Home / All / My Real Fake Love / Chapter 11 - March

Share

Chapter 11 - March

last update publish date: 2020-09-29 15:34:39

Adam/Eve's POV

And I was right all along. This weekend has become one of the most unforgettable moments in my whole existence. Sa loob ng dalawang araw, ako'y naging masaya. Ngunit sa loob din ng dalawang araw, ako'y nag-iba. Nagsimulang malito, nagsimulang magtaka.

"Tol... ayos ka lang?" pansin ni kambal sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. "Kanina pa kita napapansing ganyan."

"H-Hah? M-May sinasabi ka?" paninigurado ko kung ako ba talaga ang kausap niya sapagkat masyado lamang akong nakatutok sa daan. Ngunit napagtanto kong ako nga sapagkat kami lamang dalawa ang nasa loob ng sasakyan.

"Hay, naku. May iniisip ka na naman, 'no? Tsk." pagbabasa niya sa isip ko.

"Well, technically, may isip naman talaga ang bawat tao kaya natural lamang na mag-isip." sagot ko bilang pagsampal sa kanya sa obvious na katotohanan.

"Alam ko. But my point is, you're thinking to someone I certainly know. Am I right?" nasa kalsada pa rin ang mga mata niya.

"I wasn't thinking about Allan—" natigilan ako nang kusang lumabas sa aking bibig ang pangalan ng lalakeng gumugulo sa pagkatao ko ngayon. Good thing I wasn't able to add my bestie! But still... shit!

Sinulyapan ko naman ang pagngisi niya ng kaunti. Damn you, 'Tol!

"You said it yourself." anas niya. "Allan, Allan, Allan..." dagdag pa niya saka umiling. 

"Alam mo, huwag ka na ngang mag-ingay, please? I'm freaking tired and the last thing I remember was I promised myself to be silent as we go home, and throw myself on my nice warm bed without your stupid presence annoying me. Okay?" now I sounded like sooo defensive... which is partly true. Ayoko kasing i-convince ang sarili ko na si Allan na naman ang laman ng isip ko. Bestie is occupying my mind either.

When we decided to depart earlier kasi, I didn't have the proper way of saying goodbye to them both. We only ended up waving each other with a little smile on our faces hanggang sa pumasok na kami sa aming mga sasakyan. It feels way much awkward saying goodbye to bestie with hugs and jumps like we always do, because of this strange feeling towards her. I guess I really can't pretend I'm fine.

Kahit kadalasang malakas ang radar ni bestie kapag may problema ako o wala, mukhang hindi naman niya ito napansin sa akin kanina. If she noticed something in me, probably because she's thinking that I felt so shy approaching Allan. 

In all of a sudden, biglang pumarada si kambal sa gilid ng kalsada. Nang mapansin ko ang paligid, nandito pala kami sa walang katao-taong lugar. Hindi ko naiwasang kumunot ang aking noo at tinanong si kambal kung bakit kami tumigil sa ganitong klaseng lugar.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko. 

"Relax! May gusto lang ilabas 'tong manoy ko." napakabulgar niyang sagot kaya binigyan ko naman siya ng mataray kong reaksyon. "Ikaw, wala ka bang gustong ilabas diyan?"

"Duuh! I don't pee to somewhere open. Tsaka isa pa, nakauko akong umiihi, 'no!" pero of course, joke lang 'yung nakauko. Sa haba nitong dinadala ko, of course nakatayo! I'm still a guy even if I'm so feminine, you know.

Napatawa sabay iling na lamang si kambal dahil sa inasta ko. Isinara na lamang niya ang pinto sa gilid ng kanyang inupuan at pumunta sa harap ng damuhan upang diligan ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang... you know what I mean.

Hindi nagtagal ay agad siyang pumasok sa loob ng sasakyan saka nag-alcohol. Ako naman ay nagsimulang kumain ng Piatos dahil nakaramdam ako ng kaunting gutom.

"You know, if you won't let that out... mahihirapan ka lang." pagsisimula niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Ngunit itong sistema ko ay nagdadalawang-isip na magbahagi sa kanya. Pakiramdam ko kasi, hindi pa rin niya ako matutulungan.

"I saw you and Allan last night, okay? I heard everything." dagdag niya na nagbigay sa akin ng reaksyong huminto sa pagsubo ng chips sa aking bibig. Idagdag pa ang slow motion kong paglingon sa kanya.

"Putangina—alam mo?!" hindi ko naiwasang magmura. Babatuhin ko na sana siya ng kahit ano ngunit agad siyang nagtaas ng kanyang mga kamay.

"Woah woah woah! Hindi ba pwedeng mag-explain?!" natataranta niyang tanong. Alam kasi niyang wala siyang laban kapag kami'y nagbatuhan. "Ang brutal mo talaga pagdating sa 'kin!"

"Eh sino bang hindi magiging brutal sa 'yo, ha?! Nakinig ka sa usapan ng iba!" asik ko.

"Hay naku, 'Toool! Hindi ko naman 'yon sinadya, eh! Sa dami ba namang lugar na pwede kayong mag-usap, doon pa talaga sa kusina?! Gutom 'yung tao kaya nagpasya siyang bumaba para kumain. Ngunit nando'n kayong dalawa kaya wala akong nagawa kundi tiisin ang sikmura ko dahil sa inyo!"

At dahil do'n, hindi na ako nakasagot. May punto rin naman siya. Ito naman kasing si Allan, doon pa talaga sa kusina nagtapat. Ayan tuloy... nakita kami nitong chismoso kong kambal.

"Pero hindi mo maitatangging chismoso ka talaga dahil pinakinggan mo pa lahat ng pinag-usapan namin." pagpapatibay ko sa aking paratang laban sa kanya. Confirmed!

"Tsk! Oo na, oo na kung 'yan ang iniisip mo! Hindi ko rin naman kasi maitatanggi kung gaano siya kaseryoso sa 'yo kagabi. I didn't expect to see that side of Allan, so something urged me to watch you both. And I found out that he's willing to be with you kahit ikaw ang kakaiba sa lahat ng mga dumating sa buhay niya. Ikaw lang 'yung... alam mo na."

Natahimik ako saglit. I can't help but think that he's trying not to offend me when he said his last sentence kahit ironically, siya ang pinaka-bully sa buhay ko. He should've said that Allan is willing to be with me even if I'm gay. Tsk!

"So, 'Tol... kung natatakot ka man, natural lang 'yan. But keep in mind that fear can destroy you. Fear is your inhibition. Kaya kung mahal mo 'yung tao, you shouldn't be afraid to take risks. Nagmahal ka lang naman, eh. Hindi ka pumatay. Kaya kung ako sa 'yo? Follow your heart. In other words... give my friend a chance." he said with a smirk. 

'But how can I follow my heart kung pinag-aagawan ito ng dalawang nilalang?' gusto ko sana 'tong itanong kay kambal ngunit tinubuan ako ng hiyang ibahagi sa kanya ang tungkol kay bestie. At saka isa pa, mukhang napupusuan na niya ang babaeng ito.

Kaya imbes na pahabain pa ang aming usapan, tinapos ko na ito sa mga katagang, "Thank you for the advice, 'Tol. Though hindi ko in-expect na kaya mo rin palang maging tao."

He cringed. "Sira! Loko ka talaga." binuhay naman niya ang makina ng kotse at nakapako na'ng mga mata sa daan. "Mahal kita, 'Tol. Hindi mo lang alam."

"Alam ko naman, 'no dahil 'di ako manhid. Nakakabwisit ka nga lang." depensa ko kaya nagtawanan naman kami.

Napawi ang plano kong maging tahimik sa byahe sapagkat pinili kong makipagkulitan kay kambal. After all, we always cling to each other in the end kahit ilang beses pa kaming mag-asaran. These days kasi, tila nakalimutan ko na ang pagiging close naming dalawa. I was preoccupied by a lot of things with Allan as the very top of my list, with bestie who's planning to dethrone him. 

And I guess I should be thankful that he heard my conversation with Allan, howsoever. Bestie may have started to own my heart, but I can't change the fact that Allan was inside it in the first place. And as I weigh them in my heart and head, I can finally conclude that Allan wins. I just need to make myself ready when we face the circumstances. Thanks, 'Tol kahit hindi ko nasabi sa 'yo ang tungkol kay bestie. Having a twin is very convenient after all.

I decided to talk to Allan nang dumating ang araw ng Lunes. I literally girded my loins to make myself ready. Nagpasya na rin akong magpakatino kay bestie since I want to stay with her as a friend. Hindi na rin seryoso ang klase ngayon dahil sisimulan na ang rehearsals for graduation. So bago pa 'yon, tinext ko muna si Allan na magkita kami sa rooftop ng Science Building. How did I get his number? Well... what are friends for kung wala kayong communication? 

"Adam?" he wasn't sure yet kung ako bang nakita niya since ka-photocopy ko si kambal. "Adam, is that you?"

"Yes. Can we talk?" alok ko.

"Y-Yeah, sure!" medyo nautal niyang sagot saka umupo sa aking tabi.

Dumaan muna ang nakakabinging katahimikan sa aming paligid bago ako tinulak ng aking sarili na unang magsalita.

"So... about the other night." pagsisimula ko. Myghad, nanginginig ako! "U-Uhmm... shit, ang hirap!" hindi ko naiwasang magmura.

Tumikhim naman siya ng konti bago ako sinagip sa aking gagawing kahihiyan. "N-Nakapag-isip ka na ba?"

Shit ka, Adam! Umayos kaaa! Huwag mo nang sayangin 'to!

"A-Allan... b-binabawi ko na 'y-yung sinabi k-ko." sabi ko na parang gasgas na videotape. Why is it so freaking hard to confess kahit hindi naman mala-speech ang sasabihin?!

"Anong ibig mong sabihin?" parang excited niyang tanong sabay lingon sa akin.

"G-Gusto ko sanang... bigyan kita ng pagkakataong... m-maging ta—" hindi ko natapos ang aking sinabi sapagkat mabilis na lumapat ang kanyang labi sa aking pisngi.

"Already told that I like you, Adam—ay, Eve. So, yeah. Tayo na." pagkumpirma niya saka inilabas ang napaka-gwapo niyang ngiti. His straightforward attitude still hits me. And I just realized what he said... ohh shit!

"O-Oh my gosh. S-so jowa na kita?!" hindi makapaniwala ngunit napakasaya kong tanong.

"Yeah. Ayaw mo?" taas-kilay niyang tanong.

Napatakip pa ako sa aking bibig nang muli siyang mag-confirm. "Oh my goodness. Talaga?! 'Y-Yun na 'yun?!" pag-uulit ko pa na parang sira.

"Hahaha! Oo ngaaa!" sagot niya na halatang natawa sa aking inasta. 

"Tayo na??"

"Yeahh!"

"Hahaha! Oh my ghaaad!" halos napasigaw kong sabi. Nagmistula akong putol na uod dahil sa kawag-kawag kong kilos. Eh, kasi naman kinikilig ang lola niyo! Boyfriend ko na ang crush kooo! Shit lang! Ang sarap sa pakiramdam!

"Oh, pwede ka nang kumalma." sabi pa niya sabay hawak sa magkabila kong balikat. "Wala nang urungan 'to, ah?" pagtitiyak niya.

"Yes. Yes, Allan." sunud-sunod kong tango saka siya niyakap. Yumakap naman siya sa akin pabalik.

Best. Day. Ever!

Itinago muna ang relasyon namin ni Allan sa kahit na sino. Kahit pa sa mga kaibigan including kambal, at kahit na rin sa bestie ko. Hindi naman sa natatakot kaming hindi nila tatanggapin. Kundi iniiwasan muna naming kumalat ang tungkol sa amin. Hindi naman sa wala kaming tiwala sa kanila. Kundi iniisip na sa amin munang dalawa ang meron kami.

Umabot na rin sa ikatlong linggo ng Marso ang namamagitan sa amin ni Allan. At sa mga linggong iyon, hindi naman naiwasan ang konting awayan at tampuhan. Ngunit ang ending ay nagkakaayos naman. Hindi pa nga lang naipagtapat sa kahit na sino ang tungkol sa amin, ngunit wala naman kaming balak na panatilihin 'tong lihim. 

Graduation day. Dadagdag naman sa aking mga memorable moments. Inilathala namang batch Valedictorian si Ma. Angela T. Sarmiento, ang totoong pangalan ni Angel. Sumunod naman ako bilang batch Salutatorian kahit hindi kami kaklase. Dito kasi sa Woolridge Academy, lahat ng sections ay special class, walang first at last. Sinusuri lamang ng mga teachers ang mga grades ng students sa lahat ng sections, upang malaman kung sinu-sino ang mga mabibilang sa Big 10. And gladly, kasali ako.

First Honorable Mention naman si kambal. Second Honorable Mention si bestie, at Third Honorable Mention si Allan which I believe na points lamang ng mga average nila ang diperensya. Hindi ko na kilala pa ang mga ibang kabilang.

Since kasabay ng kaarawan namin ni kambal ang graduation ngayon, nag-celebrate na rin kami sa isa sa mga five-star hotels na aming pag-aari. And because our birthday is known to be one of our important occasions, marami ang in-invite na mga tauhang kilala sa business. Even that bitch Keila is included, since part ang family niya sa bitch—ay este, business industry. My bad.

"Congratulations, Mr. Perez! I finally get to see these two handsome men of yours as the heirs of Perez Wheel. And I'm sure that your future will always be on top, for you have these genius gentlemen." bati ni Mrs. Alonzo kay Papa habang may dalang baso na may kaunting laman ng wine sa loob. Nakipagkamay naman siya sa aming tatlo. Still need to change that handsome thingy to something more pleasing for me, though. Pero nevermind.

I heard Papa's chuckle before he replied. "Still need for them to improve, though. I was expecting them to be more than just Salutatorian and First Honorable Mention." sagot niya na may diin pa sa amin ni kambal as a proof of disappointment habang nakangiti.

"Well, I should go, Mr. Perez." casual lamang na paalam ni Mrs. Alonzo sa amin, maybe because she felt na na-offend kami ng konti sa sinabi ni Papa. "I'll be getting some wine." she added saka umalis.

It is a little known fact sa amin ni kambal ang pagiging perfectionist ni Papa. Palagi niyang pinapasok sa aming isipan na dapat kami ang pinakamagaling sa lahat. No matter what we do, palagi niyang sinasabing may kulang. Kaya gano'n na lamang ang naging reaksyon niya when the two of us weren't able to be the smartest of our batch. Hende nemen mesheket.

Patuloy kaming tatlo sa pag-entertain ng mga bisita kaya panay ayos naman ako sa necktie ko. I'm starting to get uncomfortable na I'm sure pati na rin si kambal, dahil sa paraan ng pakikitungo ni Papa sa kahit na sino. Kasi naman, he emphasizes how disappointed he is with me and my brother's ranks to every friend he meets. Nakakaloka, 'di ba?

"Hey, Eve!" biglang bati ni Allan sa 'kin sa babae kong pangalan kaya napalingon naman si Papa sa kanya. Shit ka, Allan!

"...ning, Tito. Hehehe! I mean, good evening po, Tito." dugtong ni Allan with emphasis sa Eve nang palihim kong tinutukan ng tingin. Nakipagkamay naman siya kay Papa upang hindi mahalatang ako ang tinukoy niya. Hay naku, Allan! Muntikan na!

Since mini event ang birthday namin ni kambal, pinaupo naman ang lahat upang makapagsimula. Pinili naming pitong magsama sa iisang mesang malapit sa stage. At dahil magkatabi kami ni Allan, palihim kaming naghawak-kamay sa isa't isa.

"Good evening, ladies and gentlemen!" bati ni Papa sa lahat. Pumalakpak din ako ngunit muntikan nang hindi makasali dahil sandaling sinaniban si Allan ng kapilyuhan. Hindi kasi niya agad binitiwan ang aking kamay na hawak niya. Medyo nakakabwisit man, hindi ko pa rin naiwasang ngumiti ng palihim sa huli. 

"For years of my hardworking in Perez Wheel, there were countless ups and downs that I've been. I had to slice my times of being a father and a businessman, but mostly ended up being the businessman myself. I decided to be so focused on the work that sometimes, I mean most of the times... I forgot my other responsibilities at home. I forgot being the father because of facing too much on my work." pagsisimula ni Papa sa talumpati niya.

"We live in a mansion, a life of royals. A life I never expected to have when I was young. I have literally spent liters of sweats to be finally here on top, so I always find some things... never enough." patuloy niya saka itinaas ang kanang kamay as a gesture of 'top'.

"Being a parent is one of the hardest jobs. But with the help of my wife, I was able to speed things up while keeping in mind that everything will be accomplished if you give all your best. But since business is so tough, we had to work together than just partners. While doing those... there goes our little boys growing into gentlemen without our much attention. But even though we don't have much time being together, I still assured them to follow my footsteps by training to be the best. And I'm proud to represent them as soon to be the new faces of Perez Wheel. So..." saglit na pagpuputol ni Papa sa kanyang talumpati upang tanggapin ang kalahating baso ng wine na in-offer sa kanya ng isa sa mga staff ng event. 

"Bryan, Adam, my beloved sons... Congratulations for being graduates, and happy birthday." pagtatapos ni Papa sa speech habang nakatingin sa amin ni kambal saka itinaas ang baso.

"Cheers!" sigaw ng audience na naka-raise na rin ang mga baso saka nakisabay kay Papa sa pag-inom. Dinagdagan naman ng maingay na palakpakan. Mabuti naman at hindi ipinamukha ulit ni Papa sa lahat ang disappointment niya sa amin. But I can still see that he's proud kaya gumaan naman ang aking loob kahit papaano.

Nagpatuloy naman ang mini event. Dahil may mga talent kami ni kambal, plinano naming magperform para may konting entertainment. Nauna akong sumayaw ngunit kasama si Allan. Muli naming sinayaw ang DJ Got Us Fallin' In Love ni Usher at Pitbull pero fixed na ang mga steps. Kumanta naman sina kambal at bestie ng Two Is Better Better Than One ng Boys Like Girls at Taylor Swift gamit ang kanilang mga gitara.

Matapos ang aming mga munting intermission, in-announce naman ng aming hired host na hipan na ang mga kandila ng aming dalawang cake. 

Sumunod naman ang opening of presents na nakalagay naman sa stage kanina pa. Una kong binuksan ang kay bestie kaya tumambad sa akin ang vinyl record ng One Direction na Four: The Ultimate Edition. Kay Allan naman, binigay na niya sa 'kin kanina pa pero itinago ko muna sa bulsa. It's a necklace na mayro'ng letter 'A' na pendant. Abala rin si kambal sa pagbubukas ng mga regalong para sa kanya, pero hindi ko na inalam kung ano'ng mga laman. Iilan lamang iyon sa halos isang daang mga regalo na aming natanggap.

Malapit nang matapos ang programa kaya nagpapaalam na ang host. Nang chineck ko ang aking relo, alas diyes e medya na pala ang oras.

"Thank you so much for coming, everyone! And again, happy birthday to Mr. Bryan Reckston and Adamme Wil—"

"Eve?"

"Yes?"

"Do you still like me?"

Nabulabog kaming lahat sa biglaang pagkabuhay ng malaking TV screen sa pader ng stage. Ang mga pauwi na sanang tao ay sandaling tumigil upang panoorin ang recorded video. 

"Eve? Huy."

"Alam mo Allan, bwisit ka. Seryoso na ako, ah."

"Bakit naman?"

"Hindi ka ba marunong makiramdam? Hindi mo ba iniisip 'yang tanong mo?"

"Iniisip ko naman, ah."

"Bakit parang hindi? Kasi kung ako ikaw, hindi mo dapat tinatanong 'yan sa isang tao, eh. Nakakailang kasi."

And I just realized kung ano ang ipinapakita ngayon sa karamihan. Shit! This is a sabotage!

"Well, kung ako ikaw... mas pipiliin kong magpapakatotoo." sabi ni Allan sa TV. Ito 'yung panahong nagtapat siya sa 'kin sa dalampasigan. Kahit gabi na itong nangyari, halata pa rin na kaming dalawa ang nasa video dahil masyadong malinaw ang kamara. 'Yun nga lang ay nasa likod namin ang kumuha ng video. 

"Nagpapakatotoo naman ako, ah. Heto ako... bakla! Hindi ko pa nga lang kayang sabihin sa parents ko. Ugh! Anyway... ang point ko lang naman, hindi mo na dapat tinatanong sa 'kin 'yan. Alam mo naman ang sagot ko, 'di ba? Nakaka-awkward lang kung ulitin mo pa lalo na dahil... bakla lang ako, at lalake ka." sabi ko. Hinanap naman ng mga mata ko sina Mama at Papa. At tama nga ako... kasali sila sa mga nanonood.

"S-Sorry, Eve."

"Who turned this on?! Shut it off! Shut it off!!!" napatayong sigaw ni kambal habang nakaharap sa audience. 

"Okay lang. Although hindi ko maiwasang isipin na nambubwisit ka na naman."

Nagsimula akong manigas habang pinapanood ang patuloy na pag-play ng video. Wala akong magawa. Walang pumapasok sa isip ko kung anong dapat kong gawin.

"Hahahaha. Again, I'm sorry. Akala ko naman kasi... magtatanong ka rin sa 'kin pabalik."

"Sino bang nagplay nito?!? Sino!" si Allan naman ang sumigaw.

"Bestie. Bestie, okay ka lang??" biglang paglapit ni bestie sa 'kin sabay alog sa mga balikat ko. "Bestie?? Bestie!" ulit niya sapagkat wala akong sinagot.

"Adam? Adam!" si Allan naman ang lumapit sa 'kin. Sumunod pa sina Jake, Stephen at Carlos.

"Na ano? Na may gusto ka rin ba sa 'kin? Naku, Allan. Tanggap ko nang hindi ka magkakagusto sa isang—"

"I like you now, Eve." 

At dahil do'n, kakaiba ang pagkagulat ng karamihan sa mga nanonood. It's an expression of disgust. I should've known. 

"I SAID SHUT THIS OFF!" matinding sigaw ni kambal saka sunud-sunod na binato ang TV. Napasigaw ang lahat sa takot kaya lumayo.

"AAAAHHHH!" mas malakas nilang sigaw dahil patuloy na sinisira ni kambal ang mga gamit na nakukuha niya.

"STOP IT, BRYAN! STOP IT!" sigaw naman ni Papa saka inutusan ang mga guard na pigilan si kambal. This is for sure my greatest disaster.

Agad nakuha ng mga guard ang nagwawalang si kambal ngunit nagpupumiglas pa rin ito. At kahit basag na ang ilang parte ng TV, nagawa pa rin nitong gumana kaya nakita pa rin ng mga nanonood ang sumunod na nangyari.

When Allan was about to kiss me.

At doon natapos ang video.

At doon nagsimula ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha ko.

"Well, well, well..." eksena ng isang pamilyar na boses na naka-mic pa. Galing siya sa area ng audience kaya sandaling hinanap ng aming mga mata ang presensya niya. But the spotlight helped kaya nakita namin siya. And I knew it... 

It's Keila.

Lakas-loob siyang umakyat sa stage suot ang dress niyang pula. Ngayon ko lamang napagtanto kung bakit ganyan kaayos ang hitsura niya ngayon. I knew it. She was really up to something.

"First things first, I shall say one thing to my dear little friend." pagsisimula niya saka tumingin ng diretso sa akin. "What's up Adam—or shall I say, Eve..."

Muli kong tinignan ang mga mata ng lahat. At tama ako. Nasa 'kin na ang kanilang mga tingin. Ang sarili ko ngayon ay nagmistulang binalot ng napakarumi at napakabahong putik dulot sa kanilang mapaghusgang mga titig. At nang tingnan ko ulit si Keila, tumutok ako nang bumitiw siya sa mga katagang, 

"Did you like my present?" 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Real Fake Love   Chapter 12 - Punch

    Adam/Eve's POVI remained stiff as Keila continued to expose my true self to everyone. Halos lahat ng mga Wonder graduates ay dumalo sa kaarawan namin ni kambal, ngunit hindi na lingid sa kaalaman nila ang tungkol sa 'kin. All of the famous businessmen who are friends of the family were also there, kaya kasali sila sa kabang nararamdaman ko because of the strong possibility of ruining the image of our company. Magiging matunog ang pagbunyag ng aking lihim, which may cause a colossal failure to other businesses na kaakibat ng mga magulang ko. But what I feared the most...Is Mama and Papa's rejection."Ano, Adam? Are you surprised? You didn't see this coming, did you?" muling paggambala ni Keila sa presenya kong nananahimik. Buong takot ang aking naramdaman nang titigan ko siya sa mata."Keila! Why are you doing this?!" dinig kong tanong ni Allan."Let me go!" sigaw naman ni kambal sa mga guard

  • My Real Fake Love   Chapter 11 - March

    Adam/Eve's POVAnd I was right all along. This weekend has become one of the most unforgettable moments in my whole existence. Sa loob ng dalawang araw, ako'y naging masaya. Ngunit sa loob din ng dalawang araw, ako'y nag-iba. Nagsimulang malito, nagsimulang magtaka."Tol... ayos ka lang?" pansin ni kambal sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi. "Kanina pa kita napapansing ganyan.""H-Hah? M-May sinasabi ka?" paninigurado ko kung ako ba talaga ang kausap niya sapagkat masyado lamang akong nakatutok sa daan. Ngunit napagtanto kong ako nga sapagkat kami lamang dalawa ang nasa loob ng sasakyan."Hay, naku. May iniisip ka na naman, 'no? Tsk." pagbabasa niya sa isip ko."Well, technically, may isip naman talaga ang bawat tao kaya natural lamang na mag-isip." sagot ko bilang pagsampal sa kanya sa obvious na katotohanan."Alam ko. But my point is, you're thinking to someone I certainl

  • My Real Fake Love   Chapter 10 - Judgements

    Adam/Eve's POVIt was awkward. It was unbelievable. It was unforgettable. It was unpredictable. Allan was about to plant me a kiss, but something in my mind is telling me that this isn't the right time. And there goes my best friend who's enjoying the company with my twin which made my heart uneasy, slowly making weak beats, slowly making... unbearable pain.Bakit? Bakit ko nararamdaman 'to?Bahagya naman akong nagulat nang biglang hawakan ni Allan ang aking kanang balikat. "Okay ka lang?""Okay lang ako, Allan. Salamat." sagot ko saka tinapik ang kanyang kamay ngunit nasa direksyon pa rin nina kambal at bestie ang mga mata. Dahan-dahan ko naman itong inalis at bigla akong humikab. Lumingon naman ako saglit sa kanya upang magpaalam na ako'y aalis na rito sa dalampasigan. "Good night na nga pala, Allan. Babalik na 'ko sa rest house. Inaantok na ako, eh.""Adam." tawag niya sa totoo kong pangalan dahi

  • My Real Fake Love   Chapter 9 - Moments

    Adam/Eve's POVOh my goodness! She's really here! Nandito talaga siya! Hindi kami ni bestie namamalik-mata!"Hi, Emma!" muling bati ng bruha nang siya'y makalapit na kay Emma, na may beso pang kasama. Naka-see through at jeans pala ang outfit niya. "Hi rin sa 'yo, bakla!"Pero dahil maldita ako, hindi ko hinayaang madampian ang mukha ko ng balat ng ahas."Duuh! Ang arte. Edi 'wag!" maarte niyang reklamo sa 'kin."Ano bang ginagawa mo rito? Pa'no mo nalamang nandito kami?" diretso kong tanong.Natawa muna siya kahit pilit, bago sinagot ang aking tanong. "Oh my God. Tinatanong pa ba 'yan?""Booba ka ba? O nagpapaka-booba lang. Itatanong pa ba namin kung alam na namin ang sagot? Duuh!" maldita kong tanong. Sarap talaga niyang suntukin at sabunutan nakuuu!"Sino ka ba para sagutin ko, ha? Alam mo, 'yang mga taong tulad mo ay 'di dapat kinakausap sa mga

  • My Real Fake Love   Chapter 8 - Alarm

    Adam/Eve's POV"And the Prom King for JS Prom 2015 is..." announcement ng babaeng emcee saka tiningnan ang card na naglalaan ng resulta kung sinong mga papalaring tao ngayong taon ang kokoronahan. "Are you ready to find out, Wonders?"Walang masyadong respond ang audience sapagkat karamihan sa kanila ay kagaya kong hindi pa nakapag-adjust matapos nagperform sina Keila at Allan. The reigning royals are not in the mood either. Sino ba naman kasing masiyahan pang magpatuloy sa programang ito matapos nangyari 'yung infamous performance na 'yon? Ang galing talagang gumawa ng eksena ni bruha, 'no? What a selfish brat!"Oh. I feel like everyone thinks the party's over now! Okay lang ba tayong lahat, Wonders?" 'yung lalakeng emcee naman.And for the sake of the show, may mga ilang tao naman ang napilitang magrespond ng, "Yeeeess!" ugh! Boooring!Kahit tapos nang sumayaw si crush with his bitchy ex, hi

  • My Real Fake Love   Chapter 7 - Prom

    Adam/Eve's POV~ When I see your face,There's not a thing that I won't change'Cause you're amazingJust the way you are...And when you smile,The whole word stops and stares for awhile'Cause girl, you're amazingJust the way you a— ~"Puta ka, Bryan!" malakas na sigaw ko kay kambal sabay bato sa kanya ng aking bag kahit ang kabuuan ko ay napakabasa. Halatang hindi siya nagmind sa pagbukas ko ng pinto dahil sa pag-concentrate niya sa pagkanta at pag-gitara kaya binato ko na rin siya. "Napakalaki ng kasalanan mo sa 'king demonyo ka! Argh!" dagdag ko pa saka malakas na sinara ang pinto ng aming kwarto."Anak ng... ano na naman bang kasalanan ko, ha?" galit naman niyang tanong sa 'kin. "Gusto mo bang mamatay? Muntik mo nang sirain ang gitara ko, ah!""Huwag ka ngang magkunwari na wala kang alam sa sinasabi ko! Gusto mo bang paputukin ko 'yang itlog mo?! Haaah?! Bwisit ka!!!"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status