Início / Todos / My Real Fake Love / Chapter 9 - Moments

Compartilhar

Chapter 9 - Moments

last update Data de publicação: 2020-09-29 15:32:39

Adam/Eve's POV

Oh my goodness! She's really here! Nandito talaga siya! Hindi kami ni bestie namamalik-mata!

"Hi, Emma!" muling bati ng bruha nang siya'y makalapit na kay Emma, na may beso pang kasama. Naka-see through at jeans pala ang outfit niya. "Hi rin sa 'yo, bakla!"

Pero dahil maldita ako, hindi ko hinayaang madampian ang mukha ko ng balat ng ahas.

"Duuh! Ang arte. Edi 'wag!" maarte niyang reklamo sa 'kin.

"Ano bang ginagawa mo rito? Pa'no mo nalamang nandito kami?" diretso kong tanong.

Natawa muna siya kahit pilit, bago sinagot ang aking tanong. "Oh my God. Tinatanong pa ba 'yan?"

"Booba ka ba? O nagpapaka-booba lang. Itatanong pa ba namin kung alam na namin ang sagot? Duuh!" maldita kong tanong. Sarap talaga niyang suntukin at sabunutan nakuuu!

"Sino ka ba para sagutin ko, ha? Alam mo, 'yang mga taong tulad mo ay 'di dapat kinakausap sa mga taong tulad ko. Kaya wala na 'kong panahon para makipag-entertain sa 'yo!"

"Ahh... Kung sabagay, hindi mo naman pala kayang makipag-entertain. Kasi ang kaya mo lang gawin? Gumapang lang kahit saan upang humugot ng kahit na sinong lalake!"

"Hahahaha. Nagsalitaaa! Bakit ka ba bakla? 'Di ba dahil nagpapagamit ka? Hoy. Ahas man ako, at least babae. Hindi katulad mo na feeling babae." sabi niya saka mas lumapit sa akin kaya umatras naman ako mula sa mukha niyang nakakadiri. "Now... kung wala ka nang sasabihing ikagagaan ng loob ko, dadaanan na kita. Kailangan ko pang pumunta kay babe because he... invited me here."

Matapos siyang magsalita, nilagpasan na niya kami. Sandali... so Allan invited her here?! For what?! 

"As if my cousin invited that stupid brat. Napaka-feelingera talaga. Ew!" bulalas ni Emma nang makita naming pumasok na ang bruha sa bahay na aming matutuluyan.

"Bestie, bumili ka ba ng bawang? May nakapasok na ahas sa bahay natin, eh!" ako naman ang nagsalita.

"Wala, eh. Sayang hindi ako nakabili. Eh kung saksakin na lang kaya natin? Baka kasi kung sinu-sino pang kakainin."

"Ay bet! Hay naku, bestie talaga kita! Sige, maghanap na tayo ng kutsilyo para patayin ang AHAS diyan sa loob ng bahay." pagpaparinig ko. Sana naman narinig niya. Magandang maganda pa naman 'yong sinabi ko.

At dahil tanga kaming dalawa, nagtawanan na lang kami. Hindi na lang kami magpapadala do'n sa Keilang 'yon since nandito naman kami para magsaya.

Sinamantala na namin ang aming oras dito sa AlonZoo sa pamamagitan ng paglibot sa lugar na 'to. Natuklasan naman naming marami rin palang mga tourists ang dumadayo rito. Well, what can we say? This place is really worth a lot to check in.

Muntik na kaming hindi makauwi sa tinutuluyan namin matapos libutin ang resort. Sa sobra kasing laki nito, naligaw kami ni bestie sandali. Habang pauwi sa aming rest house, hindi ko naiwasang mag-isip kung bakit hindi pa kami pumunta rito as family, when Jake's family are very well known in business industry. Pero may sagot namang agad pumasok sa isip ko: we never really hang out together as a family pala eversince.

"Oh. Mabuti naman nakabalik pa kayo rito? Hahaha." bungad ni Jake sa amin ni bestie pagkapasok namin. Nakaupo siya ngayon sa mahabang sofa sa sala kasama sina kambal, Carlos at Stephen. Lesson learned: huwag palaboy-laboy kapag walang kasamang may alam sa lugar. 

"Ang laki pala rito, kaloka!" medyo hinihingal kong sagot matapos umupo sa sofa.

"Ngayon ka lang ba nakapunta rito?" tanong na naman niya.

"Oo, eh. Parang hindi ko kasi kapatid 'tong si kambal. Hindi ako sinasama sa mga lakad niya." sagot ko.

"How come na hindi ko alam ang resort na 'to?" si bestie naman na katabi ko ngayon ang umimik. 

"Hindi pa kasi matagal na binuksan 'to." pagkumpirma ni Jake. No wonder na hindi pa ito matagal na binuksan dahil sa laki nito, matagal rin itong natapos. Kaya rin pala hindi pa kami nakapunta rito as family kasi nga baguhan pa pala. Ma-drama ka talaga, Eve!

"Pero how come na maraming beses ka nang nakapunta rito, 'Tol?" baling ko naman kay kambal nang may nakuha akong pwedeng ikaduda.

"Palagi na kasi kaming pumupunta rito, no'ng on the process pa 'tong resort. As I what I've said, pumupunta kami rito para mag-ghost hunting." sabat ni Carlos.

Ghost hunting. Ibig sabihin...

"You mean, literal na ghost hunting?!" takot na tanong ni bestie.

"Yes. May mga sabi-sabi kasi na marami raw'ng mga tao ang pinatay sa lugar na 'to noong unang panahon. So we came here many times to find out if ghosts are a fact or a hoax." sagot naman ni kambal.

"Tapos? Anong nakita niyo?" tanong ko. Baka kasi joke na naman 'to.

"Hmm... so far wala naman." sagot pa niya sabay kibit-balikat. Wala talagang kwenta 'tong kausap. 

"Wala naman pala. Eh kung gano'n,  bakit maraming beses na kayo rito nag-ghost hunting?" tanong ko ulit.

"Dahil hindi naman palaging nagpaparamdam ang mga multo, ugok." sagot niya na as if ako na ang pinaka-bobong tao sa mundo.

"Kalokohan. Ang sabihin mo, dito niyo dinadala ang mga babae niyong hinanting!" pagsasampal ko ng katotohanan sa kanila.

"Hahahahaha!" tawa nila maliban kay bestie.

"Hay naku, bestie. 'Buti na lang talaga hindi parehas nila ang pinsan mo—wait, nasa'n pala si Allan?" pag-iiba ko ng usapan matapos kong mapansin na wala si Allan.

"Ayun. Pinauwi si Keila." sagot ni Stephen.

"Ha? Bakit naman?" kunyare naaawa kong tanong pero deep inside, tuwang-tuwa naman ang demonyo kong isip.

"Because she's not invited! To be honest, I never liked her for Allan eversince. He's way too good to be with someone like her." sagot ni Jake. So it's highly possible na kasali siya sa ideyang paalisin si Keila, since siya naman ang may-ari ng resort and he clearly stated na ayaw niya talaga sa bruhang 'yon. "Hindi ko nga lang alam kung bakit nalaman niyang sa resort ko ang outing natin, eh."

"Ang sabi niya sa 'min kanina... in-invite daw siya ni Couz." si bestie.

"That girl never speaks the truth, Emma. Hindi nga lang namin maintindihan kung bakit nahulog si Allan sa isang tulad niya, when she was very known as that girl who sees every man as a game. Maybe he thought she can change, but she just cheats and give him so much pain all over again. We may be players, but we can be dead serious when it comes to relationships. Saka isa pa, Allan is very different from us. Kaya no'ng nag-decide siyang ayaw na niya kay Keila? We deeply understood." sagot ni Stephen.

So it's clearly speaking na hindi talaga Casanova type si Allan. Sadyang binibwisit lang talaga ako ni kambal lalo na'ng sinabi niya na maki-babae rin itong kaibigan niya. I knew I've got a crush to the right guy.

I'm not saying na maling hangaan ang mga bad boy na katulad ni kambal, pero sadyang mas attractive para sa 'kin ang mga lalakeng may parehas na attitude ni Allan. Very serious and lovable guy. 

"Mas naging okay pa siguro kung isa sa inyong apat ang naging jowa no'ng bruha na 'yon, 'no? Para naman maramdaman niyo ang feeling ng paglaruan. Kayo naman kasi 'tong mga mapaglaro." hirit ko.

"Sorry, 'Tol. Mas hilig kasi namin 'yung mga matitinong babae." sagot ni kambal na saglit pang lumingon kay bestie. Malamang kinikilig na'ng timang na 'to.

"Yiiiiee!" react naman ng mga ever supportive niyang kaibigan. Sarap batukan isa-isaaa!

"Anyway..." pagbabalik ko sa usapang tungkol kay Keila. "About kay Keila. Kung hindi si Allan ang nag-invite sa kanya, how did she find out about this trip?"

"That's what I asked to her but she didn't answer." sagot ng taong nasa pintuan. Si Allan. "I'm betting there's one person right here na may connection sa kanya. Hindi nga lang natin alam kung sino. Might be one of her servants."

At dahil sa mga salitang 'yon na binitiwan ni Allan, nagkaroon naman ang paligid ng saglit na katahimikan. Siguro dahil nag-isip din kami saglit kung sino ba ang kahina-hinalang tauhan ni Keila. It's very impossible kasi na hindi namin siya kakilala.

"Guys, whoever that is, huwag na nating isipin! Nandito tayo para magsaya, okay?" pagbabasag ni kambal ng katahimikan. "Ang mabuti pa'y pasyalin natin 'tong resort with Mr. Owner as our tour guide. Right, Jake?" tanong niya kay Jake saka ito inakbayan.

"Yeah! So let's go, guys!" masigla nitong sagot.

Hindi na kami nagpalit ng damit since pang-get up naman ang aming mga suot. Habang nagtu-tour sa amin si Jake, hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa buong paligid. Lalo naman akong namangha nang mapunta kami sa isa sa mga area ng resort na hindi pa pala napasyal namin ni Emma kanina. This place is ridiculously wide!

So basically, punta rito punta roon ang nangyari sa amin. We even had fun when we went to the Animal Park dahil nasaksihan namin ang iba't ibang klase ng hayop na nando'n. Nadiskubre rin naming meron palang Butterfly Garden, na kung saan tinodo na namin ni bestie ang pagse-selfie roon gamit ang aming mga iPod. May area rin na tinatawag na Snake Zone kung saan makikita roon ang mga kalahi ni Keila. Ang bad ko talaga. Hahahahaha!

May nakita rin kaming mga ostrich at peacock na iilan lamang sa napakarami nilang bird species, meron ring mga tigre, leyon, wild boars, pandas at ang mga kalahi ni kambal na mga unggoy. Magkamukha man kami, pero hindi kami kauri. 

"Don't feed them, guys. Bawal kasi magkalat dito." paalala ni Jake sa amin nang hindi pa kami umalis sa Monkey Zone.

"Ahhh, sayang. Parang nagugutom pa naman si kambal." pang-aasar ko kay kambal pero tinutukoy ko ang unggoy na nasa kahoy sa loob ng napakalaking cage.

"Tol." tawag ni kambal sa 'kin saka hinagis ang saging na nasalo ko naman agad. "Yan ang totoong unggoy."

"Hahahahaha!" hagalpak nilang tawa na pati si bestie nakisali na. Punyeta!

"Guys, picture tayo!" alok naman ni bestie sa 'min bago kami umalis sa nasabing lugar.

Bago pa makakuha ng litrato kaming lahat, agad nahagip ng mga mata ko ang pagdikit ni kambal kay bestie. Kaya para hindi sila magkatabi, naghanap ako ng paraan.

"Bestie, diyan ako. Hindi kasi ako kasya dito, eh." pagdidiskarte ko. Magkatabi naman kami pero magkatabi rin sila ni kambal. Bali siya 'yung nasa gitna kaya nakipagpalitan ako ng pwesto sa kanya, kahit katabi ko na rin sana si Allan. As I've said, kambal... stay away from my property.

"Okay. Say monkey!" utos ni bestie sa 'min kaya sumunod naman kami.

"Monkey!" saka nag-click.

Matapos naming mamasyal, tumambay naman kami sa dalampasigan. Kahit tanghaling tapat, hindi ito naging hadlang para mag-enjoy kami sa tanawin ng napaka-asul na karagatan at langhapin ang sariwang hangin. Nakaupo kami ngayon sa malaking mat na nakalagay naman sa anino ng malalaking puno kasama ang mga sari-saring pagkain. At dahil mahilig sa pagkanta sina kambal at bestie, may dala rin silang gitara at tambourine.

"Ano, jam tayo?" alok ni kambal sa amin habang nilalaro ang gitara.

"Sige!" sang-ayon namin kahit sintunado naman ang mga boses ng karamihan sa amin.

"Sige sige." sabi ni kambal saka umayos muna at umikhim bago nagsimula. Pinatugtog naman ni bestie ang tambourine upang mas gumanda ang kanta. 

~ I wanna be a billionaire so freaking bad

Buy all of the things I never had

I wanna be on a cover of Forbes Magazine

Smiling next to Oprah and the Queen

Oh, everytime I close my eyes

I see my name in shining lights

Yeah, a different CD every night

Oh, I, I swear

The world better prepare

For when I'm a billionaire ~

Na-shock na lang kami nang biglang nag-rap si Carlos. What the—

~ Yeah, I would have a show like Oprah

I would be the host of everyday Christmas

Give Carlos your wish list

I'd probably put an Angelina and Brad Pitt

And adopt a bunch of babies that ain't never had shit

Give away a few Mercedes like 'Here lady have this'

And last but not least grant somebody their last wish

It's been a couple months that I've been single so

You can call me Carlos Claus minus the Ho Ho

Ha ha get it? I'd probably visit where Katrina hit

And damn sure do a lot more than FEMA did

Yeah, can't forget about me, stupid

Everywhere I go, Imma have my own theme music

Oh every time I close my eyes (what you see what you see brah?)

I see my name in shining lights (uhuh uhuh yeah what else?)

A different city every night, oh I

I swear the world better prepare (for what?)

For when I'm a billionaire

Oh oooh oh oooh for when I'm a billionaire

Oh oooh oh oooh for when I'm a billionaire

I wanna be a billionaire

So freaking bad ~

Dahil doon, may mga ilang tao naman ang nakapansin sa amin. Patuloy naman kami sa pagkanta bilang pagpapakita ng saya at gaan ng loob sa panandaliang pahinga mula sa eskwela.

Pagsapit ng hapon, nag-swimming naman kami. Silang mga kalalakihan ay naka-topless at naka-shorts, not to mention Allan na may napakagandang hubog ng katawan. Dahil babae kami ni bestie, pinili naming hindi i-expose ang aming mga sarili kahit karamihan sa mga kababaihan ng resort na 'to ay naka-bra at panty lang talaga. So ngayon, parehas kaming naka-rush guard at cycling.

Pero PS, nakakainis pa rin akong tingnan kahit balot na ang katawan ko. Pa'no kasi... 'yung katawan ko ay pang—

~ Machooo! Gwapito raw ako ~ kanta ni Jake bilang paraan niya ng panunukso sa katawan ko. Natawa naman ang mga timang na pati si Allan nakisali. Yes... napakalalake ng katawan ko peste. Parehas kami ni kambal. Eh pa'no... palagi kaming pinapa-workout ni Papa kaya ganito na tuloy ang resulta! Ang hirap talaga kapag isa kang closeta sa mga tulad nila.

"Ayoko na. Hindi na lang ako magsi-swimming." pagbabago ng isip ko saka nagtangkang mag-walkout. Hindi pa kasi sila tumitigil sa kakatawa, eh. Nakakapikon na!

"Huy, bestie! Ito naman, oh! Biro lang 'yun, uy!" pagpipigil ni bestie sa 'kin sabay hawak sa aking bisig upang iharap ako sa kanya.

"Eh sa nakakabwisit 'yang mga tawa niyo, eh! Nakakahiya tuloy!" pagtatampo ko. Nakaka-offend kasi sila, pramis.

"Sorry na ngaaa." naka-pout pang paghingi ng tawad ni bestie.

"Eve." tawag ni Allan sa 'kin with a very sincere voice kaya napunta naman sa kanya ang atensyon ko. "Sumama ka na. Hindi kasi kami kumpleto kung wala ka."

"Yiiieeeee! Hahahaha!" reaksyon naman ng iba. Mga buset talaga! Nagba-blush ako enebeee!

"Oo na sige na. Sasama na akooo." kunyare napilitan kong pagpayag na medyo pabebe pa ang boses. Hampasin niyo na ako ngayon naaa! Beshte she Ellen telege, meherep ekeng meketengge ehehehe!

So ayun na nga... matapos akong nag-inarte, sumama na rin sa wakas. Hindi na ako nag-mind sa aking katawan kahit marami nang mga babae ang nakapansin sa akin. Jusme! Nakakadiri silang tingnan lalo na kapag focus na sa aking tiyan ang mga mata nila! Eh pa'no... bakat na kasi ngayon ang anim kong pandesal!

"Ayusin mo ang pag-flap ng mga paa mo." narinig kong sabi ni kambal kay bestie nang makita ko silang nag-swimming lesson ng hindi kalayuan mula sa akin. What the eff? 

At dahil ayoko ngang dumikit si kambal kay bestie matapos kong malamang inlababo siya rito, agad akong naghanap ng paraan upang guluhin ang moment nilang dalawa. Dahan-dahan kong nilunod ang aking katawan saka sumisid patungo sa kanila. Hindi nagtagal ay nakita ko na ang mga paa ni bestie na lumalangoy sa tubig ngunit stationary lamang. Paniguradong nakahawak ang mga kamay nito sa mga kamay ni kambal.

Nang makalapit ako, agad akong nagbilang sa aking isip.

3, 2, 1...

"Aaahhh! Aaahhh!" malakas na sigaw ni bestie kaya agad naman akong umahon at tumawa ng napakalakas.

"HAHAHAHAHA—" natigil ang aking pagtawa nang makita kong karga na pala siya ni kambal. Shit, Adam! Ang palpak mo talaga!

At dahil naging awkward silang dalawa, agad silang kumawala sa isa't isa. Agad tinanggal ni bestie ang pagyakap niya sa likod ng leeg ni kambal, at agad namang bumitiw si kambal sa likod ng tuhod at sa kaliwang braso ni bestie. In other words, ang posisyon nilang dalawa kanina ay nagmistulang bagong kasal.

"Bestie naman, ehhh! Akala ko ano na, ehhh!" parang batang reklamo ni bestie sa 'kin sabay martsa kahit nasa tubig pa ang mga paa.

Palihim namang umiling si kambal sa akin saka nagtaas-baba ng kilay at walang boses na bumigkas ng S-A-L-A-M-A-T. Pakyu, Bryan!

Matapos ang ilang oras na paglangoy sa dagat, nagpasya naman kaming umuwi sa rest house dahil wala ni isa sa amin ang may balak na mag-night swimming. Matapos naming makapagpalit ng damit, nag-dinner naman kami sa restaurant ng mismong resort, kung saan napadighay pa kaming lahat dahil sa dami ng kinain.

Dahil sa bigat ng aming mga tiyan, muli kaming naglakad sa dalampasigan upang matunawan. Kung maganda ang tanawin dito kaninang umaga, mas gumanda naman ngayong gabi dahil sa napakalaki at napakaliwanag na buwan. Hindi ko naman maiwasang manginig dahil sa napakalamig na ihip ng hangin, kaya pabalik-balik ang paghimas ko sa aking mga braso.

"Hetong jacket, oh." biglang pagkibo ni Allan kasabay ang paglagay ng jacket niya sa aking mga balikat. Parang gusto ko tuloy mag-request sa hangin na lakasan pa ang pag-ihip nito upang yumakap naman siya sa akin.

"S-Salamat..." pautal effect ko pang sagot pero deep inside, bwiseeet!

"Guys." sambit ni Jake matapos tumingin sa cellphone niya. "Babalik na ba kayo sa resthouse?"

"Ahhh... mamaya na siguro." sagot ni kambal.

"Ah, sige. May pupuntahan lang pala ako saglit. I'll be right back." paalam niya sa 'min saka umalis.

"Ako rin, guys. Something urgent lang." si Carlos naman.

"Naman na mga urgent 'yan. Siguraduhin mong urgent talaga 'yan, ah?" panunukso naman ni Stephen.

"Hahahaha baliw. Urgent nga! Haha." tanging nasabi ni Carlos saka umalis na rin. So ano 'to, chikading?

At dahil napagod na ako sa kakalakad, pabagsak akong umupo sa buhangin. Saglit namang nilibot ng aking paningin ang buong paligid, at doon ko napagtantong marami pa rin pala ang nakatambay rito kahit gabi na. Sa ganda naman kasi ng buwan, malabong iiwasan lamang ito ng karamihan. Naramdaman ko naman ang pag-upo ni Allan sa aking tabi.

"Ang ganda ng buwan, 'no?" pagsisimula niya.

"Oo nga, eh. Hindi talaga nakakasawa." sagot ko.

"Eh, ako?" patanong niyang sabi kaya hindi ko naiwasang lumingon. Ano na namang trip 'to, Allan?

"Anong ikaw?" kunot-noo kong tanong. 

"I'm just asking if you're sick of my handsomeness already." ayan na naman po siya sa pagiging straightforward niya.

Dahil sa tanong niya, medyo lumayo na ako sa kanya ng konti. Ang weird ni Allan ngayon. Brrrr!

"Allan, 'di ba busog ka na? Ba't parang wala ka yata sa sarili mo ngayon?"

"Hahahaha! Ito naman hindi mabiro!"

"Ah, biro mo pala 'yun? Ba't para kang buang pakinggan do'n, ha?"

"Hay naku, Adam. Alam mo minsan, ang hirap mong pakisamahan." he calls me in my real name kapag nag-real talk siya. Well, that's what people usually do. 

"Ikaw naman, para kang bipolar. Hindi porket crush kita... ganyan ka na makitungo sa 'kin."

Natahimik siya saglit.

"Oy. Okay ka lang?—Hmm!" tanong ko.

"Hahahaha! Oo naman, 'no. Umotot lang ako saglit hahahaha!"

At tama nga ang kutob ko. Utot nga ang aking naamoy pero hindi ko inasahang sa kanya pala galing 'yon. 

"Huy, Allan! Ang baho, ah!" reklamo ko saka piningot ang aking ilong upang hindi mamatay sa nakakalason niyang utot. "Ba't hindi tumunog?"

"Gano'n siya, eh. Silent but deadly. Hahahaha!" sabi niya na napahawak pa sa tiyan dahil sa tindi ng tawa.

"Hmm! Tumabi ka lang sa 'kin para ututan ako, 'noh?! Punyeta ang baho talagaaa! Buset ka, Allan!" hindi pa talaga nawawala ang utot niya jusko!

"HAHAHAHAHA!" mas lumakas pa ang tawa niya to the point na humiga na siya sa buhangin. Siraulo.

"Poochang utot 'yan." mura ko pa saka tinanggal ang jacket niyang nasa balikat ko saka tumayo. "Makaalis na nga!—AAHH!" sigaw ko nang matapilok ako sa kanyang mahabang paa. Hindi ako nakabawi agad kaya ang resulta, lumanding ang katawan ko sa buhangin.

"Oy! Hahahahaha!" at tumawa pa talaga siya ng mas malakas. Agad naman siyang tumayo upang tulungan ako. "Let me help you. Oh, ingat. Hahaha!"

Nang makatayo ako dahil sa tulong niya, hindi ako nagpasalamat. Instead, binigyan ko siya ng napakasamang tingin. PS, hindi ko akalaing gano'n pala kabaho ang utot niya kahit napakagwapo niyang nilalang!

"Hahahaha—woah!"

"Aaahh!"

Tinulak ko siya. Ngunit sa kasamaang palad, natumba rin ako dahil nahawakan niya agad ang aking mga kamay at...

At... 

LUMANDING AKO SA KANYAAA!

Oh my gosh. Oh my God. OH MY GOD!!! Oh my goodness, Allan!!!

Dahil napakalapit na ng mukha ko sa mukha niya, sinikap kong makabangon agad kahit kaya ko naman siyang titigan magdamag. Pero PS, ang awkward.

Kung gusto mo pang sagutin ko ang tanong mo sa 'kin kanina, then yes... hindi rin nakakasawa ang mukha mo, Allan.

Nagpasya akong umupo na lang ulit dahil baka matumba na naman ako sa aking muling pagtayo. Mula sa kanyang pagkahiga, gumaya naman siya sa akin. Buset na Allan 'to. Badtrip rin paminsan-minsan. Pero nakakakilig kadalasan... 

"Eve?"

"Yes?"

"Do you still like me?"

Hindi pa pala siya tapos. 

"........"

"Eve? Huy."

"Alam mo Allan, bwisit ka. Seryoso na ako, ah."

"Bakit naman?"

"Hindi ka ba marunong makiramdam? Hindi mo ba iniisip 'yang tanong mo?"

"Iniisip ko naman, ah."

"Bakit parang hindi? Kasi kung ako ikaw, hindi mo dapat tinatanong 'yan sa isang tao, eh. Nakakailang kasi."

"Well, kung ako ikaw... mas pipiliin kong magpapakatotoo."

"Nagpapakatotoo naman ako, ah. Heto ako... bakla! Hindi ko pa nga lang kayang sabihin sa parents ko. Ugh! Anyway... ang point ko lang naman, hindi mo na dapat tinatanong sa 'kin 'yan. Alam mo naman ang sagot ko, 'di ba? Nakaka-awkward lang kung ulitin mo pa lalo na dahil... bakla lang ako, at lalake ka."

Bigla namang nagbago ang aura niya. "S-Sorry, Eve." paumanhin niya.

"Okay lang. Although hindi ko maiwasang isipin na nambubwisit ka na naman." prangka ko.

"Hahahaha. Again, I'm sorry. Akala ko naman kasi... magtatanong ka rin sa 'kin pabalik."

"Na ano? Na may gusto ka rin ba sa 'kin? Naku, Allan. Tanggap ko nang hindi ka magkakagusto sa isang—"

"I like you now, Eve."

Shit.

At dahil do'n, natahimik ulit ako. And to my surprise, bigla niyang hinawakan ang mukha ko at dahan-dahan itong inilapit sa mukha niya.

Oh my God. Is this real?!?! 

Habang palapit na ng palapit ang mga labi namin sa isa't isa, parang naging roller coaster naman ang isip ko. Paulit-ulit ko kasing chi-neck kung totoo na ba talaga 'to o baka isang imagination lang ulit. At potek! TOTOONG-TOTOO! Pero teka... parang ang bilis naman?! 

And our lips are now just inches away when,

"I-I can't, Allan." pag-uudlot ko. Again, parang ang bilis ng pangyayari para sa 'kin. Crush ko man siya, pero isa rin akong taong nangangailangan ng totoong pagmamahal. At para sa 'kin, ang totoong pagmamahal ay dumadaan sa oras. Love takes time.

"Goodnight." tanging nasabi ko saka tinanggal ang kamay niya mula sa aking pisngi. Tumayo na rin ako at naglakad patungong rest house upang iwanan siya.

Sa hindi kalayuan, may narinig at nakita naman akong dalawang taong nagtatawanan. Dahil sa aking kuryosidad, dahan-dahan ko silang nilapitan. At nang malinawan ako...

Sina kambal at bestie pala.

Napakasaya nilang tingnan. I see the way they look at each other. Alam mo 'yung sa mga movies na kapag nag-uusap 'yung dalawang taong magkakatuluyan sa huli? Parang gano'n din sila. Mahahalata mong mutual ang feelings nila. And to my surprise... 

Tila bigla akong nasaktan. At may isang simpleng tanong ang bumuo sa aking isipan:

Bakit parang nagseselos ako?

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • My Real Fake Love   Chapter 12 - Punch

    Adam/Eve's POVI remained stiff as Keila continued to expose my true self to everyone. Halos lahat ng mga Wonder graduates ay dumalo sa kaarawan namin ni kambal, ngunit hindi na lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa 'kin. All of the famous businessmen who are friends of the family were also there, kaya kasali sila sa kabang nararamdaman ko because of the strong possibility of ruining the image of our company. Magiging matunog ang pagbunyag ng aking lihim, which may cause a colossal failure to other businesses na kaakibat ng mga magulang ko. But what I feared the most...Is Mama and Papa's rejection."Ano, Adam? Are you surprised? You didn't see this coming, did you?" muling paggambala ni Keila sa presenya kong nananahimik. Buong takot ang aking naramdaman nang titigan ko siya sa mata."Keila! Why are you doing this?!" dinig kong tanong ni Allan."Let me go!" sigaw naman ni kambal sa mga guard

  • My Real Fake Love   Chapter 11 - March

    Adam/Eve's POVAnd I was right all along. This weekend has become one of the most unforgettable moments in my whole existence. Sa loob ng dalawang araw, ako'y naging masaya. Ngunit sa loob din ng dalawang araw, ako'y nag-iba. Nagsimulang malito, nagsimulang magtaka."Tol... ayos ka lang?" pansin ni kambal sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. "Kanina pa kita napapansing ganyan.""H-Hah? M-May sinasabi ka?" paninigurado ko kung ako ba talaga ang kausap niya sapagkat masyado lamang akong nakatutok sa daan. Ngunit napagtanto kong ako nga sapagkat kami lamang dalawa ang nasa loob ng sasakyan."Hay, naku. May iniisip ka na naman, 'no? Tsk." pagbabasa niya sa isip ko."Well, technically, may isip naman talaga ang bawat tao kaya natural lamang na mag-isip." sagot ko bilang pagsampal sa kanya sa obvious na katotohanan."Alam ko. But my point is, you're thinking to someone I certainl

  • My Real Fake Love   Chapter 10 - Judgements

    Adam/Eve's POVIt was awkward. It was unbelievable. It was unforgettable. It was unpredictable. Allan was about to plant me a kiss, but something in my mind is telling me that this isn't the right time. And there goes my best friend who's enjoying the company with my twin which made my heart uneasy, slowly making weak beats, slowly making... unbearable pain.Bakit? Bakit ko nararamdaman 'to?Bahagya naman akong nagulat nang biglang hawakan ni Allan ang aking kanang balikat. "Okay ka lang?""Okay lang ako, Allan. Salamat." sagot ko saka tinapik ang kanyang kamay ngunit nasa direksyon pa rin nina kambal at bestie ang mga mata. Dahan-dahan ko naman itong inalis at bigla akong humikab. Lumingon naman ako saglit sa kanya upang magpaalam na ako'y aalis na rito sa dalampasigan. "Good night na nga pala, Allan. Babalik na 'ko sa rest house. Inaantok na ako, eh.""Adam." tawag niya sa totoo kong pangalan dahi

  • My Real Fake Love   Chapter 9 - Moments

    Adam/Eve's POVOh my goodness! She's really here! Nandito talaga siya! Hindi kami ni bestie namamalik-mata!"Hi, Emma!" muling bati ng bruha nang siya'y makalapit na kay Emma, na may beso pang kasama. Naka-see through at jeans pala ang outfit niya. "Hi rin sa 'yo, bakla!"Pero dahil maldita ako, hindi ko hinayaang madampian ang mukha ko ng balat ng ahas."Duuh! Ang arte. Edi 'wag!" maarte niyang reklamo sa 'kin."Ano bang ginagawa mo rito? Pa'no mo nalamang nandito kami?" diretso kong tanong.Natawa muna siya kahit pilit, bago sinagot ang aking tanong. "Oh my God. Tinatanong pa ba 'yan?""Booba ka ba? O nagpapaka-booba lang. Itatanong pa ba namin kung alam na namin ang sagot? Duuh!" maldita kong tanong. Sarap talaga niyang suntukin at sabunutan nakuuu!"Sino ka ba para sagutin ko, ha? Alam mo, 'yang mga taong tulad mo ay 'di dapat kinakausap sa mga

  • My Real Fake Love   Chapter 8 - Alarm

    Adam/Eve's POV"And the Prom King for JS Prom 2015 is..." announcement ng babaeng emcee saka tiningnan ang card na naglalaan ng resulta kung sinong mga papalaring tao ngayong taon ang kokoronahan. "Are you ready to find out, Wonders?"Walang masyadong respond ang audience sapagkat karamihan sa kanila ay kagaya kong hindi pa nakapag-adjust matapos nagperform sina Keila at Allan. The reigning royals are not in the mood either. Sino ba naman kasing masiyahan pang magpatuloy sa programang ito matapos nangyari 'yung infamous performance na 'yon? Ang galing talagang gumawa ng eksena ni bruha, 'no? What a selfish brat!"Oh. I feel like everyone thinks the party's over now! Okay lang ba tayong lahat, Wonders?" 'yung lalakeng emcee naman.And for the sake of the show, may mga ilang tao naman ang napilitang magrespond ng, "Yeeeess!" ugh! Boooring!Kahit tapos nang sumayaw si crush with his bitchy ex, hi

  • My Real Fake Love   Chapter 7 - Prom

    Adam/Eve's POV~ When I see your face,There's not a thing that I won't change'Cause you're amazingJust the way you are...And when you smile,The whole word stops and stares for awhile'Cause girl, you're amazingJust the way you a— ~"Puta ka, Bryan!" malakas na sigaw ko kay kambal sabay bato sa kanya ng aking bag kahit ang kabuuan ko ay napakabasa. Halatang hindi siya nagmind sa pagbukas ko ng pinto dahil sa pag-concentrate niya sa pagkanta at pag-gitara kaya binato ko na rin siya. "Napakalaki ng kasalanan mo sa 'king demonyo ka! Argh!" dagdag ko pa saka malakas na sinara ang pinto ng aming kwarto."Anak ng... ano na naman bang kasalanan ko, ha?" galit naman niyang tanong sa 'kin. "Gusto mo bang mamatay? Muntik mo nang sirain ang gitara ko, ah!""Huwag ka ngang magkunwari na wala kang alam sa sinasabi ko! Gusto mo bang paputukin ko 'yang itlog mo?! Haaah?! Bwisit ka!!!"

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status