Share

Fifteen

Auteur: Ceres
last update Date de publication: 2020-08-25 20:20:37

Mally

"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?"

"Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.

Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar.

"Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot.

"Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.

Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.

Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko? Wala na kaya siyang tiwala sa akin? Pero wala naman akong ginagawang masama. Napasimangot ako sa sarili kong thoughts nang may taong nakatayo sa harapan ko.

"Bakit?" Tinanggal ko ang suot kong earphones para pakinggan ang sasabihin nito.

"May notes ka ba ng kanina?" Kumunot ang noo ko dahil sa tinanong nito.

"Wala bang notes ang mga katabi mo?"

"Ah, kasi—"

"Pahiramin muna, Mally! Alam mo namang tamad ang mga kaklase natin eh!" Paniningit ni Dey.

Nilibot ko ang tingin ko at halos lahat ng natira sa loob ay nakatingin rin pala sa gawi namin.

"Bakit hindi ikaw?" Walang gana kong sagot pabalik sa kaniya.

"Hindi ako nagsulat kanina eh," katwiran nito.

Hindi daw! Baka ayaw lang? Kinuha ko na lang ang notebook ko at binigay ito sa kaniya.

"Salamat!" Tumango lang ako.

"Hoy! Ingatan mo iyan! Buhay ni Mally ang nasa loob niyan!" Ani ni Jeya.

"Or pwedeng ikaw na lang ang maging buhay ni Mally!" Biglang banat ni Jomar.

Argh! Ano bang nakain ng mga ito at trip nila ako?

Napairap na lang ako at dumukdok sa lamesa. Bahala kayo diyan!

"Uwi ka na?" Inis kong binalingan ng tingin si Dey dahil sa naging tanong nito.

Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako ngayong araw.

"Hindi! Papasok pa lang ako. Tsk!"

"Eh?"

"Ih?" Tuloy ko sa sinabi nito.

"PMS si girl. Oh, siya, tara na." Parehas kaming inakbayan ni Jeya kaya napasabay na lang din kami sa lakad niya.

Nang makauwi sa bahay ay walang gana kong nilakad ang daan papunta sa kusina.

"Nandito na po ako," nanghihina kong wika kay nanay nang makita ko itong nagluluto.

"Pagod ka ata? May nangyari ba?" Umiling lang ako at nagpaalam.

Alas kwatro pa lang ng hapon kaya wala pa si tatay. Mga 6 kasi ang uwi niya, minsan ko lang din siyang maabutan na maagang umuuwi.

Harkin Hernandez

Active Now

Nasa labas ako.

Maikli lamang ang mensaheng iyon ngunit mabilis akong tumayo at tinignan siya mula sa bintana. Tila alam niya ang kwarto ko at inaabangan na sisilip ako. Nang makita niya ako ay winagayway nito ang hawak na cellphone.

Hindi na ako nagreply at lumabas na lang ng kwarto para puntahan siya.

"Paano mo nalaman ang bahay ko?" Kunot-noong tanong ko dito.

Nilibot niya ang tingin sa buong bahay at ngumiti.

"Sinundan kita," sagot nito sa tanong ko.

"Eh? Stalker?"

"Gwapo ko namang stalker. Gawin mo ng admirer!" Nagpogi pose pa ito.

"Humangin ata bigla? Ang lakas ng hangin, woah! Tinatangay na ako!" Sarcastic kong sabi dito pero ngumiti lang siya. Edi ikaw na ang may kompletong ngipin! Patingin nga ng dulo.

"Joke lang—"

"Marunong ka pa lang magjoke?" Pangbabara ko sa kaniya. Tila hindi ito naiinis sa inaasal ko dahil tumatawa pa ito. Clown ba ako?

"Siyempre! Tao pa rin ako, pero kapag tayong dalawa na ang pag-uusapan bagay na iyon," banat niya.

"Oh? May tayo ba?" Napangisi na lang ito at nilapit ang mukha niya sa mukha ko dahilan para ihakbang ko paatras ang mga paa ko.

"Wala, pero gusto ko. Ikaw ba gusto mo?" Aba't! Ayos din 'to eh? Masama ko na lang siyang tinignan at tinanong na lang ulit.

"Bakit ka nga ba nandito? At saka, paano mo nga nalaman ang bahay ko?!"

"Isasauli ko lang itong notebook mo. Nakalimutan ko ibalik sa iyo kanina," napakasipag naman niyang magbalik kung ganoon.

"Pwede naman bukas, nag-abala ka pang pumunta." Inabot ko ang notebook ko na inaabot nito.

"Basta para sa iyo, hindi ka abala." Sabay kindat ng mokong. Napangiwi na lang ako sa kakapalan ng mukha nito.

"Tapang mo ah? Sa room hindi ka naggaganyan!"

"Eh, paano kita kakausapin kung lagi mong kasama ang mga kaibigan mo? Minsan naman busy ka sa pagc-cellphone o 'di kaya naka-earphone ka naman." Nakasimangot na saad nito.

"Ay wow! Alam na alam?"

"Siyempre! Ako pa ba? Basta sa future ko, dapat alam ko lahat!" Ihahampas ko na sana sa kaniya ang hawak kong notebook nang lumabas si nanay.

"Anong ginagawa mo—oh? May bisita ka pala, Mally? Bakit hindi mo manlang pinapasok?" Eh?

"Uuwi rin po kasi siya agad, 'nay. Binalik lang ang notebook ko," tumango-tango lang ito.

"Oh, sige. Bilisan niyo diyan at kakain na. Nandito na rin si tatay Andy mo." Tumango lang ako sa kaniya. Nagpaalam na rin siya sa kausap ko at saka pumasok na rin ito sa loob.

"Oh, sige na. Salamat dito!" Akmang papasok na ako nang hawakan nito ang pulsuhan ko.

"Teka lang," tinaas ko lang ang kilay ko at hinintay ang sasabihin nito.

"Kasi—" putol niya sa sasabihin.

"Ano ba iyon? Bilisan muna, baka pagalitan pa ako ni tatay kung magtatagal pa ako dito."

"Ay ganoon ba? Pasyensya na," binitawan na nito ang pulsuhan ko at nilagay sa bulsa ang kamay.

"Ano ba iyon?" Ulit ko sa tanong ko kanina.

"Nais ko lamang itanong kung maaari rin kitang kausapin bukas?"

"Bakit? May batas bang nagsasabi na bawal na akong kausapin kinabukasan kapag kinausap na ako ngayong araw?" Tinaas ko ang kaliwang kilay ko at hinihintay na sagutin niya ito.

Umiling lang ito.

"Hindi naman sa ganoon. Baka kasi nahihiya ka nang kausapin ako bukas, sa loob ng classroom," mahinang wika niya.

"Bakit naman ako mahihiya? May dapat ba akong ikahiya?"

"Well, iyong kanina—"

"Iyong kanina, nahiya lang ako kasi muntik na akong masubsob. Ayon lang iyon," tumango-tango ito at ngumiti ng malawak.

"So, pwede na kitang kausapin bukas?"

Nagkibit balikat lang ako at, "Why not?"

Napa 'yes' ito at tinaas pa ang kamao. Nang makita niya na nakita ko ang ginawa nito ay nahihiyang binababa niya ang kamay at nilagay muli sa bulsa.

Trying to be cool, ha?

"Ayon lang ba?" Tumango lang ito.

"Oh, sige. Papasok na ako sa loob. Ingat ka sa pag-uwi and see you bukas." Ngumiti lang ako at tumalikod na.

Narinig ko pa ang sigaw nito na, "see you!"

Tsk! Napapailing na pumasok ako at pumunta na sa hapag.

—🌸

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • One Sinful Night   Fifteen

    Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?

  • One Sinful Night   Fourteen

    Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa

  • One Sinful Night   Thirteen

    MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?

  • One Sinful Night   Twelve

    MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m

  • One Sinful Night   Eleven

    MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag

  • One Sinful Night   Ten

    MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status