공유

Chapter 4

작가: darlingjeane
last update 게시일: 2020-08-28 20:05:09

WALANG sigla ang bawat bagsak ng mga paa ko sa lupa. Pakiramdam ko ay naglalakad ako nang walang direksyon.

Hanggang ngayon ay naiisip ko pa din ang tagpong nakita ko kanina sa likod ng university. Hanggang ngayon ay tila pinipiga pa rin ang puso ko na parang ngayon ko pa lang sila nakikitang naghahalikan at nagpapalitan ng matatamis ng mga salita.

Nanunubig na naman ang mga mata ko. Alam kong para na akong tanga na naglalakad at umiiyak, pero ano ang magagawa ko? Nasasaktan ako ngayon.

Dati naman ay wala akong pakialam kung magkaroon ng iba’t-ibang nobya si Achilles. Malakas ang loob ko noon dahil wala naman siyang siniseryoso sa naging mga relasyon niya. Pero ngayon ay alam ko at damang-dama ko na seryoso siya. Sa paraan pa lamang ng pagtingin niya sa babaeng iyon ay alam ko na.

Mahal niya ito.

At ako?

Tanging nakakabatang kapatid lang ang turing niya sa akin. Isang kapatid na matagal niyang pinanabikang magkaroon dahil nag-iisang anak lang siya.

“Shit!” Inis kong pinahid ang luhang tumakas sa mata ko.

Dapat kasi sinunod ko na lang si Kuya Kristoff na tigilan na ang nararamdaman ko para sa kaibigan niya.

Pero kaya ko ba?

Sa kasamaang palad ay hindi. Hindi ko kayang pigilan ang pagmamahal ko para kay Achilles gaya ng hindi ko kayang pigilan ang pagdaloy ng mga luha ko ngayon.

I look so pathetic.

“Psst!”

Huminto ako sa paglalakad.

“Hoy!”

Luminga-linga ako para hanapin ang nagsalitang iyon subalit wala akong makita.

“I’m here, stupid girl.”

Nang tumingin ako sa likuran ay tsaka ko nakita ang walang galang na tumawag sa akin.

“Bakit—” Natigil ako sa pagsasalita nang dumilim ang paningin dahil natabunan ng kung anong hinagis niya sa mukha ko.

Inis kong inalis iyon sa mukha ko para lang magulat nang mapagtanto ko kung ano iyon.

It’s a handkerchief.

“Wala ka na bang ibang gagawin kung hindi ang umiyak? Is that your hobby, stupid girl?”

“Stop calling me ‘stupid girl’. Hindi naman ako stupid.”

“Yes, you are. Bakit may matino bang umiiyak habang magpapalakad-lakad sa buong university?”

“Wala kang pake! Mind your own business.”

“I hate to see people doing stupid things. So yeah... It’s my business to stop them. Ayokong ma-badtrip.”

Hindi ako umimik at nagpunas ng luha ko gamit ang panyong hinagis niya sa akin.

“What’s your name, stupid girl?”

“None of your business.”

“Fine. Then I’ll call you stupid girl.”

“Bahala ka sa buhay mo, antipatiko!”

“What did you just call me?”

“Antipatiko...”

Inisang hakbang lang niya ang pagitan naming dalawa. Nagbabaga ang itim niyang mga mata at wari’y tinutupok ako.

“Nobody dares to call me names,” seryoso niyang sabi sa akin.

Nakadama ako ng kaba dahil sa intensidad ng mga tingin niya. I admit I’m scared of what I see in him. Pero hindi ko ipinahalata. Ayokong isipin niyang kayang-kaya niya akong takutin.

“So, kapag ikaw pwede mo akong tawagin ng kung anu-ano, pero ako hindi ko pwedeng gawin sa ‘yo ‘yon? How unfair!”

“Because I have a name. I’m Recca.”

“Wala akong pake. Tatawagin kita sa gusto kong itawag sa ‘yo.”

“Stupid...”

“Antipatiko...”

Tsaka ko siya binigyan ng nakamamatay na irap. Na agad kong pinagsisihan dahil nahagip ng mga mata ko ang dalawang taong ayokong makita sa ngayon.

It’s Achilles and his girlfriend.

Parang may patalim na tumama sa puso ko sa nakikita kong kaligayahan nilang dalawa. They were holding each other’s arms while happily talking.

Aaminin ko naiinggit ako sa babaeng kasama ni Achilles ngayon. Dapat ako iyon!

I should be the one he is looking at. I should be the one he is holding hands with. I should be the one he is laughing with.

Ako dapat at hindi ang babaeng iyon!

If looks could kill I’m sure by now that that woman is already dead!

Anim na taon kong itinago ang nararamdaman ko para kay Achilles. Anim na taon ang sinayang ko para lang hayaan ko siyang mapunta sa iba?

Definitely not!

Hindi ako tatayo rito at hahayaan lang na ang lalaking minamahal ko ay maging pag-aari ng iba!

Damang-dama ko ang galit sa aking dibdib. Galit para sa babaeng kahawak-kamay ni Achilles ngayon.

I’m so angry I wanted to wring that woman’s neck!

“Masakit, ’di ba?”

Napakurap ako. Nang ilibot ko ang paningin ko ay madilim na ang paligid. Ang tanging nakikita ko na lang ay si Achilles at ang nobya niya. Kahit si Recca ay hindi ko na nakikita. 

“Ang saya-saya niya, hindi ba? Kaya lang iba ang nagpapasaya sa kanya. Hindi ikaw…”

 “Sino ka?” 

“Mahal mo siya, pero iba ang mahal niya. Anong pakiramdam, masakit ba? Nakakainggit ba?”

 “Sino ka sabi, eh! Magpakita ka!”

Isang nakakapangilabot na tawa ang pumailanlang sa madilim na paligid. Pakiramdam ko ay tumatagos iyon sa aking mga buto at nagbibigay ng kakaibang panlalamig sa buong katawan ko.

“Nakakaawa ka. Ang tagal mong minahal pero hanggang tingin ka lang. Iba ang nakikinabang.”

“Tama na. Tumahimik ka!”

Isang malutong na halakhak ang isinagot ng misteryosong tinig na iyon.

“Tingnan mo sila...”

Hindi ko napigilang lingunin ang kinatatayuan ni Achilles at nobya nito.

Hindi ko maiwasang mapaluha nang makita kong magkalapat ang kanilang mga labi.

Kasabay nang luha ko ay tawa ng kung sinumang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

“Papayag ka ba na hanggang d’yan ka na lang sa kinatatayuan mo? Bakit hindi ka gumawa ng paraan para mapasaiyo ang lalaking mahal mo?”

Mula sa kung saan ay may nakita akong makisap na bagay hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Naglakad ako palapit dito.

Habang papalapit ako ay tila may kung anong namumuo sa puso ko. Paulit-ulit sa isip ko ang magkahinang na labi ni Achilles at ng babaeng mahal nito.

Hindi ako papayag! Sa akin lang si Achilles!

Nang makalapit ako sa bagay na kumikinang ay napagtanto ko kung ano iyon.

Isang kutsilyo.

“Kunin mo Kristina...”

Walang pag-aalinlangan kong sinunod ang tinig.

Pinagmasdan ko ang matalas na bagay na hawak ko na patuloy sa pagkislap.

“Lumapit ka sa kanila. Itarak mo iyan sa puso ng babaeng kasama ng mahal mo. Tapusin mo na ang balakid upang maangkin mo na si Achilles.”

Tila may kung anong pwersang nagpapalakas ng loob ko. Wala akong takot o pagdadalawang-isip na nararamdaman. Tiyak ang bawat hakbang ko palapit sa dalawang taong patuloy pa din sa paghahalikan.

“Achilles...”

Gulat silang napabitiw sa yakap na isa’t-isa.

“Tinay? Ano’ng ginagawa mo rito?” Nagtatakang pinagmasdan ako ni Achilles.

“Lumayo ka sa kanya...”

“Ano? Bakit?”

“Layuan mo ang babaeng ‘yan!”

Kasabay nang sigaw kong iyon ay ang pag-ihip nang malakas at malamig na hangin. Hindi ako natinag. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay mailayo si Achilles sa babaeng mahal niya.

Kitang-kita ko ang takot sa mga mata ng babaeng kasama ni Achilles. Sumiksik ito nagtago sa matitipunong braso niya.

Wrong move for her. Dahil lalo lang nagliyab ang galit na nararamdaman ko.

“Huwag kang dumikit kay Achilles!”

Kusang umangat sa ere ang kamay ko sa hindi ko malamang dahilan. Ngunit mas higit kong ikinabigla nang umangat din sa ere ang nobya ni Achilles.

“Tinay, what are you doing?!”

Hindi ko siya pinansin, sa halip ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko sa babaeng umagaw sa kanya.

Unti-unting kong ikinuyom ang kamay kong nakataas. Lumawak ang ngiti ko nang makita kong tila nasasakal ang nobya ni Achilles.

“I-I can’t...b-breathe... A-Aki, help me...” Harap na pagsasalita ng babae.

“Tinay! Stop it!”

Akmang lalapit sa akin si Achilles ngunit tinangay siya ng malakas na hangin palayo. Kahit anong lapit niya ay tila may pwersang tumutulak sa kanya palayo sa akin. Isang pwersang tila tumutulong sa akin upang gawin ang balak ko.

“Tinay! Tigilan mo ‘yan!” Sigaw ni Achilles.

“Titigil? Bakit ako titigil? Para tuluyan ka niyang maagaw sa akin?”

“Sige na. Isaksak mo na ang hawak mo sa puso ng mang-aagaw na iyan...”

Kumislap ang mga mata ko. Wala na akong ibang nasa isip ngayon kundi tapusin ang buhay ng nobya ni Achilles.

Sa pamamagitan ng kamay kong nakataas sa ere ay inilapit ko sa kinatatayuan ko ang babaeng mang-aagaw.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang malapad dahil nasasalaming takot sa mga mata nito.

“Natatakot ka? Dapat lang dahil ang mga katulad mo ay hindi pinagtatagal sa mundo!”

Sa isang mabilis na mosyon ay walang kahirap-hirap kong naitarak ang kutsilyo sa dibdib ng nobya ni Achilles.

“Myr! Myr!” Malakas na tawag ni Achilles dito.

Kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo nito mula sa dibdib nito hanggang sa mga kamay at braso. Sa halip na matakot ay labis kong ikinatuwa ang nakikita ko.

“Pinatay mo siya, Tinay! Why did you do that?” Galit na galit na sigaw ni Achilles sa akin.

“Kasi inagaw ka niya sa akin...”

“I was never yours, Kristina...”

Gumuhit ang sakit sa dibdib ko dahil sa sinabi ng iyon ni Achilles. Naramdaman kong muli ang kakaibang galit sa kaibuturan ko.

“Sa akin ka lang, Achilles!”

“No. Hindi kita mahal. Si Myr ang mahal ko!”

“Hindi. Ako lang ang dapat mong mahalin!”

Humangin nang malakas at nanginig ang lupa.

“Sa akin ka lang... Papatayin ko ang lahat nang hahadlang sa ating dalawa Achilles...”

“Hindi! Kahit kailan ay hindi mapapa-sa iyo ang puso ko.”

Muli ay may gumuhit na ngiti sa labi ko.

“Try me Achilles...”

Muli kong iniangat ang kamay ko kaya’t umangat din si Achilles sa lupa.

“Kung hindi mo kayang ibigay nang kusa sa akin ang puso mo, pwes, ako na mismo ang kukuha nito sa ‘yo.”

Muli kong kinuyom ang kamay ko. Hindi ko maipaliwang ngunit nadadama kong may kung anong pumipintig sa palad ko.

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Achilles. Nakita ko siyang namimilipit sa sakit habang hawak ang dibdib niya.

“T-Tinay. S-Stop...it...”

“Mahalin mo ako at mabubuhay ka...”

“N-No.”

Muling nagbaga sa pagkamuhi ang puso ko.

“Pwes mamamatay ka!”

“Tinay!”

Napamulat ako. Puro puti ang nakikita ko.

“Tinay! Gising ka na pala.”

Ibinaling ko ang pansin ko sa nagsalitang iyon. Si Kuya Kristoff pala.

“Nasaan ako, Kuya?”

“Nandito ka sa clinic. Hinimatay ka kanina sa quadrangle.”

Nangunot ang noo ko. Hinimatay daw ako? So, panaginip lang iyong nangyari kanina? Para kasing totoong-totoo.

“Ang huli kong natatandaan ay kausap ko si Recca. Teka nasaan na iyon?”

“Sino? Iyong mayabang uhuging nagdala sa ‘yo rito?”

Kung iba lang ang sitwasyon ngayon ay tiyak na matatawa ako kay Kuya. Kaya lang ay may kung anong gumugulo sa isip ko.

Bakit ganoon ang panaginip ko? Para talagang totoo.

Nakadama ako ng kilabot sa buong katawan ko nang maalala ko ang mga nangyari sa panaginip ko.

Pinatay ko ang nobya ni Achilles at maging si Achilles ay sinaktan ko din. Para akong wala sa sarili doon. Parang hindi ako iyon.

Naalala ko ang tinig na bumubulong sa akin. Never did I hear that voice before. Sa panaginip lang na iyon. Kaya kahit anong isip ang gawin ko ay wala akong maalalang kakilala na ganoon ang tinig. Mysterious. Creepy.

“Tinay!”

Nagulat ako nang kalabitin ako ng kapatid ko. Mukhang may sinasabi siya sa akin ngunit lumilipad ang isip ko.

“Bakit Kuya?”

“Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo? Bakit ka tulala riyan?”

Nangunot ang noo ko. Sasabihin ko ba kay Kuya ang kakaibang panaginip ko na iyon? Baka pagtawanan niya lang ako. O, ‘di kaya ay lalo lang idiin sa akin ang pagsupil ng nararamdaman ko para sa matalik niyang kaibigan.

Naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ni Kuya.

“Hello?” Bungad niya sa nasa kabilang linya.

“What? Where?”

Napatitig ako sa gulat na ekspresyon ng kapatid ko. Ano kaya ang nangyari?

“Right. Puntahan kita r’yan mamaya, Pogs.”

Nang ibaba ni Kuya ang kanyang cellphone ay hindi ko napigilang magtanong.

“Kuya si Aki ba ‘yon? Ano’ng nangyari?”

He sighed.

“Nasa ospital siya.”

Sumikdo ang puso ko.

“Bakit?”

“Naaksidente sila ni Myr, ‘yong girlfriend niya... The girl’s critical...”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Isla Paraiso: Achilles' Heart   Chapter 7

    NAMALUKTOT ako at lalo pang ibinalot ang sarili sa aking comforter. Pinatay ko na rin ang aircon sa aking kwarto kaninang madaling araw dahil sa sobrang ginaw. When I looked at the window I saw the heavy drops of rain pouring.Pahinamad akong bumangon nang mag-alarm ang aking cellphone tanda na kailangan ko nang gumayak dahil may klase pa ako.I was about to turn off the alarm when I saw a message from an unknown number.From: +63916777****Classes are suspended today due to heavy rainfalls. Please stay inside your house and be safe.UDL- AdminGreat! Ano ang gagawin ko ngayong araw na walang pasok? Boring dito sa bahay. Magbasa na lang kaya ako ng mga horror books ko maghapon? Or manood ng movies sa computer?Siguro nga gano’n na lang. Nakakatamad lumabas ng bahay dahil sa lakas ng ulan. At isa pa saan naman ako pupunta kung sakali? I’ve got no friends to visit dahil nasa Manila na iyong iba at nasa ibang bansa naman ang

  • Isla Paraiso: Achilles' Heart   Chapter 6

    “NAITAWAG mo na ba sa magulang mo ang nangyari, Aki?”Nag-angat ako ng tingin mula sa plato ko patungo kay Papa. Kasalukuyan kaming nasa hapag-kainan at nag-aalmusal. Yesterday was a long and tiring day for all of us, especially for Achilles.“Opo. Kagabi po bago ako matulog I called them. They’re in Barcelona. Hindi daw po sila makakauwi dahil may mga investors pa silang kailangan i-meet.” It is obvious that Achilles is not happy about it.“It’s okay, honey.” Malambing na sabi ni Mama kay Achilles. She’s always like that to him. Like he is her favorite son. Mabuti nga’t hindi seloso si Kuya.“I’ve got no choice but to be okay with it. Isa pa sanay na din po ako.” He tried to smile but the loneliness in his voice betrayed him.Ganito naman lagi si Achilles. He will always say that he is okay without his parents but I know he is just faking it. Sino ba naman kasing anak an

  • Isla Paraiso: Achilles' Heart   Chapter 5

    MABILIS ang mga hakbang namin ni Kuya Kristoff patungo sa lobby ng ospital kung saan naroon si Achilles at ang nobya nito.Hindi naman grabe ang pagkakahimatay ko kaya pumayag si Kuya na isama ako ngayon. Isa pa wala din naman siyang magagawa dahil susunod ako kung sakali. He knows how worried I am for his best friend.“Nurse, excuse me,” tawag ni Kuya sa nurse na naka-station sa lobby, “saan dito iyong kwarto ni Achilles Del Gonzalva at Myrasol Inario?”“Sir, saglit lang po, check ko lang.” Naupo ang nurse sa harap ng computer na naroon at nag-type. Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa harap namin. “Si Mr. Del Gonzalva po hindi naman naka-admit pero si Ms. Inario nasa ICU po siya. Third floor po, room 302. Pero baka hindi pa po kayo payagan ng nurse doon na makita si Ms. Inario.”Hindi naman iyong nobya ni Achilles ang ipinunta namin!Pigil ang dila ko upang hindi ko masabi iyon sa kausap namin.

  • Isla Paraiso: Achilles' Heart   Chapter 4

    WALANG sigla ang bawat bagsak ng mga paa ko sa lupa. Pakiramdam ko ay naglalakad ako nang walang direksyon.Hanggang ngayon ay naiisip ko pa din ang tagpong nakita ko kanina sa likod ng university. Hanggang ngayon ay tila pinipiga pa rin ang puso ko na parang ngayon ko pa lang sila nakikitang naghahalikan at nagpapalitan ng matatamis ng mga salita.Nanunubig na naman ang mga mata ko. Alam kong para na akong tanga na naglalakad at umiiyak, pero ano ang magagawa ko? Nasasaktan ako ngayon.Dati naman ay wala akong pakialam kung magkaroon ng iba’t-ibang nobya si Achilles. Malakas ang loob ko noon dahil wala naman siyang siniseryoso sa naging mga relasyon niya. Pero ngayon ay alam ko at damang-dama ko na seryoso siya. Sa paraan pa lamang ng pagtingin niya sa babaeng iyon ay alam ko na.Mahal niya ito.At ako?Tanging nakakabatang kapatid lang ang turing niya sa akin. Isang kapatid na matagal niyang pinanabikang magkaroon dahil nag-iisang an

  • Isla Paraiso: Achilles' Heart   Chapter 3

    NAKASIMANGOT ako nang pumasok sa room ng susunod kong subject.Kaunti pa lang ang inabutan kong estudyanteng nandoon. Iyong iba ay kanya-kanya pa ng upuan habang mayroon namang nagkukwentuhan na.I chose to sit on the second to the last row of the seats. Ayokong may kausapin ngayon. Hindi pa rin maganda ang mood ko dahil sa nangyari kanina.Nang makaupo ako ay agad akong naglagay ng earphones at nakinig ng music. Pumikit din ako para siguradong walang magtatangkang kumausap sa akin.Sa ganoong estado ay pumasok na naman sa isip ko ang mga bagay na nagpapasama ng loob ko ngayon.I am eighteen years old while my brother is twenty-two. Apat na taon ang pagitan ng edad namin. Ibig sabihin ay ganoon din ang pagitan ng edad namin ni Achilles. Kaya gusto nito na tawagin ko siyang Kuya Achilles.But I refused.Nagtampo pa nga sa akin si Achilles dahil sa pagtanggi kong tawagin siyang Kuya. Akala niya ay ayaw ko siyang kapatid dahil ayoko sa k

  • Isla Paraiso: Achilles' Heart   Chapter 2

    KULANG bente minutos lang namin byinahe ang pagitan ng aming bahay sa Brighton Parkplace at ng eskwelahan na kung tutuusin ay mahigit trenta minutos dapat. Napakabilis magpatakbo ng ugok!Inis kong sinusuklay tuloy ang nagulo kong buhok habang papasok kami ni Kuya sa university. Ni hindi ko na nga nabigyang pansin ang sinasabing trademark ng unibersidad--ang higante nitong gate na gawa sa kahoy. Iyong klase ng gate na hindi makikita ang buong unibersidad mula sa labas.“Pagong, alam mo ba kung saan ang first subject mo?” tanong sa akin ni Kuya habang naglalakad kami sa hallway.“Oo,” maikling sagot ko dahil abala pa ako sa buhol-buhol kong buhok.“Iyong mga binilin ko sa ‘yo, ha. Huwag kang magkakalat dito kung hindi dadagukan kita!”“Oo na nga.” Ilang beses niya na ba kasing ipinapaalala sa akin iyon simula noong nag-enroll ako rito!“Sinasabi ko lang at ayokong mapahiya rito. Maga

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status