Home / Lahat / Ollie The Virgin Gay / Chapter 8: The Bully

Share

Chapter 8: The Bully

Author: TwinkleBhernz
last update Petsa ng paglalathala: 2020-07-30 12:21:41

"Where are you? Tumawag ako sa hotel at sinabing lumabas ka daw?" Tanong ni daddy. Kausap ko siya ngayon sa telepono.

Sandali akong tumigil sa paglalakad at nakangiting tumunghay sa malawak na karagatan. Malapit ng magtakipsilim. Napakagandang pagmasdan ng kulay lilang kalangitan. Unti unti nang lumulubog ang araw at kitang kita ko ang ganda ng tanawing iyon. Hindi ko lang iyon gaanong ma-appreciate dahil narin sa mga nangyayari.

Feeling ko, patapon na ang buhay ko. Simula ng malaman kong buntis ako ay hindi ko na nagagawa pang-makatulog ng mahimbing sa gabi. May mga oras na naiisip ko ang mga nangyayari sa buhay ko. Ang pagiging anak ko sa labas. Ang maagang pagkamatay ng mama ko. Ang pagkakaroon ko ng masungit na step mother. Ang pagiging hater ng kapatid ko. Higit sa lahat ang pagkakaroon ng bata sa sinapupunan ko. Lahat ng iyon paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Lahat nakakapag-pabigat ng dibdib ko. Parang ang malas malas ko kasi. Minsan tuloy gusto ko ng sumuko e. Parang gusto ko nalang na mawala na sa mundo.

Napangiti ako ng mapait at napatingin sa tiyan ko.

Im sorry dahil hindi ko magawang magdiwang sa pagdating mo sa buhay ko. Hindi ko maipa-pangako na maibibigay ko ang lahat sa iyo. Hindi dahil hindi ko rin alam kung kaya ba kitang tanggapin ng buo. Im sorry. Alam kong wala kang kasalanan pero mali e. Mali na nabuo ka.

"Hey, Roann. Are you ok? Bakit ang tahimik mo anak? Nasaan ka ba at papa-puntahan kita kay Vanz." May pag-aalalang boses ni daddy ang nakapag pabalik sa akin sa tamang wisyo. Agad akong nagpunas ng pisngi at huminga ng malalim bago nagsalita.

"Lumabas lang po ako para magpahangin. Dad, malaki na po ako. I can handle myself so you don't have to check me out every minute ok."

"Anak naman, nag-aalala lang ako sa iyo. Iniisip ko kasing baka masama ang loob mo. You know, I love you and I always want the best for you."

Ramdam ko ang sensiridad sa boses ni daddy. Alam ko namang sa lahat ng desisyon niya ay ako ang inaalala niya. Ito lang siguro ang masasabi kong swerte sa buhay ko. Ang pagkakaroon ng mapagmahal na ama.

"Dad, alam ko naman pong iniisip nyo lang ang makabubuti sa akin e. Im not mad at all. I'm fine with it. Medyo naninibago lang but I'm ok. So don't worry. Huh?"

"Yeah, stay strong baby girl. Mahal na mahal ka ni daddy."

"I know. I love you too dad. I always will." Huling sabi ko sabay pindot na sa end button.

Muli kong pinagtuunan ng pansin ang malawak na karagatan kasabay ng panalangin na sana maging maayos din ang lahat.

---

LIMANG araw ang mabilis na lumipas. Tumawag na si daddy at sinabi niyang nakaayos na ang mga papeles ko kaya naman maaari na akong umalis sa Quinn's Paradise Hotel para lumuwas ng Maynila. Pero bago tuluyang umalis sa lugar na iyon ay naisipan ko munang magtungo sa isang tiange upang bumili ng ilang mga souvenirs. Kahit papaano kasi ay gusto ko ring maalala na minsan ay nanatili ako sa maganda beach resort na ito.

Ano ba ang malay ko kung ito na pala ang magiging huli kong punta dito.

"Hey, hindi ba iyon yung kapatid ni Vanz na buntis daw?"

Habang namimili ay awtomatik akong napatigil ng marinig ang pangalan ng kapatid ko na binanggit ng isang babae. Nang lingunin ko ito ay agad ko naman siyang namukhaan. Isa nga siya sa kaibigan ng kapatid ko. May kasama siyang dalawa pang kasing-edad niya. Halata namang pinag-uusapan nila ako dahil sa paulit ulit nilang pagsulyap sa akin.

Alam na nila ang pagbubuntis ko. Paniguradong si Vanz ang nagsabi sa kanila.

Bakit iyon ginawa ni Vanz? Ang usapan ay ili-lihim iyon ng pamilya.

Natawa ako ng mapait ng pumasok sa isip ko ang salitang pamilya. Kahit kailan naman kasi ay hindi ako itinuring na ka-pamilya ni Vanz kaya ano pa nga ba ang aasahan ko mula sa kaniya?

Napa-buntong hininga nalang ako at sinimulan ko ng maglakad. Iiwas nalang sana ako para wala ng gulo at komprontasyon pero huli na ang lahat dahil nagawa na akong harangin ng mga kaibigan ni Vanz. Pinalibutan nila ako. Para silang mga high school students na nakahanap na ng bu-bullyhin. I feel a little awkward. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko pero mas pinili kong maging kalmado.

"Oh, bakit aalis ka na?" Mataray na tanong ng isa.

Muli akong bumuntong hininga. Wala naman akong atraso sa kanila kaya hindi ko na kailangan pang makipag-usap sa kanila. Lalampasan ko sana ang humarang sa akin pero muli ako nitong hinarangan. Doon ay nag-angat na ako ng tingin at bahagyang nagtaas ng boses.

"Ano bang problema ninyo?"

Sabay sabay na nagtawanan ang tatlo. Para talaga silang mga bully. Gustong gusto ko sana silang pakitaan pero iniisip ko rin ang kalagayan ko. Kahit naman kasi ayoko sa batang nasa sinapupunan ko ay hindi ko ito dapat na basta nalang hayaang mawala. Dapat ko parin itong protektahan dahil anak ko ito.

"Aba, nagma-matapang."

"Sandali nga, sino ba ang pinagmamalaki mo ha? Ang tatay ng dinadala mo? Like duh, nasaan ba siya ngayon ha? E hindi ba nga, hindi ka niya kayang panagutan?"

Sabay sabay silang nagtawanan. Unti unti na kaming pinalilibutan ng mga tao kaya naman nakakaramdam na ako ng pagka-pahiya. Sa totoo lang, kung hindi lang ako buntis ngayon ay baka kanina pa ako nakipag-sabunutan sa kanila. Pero dahil nga sa kalagayan ko ay kailangan ko pang habaan ang aking pasensya.

Imbes na makipagtalo pa ay tumalikod nalang ako sa tatlo. Pero hindi pa ako nakakahakbang ng bigla akong hilahin ng isa sa kanila. Sa lakas ng pagkakahila niya sa akin ay na wala ako sa balanse at agad na napaupo sa buhanginan.

Lalo pang lumakas ang bulungan sa paligid namin. Napapikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa sa akin. Ayoko sanang isipin pero hindi naman sila kikilos kung walang nag-utos sa kanila.

Hindi ko inakala na aabot sa ganito si Vanz.

Siguro ito talaga ang nakapag-papasaya sa kaniya. Ang maipahiya ako sa buong mundo. Ang ipangalandakan na isa akong dis-grasyada. Na wala akong kwenta.

Sa dami ng tumatakbo sa isip ko ay di ko namalayan na bigla na pala akong naluha. May ilang butil ng tubig na nagmumula sa aking mata ang dumaloy sa aking pisngi. Ang sama sama na nga ng loob ko sa mga dinadanas ko ngayon e dadagdagan pa nila.

Pakiramdam ko tuloy napakamalas ng buhay ko. Iyon kasing katahimikan na hinahangad ko ay hindi ko makuha.

Hanggang kailan ba ako magkakaganito? Gusto ko lang namang maging masaya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 15: Abuela

    "Welcome back master Oliver." Bungad sa amin ng isang lalaki na sa tantiya ko ay halos ka-edad ko lang. Nagbigay galang ito kay Oliver, pagkatapos ay nakangiti itong humarap sa akin. "Magandang araw po senyorita." Anito.Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Tila nahihiya naman siyang muling humarap kay Oliver at may kung anong binulong dito. Pagkatapos ay nagtawanan silang dalawa na para bang nang-aasar.Sige! Teritoryo mo ito e. Malamang talaga makahanap ka ng kakampi dito."Ako na po ang bahala sa yate ninyo master. Mauna na po kayo sa mansion at kanina pa kayo iniintay ng iynong abuela." Sabi pa ng lalaki at inabot na nito ang isang susi kay Oliver na agad naman niyang kinuha. Tapos ay lumakad na siya ng walang pasabi.Parang walang kasama eh no? Hindi man lang ako sinabihan na

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 14: Casa Gonzaga

    "Roann." Muling tawag ni Oliver sa pangalan ko. This time ay nag-angat na ako ng ulo at tumigil sa pagkain para tingnan siya.Parang nag-aalinlangan pa siyang ngumiti ng titigan ko siya. Pero agad din namang napalis ang ngiti sa labi niya ng tinaasan ko siya ng kilay at simangutan.Ano? Akala mo kakausapin na kita? Huh? Bakit? Asa kang bakla ka!Muli akong nagbaba ng tingin at bumalik sa pagkain ng walang anumang sinasabi. Gusto ko lang kasing iparamdam kay Oliver ang pagka dis-gusto ko sa kaniya. Sana talaga ay tigilan na niya ang kakakulit niya sa akin dahil mas lalo lang akong na aasar sa kaniya.Ano? Manhid ba siya? Talagang ipag-pipilitan niya ang sarili niya sa akin? Puwes, wala siyang mapapala. Dahil kahit pagiging kaibigan ay hindi ko kayang ibigay sa kaniya.Baklang manyak

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 13: Cursing

    ROANN'S POV:Matagal ding nawala si Oliver. Nang bumalik siya sa kinaroroonan ko ay basang basa ang damit niya. Para siyang basang sisiw.Tsk. May gana pang maligo ang loko."Babalik na tayo." Ani Oliver. Bigla niyang pinihit ang manibela ng barko. Nang bitawan niya ito ay marahan siyang lumapit sa akin at ngumiti ng pilit. "Im sorry." Mahina niyang usal.Sa wakas ay tinanggal niya na ang tali sa kamay at paa ko. Nang mapakawalan na niya ako ay lumabas na siya ng engine room. Sinundan ko siya ng tingin. Pumasok siya sa loob ng yate at iniwan akong nag-iisa.Ano kaya ang pumasok sa isip niya at bigla siyang nag desisyon na bumalik na?Anyway, wala na akong pakialam pa doon. Ang mahalaga ay babalik na kami. Iyon naman talaga ang gusto ko e.Habang nakatingin parin sa pinasukan na pinto ni Oliver ay biglang tumunog

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 12: Starting To Become A Monster

    "Hindi mo gagawin yan." May pagbabanta kong sabi.Ngumisi lang siya. Sinimulan niyang pagapangin ang kamay niya sa pisngi ko. Padabog akong umiwas ng tingin. Nang alisin niya ang kamay niya sa pisngi ko ay tsaka ako muling humarap sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya."Try me." Tila nang-aakit niyang hamon.Masuyo niyang hinaplos ang buhok ko. Napapikit na ako. Hindi ko matanggap ang katotohanan na wala akong magawa para pigilan siya sa plano niya. Gusto ko ng umiyak. I am nervous and shaking. Ang kaninang patuloy kong pagmamatigas ay napalitan na ng matinding pag-aalala. I feel so useless. Gusto kong lumaban at umiwas pero wala akong magawa. Hindi ko kaya dahil sa lubid na pumipigil sa akin.Hinawakan ni Oliver ang baba ko. Pinilit niyang iangat ang ulo ko. Dahil nakapikit ako ay hindi ko nakikita ang mukha niya. Ayoko rin namang makita iyon e. Dahil hindi ko siya kayang tingnan. H

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 11: Tied Up

    "I make you fall in love with me. I promise. We will be happy." Nang tuluyang mag sink in sa utak ko ang binitiwang salita ni Oliver ay pairap ko siyang tinawanan."You what? Make me fall in love with you? Are you drugs? Ilang kwento na ba ang nabasa mo na nagsisimula sa once upon a time, ha? Hindi mo ba nakikita? This is a real world Oliver. A real life. Hindi ito kagaya ng mga pinapantasya mong kwento. Here, there is no prince charming. Wala rin ditong knight in shining armor na palagi darating para protektahan ka. So stop pretending like we were on a fairy tale. Stop acting like you are here to rescue me. I am not your Cinderella and I don't want to be." Mariin kong pagpapa-intindi sa kaniya.Bumuga ako ng hangin. I feel so exhausted. Talagang iniis-str

  • Ollie The Virgin Gay    Chapter 10: Make Y*u Fall In Love

    ? My broken pieces youpick them updon't leave me hanging hangingcome give me someWhen I'm without youI'm so insecure you are the one thing one thing I'm living forI don't wanna be needing your love I just wanna be deep in your loveand it's killing me when your away ohh baby I just really don't carewhere you areI just wanna be there where you are and gonna got one little taste ?Nagising ako sa musikang pumapailanlang sa kapaligiran. Medyo masakit pa ang ulo ko pero, nagawa ko ng makapag dilat ng mata. Sa una'y puro liwanag lang at kulay puti ang nakikita ko ngunit ng tumagal ay isa isa ko ng nakikita ng malinaw ang mga nasa paligid. Sinubukan k

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status