Home / All / My Real Fake Love / Chapter 8 - Alarm

Share

Chapter 8 - Alarm

last update publish date: 2020-09-29 15:31:44

Adam/Eve's POV

"And the Prom King for JS Prom 2015 is..." announcement ng babaeng emcee saka tiningnan ang card na naglalaan ng resulta kung sinong mga papalaring tao ngayong taon ang kokoronahan. "Are you ready to find out, Wonders?"

Walang masyadong respond ang audience sapagkat karamihan sa kanila ay kagaya kong hindi pa nakapag-adjust matapos nagperform sina Keila at Allan. The reigning royals are not in the mood either. Sino ba naman kasing masiyahan pang magpatuloy sa programang ito matapos nangyari 'yung infamous performance na 'yon? Ang galing talagang gumawa ng eksena ni bruha, 'no? What a selfish brat!

"Oh. I feel like everyone thinks the party's over now! Okay lang ba tayong lahat, Wonders?" 'yung lalakeng emcee naman. 

And for the sake of the show, may mga ilang tao naman ang napilitang magrespond ng, "Yeeeess!" ugh! Boooring!

Kahit tapos nang sumayaw si crush with his bitchy ex, hindi pa siya bumalik dito sa pwesto namin. Anuman ang kanyang ginagawa ngayon, paniguradong kausap niya si Keila. Nakakainis mang isipin pero if I were him, I would probably do the same. I mean, I would talk to her like she should stop ruining my life dahil hindi ko siya kailangan dito sa buhay ko ganern.

"So the Prom King of the year goes to..." pag-uulit naman ng mga emcee. Hinaluan pa ang announcement nila ng sound effects mula sa DJ ng Prom upang magkaroon pa rin ng thrill. PS, magaling sana sila pero parang nabalewala ang mga efforts nila dahil nawalan na kaming lahat ng excitement sa program.

"Mr. Dylan Carson!"

"WOOOHHH!" sigaw naman ng mga Juniors. Agad kong nahalata na sila 'yung mga sumigaw sapagkat separated naman ang area nila mula sa aming mga Seniors.

Basically, ang gagawing bagong Prom King and Queen ay ang mga 3rd year students. Ganito ang batas dito sa Woolridge Academy, so it's clearly determined na Junior student 'yung Dylan, and so is the girl na magiging Prom Queen.

"WOOOHH! DYLAN!"

"WE LOVE YOU, DYLAAAN!"

"DYLAN PA-KISS! HAHAHAHA!"

Mga napakaingay na sigaw ng iilang mga taga-hanga ng tinawag na student. Actually, medyo kilala ko 'yang lalakeng nagngangalang, 'Dylan'. Jowa ko kasi 'yan dati. Choss! Joke lang! Baka maniwala ka pa. Haha!

Nang makita ng spotlight si Dylan, agad kong nasabi sa sarili ko na karapat-dapat siyang maging susunod na Prom King. He's very handsome, alright. Very princely. Ngunit halata rin sa kanyang katauhan ang pagiging mahiyain. Kumakamot pa siya sa ulo niya nang siya'y nagsimulang maglakad patungo sa stage. Reminds me of Allan. 

"And the Prom Queen for JS Prom 2015 is..." pabitin namang pahayag ng lalakeng emcee. "Who's your bet, Wonders?"

At dahil maraming pambato ang mga Juniors, kahit anong pangalan na lamang ng mga babaeng Junior students ang kanilang isinigaw. Habang sila'y nagpataasan ng boses, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mag-worry kay Allan maliban sa kanyang mga barkada, sapagkat hindi pa rin siya bumabalik hanggang ngayon. Allan, nasa'n ka na ba? 

"The Prom Queen of the year goes to..." muling announce ng dalawang emcee saka naman nag-play ang drum rolls effect.

"Ms. Shontelle De Vera!"

"WOOOHHH!" mas maingay pang sigaw ng karamihan. Nakita ko naman si Bea na nagstanding ovation habang pumalakpak. Kapatid niya kasi ang nanalo. Proud Ate lang!

Nang makaakyat na rin ang kapatid ni Bea sa stage, doon naman binigyan ng cue sina bestie at kambal na ipasa na ang kanilang mga korona.

"May we call on Dr. Angeline A. Cepeda, with Dr. Anthony G. Reyes' assistance, to transfer the crown of Ms. Emmanuelle Charisse Grey to our new Prom Queen." sabi ng babaeng emcee.

"And may we request Dr. Jocelyn R. Jimenez, with the assistance of Dr. Joseph T. Ayo, to transfer the crown of Mr. Bryan Reckston Perez to our new Prom King." sabi naman ng lalakeng emcee.

"Wonders, let us all welcome our new Prom King and Queen!" pagdeklara naman ng mga emcee nang mailipat na sa mga bagong nanalo ang mga korona.

Kahit may nangyaring hindi maganda kanina during the show, pinili pa rin ng karamihan ang sumuporta at pumalakpak kina Shontelle at Dylan. The show must go on. Although itong si Keila, dapat natutulog na sa kabaong. Charot lang!

"Umuwi na raw si Couz." sabi ni bestie sa amin nang maglakad na kami palabas ng school. Kasama ko pa rin sila ngayon since they also decided na umuwi kahit meron pang rave sa loob ng gym. And for Allan, hindi ko naiwasang malungkot matapos kong nalaman na nauna na pala siyang umuwi.

Pagkarating namin sa labas ng gate, agad naman kaming nakasakay sa aming mga sundo dahil nakarating na pala sila rito mga ilang minuto nang nakalipas. Bago kami pumasok, nagpaalam muna kami ni kambal sa mga kabarkada niya at kay bestie, of course. Nang makaupo na kami sa loob ng van, hindi ko naiwasang guminhawa ng napakahaba dahil sa naramdamang pagod mula sa Prom.

"Okay ka lang, 'Tol?" tanong ni kambal. "Parang napagod ka, ah."

"Bakit, ikaw hindi ba?" tanong ko sa kanya ng napaka-lalakeng boses.

"Well... medyo napagod naman but, you know, parang worth it naman." sabi niya saka ngumiti na para bang nasa langit na.

"You call this night 'worth it' when your friend was messed up by his ex?" I asked in disbelief. Ayokong sabihing 'when Allan my crush was messed up by his ex' kasi again... mahirap magtiwala sa kahit na sino pagdating sa mga tauhan ni Papa.

"Tol, of course I have another reason to say that this evening is worth it, okay? Everybody's feeling sorry for him pero... it's hard to admit naman na hindi ako naging masaya ngayong gabi kahit konti."

"So... why are you still happy tonight, then?" curious kong tanong.

At binigyan niya ako ng ngiting nakakaloko. "Tol... I think I'm in love with your best friend."

Shit.

"Woah, back off, 'Tol. Back off." sabi ko sa kanya with full of disapproval. I don't like him for Emma. Bilang best friend niya, gusto ko lamang siyang mapunta sa isang matinong lalake. And as for my twin who happens to be a Casanova, I judge him as a person who will never be serious about love.

"Hahaha. You can't stop me, 'Tol." he said back, obviously making a dare. Don't blame me why I'm furious at this mentally retarded human being. He stops at nothing!

"I didn't have muscles for nothing, 'Tol so I'm warning you: stay away from my property." napipikon man ako kay kambal most of the times, pero masasabi kong I'm overly serious right now. I love Emma so much as a friend to the point na hindi ko siya hahayaang mapunta sa mga masasamang kamay katulad ni kambal.

He only replied a smirk matapos kong sabihin 'yon, kaya parang pinukaw naman ang sistema ko na bantayan ng maigi si bestie. Bigla ko namang natandaan na may kasunduan palang outing sina kambal at ang mga barkada niya bukas, with me and Emma as their plus two. 'Yun ang pinaka-dahilan kung bakit maaga kaming umuwi ngayon upang makapaghanda naman bukas. I hope na sasama pa rin si Allan kahit may nangyaring hindi maganda sa kanya ngayong gabi. This will be an another weekend to remember, pero sisiguraduhin kong hindi mawawala si Emma sa mga mata ko. Kami lang pa naman ang mga babae bukas.

Nang sumapit na ang bagong umaga, naghanda na kami ni kambal sa mga gamit namin. Nagpaalam na rin kami kina Mama at Papa na 'buti na lang, agad namang pumayag.

"Bye, Ma! Bye, Pa!" paalam ko sa kanila nang sumakay na kami sa kotse ni kambal. At first, hindi naging madali ang pagpayag nila kay kambal na magmaneho ng sasakyan. Baka raw kasi mapahamak kami dahil malayo kuno ang aming pupuntahan. Kung alam lang nila, mas malayo pa sa pupuntahan namin ngayon ang binabyahe ni kambal kapag wala sila sa bahay. Lakwatsero kasi.

Nagstop naman sandali kami ni kambal sa mall dahil doon daw magkikita-kita, at makapagpili na rin ng mga kakailanganin sa aming pupuntahan. Una kaming dumating sapagkat hindi namin batas ang ma-late... sa mga outing.

"Wow, himala! Ang aga, ah?" tukso ni Jake sa amin nang siya'y dumating. Nandito pala kami sa isa sa mga Fastfood ng mall upang kumain sandali.

"Naman! Outing, eh. Hahaha!" sagot ni kambal saka nakipag-kamayan sa kaibigan niya. Nakipag-kamayan na rin sa akin si Jake.

"Hey, guys!" bati naman nina Stephen at Carlos na kararating pa lang. Umupo naman silang dalawa dahil may mga extra chairs pa naman. Malaking mesa kasi ang kinuha namin ni kambal. Katabi na niya ngayon sina Jake at Stephen habang sa akin naman ay si Carlos. Nakipag-kamayan na rin kami sa kanilang dalawa na mga bagong dating.

"Nga pala. Hindi pa raw sigurado si Allan kung sasama ba siya." pagbubukas ni Carlos ng usapan. Wait, what? Hindi pa sigurado si crush na sasama? Oh, nooo! Hindi maaari!

"Huh? Bakit naman?" tanong naman ni kambal.

"Wala raw kasi siyang brief, eh. Hahahaha!" biro ni Carlos. Batukan ko kaya 'to? Akala ko seryoso, eh. 

"Naku! Hindi pwedeng hindi sasama 'yon, 'no. Nandito kaya si... Eve. Hahahaha!" dagdag naman ni Jake na tumingin pa sa 'kin. Natawa naman silang apat kahit walang nakakatawa.

"Ay sakto! Dahil wala nang brief si Allan ngayon, pwede naman siyang humiram kay... Eve. Hahahaha!" si Stephen naman ang humirit na tumingin din sa 'kin. At dahil do'n, natawa sila ulit. Magbarkada nga sila.

"May problema ba tayo?" seryoso kong tanong with a very deep and manly voice.

"Wooow!" exclaim naman nila maliban kay kambal. Akala siguro nila na hanggang lambot lang ang kaya ko. 

"Hindi mo naman kailangang manakot, Adam. Hahaha!" muling biro ni Jake sa akin.

"Bakit. Natatakot ka ba?" kunyare seryoso kong tanong.

"Hindi naman. Dapat ba kitang katakutan?" siya naman. Hmm, pumatapol, ah. Isa siya sa mga kasama ko sa Prom kagabi, pero hindi naman kami medyo nag-usap. So ito pa ang aking kauna-unahang pagkakataon na makipag-asaran sa kanya.

"If I were you? Then yes! Because I'm not just Adam, Jake. I might be the first man... who'll make you think if you really are a man. So ano... gusto mo ba akong subukan?" hamon ko sa kanya.

"A-Ahh..."

"Wooohh!" kantyaw naman ng tatlo kay Jake sabay palakpak nang wala na itong mahanap na sagot. I really am Eve for a reason. Pero siyempre hindi ko siya papatulan, 'no. Loyal kaya kay Allan 'to. Wink wink!

"Sir... pakihinaan niyo po ang boses niyo. Baka po kasi makaistorbo." mahinahong payo ng lalakeng janitor sa amin.

"Sorry po, kuya. Hehe. Sorry po." paumanhin ni kambal na may kasama pang pagyuko sa ulo na parang good boy. Ay, good dog pala.

Pagkatapos naming kumain, nag-grocery na rin kami para sa aming 2 days and 1 night outing. Habang namimili, hindi pa rin mawala sa isip ko sina Allan at bestie. Wala pa silaaaa!

"Tol, may tatawagan lang muna ako sandali." pahintulot ko kay kambal habang naglalagay kami sa aming mga pinamili sa backseat ng sasakyan.

"Sige." pagpapayag niya.

Tinawagan ko si bestie sapagkat hindi pa siya nagpaparamdam sa kahit na sino sa amin. Salamat sa Diyos dahil tatlong ring pa lang, sinagot na niya ang tawag ko.

"Hello?"

"Huwag mo nga akong ma-hello-hello diyan! Nasa'n ka na ba?" maldita Kong tanong.

"Bestie... may sasabihin sana ako sa 'yo. May dapat kang malaman." malungkot niyang pagtatapat.

"Anong... Anong dapat kong malaman?" bigla akong nalito.

"Na... nandito kami sa likod moooo!" agad niyang pagbawi sa kanyang emosyon. Agad naman akong lumingon dahil sa tuwa kaya nakita ko siya, 

At si Allan.

"Bestieeee!" sabay na sigaw naming dalawa na agad nagtakbuhan saka nagyakapan sa isa't isa. May kasama pang lundag na parang palaka at paikot-ikot pa.

"Hey, bro!" bati naman ni Allan kay kambal saka sila nagyakapan na may kasama pang pagtapik sa likod. Sana yakapin mo rin ako, Allan. Charot. 

"Hay naku. Sinasabi ko na nga bang late ka na naman!" sabi ni kambal. Ay, oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan na nasa dugo niya 'yan. Pero ang importante, sumama pa rin siya. With my bestie pa.

"Yeah. Hangover kasi, eh." rason niya. I wonder kung sino ang dahilan ng hangover na 'yan.

"Well, what matters now is that you're here!" sabi ni kambal saka inakbayan si Allan. "You'll be fine, bro. Just enjoy our trip."

Hindi nagtagal ay bumyahe na rin kami. Tatlong kotse naman ang gamit namin. Sina Jake, Stephen at Carlos ay nasa iisang kotse, magkasama naman sina Allan at Emma, and I'm stuck here with kambal.

Matapos ang halos isang oras na byahe, nakarating na rin kami. Actually, wala akong ideya kung saan kami pupunta until now. Tanaw ko na mula sa bintana ng kotse ang isang malaking karatula na nagngangalang, 'AlonZoo: Animal Park & Beach Resort'. So sa family pala 'to ni Jake. Alonzo lang naman ang kanyang last name.

Nag-welcome naman ang mga guard sa amin bago pinapasok ang aming kotse. Sumunod naman ang kotse nina Allan at Jake dahil nakita ko sila sa pamamagitan ng side mirror. The fact na kami ni kambal ang nauna rito, malamang hindi na ito ang una niyang pagbisita sa AlonZoo.

Pagpasok namin, hindi ko naiwasang ma-impress sa ganda at lawak ng resort. Dahil sa masyadong malaki ang land area nito, malayo pa sa aming paningin ang napakaasul na karagatan. Ang mga malalaking houses naman dito ay gawa sa kahoy na paniguradong napakatibay, at napakaganda pa sa mata ng mga disenyo.

Tumungo muna kami ni kambal sa parking lot. Agad namang sumunod ang dalawa pang kotse kaya halos sabay-sabay naman kaming lahat na nagsilabasan. Kinuha na rin namin ang aming mga gamit mula sa loob.

"Guys, there's no need for us to go to the reception anymore. Tsaka may mga tao na ring kukuha sa mga gamit natin dito. I'll just lead you all to our respective house." pagpresinta ni Jake since siya naman ang may-ari. May mga tao namang papalapit sa amin na mga naka-uniform. So bahay pala ang titirhan namin, hindi lang basta rooms. "Oh. Nandito na pala sila!"

Sumunod naman kaming lahat kay Jake kaya nakapasok kami sa isang malaking rest house na separated sa ibang mga bahay ng resort. Two-storey naman ito at halos katulad ng mga malalaking bahay na nakita ko kanina ang mga designs. Napakaganda pa ng loob. Pang-world class.

Matapos kaming lumibot, natuklasan naming anim na meron palang tatlong kwarto ang bahay na ito. Napagkasunduan naman na ang unang kwarto ay kina Jake, Stephen at Allan. Ang pangalawa naman ay para sa akin, Carlos at kay kambal. Solo naman ni bestie ang pangatlo sapagkat siya lang ang babae sa amin. Ako kasi, sa puso lang. Kaya hindi tuloy kami magiging roommates.

Inilagay naman ng crew ang mga gamit namin sa aming mga silid. Pagkatapos no'n ay nagpaalam naman sila ng maayos, bilang paggalang sa amin.

"Tol." tawag ko kay kambal.

"Oh." sagot niya na parang walang modo.

"Ilang beses ka na bang nakapunta rito?" tanong ko.

"Naku, Adam. Nagtanong ka pa." sabat ni Jake.

"Dito nga kami namamalagi, eh. Hahahaha!" si Stephen.

"Dito kasi kami naggo-ghost hunting. If you know what I mean." si Carlos. Nagtawanan naman sila.

Mga lalake talaga.

"Bestieee!" tawag ni Emma sa 'kin mula sa itaas. Nang siya'y makita namin sa hagdan, naka-spaghetti at shorts na ang loko. Pero kahit 'yan lang ang suot niya, lumilitaw pa rin ang natatangi niyang ganda.

"Bestie, pasyal tayo sa—ay!" sabi niya nang siya'y makarating sa baba ngunit biglang nadulas.

"Okay ka lang?" napaka-concerned kong tanong nang mapigilan ko ang muntikan niyang pagkahulog sa sahig sa pamamagitan ng paghawak ng malambot niyang kamay.

"O-Oo, bestie. Okay lang ako. S-Salamat." sagot naman niya saka inayos ang sarili. Na-realize kong kasunod ko pala sina kambal at Allan. They were obviously trying to help her pero ako ang naunang sumagip.

"Tara?" alok ko kay bestie.

"Tara!" sang-ayon niya saka hinawakan ang aking kanang kamay. Napatingin naman ang limang magbarkada sa aming dalawa habang papalabas kami ng bahay pero hindi na kami nag-mind. I'll be keeping my eye on you, bestie. May siraulo diyan sa tabi-tabi.

Pagkalabas namin, bigla kaming nakakita ng isang nilalang na hindi kaaya-aya.

"Hi, guuuyss!"

Si Keila. Wait, si Keila!!! Tapos, ugh! Ang plastic pa!

Patungo pa sa amin ang bruha, kahit hindi naman namin kaibigan. At dahil dito, biglang na-alarma ang buong sistema ko.

The bitch is here!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Real Fake Love   Chapter 12 - Punch

    Adam/Eve's POVI remained stiff as Keila continued to expose my true self to everyone. Halos lahat ng mga Wonder graduates ay dumalo sa kaarawan namin ni kambal, ngunit hindi na lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa 'kin. All of the famous businessmen who are friends of the family were also there, kaya kasali sila sa kabang nararamdaman ko because of the strong possibility of ruining the image of our company. Magiging matunog ang pagbunyag ng aking lihim, which may cause a colossal failure to other businesses na kaakibat ng mga magulang ko. But what I feared the most...Is Mama and Papa's rejection."Ano, Adam? Are you surprised? You didn't see this coming, did you?" muling paggambala ni Keila sa presenya kong nananahimik. Buong takot ang aking naramdaman nang titigan ko siya sa mata."Keila! Why are you doing this?!" dinig kong tanong ni Allan."Let me go!" sigaw naman ni kambal sa mga guard

  • My Real Fake Love   Chapter 11 - March

    Adam/Eve's POVAnd I was right all along. This weekend has become one of the most unforgettable moments in my whole existence. Sa loob ng dalawang araw, ako'y naging masaya. Ngunit sa loob din ng dalawang araw, ako'y nag-iba. Nagsimulang malito, nagsimulang magtaka."Tol... ayos ka lang?" pansin ni kambal sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. "Kanina pa kita napapansing ganyan.""H-Hah? M-May sinasabi ka?" paninigurado ko kung ako ba talaga ang kausap niya sapagkat masyado lamang akong nakatutok sa daan. Ngunit napagtanto kong ako nga sapagkat kami lamang dalawa ang nasa loob ng sasakyan."Hay, naku. May iniisip ka na naman, 'no? Tsk." pagbabasa niya sa isip ko."Well, technically, may isip naman talaga ang bawat tao kaya natural lamang na mag-isip." sagot ko bilang pagsampal sa kanya sa obvious na katotohanan."Alam ko. But my point is, you're thinking to someone I certainl

  • My Real Fake Love   Chapter 10 - Judgements

    Adam/Eve's POVIt was awkward. It was unbelievable. It was unforgettable. It was unpredictable. Allan was about to plant me a kiss, but something in my mind is telling me that this isn't the right time. And there goes my best friend who's enjoying the company with my twin which made my heart uneasy, slowly making weak beats, slowly making... unbearable pain.Bakit? Bakit ko nararamdaman 'to?Bahagya naman akong nagulat nang biglang hawakan ni Allan ang aking kanang balikat. "Okay ka lang?""Okay lang ako, Allan. Salamat." sagot ko saka tinapik ang kanyang kamay ngunit nasa direksyon pa rin nina kambal at bestie ang mga mata. Dahan-dahan ko naman itong inalis at bigla akong humikab. Lumingon naman ako saglit sa kanya upang magpaalam na ako'y aalis na rito sa dalampasigan. "Good night na nga pala, Allan. Babalik na 'ko sa rest house. Inaantok na ako, eh.""Adam." tawag niya sa totoo kong pangalan dahi

  • My Real Fake Love   Chapter 9 - Moments

    Adam/Eve's POVOh my goodness! She's really here! Nandito talaga siya! Hindi kami ni bestie namamalik-mata!"Hi, Emma!" muling bati ng bruha nang siya'y makalapit na kay Emma, na may beso pang kasama. Naka-see through at jeans pala ang outfit niya. "Hi rin sa 'yo, bakla!"Pero dahil maldita ako, hindi ko hinayaang madampian ang mukha ko ng balat ng ahas."Duuh! Ang arte. Edi 'wag!" maarte niyang reklamo sa 'kin."Ano bang ginagawa mo rito? Pa'no mo nalamang nandito kami?" diretso kong tanong.Natawa muna siya kahit pilit, bago sinagot ang aking tanong. "Oh my God. Tinatanong pa ba 'yan?""Booba ka ba? O nagpapaka-booba lang. Itatanong pa ba namin kung alam na namin ang sagot? Duuh!" maldita kong tanong. Sarap talaga niyang suntukin at sabunutan nakuuu!"Sino ka ba para sagutin ko, ha? Alam mo, 'yang mga taong tulad mo ay 'di dapat kinakausap sa mga

  • My Real Fake Love   Chapter 8 - Alarm

    Adam/Eve's POV"And the Prom King for JS Prom 2015 is..." announcement ng babaeng emcee saka tiningnan ang card na naglalaan ng resulta kung sinong mga papalaring tao ngayong taon ang kokoronahan. "Are you ready to find out, Wonders?"Walang masyadong respond ang audience sapagkat karamihan sa kanila ay kagaya kong hindi pa nakapag-adjust matapos nagperform sina Keila at Allan. The reigning royals are not in the mood either. Sino ba naman kasing masiyahan pang magpatuloy sa programang ito matapos nangyari 'yung infamous performance na 'yon? Ang galing talagang gumawa ng eksena ni bruha, 'no? What a selfish brat!"Oh. I feel like everyone thinks the party's over now! Okay lang ba tayong lahat, Wonders?" 'yung lalakeng emcee naman.And for the sake of the show, may mga ilang tao naman ang napilitang magrespond ng, "Yeeeess!" ugh! Boooring!Kahit tapos nang sumayaw si crush with his bitchy ex, hi

  • My Real Fake Love   Chapter 7 - Prom

    Adam/Eve's POV~ When I see your face,There's not a thing that I won't change'Cause you're amazingJust the way you are...And when you smile,The whole word stops and stares for awhile'Cause girl, you're amazingJust the way you a— ~"Puta ka, Bryan!" malakas na sigaw ko kay kambal sabay bato sa kanya ng aking bag kahit ang kabuuan ko ay napakabasa. Halatang hindi siya nagmind sa pagbukas ko ng pinto dahil sa pag-concentrate niya sa pagkanta at pag-gitara kaya binato ko na rin siya. "Napakalaki ng kasalanan mo sa 'king demonyo ka! Argh!" dagdag ko pa saka malakas na sinara ang pinto ng aming kwarto."Anak ng... ano na naman bang kasalanan ko, ha?" galit naman niyang tanong sa 'kin. "Gusto mo bang mamatay? Muntik mo nang sirain ang gitara ko, ah!""Huwag ka ngang magkunwari na wala kang alam sa sinasabi ko! Gusto mo bang paputukin ko 'yang itlog mo?! Haaah?! Bwisit ka!!!"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status