INICIAR SESIÓNMally
Maaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin!
Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.
Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!
Truth hurts!
Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.
Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan mo pa silang ituring na kaibigan diba? Hindi mo alam na may sinasabi na palang masama tungkol sayo.
Ay naku 'day! Ako'y nanggigigil kapag ganoon ang tao. Huwag na huwag lang talaga sila magkamali na pagtsismisan ako, ilulublob ko talaga sila sa tae ng baka, kalabaw, kambing, manok, ng aso, ah! Basta kahit saan ang mahalaga tae!
Nang makarating sa classroom ay nilabas ko muna ang cellphone ko. Sinaksak ko ang earphone at nakinig ng music habang naglalaro ng tong-its.
Ilang minuto naging ganoon ang set up ko hanggang sa umangat ang ulo ko at napatingin sa kaliwa. Since sa kanan ako nakaupo at dulo pa.
Nasalubong ng tingin ko ang isang tingin mula sa isang taong hindi ko kilala. Siya ata ang bago naming kaklase?
Longing.
May pananabik akong nasilayan sa kaniyang mga mata kahit na seryoso ang mukha niya.
Bakit niya ako tinitignan ng ganyan? Kilala ko ba siya? Iniwas ko ang tingin ko at bumalik na lang sa paglalaro.
Ngunit hindi mawaksi sa aking isipan ang aking nakita kanina.
May parte sa puso ko na parang nakikilala siya pero hindi ko naman siya namumukaan. May atraso ba ako sa kaniya?Nakasalubong ko na ba siya at nagawan ng kasalanan?
Mariin kong pinitik ang mata ko at saka bumuntong hininga. Ilang oras pa ay dumating na ang pang-una naming guro at wala pa ang dalawa. Sinasabi ko na nga ba eh!
Hanggang sa dumating na ang pangalawang guro namin para sa umaga wala pa rin sila.
Nang magrecess doon ay nag-unahan sila magsipasok. Biniro sila ng iba naming kaklase na maaga pa para sa panghapon na klase.
Nginisihan ko lang sila.
"Ano? Hindi pa kayo umuwi ah?" Asar ko sakanila.
"Tangek! Hindi sa ganoon. Nag stalk pa kasi ako." Rason ni Jeya sa akin.
"Ako din!" Nagkatinginan sila dahil doon.
"Siya rin inistalk mo?" Marahang tumango si Dey at ngumiti ng malawak.
"Ang gwapo talaga, girl!" Tumango-tango naman sa kaniya si Jeya at nilingon ang kaliwang parte ng classroom.
Ginaya ko naman ito at nagulat ako ng nakatingin na naman sa akin ang transferee. Eh? Nananaginip ba ako o ilusyon lang ang lahat ng ito?
Kinusot ko ang aking mata at muli itong tinignan. Hindi na siya nakatingin sa akin dahil may kausap na ito na babae.
Hmm?
"Gigil talaga ako sa babaeng iyan!"
"Sinabi mo pa! Lahat na lang—"
"Dey! Huwag mo na ituloy." Banta ko rito. Tinikom naman nito ang bibig at nilabas na lang ang dalang pagkain.
"Late na nga kayo, nagawa niyo pa kumain."
"Syempre! Food is life girl, huwag mo kakalimutan ang motto na iyan!" Inismiran ko na lang ito at kinuha ang pagkain niya.
"Nagrereklamo ka pa, kakain ka rin naman pala!" Dumila lang ako sa kaniya at kinain ang dala niya.
"Hoy! Saan kayo mamaya?"
"Bakit? Mag-aaya ka na naman ng gala?"
"Syempre hindi!"
"Eh bakit tinatanong mo?" Masungit kong tanong sa sinabi ni Jeya.
"Kasi gagala tayo!"
"Nababaliw ka na naman!"
"Baliw rin naman kayo kaya okay lang na maging baliw. Friendship goals iyon!" Binatukan ko na lang ito at tumingin sa harapan.
"Whatever! Makinig ka na nga muna Jeya!"
"Tara na!" Sabay hatak niya sa amin ni Dey.
"Teka lang! Nag-aayos pa nga ako ng bag oh!" Sagot sa kaniya ni Dey at pinakita ang mga gamit niyang nakalabas pa.
"Ang bagal mo naman!" Singhal niya rito at tinulungan na si Dey na ilagay lahat ng gamit nito sa bag.
"Jeya naman! Ang gulo mo naman maglagay! Aayusin ko na naman tuloy iyan mamaya sa bahay!" Reklamo niya.
"Okay na iyan! Masipag ka naman! Tara na!" Umakbay na siya sa aming dalawa at nag-umpisa na maglakad. Napasunod na lang kami dito.
Tinignan ko si Dey at nakasimangot ito.
Tila may nakatingin sa gawi ko kaya tinanggal ko ang pagkakaakbay sa akin ni Jeya at hinanap ito.
There he is!
Kunot-noo kong sinalubong ang tingin niya hanggang sa may humatak sa kamay ko dahilan para malihis ang tingin ko sa kaniya.
"Isa ka pa!" Hindi na lang ako sumagot. Ramdam ko pa rin ang tingin niya sa aking likuran pero pinagpatuloy ko na lang ang aking paglakad.
Sabay-sabay na umangat ang tingin naming tatlo sa nakapaskil na pangalan ng restaurant.
Sabay-sabay rin kaming lumunok na tila ba ay natatakam na kami sa pagkain. Nagkatinginan kaming tatlo hanggang sa napagpasyahan namin na pumasok na.
Samgyeopsal here we are!
"Kain lang ng kain baka bukas patay na tayo!" Pabirong sabi ni Jeya. Tumawa lang kami at nagsimula ng ihanda ang kakainin namin.
"Ah! I'm so busog na!" Sumandal ito at hinawakan ang tyan niya.
"Ang dami mo ba naman kainin eh!" Napasandal na rin ako at dumighay.
"Thanks God!"
"Anong oras na ba?" Tanong ni Jeya. Kasalukuyan siyang nakatingala at tila nakalimutan niyang may relo siyang suot.
"8 na. Tara na ba?" Biglang tumayo si Dey.
"Mamaya na! Busog pa ako!" Dahil sa naging sagot ni Jeya ay muli siyang umupo at tumingala na rin.
"Okay!"
Naglalakad na kami pauwi ng may madaanan kaming ice cream parlor. Tila iisa ang isipan namin dahil pare-parehas kaming tatlo na huminto at tumingin sa loob.
"Tara!" Sabay hatak sa amin ni Dey papasok sa shop.
Ice cream here we go!
"Ano sayo, Mally?"
"Rocky road!" Masayang sabi ko.
"Cheese akin, Dey." Tumango lang ito at pumunta na sa counter.
"Sana hindi tayo magtae!" Biglang sabi ni Jeya kaya natawa ako.
"Tatae lang pero hindi magtatae!" Tinaas ko naman ang kamay ko at ganoon din siya.
"Fighting!"
—🌸
Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?
Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa
MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?
MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m
MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag
MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi