LOGINMally
Hindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.
Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.
Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.
I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?
Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang naging dahilan kung bakit ko sila naging kaibigan. Basta isang araw nagising na lang ako na sanay na akong kasama sila, iyong hindi ako kompleto kapag wala sila.
"Si Mally naiinlove na naman sa atin!" Biro ni Jeya at kinurot ako sa braso.
Tinutukan ko lang siya ng hawak kong tinidor kaya umusog ito palayo sa akin.
"Wala naman masama kung aamin ka rin minsan na mahal mo kami eh." Ngumisi ako sa sinabi niya.
"Hindi niyo ba alam?"
"Na?" Sabay nilang sagot sa akin.
"Mahal ko kayong dalawa—"
"Ayieee!"
"Sabi na nga ba eh!" Nag pogi pose pa si Jeya.
"Hindi pa ako tapos! Mahal ko kayong dalawa—"
"Alam naman namin."
"Oo nga matagal na."
Sinamaan ko silang dalawa kaya tinikom nilang dalawa ang bibig.
"Mahal ko kayong dalawa patayin at itapon sa ilog na nakasako at hayaan lumutang sa tubig habang walang buhay. Bet niyo?"
Napayakap silang dalawa sa isa't-isa at sabay na umiling.
"Napakabrutal mo naman, girl!"
"Huwag naman ganyan!"
"Kung hindi kayo titigil, gagawin ko talaga iyon!" Sabay na umalis sila sa upuan nila at nagtago sa likod ni nanay.
"Mama/Tita oh!" Tumawa lang si nanay dahil doon.
"Mamaya na kayo mag-asaran. Ubusin na muna niyo ang pagkain." Bumalik naman na sila pero lumayo na ng upuan si Jeya sa akin.
Inirapan ko na lang ito at pinagpatuloy ang kinakain ko.
"Wala pa ba kayong balak umuwi?!" Singhal ko sa dalawa na ngayon ay parehas na nakadapa sa higaan ko.
"Mamaya na!"
"Hoy! Alas dyis na! May pasok pa bukas!" Hindi nila pinansin ang sinabi ko kaya dinambahan ko silang dalawa at inagaw ang parehas nilang cellphone.
"Tsk! Tsk!"
"Hindi mo naman kasi sinabi na nagseselos ka pala kasi na kay Harkin ang atensyon namin." Napaismid na lang ako at binato parehas ang cellphone nila.
"Stalker!"
"Magandang stalker!/Cute na stalker!"
"Stalker lang!" Giit ko. Parehas lamang silang umirap at binalik ang tingin sa cellphone.
"Ang kapal ng mukha niyo! Hindi kayo ang nagbabayad ng bill ng wifi! Lumayas na nga kayo!" Tinulak ko silang pareho kaya malakas na lagapak ang narinig sa buong silid ko.
Dalawang may laman ba naman ang mahulog eh!
Biglang bumukas ang pinto at niluwa doon si tatay. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Nang makita niya na nakadapa ako at nakatingin sa kaniya. Tinignan niya ang dalawa na kasalukuyan din na nakatingin sa kaniya.
Naging malamig ang expression nito bago binalik ang tingin sa akin.
"Huwag kayo masyado makasat." Napatango ako hindi sa oras at ganoon din ang ginawa ng dalawa.
Sinara na niya ang pinto at sabay-sabay na napabuntong-hininga kaming tatlo.
"Ang hirap huminga! Whoa!" Hinawakan nito ang parte ng dibdib at huminga pa ng isang beses.
"Sobrang scary niya talaga, Mally." Sumimangot ito sa akin kaya ngumiti na lang ako ng alanganin.
"Hayaan niyo na."
"Bakit kanina wala siya?"
"Kakauwi lang siguro." Tumango-tango naman sila.
"Buti na lang."
"Ay oo nga pala! Sino iyong binanggit mo kanina, Jeya? Harkin?"
"Eh? Iyong bago nating kaklase, girl."
"Ah? Harkin pala ang pangalan niya." Bakit tunog wilkins? Argh! Napaka mapanlait, Mally!
"Oh diba? Ang gwapo ng pangalan? Pati siya syempre! Sabi ko sayo magugustuhan mo iyon eh!" Biglang hampas sa akin ni Dey. Napahawak na lang ako sa parte na hinampas nito.
Magugustuhan? Gwapo ng pangalan? Eh, tunog wilkins nga eh!
Napakamot na lang ako ng ulo at umiling.
"Ay? Hindi mo bet ang mukha?" Nanghihinayang na sambit niya.
"Duh! Parang hindi mo pa kilala iyang si Mally! Hindi naman nagkakagusto iyan eh! Iyong totoo 'te? May puso ka ba?"
"Meron naman." Maikling sagot ko.
Manhid nga lang.
Mapait na lang ako ngumiti at bumuntong-hininga.
"Ay!" Parang may umilaw sa ulo ni Dey. "May natatandaan ako na gusto niya!"
Kunot-noo ko itong tinignan.
"Sino?" Curious na tanong ni Jeya sa kaniya.
"Hala ka! Hindi mo na ba tanda?"
Parang bigla rin may naalala si Jeya at ngumisi ng malaki.
"Oo nga 'no? Bakit ko iyon nakalimutan? Sabagay, nakalimutan na rin naman ata siya ni Mally eh." Nalilito ko silang tinignan kaya sabay nila akong binatukan.
"Aray ko naman!" Napasimangot na lang ako sa ginawa nilang dalawa.
Pwede naman kasing isa lang ang mambatok! Bakit kailagan sabay pa? Hmp!
"Sabi sayo eh! Hindi niya na tanda ang kababata niya!" Sabay na tumawa ang dalawa na para bang nakakatawa para sakanila ang bagay na nakalimot ako.
Seriously? Kaibigan ko ba talaga ang mga ito?
"Si Ark, bebe girl! Hindi mo na tanda 'no? Naku! Ang bata bata mo pa tapos hindi mo manlang siya magawang matandaan. Mag memory plus gold ka na nga! Sabagay, kung nakaraan na nga naman bakit hindi na lang kalimutan? Wala na rin naman ata balak bumalik ang childhood sweetheart mo eh!"
Siraulo talaga.
"Hindi ba pwedeng nakalimutan lang dahil sa mga nangyayari? Hindi mo kailangan humugot dyan! Tanda ko na ngayon, salamat sa paalala. Tsk!" Nanunuya kong sabi.
"Sus! Sige na nga. Nakaligtas ka ngayon pero sa susunod hindi na!" Nakipag-apir pa ito sa katabi.
"Umuwi na nga kayo!"
"Oo na! Pinapalayas mo na naman kami. Nakalimutan mo lang si Ark, bebe boy eh!" Inirapan ko lang ito at hinatak sila parehas ni Dey.
"Hindi niya matanggap na nakalimutan niya raw si Ark, the kid! Kaya tayo pinapalayas." Segunda ni Dey sa pang-aasar ni Jeya sa akin.
"Tantanan niyo akong dalawa! Baka nakakalimutan niyo na may pasok pa bukas? Mahirap pa naman kayo gisingin! Hala! Uwi! Uwi!" Taboy ko sakanilang dalawa.
Tumawa lang sila ng makalabas at nagpaalam kay nanay at tatay.
"Bye my Mally girl."
"See you!"
"Okay. Ingat kayo!" Hinalikan lang nila ang pisngi ko at tuluyan ng umuwi.
Pagkauwi nila ay dumiretso na rin ako sa kwarto ko.
Ark.
Naramdaman ko na lamang ang pagkurba ng aking labi nang maalala ang pangalan na iyon
"Hoy! Bakit niyo inaaway si Ark!" Sigaw ng anim na taong gulang na si Mally.
"Hoy ka rin liit! Umalis ka nga diyan!" Tinulak siya ng batang kaaway ni Ark.
Dahil sa ginawa nito masama ang binigay niyang tingin sa bata at saka tumakbo palapit dito at kinagat ang kamay.
"Ahhhhh!" Hiyaw ng bata. Umiiyak na rin ito kaya tumayo na si Ark sa pagkaka-upo at pilit rin siya pinipigilan.
"Tama na, Mally! Madumi ang kaniyang kamay. Bahala ka may germs ka na rin!" Ayaw ng batang Mally ang salitang germs noon feeling niya kasi maaga siyang mamamatay kapag mayroon siyang germs.
Binitawan na niya ito pero sinipa niya muna ng isang beses ang bata bago tinalikuran ang mga ito.
"Hmp!"
Tinapunan muna ng tingin ni Ark ang batang kaninang umaaway sa kaniya at sumunod na lang sa umalis na kaibigan.
Masyado pala akong brutal noon. Napapailing na pinikit ko na lang ang mata ko.
—🌸
Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?
Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa
MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?
MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m
MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag
MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi