste ang nabangga ko kung hindi ang antipatiko kong kaklase.
“Oo na. Stupid na ‘ko! Bakit mali bang magmahal ng taong may mahal ng iba?”
Bigla na lang bumuhos ang pinipigilan kong luha. Wala na akong pakialam kahit nasa harap pa ako ng pinakabwisit na tao sa buong mundo. I just want to cry my heartbreak.
“Tss. Stop crying. You look like an idiot.”
“Wala kang pake kung gusto kong umiyak!”
“Nakaharang ka sa daan. Late na ‘ko sa klase ko, stupid girl!”
“Ang luwag-luwag ng daan, o!”
“I want to walk on that part where you are stupidly blocking. Kaya pwede ba umalis ka na riyan.”
Inis kong pinahid ang luha ko at tumabi upang makadaan ang haring antipatiko. Kaya lang ay hindi naman siya dumaan.
“You’re not attending the class?”
“Huh?”
“Tss. Stupid girl...”
Iyon lang at tinalikuran niya na ako.
Naiwan akong luhaan at litong-lito.
NAMALUKTOT ako at lalo pang ibinalot ang sarili sa aking comforter. Pinatay ko na rin ang aircon sa aking kwarto kaninang madaling araw dahil sa sobrang ginaw. When I looked at the window I saw the heavy drops of rain pouring.Pahinamad akong bumangon nang mag-alarm ang aking cellphone tanda na kailangan ko nang gumayak dahil may klase pa ako.I was about to turn off the alarm when I saw a message from an unknown number.From: +63916777****Classes are suspended today due to heavy rainfalls. Please stay inside your house and be safe.UDL- AdminGreat! Ano ang gagawin ko ngayong araw na walang pasok? Boring dito sa bahay. Magbasa na lang kaya ako ng mga horror books ko maghapon? Or manood ng movies sa computer?Siguro nga gano’n na lang. Nakakatamad lumabas ng bahay dahil sa lakas ng ulan. At isa pa saan naman ako pupunta kung sakali? I’ve got no friends to visit dahil nasa Manila na iyong iba at nasa ibang bansa naman ang
“NAITAWAG mo na ba sa magulang mo ang nangyari, Aki?”Nag-angat ako ng tingin mula sa plato ko patungo kay Papa. Kasalukuyan kaming nasa hapag-kainan at nag-aalmusal. Yesterday was a long and tiring day for all of us, especially for Achilles.“Opo. Kagabi po bago ako matulog I called them. They’re in Barcelona. Hindi daw po sila makakauwi dahil may mga investors pa silang kailangan i-meet.” It is obvious that Achilles is not happy about it.“It’s okay, honey.” Malambing na sabi ni Mama kay Achilles. She’s always like that to him. Like he is her favorite son. Mabuti nga’t hindi seloso si Kuya.“I’ve got no choice but to be okay with it. Isa pa sanay na din po ako.” He tried to smile but the loneliness in his voice betrayed him.Ganito naman lagi si Achilles. He will always say that he is okay without his parents but I know he is just faking it. Sino ba naman kasing anak an
MABILIS ang mga hakbang namin ni Kuya Kristoff patungo sa lobby ng ospital kung saan naroon si Achilles at ang nobya nito.Hindi naman grabe ang pagkakahimatay ko kaya pumayag si Kuya na isama ako ngayon. Isa pa wala din naman siyang magagawa dahil susunod ako kung sakali. He knows how worried I am for his best friend.“Nurse, excuse me,” tawag ni Kuya sa nurse na naka-station sa lobby, “saan dito iyong kwarto ni Achilles Del Gonzalva at Myrasol Inario?”“Sir, saglit lang po, check ko lang.” Naupo ang nurse sa harap ng computer na naroon at nag-type. Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa harap namin. “Si Mr. Del Gonzalva po hindi naman naka-admit pero si Ms. Inario nasa ICU po siya. Third floor po, room 302. Pero baka hindi pa po kayo payagan ng nurse doon na makita si Ms. Inario.”Hindi naman iyong nobya ni Achilles ang ipinunta namin!Pigil ang dila ko upang hindi ko masabi iyon sa kausap namin.
WALANG sigla ang bawat bagsak ng mga paa ko sa lupa. Pakiramdam ko ay naglalakad ako nang walang direksyon.Hanggang ngayon ay naiisip ko pa din ang tagpong nakita ko kanina sa likod ng university. Hanggang ngayon ay tila pinipiga pa rin ang puso ko na parang ngayon ko pa lang sila nakikitang naghahalikan at nagpapalitan ng matatamis ng mga salita.Nanunubig na naman ang mga mata ko. Alam kong para na akong tanga na naglalakad at umiiyak, pero ano ang magagawa ko? Nasasaktan ako ngayon.Dati naman ay wala akong pakialam kung magkaroon ng iba’t-ibang nobya si Achilles. Malakas ang loob ko noon dahil wala naman siyang siniseryoso sa naging mga relasyon niya. Pero ngayon ay alam ko at damang-dama ko na seryoso siya. Sa paraan pa lamang ng pagtingin niya sa babaeng iyon ay alam ko na.Mahal niya ito.At ako?Tanging nakakabatang kapatid lang ang turing niya sa akin. Isang kapatid na matagal niyang pinanabikang magkaroon dahil nag-iisang an
NAKASIMANGOT ako nang pumasok sa room ng susunod kong subject.Kaunti pa lang ang inabutan kong estudyanteng nandoon. Iyong iba ay kanya-kanya pa ng upuan habang mayroon namang nagkukwentuhan na.I chose to sit on the second to the last row of the seats. Ayokong may kausapin ngayon. Hindi pa rin maganda ang mood ko dahil sa nangyari kanina.Nang makaupo ako ay agad akong naglagay ng earphones at nakinig ng music. Pumikit din ako para siguradong walang magtatangkang kumausap sa akin.Sa ganoong estado ay pumasok na naman sa isip ko ang mga bagay na nagpapasama ng loob ko ngayon.I am eighteen years old while my brother is twenty-two. Apat na taon ang pagitan ng edad namin. Ibig sabihin ay ganoon din ang pagitan ng edad namin ni Achilles. Kaya gusto nito na tawagin ko siyang Kuya Achilles.But I refused.Nagtampo pa nga sa akin si Achilles dahil sa pagtanggi kong tawagin siyang Kuya. Akala niya ay ayaw ko siyang kapatid dahil ayoko sa k
KULANG bente minutos lang namin byinahe ang pagitan ng aming bahay sa Brighton Parkplace at ng eskwelahan na kung tutuusin ay mahigit trenta minutos dapat. Napakabilis magpatakbo ng ugok!Inis kong sinusuklay tuloy ang nagulo kong buhok habang papasok kami ni Kuya sa university. Ni hindi ko na nga nabigyang pansin ang sinasabing trademark ng unibersidad--ang higante nitong gate na gawa sa kahoy. Iyong klase ng gate na hindi makikita ang buong unibersidad mula sa labas.“Pagong, alam mo ba kung saan ang first subject mo?” tanong sa akin ni Kuya habang naglalakad kami sa hallway.“Oo,” maikling sagot ko dahil abala pa ako sa buhol-buhol kong buhok.“Iyong mga binilin ko sa ‘yo, ha. Huwag kang magkakalat dito kung hindi dadagukan kita!”“Oo na nga.” Ilang beses niya na ba kasing ipinapaalala sa akin iyon simula noong nag-enroll ako rito!“Sinasabi ko lang at ayokong mapahiya rito. Maga