Inicio / Todo / My Real Fake Love / Chapter 10 - Judgements

Compartir

Chapter 10 - Judgements

last update Fecha de publicación: 2020-09-29 15:33:47

Adam/Eve's POV

It was awkward. It was unbelievable. It was unforgettable. It was unpredictable. Allan was about to plant me a kiss, but something in my mind is telling me that this isn't the right time. And there goes my best friend who's enjoying the company with my twin which made my heart uneasy, slowly making weak beats, slowly making... unbearable pain.

Bakit? Bakit ko nararamdaman 'to?

Bahagya naman akong nagulat nang biglang hawakan ni Allan ang aking kanang balikat. "Okay ka lang?"

"Okay lang ako, Allan. Salamat." sagot ko saka tinapik ang kanyang kamay ngunit nasa direksyon pa rin nina kambal at bestie ang mga mata. Dahan-dahan ko naman itong inalis at bigla akong humikab. Lumingon naman ako saglit sa kanya upang magpaalam na ako'y aalis na rito sa dalampasigan. "Good night na nga pala, Allan. Babalik na 'ko sa rest house. Inaantok na ako, eh."

"Adam." tawag niya sa totoo kong pangalan dahilan upang ako'y huminto at lumingon ulit sa kanya.

"Tungkol kanina..." pagtutukoy niya sa muntikang paghalik niya sa 'kin. "I'm serious." sinsiro niyang sabi.

"Ahh... G-Good night ulit." sabi ko at nagmadaling umalis sa takot na marinig niya ang puso kong nagsimulang tumibok ng napakabilis.

He is freaking serious, indeed!

Nang ako'y makarating sa rest house, nadatnan ko namang maliwanag na ang loob at labas nito kaya nagpasya akong pumasok gamit ang duplicated key na ibinigay ni Jake sa akin kanina. Nang makapasok na ako sa kwarto, agad kong binuhay ang ilaw nito at mabilis na isinara ang pinto. Napasandal ako rito saglit at napahawak pa sa aking dibdib dahil sa hindi mapigil na pagtibok ng aking puso.

"Allan... crush kita, oo. O siguro, mahal na kita kahit hindi pa tayo matagal na nagsama. Nakakagulat mang malaman na matagal mo na pala akong napapansin, mas nakakagulat naman ang ipinapakita mo ngayon sa akin. Parang masyado pang maaga para magustuhan mo ako pabalik. Parang masyadong imposible na kaya mo rin akong mahalin kahit isa kang tunay na lalake. Allan, gustuhin ko mang tanggapin ang 'yong halik, pero parang may sinasabi ang aking sarili na ayaw pang tumanggap sa ganitong klaseng pangyayari. I'm sorry, Allan. I'm sorry." sambit ng isipan ko.

Matapos umeksena ang aking isip, umupo naman ako sa aking kama. Inayos ko saglit ang medyo magulo kong buhok at huminga ng napakalalim upang gumaan naman kahit papano ang aking sarili. Kahit nawala ang aking antok dahil sa kakaisip ng pangyayari kaninang hindi inasahan, nagpasya akong humiga at tumingala sa kisame kahit wala naman akong sagot doon na makukuha.

At muling pumasok sa aking utak sina bestie at kambal, na pinaniniwalaan kong sanhi ng hindi ko maitindihang pagkirot ng aking puso. Weird...

"Bakit? Bakit ko nararamdaman 'to?" ang kaninang tanong ng aking isip ay nagpasya nang ilabas sa aking labi. Patuloy pa rin ang pagtakbo nito sa utak ko sa kadahinalang walang mahinuha na kahit konting sagot. I am smart enough to know about almost everything... but stupid enough to leave a blank in this simple question.

"Ugh! Ano bang nangyayari sa 'yo, Allan? Nakakainis punyeta!" bulalas ko sabay sabunot ng matindi sa aking buhok. 

Mula sa nakatihaya kong posisyon, binaliktad ko ang sarili ko upang imudmod ang mukha sa napakaputi at napakalambot na unan. Mukhang hindi ako makakatulog ng matino ngayong gabi.

Hindi nagtagal, may narinig akong yabag ng mga paa na parang nagmamadali papunta sa room ko mismo. Nang umikot ang doorknob, para namang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Dahil doon, agad pumasok sa isipan ko 'yung ghost hunting na sinabi sa amin ni kambal. Mukhang ako yata ang makakakita ng multo ngayooon!

Dahan-dahan namang bumukas ang pinto, habang ako naman ay umayos na sa pagkakaupo at binalot ang buong katawan ng kumot dahil sa takot. Poteeeek, lahat ng mga balahibo ko nagsitayuan naaa!

Habang hinihintay ko ang pagpasok ng multo, bigla namang huminto ang pinto kahit hindi pa ito nakabukas ng buo. Pagkatapos nito ay may nakita akong ulo na dahan-dahang gumuho, na parang sisilip na sa loob ng kwarto. At ang nakakatakot pa... parang patungo rito sa direksyon kooo!

At dahil dito, hinanda ko na ang sarili ko. Nagsimula pa akong magbilang sa isip ko ng isa, dalawa, tat—

"Bulag—AAHH!" sigaw ni Carlos nang batuhin ko ang mukha niya ng aking unan.

"HAHAHAHA!" malakas kong tawa nang hindi siya nakailag. Well, masyado akong alerto so, yeah. Ayan ang napapala sa mga nanggugulat.

"Aray naman. Ang sakit no'n, ah!" reklamo niya saka hinimas ang kanyang pisngi. 

"Ang ayoko sa lahat, 'yung ginugulat ako. Kaya ayan! Hahahaha!" pangangaral ko.

"Oh. Anong nangyari rito?" biglaang pagsulpot ni kambal na siyang bumukas ng malaki sa pinto.

"Bakla ba talaga 'tong kambal mo, bro? Ang sakit bumato ng unan, eh." sabi ni Carlos. So, probably napalakas talaga 'yung pagbato ko.

"Hahahaha! Kaya nga macho, eh." kahit kailan talaga, kontrabida 'tong si kambal sa buhay ko. Dahil sa binitiwan niyang salita, sinamaan ko siya ng tingin. Grrrr... unggoy!

In the end, nagtawanan naman silang dalawa dahil sa tukso ni kambal laban sa akin. Alam kasi niyang naiinis ako kapag tinatawag na macho dahil bully siya, demonyo, at mas may topak! Imbes na 'yung kabarkada niya ang may kasalanan, ako pa rin ang kanyang pinagtripan. Buset!

Nang sila'y tumigil na, agad naman akong humiga at nagtaklob ng kumot mula ulo hanggang paa. Hindi ko naman dinamdam ang pang-aasar nila sa akin kanina. Gusto ko lamang makatulog ng mahimbing kahit ang aking pakiramdam ngayon ay parang may insomnia.

This is all your fault, Allan.

Because of him, I started to be confused about myself. Kilalang kilala ko ang sarili ko all this time. Pero bakit ngayon parang hindi? Or... maybe this is all just new to me. Masyado lang sigurong nabigla ang sarili ko nang magtapat si Allan sa 'kin. And the strange thing is that... I'm supposed to be happy dahil nangyari na rin ang gusto kong mangyari tungkol sa aming dalawa. I'm not sad right now, though. But I'm not happy either! Bakit?

Is it because I'm already thinking about the consequences? Na maraming hindi makakatanggap kapag naging kami, especially our parents? Or hindi kami magtatagal? Or there is just something in me na kailangan ko pang madiskubre, and definitely I won't see it in him? Ang labooo!

And here comes my bestie. To be honest, I started not to stop thinking about her after I was threatened by my twin. I even self-proclaimed that she is my property. And I even tried so many times to make her stay away from him. And that flashback at the beach, where my heart was hurt... like hell. 

Kahit tahimik na ang buong paligid since natulog na rin sina kambal at Carlos, hindi pa rin ako makatulog dahil sa napakatinding ingay ng aking isip. Lights off akong tao, and saktong nakapatay na rin ang ilaw pero ang mga mata ko ay nakamulat pa rin. Pikit dito, pikit doon. Gulong dito, gulong doon. Iba-ibang posisyon, hanggang sa bumangon. Shit! I definitely can't sleep.

Dahil hindi talaga ako dinadalaw ng antok, nagpasya akong lumabas ng kwarto upang tumungo sa kusina. Pagkarating ko roon, binuksan ko ang refrigerator upang kumuha ng tubig. Hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw sapagkat maliwanag naman ang paligid dulot ng buwan at mga ilaw sa labas na pumapasok naman sa mga bintana.

Iinom na sana ako nang,

"Hindi ka rin pala makatulog." boses ni Allan mula sa aking likuran. Lumingon naman ako upang kausapin siya.

"A-Allan. Ikaw pala." ayan nauutal ka na naman, Adam!

"Babalik ka na ba sa taas?" tanong niya habang papalapit na sa akin.

"Ahh, oo. Pagkatapos kong uminom." ayan dapat, Adam. Mabuti naman at naka-adjust ka na sa boses mo.

Inubos ko naman ang isang basong tubig matapos kong maibalik ang pitsel sa loob ng fridge. Oh God, help me. Bakit kausap ko pa ngayon ang taong gumagambala sa aking gabi.

"Pwedeng pahiram?" pagtutukoy niya sa basong gamit ko.

"Ahh... may ibang baso pa naman doon sa cabinet." alang namang ibibigay ko lang agad sa kanya, 'no.

"Huwag na. Tsaka saglit lang naman akong iinom." peste ka, Allan. Nananadya ka ba? Ba't parang wala sa vocabulary mo ang salitang 'awkward'?!

Dati, or shall I say a few weeks ago, parang masyadong malandi ang isip ko kapag siya na ang kasama. Kung ganyan pa rin ako ngayon, I would totally be like, 'Yeees! Ito na lang gamitin mong baso, Allan!' or 'Kiss me, Allan! AAAHHH!', but no. But... I still have feelings for him, though. Blame my stutter when we talk. It's just that... being his new self towards me is so unusual. Sabagay, new self nga eh. Unusual pa talaga 'yan. 

Kahit hindi ko binigay, kinuha niya talaga ang baso mula sa akin. Mabilis siyang nakakuha ng pitsel at nilagyan agad ng malamig na tubig ang ginamit kong baso. I can't help to think na okay lang sa kanyang magka-indirect kiss kami. 

"Allan, sige. Matutulog na ako." paalam ko ulit sa kanya. Nagsimula na akong maglakad nang bigla siyang nagsalita.

"Hindi man lang ba tayo mag-uusap, Adam?" pagpipigil niya.

"A-Ahh... Bukas na lang siguro, Allan. I really need to sleep right no—"

"Kakausapin mo ako, o hahalikan kita?" tanong niya nang mabilis niya akong idinikit sa pader habang nakahawak pa sa aking mga balikat.

"Bibitiwan mo ako, o susuntukin kita?" seryoso kong tanong sapagkat hindi ko nagustuhan ang ganitong paraan niyang paglapit sa akin.

Saglit siyang natahimik at seryosong tinitigan ang mga mata ko ng mga ilang segundo.

"Argh! Okay fine!" he said in frustration saka ako binitiwan. Napatalikod siya saglit mula sa akin at napasabunot pa sa ulo. Nang bumalik na siya sa aking direksyon, saka niya pinakawalan ang mga katagang, "Damn it, Adam!" habang naging kamao ang kanyang mga kamay. "Ayaw mo ba talagang kausapin ako ngayon?"

"Pwede naman bukas, ah. Kailangan ko pang matulog ngayon!" medyo napasigaw kong sagot.

"Well, I want it now. Because you have no idea how crazy I am because of you."

Dahil alam naming hindi lang kami ang mga tao rito sa loob, we tried to make our voices soft as possible para hindi kami makaistorbo sa iba.

"And you have no idea kung gaano ako nahihirapan ngayon dahil sa 'yo, Allan." ganti ko.

"That's why we need to talk about this!" pamimilit niya.

"Tomorrow morning!" pamimilit ko naman. Mygawd ang atat niya!

"Tomorrow morning?" he scoffed. "And how can you be so sure that we can talk about this tomorrow morning, when you don't even have the guts to talk to me this evening?"

"Kasi nga... gusto ko nang matulog!"

"Here we go again, Adam. Gusto mo nang matulog? Ako nga, hindi pa dinadalaw ng antok dahil kanina. Ikaw pa kaya? Na sinabihan kong may gusto na rin sa 'yo? Again, Adam. You're a bad liar." is it just me? Or nakakabwisit na talaga 'tong pagiging straightforward at on point niyang pananalita.

"Ang sa 'kin lang naman... bigyan mo sana ako ng pagkakataon. Ayokong sayangin 'to lalo na't... ngayon lang ako nakaranas ng ganitong klaseng pagkagusto, Adam. Kung naging awkward ito para sa 'yo, I'm sorry. Pero believe it or not, naninibago rin ako." dagdag niya.

Inilabas ko naman ang aking mabigat na paghinga at dahan-dahang napaupo sa sahig. Wala, eh. Mapilit siya. At na-realize kong hindi ko pala siya kayang tiisin.

"Okay lang bang tabihan kita?" paghihingi niya sa akin ng pahintulot. Tumango naman ako bilang pagpayag. Kaya ang nangyari, dalawa na kaming nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader.

"You know..." pagsisimula niya. "When I was with Keila, akala ko siya na. Everyone knows she has a bad reputation, pero iba ang pagtingin ko sa kanya sa panahong iyon. I saw an angel who just saved me from darkness. I saw an angel who just gave me the true meaning of happiness."

Akala ko ba tungkol sa amin ang gusto niyang pag-usapan. Bakit pinasok niya ang bitchesa niyang ex dito?

"But then I realized, maybe I was... only overthinking. I saw her as an angel because she was always there for me, lalo na 'yung mga times na... palaging mababa ang tingin ko sa sarili ko. Pero habang tumatagal, hindi ko na nakikita ang rason kung bakit ko siya minahal. Turns out na... masyado lang yata akong nagandahan sa kanya, to the point that it was my only reason for her to be mine. There's nothing special about her anymore. And I found out it wasn't love. Although I was hurt nang malaman kong wala siyang minahal sa akin... o wala siyang pagpapahalaga sa akin kahit konti. Kasi kung meron man, she wouldn't cheat on me. She would've seen my worth... despite from all of my imperfections."

Hindi ko naiwasang mainis ng konti sa aking isip sapagkat naipasok pa niya ang bitchesa niyang ex sa aming dapat na pag-usapan. But I still get him, though. Alam ko rin naman ang patutunguhan ng ganitong usapan. And on the bright side, mas nalaman ko na ang side niya tungkol sa relasyon nila ni Keila noon. 

"And then you came, Adam." dahilan upang lumingon ako sa kanya when he mentioned my name. "You just saved my life." he added with a genuine smile.

"Pa'no mo naman nasabing iniligtas kita, Allan?" hindi ko naiwasang itanong.

"Because you made me happy again." simpleng sagot niya. "At na-realize ko rin na... hindi kumpleto ang buhay ko kapag wala ka."

"Allan... bakit ako?" bigla kong naitanong. 

"I... I don't know, Adam. I don't know." tanging sagot niya.

"Kailangan mo itong pag-isipan ng mabuti, Allan. Yes, I like you. And I admit na gusto ko ring maging tayo. But you, liking me back is just... too fast! Huwag ka sanang magpadalos-dalos sa nararamdaman mo, kagaya ng naramdaman mo kay Keila noon. Hindi madali ang masaktan, Allan. Kaya siguraduhin mo ang kaligtasan ng puso mo." payo ko sa kanya. I don't even know why I said those. 

"Paano kung sigurado na ako, Adam? Paano kung... gusto na talaga kita?"

"Paano kung kaibigan lang pala talaga ang turing mo sa 'kin, Allan? O kung maging tayo man, paano kung may darating pang tao sa buhay mo na kaya mo pang pakitaan ng mas malaking pagmamahal?" hindi niyo masisisi ang aking pangangamba kapag naging kami man ni Allan. At bilang isang taong hindi pa nakaranas ng ganitong klaseng relasyon, ayokong bumigay agad.

"At pa'no mo masisigurong magkakagusto ako sa iba, Adam?"

"I'm just being realistic, Allan!"

"Realistic? Hah." he scoffed again. "Right. Kasi straight ako, gano'n ba?"

Hindi ako nakasagot. 

"I get it. Natatakot ka." dagdag pa niya saka tumango ng tatlong beses. "Natatakot kang mahusgahan tayong dalawa."

In all of a sudden, biglang tumulo ang mga luha ko.

"Oo na. Natatakot ako, Allan. Gustuhin man nating maging tayo, sumasampal naman ang katotohanang hindi tayo pwede sa isa't isa. Sana maintindihan mo kung bakit ako ganito." pabulong kong sabi. 

"Adam..."

"And I strongly believe na hindi ako nararapat sa 'yo. You deserve someone better." muntik na akong humagulhol sa tabi niya kaya nagmadali akong tumayo upang iwanan siya.

I'm sorry, Allan.

~*~

Lumipas naman ang bagong umaga ng aming buhay. Ngunit tila naging mabigat ang aking katawan sa pagsalubong nito kahit wala naman akong lagnat na dinaramdam. Kung sabagay, wala talagang papantay na paghihirap sa pusong nalulumbay.

Nagpasya kaming mag-almusal sa restaurant na aming kinainan kagabi. Habang kumakain, hindi ko maiwasang mailang kina Allan at bestie sapagkat sila namang magpinsan ang gumagambala sa aking isip hanggang ngayon. I can't look at them in the eye. Pero mas nangingibabaw pa rin ang aking pagka-awkward kay Allan sapagkat kami lang ang dumaan sa masinsinang usapan.

"Bestie, okay ka lang?" pansin ni Emma sa 'kin. Kung alam mo lang kung gaano ako nahihirapan ngayon, bestie. Nakakatomboy ka naman kasi. 

"Ahh... y-yeah." tipid kong sagot.

"Eve." eksena naman ni Allan. "You want steak?"

"You're all I want, Allan." tukso naman ni Stephen kaya natawa sila ng konti. Pabirong siniko naman siya ni Allan dahil sila ang magkatabi. 

Palihim namang tumingin si Allan sa akin. Kahit hindi ako sumusulyap sa kanyang direksyon, halata namang nakatuon siya sa 'kin sa pamamagitan ng aking paligid paningin. Sa totoo lang, ang swerte ko na dahil isang tulad niya ang may gusto ngayon sa 'kin. Pero bakit gumugulo si bestie sa ibang parte ng puso ko?

Should I just choose to be with him upang mapunta na lang sa kanya ang buong sarili ko? Kahit hindi pa ako sigurado sa patutunguhan nito?

Pero kung gagawin ko naman 'yon even if I'm not sure anymore that I strongly like him, hindi ba't magiging unfair rin ako no'n sa kanya? Hindi ba't parang pinaglalaruan ko na lang ang feelings niya? I don't want to be Keila. But I doubt na magiging fair din ako sa kanya.

I still treat Allan as one of my treasures, like how I treat Emma. Ngunit nalilito na ako ngayon sa kanilang dalawa. Sa bilis ng panahong nangyari sa amin, hindi ko akalaing ganito ang magiging resulta.

Ang hirap pala talaga kapag puso na ang pinag-uusapan. Dati, I always wanted to be loved. Pero sa ganitong pagkatao ko, parang naging kumplikado lahat. If I choose Emma, wala akong kasiguraduhan kung kaya niya akong tanggapin, at hindi rin kaaya-aya sa paningin ng lahat kapag ako'y mamahalin niya rin. If I choose Allan, siguradong mahirap din ang mga sitwasyon na aming haharapin.

Ganito ang pakiramdam ng isang taong hindi pa bukas sa mata ng lahat. Nahihirapang magmahal, nahihirapang magpakatotoo sa takot na husgahan. I know I think too much, but that's the strong fact. Kasi kahit sabihin mong wala kang pakialam sa sasabihin ng iba, apektado ka pa rin sa mga mata ng lipunan. Because society... will always matter. 

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • My Real Fake Love   Chapter 12 - Punch

    Adam/Eve's POVI remained stiff as Keila continued to expose my true self to everyone. Halos lahat ng mga Wonder graduates ay dumalo sa kaarawan namin ni kambal, ngunit hindi na lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa 'kin. All of the famous businessmen who are friends of the family were also there, kaya kasali sila sa kabang nararamdaman ko because of the strong possibility of ruining the image of our company. Magiging matunog ang pagbunyag ng aking lihim, which may cause a colossal failure to other businesses na kaakibat ng mga magulang ko. But what I feared the most...Is Mama and Papa's rejection."Ano, Adam? Are you surprised? You didn't see this coming, did you?" muling paggambala ni Keila sa presenya kong nananahimik. Buong takot ang aking naramdaman nang titigan ko siya sa mata."Keila! Why are you doing this?!" dinig kong tanong ni Allan."Let me go!" sigaw naman ni kambal sa mga guard

  • My Real Fake Love   Chapter 11 - March

    Adam/Eve's POVAnd I was right all along. This weekend has become one of the most unforgettable moments in my whole existence. Sa loob ng dalawang araw, ako'y naging masaya. Ngunit sa loob din ng dalawang araw, ako'y nag-iba. Nagsimulang malito, nagsimulang magtaka."Tol... ayos ka lang?" pansin ni kambal sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. "Kanina pa kita napapansing ganyan.""H-Hah? M-May sinasabi ka?" paninigurado ko kung ako ba talaga ang kausap niya sapagkat masyado lamang akong nakatutok sa daan. Ngunit napagtanto kong ako nga sapagkat kami lamang dalawa ang nasa loob ng sasakyan."Hay, naku. May iniisip ka na naman, 'no? Tsk." pagbabasa niya sa isip ko."Well, technically, may isip naman talaga ang bawat tao kaya natural lamang na mag-isip." sagot ko bilang pagsampal sa kanya sa obvious na katotohanan."Alam ko. But my point is, you're thinking to someone I certainl

  • My Real Fake Love   Chapter 10 - Judgements

    Adam/Eve's POVIt was awkward. It was unbelievable. It was unforgettable. It was unpredictable. Allan was about to plant me a kiss, but something in my mind is telling me that this isn't the right time. And there goes my best friend who's enjoying the company with my twin which made my heart uneasy, slowly making weak beats, slowly making... unbearable pain.Bakit? Bakit ko nararamdaman 'to?Bahagya naman akong nagulat nang biglang hawakan ni Allan ang aking kanang balikat. "Okay ka lang?""Okay lang ako, Allan. Salamat." sagot ko saka tinapik ang kanyang kamay ngunit nasa direksyon pa rin nina kambal at bestie ang mga mata. Dahan-dahan ko naman itong inalis at bigla akong humikab. Lumingon naman ako saglit sa kanya upang magpaalam na ako'y aalis na rito sa dalampasigan. "Good night na nga pala, Allan. Babalik na 'ko sa rest house. Inaantok na ako, eh.""Adam." tawag niya sa totoo kong pangalan dahi

  • My Real Fake Love   Chapter 9 - Moments

    Adam/Eve's POVOh my goodness! She's really here! Nandito talaga siya! Hindi kami ni bestie namamalik-mata!"Hi, Emma!" muling bati ng bruha nang siya'y makalapit na kay Emma, na may beso pang kasama. Naka-see through at jeans pala ang outfit niya. "Hi rin sa 'yo, bakla!"Pero dahil maldita ako, hindi ko hinayaang madampian ang mukha ko ng balat ng ahas."Duuh! Ang arte. Edi 'wag!" maarte niyang reklamo sa 'kin."Ano bang ginagawa mo rito? Pa'no mo nalamang nandito kami?" diretso kong tanong.Natawa muna siya kahit pilit, bago sinagot ang aking tanong. "Oh my God. Tinatanong pa ba 'yan?""Booba ka ba? O nagpapaka-booba lang. Itatanong pa ba namin kung alam na namin ang sagot? Duuh!" maldita kong tanong. Sarap talaga niyang suntukin at sabunutan nakuuu!"Sino ka ba para sagutin ko, ha? Alam mo, 'yang mga taong tulad mo ay 'di dapat kinakausap sa mga

  • My Real Fake Love   Chapter 8 - Alarm

    Adam/Eve's POV"And the Prom King for JS Prom 2015 is..." announcement ng babaeng emcee saka tiningnan ang card na naglalaan ng resulta kung sinong mga papalaring tao ngayong taon ang kokoronahan. "Are you ready to find out, Wonders?"Walang masyadong respond ang audience sapagkat karamihan sa kanila ay kagaya kong hindi pa nakapag-adjust matapos nagperform sina Keila at Allan. The reigning royals are not in the mood either. Sino ba naman kasing masiyahan pang magpatuloy sa programang ito matapos nangyari 'yung infamous performance na 'yon? Ang galing talagang gumawa ng eksena ni bruha, 'no? What a selfish brat!"Oh. I feel like everyone thinks the party's over now! Okay lang ba tayong lahat, Wonders?" 'yung lalakeng emcee naman.And for the sake of the show, may mga ilang tao naman ang napilitang magrespond ng, "Yeeeess!" ugh! Boooring!Kahit tapos nang sumayaw si crush with his bitchy ex, hi

  • My Real Fake Love   Chapter 7 - Prom

    Adam/Eve's POV~ When I see your face,There's not a thing that I won't change'Cause you're amazingJust the way you are...And when you smile,The whole word stops and stares for awhile'Cause girl, you're amazingJust the way you a— ~"Puta ka, Bryan!" malakas na sigaw ko kay kambal sabay bato sa kanya ng aking bag kahit ang kabuuan ko ay napakabasa. Halatang hindi siya nagmind sa pagbukas ko ng pinto dahil sa pag-concentrate niya sa pagkanta at pag-gitara kaya binato ko na rin siya. "Napakalaki ng kasalanan mo sa 'king demonyo ka! Argh!" dagdag ko pa saka malakas na sinara ang pinto ng aming kwarto."Anak ng... ano na naman bang kasalanan ko, ha?" galit naman niyang tanong sa 'kin. "Gusto mo bang mamatay? Muntik mo nang sirain ang gitara ko, ah!""Huwag ka ngang magkunwari na wala kang alam sa sinasabi ko! Gusto mo bang paputukin ko 'yang itlog mo?! Haaah?! Bwisit ka!!!"

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status