Share

Fourteen

Penulis: Ceres
last update Tanggal publikasi: 2020-08-25 20:15:20

Mally

"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay.

"8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.

Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon.

"Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.

Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko.

"Po?"

"Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi.

"Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sabihin iyon. Nakayuko lamang ako, iniiwasan na tignan siya.

"Hayaan? At ano?! Hayaan kong magaya sa iyo?! Mabuntis ng maaga, ganoon ba?!" Sigaw ni tatay kaya napaatras ako agad at napatingin sa kaniya.

Galit na galit ang itsura nito. Kinuha na lamang niya ang remote at pinatay ang tv. Padabog niyang nilisan ang sala at pumunta sa kanilang silid.

"Hayaan mo na si Andy, anak. Huwag mo na lamang siya pakinggan." Maikling ngiti ang pinakita nito. Bakas sa mukha niya ang lungkot sa mga sinabi ni tatay. Niyakap ko na lamang ito bago pumanhik sa kwarto.

Hay!

Jeya Aclado

Active now

Girl? Pinagalitan ako ni tatay. Baka hindi na tayo makakagala pa.

Seen

Imbes na magreply siya sa message ko ay tumawag ito.

"Nangangamoy umuusok na toro at sunog na manok ah?"

Kita mo 'to! Nakuha pang magbiro. I rolled my eyes on what she said.

"Tungaw! Seryoso kasi! Hindi na tayo makakagala pa—"

"Kailan ka ba sumunod?"

Ay putcha!

"Baka ngayon lang," sarcastic kong sabi sa kaniya. "Alam mo naman na iba na sitwasyon namin ngayon eh."

"Oh tapos?"

"Argh! Ewan ko sa'yo! Dapat si Dey na lang pala ang tinawagan ko! Wala kang kwenta kausap!"

"Aray, girl ha? Super hard! Galit na galit?" Nagawa niya pa tumawa sa kabilang linya kaya pinatay ko ang tawag niya.

Maya-maya tumawag muli ito.

"Oh, ano na naman? Mang-aasar ka?"

"Ikaw naman! Masyado kang highblood," she laugh hard hanggang sa malagutan siya ng hininga at ayon see you sa kaniyang burol. "Girl, huwag mo muna ako patayin! Sakalin kita eh! Rinig na rinig ko ang inner thoughts mo eh! Easy ka lang. Ganito na lang, huwag na muna tayo gagala ng mga ilang araw tapos go na ulit."

"Nice! Galing talaga ng utak mo," nakasimangot kong saad. Kahit hindi niya ito nakikita pakiramdam ko ay alam niya ang itsura ko ngayon dahil muli siyang tumawa.

"Oh, bakit? Ayaw mo ba ng idea ko? Kaysa si Dey ang tanungin mo eh, mas walang kwenta iyon kausap." Napatango ako ng ilang beses na akala mo ay kaharap ko lang siya.

"Oh, whatever! Bukas na lang natin pag-usapan. Tulog na ako, goodnight!" I end the call without hearing her saying anything. Tiyak kong magagalit iyon sa akin bukas. Bahala siya.

"Mally! Paano na iyan? No more gala na tayo nito!" Pagdradrama sa akin ni Dey nang makarating ako sa iskwelahan.

Hindi ko sinagot ang sinabi niya. Iba ang napuna ko dito, "Himala! Ang aga mo!"

Napasimangot naman siya at binatukan ako. Bakit ba ang hilig nila mambatok? Nakakainis na eh? Napanguso na lang ako at hinimas ang parte na binatukan nito.

"Ano ng plano?" Bumuntong-hininga muna ako bago siya sinagot.

"Edi ayon nga, no more gala's muna tayo."

"Ah! Ayoko nito," sabay dukdok ni Dey sa lamesa. Napailing na lang ako at hinayaan siya magdrama.

"Hoy! Gala tayo mamaya!" Agarang aya ni Jeya pagkapasok pa lang sa pintuan.

"Ha ha ha, funny!" Napairap ako dahil sa inasal nito.

"Ops! Hindi ka kasama siyempre!" Ngumiti ito ng nakakaloko kaya tumayo ako upang habulin ito.

"Bwesit ka talaga kahit kailan, Jeya! Madapa ka sana!"

Humarap lang siya sa akin at dumila. Hindi niya napansin ang babaeng sasalubong sa kaniya kaya pagkaharap niya ay siyang pagbunggo nito sa babae at parehas silang natumba.

OH MY GOD! Muntik pa silang magkiss! Ang dami kong tawa nang makita kong agad-agad na nilayo ni Jeya ang mukha niya sa nakabungguan.

Sinenyasan ko rin si Dey na lumabas para makita ang nangyari kaya dalawa na kami ngayon ang tumatawa.

Nang makatayo ito ay para siyang tinakasan ng kaluluwa sa naging itsura niya. Ngunit pilit niyang hinarap ang nakabungguan at nagsorry.

Nahihiyang tumango lang din sa kaniya ang babae at tumakbo sa gawi namin. Oh? Sa kabilang section pala siya.

"Nice! Matalino ang nabingwit mo. Tomboy ka na pala ngayon?" Nang-aasar na sabi ni Dey sa kaniya. Nakasimangot itong lumakad papasok sa room at hindi pinansin ang sinabi ni Dey.

Nagkatinginan kaming dalawa at umiling na lang sabay nag appear.

"1 point for Mally!" Natatawa kong sabi nang madaanan ko ang upuan niya.

Ngunit tila hindi parin ito nakakalimot sa nangyari dahil tulala pa rin ito.

Oh no!

I thought hindi niya makalimutan ang nangyari sa kaniya! May binabalak pala siyang masama. Hindi ko napansin ang naka stretch nitong paa dahil busy ako sa pang-aasar sa kaniya. Ang ending ko ay napatid ako at maglalanding ako!

No way!

"Woah!" Sigawan ng mga kaklase ko nang masubsob ang mukha ko sa isang matipunong katawan.

Agad kong inangat ang tingin ko at nang makita ko kung sino ito ay mabilis kong nilayo ang sarili at tinago ang dalawang kamay sa likod ko.

"Okay ka lang?" May pag-aalala sa tono ng pagtatanong nito. Tumango na lang ako bilang tugon at nahihiyang niyuko ang ulo at tumalikod.

"Oy! Hindi ka manlang ba magpapasalamat, Mally?" Malakas na sabi ni Jeya. Ah? More like sigaw. Bwesit na babaeng ito!

Umikot ako paharap at sinamaan siya ng tingin bago tinignan ang siyang nasa harapan ko pa rin.

Maliit na ngiti ang binigay ko dito at, "thank you!" Ngumiti lang siya at marahan na tumango.

Nanatili lamang ang tingin ko dito at ganoon din siya kung hindi lang may sumundot ng tagiliran ko, kung saan may kiliti ako ay hindi pa maaalis ang tingin ko dito.

"Ay!" Tanging nasambit ko at sinamaan ang taong walang habas na gumawa niyon.

"Forever na this!" Imbes na matakot sa tingin ko ay nagawa pang mang-asar ni Jomar.

Argh! Walang hiya ka ring bakla ka! Babatukan ko na sana siya nang tumakbo ito bigla kaya ang ginawa ko na lang ay lumingon ulit saglit sa harap at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa upuan ko.

—🌸

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • One Sinful Night   Fifteen

    Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?

  • One Sinful Night   Fourteen

    Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa

  • One Sinful Night   Thirteen

    MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?

  • One Sinful Night   Twelve

    MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m

  • One Sinful Night   Eleven

    MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag

  • One Sinful Night   Ten

    MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status