LOGINSi Mally ay nag iisang anak lamang ngunit imbes na maging masaya naging salungat ang takbo ng kaniyang buhay. Minsan na niyang tinanong ang panginoon kung bakit nararanasan niya ang ganitong pangyayari sa kaniyang buhay. Nakakapagod, nakakasawa pero wala siyang magawa kung hindi panuorin ang dalawang mahal niya sa buhay na magsigawan. Minsan dinadaan na lamang niya sa pagsulat ng tula ang kaniyang nararamdaman na lungkot. Ngunit sapat na ba ito para maibsan ang kaniyang sakit na nararamdaman? May dalawa itong kaibigan na nagngangalang Jeya at Dey. Sobrang malapit sila sa isa't isa kaya ayaw nilang nakikitang nahihirapan ang bawat isa. Handa silang pangitiin at patawanin ang kanilang mga kaibigan. Subalit sapat na ba ito para manatili siya? Hanggang sa dumating ang lalaki na siyang magpapasaya sa kaniya ng husto, walang makakapagsabi kung gaano siya kasaya noong dumating ito pero ang lahat ng iyon at nawala na parang bula dahil sa isang pangyayari. Basahin ang istorya sa likod ng buhay ni Mally.
View MoreWhat will you do kung paulit-ulit na lang nangyayari sa buhay mo ang isang bagay?
Nakakarindi. Nakakasawa pero wala kang magawa kung hindi pakinggan at panuorin ang nangyayari sa inyo.
Minsan tatanungin mo na lang sarili mo 'Do I deserve this kind of pain? Bakit tila paulit-ulit at walang katapusan?'
Nakakapagod hindi ba?
Pero anong magagawa ng isang batang kagaya mo?
Lalo na kung ang tingin sayo ay isang mahina at walang lakas para lumaban?
Matatapos kaya ang lahat ng ito?
O tatapusin mo na lang ang buhay mo para sigurado ka ng tapos ang problema mo?
—
Welcome to the life of Mally. Hoping you won't get tired reading this story and please support me. Thank you and godbless!
Plagiarism is a crime.
_🌸
Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?
Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa
MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?
MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m