Share

Thirteen

Author: Ceres
last update publish date: 2020-08-12 12:47:10

Mally

Binagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.

Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.

Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!

Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.

Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!

Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?

Edi siya na ang maputi!

Hindi ko sinasadya na mapindot ang add friend button at dahil sa gulat nataranta akong alisin iyon pero tila mas mabilis pa siya kay darna dahil na-accepted niya na ito kaagad.

Jumisyo, Mally!

Natampal ko na lang ang sariling noo at nagback na lang.

Scroll lang ako ng scroll ng biglang nag pop-up ang messenger.

Harkin Hernandez

Active now

Hi!

Hala? Bakit nag-chat ito? Sineen ko lamang ang kaniyang mensahe at nag out.

"Hoy! Wala raw si ma'am ngayon!" Masayang sabi ni Jeya na akala mo ay nanalo sa lotto.

"Wala lang. Makakatulog ka na ulit!" Pang-aasar niya. Inirapan ko lang ito at tumingin sa hawak kong cellphone at naglaro.

Maingay at magulo ang klase. Wala namang bago! Hindi ko na lang sila pinagtuonan ng pansin at seryoso lang na naglalaro nang biglang may sumigaw ng—

"GOODMORNING MA'AM!"

Umangat ang tingin ko at tinignan ang harap nang walang makitang teacher ay nilingon ko ang kasalukuyang tumatawa ng malakas.

Jomar!

May iba na binatukan siya at sinabihan ng epal.

"Kulang kasi sa aruga!" Biglang sambit ni Dey. Inis na inis ang mukha nito dahil kasama siya sa mga nauto. Napatayo pa ito ng hindi sa oras.

"Easy ka lang," Pagpapakalma ni Jeya sa kaniya pero maya-maya rin ay tumawa ito.

"Uto-uto ka kasi!" At tumawa pa lalo. Inis siyang tinignan ni Dey at sinipa ang upuan nito. Dahil hindi maayos ang pagkakaupo ni Jeya at bumagsak ang upuan kasama siya.

"Ay tanga!"

Natawa na lang ako sakanila.

"Epal Dey!"

"Pampam Jeya!"

"Pangit Mally!/Utot Mally!"

Narinig ko ang pangalan ko kaya nilingon ko sila at tinaasan ng kilay.

"At bakit na naman ako nadamay?"

Nagturuan lang silang dalawa kaya hinayaan ko na at binalik ang tingin sa nilalaro.

"Mally, laro tayo!" Nilapag ko muna ang cellphone ko at tinignan sila.

Pinakita niya ang box ng scrabble at automatic na inayos namin ang upuan namin.

"Sali ako," Biglang sabi ni Kate na siyang ka-line rin namin.

"Sige lang."

Tumabi na nga ito at nakisali sa paglalaro namin.

"Ang matalo, bibili ng pagkain." Sabi ko nang makita ko ang score.

"Ang duga niyo naman!" Nakangusong sabi ni Jeya. Siya kasi ang ilan pa lang ang score.

"Walang duga! Duga!" Ginulo niya ang board kaya nahulog ang ibang tiles sa ibaba.

"Yay! Napakapikunin," Asar ni Kate sa kaniya.

Humagigik kaming dalawa ni Dey dahil sa naging itsura nito.

"Tig-lilima lang kayo!"

"Amg kuripot mo naman," Umirap lang ito at binalik sa ayos ang upuan niya at nanahimik.

"Kate, pakopyahin mo ako ah?" Tumango lang ito.

"Kopyahan na lang," Mahina akong natawa sa sinabi niya.

"Sali ako! Sali ako!" Nag thumbs up lang ako at nagsimula ng magsagot.

"Anong sagot sa 16?" Tanong ni Dey. Nilapit ko lang ang papel ko kaya alam kong nakita na niya ang sagot ko.

Ang galing lang kasi hindi kami ginawang one seat apart ng teacher.

Maya-maya nga rin ay natapos na kami at nagpasa.

"Natatae ako!" Bigla kong sabi dahilan para ikangiwi ngd alawa. 

"Anong gusto mo? Ngumanga pa kami para sayo?!"

"Pwede rin. Tipid sa tubig iyon kung sakali," Ganting sagot ko sa sinabi niya.

"Yuck! Kadiri ka talaga!" Manghahampas na sana ito. Buti na lamang ay nakaiwas ako.

"Yong pagkain namin! Hindi mo pa binibigay!" Biglang sabi ni Dey.

"Oo nga! Huwag kang maduga, Jeya!" Segunda ni Kate.

"Aba? Kayo nagbibigay ng baon ko?!" Mataray niyang sabi.

"Hindi. Pero natalo ka!" Walang ano-ano ay hinatak niya kaming tatlo.

"Hoy! Saan mo kami dadalhin?!"

"Savage ba ito?"

"Rape?"

"Oh no!" Sabay-sabay naming reaction nila kate at Dey. Niyakap pa namin ang sarili na para bang pinoprotektahan namin ito.

Pinakita lamang ni Jeya ang inis niyang mukha.

"Akala niyo naman ka-rape rape kayo! Pupunta tayong canteen! Pumili kayo ng tig-lilimang pisong pagkain doon! Uulitin ko! 5 pesos lang! 20 lang dala ko, sakto sa atin!" Ngumisi ito ng nakakaloko at nauna nang naglakad.

"Napakataba ng kaniyang utak." Tanging nausal ko na lang.

"Punyeta! Ang sinabi ko limang piso lang! Kayo ang magbayad niyan!" Singhal niya ng makita ang hawak-hawak namin na pagkain.

Moby, cheese ring, at milkita lang naman akin. Kay Dey ay piattos, chuckie, kay Kate naman ay nova, overload na cloud nine at oishi.

May dala rin naman kaming pera. Kung sakaling hindi siya nagbibiro na 20 pesos lang talaga ang dala niya, kami ang magbabayad. Pero sa ngayon, ilalabas muna namin ang dala niyang pera. As if naman na magdala siya ng ganoon kababa. Eh laging isang-daan pataas ang dinadala niya kapag kakain kami eh.

"Paano ba iyan? Nandito na tayo sa counter." Ngisi ko sa kaniya.

"Ibalik niyo!"

"Hala! Nabilang na ni ate!"

Napahilamos na lang siya sa mukha at nilabas ang 500 niyang pera.

Oh diba? Sabi sa inyo galante ang kaibigan ko eh. Akala naman niya mauutakan niya kami ni Dey. Siya kaya ang pinakamagastos sa aming tatlo.

Pare-parehas na malawak ang ngiti naming tatlo ng lumabas sa canteen. Ang mukha naman ng isa ay parang nalugi. Well, nalugi naman talaga siya. At least matutuwa ang taong pinaggastusan niya! At kami iyon!

*Evil laugh*

"Hintayin niyo ako! Maglilinis lang ako." Tumango lang ako sa sinabi ni Jeya.

"Bilisan mo lang at gutom na kami!"

"Ano pa nga ba? Nakakahiya naman sa mga kinain niyo kanina!" Umirap lang ito at kumuha na ng walis.

Parehas na lang namin tinakpan ang bibig namin ni Dey at pinipigilan na tumawa.

"Tayo pa lokohin niya! Eh, nakita ko siya kanina na nilagay sa bulsa niya ang 500 na iyon!"

"Oo nga! Ako nga kahit hindi ko alam ay kilala ko naman na siya. Hindi kaya iyon nagdadala ng maliit na halaga!"

"Tama! Tama!" At nakipag-apir pa ito sa akin.

"Ako na maghahanap ng upuan." Presenta ko sa dalawa nang makarating kami sa jollibee. Kinuha lang nila ang wallet nila at binigay sa akin ang bag nila.

Ang pagkakapareho lamang naming tatlo ay mahilig kaming kumain nang kumain. Basta may matipuhan lang kaming lugar ay tiyak kong mapapagatos ka talaga.

Pag walang pera ang isa sa amin minsan, libre ng dalawa at dahil masyado akong matipid, ako ang taong iyon. Pautakan na lang pagdating sa gastos.

—🌸

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Sinful Night   Fifteen

    Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?

  • One Sinful Night   Fourteen

    Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa

  • One Sinful Night   Thirteen

    MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?

  • One Sinful Night   Twelve

    MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m

  • One Sinful Night   Eleven

    MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag

  • One Sinful Night   Ten

    MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status