FAZER LOGINMally
"Saan ka na naman galing?!"
Natigilan ako sa ginagawa kong pagsulat dahil sa biglaang pagsigaw ng aking ama.
Jusmiyo! Ito na naman siya.
Hindi ko na lang pinansin ang pag-aaway nila pero rinig na rinig ko kung anong pinag-uusapan nila.
Lalaki.
Mapait na ngumiti na lang ako at niligpit ang notebook na siyang sinusulatan ko.
Nakakawalang-gana kung palagi na lang sila ganyan.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinaksak ang earphone tyaka sinalpak sa tainga ko. Bahala sila magsapakan. Ginusto naman nila iyan eh. Hintayin ko na lang na mapagod silang dalawa magsigawan.
Kinabukasan paggising ko namamagang mata ni nanay ang nakita ko nang makita niya ako ay ngumiti ito sa akin kahit na may sugat ang gilid ng labi nya.
Imbes na ngumiti pabalik nanatili sa seryoso ang mukha ko at kinuha ang twalya para maligo.
Kung kailan malaki na ako doon pa sila nagsimula mag-away.
Sabagay, kaya ko naman na sarili ko kaya pwede na nilang gawin ang gusto nila.
Walang lingon lingon ay mabilis kong nilisan ang aming tahanan.
"Oy, Mally!" Malawak na ngiti ang binigay ko dito at nagsimula ng makipag-usap.
Hindi ko alam kung bakit mas gusto ko pang manatili sa iskwelahan kaysa sa bahay.
Hindi ko alam kung bakit nagagawa kong ngumiti sa labas pero pagdating sa loob ng bahay para akong tinakasan ng kasiyahan.
Hindi ko alam kung bakit nakakaya kong makipagtawanan sa labas pero sa loob ng bahay wala man lang akong mabiro.
Sa labas ng bahay nakakapagsabi ako ng problema pero pagdating sa loob mas gugustuhin ko na lamang manahimik at magmukmok sa gilid.
Hanggang kailan mananatili sa ganito ang buhay ko?
Mas gugustuhin ko pang saktan ako ng mga tinuturing kong kaibigan kaysa sa totoo kong pamilya.
Ngunit parang mas nagiging tunay ko pang pamilya ang nasa labas ng tahanan namin kaysa dito sa loob.
Walang buhay akong umuwi sa amin. Tulad ng dati walang tao ulit akong nadatnan.
May madadatnan ba ako kung parehas silang busy sa trabaho?
Buhay nga naman!
Dumiretso ako sa kwarto at doon sumalampak. Nilabas ko ang notebook ko at muling nagsulat.
"Anak?"
Gustuhin ko man na huwag na lamang sumagot kaso hindi pwede.
"Po?"
"Kakain na, halika na."
Tinignan ko ang oras at alas syete na pala ng gabi. Gaano ako katagal tumitig sa papel at inabot ako ng ganitong oras na walang nabubuo kahit na anong salita?
Inis kong sinabunutan ang sarili ko at napagpasyahan na lumabas na lang.
Sa harap ng kainan tahimik kaming tatlo na kumakain. Walang nagsasalita at ang tangi mo lamang maririnig ay ang tunog ng kubyertos.
Pasalit-salit ang tingin ko sakanilang dalawa. Si nanay na panay ang lingon kay tatay at si tatay naman na diretso lamang ang tingin sa kaniyang plato. Nang makita ni nanay na nakatingin ako sa kaniya binigyan lamang niya ako ng maikling ngiti at binalik ang tingin sa kinakain.
Ako ang unang natapos kaya hinintay ko pa silang matapos para hugasan ang pinagkainan. Habang naghuhugas ay rinig ko na naman mula dito ang kanilang pinag-aawayan.
"Hindi ba sinabi ko na sayo na magresign ka na diyan!"
"Ano na naman bang hinihimutok mo diyan?! Tigilan mo na nga ito! Puro na lang ganito. Away! Away!"
"Hindi ako titigil hangga't nandito ka!"
"Edi lumayas ka!"
"Ikaw ang lumayas!"
"Wow! Bakit ikaw lang ba ang nagpatayo ng bahay na ito?!"
"Wala akong pakialam! Ang gusto ko lumayas ka!"
"Edi lalayas!"
"Sige! Sumama ka na sa lalaki mo! Total, mas gusto mo pa yata kasama iyon kaysa sa amin na pamilya mo!"
Ilang minuto akong walang narinig na salita hanggang sa sumagot ulit si nanay.
"Bukas! Makikita mo!"
Layas na naman ngayon? Ilang beses ko bang narinig ang salita na iyan pero nandito pa rin siya kaya hanggang ngayon ay nag-aaway pa rin sila? Bumuntong-hininga na lamang ako at pinunasan ang aking kamay.
Matapos kong hugasan ang lahat ng pinagkainan namin dumiretso ako sa pinto palabas—malayo sakanila.
Akala ko makikinig sila sa akin bilang anak nila pero hindi. Parehas silang ma-pride. Walang sumusuko. Walang tumitigil hangga't walang namamatay.
May pagkakataon pa ba na maaayos muli ang pagsasama nilang dalawa? O umaasa lang talaga ako na magiging masaya pa rin kami ulit tulad ng dati?
Tahimik kong tinahak ang pinakamalapit na dagat sa amin at doon tahimik na umiyak.
Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na yumayakap sa aking katawan na parang sinasabi na maaayos din ang lahat.
"Mally, umiiyak ka na naman." mapait akong ngumiti nang marinig ko ang boses ng aking kaibigan.
Bakit sa tuwing gusto kong mapag-isa nandyan siya para samahan ako?
Wala siyang narinig na sagot sa akin. Naramdaman ko na lamang na umupo ito sa tabi ko at niyakap ako.
"Please don't cry." Dahil sa sinabi nito ay tuluyang lumakas ang iyak ko at yumakap sa kaniya pabalik.
"Shh. Everything will be alright. Nandito lang ako. Hinding-hindi kita iiwan," pang-aalo niya.
Ngunit magiging okay nga ba ang lahat? Kung oo, kailan pa? Bakit hindi ngayon? Pasuko na ako oh!
"Are you okay?" May pag-aalala sa tono ng kaniyang pagtatanong nang medyo tumahan na ako. Tumango na lamang ako bilang sagot. Gustuhin ko man na magsalita ngunit tila ayaw bumuka ng bibig ko.
Pagkarating sa harap ng bahay nadatnan ko ang tahimik at parang walang away na naganap.
Pumanhik ako sa sarili kong kwarto at kinuha ang cellphone.
Mensahe agad ng kaibigan ko ang bumungad ng buksan ko ang aking facebook.
"Kahit sinabi mo sa akin na okay ka na hindi pa rin ako naniniwala pero hinding-hindi ako magsasawa na damayan ka dahil kaibigan kita at mahal kita. Laban lang, Mally. Malalampasan mo rin iyan. Huwag mong kakalimutan na nandito lang kaming mga kaibigan mo para samahan ka. Masaya man o malungkot. Nandito kami para sayo."
Sana nga kaya ko pa. Nang mabasa ko ang mensahe niya may kunting saya akong naramdaman. Napakaswerte ko na lamang dahil nagkaroon ako ng kaibigan na hinding-hindi ako susukuan kahit ganito ako.
"Maraming salamat saiyo, Jeya."
Matapos kong mag reply ay pinatay ko ang aking cellphone.
Ano man ang mangyari alam kong hinding-hindi ako pababayaan ni Lord. Magtitiwala ako sa kaniya.
—🌸
Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?
Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa
MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?
MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m
MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag
MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi